As I walked along the sky / Of my dream you came alive / And it feels you're made to change / My whole life
Ano ba yung tumutunog, bakit familiar? Napapakanta tuloy ako.
And I know you will be there / There for me to make me stare / And it will be always and / Forever in my dreams
Ay! Ringing tone ko nga pala yun! Akala ko kasi nanaginip lang ako eh. Teka, hindi naman ako nag-alarm kasi wala akong trabaho ngayon, bakit tumutunog pa rin?
Hinayaan ko na lang, at sinubukang matulog ulit.
Dream, it makes me change but not for real / 'Cause I only see you smiling / In my dreams, that's the only time / I make you feel / What I have for you is real
Pipindutin ko na sana yung dismiss button dahil ayaw pa rin tumigil ng makita ko na may tumatawag pala.
"Sino 'to?" tanong ko. Ke-aga-aga, nanggigising!
"Si Maria."
"Anong kailangan mo? Alam mo ba kung anong oras palang?!"
Ang ayaw ko sa lahat ay yung ginigising ako. Ang himbing pa naman ng tulog ko, tapos ang ganda ng panaginip ko.
"Friend, favor naman oh?"
Hindi man lang nag sorry! "Anong kailangan mo?"
May pagka-suplada ako ngayon dahil una, pangalawang araw ko, at pangalawa, hindi maganda ang gising ko.
"Di ba it's your day off today?" tanong ni Maria.
"Oo."
"Pwede bang pumasok ka?"
"Huh? Bakit?!" Bigla akong napaupo ng mabilis kaya naman sumakit ang ulo ko. Vertigo na naman. Tsk.
"Tumawag kasi si boyie, may surprise raw siya sakin for our first anniversary," kinikilig niyang sabi.
"Ano ngayon?"
"Ih, friend naman eh!" Ngayon naman pangsusuyo na yung tono ng boses niya. "I need your help kasi walang papalit sa duty ko. Sorry, biglaan kasi kaya I didn't get the chance to ask Boss para makapag-absent ako."
"Gusto mo akong magtrabaho sa shift mo?"
"Midshift ako."
"Eh bakit ganitong oras ka tumawag?!"
"Naninigurado lang," sabi niya habang tumatawa. "So ano, pwede ka?"
Isang araw lang sa isang linggo yung opportunity ko para makita si Alden, mawawala pa! Kawawa naman yung kaibigan ko, kailangan niya ng kapalit kaya bilang kaibigan, responsibilidad kong tulungan siya.
"Okay, sige," sabi ko.
"Thank you talaga, friend! May utang niyan ako sa'yo."
"Teka, mag paalam ka muna kay Boss."
"Pumayag na siya," sabi niya, sabay tawa.
"So in-expect mong papayag ako?" tanong ko.
"Of course! Maaasahan ka kaya!"
"Ikaw talaga! Sa susunod—"
"Yes, pagbibigyan din kita."
"Tatandaan ko 'yan."
"You need to have a boyfriend na kasi—"
"Hindi ko kailangan ng lalaki na gugulo lang sa buhay ko."
Kahit na mukhang gusto ko si Alden sa mga asal at pinagsasabi ko, sa totoo lang, hanggang kilig lang ako. Hindi ko kasi nakikita ang sarili ko na makakasama ko siya sa hinaharap. Actually, parang tatanda nga akong dalaga eh. Paano ba naman sa dinami-rami ng mga lalaking na-link sakin, walang naging magandang ending. Puro lang sakit ang dulot sakin.
Nag buntong hininga si Maria. "O sige, I need to get ready na. I'll see you tomorrow!"
"Fine! Have fun sa date niyo!"
Pagkatapos namin magusap ni Maria, natulog ulit ako. Pag gising ko, alas diyes na. Okay lang, wala naman—
Oh no! Naalala ko na kailangan ko nga palang pumasok ngayon! Kainis, nakalimutan kong i-set ang alarm clock. Alas onse mag-uumpisa yung work ko, pero isang oras din ang byahe papunta dun. Tsk.
Mabilis akong kumuha ng damit at dumiretso na agad sa banyo. Wala akong oras para maligo kaya nag wisik-wisik nalang ako. Naligo naman ako kagabi , at hindi naman ako mabaho. Hindi ko rin kasi mapapatuyo ang buhok ko dahil oras na. Mamayang pag-uwi ko nalang ako maliligo.
Naghilamos nalang ako, tapos nag sipilyo. Ang malas, wala ng laman yung toothpaste kaya piniga ko nalang! Kainis oh, bakit ngayon pa minalas!
Tumakbo agad ako sa kwarto ko pagkatpos kong makapagbihis. Dali dali kong inayos ang mga gamit ko. Sa sasakyan nalang ako magsusuklay. Lalabas na sana ako ng bahay ng makita ako ni mama.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Magta-trabaho." Aalis na sana ako ng magsalita pa siya ulit.
"Wala ka naman trabaho ng Linggo, diba?"
"Oo, pero kulang ng staff kaya pinapasok nila ako," sabi ko ng mabilis. "Alis na ko!"
Nag abang ako ng taxi sa may kanto, hindi na kasi pwedeng mag jeep dahil matatagalan lang ako. Ipapabayad ko nalang ang lahat ng magagastos ko ngayong araw na 'to kay Maria.
Dalawa ang day off ko: Sabado at Linggo. Ang ganda no? Marami ang nagsasabing maswerte raw ako. Paano ba naman, kaibigan ko ang manager sa pinagta-trabauhan ko, si Gerald. Besides, hindi siya nagiging bias dahil yung mga kasama ko sa trabaho mas gusto pa na weekdays yung off nila. Ayaw raw kasi nilang nakikipagsiksikan sa mall tuwing weekends. Pag Lunes hanggang Biyernes raw kasi ang konti lang ng mga tao. Parang solo nila. Mabuti nalang talaga hindi kam pare-pareho ng gusto, kung hindi mahihirapan ako.
Tinext ko si Melissa at sinabing hindi ako makakasama sakanila sa church. Nalungkot ako bigla. No Alden na naman this week. Pati nung isang linggo wala rin. Hindi na ba kami magkikita ulit? Yun na ba yung last naming pag-uusap? Sayang naman yung pag-asa ko. Kainis kasi yung—
Oops. Hindi na pala ako bitter. Pero mas maganda kung hindi ko na babanggitin yung pangalan niya. Lasa kasing ampalaya.
Nakarating ako sa café ng dalawang minuto bago mag alas onse. Phew! Hindi ako late! Mabuti nalang at mabilis mag maneho si manong driver! Dumiretso ako sa locker room at sinuot ang uniform namin. Black slacks, tapos yung official shirt ng store namin.
"Nandito ka na pala," sabi ni Gerald. "Buti napapayag ka ni Maria."
"May utang siya sakin," sabi ko.
Ang pamilya ni Gerald ang may ari ng coffee shop na pinagta-trabauhan ko. Dahil maraming business ang pamilya nila, sakanya pina-manage itong Bean Stalk. Chinese kasi sila, at ayaw ng mga magulang niya na magtrabaho siya sa iba, kaya pagka-graduate niya palang, binigay na sakanya 'to. Parang graduation present.
Ang cool talaga maging mayaman, wala ng kailangang problemahin pa sa financial. Pero dahil may kaibigan akong mayaman, alam ko na hindi rin madali ang buhay nila. Magulo kaya sa business world. Tapos sabi ni Gerald nape-pressure daw siya dahil ang taas ng expectations ng family niya sakanya. Yung kuya niya kasi at ate, nakapagpatayo ng kanya-kanya nilang businesses na walang tulong galing sa mga magulang nila.
Nakilala ko si Gerald nung college, magkaklase kasi kami. Pag nasa work kami, Sir ang tawag ko sa kanya, pero pag nasa labas na, wala ng formality. Mahirap na kasi, akala nila favouritism. Hotel and Restaurant Management ang natapos kong kurso. Gusto ko lang naman maging barista dahil sa free coffee dito sa trabaho ko. Coffee addict kasi ako.
Kahit na pinapagalitan ako ng parents ko at sinasabing masama ang kape pag sobra-sobra , hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang sarap kasi eh. Hindi na rin pala ako tinatablan ng nerbyos. Psh, hindi naman kaya totoo yun. Edi sana matagal ng nangiginig ang mga kamay ko.
Maraming tao ngayon sa café, Sunday kasi. Hay, kaya nga ayaw ko ng weekends, nakakapagod. Apat kaming naka-duty, at sa cashier ako. Kasama ko rin sa trabaho si Aly, pero mamaya pa yung shift niya.
Kahit maraming makukulit at nakakairitang customers kailangan kong mag smile at maging friendly. Nasa job description ko kasi yun. Kaso ang hirap when you woke up at the wrong side of the bed. Sumakit na nga yun bibig ko sa kakapilit kong ngumiti, baka magka-lock jaw pa ko nito!
Napansin ni Gerald na wala ako sa mood kaya pinag-break muna niya ako. Ayaw niya sigurong mawalan ng customers. Sa wakas! Baka sasabog pa ko ng wala sa oras.
*
Dapat kanina pa tapos ang duty ko. Alas nuebe na ng gabi, yung duty ko dapat hanggang alas sais lang. Sinabotage ako ng mga ka-trabaho ko. Ngayon pa talaga nila piniling hindi pumasok. Lagot sila sa akin pag nagkita kita kami.
Kung kanina nagawa ko pang ngumiti, ngayon, kahit pilit hindi ko na kaya. Pati ba naman si Aly, hindi pumasok! Parang pinagkaisahan nila ako. I feel betrayed!
Narinig kong tumunog yung bell kaya inayos ko muna yung facial expression ko. At least man lang I still look presentable.
"Hi, good evening, can I take—"
"Hello."
Kinusot ko ang mga mata ko. Sa sobrang pagod siguro kaya nag ha-hallucinate na ko.
"Hi," sabi niya ulit na may ngiti sa kanyang mga labi.
O my golly. Wow. Hindi ito panaginip. Gusto kong tumalon sa tuwa! Para na naman tuloy akong baliw nito. Sobra akong nasorpresa dahil nandito siya.
"Alden," sabi ko. Pinigilan ko yung big smile ko, baka kasi maging kamukha ko si Joker. "Kamusta? Anong ginagawa mo dito?"
"Mag o-order ng coffee," sagot niya. Tapos tumawa siya.
May nakakatawa ba sa mukha ko? Hala, magulo na ba ang buhok ko? Mukha na ba akong haggard? Kanina pa kasi ako nag ta-trabaho, hindi ko pa nagagamit yung second break ko dahil kulang sa staff!
"For here, Café Latte, Venti."
Pinunch-in ko yung order niya, tapos kinuha yung bayad niya.
Bakit para atang tumangkad siya, at gumwapo? Posible ba yun? Dalawang linggo ko lang siyang hindi nakita ah.
"It was nice seeing you here," sabi niya na para pang nahihiya.
Teka! Wait! Aalis na siya agad-agad? Walang catching up?
Ayun, pagkakuha nung coffee niya, umupo siya dun sa may tabi ng bintana. I have to say na maganda ang view na pinili niya. Makikita kasi yung city lights.
Sino ba naman mag-aakala na makikita ko si Alden ngayon? Nawalan na nga ako ng pag-asa tapos, siya pa yung pumunta dito! Napaka-swerte ko naman pala! In the end, hindi ako malas.
Lord, sorry po naging nega ako ngayon. Hindi po ako nakapag simba pero ayos lang, sulit naman pala yung araw ko! Promise po babawi ako next time. Lord, salamat din pala dahil dinala mo dito si Alden. Ang saya ko, nawala bigla yung pagod ko. Hindi na ko magrereklamo. I swear.
"Bakit all smiles ka ngayon?"
"Anak ng butiki!" Napatalon pa ko sa bigla.
Tumawa si Gerald. "Bawal mag space out sa trabaho! Pero bakit nga ba nag iba yung mood mo?"
"Wala naman."
"Kanina ang sungit mo, hindi maipinta yung mukha mo. Ngayon naman ang laki ng ngiti mo."
"Wala nga," pag dedeny ko.
Medyo kumonti na yung mga customers, kaya nakakapag-relax na 'tong si Gerald. Ang sipag niya no? Kanina pa siyang umaga dito. Opener siya tska closer.
"Kilala mo yung customer na yun?" tanong niya, sabay tingin sa kung saan nakaupo si Alden.
"Oo," sagot ko. "Schoolmate ko siya nung high school. Si Alden."
Nabigla siya. "Yung pareho mo silang nagustuhan ng kuya niya?"
Tumango ako. Napansin niya siguro na nung pagdating ni Alden, nag-iba ang aura ko.
"Anong ginagawa niya dito?"
"Edi umiinom ng kape!"
Binatukan niya ako, kaya naman gumanti ako at pinitik ko siya sa tenga.
"Aray!"
Nag belat lang ako sakanya.
"May pagka-childish ka talaga!"
"Whatever," sabi ko, sabay irap sakanya.
"Sungit mo! Puntahan mo na nga yang si Aldrin!"
"Alden!" sabi ko as I scowl at him.
Nag buntong hininga siya. "Puntahan mo na, tutal wala naman masyadong customers. I'll take care of this."
"Really?" tanong ko, nag widen pa yung mga mata ko. "Sigurado ka?"
"Oo. Bilisan mo at baka magbago pa ang isip ko."
"Pero hindi ko alam ang sasabihin ko!"
Heto na naman, same problem. Kalian ba ko matututo? Kailan ba ko magbabago? Siguro pag huli na ang lahat. Kasi diba sabi nga nila nasa huli lagi ang pagsisisi?
"Does it matter?" tanong ni Gerald. "Yung importante yung sasamahan mo siya."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Kailan ka pa natutong magbigay ng love advice?" I ask amusedly.
Nag smirk siya. "I won't be a heartthrob for nothing."
"Baliw," sabi ko, sabay tawa.
Gumawa muna ako ng coffee para sa sarili ko, tapos naglakad ako papunta sa pwesto ni Alden. Ang lakas ata ng loob ko ngayon? Nung una nga eh hindi ko man lang mabigkas yung pangalan niya. Ngayon ako na ang lalapit sakanya. Siguro dahil nasa second favourite place ko ako. Tapos at the same time, may hawak pang coffee. Feel at home kumbaga.
Huminto ako sa harapan ni Alden. "Excuse me, can I join you?" Naks, English!
Napatingin siya sa akin mula sa librong binabasa niya. "Sure," sabi niya.
"Hindi ba ako nakakaistorbo?" Ayaw, umandar ang hesitation.
"Hindi naman."
Umupo ako sa harapan niya at tinignan ang pamagat ng librong binabasa niya. Kaso nakabaliktad kaya hindi ko makita!
"Matagal ka na bang nagta-trabaho dito?" tanong niya.
Tumango ako. "Almost two years na," sabi ko. "Simula nung nag graduate ako."
"Buti dito ka nag apply?"
"Kaibigan ko yung may-ari," sagot ko, sabay turo kay Gerald na busy sa pagte-text sa nililigawan niya. Hula ko lang naman yun.
Kung tutuusin nga hindi man talaga ako nag apply dito. Nung una biruan lang naming magkakaibigan na dito magtrabaho after ng college, ayaw kasi namin iwan ang isa't-isa. Ayun, bigla tinotoo namin. Hindi ko man napansin na magda-dalawang taon na rin pala. Mga kaibigan ko kasi ang mga kasama ko kaya parang hindi man 'to trabaho.
"Ikaw, matagal ka na ba sa work mo?" tanong ko. Hindi kasi ako sanay na siya ang nagtatanong ngayon. May kakaiba akong nararamdaman. Ang weird.
"Ilang buwan pa lang, kumuha kasi ako ng board exam."
Oo nga pala, engineer na siya ngayon. Ang bilis ng panahon, dati kasi high school palang kami, ngayon professional na siya.
"Anong oras yung pasok mo?" tanong ko.
"Wala akong trabaho ngayon," sabi niya, sabay ngiti habang iniinom niya yung coffee niya.
"Talaga? Akala ko graveyard shift ka."
Ayan, assuming kasi, hindi muna nagtatanong.
"Emergency lang yun kaya pumasok ako," explain niya. "Pero Monday to Friday lang ang trabaho ko."
"Pareho tayo!" sabi ko. Halata yung excitement sa boses ko.
Ngumiti siya.
Para akong matutunaw sa mga mata niyang mas makinang pa sa mga bituin sa langit. Mas maningning sa mga ilaw na nanggaling sa mga gusaling pumapalibot sa amin.
Kailangan ko ng tumigil, nagiging makata na ko.
"Bakit hindi ka ata pumunta sa church?"
Nabigla ako sa tanong niya. Ibig bang sabihin, hinanap niya ako? Yung puso ko, ang bilis ng tibok, parang hinahabol ng aso. Ano ba yan, bakit ako kinikilig habang ini-imagine na hinahanap niya ako kanina?
Breathe, remind ko sa sari ko. Get a hold of yourself.
"Bigla kasing nagka-emergency dito, kaya pumasok ako," sabi ko.
"Okay na ba ngayon?"
Oh my, is he interested? Nung huli naming pag-uusap ako lang ang tanong ng tanong sakanya, ngayon naman, he does all the asking. Narinig na ni Lord ang panalangin ko! This is the start of our story. Ang haba ng hair ko!
"Okay na ngayon," sagot ko. "Hindi kasi pumasok yung friend ko kaya ako nalang ang sumalo sa sched niya."
Ngumiti siya. "Ang bait mo naman."
Matagal na, hindi mo lang napapansin! Pero siyempre hindi ko sinabi yun. Baka isipin niya na vain ako. "Hindi naman," sabi ko. "Kailangan lang talaga."
Tahimik kami ng kaunti. Wala na ba siyang gustong sabihin? Ako na naman ba ang magsasalita?
Sa oras na 'to, habang iniinom ko yung ginawa kong coffee, ngayon ko narealize na hindi pala ako naligo. Nakakahiya! Gusto ko maglaho na parang bula! Sa dinami-rami ng araw, ngayon pa kami nagkasama. Sana hindi pa ako mabaho. Kainis, kanina pa rin kasi ako nagta-trabaho, sana hindi naghalo-halo ang amoy ko.
"Nakakamiss mag aral no?"
Nabigla ako sa sinabi niya kaya natulala muna ko bago makapag salita. "Oo. Hindi ko inexpect na mamimiss kong pumunta sa school, iba na kasi pag nag graduate. Ang daming responsibilidad na kailangan gampanan." Wow, saan ko galing ang mga salitang lumalabas sa bibig ko?
Tumingin si Alden sa labas ng bintana. Ano kayang iniisip niya? Yung ekspresyon ng mukha niya, thoughtful. Kahit siguro isang araw ko siyang pag masdan ng ganito hindi ako mabo-bored.
Kung dati awkward yung silence sa pagitan naming dalawa, ngayon peaceful na. Parang okay lang kahit hindi kami magsalita. Ang gaan sa pakiramdam na hindi mo na kailangan ipilit yung isang bagay; ang ganda ng normal lang.
Sana ganito na lang kami lagi.
"May shooting star!"
"Huh?"
Nakaturo si Alden sa labas ng bintana. "Sayang, hindi mo nakita!" Yung mga mata niya, mukhang excited, para siyang bata. Nakakatuwa. "May dumaan na shooting star kanina!"
Napangiti ako. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa mga bituin, at naniniwala siya sa shooting star.
"Nakapag wish ka ba?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Oo."
Hindi ko na kailangan ng shooting star kung siya naman ang kasama ko forever.
Pero totoo yung sinabi ko kanina, hanggang crush lang 'tong kay Alden. Gusto ko lang talagang kiligin at magkaroon ng color at adventure ang boring kong buhay.
*****
Okay lang sa akin na ipoint-out yung mga mistakes. Medyo nalilito pa kasi ako sa pagsusulat ng Filipino, and I'll appreciate it kung tutulungan niyo ako. Meron na ngang nagbibigay ng advice eh haha so if you're reading this, salamat! =)
Song for the chapter: Tuliro by Spongecola :) Photo from BoffieXD deviantart acct.
Ringing tone ng ating bida: Dream by Callalily <3
Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro