Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Vitamin P

“Bakit ang laki ng ngiti mo?” tanong ni Aly. “Para kang si Joker.”

Sumimangot tuloy ako sa sinabi niya. “Bad vibe ka talaga!”

“Ano ngang nangyari? Balita ko galing si Alden dito nung isang araw.”

Napa-ngiti ako nung marinig ko yung pangalan niya.

“Ayan ka na naman,” sabi ni Aly. Binigyan niya ko ng meaningful look.

Hindi ko alam, basta, kinikilig ako. Fresh pa sa isipan ko yung nangyari kahapon.

“Kayo na ba?”

“Hindi,” sagot ko. Hindi ako malungkot nung sinabi ko yun. May something pa nga na nag-tug sa heart ko e.

“Kwento ka naman!” sabi niya, “Gusto ko yung buo at detalyado!”

Okay, dahil hindi pa naman nag-uumpisa yung shift namin, kinwento ko ang lahat kay Aly. Simula nung nakita ko si Alden sa mall kasama ang pinsan niya hanggang sa paghatid niya sakin sa bahay kagabi. Pagkatapos kong mag kwento, pinang-hahampas niya ko.

“Aray, aray!” sabi ko, “Ang sakit! Tumigil ka na nga!” ang dami kong pasa sa braso.

Si Aly naman parang baliw na sobra yung ngiti. “I’m so happy for you friend,” sabi niya sabay hug sakin. “May tiwala ako kay Alden, alam kong hindi ka niya sasaktan.”

“Sira,” sabi ko na natatawa pa. “Yung imagination mo talaga, ang wild.”

“Aminin mo, kinikilig ka no?” Ni-nudge niya ko. “Ayeee.”

“Oo,” sabi ko. Hindi ako sinungaling.

Ang weirdo ni Aly; nakatingin siya sa kisame, yung mga kamay niya naka-position para siyang nagdadasal.

“Finally friend,” sabi niya. Pati boses niya creepy. “Nakapag-move on ka na rin kay Franco.”

I roll my eyes. “Change topic, please.”

“Totoo naman, di ba?”

“Oo, pero it doesn’t mean na gusto ko siyang pag-usapan.”

“Nakatulong si Alden sa pag mu-move on mo!”

“Para namang rebound yung pagkasabi mo!”

Tumawa siya. “Basta ako masaya dahil may love life ka na!”

“Huwag kang makulit,” sabi ko. “Hindi pa nga kami, ni hindi man nga siya nanliligaw e.”

“Quote unquote, ‘pa’.”

Bumukas ang pinto ng staff room at pumasok si Gerald. Yung ngiti niya, meaningful.

“Bakit?” I ask suspiciously.

“Success ba?” tanong niya. “Pumunta dito si Aldrin—“

Alden.”

“—Hiningi niya yung number mo at address ng bahay niyo.”

“Nag date sila!” excited na sinabi ni Aly.

At ayun, ang madaldal, kwinento ang ginawa namin ni Alden. Ang lakas talaga ng memorya niya kasi wala siyang na-miss. Pati nga yung pinag-usapan namin ni Alden nakuha niya.

“Sigurado ka bang pinsan lang niya yun?” tanong ni Gerald.

Napatigil ako. Hindi ko tinanong ang sarili ko kung totoo yung sinabi ni Alden o hindi dahil naniniwala ako sa kanya. Alam kong hindi niya ko lolokohin. Pero dahil sa sinabi ni Gerald, biglang nag-ka doubt ang puso ko.

“Don’t get me wrong,” dugtong niya, “kaya ko lang naman naitanong dahil nag-aalala ako para sa’yo. Ayaw kong masaktan ka.”

Na naman, alam kong gusto niyang idagdag yun.

Nung nalaman ko ang ginawa ni Franco, kay Gerald ako tumakbo at umiyak. Naiintindihan ko naman kung bakit protective siya. Inaamin ko rin naman kasi na pag nasaktan ako, sobra. Para akong mababaliw.

Kaya eto ngayon si Gerald, making sure na hindi ako paglalaruin ni Alden.

Na-touch naman ako.

Nilapitan ko si Gerald at niyakap.  “Salamat,” sabi ko. Walang malisya ‘to, alam namin na kapatid ang turing namin sa isa’t-isa. “Huwag kang mag-alala, natuto na ko sa mga pagkakamali ko noon. Pinag kakatiwalaan ko si Alden. Hindi siya kagaya ng ibang lalaki.” Ngumiti ako. “Masyado tayong nag-aasume. Magkaibigan lang kami. Darating din kami sa point na magiging—“

Tumigil ako sa pagsasalita dahil sinapok ako ni Aly. “OA mo a,” sabi niya. “Tama na ang drama. Pag may nangyari, though alam kong wala, nasa speed dial mo lang kami.”

Niyakap ko siya, at bago ni-let go, sinabunutan ko muna. Yun yung sign ng affection namin.

“Magtrabaho na kayo,” sabi ni Gerald, “sayang naman yung pagpapasweldo ko sa inyo.”

“Yes, Boss,” sabi ko.

I feel relieved dahil alam kong may mga kaibigan akong maaasahan sa lahat ng oras.

*

Hindi ako masyadong napagod ngayon kahit maraming customers; chill lang. Ganun talaga pag masaya. Para akong naglalakad sa ulap. Tapos kahit masungit pa yung ibang customers, okay lang, nginingitian ko pa rin sila.

Is this love?

Pero kahapon lang kami may quality time ni Alden e.

Paano nga ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao?

Kailangan muna ba ng years of friendship? Required ba na kailangan alam mo lahat tungkol sa kanya? O baka naman pwede na isang click lang, nahulog na ang loob mo dun sa tao?

Kahit kasama ko siya kahapon, miss ko na siya agad.

Paano naman ako hindi magkakagusto kay Alden, almost perfect siya; nasa kanya na ang lahat.

Kagabi nga dahil masyado akong hyper sa date namin, gumawa ako ng listahan tungkol sa kanya. Kinuha ko yung papel sa bulsa ko kung saan ko sinulat tsaka ko binasa.

Ang title: What I Like About Him

1.      May faith kay Lord

2.      Mabait

3.      Gentleman

4.      His eyes. Sa tuwing nakatingin kasi siya sakin para akong istatwang hindi makagalaw.

5.      Good listener. Pag nagkukwento ako, nasa’kin lahat ang buong attention niya.

6.      Handsome

7.      His smile. Tuwing ngumingiti siya, para akong matutunaw.

8.      Cute

9.      He makes me feel like a Princess. No joke ‘to. Basta pag kasama ko siya, sobra. Paano pa pag naging kami? Will he treat me like a Queen?

10.      Matalino. Should I remind you na nakapasa siya sa board—

“Hi.”

Napatalon ako sa bigla. Narinig ko na may tumawa sa harapan ko. Pagtingin ko, nakita ko si Alden.

I rub my eyes to make sure I’m not dreaming. Worse, hallucinating.

Ano ba ‘yan, kanina iniisip ko lang siya, ngayon nandito na siya.

“Kanina ka pa ba diyan?” tanong ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko in-expect na makikita ko siya ngayon.

Tumingin siya sa relo niya at sinabing, “Two minutes.”

“Sorry!” Ano ba ‘yan, nag de-daydream sa trabaho. “Bakit hindi mo ko tinawag?”

Ngumiti siya. Ako, eto, nalulusaw sa tingin niya. Parang jelly ang mga tuhod ko.

“Kanina pa kita tinatawag, pero mukhang busy ka.”

Gusto kong mag face palm.

“Ano yan?” tanong niya, sabay turo sa papel na hawak ko.

Nataranta ako, pero hindi ko masyadong pinahalata. “Wala ‘to, scratch paper lang.” Tinago ko agad sa bulsa ng uniform ko yung listahan.

“Anong oras matatapos ang shift mo?”

Tiningnan ko yung wall clock. “Isang oras nalang,” sabi ko. “Bakit?”

“Wala,” sabi niya.

Nawala bigla yung mga ka-trabaho ko. Iniwan ba naman akong mag isa sa counter.

Pinunch-in ko yung order ni Alden, tapos ako rin yung gumawa. After, binigay ko sa kanya tapos umupo siya sa dati niyang pwesto, sa may tabi ng bintana.

 “Ayee,” sabi ni Aly, sabay sulpot sa tabi ko. “Binisita ka ni Alden. Haba ng hair mo!”

Napabuntong hininga ako. “Yun lang, hindi na niya ko kakausapin?”

“Paano ka naman niya kakausapin, e nasa trabaho ka dear! Isip-isip din.”

Gusto ko siyang sabunutan, pero may sense yung sinabi niya. Does she mean na kaya nandito si Alden para makita ako? Aside from having coffee, of course.

“Bagong rule,” sabi ni Gerald na bigla rin sumulpot sa counter, “bawal makipag kwentuhan sa boyfriend tuwing work hours.”

“Wala akong boyfriend.” Nag belat ako sa kanya. Mapang-asar talaga.

Mabilis na dumaan ang isang oras.

Finally, tapos na ang shift ko. Si Aly mag extend pa siya, kasama kasi siya sa closer ngayon.

Tinapos ko yung trabaho ko, and then nagbihis na. Pinuntahan ko si Alden sa table niya para mag paalam. Ang rude naman kung bigla lang akong aalis.

“Hi,” sabi ko. “Uuwi na ko.”

“Teka lang.”

“Bakit?”

“Pagkatapos kitang hintayin, iiwan mo ko?” Nagawa pa niyang mag biro.

Ako, eto, hindi alam ang gagawin. Nabigla ako sa sinabi niya. Confirmed nga na ako yung pinunta niya dito. Nakakakilig.

“Hinintay mo ko?” tanong ko, naninigurado lang.

“Oo,” sagot niya, habang inaayos yung mga gamit niya.

Huwag mong ipakita na tuwang-tuwa ka. Demure, please. Mahahalata ka niyan e.

“Ready na ko,” sabi niya. “Tara na?”

“Sige.”

Bago kami lumabas ni Alden ng shop, nag paalam muna ko sa mga kaibigan ko. Nag smile sila kay Alden, tapos si Aly naman, sobra, kilig na kilig, nakakatawa yung eksprsyon ng mukha niya.

Una, tahimik lang kaming naglalakad ni Alden, pero comfortable silence naman.

Ang ganda ng panahon; ang bango ng simoy ng hangin, tapos meron ding mga bituin sa langit. Bonus, kasama ko pa si Alden.

“Hatid na kita,” sabi niya.

“Hindi, huwag na,” sabi ko, “gagabihin ka pa.”

“Kaya nga pinuntahan kita para ihatid ka.”

“Bakit?” tanong ko.

Ginulo niya yung buhok ko.

Para akong nakuryente sa touch niya.

“Favorite mo yung bakit?”

“Bakit?”

Tumawa siya. “Lagi mo kasing tinatanong, ‘bakit?’”

Napatawa rin ako. “Gusto ko kasing malaman yung reason e.”

“Gusto kitang ihatid para siguradong safe ka,” sabi ni Alden, “at para makasama kita.”

Grabe ang nararamdaman ko, parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa.

“Bakit gusto mo kong makasama?”

“Kasi gusto kita.”

“Bakit—“

Teka, ano raw? Tama ba yung narinig ko? Pwedeng paki-rewind? Baka imagination ko lang kasi.

“Alden, pwedeng paki-ulit?”

Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay ko. “Gusto kita,” sabi niya.

Yung thoughts ko masyadong jumbled, nakalimutan ko kung paano mag respond. Parang may fireworks sa langit, wala akong masyadong marinig. Nararamdaman ko yung mga paru-paro na lumilipad sa stomach ko.

“Pwede ba kitang ligawan?”

*****

Salamat sa pagbasa! Sana nagustuhan niyo! :)

Song for the chapter: Hinahanap Hanap Kita (Rivermaya) Cover by Migz Haleco

Nakakatuwa, sa isang coffee shop ko sinulat yung buong chapter, tapos background song yung HHK <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro