Ilang araw din akong nasa ospital. Nakakabagot, ang boring. Wala man akong magawa.
Gusto ko sanang basahin yung mga bigay na libro nina Carlos at Tomy, kaso nakakasakit ng ulo. Bwisit kasi, nahulog ako tapos ulo pa ang natamaan. Ang hirap tuloy magbasa. Sana gumaling na ‘ko. I can’t imagine living a life not reading.
Bakit kaya ganun? Pangarap nalang ang meron ako, mawawala pa. Kailan ako magiging masaya? Ayaw ko ng temporary happiness, gusto ko permanent. Magkakasakit na ko sa dibdib nito e.
Ayaw kong umiyak, nakakasawa na. Ganun ba karami ang tubig sa katawan ko kaya meron akong unlimited tears?
Nakakatawa no? Parang kahapon lang ang saya saya mo, ngayon iyak ka ng iyak. Ikaw kasi gusto mo ng balance, may equilibrium ka pang nalalaman.
Ayaw ko munang isipin yung nangyari, masyado ng masakit physically, baka mamatay na ko pag binigyan ko pa ng pansin yun. Mas masakit kaya ang emotional pain.
Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit na huwag alalahanin ang mga masasayang alaala na nagbibigay na ngayon ng poot sa aking puso.
Isang gabi, pumunta si mama sa ospital, may dala siyang paper bag. “Heto,” sabi niya, sabay abot sa’kin. “Magbasa ka muna para hindi ka mainip.”
“Salamat,” sabi ko. Nabigla ako, hindi naman kasi siya madalas magbigay ng regalo.
Teka, baka birthday ko, nakalimutan ko lang? Baka may mga memorya talaga kong nakalimutan?
Alam kaya ni mama yung nangyari sa araw ng aksidente ko? Sinabi kaya niya kay mama? O baka naman tinatago niya dahil nahihiya siya?
Umupo si mama sa tabi ko, at inayos ang buhok ko. “Alam mo noon, lagi kitang pinapagalitan dahil bili ka ng bili ng libro,” sabi ni mama. “Ang hilig mo kasing magbasa. Ang dami mo nang libro, bumibili ka pa. Alam ko rin na minsan tinatago mo sa bag mo yung mga pinamili mo para hindi ko makita. Pero kilala kita kasi anak kita.”
Umiiyak na si mama, tumutulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
“Anak, patawarin mo ko dahil hindi kita sinuportahan sa mga gusto mo. Lagi kitang pinapagalitan. I’m sorry, anak.”
Niyakap ako ni mama habang patuloy siyang umiiyak.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagi-guilty ako kasi hindi naman ‘to totoo pero pag sinabi ko sa kanya na hindi ako nawalan ng memorya, ano pang point ng pagpapanggap ko?
“Mama,” sabi ko, “huwag ka ng umiyak. Okay naman ako e.”
Sasagot sana siya ng biglang may kumatok sa pintuan. Pinunas agad ni mama ang luha niya at tumayo para buksan ang pinto.
“Good evening po.”
Pagtingin ko, nanlaki ang mga mata ko. Nag poker face agad ako, baka kasi mahalata niya na nabigla ako sa pagdating niya.
Kainis, anong ginagawa niya dito?
Bwisit, ayaw pa kong lubayan, nakapag- move on na ‘ko.
“Ako nga po pala si Franco.”
I wish there were memories I could erase with a snap of a finger.
Minsan kasi hindi naman nakakainis yung tao, kundi yung ginawa niya.
I close my eyes and take a deep breath.
It’s okay, remind ko sa sarili ko. Hindi mo naman siya kilala.
“Kaibigan ka ba ng anak ko?” tanong ni mama.
“Opo,” sagot ni Franco.
Gusto kong tumawa. Friends don’t ignore each other. Hindi siguro siya na-informed.
Lumapit si Franco sa kama ko. “Kamusta ka na?”
“Mabuti naman,” sagot ko.
Umupo siya sa tabi ko. “Pwede ba tayong mag-usap?”
“Sige, kaya lang baka hindi ko maintindihan dahil wala akong maalala.”
I bite my cheek. Ano ba yan, baka mahalata ako nito e.
“Okay lang ba kung sa labas tayo?”
“Sige,” sabi ko.
Gusto ko rin naman ng fresh air. Nakakasuka yung amoy ng ospital kahit na naka-aircon yung kwarto ko.
“Heto nga pala,” sabi niya, sabay abot sakin ng purple hyacinth. Ang weird naman ng napili niyang bulaklak. Parang may something.
“Ma, lalabas muna kami ni—“ Tumingin ako kay Franco at tinanong, “Ano nga pala ulit ang pangalan mo?”
Halata sa ekspresyon niya ang pagkabigla. Akala niya siguro nagpapanggap lang akong hindi ko siya kilala.
“Franco,” sabi niya.
“Sa labas kami mag-uusap ni Franco,” sabi ko.
“O sige,” sabi ni mama. Tinulungan niya kong umupo sa wheelchair.
Hindi pa rin ako makalakad dahil hindi pa functional ang mga binti ko. Pag matagal din akong nakatayo, nahihilo ako. Sobra siguro yung pagkabagok ng ulo ko.
“Ma, uwi ka na muna,” sabi ko. Siya lagi nagbabantay sa’kin, e ang tanda ko na. I can take care of myself.
“Wala kang kasamang matutulog.” Inayos niya yung mga bigay na bulaklak ni Franco at nilagay sa vase. Marami na kaming stock; every day may dumarating na bago.
“Kaya ko naman. Mag pahinga ka nalang.”
“Samahan nalang kita.”
Ang mga nanay talaga, ang kukulit.
“Baka magkasakit ka pa niyan, wala ka ng pahinga,” sabi ko. “Mas gusto ko rin natutulog ng walang kasama sa kwarto.”
“Sigurado ka?” may pag-aalala sa boses ni mama.
Naalala ko bigla yung mga panahon na inis na inis ako sa kanila ni papa dahil masyado nilang pinapakialaman ang buhay ko. Ngayon todo suporta sila sa mga gusto ko. Well, baldado kasi.
“Oo nga, ma, kaya ko na.”
“O sige.” Finally. “Tawagan mo ‘ko kung may kailangan ka,” sabi niya, “babalik ako bukas ng umaga.”
Inayos ni mama ang mga gamit niya at nagpaalam sa’min ni Franco.
Pagkaalis ni mama, hinarap ko si Franco at sinabing, “Tara na.”
Tinulak niya ang wheelchair ko. Gusto ko sana siyang patigilin at sabihan na kaya ko na, pero nanghihina pa rin ako. Tahimik kami pareho habang papunta sa garden ng ospital.
Hindi kumportable, pero wala naman kaming magagawa. Ang laki na ng gap namin sa isa’t-isa.
Sumakay kami ng elevator at umakyat sa top floor. Yung garden kasi ng ospital nasa rooftop. Mabuti nalang hindi pinagbabawalan ang mga pasyente dito.
Kitang kita yung mga bituin sa langit. Iba’t-iba rin ang klasi ng mga bulaklak dito kaya ang bango, at aliwalas ng simoy ng hangin.
Pumunta kami sa harap ng isang maliit na fountain. Umupo si Franco sa may bench sa harap ng wheelchair ko.
Ano ‘to, magtititigan lang ba kami? Akala ko ba gusto niya kong kausapin? Bakit hindi pa siya nag-uumpisa? Kainis naman e, dapat ako mag start ng conversation, ganun? Bwisit. Naalala ko tuloy yung panahon na okay pa kami. Yung walang namamagitan na misunderstanding. Yung time na maayos pa ang lahat.
“Paano kita nakilala?” tanong ko.
Ayan, magkakaalaman na. Tignan natin kung aamin siya ngayong alam niya na wala akong memorya. Magsisinungaling kaya siya, o sasabihin niya ang totoo?
“We met three years ago in a charity event. I was a loner.” Tumigil siya sa pagsasalita at bahagyang ngumiti. “You were the first one to talk to me. It was awkward at first because we didn’t have anything to talk about.”
Wow, hanep. Nagkaroon lang ako ng amnesia, naging English speaking na siya.
“Mabuti nalang madaldal ka,” pagpapatuloy ni Franco.
“Madaldal ako?”
Tumawa siya.
Hindi ko na maalala kung paano yung tawa niya noon. Sign na siguro na wala na kong feelings sa kanya.
“Sobrang daldal mo,” he says amusedly. “Nakakatuwa ka pang magkwento dahil kitang kita sa mukha mo yung excitement.”
Ano ba yan, hindi panahon para mag reminisce ng nakaraan.
I clear my throat. “Akala ko may gusto kang sabihin?” Direct to the point, wala ng paliguy-ligoy pa.
“Gusto kong humingi ng tawad.” Seryoso ang tono ng boses niya.
“Para saan?” tanong ko.
Siyempre kailangan kong umarte na may amnesia; mahirap na baka mahuli pa. Kainis kasi, tahimik na ang buhay ko, pumunta pa siya dito.
“Hindi mo talaga naaalala?”
Pinigil ko ang sarili ko. Gusto ko siyang sapakin. Ang lakas mang-inis e.
“Tutal hindi mo naman alam, let me tell you the story of how we met.”
Ang sabi nila, nakakalason daw ang pag-asa. Nakakaadik. At katulad ng drugs, masama sa tao.
Kaso dun ako magaling e, ang umasa sa wala.
“Huwag mo na kong ihatid,” sabi ko kay Franco pagkatapos naming mag-usap. “Alam ko naman ang daan papunta sa kwarto ko.”
“Hindi, tutulungan—“
“Franco, please.”
Bumuntong hininga siya. “I guess this is the end.” Tiningnan niya ko ng diretso sa mata. “I’m really sorry.”
You’re such a coward. Kung kailan alam mong may amnesia ako doon mo naisipan humingi ng tawad.
Bakit?
Para ba hindi kita masumbatan dahil sa pag-aakala mong hindi ko alam?
Nagpaka-tanga talaga ako sa’yo noon. Buti nalang ikaw ang pagkakamaling hinding hindi ko na uulitin.
Pinigil ko ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi niya pwedeng makita na naaapektuhan ako sa sinabi niya.
Kung pwede lang tumakbo, ginawa ko na. Kaso hindi ko kaya dahil nakasakay pa rin ako sa wheelchair. Buti nalang hindi na niya ko sinundan.
Pagdating sa kwarto ko, nagtataka ako bakit bukas ang pintuan. Napatigil tuloy ako.
Please Lord, huwag sana siya. Hindi pa ko ready na makita siya. Please, kahit ngayon lang. Hindi ko kaya ang sobrang drama sa isang gabi.
Pagpasok ko sa kwarto, may nakita akong isang lalaki na nakaupo sa sofa. Nakatalikod siya sa’kin pero alam ko kung sino siya.
Nang marinig niya ko, humarap siya sa’kin.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
Kumunot ang noo ni Gino. “Nakikilala mo ko?” tanong niya na may pagtataka. “Akala ko may amnesia ka?”
*****
Hi, sorry, ang tagal ng update. Pero sana nagustuhan niyo :)
Song > Wala Na Bang Pag-Ibig by Jaya
Salamat sa pagbasa <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro