Chapter 05
f i v e
A slow and soothing music awoke me in the middle of my sleep. I opened my eyes. A form of sweat dripped down my neck and forehead. My hand clutched my chest as my heart began to speed up anxiously.
I stared at my dimmed lampshade and listened to the faint sound of melody penetrating within the walls of my bedroom. I glanced at the digital clock on my side desk; it was two AM.
The fine tune of piano keys being pressed gracefully that could send anyone into their heavenly dreams transitioned into a dark and a loud smashing. The notes were low and heavy that it started to sound creepy and scary for me. It was as if something was banging in my ears that I immediately covered them with my pillows.
She's at it again, playing that damned instrument and disturbing everyone from their rests. For goodness' sake, it's two AM!
The fluffy thing against my hearing failed to muffle the eerie music. It was persistent.
I abruptly rose and sat up wide eyed when I heard fatal screams—!
"Fudge! Aray ko!" Bigla akong nagising dahil sa lakas ng hampas ni Ashley sa aking pang-upo. Walang hiya! "Ano bang problema mo? Kita mong natutulog 'yong tao!" bulyaw ko sabay nagtalukbong ng kumot at muling isinubsob ang mukha sa unan.
I fiercely shut my eyes and gripped my blanket hard to hide and stop my hands from shaking. That forsaken nightmare again. I want to get out of this place...
"Aba, gumising ka na! Gusto mo ba ulit ma-late ngayon?" Hindi ko siya pinansin at kinalma ang sariling puso. Since when did we ever care about being late? Oh yeah, kahapon. "Pwes, ako hindi na!"
Agad naman akong napabalikwas ng bangon dahil sa mga salitang narinig galing sa mismong bibig niya.
Tama ba 'yong narinig ko? Si Ashley, na mastermind sa pagiging late namin dati, ayaw nang ma-late sa Royal Academia? "Nasa'n ang kakambal ko? Ilabas mo siya!" niyugyog ko ang magkabilang balikat niya.
"Nananaginip ka pa rin ba? Gumising ka na at maligo na!" sigaw niya matapos iritang kumalas sa pagkakahawak ko saka ako binatukan. "Bilisan mo o iiwan ka namin!" At tuluyan na siyang lumabas sa aking kwarto.
I was left alone dumbfounded. What the hell happened to my sister? Nagkatotoo ba ang kaniyang hashtag new home, new school, new life motto? I almost slapped myself to shrug off the thought and went to get myself ready.
Pumwesto ako sa harap ng aking full-length mirror matapos maghanda at mag ayos saka hinagilap ang white blazers na hinanda ni Lucien sa ibabaw ng aking kama. Isinuot ko iyon at tinignang muli ang sarili sa harap ng salamin.
My eyes directed to the emphasis of Royal Academia's golden crest resting on my left chest. The details of the designs were pretty. A shield with a knight and a book to its sides adorned with ornate patterns around. Inside the shield engraved Royal Academia letterings in italic calligraphy and a delicate crown on its top.
I sighed after seeing myself. It felt like a fight or flight situation. I wanted to run away but I couldn't. Heaven knows I couldn't, and it was torture.
I guess I have no choice but to spend my remaining high school days in this place and in that hell of a royal school, I told myself hopelessly.
♔
Sobrang aga namin nakarating sa classroom. And we had never been this early even back in Bellshore University. Siguro para na rin maiwasan 'yong mga judgmental na mga estudyante na walang ibang ginawa kung 'di ay ang titigan at bantayan ang bawat galaw namin sa mapanghusga nilang mga mata.
"Good morning!" masayang bati sa akin ni Jenny nang makarating siya. Isang matamlay na pagbati naman ang isinagot ko bago isinubsob muli ang mukha sa lamesa. "Okay ka lang ba?" may halong pag-aalala sa tonong tanong niya. Tumango lamang ako saka bumuntong hininga.
Paano ba naman kasi, e, lahat ng mga estudyanteng dumating na sa klase namin ay titig na titig pa rin sa akin na para bang ngayon lang nakakakita ng tao. Ang sasama pa rin ng mga tingin nila. Sasabayan pa ng mga bulungan. It was making me so uncomfortable.
Hay, akala ko may magbabago na sa araw na 'to.
Maya-maya ay dumating na rin ang instructor namin at nagsimula na ulit sa mga discussions niya.
Natapos na lang ang klase sa morning session ay napansin kong bakante pa rin ang katabi kong upuan sa kanan. Tinignan ko ang buong paligid at hinanap ang lalaking nakaupo roon kahapon. Baka kasi lumipat na siya ng pwesto. Pero hindi ko siya nakita. Hindi ba siya pumasok? Well, buti naman at wala ngayon ang asungot na 'yon.
"Leona, cafeteria tayo!" Napalingon ako kay Jenny na nakangiting nakatayo na sa harapan ko.
Speaking of cafeteria, hindi ko pa napuntahan iyon simula kahapon. Kaso siguradong maraming tao roon, baka maulanan lang ako ng mga panghuhusga nila. I didn't want to be stared at — more like glared at every single time. Do I have to state the obvious of how I hate attention?
"Masasarap ang mga pagkain do'n!" pangungumbinsi niya nang mapansin ang pag-aalinlangan ko. Hindi pa rin naaalis ang inosenteng mga ngiti niya. "Tara?"
Nagdadalawang-isip na tumango ako dahil sa pagbabakasakaling makikita ko rin sina Ash at Nix doon kaya nagpahila na ako.
Pagdating naman, as expected sobrang daming tao. Nakawiwindang din ang haba ng mga pila.
Napatingin ako sa mga trays na bitbit ng mga estudyante habang dumadaan kami. Mukhang masasarap nga ang mga pagkain. I think all cuisines were served in this cafeteria based on the dishes that the students were having. How cool was that?
"Nako, saglit lang Leona ha. Kailangan ko muna mag-CR. Mauna ka na muna sa pagpipila. Mabilis lang ako. Babalikan kaagad kita," pagpapaalam ni Jenny at nagmamadaling lumabas ng hall.
Gusto ko sanang umangal na 'wag niya akong iiwan pero tuluyan na siyang nakaalis at naiwan akong nakatayong mag-isa sa gitna ng nagbabahang mga estudyante.
Hinanap ko na lang 'yong dulo ng linya at pumila na roon. Maya't maya rin ang paglinga-linga ko sa paligid, umaasang makikita sina Nix.
Ang daming tao. Ang haba rin ng pila. Aabot pa kaya ako nito?
"Uy, Ashley Joanne! Gagabihin ka sa pagpipila d'yan." Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin. He got a light brown hair and ash grey eyes plus perfect teeth beneath his smile. Tumatawa siya kasama ang isang matangkad na chinitong lalaki sa kaniyang tabi.
Naka-white blazers sila. So miyembro rin sila ng High School Royalties? Isa pa, Ashley Joanne raw? Nagpalinga-linga ako habang hinahanap si Ashley kaso hindi ko siya nakita. Baka ibang Ashley Joanne ang kinakausap niya?
"Ba't ka ba diyan nakapila?" tanong niya, hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa kaniyang labi.
Ako ba 'tong kausap niya? Pero ayokong mapahiya kaya hindi ko na lang siya pinansin at nag-forward na sa pila.
"Huy, Ashley, kinakausap kita."
Nilingon ko siya ulit sabay duro sa sarili ko dahil kinalabit na niya ako. "Ako ba?" naguguluhang tanong ko.
"May iba pa bang magandang dilag na nagngangalang Ashley Joanne dito?" At ngumisi siya habang ibinabalandra ulit ang kaniyang nakabibighaning mga ngiti.
Mga bagong kaibigan ba 'to nila Ash? Siguro akala nila na ako si Ashley given na magkamukha kami. Well, that was understandable.
"Asan na 'yong cute na kapatid mong si Nicole na lagi mong kasama?" dagdag na tanong niya. Tingin pa lang parang playboy na ang mga lalaking 'to.
Wala sa sariling ipinagkurus ko ang aking mga braso. "Sino kayo?" tanong ko.
Unti-unti nang dumarami ang atensyong binibigay sa amin ng mga estudyante. Nagiging uncomfortable na naman ako. Alam kong sanay ako sa mapanghusgang tinginan ng iba, but it was what I hated the most — attracting attention for no good reason.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro