Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 06

s i x

     "Ay ganyanan na ba, babe? Matapos kitang pakopyahin kanina, ihu-who you mo na lang ako?" Naiiling pa na wika nito.

Kunot-noo ko siyang tinitigan. Nagkokopyahan sila ni Ashley? Akala ko nagbago na nang tuluyan ang kakambal ko.

"Nangongopya pala ang babaeng 'yan?"

"Isa ba talaga siyang High School Royalty?"

"Tama nga siguro na dinaya nila ang Royal Academia."

Nagsimula na naman ang bulong-bulungan ng mga estudyante at ang mga masasamang tingin nila. Fudge, gusto ko na umalis dito.

"Sorry Leona, medyo natagalan ako," paumanhin ni Jenny nang makabalik. "Nako, ba't dito ka nakapila? Nasa kabilang side ang pila ng mga High School Royalties." Tinuro niya ang kabilang pila kung saan naglilinyahan ang mga estudyanteng nakasuot ng white blazers. Sobrang kaunti lang din ang nagpipila roon at hindi katulad dito.

"Kanina ko pa nga sinasabi." At tumawa na naman ang lalaking pinagkamalan akong si Ashley.

Why is he always chuckling and showing off that perfect smile of his? Happiness? Saka malay ko ba na magkaiba pala ang pila rito? May special treatment? Or should I say discrimination?

"Kayo pala, Prinsipe Gabriel at Prinsipe Markuz." Yumuko si Jenny nang mapansin sila.

Prinsipe? Uh? Are they actual princes or...?

Ginulo no'ng Gabriel ang buhok ni Jenny. "Ayan ka na naman. Nako, ikaw talaga Ning!" Tumawa lang si Jenny at mayuming inayos muli ang buhok niya. "Kilala mo rin pala ang magandang dilag na 'to?"

Ning? Close ba sila?

"Syempre naman. Magkakilala rin ba kayo?" tila natutuwang sagot ni Jenny na palipat-lipat ang daliri sa pagturo sa aming dalawa.

"Bakit naman hindi? Syempre magkaklase kaya—." Hindi natapos ang pagsasalita niya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niyang sinagot iyon. Biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha at tahimik na pinakinggan lamang ang kabilang linya bago ito ibinaba.

Naghintay lamang kaming matapos siya. Ibinalik niya sa kaniyang bulsa ang cellphone at hinarap 'yong matangkad na lalaki sa kaniyang tabi na busy sa pagtitipa sa kaniyang sariling cellphone.

"Si Prinsipe Alex ba 'yon?" nakangising tanong ni Jenny.

"Syempre wala nang iba kung 'di ang Mahal na Prinsipe. Pinapapunta na naman kami sa HSR Office," kibit-balikat na sagot no'ng Gabriel. "Sige Jenny, una na kami." Muling ginulo niya ang buhok ni Jenny saka ibinaling ang tingin sa akin. "Enjoy your food, babe." Kinindatan niya muna ako bago sila tuluyang naglaho sa gitna ng nagkukumpulang mga estudyante.

What the hell?

"Yiiee, may gusto ata sa 'yo si Gab!" she teased while wiggling her eyebrows. I almost cringed.

"Kilala mo ang mga 'yon?" tanong ko.

Tumango siya. "Lahat naman dito nakakakilala sa kanila. Perks of being the top ranked High School Royalties," naiiling na tugon niya.

Saka ko lang naalala, siya yata 'yong Gabriel Delos Santos na tinutukoy ni Ashley kagabi na nagdikit ng bubble gum sa kaniyang upuan? Fudge, I should have realized earlier and avenged her!

"Hala! Paubos na 'yong Strawberry Shortcake ko!" medyo naiiyak na bulalas niya nang mapansin ang dalang trays na may lamang cakes ng mga magkakaibigang dumaan sa pwesto namin. "Leona, pwedeng favor? Kahit ngayon lang, please? Mahaba pa 'yong pila dito sa mga katulad kong ordinary student lang. May RMC ka naman, eh. Pwede bang ibili mo na rin ako? Sa 'yo na lang ako magbabayad, please?" she pleaded with puppy eyes.

Oh, how can I reject her when she's this cute?

"Sure. RMC? Ano 'yon? Pipila lang ba ako ro'n?" tanong ko habang tinuturo ang kabilang side kung sa'n wala nang nakapila.

"Oo, Royalty Member Card. Wala ka bang natanggap na card? 'Yong kulay gold?" tanong niya habang nag ge-gesture ng hugis rectangle sa hangin gamit ang kaniyang hintuturo.

"Ah, 'yon? Anong gagawin ko ro'n?" takang tanong ko nang maalala itong nakalagay sa purse ko. I remembered Lucien strictly reminded us to keep it with us all the time.

"Nako 'wag na 'wag mong wawalain 'yan. Kakailanganin mo 'yan sa maraming bagay. Tulad na lang dito sa cafeteria. Ipapa-scan mo lang 'yan sa mga chefs dito at se-servan ka na nila ng pagkain. One of High School Royalty's perks — free food," pagpapaliwanag niya.

"Gano'n ba? Kung libre naman pala, e, 'wag mo nang bayaran." Binuksan ko 'yong purse ko at kinuha ro'n ang card saka pinakita sa kaniya. "Ito?"

"Oo, ayan!" malapad ang ngising sagot niya at pagkatapos ay umiling. "Nako, sabi ko naman babayaran ko."

Nagkalkal na siya ng pera sa loob ng kaniyang wallet ngunit hinawakan ko ang kaniyang balikat at muli siyang pinigilan. "Don't worry, next time na lang. Let's just say na we're celebrating our friendship with this. Think of it as a token of gratitude," nakangiti kong kumbinsi.

Nag-angat siya nang tingin sa 'kin at ngumiti nang malapad sabay tango at pagkatapos ay hinila na ako ro'n sa kabilang side upang pumila. Wala namang ibang nakapila kaya mabilis na nakapag-order ako.

Biglang naghugis puso ang aking mga mata nang makita ang madaming masasarap na pagkaing nakahilera at nakadisplay sa likod ng glass stante. Unang napansin ko ang isang Opera Cake na kumikinang pa ang glaze chocolate dahil sa reflection ng ilaw. Ah, this cafeteria has an awesome taste in pastries!

"Isang Strawberry Shortcake at Opera Cake po," order ko sa chef at ibinigay ang card ko saka niya ito iniscan.

Mabilis na inilagay naman ni kuyang chef ang orders ko sa isang tray at saka sinerve sa amin matapos isauli ang card ko. Napansin kong kumislap agad ang mga mata ni Jennie nang makita ang Strawberry Shortcake niya kaya napangiti na lang ako.

Paalis na sana kami nang marinig ko ang babaeng nasa likuran naming nakapila. "Ay wala na po bang Opera Cake?"

"Wala na po. Last na pong serving 'yon," diretsang sagot ng chef.

Napalingon ako sa kaniya at napansin kong isa rin siyang member ng High School Royalties dahil sa suot niyang uniform. Kaagad ding bahagyang nagyuko ng ulo si Jennie bilang pagbati sa kaniya nang makita ang babae.

So they use bowing as a sign of respect or greetings here? They really seem like actual royalties, huh?

Napansin ko ang bakas ng pagkadismaya sa mukha niya habang tinitignan ang cake sa tray ko kaya medyo na-guilty ako. "Gusto mo iyo na lang?" tanong ko habang inilalahad sa kaniya ang plato ng Opera Cake ko.

"Talaga?" Nakangiting tumango ako sa kaniya. Masayang tinanggap niya 'yon at nagpasalamat.

"Thank you! Favorite ko talaga 'to. Pero paano ka?" Ngumiti lamang ako at hinarap ulit ang chef.

"Kuya, isang serve na lang din po ulit ng Strawberry Shortcake." Agad din naman nitong inilagay sa tray namin matapos iniswipe ang aking card.

"Diba ikaw 'yong bagong High School Royalty?" tanong ng babae. Mahaba at tuwid ang kaniyang tsokolateng buhok na sa pagkakatantya ko ay hanggang shoulder blades niya. Tinanguan ko siya sabay ngiti ulit kaya agad niyang inilahad ang kaniyang kamay. "I'll gladly introduce myself. I'm Jeyen Sanchez. A fifth year," pagpapakilala niya sa sarili.

Inabot ko ang kaniyang kamay at nakipag-handshake. "Hazel Leona Fuentes. You can call me Leona. Um, sixth year?"

She thanked me again and asked to be friends. Of course, I happily accepted. I was delighted to earn a new friend. "See you around, Leona!" Nagwave siya sa amin at bumalik na sa kaniyang table.

Naghanap na rin kami ni Jenny ng mauupuan at nagsimula nang kumain. "Ang bait mo talaga Leona. Kaya hindi talaga ako naniniwala sa mga tsismis tungkol sa 'yo."

Tsismis tungkol sa 'kin? Kuryoso man ay hinayaan ko na lang at hindi na nagtanong pa kung ano iyon. Siguradong paninira lang naman iyon ng mga judgmental na mga estudyante rito. Ayokong sirain ang masayang mood ko matapos magkaroon ng panibagong kaibigan. And a High School Royalty at that.

Pagkatapos namin kumain ay simula na naman ng klase. Nauna ako kay Jennie pabalik sa classroom dahil tinawag siya ng principal.

I learned na isa pala siyang scholar dito at may mga obligasyon siya. Nagsibalikan na rin sa kani-kaniyang mga classrooms ang mga estudyante at pabalik na rin ako sa room namin.

Nakangiti kong pinihit ang door handle at pumasok sa loob ng classroom habang iniisip ang nangyari kanina. Her name was Jeyen, was it? And she was a High School Royalty too. I was wrong to judge everyone and deemed them to be devils kasi mayroon pa rin namang mga mababait—!

Or so I thought...

Nawala ang aking mga ngiti nang maramdaman ang mga paang biglang humarang sa harapan ko na naging dahilan ng pagka-out balanced at pagkasubsob ko sa sahig.

Totoong may mga mababait nga pero mas lamang pa rin ang mga walang-hiya!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro