Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SWP- NANATILI PERO HINDI PINILI

"Nanatili Pero Hindi Pinili"

Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba 'yong araw na binitawan ka ng iba?
'Yong araw na sinubukan kong saluhin ka?
'Yong araw na sana pala, iniwasan na lang kita.

Eh ako? Naalala mo pa ba ako?
Naalala mo pa ba 'yong taong palaging sinasandalan mo?
Naalala mo pa ba 'yong taong hindi marunong tumanggi sa'yo?
'Yong taong dinurog ang sarili para ikaw ay muling mabuo.

Naalala mo rin ba ang tayo?
Naalala mo ba kung paano tayo nangako?
Naaalala mo ba kung paano tayo umiwas sa salitang pagsuko?
'Yong tayo na akala ko hanggang dulo at walang makatitibag sa ikaw at ako.

Malamang hindi na, kasi mayroon ng siya.
Limot mo na ang lahat dahil may panibago kang saya.
Kinalimutan ang ako, kasi hindi na interesado.
Tinapos ang tayo kahit nakakapit pa ako.

Inayos kong mag-isa, hindi kita binitawan.
Ginawan ng solusyon, kahit wala ng paraan.
Minamahal ka pa rin, kahit may iba ka nang kinakapitan.
Pinilit kong ibalik, kasi ayaw kong maiwan.

Muli kong narinig, ang salitang mahal kita.
Kaya nagpursigi akong ipaglaban pa.
Kahit nagkaroon ng lamat, magpapatuloy tayong dalawa.
Hawakan mo lang ang kamay ko, handa akong magpakatanga.

Nanatili sa tabi mo, kahit alam kong ako ang dehado.
Kumapit nang mahigpit, kahit ramdam kong dumudulas ang pagkakahawak mo.
Nagpanggap na hindi masakit, kahit nauubos na ako.
Kunwari walang alam, kahit alam ko ang panggagago niyo.

Ngayon, tatanungin ulit kita,
Masaya ka ba?
Masaya bang saktan ang tulad kong tanga?
Masaya bang balewalain 'yong taong palagi kang inuuna?
Masaya ba sa pakiramdam na saktan ang taong walang ibang ginawa kun'di mahalin ka?

Alam ko namang oo ang magiging kasagutan.
Kaya ibibigay na ang iyong kalayaan.
Sana sa kanya mahanap ang tunay na kaligayahan.
Pagod na rin kasi akong makipaglaban.

Ako ang nanatili, pero hindi mo pinili.
Ako ang nasa iyong tabi, pero hanap ay ibang labi.
Lumakad ka na palayo, ayaw ko ng magbakasakali.
Tapos na ako sayo at hindi na mauulit muli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro