Chapter 09
To sapphire_1051212112 for being there to support me on my writing journey during the second drafts of High School Royalties.
n i n e
Six forty-five na nang makalabas kami ng masungit na tigre sa main building. Nakaalis kaagad kami sa HSR Office nang pinagbuksan kami ng securities ng school. One call and they were fast and reliable to get us out.
I made a mental note right after stepping out not to leave my card again. An hour stuck in there was hell!
"Is someone gonna pick you up?" tanong niya habang kinukuha ang helmet na nakapatong sa kaniyang motor.
What's with the sudden act of concern? Bakit, ihahatid niya ba ako? Hah, as if! Is that his way of showing his guilt for blaming me when we could've asked for help any time all along? If I know, it was his trap!
I mentally sneered and controlled myself not to strike a rebuttal. "Oo, on the way na daw si Lucien." Hindi siya sumagot at nakahalukipkip na sumandal lamang sa kaniyang motor. "Ikaw? 'Di ka pa ba uuwi?" tanong ko.
Ano pa ba kasi ang gagawin niya dito diba? Akala ko ba 'di siya nakakatagal na makasama ako?
"Just mind your own business."
Can he be any ruder? Psh, oo na. Bahala na nga siya d'yan.
Umupo ako sa isa sa mga wooden benches dito sa labas ng building. Napakunot ang noo ko nang mapansing seryosong nakatitig siya sa 'kin. Bakit ang hilig niyang manitig?
"A-Anong tinitingin-tingin mo?" tapang-tapangan kong tanong.
"Don't assume anything, woman. Inaalala ko lang kung sa'n ko huling inilagay ang susi ko," masungit na sagot niya at agad tumalikod papasok sa loob ng building. Naiwan akong mag-isa rito sa labas na hinihintay si Lucien.
Medyo napahiya ako ro'n. Bakit kasi kailangang sa akin siya tumitig. Pwede namang sa sahig, sa langit o kaya sa mga puno. Mukha ba akong susi? Inirapan ko na lang ang papalahong pigura ng kaniyang malapad na likod.
Ngayong mag-isa na lang ay mas ramdam ko ang lamig ng gabi at tahimik ng buong paligid. Ang dilim na rin kung hindi lang dahil sa mga poste ng ilaw na nang-aakit at pinapaligiran ng kaunting mga gamu-gamo.
Niyakap ko ang sarili gamit ang aking mga braso dahil nakaramdam ako ng pangingilabot. The sound of the crickets chirping and the tall trees swaying along the cold breeze that hovered around us in the dark night sky did not help at all. I want to get out of this place. If I could only run back on my way home and get out of here, I would have done it. Home — I meant in Bellshore.
Hindi ko maipapaliwanag kung gaano ko kinaaayawan ang mga madidilim na lugar lalo na kapag mag-isa. I couldn't explain it. The darkness made me feel so... alone.
Pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras sa paghihintay. Bakit ang tagal dumating ni Lucien? Kanina ko pa siya tinext. Pati sina Nix at Ash ay tinext ko. Should I make a call?
Maya-maya ay bigla kong naramdaman ang isang bagay na lumipad sa aking mukha na muntik ko nang ikinatili sa takot at gulat. "What the fud—!" Mabilis na inalis ko ito sa pagkakatakip ng aking paningin at saka tinignan kung saan ito nanggaling.
White blazer?
"Anong mukha 'yan? You look like you've seen a ghost." His words sounded like a joke but his expression remained emotionless that I'd be scared instead of cackle.
'Yong asungot lang pala. Walang-hiya! With his pale face, he indeed looked like a ghost!
"Ano 'to?" naguguluhang tanong ko.
"Blazer malamang," sarkastiko niyang sagot na muntik ko nang ikinairap. Napansin niya ata ang pagkataka sa mukha ko kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Use that. You're trembling," he said, still with the stoic expression, his hand in his pocket and his gaze focused on his ride.
Do'n ko lang napagtantong nanginginig nga ako. Hindi naman ako masyadong nilalamig. I did not realize that was how terrified I was. I gripped the hem of my brown skirt after covering myself with his blazers and breathed in deeply.
It was truly warm and comforting. I had never been offered such comfort from a guy like that. I didn't know he could be sweet underneath all that coldness.
Maybe he's not completely bad, I thought.
Before I could even mutter a thank you, a car's headlight flashed upon us. Sabay kaming napalingon sa paparating na sasakyan. By the familiarity of the car, I was sure it was my ride. Tumayo ako at ibinigay pabalik sa kaniya ang puting blazer.
"Anyway, salamat." I was surprisingly moved by his kind gesture that I couldn't help but thank him softly.
Naglalakad na ako papalapit kay Lucien na pinapagbuksan ako ng pinto nang biglang tawagin niya ako.
"Hey woman," he said so arrogantly. Mabilis na napalingon ako sa kaniya na ngayon ay pinapaikot-ikot ang keyring sa kaniyang hintuturo habang prenteng nakasandal sa kaniyang motor.
That soft moment I had was short-lived. I lost my composure and my emotions got me. "I have a name and it's Leona!" I said with gritted teeth.
"Whatever. Meet me at the HSR Office tomorrow." At sumakay na rin siya sa motor niya pagkatapos isuot ang helmet.
♔
Kinabukasan, excused kami sa klase at pinapa-focus lang sa task namin. Busy kaming dalawa ni Alex sa pago-organize at pagpre-prepare ng venue at wala pa ang break time pero tumakas ako at dumiretso sa cafeteria. Nakakapagod kaya?
I heaved a sigh of relief pagkatapos inumin ang isang basong orange juice. Pinakiramdaman ko ang lamig at tamis na dumaloy sa aking lalamunan.
Ah, that hits the spot! I had never felt so refreshed after a tiring day and I had never used so much of my brain cells and energy like that.
Sa totoo lang ay parang wala talaga sa bokabularyo ni Alex ang salitang pahinga at wala talaga kaming break time. Kanina pa kaming umaga nag-aasikaso at muntik pa nga niya akong pagkaitan ng lunch break! Grabe talaga ang tigreng 'yon!
"Hey, woman! Who said you could take a break?" A baritone voice echoed like thunders inside the entire cafeteria. Speaking of the devil!
Napairap agad ako sa hangin nang marinig ang pamilyar na boses. How come he could always find me?
"I told you my name's Leona!" I said whipping my head at Alex. His bushy eyebrows were crossed. His deep-set hazel eyes sharply scowled at me.
He harshly pointed at the direction of the auditorium towards the east of the campus. "Did you hire those untalented freaks? The one who did the stage design?" He mocked with a stoic expression.
What the hell did he just say? He was being shady, wasn't he?
"For your information, I did the stage design alone!" How dare he judge me like that!
"What do you think are we gonna have, a birthday party? Are you nuts?"
Hala sige insultuhin mo pa ako! How could he say that after all the efforts I did?
Hindi ako sumagot at inis na tinignan lang siya nang masama. Feeling magaling! Edi siya na ang gumawa!
Buti na lang at walang tao dito sa loob ng cafeteria ngayon kasi nasa klase ang lahat. Kapag nagkataon ay baka ma-issue na naman ako dahil sinasagot-sagot ko ang mahal na hari nila.
"In fifteen minutes, I want those trashes taken down!" At nagmamadaling lumabas na siya ng cafeteria na para bang wala siyang sapat na oras upang pagalitan ako.
Napasuntok na lang ako sa hangin. Nako, nanggigigil ako. Pigilan niyo ko!
Okay naman 'yong mga paballoons ko, ah? Tsaka rainbow colored 'yon, plus it gives out a positive, vibrant, and a welcoming energy. 'Di ba sila nagsasawa sa palaging pa-elegant at boring theme nila? Psh.
Padabog na bumalik ako sa auditorium. I even walked for fifteen minutes to get there.
Pagkatapos i-rearrange at i-redesign ang stage pati ang pag-aayos ng buong venue ay sa wakas ay nakaupo na rin ulit ako.
Hay nako, kung sinabi niya lang sana agad na gano'ng standard ng design ang gusto niya ay hindi na sana ako nagsayang pa ng effort at brain cells!
"Where is the list of the guests?" he asked with full of authority.
Manghang napatingala ako sa kaniya. How could he still have the energy after a very long day? Sabagay ano nga lang ba ang ginawa niya buong araw kung 'di ang mang-utos nang mang-utos.
Inilahad ko sa kaniya ang isang iPad na naglaman ng mga listahan. Pagkatapos ay inayos ang aking bag at inihanda ang RMC ko.
Five-thirty PM na at nasa HSR Office na ulit kami ngayon. Wala pa ata siyang balak umuwi dahil busy pa siyang nakaharap sa laptop niya sa sariling desk.
"I'm going home," pagpaalam ko sabay tayo at nagsimulang maglakad patungo sa pinto.
Hindi naman siya sumagot although I waited for a reply, kaya nagpatuloy ako sa pag-swipe ng card ko at tuluyang umalis.
Psh. That mean jerk is so cold!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro