Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KAPATAWARA'Y 'WAG ASAHAN

KAPATAWARA'Y 'WAG ASAHAN
(Limang linya, labindalawang pantig. Kahit bilangin mo pa)

I.
Ako'y naglalakad sa tabi ng daan
Nang may humarang sa mismo kong harapan
Ako'y napatigil sa'king nasilayan
Lalaking mala anghel sa kalangitan
Na iniwan ang puso ko na sugatan

II.
Pinagmasdang mabuti ang iyong mukha
Mga bilugan at kumikislap mong mata
Mga labi na kay ganda at mapupula
Ganda mo'y walang kupas at kapareha
Gaya ng sakit na aking nadarama

III.
Nararamdaman ay di maintindihan
Kung bakit ako pa rin ay nasasaktan
Sobrang tagal na ng ikaw ay lumisan
Ngunit nakaraa'y hindi malimutan
Dahil ikaw ay minahal ng lubusan

IV.

Ngayong nandito ka sa aking harapan
G

usto yata kitang yakapin at hagkan
Ngunit sarili ko ay pinipigilan
Iniisip na imahinasyon lamang
Ang nakikita ay ibang tao lamang.

V.
Nang ako ay humakbang palayo sa iyo
Ikaw ay nagtanong kung kumusta ako,
Ang sarap mong saguting pakialam mo,
At bigla kang tumitig sa mga mata ko
At sinabi mong "patawarin mo ako."

VI.
Kapatawaran ay dapat bang ibigay
Kung labis na pasakit sa'kiy inalay
Nang dahil sayo nagbago aking buhay
Naging miserable at puno ng lumbay
Kaya kapatawara'y sayo'y di bagay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro