Vitamin A
Dumadami ang mga nagtatanong kung ano ba ang meaning ng bawat letra sa likod ng Vitamin. Malalaman niyo sa tamang panahon :)
Song > Torete by Moonstar88
Salamat sa pagbasa, at sana magustuhan niyo! <3
*****
Isa itong panaginip.
Bakit naman ako yayayain mag date ni Alden? Tsaka paano siya nakapunta sa bahay namin?
Binigyan ako ni Lord ng isang magandang panaginip dahil alam niyang nasaktan ako. Eto daw yung consolation.
Kaso hindi ganun ang totoong nangyari.
Kinurot ko ang hita ko para maka-siguro.
At ang sakit. Napa, “Ow,” pa ko.
Totoo nga.
This is not a dream.
Nakaupo ngayon si Alden sa harapan ko, hinihintay ang matamis kong ‘Oo’.
“Alden,” sabi ko, “hindi ko maintindihan.”
Kinamut niya ang ulo niya; mukha siyang nahihiya. “Kahapon nakita kita.”
Oh Lord, why? Ginawa ko lahat ng pagtatago, nag disguise pa ko. Bakit niya ko nakita? Isa itong malaking kahihiyan. Nandito siya ngayon upang tanungin ako kung bakit ko sila sinundan ng girlfriend niya.
Bigla akong nakaramdam ng hawak sa aking kamay kaya naman napatalon ako sa aking upuan.
“Sorry,” sabi ni Alden, sabay alis ng kamay niya.
Para akong na-ground sa touch niya.
Sabi nila, static ang tawag dun.
“Okay ka lang ba?” tanong niya. “Bakit para kang namumutla?”
Pinilit kong ngumiti, pero sa totoo lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobra akong kinakabahan.
“Ayos lang ako,” sabi ko. “Saan mo nga pala ako nakita?”
“Sa mall,” sagot ni Alden. “Pumasok ka sa Comic Alley. Nung pumunta kami sa restaurant ng pinsan ko, nandun ka rin”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nahuli nga talaga ako.
“Akala ko nga nung una sinundan mo kami.” Tumawa siya. Ang ganda ng tunog ng tawa niya.
Wait, girl, naka move on ka na, diba? Stop thinking about him!
Sandali lang.
Nag re-rewind ang isip ko. Ano nga ulit yung sinabi niya?
“Sinong kasama mo?” tanong ko.
Kumunot yung noo niya. “I thought nakita mo kami, pero mali pala ang akala ko,” sabi niya, “Si Monique yung kasama ko, pinsan ko galing US.”
Patuloy siyang nagsasalita pero yung brain ko tumigil dun sa word na pinsan. Pinsan, as in, cousin. Buffering yung utak ko.
Pinsan.
Kamag-anak.
Biglang nag-liwanag ang mundo ko, parang may nag-sindi ng Christmas lights. Para akong nasa ulap, lumilipad kasama ang mga ibon habang sila ay humuhuni.
Ibig sabihin. . .
Si Alden ay single pa rin.
Yahoo!
Yung babaeng kinainisan ko, pinsan niya pala. Yun lang ang relasyon nila.
Gusto kong magtatalon sa tuwa.
Of course, hindi pwede. I need to act demure. Though feeling ko sa loob ko, may rainbow.
“Ganun ba,” sabi ko, pagkatapos niyang magsalita. Hindi ko nga narinig ang iba niyang sinabi dahil sa excitement ko.
“Magbabakasyon siya dito for a few weeks,” sabi ni Alden, “kaya pinasyal ko siya kahapon.”
Yung ngiti ko, ang hirap pigilan.
I clear my throat. Time to ask the question. “Bakit mo nga pala akong niyayayang lumabas?” Yung totoo, please. Ayaw kong mag-paloko.
“Para makipag kwentuhan sa’yo,” sagot niya.
Tinaas ko ang kilay ko. “Paano mo nalaman number ng mga kaibigan ko?”
“Pumunta ako sa coffee shop.”
Wow, spell effort.
Kinikilig tuloy ako.
“I tried calling you pero naka-off phone mo,” sabi niya,
Gusto kong mag face palm. Ang drama ko kasi, ayan tuloy, ang dami kong na-missed.
“Pasensya na pala,” sabi ni Alden, “masyado akong napaaga. Hindi ko kasi alam kung anong oras ka aalis.”
Oh my golly, excited siyang makita ako? Haba ng hair ko ah. Gusto kong sabihin at aminin sa kanya ang totoo, na sinundan ko sila kahapon ng pinsan niya, kaso baka ma-turn off siya pag nalaman niyang stalker ako. Isisikreto ko nalang yun.
“So, pwede ka ba?”
Kunwari nag-isip muna ko, kahit na gusto kong sumigaw ng malakas na oo. Pagkatapos ng ilang segundo, hindi na ko makapaghintay kaya nagsalita na ako. “Oo,” sabi ko.
Ngumiti siya.
Nanlambot ang mga tuhod ko, parang naging silang jelly.
Bakit ba affected ako masyado sa’yo?
Ipinakilala ko si Alden sa kapatid ko. Iniwan ko silang nagku-kwentuhan habang ako naman kailangan ng maligo. Lagot siya sa’kin pag nalaman kong may sinabi siyang pangit tungkol sakin.
Binilisan kong maligo, ayaw ko kasing ma-late kami ni Alden. Pagkatapos, dumiretso ako sa kwarto ko. Nandito pa yung mga balat ng chocolates na kinain ko kagabi. Natawa ako nung naalala ko yung maling akala ko. Hindi naman pala girlfriend ni Alden yung kasama niya, kundi pinsan.
Sorry, masyadong assuming.
Binuksan ko ang cabinet ko. Ano ba yan, hindi siya nagsabi, wala tuloy akong alam na isuot. Parang nagmukhang pangit at baduy lahat ng damit ko.
Mag pa-pantalon ba ko o mag de-dress?
Kinuha ko lahat ng damit ko sa cabinet at nilapag sa kama. Sinubok ko isa-isa, pero wala pa rin akong mapili.
Kung alam ko lang na darating yung araw na yayayain akong mag date ni Alden, edi sana bumili ako ng magandang damit.
Napatingin ako sa orasan at nabigla ako nang makita kong meron nalang akong sampung minuto para mag-ayos.
Bahala na nga, nakakahiya kay Alden, kanina pa siya naghihintay.
Kinuha ko yung off the shoulder blouse ko, blue-gray ang kulay. Sabi ng mga kaibigan ko bagay ko yun nung sinuot ko. Nag skinny jeans ako, at black ankle boots.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I look pretty good.
Nakakatuwa, may mga araw talaga na feeling mo ang ganda ganda mo. Fortunately, isa ito sa mga araw na yun. Sakto, I need confidence.
Kinuha ko yung bag ko at nag-ayos ng kaunti; powder sa mukha at lip gloss. Pagkatapos, nilagay ko yung earrings ko at wrist watch.
Wala na ba akong nakalimutan?
Ang gulo ng kwarto ko, mamayang pag-uwi ko nalang aayusin. Mamaya ko nalang din ite-text ang mga kaibigan ko para i-kwento ang mga happenings.
Lumabas ako at pinuntahan si Alden sa sala.
“Hi,” sabi ko. Nahihiya ako na ewan.
Pag-tingin niya sakin, tumawa siya.
Nakalimutan ko bang mag pantalon? Tsinek ko agad, nakasara din ang zipper ko.
“Bakit, anong meron?” tanong ko.
“We match,” sabi niya, sabay turo sa damit niyang kulay asul.
Napangiti tuloy ako, para kasi kaming naka-couple shirt.
Hindi ko plinano ‘to ah, I swear, wala akong ideya na ganitong kulay yung polo shirt niya.
Masyado akong defensive, pero hindi ako guilty.
“Alis na tayo?”
“Sige.”
Nag-paalam ako sa kapatid ko at sinabing aalis na kami ni Alden.
Ang baliw, ang sabi ba naman, “Enjoy kayo sa date niyo!”
Namula tuloy ako, samantalang si Alden naman tumawa lang. Ang sarap niyang kasama, lagi siyang tumatawa.
Tahimik lang kami papuntang church. Yung basic lang pinag-usapan namin; yung mga kinuwento ng kapatid ko about sa family namin.
Ang sweet no? Lalaki pa yung nag-invite sakin para mag-simba. Isa ito sa mga katangian na gusto ko e. Tapos type ko pa si Alden; jackpot!
Hulaan niyo kung sinong una kong nakita pag pasok sa gate ng church. Si Gino, the one and only. Siya yung lalaking pinagkamalan kong commercial model dahil gwapo siya, at may magandang ngiti.
“Kamusta ka na?” tanong niya. “Diba sabi ko naman na magkikita tayo ulit?”
“Okay naman,” sabi ko. Naalala ko yung sinabi niya noon, na tuwing morning celeb siya nag-aattend. Sakto kasi morning din ako ngayon dahil niyaya ako ni Alden. Speaking of, pinakilala ko siya kay Gino. As a friend, of course.
Nagkwentuhan lang kami ng kaunti habang hindi pa natatapos yung current service. Nasa may bench kami, si Alden nasa tabi ko. Sinasali namin siya sa conversation pero parang wala siya sa mood. Oh, well.
Nung nagbukas na yung pinto ng sanctuary, hinintay muna naming lumabas yung mga tao sa loob. Bago nagpaalam si Gino, tinanong niya ko if pwede niya makuha ang number ko. Sino ba naman ako para tanggihan siya, diba? So binigay ko na. Pagkatapos, nauna na kaming pumasok ni Alden sa loob, hahanapin pa raw kasi niya yung kasama niya.
“Sino siya?” tanong ni Alden nung nakahanap na kami ng mauupuan.
“Si Gino,” sagot ko. Hindi ba niya narinig yung pagpapakilala ko sakanya kanina? “Nakilala ko siya nung isang linggo.”
Yung ekspresyon ng mukha niya hindi maipinta. Nagseselos ba siya?
Asa. Naku, ano-ano nanaman ang pinapasok ko sa isip ko. Binibigyan ko lahat ng meaning yung mga ginagawa niya. Kailan pa ko naging dictionary? Niyaya lang niya kong lumabas feeling ko ako na si Rapunzel, ang haba ng hair.
After ng Sunday service, siyempre kumain kami ni Alden.
Sa fast food.
Hindi, joke lang. sa Pinerange kami kumain.
Nagkwento siya about sa trabaho niya, isa daw siya sa mga bagong employees pero parang barkada na ang turing sa kanya ng mga ka-trabaho niya.
Grabe, ang humble niya, ang taas na pala ng posisyon niya, hindi man niya pinapahalata. Marunong lang talaga akong magtanong kaya nahuhuli ko siya. Expert ata ‘to.
Nakakatuwa, kasi akala ko talaga puro ako nalang ang magsasalita, pero ang daldal pala niya. May sense lahat ng lumalabas sa bibig niya. Ang dami kong nalaman tungkol sa buhay niya.
Kaya pala hindi ko siya nakita sa loob ng anim na taon, sa Manila siya nag-aral. Nakakuha raw siya ng scholarship. Matalino e, pati yung dorm niya walang bayad.
Dumating kami sa point na pati past relationships namin pinag-usapan namin. Nung una uncomfortable kami pareho, pero naging smooth din yung flow; past na rin naman kasi.
Naka-dalawang girlfriends na siya. Sa totoo lang nabigla ako nung sinabi niya yun. Hindi ko in-expect e, feeling ko yung mga babae yung nanligaw sa kanya.
Yung una, five months sila, first year daw siya nun. Nag break sila nung nakita niya yung babae na naki-pag make-out sa isang lalaki. Spell unfaithful.
Yung pangalawa naman, third year college siya nun, and almost three years sila. Wow, diba?
Naghiwalay sila dahil nawalan sila ng oras para sa isa’t-isa. That time raw kasi kailangan niyang mag take ng board exam. Yung girl naman kinuha siya ng tatay niya na nasa Australia.
Sinubukan nila ang long distance relationship pero hindi nag work out.
“Mahal mo pa ba siya?” tanong ko.
“You can’t unlove someone,” sabi ni Alden.
Ouch.
“Pero as time passes, nag-iiba yung pag-mamahal ko sa kanya,” patuloy niya.
“What do you mean?”
“I care about her because she was special to me. Hindi ko maitatapon ng basta-basta yung pinag-daanan at pinag-samahan namin.”
Wala talaga akong pag-asa.
Ngumiti si Alden.
Nanlaki ang mata ko. Did I say that aloud?
“Bakit?” tanong ko, habang palakas ng palakas ang kabod ng dibdib ko.
“Best friends na kasi kami ngayon,” sabi niya.
“Best friends?” I repeat.
Tumango siya.
So, nakapag-move on na siya? Almost three years din yun ah.
I can’t imagine myself sticking with a person that long, tapos hindi rin naman pala kami ang magkakatuluyan. Pero mas maganda na rin yung nasayang ang tatlong taon sa maling tao, kaysa naman habang buhay mong pagsisihan na hindi ka umalis sa isang maling relasyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro