Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo.
Sino ba naman mag-aakala na totoo ang high school romance?
Kahit na patay na patay ako noon kay Alden, never ko in-imagine na magkakagusto rin siya sakin. Ito na yung answered prayer ko. Magpapakabait na talaga ako.
Ang laki ng ngiti ko habang patuloy ako sa pagsusulat sa aking diary. Marami akong gustong isulat. Ire-record ko lahat ng nangyari sa nakalipas na ilang buwan.
I still remember that night nung tinanong ako ni Alden kung pwede ba raw niya kong ligawan. Siyempre I said yes! Si Alden yun, si Alden na matagal ko ng crush. Bakit pa ko magpapakipot?
Kitang-kita ko sa mukha ni Alden na masaya siya sa sagot ko. Ako naman todo kilig. Nung gabing yun, parang nag align lahat ng mga bituin sa langit para tuparin ang aking hiling.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nasaktan ako noon. That time hindi ako aware na inaayos lang at pinapaganda ni Lord yung story ko. Kailangan ko munang maranasan yung lahat ng pinagdaanan ko para matuto ako at ma-realize ko na sa bandang huli, magiging masaya rin ako. Makikilala ko rin ang dahilan kung bakit hindi nag work out sa iba.
Mabuti nalang hindi ako nawalan ng pag-asa. Akala ko kasi noon hindi na ko maniniwala sa love dahil sa mga nangyari sa’kin. I’m glad hindi ako nag give up.
Ang boring kung wala kang pangarap sa buhay. Mas okay na yung mag mukha kang ambisyosa sa dami ng pangarap na gusto mong tuparin kaysa naman sa mabuhay ka ng walang dahilan, walang direksyon, at yung pwede na sa "good enough" dahil ayaw mag take ng risk for something better.
Nag take ako ng risk kay Alden. Pinayagan ko siyang manligaw. Napaka-sweet niya. Every night pinupuntahan niya ko sa trabaho; hinahatid niya ko sa bahay. Tapos tuwing Sunday naman sabay kaming nagsi-simba.
Ang sarap sa feeling, yung lalaki mismo yung gumagawa ng paraan para mapalapit ka kay Lord.
Wala na kong mahihiling pa, nasa’kin na lahat.
Pinakilala ko na rin siya sa mga magulang ko. Una awkward, lalo na medyo strict sila, at alam nilang pag nagka-love life ako e nag-iiba ang ugali ko.
This time, tama na ‘to. Ready na ko to commit. I can see my future with him.
Nagkasundo si Alden at ang Papa ko, pareho kasi silang mahilig sa chess. Ayun, nagkwentuhan sila. Kinakabahan nga nun ako e, siyempre kahit papaano importante pa rin yung sasabihin ng mga magulang ko. They’re still my parents and whether I like it or not, I need to listen to their advice.
Honor your father and your mother is the first commandment with a promise.
Kahit madalas kaming may hindi pagkakaunawaan ng mga magulang ko, iniintindi ko nalang sila. Matatanda na sila, at ayaw ko rin naman dumating sa point na pagsisihan ko ang lahat ng masasamang sinabi ko sa kanila.
Sinabi ko kay Alden lahat ng doubts ko sa buhay, pati na rin ang hindi namin pagkakaunawaan ng mga magulang at kapatid ko. Honest kami sa isa’t-isa, at siya ang naging confidante ko. Sa ilang buwan na pagiging magkaibigan namin, itinuring naming bestfriend ang isa’t-isa.
Si Alden, siya ang nagturo sakin paano maging pasensyosa. Madalas kaming mag-usap ng mga bagay na hindi ko alam kailangan palang bigyan ng pansin kasi kung papabayaan mo lang, mas lalong lalala.
Nung una medyo nahihiya ako mag kwento sa kanya pero naging smooth din ang conversation namin dahil siya mismo, ipapakita niya na interesado siya sa buhay mo at sa kung anong gusto mong sabihin. Aside from that, masarap siyang kausap kasi lahat ng sasabihin niya may sense. Bonus pa yung sense of humour niya.
Akala ko magsasawa ako dahil lagi kaming magkasama, pero hindi. Every time na aalis na siya, parang kasama niya yung puso ko; dala dala niya kung nasaan siya. Parang cliché, pero ganun talaga ang nararamdaman ko. Love na nga siguro ‘to. Hindi na ko nalulungkot. Araw-araw may rason para maging excited at maging masaya.
Maraming nagsasabing blooming raw ako, at kasabay nun ay ang katanungan na, “In love ka ba?”
Siyempre hindi ko sila sinagot.
Ang mga malalapit lang sa akin ang may alam na nililigawan ako ni Alden. Gusto ko kasing malaman nalang ng iba pag kami na.
Ang sabi nila kailangan pag nag enter ka in a relationship mas maganda kung matanda ng kahit dalawang taon yung lalaki. Hindi raw kasi sila mabilis mag mature kaya naman pag matanda ang babae, mahihirapan siya. Mas maganda raw na mas matanda ang lalaki para ituring kang baby.
Natawa ako nung nalaman ko yun. Hindi kasi applicable samin yun ni Alden. Though ilang buwan lang yung tanda niya sakin, matured na siya. Independent din, kasi tumira siya sa Manila ng mag-isa nung college.
Lumabas na rin kami ni Alden kasama ang mga kaibigan ko. Mabilis naman silang nag-click. Kahit na puro asar ang ginawa nila, nakakatuwa kasi alam ko na boto sila sa kanya.
Though nung una, ang sabi nila be careful daw, kasi ang mga lalaki pag nanligaw, ilalagay ang best foot forward. Totoo naman yun, hindi na bago sa’kin yun.
Kahit naman nung hindi siya nanliligaw mabait na siya e, mas sumobra nga lang ngayon. Sino ba ko para mag reklamo?
Nakilala ko rin ang barkada niya. Kumain kami sa isang restaurant at nagkwentuhan. Hindi ako na out of place kasi sinali talaga nila ko sa conversation nila, at na-appreciate ko yun. Masaya ako dahil mabubuting tao ang mga kaibigan ni Alden.
Ipinakilala niya na ko sa mga magulang niya. Siyempre kinabahan ako.
Naka-imprint pa nga sa memory ko yung nangyari. Kaya isusulat ko para hindi ko makalimutan, at mabalikan ko pag matanda na kami.
“Bakit ka naman nahihiya?” tanong ni Alden.
“Baka kasi hindi nila ko magustuhan,” sabi ko.
“Huwag kang mag-alala, gusto ka nila. Si mama nga tanong ng tanong kung kailan kita isasama samin.”
“Paano pag nakita nila ko, sabihin nila hindi tayo bagay?”
Oo, may doubt ako. Hindi naman kasi maiiwasan yun. Kung ikaw kaya yung ipakilala sa parents ng crush mo. Nangangatog na nga mga tuhod ko, iniisip ko palang. Paano pa pag nagkita na kami?
Oo, nagkita na kami noon sa church, pero iba yun. Dahil ngayon ipapakilala niya ko. Formal. Bibisita ako sa kanila. Makikilala ko ang buong pamilya niya.
Hinawakan ni Alden ang mga kamay ko. Ano ba yan, pag nine-nerbyos ako pinagpapawisan ako, nakakahiya. Gusto kong tanggalin, kaso mahigpit yung pagkakahawak niya. Ayaw niyang i-let go.
“Importante sasabihin ng mga magulang ko tungkol sa’yo,” sabi niya. Nalungkot naman ako. “Pero mas importante ka.”
Nabigla ako sa sinabi niya. “Alden. . .”
Ngumiti siya. “Yung panliligaw ko sa’yo, hindi dahil gusto ko lang. Matagal na rin akong nananalangin na makita yung pinili ng Panginoon para sa’kin. Binigay ka Niya.”
May mga luha na tumutulo sa aking mga mata.
“Minsan may mga araw na pinagsisihan ko kung bakit wala akong ginawa nung high school pa tayo”, sabi niya, “edi sana matagal na kitang nakasama. Pero narealize ko na may tamang oras sa lahat ng bagay. Paano pala kung niligawan kita noon, tapos hindi nag work out, edi wala tayo sa sitwasyon na ‘to ngayon? Kaya nagpapasalamat ako dahil kahit maraming taon ang lumipas, pinagtagpo pa rin tayo.”
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, kaya niyakap ko nalang siya. Yung puso ko parang sasabog na.
Sigurado na ‘ko kay Alden. Siya ang gusto kong makasama habang buhay. Gusto ko pag gising ko sa umaga, siya yung una kong makita. Yung mga ngiti sa labi niya at kislap ng kanyang mga mata, hinding hindi ako magsasawang pagmasdan.
Naaalala ko pa noon, nag isip ako ng mga scenarios sa isip ko kung paano ko siya sasagutin.
Sasabihin ko lang ba? Parang boring.
Bibili kaya ako ng dalawang bilog na donut para mag mukhang: OO ?
Gumawa kaya ako ng letter? Kaso masyadong ma-drama.
Ayaw ko rin naman yung magarbo dahil baka mag mukhang OA.
Pinag-pray ko talaga yun, yung pag sagot kay Alden. Nanghingi pa ko ng guidance from my parents and pati na rin sa mga malalapit sa akin.
Sumang-ayon sila sa desisyon ko. Wala rin kasi silang makitang mali kay Alden. Besides, gusto ko siya, bakit ko pa siya pakakawalan, di ba?
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na lahat ng pinanalangin ko ay unti-unting binibigay ni Lord. Napaka-buti Niya talaga.
Minsan ayaw kong maging masaya dahil iniisip ko na pagkatapos ng matinding ligaya ay ang kalungkutan. Kahit may mga pagkakataon na nagkakaroon ako ng doubt sa happily ever after ko, mas malaki ang pananampalataya ko na hindi ako masasaktan kay Alden.
Ang sarap ng ganitong pakiramdam, parang utopia kasi wala ng problema, wala ng obstacle.
Pero na-realize ko, ang boring din pala ng buhay kung wala kang pinagdadaanan. Kasi parang wala ng goal; hindi mo na kailangan mag take ng next step kasi okay ka na kung nasaan ka.
Kaya nagpapasalamat pa rin ako kay Lord dahil may mga pagsubok pa rin akong na-o-overcome. Lumalakas pa ‘ko at hindi pinanghihinaan ng loob.
May mga nagsasabi sa’kin na mas maganda raw na mag cheat yung lalaki habang mag boyfriend at girlfriend palang kayo kaysa naman pag kasal na.
Nabigla ako nung narinig ko yun.
Bakit ka naman mag a-assume na lolokohin ka ng partner mo? Nasaan yung trust dun?
Ano yun, pag gising mo, tatanungin mo yung sarili mo kung ngayong araw ka ba niya lolokohin?
Hindi ko alam kung advice nila yun o kung ano pa man, pero hindi ko sila pinansin. Baka sila hindi pinagkakatiwalaan yung boyfriend nila, pero ako, alam ko na faithful si Alden.
What’s the point of being with that person if may doubt sa puso mo kung siya ba talaga ang makakatuluyan mo habang buhay? Ano yun, trial and error? Pag hindi nag work out sa kanya, maghahanap ka ng iba?
Hindi ba dapat sigurado ka na? Hindi lang kasi oras at effort ang ii-invest mo pag nag decide kang pumasok sa isang relasyon. Kasama na rin dun yung puso mo. Sasaktan mo lang ang sarili mo kung sa tingin mo temporary lang yun.
Hindi ko sasabihin na si Alden ang kumumpleto sa pagkatao ko. Basta ang alam ko,dahil sa kanya, nagkaroon ng kulay ang madilim kong buhay. Isa siya sa mga rason kung bakit masaya ako. Naniniwala ako na kahit ano man ang pagdaanan ko, hindi niya ko iiwan.
I can always count on him. Yun naman ang importante. We value each other’s differences. Gusto ko rin sa kanya yung hinahayaan niya kong mag decide on my own. I can still have my alone time. Hindi siya kagaya ng ibang lalaki na pinagbabawalan yung girlfriend na lumabas kasama ang mga kaibigan. Pero siya, napaka-supportive. Wala akong masabi against him.
Love is a choice. Kailangan mong mag decide, at gamitin ang utak mo, hindi lang ang puso pag sinabi mo sa sarili mo na, “Mamahalin ko ang taong ‘to. Tatanggapin ko lahat ng imperfections niya."
Darating kasi yung araw na malalaman mo lahat ng ugali ng isang tao; good and bad. Kailangan mo ‘yun tanggapin. You need to accept the person as a whole.
May iba kasi pag nakilala nila ng lubusan ang taong mahal nila at nalaman ang pangit niyang ugali, iiwan nila. Ang sakit kaya nun.
Ako? Tinanggap ko lahat kay Alden. Gayun din naman siya sa’kin. Nalaman niya ang bad side ko, pero hindi niya ‘ko hinusgahan.
Alam kong nag-uumpisa palang kami, at marami kaming pagdadaanan. Pero excited ako dahil sa journey ko, kasama ko siya.
Biglang may kumatok sa pintuan kaya naman itinago ko agad ang aking diary.
“Ate,” sabi ng kapatid ko, sabay pasok sa kwarto ko. “Nandiyan na si kuya Alden.”
Kinuha ko yung bag ko at pumunta sa sala. Nakita ko siya, kausap si Mama.
“Bakit ang tagal mong mag-ayos?” tanong ni Mama. “Kanina pa naghihintay boyfriend mo.”
Nung sinagot ko si Alden, yun ang isa sa mga pinakamasayang araw ng buhay ko. I know I made the right choice.
Oo, kami na.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
*****
Okay ba? Sana nagustuhan niyo! <3 Don’t forget to leave a comment!
Song > Bless the Broken Road by Rascal Flatts. Photo from Cantrona’s deviantart account.
Salamat sa pagbasa! :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro