Chapter 11
To marietjeBOss for her active feedbacks and comments of the second drafts of High School Royalties.
e l e v e n
Isang simpleng white semi-formal dress lang ang isinuot ko. Gano'n na rin ang mga kapatid ko. Ayaw nga sanang mag-dress ni Ashley pero nang malaman niyang ipapakilala officially ang buong High School Royalties ngayon ay napilitan siyang mag-dress. Ayaw lang niyang mapahiya sa lahat ng dadalo. We'd already been through so much humiliation.
"Hindi naman siguro natin kailangan mag-handa ng speech para mamaya diba?" tanong ni Nix na halatang kinakabahan.
"Wala naman silang sinabi," sagot ko sa kaniya habang naglalakad palapit sa pintuan ng auditorium.
Sa totoo lang ay ang lakas ng pintig ng puso ko. Kinakabahan din ako sa kung ano ang mangyayari. We've never attended big ceremonies such as this. Our mother deprived us in attending the parties or gatherings she always attends. Yeah, you can call us slightly anti-socials.
Nang makarating sa tapat ay kaagad na pinagbuksan kami ng pinto. Bumungad sa amin ang isang napakalawak na silid at nagkikislapang mga crystal chandeliers. The room was filled with people in their semi-formal apparel with a glass of beverage in their hands.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at naghanap ng maayos na pwesto. Naisipan naming pumwesto sa gilid, katapat sa ibabaw namin ang isang chandelier.
"Ang daming tao, Leona," kumento ni Ashley habang manghang nagtitingin-tingin sa buong paligid.
"Hi Leona, it's you! Nasa unahan pala ang mga tables ng mga High School Royalties," napalingon ako sa babaeng nagsalita na nakaharap kay Ash.
Agh, here we go again. Napagkamalan na namang ako, si Ashley.
It was Jeyen in her turquoise lace dress. She looked so pretty with her light-brown hair curled down.
"Hi Jeyen," nakangiti kong bati sa kaniya kaya napalingon siya sa 'kin.
Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang mapasinghap siya pagkakita na pagkakita niya sa akin. Hindi kaagad siya nakapagsalita.
"Oh my gosh, magkambal kayo?"
"Obvious ba?" sagot ni Ashley.
Nako, nagtataray na naman 'tong kapatid ko.
Jeyen looked astonished. "I only heard about the rumors of having twin High School Royalties. I didn't expect it to be true."
I chuckled. "Si Ashley nga pala, kakambal ko. And this is Nicole, ate namin," pagpapakilala ko sa kanila. "And sisters, this is Jeyen. Isang third year at isa ring High School Royalty."
Kaagad na nag-bow si Jeyen sa kanila na medyo ikinagulat ng mga kapatid ko dahil agad silang napatingin sa 'kin na para bang tinatanong kung ano ang gagawin nila.
"It is such an honor to meet all of you," eleganteng bati ni Jeyen na may kasamang isang matamis na ngiti.
"Uh, nice to meet you," sagot ng mga kapatid ko at nakipaghand shake sila sa isa't isa.
"Before we proceed to our tables, kailangan muna natin mag gather for our grand entrance," pagpapaliwanag ni Jeyen.
Grand entrance?
Iginiya niya kami roon sa may entrance kung saan nandoon ang iba pang mga High School Royalties. I felt a sudden intimidation upon seeing them in their nice suits and elegant outfits. They acted so prim and proper in the way they talked, laughed, drinked, and stood like actual royalties.
"Wow! Magkamukha nga talaga kayo!" napalingon ako sa biglang nagsalita. It was that guy with ash-gray eyes and a perfect smile. He wore a gray suit and he looked neat with his hair waxed to the sides. "Pero bakit mas maganda ang kakambal mo kesa sa 'yo, babe?" tanong niya habang nakangiti nang nakaloloko.
Wait, is he talking about me?
"H'wag mong sirain ang araw ko ngayon Gab, please lang," masungit na sagot naman ni Ashley na tinawanan lang no'ng Gab.
So, magkakilala nga talaga sila.
Kasama niya rin 'yong matangkad na gwapong lalaki na kasama niya last time. Hindi siya nagsasalita pero nakikitawa siya ng pasimple kay Gab.
Napansin ko rin sa pinakaunahan nila si Alex sa medyo magulong ayos na buhok habang may seryosong mukhang nakatingin lang sa amin. Nginitian ko siya bilang pagbati ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin. Uh? How cold!
Maya-maya lang ay tumunog ang mga trumpets hudyat na magsisimula na ang ceremony. Umayos naman sa kani-kaniyang mga pila ang mga High School Royalties kaya sumunod na rin kami.
"Ladies and gentlemen, pleasant greetings. We are gathered here today to officially welcome the High School Royalties of this academic year," panimula nito.
Sobrang tahimik ng lahat maliban sa emcee at tila sabik lang na nakinig. "But before we get to the heart of this event, let us first welcome our special guests, the former High School Royalties..." Everyone turned their heads with anticipation towards the entrance. "Mayor Leo Valdez!"
And with that being introduced, bumukas ang malaking pintuan sa likod at pumasok ang taong tinukoy. He took his sweet time to walk gracefully in the red carpet while waving to the crowd.
The emcee then called the other guests individually. "Ms. Angel Delos Santos... Mr. Aaron Salvaloza... Mr. William Montegrande... and our Royal Principal, Ms. Marife Ines Scott!"
They walked on the red carpet aisle and made their way to their throne like seats at the platform while flashing their smiles to the group of audience. Manghang nagpalakpakan naman ang lahat.
"Thank you so much special guests for making the time of attending such important day for Royal Academia. This time, let us make way for the High School Royalties..." The master of ceremony announced and everyone looked at our way with so much anticipation.
Nagsimula na kaming maglakad sa aisle. Nasa likuran kaming tatlo. Nasa likod ako ni Nix at nasa pinakahuli naman si Ashley.
"Mr. Alex Trigger Scott, this academic year's highest High School Royalty!"
Marami ang nagpalakpakan pero tila bato ang mukha na walang emosyong nagpatuloy lang sa paglalakad si Alex still bringing his cool and superior aura, his gaze focused straight in front of him. He walked like he owned the ground.
"Mr. Gabriel Delos Santos, second-ranked High School Royalty! Mr. Markuz Salvaloza, third-ranked High School Royalty!"
Masiglang nakangiti at naglakad si Gab habang nasa likuran niya naman 'yong matangkad na kaibigan niya at simpleng ngumiti lang sa audience na nasa paligid. Both of them also exude cool and authoritative auras. They might look carefree pero tulad ni Alex, I know they are dangerous to mess with.
In-announce rin ng emcee 'yong iba pang mga High School Royalties pero 'di ko na agad maalala ang mga pangalan dahil sa rami nila. Mga nine ata silang tinawag ng emcee. Tanging ang pangalan lang ni Jeyen ang naalala ko dahil kilala ko na siya.
"Lastly, the three newest High School Royalties of this academic year. Ms. Hazel Leona, Ms. Nicole Trixie, and Ms. Ashley Joann Fuentes!"
Medyo nanliit kami nang tawagin ang mga pangalan namin dahil sa mga masasamang titig at maiingay na bulungan ng mga tao. Kulang na lang talaga ay batuhin kami, eh. We were so out of place. Compared to those who were mentioned before us, we were nothing and incompetent.
Pero imbis na yumuko ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad. We already talked about this with my sisters before coming here. We already expected it. We smiled simply to everyone. Lalong-lalo na nang magtagpo ang mga mata namin ni Jennie na nasa gitna ng crowd. She waved and cheered enthusiastically for us.
In the end, we are still students of Royal Academia and the school allowed us to be part of the High School Royalties no matter what process we went through. They welcomed us officially so we must all accept our fate.
Successfully, nakapagsurvive naman kami sa mga masasamang titig ng mga tao sa paligid at nakapagpwesto na ng table sa unahan kasama ang iba pang mga High School Royalties. My knees still couldn't stop from wobbling though, even after minutes have passed since we came to our assigned tables.
Bago pa tuluyang magsimula ang Opening Ceremony ay kinanta muna ng lahat ang national anthem, ang school hymn, at ginawa ang iba pang ka ek-ekan bago nag take over sa mic ang principal ng Royal Academia.
"Good morning students and guests..." She smiled warmly to the crowd. "I am Marife Ines Scott, your one and only principal in Royal Academia. I know that this ceremony has been a tradition for us, for those who have been here and for the new ones, it is my utmost pleasure to welcome you and celebrate this day with you."
Ang ganda-ganda at napaka-elegante niya talagang babae. She seems really familiar. She kind of reminds me of our mother. Mukha rin siyang reyna lalo na sa kaniyang suot ngayon na cream-colored A-line dress at sa buhok niyang palaging naka-updo. Hindi halata sa kaniyang nasa forty's na siya.
Nagpatuloy siya sa kaniyang speech hanggang sa ipinakilala na niya ang mga taong nakaupo sa harapan.
"I want you all to meet and welcome our special guests. I know you are familiar of them. They are known all through our nation." She gestured her hands to the special guests behind her. "These special people used to be my classmates, school mates, and friends way back here in Royal Academia. We shared a lot of memories, experiences, and worked our ways very hard through our graduation."
Sobrang tahimik ng buong auditorium at halatang interesado ang lahat na pakinggan ang pahayag ng principal. Flashes of cameras can also be observed from time to time, not only to the ones speaking in front but also to us.
"These people used to be the High School Royalties of our batch and they all have come this far because of their perseverance, kind-heart, and intellect." She paused and smiled. "Let us first welcome the once known Ruler of Royal Academia and now the good mayor of our city, Mayor Leo Valdez."
Nang iintroduce niya ang taong 'yon ay kaagad na nagpalakpakan ang mga tao sabay tumayo si Mayor.
"Wow, isa palang alumni si Mayor at isa pang former High School Royalty!" 'di makapaniwalang wika ni Ash.
"Hmm, parang familiar siya," usal ni Nix habang nakatutok ang mga mata sa stage.
"Malamang si Mayor Leo 'yan, tanga," may pag-irap ang mga matang sagot naman ni Ash sa kaniya. Mayor Leo is known all through-out the nation for his good reputation and excellent contributions for the country after all.
Nagsimula nang mag-speech si Mayor habang maayos namang nakikinig ang lahat. Mayroon pang tatlong nakaupo doon sa mala-tronong upuan sa platform. Kilala ko ang ilan sa kanila lalong-lalo na ang news anchor na si Angel Delos Santos. Ang ganda niya sa TV pero mas maganda pala siya sa personal.
Nagpatuloy sa pag-speech si Mayor Leo habang ang mga reporters at media journalists naman ay busy sa pagkuha ng mga pictures, videos, records at iba pang mga dokumentasyon tungkol sa seremonyang ito.
"...Royal Academia seemed like home to me. This school brought me to who I am today as it will also to you. And to finish this speech, I just want to share to you these things—this line: Remember, that everything out of your comfort is only difficult at the beginning because nothing worth having comes easy. But don't ever give up. Strive with a mindset to be valuable and not just to be powerful. Thank you."
Malakas ang palakpakan pagkatapos magbigay ng inspiring speech ni Mayor. Bumalik na siya sa pagkakaupo pagkatapos makipag kamay kay Ms. Mari at sa iba pang mga special guests.
Halatang manghang-mangha ang lahat pagkatapos marinig ang isa-isang speech ng lahat ng mga special guests. At ang huling nagbigay ng speech ay walang iba kung 'di ang principal ng Royal Academia, si Ms. Mari.
"Sadly, we are lacking one dear friend to celebrate this ceremony with us today. But wherever you are, dear friend, I hope you're in a happy place." She paused for a moment and deeply inhaled. "Anyway, isa lang ang masasabi ko para sa lahat ng mga estudyante dito sa Royal Academia. I promise that whoever maintains their position as a High School Royalty until graduation will become successful with whatever career he or she desires."
She stepped aside and the other High School Royalties stood up and walked their ways to the platform. We followed them and faced the entire crowd of the hall.
Nanginginig 'yong mga tuhod ko pero nang makita ang mangha at respeto sa mga mata ng mga tao ay nanindig ang mga balahibo ko. What a marvelous sight.
Miss Mari stepped forward and smiled. "Our dear High School Royalties of this academic year, all the best to your journey. Always remember, that great privilege brings great responsibility. Hail to our High School Royalties and toast to everyone!"
Everyone raised their glasses and we bowed gracefully to them. Nagpalakpakan ang lahat at pagkatapos ay nag announce ang emcee na tapos na ang ceremony at mag-enjoy na lang sa natirang oras. Hindi rin naman lumabas ang lahat at nag-enjoy munang makipagsocialize sa mga dumalo.
"So that is the gist of it," 'di makapaniwalang usal ni Ashley.
Isa lang ang masasabi ko. Big deal sa paaralang 'to ang maging isang High School Royalty. Mas lalo akong nakaramdam ng pressure sa mga bagong impormasyong nalaman. Now I know why the students would dare to fight for the position. Aside from the benefits that a High School Royalty would get in this school, our future is also secured.
Nagsimulang magdistribute ng desserts and treats ang mga waiters at nagsikaniya-kaniyang kilos ang lahat sa pagsocialize kaya lumapit na rin sa amin si Jennie. Masayang ipinakilala ko ang aking mga kapatid sa kaniya at gano'n din ang ginawa ko kina Ash. Madaling nagkasundo rin naman sila.
Napadami ata ang pag-inom ko ng juice dahil nakaramdam ako ng pangangailangang umihi. Nag-eenjoy sina Nix, Ash, at Jennie sa pagkain at pagku-kwentuhan kaya nag excuse muna ako para mag CR at iniwan muna silang lahat sa loob.
Tahimik lang akong naglalakad sa hallway papuntang restroom nang bigla akong makarinig ng pamilyar na boses galing sa isang silid kaya huminto muna ako para sumilip. I'm not usually nosy but I feel a strong urge to do so.
"Alex wait, we need to talk!"
Nagulat ako nang makita si Alex saka si Leah—'yung babaeng nagpahiya sa 'kin sa buong klase no'ng first day—sa loob.
"Cut it, Leah. I'm tired and there's nothing more to talk about," walang emosyong sagot naman ni Alex.
"There is! A lot... and about us..."
"Walang tayo, Leah. At hindi naging tayo." Napansin ko ang kalungkutan ni Alex nang muntik nang mabasag ang kaniyang boses nang mapait na sabihin ang mga salitang iyon.
"Look I-I'm sorry—"
"Stop it! Please, tama na. I've already gone through so much. Don't cause me any more trouble at baka makita pa tayo ng boyfriend mo." At doon na nga nabasag ang boses ni Alex nang banggitin niya ang dalawang huling salita.
"Wala na kami, Alex. Break na kami ni Jaff."
Nagulat si Alex sa narinig at saglit na napatigil.
"I don't care," malamig na sabi nito saka tumalikod at naglakad patungo sa pinto kaya kahit na naguguluhan ay nagmamadali akong umalis patungo sa restroom.
Magulo ang isipan ko nang pumasok sa CR. Hindiako makapaniwala. Ang daming tanong ang pumasok sa isipan ko. Ano 'yong nakita ko? May something ba sa kanilang dalawa?
I saw a very different side of Alex. Something I did not expect him to be.
Anong meron? Fudge, nacucurious ako!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro