Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ix. Dear Alden

Salamat! Sana magustuhan niyo ‘tong diary entry =) Pasensya na rin at natagalan. Nagde-dedicate pala ako sa mga readers na epic mag comment <3 Mag update ulit ako this week.

Song: Thinking Out Loud by Ed Sheeran

*****

Dear Diary, ang cute ni Alden, pinagseselosan niya si Gino haha :)

Ay, I forgot to tell you. Kami na <3 <3 <3

Ni Alden, hindi ni Gino!!!

I said yes na to him! Three months na kami.

Ang tagal kong di nagsulat no?

Busy ako e.

Busy akong mahalin siya hahaha

Forgive me, I sound cheesy. Dati nandidiri ako sa mga ganun. What goes around comes around. I ate my own words.

Ngayon ano-ano ng pinag-sasabi ko. I even write poems about him! Grabe lang, love sick ang peg!

I didn’t know na ganun pala pag in love. Nagbabago ang pananaw mo sa buhay.

You’re free to do whatever you want as long as you’re with the person you love. Kasi alam mo na hindi ka niya ija-judge, tanggap ka niya maging sino ka man.

Grabe simula nung sinagot ko si Alden, pasaya ng pasaya ang buhay ko. As in, walang dull + boring moment.

I feel light, ang gaan sa pakiramdam. Yung tipong, alam mo na you did the right thing.

Lord, maraming salamat po for answering my prayer.

Wait, nalito na naman ako haha sorry magulo ako magkwento. Excited kasi e.

Balik tayo kay Gino, and my one and onlyAlden.

Ganito kasi yan. Remember Gino? Si cute singkit guy na nakasabay ko sa jeep noon?

Nagkakilala na sila ni Alden dati, nung nagpunta kami sa church ni Alden (hindi pa kami), nandun si Gino kaya pinakilala ko sila sa isa’t-isa.

Nung minsan kasi, nagkita kami ulit sa church. Si Alden na kasabay ko, di ba? Tapos nakasalubong namin si Gino. Siya lang mag-isa kaya sabi ko sama nalang siya samin.

Remember, nung una palang, ayaw ko ng nakakakita ng mga taong mag-isa? Malapit loob ko sa kanila e. Alam ko kasi feeling ng walang kasama kaya ayaw kong maexperience din ng iba.

That time, hindi ko napansin na naiilang pala si Alden. Tahimik naman kasi siya, kaya akala ko wala lang.

Nagkamustahan kami ni Gino, si Alden nakikinig lang.

Di ko alam kung wala siya sa mood o ayaw niyang magsalita. Nung on the way naman kami sa church, okay siya. Nung nakita namin si Gino, nag iba aura niya.

Pinabayaan ko nalang. Nung tinanong ko siya kung anong problema, sabi naman niya wala.

Edi ayun, kwentuhan with Gino, tapos nung nag start na yung Sunday celebration, pause muna. Nakakatawa yung preaching ng Pastor, kaya tawa kami ng tawa ni Gino. Ang puti talaga ng ngipin niya! Haha yun kasi lagi kong napapansin.

Ang saya kasama ni Gino. Gwapo pa kaya hindi mo pagsasawaan pagmasdan ang mukha niya.

Pero uyyy diary, siyempre mas gwapo si Alden <3

Speaking of, hindi siya sumali sa conversation namin. Kaya after ng celeb, nagpaalam na kami kay Gino.

May date pa kami ni Alden e. Ang weird naman kung maging third wheel si Gino haha

Nung papunta kami sa mall, ang tahimik ni Alden. Di siya nagsasalita, pero hawak niya yung kamay ko. (YES, HHWW kami.) (Ganun pala feeling ng may ka-holding hands. Now I know.)

Hindi ako manhid, so alam kong may mali. Ang uncomfortable kasi ng silence. Mag start ako ng topic, pero hindi naman siya interesado. One word lang reply ni Alden :( parang nung first meet-up namin after high school.

Pagkaupo namin sa restaurant, hinawakan ko yung mukha niya. Tapos sabi ko, “We need to talk.”

Natatandaan ko pa yung conversation namin:

(I remember everything about Alden. Lalo na ngayon, kami na <3)

Ako: Alden, anong problema?

Alden: Nothing.

Ako: Bakit ang tahimik mo?

Alden: . . .

Ako: Galit ka ba?

Alden: Why would I be angry?

Ako: May nagawa ba kong mali?

Alden: (tumawa siya ng pilit) Ang kulit mo. Sabi ng wala.

Ako: Bakit hindi ka nagsasalita?

Alden: I don’t have anything to say.

Ito yung unang beses na may conflict kami. I can feel that something’s off.

Ako: Nagseselos ka ba kay Gino?

Alden: (parang na-shock) Gino?

Tumango ako.

Alden: Should I be jealous?

Ako: No.

Alden: Why did you ask?

Ako: I just want to know why you’re acting like that.

Alden: Is there a reason why I should be jealous of him?

O ha! O ha! Nagseselos nga!

Ako: Siyempe wala! Nagtatanong lang.

Tsaka ko siya tinalikuran. Kunwari nagtatampo haha

Alden: Okay. I admit it.

Hinarapan ko siya ulit.

Ako: What?

Alden: Nagseselos ako. Masaya ka na?

Emhergerd!!!!!

Siyempre, kilig to the bones! Feels overload! OMG diary ikaw ba naman ang sabihan ng ganun! Tapos umamin pa siya OMG ang hirap kayang paaminin ng lalaki pag ganun.

Nagseselos siya! Ibig sabihin mahal niya talaga ko haha though I never doubted him. Pero, hearing him say it. . .  I can’t even!

Ako: Alden, ang cute mo talaga!

Tapos I pinched his cheeks.

Alden: (nagtataka) Anong cute dun?

Di ko matanggal yung big smile sa mukha ko.

Ako: Alden, wala ka naman dapat ika-selos e.

Alden: I’m a guy. I am your boyfriend. Kahit sinong lalaki ang tumingin sa’yo, para sa’kin, threat na.

OMG ang haba ng hair ko huhuhu hindi ko napigilan yung sarili ko, niyakap ko siya. Kahit nagtatampo siya, niyakap rin niya ako. ang higpit. I feel secure in his arms. Parang, nothing can ever go wrong as long as we’re together.

Grabe, medyo possessive si Alden, pero okay lang!!!! Sino ba naman ako para mag inarte?

Male instinct kasi yung ganun, yung tipong, they’re marking their territory. Ayaw nila ng may kaagaw.

Naks, I feel special.

Ako: Alden, maraming salamat sa pagpapakilig.

Tiningnan ako sa mata ni Alden. Malulusaw na ko sa titig niya.

Alden: (pinipigilan ang tawa) Kinikilig ka?

Pinalo ko siya sa braso. Nang-aasar na e.

Ako: Pero Alden, sa totoo lang, wala kang dapat pagselosan kasi, ikaw lang ang mahal ko. Itong mga mata ko? Ikaw lang ang nakikita nila.

Niyakap niya ko ulit.

Haay, ang sarap sa pakiramdam. Dati, gustong-gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede. Ngayon kahit kailan ko gusto, pwede na. Sobrang saya ko talaga.

Ako: Huwag ka na magselos kay Gino. Kaibigan ko lang siya.

Alden: Sa pagkakaibigan naman nag-uumpisa ang lahat. We started as friends.

Yes, pero ako nag start as crush ka.

Ako: Gusto mo bang iwasan ko si Gino?

Alden: I won’t ask you to do that.

Nginitian ko siya.

Ako: Because you're not selfish.

Alden: Because I trust you.

Ako: Thank you.

He leaned down and kissed me on my forehead.

That’s my first kiss.

Just perfect.

After nun, medyo iniwasan ko muna si Gino. I appreciate Alden’s honesty, and I don’t want to toy with his feelings. Alam ko naman na hindi siya kumportable, bakit ko pa gagawin?

Kaya pag nakikita ko si Gino sa church, hanggang ngiti nalang muna kami.

Kung ako kasi ang nasa posisyon ni Alden, ayaw ko rin naman na makipag close siya sa ibang babae.

Aminado naman akong selosa ako. Nung crush ko palang si Alden ayaw ko ng may kaagaw sa kanya. Lalo na ngayon! Hahaha

Pero what I like about our relationship is that, hindi namin kino-control ang isa’t-isa. We still respect each other. And I value what we have. Not everyone can be as lucky as we are.

Salamat sa pakikinig, diary! <3

Apart from Alden, sa’yo lang ako nakakapagkwento ng kahit ano.

Si Alden kasi, may tiwala ako sa kanya dahil boyfriend ko siya.

OMG did I just write THAT word?

BOYFRIEND <3

Hihi nakakatuwa lang. Ang saya saya.

Tapos ikaw naman diary, sinasabi ko sa’yo ang feels ko dahil wala ka naman mapagsasabihan hehe

Ayun, sana forever happiness na ‘to! =)

Good night diary! Till next time.

Alden,

Thank you for accepting my flaws, and for loving every part of me.

What we have? It’s eternal.

My heart is yours.

Please don’t break it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro