Christmas Special (Reunion/Time skip)
❝ UNDERNEATH THE TREE ❞
THIRD-PERSON POV
"Happy holidays!"
Muli pang bati ni Ivy sa kanyang mga kaklase at teachers nang pagka-labas niya ng classroom galing Christmas party. Halos dalawang malalaking eco-bags ang dala-dala ni Ivy puno ng gifts, prizes, at iba pa galing sa party nila. Namigay din siya ng mga gifts for each teachers and giveaways for her classmates.
"Ivy! Uuwi ka na ba?" Tanong ng isang kaibigan nito.
"Ah, yes. My dad is waiting outside na, e." Sagot pa nito.
"Ivy! Ivy! Pa-picture daw kayo ng tropa ko!" Tawag ng mga ibang lalaki sa hagdan. Napa-lingon naman si Ivy at pumayag na rin magpa-picture. Marami na rin ang sumunod kaya't medyo natagalan ito.
"Where's Ivy?" Tanong naman ni Takashi nang siya na ang kusang pumasok sa school nila para hanapin na si Ivy dahil halos umabot nang ilang minuto ang paghihintay sa kotse.
"Hi, Dad!" Bati naman ni Ivy.
"Where are your bags?" Tanong ng kanyang tatay since he's expecting a lot of buhat galing sa party dahil gano'n naman usually, but it seems like Ivy's hands are empty except for her hand bag.
"Oh, here. I have some taga-buhat. They asked for it, e." Sabi ni Ivy nang tinuro ang mga lalaking hirap na nagbubuhat sa mga gamit niya.
"H-Haha... Hello po, Tito." Bati nila.
Tinanguan lang sila ni Takashi at kinuha ang mga gamit ng anak niya sakanila.
"Daddy, alam mo ba kanina," sabi ni Ivy nang pagkapasok sa kotse at agad na nagkwento.
"What?"
"Kanina, may mga games kami na nilaro, e gutom na gutom na 'ko sa kumuha ako ng grahams pati shanghai, hehe. Tapos do'n sa trip to jerusalem, halos magbatuhan na kami ng upuan! Well, nanalo naman ako sa games nang ilang beses. Wala, e competitive ako, 'di ko na 'yun kasalanan." Walang sawang kwento ni Ivy.
"Okay. Did you at least enjoy?" Takashi asked while driving.
"Yes, but I'm very hungry now..."
"I thought you already ate?"
"Yes, pero gutom ulit ako... Bili tayo milk tea! I'll buy for Mommy too, hehe." Sabi ni Ivy. "Anyway, Dad, ano 'yung sinasabi ni Mommy na may Christmas reunion party daw with your high school friends? Am I going to come too?"
"Yeah, of course," sagot ng kanyang tatay.
After some minutes, nainip naman agad si Ivy kaya't nagphone muna siya, ngunit nakuha naman ang atensyon nito sa biglang nag notification so phone galing Facebook at Instagram.
Kenzo Haitani sent you a friend request.
enzo.kh started following you.
"Haitani...?" Isip ni Ivy dahil mukhang pamilyar ang apelyidong ito.
"Who the hell," Ivy rolled her eyes, but still checked the boy's accounts.
Ang unang chineck ni Ivy ay ang kanyang Instagram, at puno ito ng basketball shots ni Kenzo including his other sports team. May mga vacation photos din, mostly sa beach with his family.
"Hala shet! Ang pogi naman!" Tinago naman ni Ivy ang kanyang ngiti at nilayo ang phone niya sa kanyang tatay dahil magkatabi lang sila sa front seats.
Inistalk pa ni Ivy ang kanyang account, and pag dating sa mga family photos, ang sweet ng mga captions! Lalo na sa isang mother's day post na ang caption ay, "Happy Mother's Day to the most beautiful woman I know. Thank you for always supporting me, including dad. Keep on being a plantita mom HAHAHA I'll also support u in that lol. I love you, Mommy!"
"Ang sweet naman, hehe, halatang green flag," halos mangisay na si Ivy sa kaka-stalk niya sa Kenzo na 'to na hindi pa naman niya masyado kilala. Sa sobrang kilig naman, ay hindi niya napansin na may na-like pala siyang old post.
Grabe, nahanap talaga ni Ivy ang accounts ng parents ni Kenzo, at pansin niyang may mutual friends ito which is ang daddy and mommy din ni Ivy. "Huh?! My parents? That's why the last name 'Haitani' is so familiar? Hala! What if pinsan ko 'tong si Kenzo?! 'Wag naman sana!"
"Daddy, may I ask something?" Agad na tanong ni Ivy.
"What?"
"Who is Kenzo Haitani?"
"Haitani...? Ah, it's my high school friend's son, your Tito Ran. Matagal na kayong hindi nagkikita ni Kenzo. The last time we had a reunion was when you were still a toddler. Why?" Takashi looks at his daughter in question.
"Ah... Wala lang." Sagot ni Ivy. "Hala, so nakita ko na pala siya dati?! Ano na kaya itsura niya sa personal ngayon?" Then, napa-tingin naman ito nang may nagpop na notification
enzo.kh sent you a message.
"Huy!" Muntik nang mapa-tili si Ivy, kaya't napatingin naman ang kanyang tatay sa kanya.
enzo.kh:
hi
"Syempre, hindi muna ako magrereply para 'di halata na kaka-stalk ko lang, 'di ba? Alam mo 'yon... Playing hard to get! Char!" Isip ni Ivy.
:ivyy_suuya
who u
At hindi pa lumipas ang isang minuto...
enzo.kh:
who u ka rin
:ivyy_suuya
eksyuz mi what r u saying dzuh
enzo.kh:
jeje amputa
:ivyy_suuya
tanga di seryoso typings ko
bobo ka ba dimo ba alam un
bobo ka yata eh
enzo.kh:
sabi ng stalker
enzo.kh sent a photo.
It's a screenshot of Ivy liking his old posts sa notification niya!
:ivyy_suuya
ay hala na-hack acc ko
enzo.kh:
alamin mo muna
:ivyy_suuya
alin
enzo.kh:
kung sinong nagtanong
:ivyy_suuya
😐
k bye,,
enzo.kh:
joke lang
uy
pst
:ivyy_suuya
bitch
una sa lahat sino ka bA sis>?!$&?
u randomly followed me out of nowhere likeee girl who u
"Hehe, kunwari 'di ko alam." Isip ni Ivy.
enzo.kh:
hmm ewan
:ivyy_suuya
ill tell u to daddy
bye
enzo.kh:
lmao I know who ur dad is
he's my dad's friend from high school
that's why I know u
:ivyy_suuya
o edi bkit mo naman ako inadd friend sa fb then
finollow mo pako sa ig
crush moko noh
enzo.kh:
don't assume
:ivyy_suuya
ay
ok sabi mo e
enzo.kh:
can't I make friends with my dad's acquaintances?
:ivyy_suuya
idk
"Biglang naging cold ah," bulong ni Kenzo behind the screen while hiding his laugh. "Asarin ko pa nga."
enzo.kh:
anyway
where are you studying?
heard u from my mom e
:ivyy_suuya
idk
enzo.kh:
wdym you don't know
:ivyy_suuya
👍
enzo.kh:
galit ka ba
:ivyy_suuya
no
enzo.kh:
joke lang un miss
sorry
hehe
:ivyy_suuya
👍
Nagpipigil naman ng tawa si Ivy habang binabasa ang conversation nila ni Kenzo. Napa-tingin naman si Takashi sa kanyang anak dahil ngumingiti sa harap ng phone.
:ivyy_suuya
k sino bako
sino ba naman ako
enzo.kh:
aba ewan ko
sino ka ba
sino bako
sino ba tayo
:ivyy_suuya
KAPALIT-PALIT BAKO?
AM I NOT ENOUGH?
char script lang un sa movie
gehehe
enzo.kh:
daming alam
:ivyy_suuya
kesa naman sa walang alam tulad mo na walang laman ung kokote
enzo.kh:
namemersonal ah
:ivyy_suuya
manahimik ka teritoryo ko to
enzo.kh:
masusunod po
:ivyy_suuya
kk good bye 🙄
enzo.kh:
anyway, see you at the reunion
:ivyy_suuya
huh?
NAKNAMPUTA?
HOY
balik ka dito putangINAMO
"Bobo! Oo nga pala. Anak siya ni Tito Ran! Hala gagstok ang tanga ko naman." Isip ni Ivy, at hindi niya pansin na kanina pa siya tinitignan ng kanyang tatay. Ngiti-ngiti netong batang 'to.
"Ay, makikita ko naman siya at least. Pogi naman siya, hehe." Isip pa ni Ivy na walang katapusang overthink. "Pero oh my gosh nakakahiya 'yung mga pinagchachat ko! Huy, 'di ako ganito in person, ha."
"Char, ang landi ko naman... I mean, pa'no si Hans? 'De bahala na 'yun. Pinahiya ako sa harapan ng klase, e..." Dagdag pa ni Ivy. Yes, it's true. Hindi alam ni (Y/N) Ashanti at Takashi ang nangyayari pagitan kay Ivy at ang crush niya. Halatang tipo ni Ivy ang kanyang crush, kahit patago ito, ngunit mukhang komplikado, at iniisip din ni Ivy na this in only just a so-called corny 'puppy love'. Ivy doesn't know what do to. She badly needs her parents' advise, but she's too scared, especially at her dad's strict deamenor.
"Ilang beses kong sasabihin na 'di ko na siya crush. I deserve better 'noh, tsaka study first muna." Ivy thought, then focused on the road instead of bothering her mind with her bothersome "ex-crush" named Hans.
"Whatever, bye Hans! Last na talaga 'to."
"Daddy!" Napasigaw naman si Ivy sa sobrang inis, kaya't nagulat si Takashi.
"What?" Agad na tanong niya.
"What if hindi nalang ako sumama sa reunion party niyo?"
"Huh? Why? That's so sudden, Ivy." Sagot ni Takashi.
"Eh kasi..."
"You should come, Ivy. Everyone's sons and daughters are there. I'm sure you'll make good friends there. A lot is the same age as you, especially Haitani's sons." Takashi convinced.
"I'll think about it..." Banggit ni Ivy. Alam niyang nakakahiyang makita siya, pero mas nakakahiya kung tatanggihan niya ang invitation dahil madalas naman ang event na 'to lalo't na ay reunion pa.
"Dad, tapos na ba?"
Inip na tanong nina Kenzo at Enji nang nasa mall sila kasama ang buong pamilya. Bumibili naman si (Y/N) Lauren ng mga pang-regalo at damit para sa paparating na pasko, including na rin ang Christmas party niya sa office at para sa high school Christmas reunion na balak nila. Buti nalang ay lumipas na ang Christmas party ng mga anak ni Lauren kaya naman ay hindi gano'n kabigat ang mga bibilhin.
Kasama ni Lauren si Gian na buhat ng yaya niya na kasama rin magshopping, habang ang tatlong magtatay naman ay inip na inip nang naghihintay sa labas ng store.
"'Nu 'to?" Sa sobrang inip naman ni Kenzo, kinalkal nito ang mga pinamili ng kanyang nanay. "Wow ah, puro bags, damit, skincare... Pahid ko kaya 'to sa mukha ni Enji sabagay mukha namang zonrox."
"Gago ka ba," bulong naman ni Enji, at kahit nagmumura ay mahinhin ang boses.
"Dad, naiinip na ako," sabi pa ni Kenzo na tumatalon-talon nalang sa gilid ng kanyang tatay.
"Tara, bili nalang tayo sa Nike," pag-aaya ni Ran. As usual, kapag ikaw ay nagsh-shopping, palaging humihiwalay ang tatlo para pumunta sa mga bilihan ng sapatos at mga pang-sports na stores.
"Dad, ganda nito, o, perfect for my games," sabi ni Kenzo nang pinakita ang nahanap niyang sapatos.
"Gusto mo ba? Buy it. Bili na rin kayo para sa reunion." Sagot naman ni Ran. "How about you, Enji?"
"It's fine. I'll just use my old shoes." Sabi ni Enji.
"What? No. Magpapasko tapos 'yung mga luma gagamitin mo? Bili ka na ng bago. Bilhan ko kayo ni Kenzo." Ran insisted, at agad naman itong nagpahanap ng mga sizes ng sapatos.
"Nandito lang pala kayo," napa-lingon naman sila sa boses ng kanilang nanay na kakatapos lang din bumili.
"Mom, may tanong ako," agad na tanong ni Kenzo.
"Ano 'yun?"
"What do girls like to receive as a gift for Christmas?"
Nagulat naman ang mga magulang ni Kenzo sa biglaang tanong nito.
"Bakit? May reregaluhan ka na?! May girlfriend ka na?" Hindi namang maiwasan na maglapag ng kung ano-anong tanong nina Ran at (Y/N).
"No! I'll just give a gift to someone."
"Sino? Pabulong naman kami, 'nak." Sabi pa ng kanyang nanay. "Sino ba 'yan? Alin sa mga babae ro'n sa polaroid photos, ha? Tsaka ikaw ha, nakita ko, ang dami mong ka-pose na babae ro'n sa polaroid."
"Luh! Dad, o." Kumampi naman si Kenzo sa kanyang tatay.
"Sino ba kasi 'yan?" Tanong ni Ran na 'di rin maiwasang ma-curious.
"Si ano, 'yung sinasabi niyo, si... Si ano basta."
"Sino nga?"
"Si Ivy. 'Yung Mitsuya." Sagot ni Kenzo.
"Hala, 'yung anak nina Ashanti," bulong mo naman kay Ran.
"Kenzo, ito ha, una sa lahat, 'wag mong paiiyakin 'yon. Pangalawa, 'wag mong paiiyakin. Pangatlo, 'wag mong paiiyakin." Sabi pa ni Ran. Pa'no ba naman kasi, pag dating sa mga ganito ay strict ang tatay ni Ivy.
"Luh! 'Di ko naman papaiyakin. Well, I mean inasar ko siya sa chat... Haha... Pero babawi naman ako! Kaya nga bibigyan ko siya ng regalo, e. Sakto sasama rin siya sa reunion." Banggit pa ni Kenzo.
"Osya, sige sige. Ano ba mga hilig no'n?" Sabi naman ni Lauren na sinamahan ang anak sa mga pamilihan ng pambabaeng gamit.
"Puro pink, white, nakaka-silaw naman." Bulong ni Kenzo na akala mo umakyat ng langit nang pumasok sa isang store for bags, dresses, and hair accesorries.
"Mas nakaka-silaw nga 'yung pang-gaming keyboard niyo, e... Bawat pindot umiilaw. " Sambit ng nanay niya.
"Anyway, uhh, I think, yeah, we're in the perfect store." Sabi ni Kenzo, dahil kanina lang ay napa-stalk din si Kenzo sa Instagram ni Ivy. Her Instagram is full of her selfies, and she's always wearing those coquette dresses, pink hair bows and clips, and glam accessories.
"Ito, 'nak o, ang cute." His mother also enjoyed being in this store, kaya't napa-rami na rin ang bili nito. Si Lauren nalang din ang namili ng regalo at umalis na rin sila para agad nang maka-uwi upang makapagbalot na rin agad ng mga pinamiling regalo.
Habang pauwi na at nasa kotse na sila, chineck naman ni Kenzo ang phone niya to see if nagchat si Ivy.
"Wow, walang chat ah," bulong ni Kenzo.
:enzo.kh
pst
ivyy_suuya:
ano miss mo ba agad ako
:enzo.kh
lmao
ivyy_suuya:
sabi na nga ba joke lang
btw baka hindi ako makasama sa reunion
:enzo.kh
what why?
ivyy_suuya:
nilalagnat yata ako eh
:enzo.kh
sus
ivyy_suuya:
oo nga
:enzo.kh
eh
nubayan
ivyy_suuya:
yie eto tlga o gusto ako makita
*removed a message*
:enzo.kh
?
ivyy_suuya:
wala
hehe
:enzo.kh
kilos may sakit ba yan
HAHAHAHAH
ivyy_suuya:
oo mukhang natamaan yata ako
:enzo.kh
ng sakit?
ivyy_suuya:
hindi, sayo
n4$an k4H n@ b4h m4haL k0h,,
:enzo.kh
wtf hahaha
"Nakakahiya, what the fucking fack!" Sigaw ni Ivy sa kanyang kwarto nang gumugulong sa sahig habang in-off ang phone.
ivyy_suuya:
aguy na wtf lang ako
sige bye lumala sakit ko
:enzo.kh
ano gusto mong i-reply ko?
n4nd!to 4k0 sA b@haY m4haL
ganyan?
ivyy_suuya:
o0 m4haL k0h
HAHAHAHAH CHAROT
tsaka bobo lyrics yon t4ng@
:enzo.kh
lakas ng trip mo boss
ivyy_suuya:
ALAM MO BAHALA KA NGA JAN
mas lalo mong pinapasakit ulo ko eh
:enzo.kh
hm ok
pagaling ka
expecting to see u there
"Ito naman parang tanga," sabi pa ni Ivy na halos ibato na ang phone niya.
"Wait! I feel bad, hindi naman ako nilalagnat! I'm just making excuses! Huhu!" Dagdag pa ni Ivy.
Ilang araw na ang nakalipas at malapit na ang reunion, kakagising lang ni Ivy dahil na rin sa ingay sa labas ng kanyang kwarto.
Bago pa siya lumabas, chineck muna ang phone and there's a notification from Kenzo. Ilang days na ring nag-uusap ang dalawa through chat.
Lumabas nalang si Ivy sa kwarto niya nang in-off muna ang phone at dumungaw sa railings ng hagdan to eavesdrop the conversation between her dad and mom.
"Dito mo na i-lagay 'yan." Banggit ni Ashanti nang dinedecorate ang kanilang malaking christmas tree sa first floor kasama si Takashi at ang katulong nila. Naghahanda na rin sila ng pang-balot para sa mga regalo.
"Hi, Ivy! Na-balot mo na ba 'yung mga regalo mo? Malapit na 'yung reunion. Ikaw na magbigay ng mga regalo sa mga titas and titos mo ha?" Dagdag pa ng nanay niya.
"Opo, Mommy." Maikling sagot ni Ivy.
Pansin niya rin na mukhang pinaghandaan talaga ng mga magulang ni Ivy ang reunion, or just the holiday season in general and she doesn't want to be bothersome dahil ayaw niya lang sumama sa reunion
.
"Merry Christmas to you nalang..."
"Nadala na ba lahat?"
Tanong ni Ashanti nang nasa kotse na sila, on the way to the venue. Aaminin ni Ivy na kabado ito, 'yung feeling na parang first day of school habang nasa kotse.
"Opo," sagot ni Ivy habang bitbit ang mga paper bags nito.
"Sa tingin mo, musta na kaya Section A, noh?" Tanong ni Ashanti, at nagk-kwentuhan lang ang mga magulang nito na hindi naiintindihan ni Ivy dahil hindi pamilyar ang mga binabanggit nilang pangalan.
"Nakikita ko parin sila sa Facebook, e. Mikey handles a car company, siya yata nag-ooperate sa mga car racing events. Si Takemichi pati Hina, kasal na rin. Sina Draken at Emma naman, gano'n din! Magb-birthday na nga 'yung anak nila, e. Parang kailan lang lumalandot 'yung babaeng 'yon nu'ng high school tayo!" Kwento pa ni Ashanti.
"I don't even know what happened to others. Biglang naghiwalay nu'ng college, e." Sagot naman ni Takashi.
"Kaya nga. Ay oo nga pala, Ivy! Mag manong ka sa mga titos and titas mo ha? Mga dati naming kaklase 'yun ng dad mo. Panigurado kilala ka naman na nila!"
"Jusko, 'yung Kenzo nga po iniiwisan ko na, e." Isip pa ni Ivy. "Sige nalang, Mommy... Haha..."
"We're here," halos tumalon ang tyan ni Ivy sa sinabi ng tatay niya.
"Hala shet, 'di pa 'ko ready." Bulong ni Ivy habang nagp-panic at iniimpake na ang mga gamit sa kotse na dadalhin.
"'Nak, natatae ka ba? Namumutla ka." Komento ng nanay nito.
"Namumutla lang natatae agad. 'Luh 'to si Mommy o, pero sumasakit nga tyan ko. Dito nalang ako sa kotse!" Pagpipilit ni Ivy.
"Sa loob ka nalang tumae! Marami namang c.r. doon!" Sabi pa ni Ashanti at hinila ang kanyang anak palabas ng kotse habang si Takashi naman ay halos isang dosenang bags ang dinadala, kasama na rin ang mga wrapped gifts.
"Huy! Sina (Y/N) Ashanti!" Pamilyar na mga boses ang sumalubong sakanila nang pumasok na sila sa main venue. Mukhang pinaghandaan nga nila ang reunion na 'to dahil bongga ang mga decorations.
"Uy, hi!" Bati naman ni Ashanti, at una niyang nasilayan sina Emma, Hina, at Senju, her high school friend group.
"Ivy! My favorite, magandang iinaanak! Mana talaga sa'min, kikay na kikay!" Tili nina Emma nang niyakap si Ivy.
"O nasa'n din si hubby mo?" Asar pa ni Emma.
"Ito, nagbuhat lang ng mga gamit galing kotse. Jusko, ang layo rin ng parking, ha." Sagot ni Ashanti.
"Musta na rin pala kayo ni Draken? Uy, pati si Takemichi!" Tanong pa muli.
"Ayun, nag-iinuman na agad. Nako, sabi ko mamayang gabi na 'yan, sabi nila onti lang naman... Nando'n na rin sina Baji! Halos lahat nandito na! Pati 'yung mga dating Section B!" Sabi ng dalawa.
"Atsaka," bulong ni Hina, kaya't lumapit naman kayo sa kanya. "Mag t-three months na 'to..."
"Weh?!" Hindi niyo namang maiwasang magulat sa sudden news ni Hina. Parang kailan lang ay inaasar niyo sina Hina at Takemichi noon. Well, as of now, Emma is a housewife, while her husband is working, may anak na rin sila, but still a toddler. Tinutulungan din naman ni Hina si Takemichi sa trabaho since they have a family business, and as she said, she's three months pregnant.
"Shuta talaga, pinanindigan ko 'yung quote ko nu'ng high school... Mukhang pinagsisihan ko na. Tanginang 'singgol ready to bulbol' na 'yan." Reklamo pa ni Senju na hanggang ngayon ay single parin.
"Ano na, Senju! Tatandang dalaga?"
"Tatandang binata, p're." Biro pa ni Senju.
"Anyway, sina Kuya pala! 'Yung mala-kampon ni satanas sa Section A noon!" Sigaw ni Senju nang hinila ang kanyang Kuya Sanzu from Section A.
A/N: remind ko lng na may dalawang F5 ah... baka nakakalimutan niyo malito ulit kayo HAHAHAHAHA (oo ito pa ung times na di ko pa sineseryoso ung book sorry diko na maedit💀)
"Ito naman, si Kakucho! Si Koko, si Rindou... at si Ran!"
Ineexpect nila na nandito parin ang awkward tension sa pagitan nina Ran from Section A at (Y/N) Ashanti, but at the same time, tinawanan nalang nito 'to sapagkat matanda naman na sila, and it's all buried in their high school memories.
May mga sari-sariling pamilya na rin ang ibang kaklase ni Ashanti, at single naman ang karamihan sila. They're more focused on business, and they want to be financially ready before starting a family.
"Uy, si Takashi! Gagstok! 'Yung halos lumabas 'yung utak nu'ng high school!" Rinig mong sigaw ng mga lalaki nang pagkapasok ni Takashi.
Tinanguan nalang ito ni Takashi at tumambay muna saglit kasama ang mga dati niyang kaibigan. Si Ivy naman ay naka-upo lang sa isang table habang nagp-phone, greeting her aunts and uncles when they recognize her as they walk past her.
"Ano nang ganap sa buhay?" Tanong naman nina Baji nang kasama ang mga lalaki nu'ng Section A sa isang table.
"Ito, Mentor na 'ko ngayon, boi! 3k mo, gawin nating 3k ko!" Biro ni Hanma, alam niyo 'yung mga mentor na scammer, 'yung may with matching motivational quotes pa.
"Eto, tamang snatch lang sa Baclaran. 'De joke. Manager na 'ko." Sagot naman ni Baji.
"Ako naman tamang ML parin sa gedli, 'de pero kasama ko na si Kazutora sa petshop namin. Vet na rin si Kazu." Sabi ni Chifuyu.
Well, itong tatlo ay mukhang single parin, ngunit banggit nila na may na naaakit na silang babae pero tuloy parin sa pagpapatakbo ng negosyo. Isa na rin pala sa mga kasal na ay sina Pah-chin at Yumi na umuwi na ng Pilipinas pagtapos ng pananatili sa ibang bansa nang ilang taon.
"Oy! Oy! Syempre, nandito rin sina Bogart!" Sigaw ni Baji, his childhood rival na ngayon ay matalik na niyang partner sa business.
"Pati sina Oten at Tubolt! Shet naman! Palagi nang puno 'yung wallet!" Hiyaw pa nila.
May mga yumaman pa nang mas higit sa pagtanda nila, tulad nalang ni Kisaki and Koko from Section A na ngayon ay isa nang chairman at vice-chairman ng multi-million company.
"Itong si Mikey, mukhang tumitino na rin, ah! 'Di na baby ng Section A! HAHAHA! Sample nga ulit, Mikey Padilla!" Banggit nila.
"Chill lang kayo! Tumatanda na 'yung tao, e, syempre nawawala na rin 'yung skills!" Sagot pa ni Mikey.
"Tumatanda raw pero nambuburaot parin kapag may birthday 'tong anak ko," tawa ni Draken.
"Okay lang, ako naman favorite ninong, 'di ba, Kendrich?" Tanong ni Mikey sa four years old na anak nina Draken at Emma.
"Yes! Tito Mikey is my favorite because he always gives me Jollibee!" Sagot naman ng bata.
"O ano kayo ngayon," pagyayabang pa ni Mikey.
"Oo nga pala, Takashi, 'yung anak mo? Mukhang mommy's girl, ah." Sabi pa nila.
"Ayun nga, e. Mahilig palagi sumama sa mommy. Ivy! Come here, nagmano ka na ba sa mga tito mo?" Tawag naman ni Takashi sa kanyang anak.
"Ay, hindi pa po, sorry, hehe... Mano po," nagmano na rin si Ivy sa kanyang mga tito, at pansin nilang ka-hawig niya ang nanay nito.
Bumalik naman na si Ivy sa usual spot niya, which is 'yung nag-iisang table na empty at wala pang naka-upo, kaya solo ito ni Ivy. Medyo nahihiya pa si Ivy dahil hindi niya pa masyado ka-kilala ang mga dating classmates ng mga magulang niya.
"Huy! Huy! Sina Haitani! Hi, Lauren at Ran! Grabe, ang g-gwapo ng mga anak!"
Napalingon naman si Ivy sa pamilyar na mga pangalan, at halos manlaki ang mga mata nito nang nakita ang lalaking planong iiwasan niya dahil halos mapahiya pa siya sa chat dahil kung ano ang mga pinagsasabi sa lalaki... at ito si Kenzo!
Pansin din ni Ivy na dumudungaw si Kenzo na parang may hinahanap, kaya't bago pa dumapo ang tingin ni Kenzo kay Ivy, ay agad itong lumingon paalis.
"Hala pakshet bawakananginang gago punyeta timang bayawak tarantado kumikinangina ka!" Mura ni Ivy sa isip nito nang tinago ang mukha at yumuko nalang na kunwaring nagc-cellphone.
Nang nagkakamustahan naman ang mga magulang ni Kenzo, nagpaalam muna ito nang saglit. "Mom, sa'n tayo uupo? Can I sit there?"
"Ay, mukhang may naka-upo na, e." Sagot naman ni Lauren. "Marami pa namang empty tables. Samahan mo mga kapatid mo. Punta lang kami ng daddy niyo sa labas kasama mga dati naming kaklase. Behave lang kayo rito, ha?"
"Yes," agad naman na sagot ni Kenzo.
"Wowowow! Wala pa talaga akong data! Haha! Napaka-malas ko naman!" Isip pa ni Ivy na nagpapanic na habang pilit na tinatago ang mukha at halos idikit ang phone sa kanyang mukha.
"Excuse me, may I sit here?"
Ivy raised her head to where the voice is coming from, at halos magulat ang dalawa nang nagka-titigan muna nang saglit bago ma-realize kung sino sila.
"Ivy?"
"...Kenzo?!"
"TANGINA! Ito na nga ba sinasabi ko, Lord gabayan mo 'ko." Mura ni Ivy sa isip nito at agad tumayo. "A-ano, haha... Sige, upo ka lang d'yan... Tawag ako nina Daddy, bye!"
Nagtaka naman si Kenzo dahil agad na tumakbo paalis si Ivy.
"Who's that?" Tanong ni Enji as he sat on their table along with Gian.
"Kuya kuya! 'Di ko abot 'yung table!" Sabi ni Gian, kaya't kinandong nalang ito ng kanyang kuya na si Enji, ang palaging taga-bantay ni Gian sa sobrang kulit.
"Bro, she's the girl that I'm talking about." Sagot ni Kenzo.
"Alin sa kanila?"
"Maka- 'alin ka sa kanila'. Grabe ka naman!" Sabi ni Kenzo.
"I mean, you can't blame me. I don't even remember the girls you're talking to." Enji replied, at 'di na nila namalayan na kinakagat na ni Gian ang plato sa table.
"But, yeah, she's Ivory," Kenzo said as he chuckled, leaning back on the chair. "Lakas ng loob sa chat, pero mahiyain pala in-person."
"All I want for Christmas is you!"
Kanta ng mga titas and titos sa labas, at tuloy parin ang party. Syempre, hindi mawawala ang mga pa-games at pagkain para sa espesyal na saluhan. Ang mga bata ang mostly naglaro sa mga palaruan, at ito ang mga anak ng mga dating magkakaklase.
"Ma, ayoko sumali..." Bulong ni Enji dahil kanina pa pinipilit sa games.
Si Ivy naman ay kanina pang nagp-participate sa mga games, and guess what, si Kenzo ang palaging kalaban nito sa mga games. Sobrang competitive pa nilang dalawa! Kahit nga trip to jerusalem ang laro onti nalang ay magbatuhan na sila ng upuan, e.
At syempre... nahahalata naman ng mga magulang nina Ivy at Kenzo ang interaction ng dalawa!
"Mukhang mapapa-Haitani ang anak natin, ah," bulong ni Ashanti, at wala nang magawa si Takashi kaya't napa-iling nalang ito.
"The next game is... Paper dance!" Announce ng mga host sa party.
"Oops! Nasa'kin ang list!" Biglang banggit naman ni Sanzu from Section B. Mukhang may kasama itong babae na katabi niya rin. Hindi nila alam kung kaibigan niya ba ito, pinsan, o ano, pero hindi na rin nila tinuunan nang pansin dahil na-libang na rin ang lahat sa mga palaruan.
"Eto, eto, ha, ako 'yung magpapa-partner sa paper dance," sabi ni Sanzu.
"Tito Sanzu! Malakas ako sa'yo, ah! Partner mo 'ko kina James!" Banggit ni Kenzo to his favorite ninong na ka-close niya rin.
"O eto, 'yung mga magpartner ay... Ivory Mitsuya and Kenzo Haitani!" Sigaw ng kanilang Tito Sanzu sa mic.
"HUH?!" Halos malaglag naman ang panga nina Ivy at Kenzo sa narinig nila.
"WAHAHAHAHAHA! GO ANAK!" At mukhang suportado pa sina Ashanti at Lauren!
"Nako, nako, mukhang makaka-pamilya ko ang mga Mitsuya, ah." Dagdag pa ni Ran, ang tatay ni Kenzo.
"Kenzo, 'nak! Hawakan mo nang mabuti si Ivy! Kapag 'yan nalaglag ha sinasabi ko sa'yo." Babala pa ni Lauren, ang nanay niya.
"NAK! KAPIT KA RAW NANG MAHIGPIT KAY KENZO! AHHHH!" Sigaw ni Ashanti, ang nanay ni Ivy na makulit din.
Si Takashi naman ay halos hindi na mapakali sa kanyang upuan.
"Tito Sanzu, traydor!" Sigaw ni Kenzo.
Nagsimula na rin ang paper dance game, at ito ang kung saan may music na ipatutugtog habang ang magpartner ay sasayaw, at syempre, may dyaryo o manila paper na nasa sahig. Bawat hinto ng music ay dapat, aapak ang magpartner sa papel, at paliit nang paliit ang papel, kaya't kailangang magsiksikan ng dalawa sa loob. Bawat diskarte nalang sa larong 'to, kung kailangang buhatin ang partner, ay go lang!
"Ayusin mo, ha," pag-iikot ng mata ni Ivy nang bumulong kay Kenzo. "Bwiset ka."
"The music will start, in three... two... one... go!"
Ang mga ibang players around the two ay magilas na sumasayaw, habang sina Ivy at Kenzo naman ay akala mo mga statwa.
Huminto naman ang music, kaya't umapak na sila sa papel. Buti nalang daw ay malaki pa ang papel, kaya't pwede pa silang maglayo.
As more rounds passed by, ang natitira nalang ay ang group nina Ivy at Kenzo, then ang isang babae na may yellow na clip at ang ka-partner nito.
At syempre... paliit na rin nang paliit ang papel!
Patuloy lang silang sumasabay sa music, at nang huminto ito, agad silang umapak sa papel.
"Huy! Malalaglag ako!" Reklamo naman ni Ivy na halos kumapit na sa balikat ni Kenzo.
Ngumisi nang paasar si Kenzo nang pansin niyang mahigpit ang pagka-hawak ni Ivy sa kanya, at magkalapit pa ang mukha nila.
"Kenzo, hawakan mo nang mahigpit si Ivy! Closer pa! Closer! Wala kang isang libo sa'kin sige." Sigaw ni Sanzu.
"Naku, oo nga. Sayang naman, isang libo, o! Go, son-in-law– Ay charot." Dagdag pa ni Ashanti.
Mukhang hindi parin talaga nagpapatalo ang kabilang team! Kaya't nagpatuloy pa ang isang round at lumiliit na ang papel! Jusko, isang paa nalang yata ang kasya rito, e!
"Huminto na 'yung music!"
Pabilisan nang umapak ang mga bata sa papel, at halos mataranta na si Ivy dahil hindi na talaga sila magkasya!
"Huhu! Talo na tayo! 'Di tayo kasya! Tanga ka ba?" Sabi pa ni Ivy. "Cute pa naman ng prize... Teddy bear– Huy!"
Nagulat nalang si Ivy at nagsigawan ang mga tao nang binuhat ni Kenzo si Ivy at umapak sa papel.
"Ran at Takashi! Hoy! 'Yung mga anak niyo! Bantayan niyo! HAHAHAHAHA!" Sigawan ng mga dati nilang kaklase.
Hindi nalang maiwasang tumawa ng mga magulang ng dalawang bata. Ewan nalang nila kay Takashi, hindi talaga maiwasang lumabas ang pagiging strict dad!
Natapos naman na ang game at agad na nagpababa si Ivy habang tinatago ang pamumula ng mga pisngi. Tumakbo agad ito sa kuhaan ng prizes at iniwan si Kenzo roon na kanina pa naka-ngisi.
"Sa'n na 'yung teddy bear, Tita?" Tanong ni Ivy sa kanyang Tita Emma na bahala sa mga prizes.
"Ay, ayun o! Mukhang na kay Kenzo na!"
"Hoy!" Agad naman tinawag ni Ivy si Kenzo nang nilapitan ito. "Akala ko ba akin 'yan, ha?"
"Chill. Ito nga, o, ibibigay ko dapat sa'yo," sabi ni Kenzo nang binigay nalang ang teddy bear sa kanya.
"Okay, bye," pagsusungit ni Ivy at bumalik na kung saan ang mga magulang nito habang yakap ang teddy bear.
"Huy! Hello, Ivy! Inaanak ko!" Bati naman ni Hakkai na kakarating lang kasama na sina Akane at Yuzuha.
Hakkai and Yuzuha own a boutique in BGC and many sales are increasing because of the Instagrammable ambiance it has, as they say. Ang kapatid naman nilang si Taiju ay may sariling pinatayo na restaurant.
"Mukhang... mapapa-Haitani ka yata, Ivy, ah. Nakita namin 'yung nangyari kanina!" Komento pa ni Akane, and she's now a nurse habang si Seishu naman ay pediatrician.
"Ano ka ba, Tita! Nanonood si Daddy!" Sabi naman ni Ivy.
"Wait lang, asan na ba si Kenzo? Pst, Lauren! Ay, si Lauren! Musta na! Kahit palagi tayong nag VC, miss ka na agad namin!" Tili nina Hakkai nang tumakbo ito papunta kay Lauren at nagbeso bago ibigay ang mga regalo.
"And... Nandito rin sina Ava at Sydney!" Dagdag pa nila. Naging close na rin sila dahil kay Lauren. Sydney is now working in a law firm and Ava is an architect.
"Kenzo, Enji, Gian! Your titas, o. Magmano kayo." Sabi pa ni Lauren.
"Gian! Ang cute naman netong batang 'to. Sarap pisilin ng pisngi palagi, e. Ang chubby pa!" Sabi ng mga tita nito.
"Itong sina Kenzo at Enji! Mga teenagers na kasi, mahiyain na! Dati, kasing liit lang kayo ni Gian! Ngayon halos maging six footer na kayo! Ang tatangkad na! Kuhang-kuha sa daddy niyo, ah." Dagdag pa nila.
"Bakit, Tita?" Sagot naman ni Kenzo nang tinawag ito ng Tita Hakkai niya.
"Teka lang, si Ivy! Ivy! Halika rito!" Tawag din ni Hakkai.
"Tita naman o..."
"Halikayo rito! Bilis!" Banggit pa ni Hakkai, at nang nandito na ang dalawa, pinatayo sila sa may Christmas tree para raw may first photo sila!
"Kenzo, akbayan mo!" Tili nina Akane.
Inakbayan naman ni Kenzo si Ivy habang ang babae naman ay mukhang nagsusungit pa pero ngumiti nalang.
"Wait lang! Dapat hindi ako kinikilig! WTF KAHSHAHS!" Isip ni Ivy at sinusubukang itago ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
"Huy! Namumula si Ivy, o!" Sabi ng mga tita.
"Tita, naka-blush on lang ako..." Sambit ni Ivy.
"Shoo! Alis," agad naman na sinabi ni Ivy kay Kenzo nang natapos na silang magpicture-taking.
Ilang oras ang nakalipas at halos kompleto na rin ang mga dating magk-klase, pati na rin ang Section B. Ang mga lalaki naman, na ngayon ay mga tatay, ninong, at tito na ay nag-iinuman sa labas. Patuloy parin ang party kahit pagabi na rin.
"Makoto! Ngayon ka lang namin nakita, ah!" Sigaw naman nina Ran nang tinapik ang likod nito.
"Si Makoto lang 'to! Ang basagulero ng Section B!" Sagot naman ni Makoto.
"Baka hanggang ngayon basagulero parin, ah." Komento ni Rindou na kasama rin uminom ang kuya nito. Simula nang nagka-pamilya na si Ran, naghiwalay na rin ng bahay ang dalawa. Rindou is currently working, related to business and finance. He's a shareholder in Ran's company.
"Boi! 'De ano, architect na." Sagot ni Makoto habang nagbubukas ng red horse.
Well, sa Section B naman, ang mga iba ay may pamilya na rin, tulad nina Pah at Yumi. Some are also still single and has a job. Wakasa runs a gym, and sina Senju at Takeomi palagi ang suki roon.
"Tapos ako tamang plok plok lang sa gilid." Sabi ni Benkei, well kasama rin ni Benkei na magtrabaho si Wakasa sa gym.
"Naknamputa naman. Ang baho." Reklamo ni Izana sa gilid habang umiinom kasama sina Shinichiro at Naoto. Hanggang ngayon talaga ay mainitin parin ang ulo! Well, Izana runs an organization named 'Tenjiku'.
"Kalma, former pres.! Hindi na si Benkei ang naaamoy mo ngayon." Sagot naman ni Shinichiro. He's working in his own bikeshop tulad ni Draken.
Sina Akkun at Takuya, ay nagmamay-ari ng cafe na car racing themed. Kasama rin nila si Takemichi at Makoto sa pagpapatakbo ng kanilang cafe bilang part-time job.
"Daddy," tawag ng isang babae kay Kakucho na kasing edad lang nina Ivy. "I'm hungry."
"Kakucho? Kumuha na ba kayo ng pagkain do'n? Kain na kayo. " Pag-aalok naman ni Lauren sa kanyang dating kaibigan na si Kakucho at ang anak nito.
"Ah, oo. Nag-bless ka na sa Tita (Y/N) mo?" Tanong ni Kakucho sa kanyang anak, at tumango naman ito.
"Oo nga pala, kanina ka pa hinahanap nina Ran. Nando'n sila sa labas, nag-iinuman." Dagdag pa ni Lauren. "Heidi, andu'n sina Ivy. Gusto mong maki-laro ka sakanila?" Mahinhin na tanong ni Lauren sa anak ni Kakucho.
Hindi sumagot si Heidi at tumingin lang sa kanyang tatay. Well, compared sa mga anak ni Lauren at Ashanti, ang anak lang ni Kakucho ang mahiyain.
"Oo nga pala, nasa'n si...?" Tanong ni Lauren.
"Ah, my wife is in the car," banggit ni Kakucho. "Medyo nilalagnat, kaya sinama ko na rin si Heidi baka mahawa raw. Don't worry, makikisali rin mamaya."
"Ah, sige sige." Inaya na rin ni Lauren ang anak ni Kakucho para makilaro kasama sina Ivy dahil mukhang nag-iisa lang ito kapag pupunta ang daddy nito sa labas.
"Kenzo, 'nak, entertain niyo muna siya, ha, Ivy. Nasa sala lang kami nina Mommy niyo, sina Daddy niyo nasa labas." Sabi pa ni Lauren nang iniwan ang bata at umalis na rin.
"Hello! What's your name?" Ivy greeted, and halatang friendly ito kaya't agad naman niyang na-engage ang anak ni Kakucho.
"Uhm... My name is Heidi..." Mahina nitong sagot.
"Ano raw?" Banggit ni Kenzo.
"Heidi raw, tanga," bulong ni Ivy.
"Ay, Kendrich, Gian, 'wag makulit! Mauntog kayo d'yan!" Biglang pagsisita ni Ate Ivy nila nang napansin nitong nagtatakbuhan na sila sa ilalim ng lamesa, at naging babysitter pa sila sa mga toddlers! Medyo marami-rami ring bata na-kasing edad nina Ivy at Gian, ngunit sila-sila muna ang close ngayon.
"Sorry, Ate Ivy!" They pouted at mukhang malapit sila sa Ate Ivy nila. Ang sweet daw e!
"Okay, give Ate Ivy a hug and kiss! Mwa! Cute cute niyo!" Ivy squealed nang pinisil ang mga pisngi ng dalawang bata at hinug.
"Want chocolate? Want chocolate?" Tanong pa nito.
"Bawal daw si Gian ng chocolate," banggit ni Enji.
"Ay... ganu'n ba. Sige, cookies nalang, pwede?"
"Ako, Ate! I want chocolate..." Sabi ni Kendrich, ang anak nina Draken at Emma.
"Ate Ivy, you're pretty!" Biglang sabi ni Gian.
"Oy Gian. Do'n ka na kina Mommy!" Sabat naman ni Kenzo.
"Bleh bleh Kuya Kenzo pangit!" Asar pa ni Gian at tumakbo paalis kasama si Kendrich. Ang liit pa ng mga paa nila! Baka madapa pa.
"HAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni Ivy.
"Maka-tawa ah," pagsusungit ni Kenzo.
"'Luh! Ito naman, galit agad."
"O talaga kwento mo sa hangin."
"Kuya," tawag ni Enji dahil pansin nitong pinagtitinginan na sila ni Heidi.
"Ay sorry, ehem. Hello, Heidi." Bati rin ni Kenzo.
"Hello rin po, Kuya."
"Kuya?" Kenzo blinked. "Mukha ba 'kong matanda? Halos magkasing-edad lang tayo!"
"AHH! Kenzo gurang! HAHAHAHA!" Asar ni Ivy.
"O-oh wait no... You're tall kasi that's why I thought..." Agad naman na bawi ni Heidi.
"O ano," angal ni Kenzo kay Ivy. "Hindi ka nag 'ate' kay Ivy, so ibig sabihin pandak siya 'noh?"
"'Wag ka nga. Natalo lang kita sa games kanina, e. Kapal kapal ng mukha mo kasing kapal ng libag mong hayop ka." Sagot ni Ivy.
"Anong libag?! Kuskusin mo pa buong balat wala kang makikitang libag dito!"
"Hahaha," tawa naman ni Heidi sa gilid at medyo may pagka-diri ito sa pinag-uusapan nila. After all, what the hell is libag daw?! "It sounds like kulangot, e."
"'Di mo alam kung ano 'yung libag?!" Gulat na tanong nila.
"No, I don't. I'm sorry, I'm not fond of these deep Tagalog words, e."
"Yari tayo. 'Ge nga isipin mo pa'no natin ma-eexplain kung ano 'yung libag sa kanya?" Sambit ni Kenzo.
"Ez, 'wag ka nga sumabat! Anyway, libag is like that dirt in our skin that needs to be scrubbed off!" Sabi ni Ivy.
"Oh... Haha. That's ew."
Nagtinginan nalang sina Ivy at Kenzo. Giving each other's ano-pa-sasabihin-natin? look.
"Anyway, bakit hindi ka sumali sa games kanina?! Kita ko hiyang-hiya ka sa gilid! Hindi naman kami nangangagat!" Sabi pa ni Ivy.
"Oh, I don't know. I don't want, e."
"Ah... Okay... Haha..." Sagot naman ni Ivy at napakamot nalang sa ulo.
"Hoy! Sali raw mga parents!"
Lumingon naman ang mga bata sa narinig nilang ingay, at tumakbo sila papuntang living room. Mukhang patuloy parin ang mga games, kaso nga lang, halos lasing na mga ang tito nila! Ilang minuto lang ang nakalipas at lasing na agad sila.
"Play tats by tats, tats by tats!" Sigaw nina Rindou na naka-tito outifit pa. Kasama na rin sina Ran, Sanzu, Kakucho, at Koko, or rather, that one old friend group in high school called F5!
"Naknampucha lasing na si Daddy!" Sabi nina Kenzo.
"Laruin niyo 'yung paper kiss!" Suggest naman nila sa mga lalaki.
"TAGAY PA! Tangina niyo!" Mura pa ni Ran.
"Tatay ko ba 'to," bulong ni Kenzo.
"Huy! May mga bata!" Pagsisita naman ng asawa ni Ran.
Ang una sa pila para sa larong paper kiss ay si Sanzu. Agad naman itong naipasa kina Ran, Kakucho, Rindou and so on. Si Takashi naman ay hindi sumali dahil kahit anong pilit ay ayaw talaga!
Sina Koko at Inui naman ang sunod!
"Sumama pa'ko rito..." Bulong ni Inui nang tinaggap nalang ang papel sa labi ni Koko at pinasa hanggang sa napunta kina Hakkai at Makoto.
"Shuta! Ba't hanggang ngayon katabi ko parin 'to?!" Reklamo ni Hakkai.
"Taena neto. 'Wag ka nang maarte! 'Yung papel ko namamasa na sa laway ko!" Muffled na sigaw ni Hanma.
"'Wag mo kasing higupin!" Sambit ni Hakkai, at kinuha na rin ang papel, tang ina muntik pang mag-kiss!
"Hoy! Hoy! MakoKai! MakoKai! MakoKai!" Sigaw ng mga dati nilang kaklase.
And to their surprise, nahulog 'yung papel!
"Tangina! Ang bantot!" Mura ni Makoto nang tuluyan nang dumikit ang labi niya kay Hakkai!
"YUCKKK!" Sigaw ni Hakkai nang agad kumuha ng wipes at pinunasan ang labi. "Sino ba kase nag-isip ng larong 'to? Usap lang. Promise usap lang. Walang upakan!"
"Jusko, lasing na nga, pinaglaro niyo pa!" Sabi pa ni Emma, at syempre, lasing na rin ang asawa nito.
"Nasa'n ba si Draken?" Tanong nina Hina.
"Ayun, dinala 'yung motor niya, palakasan daw ng tunog ng motor kasama sina Shinichiro, e puta hindi pa naman new year! Jusko, dala dala pa 'yung motor sa likod ng kotse!" Reklamo pa ni Emma.
"Kenzo! 'Lika rito. Ito, dalawang libo, bumili ka ng bagong tatay." Sabi ni Sanzu nang inabot ang mga aguinaldo nito sa kanyang mga inaanak.
"Hi, Tito Rindou! Mano po–!" Nilapitan naman nina Ivy ang kanilang tito, ngunit bigla itong naglaho na para bang bula!
"Shuta, sina Tito Baji na nga lang," bulong ni Ivy at nagmano rin sakanila. Naka-tanggap din ito ng isang libo at limang daan sa iba niyang mga ninong at ninang.
"Tito Mikey! Bless! Where's my money?" Tanong ni Kendrich na parang nagdedemanda at nagsisingil ng utang.
"Hala! Anong nangyari?!" Tanong naman ni Ashanti nang nasilayang shutdown na ang asawa nito na si Takashi at akbay nalang nina Kazutora.
"Ito, lasing na," sabi naman ni Kazutora na akbay din si Draken sa kabilang balikat.
"May pasyente pa 'ko," bulong naman ni Takashi at kinuha ang susi sa kotse. Puta, may dala pang stethoscope!
"Anong pasyente? Wala ka sa clinic, huy! Tsaka ba't mo dala 'yan?! Ikaw yata 'yung may kailangan ng doctor ngayon..." Tanong ni Ashanti. Ganito raw talaga si Takashi kapag lasing, nalulutang! Kung ano-ano pinagsasabi. Dinala pa nga niya 'yung X-ray machine nu'ng nalasing noon e.
"O Takemichi, ba't hindi ka umiinom ngayon?" Tanong naman nina Makoto na katabi nina Wakasa na nagsisigarilyo.
"May magagalit," tawa ni Takemichi. "Bawal maamoy ni Hina... Buntis, e."
"Naks naman! Parang kailan lang umattend kami ng kasal, ah." Banggit naman ni Akkun.
"May pangalan na ba?" Tanong ni Takuya.
"Chill lang kayo, three months palang, e. Tsaka wala pang naiisip na pangalan." Sagot naman ni Takemichi.
"Eto, may isusuggest ako... Boyet!" Sigaw ni Makoto.
"Tanginang– Tama ka na, Makoto. Ilang bote na nilaklak mo?"
"Pito lang naman... Ito pang-walo na." Sagot ni Makoto habang hawak ang isa pang bote.
"Hi, mga pakshit!" Sigaw ni Hakkai habang akbay na nina Yuzuha at Akane na mukhang lasing na.
"Hello, ikaw 'di ba 'yung pabidang vice president ng Section A no'n?" Lasing na tanong ni Hakkai kay Kisaki na nanahimik lang sa gilid kasama nina Hanma.
"Ito, isang libo, bumili ka ng bagong bibig," sabi pa ni Kisaki nang inabutan ito ng isang libo.
"Ay! Shet naman! Kahit 'di kita ninong, thanks!" Sabi pa ni Hakkai at bumalik na sa loob na parang walang nangyari. 'Yung tipong nang-insulto ka na nga, naka-tanggap ka pa ng isang libo!
"Bigayan na raw ng gifts!" Lumingon naman sila nang narinig ito. Syempre, in every Christmas party, may mga nagaganap din na bigayan ng gifts!
"Mga bata muna mauna!" Sabi naman nila.
"Si Gian daw may gift kay Kendrich!" The titas said as they squealed. Binigay na rin ni Gian ang gift niya sa kanyang kaibigan kahit mas malaki pa ito sa kanya!
"O what do you say, Kendrich?" Tanong naman nina Emma.
"Thank you, Gian!" Sabi naman ni Kendrich at agad na binuksan ang regalo, at syempre, may regalo rin si Kendrich para kay Gian.
"Kenzo, ikaw na!"
As usual, nagsigawan nanaman ang mga tao nang ang unang nilapitan ni Kenzo ay si Ivy para sa kanyang regalo!
"Hala parang tanga naman," bulong ni Ivy na nagpakipot pa ngunit tinanggap din ang regalo.
"Fine, I also have a gift for you," Ivy said at binigay din ang regalo kay Kenzo, tapos kina Enji, Gian, Heidi, Kendrich, at sa iba pang mga bata. Ang unfair naman kasi kapag si Kenzo lang ang reregaluhan niya!
Binuksan na ni Ivy ang kanyang regalo, and it's a white hand bag with a ribbon on the front. "Hala! Ang cute! Pa'no mo nalaman na ganitong bags mga hilig ko!"
"Tss... Ako pa," asar pa ni Kenzo. "Walang thank you?"
"Thank you na nga," Ivy muttered while suppressing her smile.
Binuksan na rin ni Kenzo ang kanyang regalo galing kay Ivy at sa mga iba. Naka-receive naman ito ng shoes pang-basketball. Si Enji naman ay naka-kuha ng painting set. Si Gian ay isang lego set at toy cars. Binuksan din ng ibang mga bata ang kanilang mga regalo galing sa kanilang mga titos ang titas. Mamahaling dress at luxury bags naman ang na-receive nina Ivy at Heidi galing kina Hakkai at sa iba nilang titas. Ang binigay naman ng mga titos sa kanilang mga kaibigan ay mostly bottle of wines, wallets, etc.
The celebration just continued, and it seems like everyone is having the time of their life especially when the Christmas breeze lingers in the ambiance.
"Cheers! Cheers!" Sigaw ng mga dating magkaklase nang tinaas ang mga glass of wines as a sign of gratitude for this toast along with the Noche Buena.
Sabi nga nila, after graduation, everyone will start to part ways, live their own lives, and start a new future in adulthood with their family. Still, there's always a point in life where a small celebration and reunion happens despite the hurdles in their new life.
"Section A, Section B, hanggang sa pagtanda. Cheers! Merry Christmas!"
A/N: Merry Christmas! 🎄🌟☃️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro