
*Forget About It
“Pwede ka ng lumabas ng ospital.”
‘Yan ang pinakamagandang balita na narinig ko simula nung ma-confine ako. Akala ko nga dito na ‘ko titira forever. Paano ba naman, kahit ilang beses ko na sabihin na okay na ‘ko, ayaw pa rin nilang maniwala.
Nakaka-suffocate na dito. Wala akong alone time. Nakakasakal, walang peace of mind.
Sa huling araw ko sa ospital, meron pang dumalaw sa’kin.
Si Gerald.
“Balita ko makakauwi ka na,” sabi niya.
Namiss ko si Boss. Parang ilang taon ko na siyang di nakikita. May dala siyang pagkain mula sa shop. At siyempre, may cup of coffee. Grabe, namiss ko ‘to. Ngayon alam ko na kung bakit hindi nagfa-function ng maayos yung katawan ko. Kulang sa caffeine.
Kukunin ko na sana yung cup sa kanya nang biglang lumapit si mama.
“Kape ba yan?” tanong niya.
“Opo,” sabi ni Gerald.
“Akin na.”
Nabigla si Gerald, pero binigay pa rin niya kay mama yung cup.
“Bawal siyang mag kape,” sabi ni mama kay Gerald. “Akin nalang.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Bawal ako ng kape?” I ask incredulously. “Sinong nagsabi?”
“Ako,” sabi ni mama.
Kainis, ang tagal ko ng gustong uminom ng coffee mula sa Bean Stalk, tapos kukunin lang pala ni mama. Kaasar.
Gerald pats my arm. “Pagdadala nalang kita sa susunod,” sabi niya.
Pero nakaka-touch siya. Alam ko na di niya kayang iwan yung store, pero nandito siya ngayon, binibisita ako.
Si mama, nanonood ng TV, kasama yung kapatid ko. Sila yung kumakain ng dalang pasalubong ni Gerald.
“Pinapakamusta ka nila Aly,” sabi ni Gerald. “Namimiss ka na nila.”
Huwag kang magpakita ng emotion. Huwag mong kalimutan na di mo sila naaalala.
Pero sa totoo lang, gusto kong umiyak. Miss na miss ko na mga kaibigan ko, pati yung mga asaran namin, lalo na ang Bean Stalk — second home ko yun e. Kaya lang, I need to sacrifice.
Nagkwentuhan kami ni Gerald, light topic lang. Alam niya kasi wala akong natatandaan kaya hindi namin pwedeng pag-usapan ang mga bagay na nangyari na noon.
Tumingin si Gerald sa relo niya at sinabing, “Sorry, kailangan ko ng bumalik, kulang ng tao sa shop.”
Hindi namin napansin na dalawang oras na pala kaming nag-uusap. Miss ko na talaga siya.
“Balik ako pag labas ko ng ospital, ah?”
Ngumiti si Gerald. “Oo naman,” sabi niya. “Welcome ka dun. Pero kailangan mong mag training ulit.”
“Bakit naman?”
He frowns. “Di ba may amnesia ka,” he states.
Tumawa ako ng pilit. “Pati yung amnesia ko nakalimutan ko na.”
“Pahinga ka na,” sabi niya, “para mabilis kang gumaling.” Niyakap niya ko, pinigilan ko yung sarili ko, ayaw kong umiyak.
Nagpaalam na si Gerald sa’kin pati na rin kay mama, tapos umalis na siya.
“Ma,” tawag ko. “Anong oras daw ako makakalabas?”
“Mamayang hapon,” sagot niya.
“Bakit di pa ngayon?”
“Mamaya pa darating yung doktor mo.”
Patience, remind ko sa sarili ko. Makakauwi ka na. Konting hintay lang.
“Aalis ako,” sabi ni mama, inayos niya yung gamit niya. “Kailangan kong kumuha ng pera sa banko.”
“Isasama mo ba si—“
Biglang may kumatok sa pinto. Akala ko si Gerald, may nakalimutan lang. Tapos pumasok si Gino.
Si Gino!
Ang tagal ko na siyang di nakikita. Kailangan muna kasing pawiin yung inis ng mga tao sa kanya.
Kung alam lang nila kung paano niya ‘ko tinutulungan.
Nginitian ako ni Gino, tapos lumapit siya kay mama para mag mano. Si mama naman, haay, di marunong umarte. Halata na ayaw niya kay Gino.
“Ma, di ba aalis ka?”
Tiningnan niya ng masama si Gino.
Si Gino naman di makatingin ng diretso kay mama.
I shake my head. “Ma,” sabi ko. “Alis ka na.”
She purses her lips. “Baka pagbalik ko wala ka na naman dito.”
Pinigilan ko yung ngiti ko nung makita kong nag flinch si Gino. Kaasar kasi, hindi pa nakakalimutan ni mama yung nangyari.
“Ma, di na kami tatakas,” I say exasperatedly. “Tutal makakalabas na rin naman ako mamaya.”
Tinaasan niya ‘ko ng kilay. “Kung hindi ka lalabas mamaya may balak ka na namang tumakas?”
I fight the urge to roll my eyes.
Kalma.
“Ma naman, dito lang talaga ako,” I swear. “Di ako lalabas ng kwarto.”
Hindi pa rin siya natinag. Nilapitan niya yung kapatid ko na nasa harap ng TV. “Bantayan mo yang ate mo,” sabi niya. “Huwag mong hahayaang umalis siya dito. Pag nagpumilit siya, tawagan mo ‘ko agad.” Binuksan ni mama yung wallet niya tsaka niya binigyan ng pera yung kapatid ko.
Aba’t, binigyan pa ng sahol.
Di ko alam kung magkano, basta papel.
“Alis na ‘ko,” sabi ni mama. Tiningnan niya si Gino, parang nagbabanta. “Babalik ako agad.”
Paglabas ni mama ng pinto, dun palang nakahinga ng maluwag si Gino. Kahit hindi maganda yung situation natatawa ako sa ekspresyon ng mukha niya.
“Nakakatakot yung mama mo,” sabi niya.
Bumalik na yung kulay sa mukha niya, kanina kasi namumutla siya.
Sanay na ‘ko kay mama. Masyado siyang strict kaya nga madalas kaming nag-aaway noon.
“Buti pinayagan ka ng lumabas ng doktor,” sabi ni Gino.
“Paano mo nalaman?” tanong ko. “Di ka naman pumupunta dito.”
“Ako pa.” Nag smirk siya. “Kaya siguro pumayag ang mga doktor na umalis ka kasi nakahalata sila—“
Tinakpan ko agad yung bibig niya.
Sabi na nga ba e, ipapahamak niya ‘ko. Mabuti nalang mabilis ko siyang napigilan kung hindi, nahuli na ‘ko ng kapatid ko.
Tinanggal ko rin agad yung kamay ko, para kasing ang intimate nung action.
Gino grins sheepishly, sabay kamot ng batok niya. “Sorry,” he says, giving me a smile.
Ayan, yung smile niya, sobra kong namiss.
Tinawag ko yung kapatid ko.
“Ano yun, ate?” tanong niya pagkalapit niya sa’kin.
“Labas ka muna.”
“Ayaw ko!” sabi niya habang umiiling. “Papagalitan ako ni mama!”
“Hindi naman ako aalis,” I say as gently as I can. “May pag-uusapan lang kami ni Gino.”
“Bakit kailangan ko pang umalis?” tanong niya. “Pwede naman akong mag stay dito.”
Nakakaasar, ang kulit.
“Kasi yung pag-uusapan namin, hindi mo pwedeng marinig.”
Pinagmasdan niya kami ni Gino. “Di ba si kuya Alden ang boyfriend mo?” tanong niya. “Bakit iiwan ko kayong dalawa ni kuya Gino sa kwarto? Anong gagawin niyo?”
Kumukulo na yung dugo ko.
I can see Gino at the corner of my eyes, watching us amusedly.
“Wala kaming gagawin. Lumabas ka na! Kwarto ko naman ‘to.”
“Hindi pwede!” pilit ng kapatid ko. “Binigyan ako ni mama ng pera para bantayan kita—“
“Magkano?”
“Anong magkano?” pagtataka niyang tanong.
“Magkano ang binayad niya sa’yo?”
“Isang daan,” sabi niya, sabay dukot sa bulsa niya para makita ko.
“Gino,” I say.
“Yes?”
“Pahiram ng wallet mo.”
Halatang confused si Gino pero inabot pa rin niya sa’kin yung wallet niya.
Black leather; mahaba na manipis. Mukhang mahal. Binuksan ko.
Grabe, ang dami niyang pera at cards. Kahit hindi ko naman sinasadyang makita. Ano kayang trabaho ni Gino? Parang hawak niya yung time niya e. Kasi kung office work, kung hindi 8am-5pm, e 9am-6pm. Kaso iba-ibang oras yung pagbisita niya dito sa ospital.
Napaka-misteryoso niya talaga.
Kumuha ako ng limang daan at iniabot sa kapatid ko.
“Ano yan?” tanong niya.
“Iyo na, basta umalis ka lang,” sabi ko. “Kung gusto mo dun ka sa labas ng kwarto, may bench dun.”
Yung mukha ng kapatid ko, nagliwanag. “Wala ng bawian ah!” Kinuha niya yung pera, tapos mabilis siyang tumakbo palabas ng kwarto.
I shake my head.
Ang bilis talaga magpagalaw ng pera.
Ibinalik ko kay Gino yung wallet niya.
To my astonishment, tumawa siya. Ang lakas. He’s even clutching his stomach.
Pinanood ko nalang siya. Mukha siyang nag eenjoy sa pagtawa niya. Ang gwapo niya talaga, sayang yung offer sa kanya na mag artista. Sigurado, titilian siya ng mga babae.
Siyempre ako magiging manager niya, babakuran ko siya agad para di siya pagkaguluhan ng fangirls niya.
“Uy!”
“Anak ng!” Nabigla ako nung tinapik niya yung braso ko.
“Ayan ka na naman e,” sabi ni Gino. “Alam kong gwapo ako. Huwag mo na ‘kong pakatitigan, baka malusaw ako niyan.”
“Ang kapal!”
Kinuha ko yung unan tsaka ko siya pinagpa-palo. Tumatawa siya habang pinipigilan ako. Para kaming mga bata.
Tumigil din ako kasi nahirapan akong huminga. Napagod ako. Napansin ni Gino kaya inabutan niya ko ng isang baso ng tubig.
Tumahimik kami pareho. Tapos nag seryoso siya bigla. Nawala yung playfulness sa ekspresyon ng mukha niya.
“Ano ng balak mo?” tanong ni Gino.
“Anong balak?”
“Itutuloy mo ba yung pagpapanggap mo?”
“Of course,” I say, as if it’s the most obvious thing in the world.
Bakit ko uumpisahan ang isang bagay na hindi ko naman kayang tapusin?
Tumingin siya sa mga mata ko. Ngayon ko lang napansin, may pagka-chocolate brown yung kulay ng mga mata niya.
Hindi pa rin niya inaalis yung titig niya sa’kin, hanggang sa hindi na ‘ko mapakali. Hindi ako sanay. Nakakailang. Lalo na, si Gino ‘to.
“Ano ba talagang nangyari, bakit naging ganito ka?”
“Ano?” I ask, though alam ko naman ibig niyang sabihin.
He gestures at me. “Ang laki ng pinagbago mo.”
“Gino, ano ba?! How many times do I have to tell you na hindi ko sasabihin—“
“You can trust me.”
I turn away from him. “Tiwala, yan ang sumira sa’kin.”
Hindi ko alam kung paano nangyari, pero hawak-hawak na ni Gino ang kamay ko. He gives it a squeeze.
“You can talk to me. I promise I won’t judge you.”
I sigh.
Ang pilit. Sisigawan ko na sana siya nang makita ko na sincere ang ekspresyon ng mukha niya.
“You can trust me,” ulit niya.
Siya lang din naman ang nakakaalam ng sikreto ko, might as well sabihin ko na lahat.
I have nothing to lose.
*
“Hindi mo naman pwedeng basta-basta itapon yung pinagdaanan niyo,” he says thoughtfully. “Napakinggan mo ba yung side niya?” yan ang sinabi ni Gino pagkatapos kong mag kwento.
“Hindi,” sabi ko. “Hindi naman kailangan dahil— aray!” Napatigil ako dahil pinitik niya ang noo ko. “May sakit ako, ano ka ba?”
Gino rolls his eyes. “We both know that you’re lying.”
Ang baliw talaga niya. Kahit naman nagpapanggap ako, ulo pa rin yung nabagok sa’kin.
Nginitian ako ni Gino tapos ginulo niya yung buhok ko. “I know you’re a good—“
“Stop,” I say. Ayaw kong ma-guilty, nag uumpisa palang ako.
He sighs. “That’s the problem about girls. Ang bilis niyong mag-assume. You haven’t even—“
“Alam ko yung nakita ko,” I interrupt, turning away from him. “Hindi ako bulag!”
“You should’ve at least let him explain.”
I roll my eyes. “Ganyan naman kayong mga lalaki e, marami kayong reasons.” Bago siya makapagsalita, I continue, “Amnesia, remember? It’s not as if I can just ask him about it.”
Bumuntong hininga siya ulit. Mukha siyang pagod at walang tulog. Ano nga ba kaya ang trabaho ng lalaking ‘to? Bakit di siya nakakatulog ng maayos? What’s keeping him busy?
“Bakit di mo pa tigilan yung pagpapanggap mo?” tanong niya. He scratches the back of his neck. “Ikaw lang din yung masasaktan sa ginagawa mo.”
I shake my head. “Hindi ako masasaktan,” I tell him.
He rubs his face with his hand. “Gusto mo bang ako nalang ang kumausap sa kanya?”
“No!” pasigaw kong sabi. Kinakabahan ako, ang lakas ng tibok ng puso ko. “Please, leave it to me. Ang sabi mo you won’t judge me, di ba?”
“I’m not judging you,” he says. “I just don’t want you to get hurt.”
Nginitian ko siya. Di ko alam kung anong itsura, pero feeling ko twisted. “You have to trust me,” sabi ko.
He frowns. “I don’t like that smile.”
I grin wider.
I can’t wait to put my plan into action.
*****
Sinong favorite character niyo, at bakit? :)
Binasa ko ulit yung old chapters, nakakatuwa kasi kinilig ako at tumawa haha parang di ako yung nagsulat lol ang weird.
Song: Forget About It by All Time Low. Photo from jdesmarais deviantart.
Maraming salamat sa pagbasa, and please like the Facebook page:
Facebook.com/ilurvbooks <3 Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro