Chapter 03
t h r e e
Tahimik ang mga estudyante at seryoso ang lahat sa pakikinig tungkol sa mga house rules na ini-explain ng instructor except sa katabi ko sa kanan na patuloy ang pagtitig sa akin.
Napapansin ko sa aking peripheral vision na nakatitig siya ngunit hindi ko siya nililingon dahil ayokong magtagpo ang aming mga mata. His heavy presence and stares were starting to intimidate the shit out of me.
Hindi ako makapagfocus sa pakikinig dahil naiilang ako. Pero kating-kati na rin talaga ang dila ko at gustong-gusto ko na siyang tanungin kung ano ba ang problema. Alam ko namang medyo haggard pa ako, pero hindi niya 'ko kailangan pang titigan nang ganyan.
Maya-maya ay hindi ko na napigilan pa at nilingon ko na siya. Saktong nagtama ang mga mata namin kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay at binigyan ng bakit-look.
The thick eyelashes that fluttered from his deep-set hazel eyes made me breathless for some reason. No way such beautiful eyes existed.
Pero patuloy lamang siya sa pagtitig at hindi pinansin ang tanong ko kaya umiling ako at umiwas na ulit ng tingin. I'd realized that there was no sense in trying to talk to him.
Palihim na ikinuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng mesa dahil sa inis. This guy was getting too much under my skin.
What the heck is your problem? I wanted to shout it to him.
Bumuntong-hininga ako at muli siyang nilingon nang hindi na ako makapagtimpi. "Don't you know that staring is rude?"
Bahagyang napataas ang kaliwang kilay niya sa aking tanong. But even that simple gesture made me feel butterflies suddenly flying in my stomach.
"Yes, and I intended to make you uncomfortable." His expressions remained emotionless and cold. His eyes never left scrutinizing mine.
My brow arched up. Uh? The nerve of this guy!
He crossed his arms and comfortably leaned back to his chair before adding a follow up to his sentence. "I have been wondering why you are sitting on my seat."
Napatigil ako nang marealized ang kaniyang sinabi.
Ano raw? Sinasabi niya bang upuan niya 'to? Paanong naging kaniya 'to, eh kararating niya lang at ako ang nauna rito? O baka hindi talaga siya late at lumabas lang kaya hindi siya pinagalitan kanina? Pero wala namang sinabi dito na reserved sa kaniya ang upuan na 'to.
"I can hear your internal thoughts, lady," mababa ang boses na wika niya sapat na dahilan para mapabalik ako sa realidad at napatigil sa pagmo-monologue ko. "As soon as the instructor's gone out, I want you to drag your ass out of my chair. I will only say this once." May bahid na mapangmataas ang tono ng kaniyang boses.
His response almost blew my wig away—almost, if I had one, to such extent that I wasn't able to react right on. How arrogant! Ang kapal ng mukha!
Mas lalong napaangat ang aking kilay sa kaniyang sinabi. "Wala namang nakalagay na may pangalan mo ang upuan na 'to."
I was starting to get fed up with how bad these students were treating me. It was bullying! And I knew my sisters were not with me so I thought I had to defend myself by my own.
"Move. Or do you want me to kick you out of the seat myself?" His tone was so rough and firm that it almost made me shudder.
I was appalled by his words. Kahit ang mukhang inosenteng si Jenny ay tila kinakabahang napatingin din sa amin.
I scoffed in utter incredulity. How disrespectful! He dared call himself a High School Royalty with that attitude?
I actually thought that this High School Royalty thing consisted of students that were worthy of reverence. Ang kapal din ng mukha niyang pagbantaan ako?
I already loved this spot. Kumportable na ako sa upuan 'to lalong-lalo na dahil sa napakagandang view na tanaw na tanaw galing dito sa aking posisyon.
Call me whatever for making this a big deal but their belittling had gone too far! Ano ba ang ginawa ko sa kanila para tratuhin ako nang ganito sa unang pasok ko?
"Am I clear?" He never removed his eyes away from mine.
He looked serious. His stares were sharp and deathly. But I couldn't allow him to intimidate me further.
"No way!" Dala ng emosyon ay medyo napalakas ang pagkasabi ko na nakapag-agaw ng atensyon ng lahat.
Uh-oh...
"Yes, Ms. Fuentes? Do you have any problem regarding my house rules?" mataray na tanong ng instructor dahilan para mapalunok ako.
Everyone glared at me and here I wished to just magically disappear.
"Yes, I mean no miss. I have no objections at all," kinakabahang sagot ko habang masamang tinignan ang lalaking hanggang ngayon ay wala pa ring ni katiting na emosyong pagbabago sa kaniyang ekspresyon. I even stuttered which was even more embarassing!
"Okay, if you have no objections or clarifications then that would be all. Have a nice day, students." With that being said ay agad na lumabas na ang instructor sa classroom.
And my real doom came.
Ang lahat ng estudyante ay kaagad namang gumawa ng kani-kaniyang mga gawain. Tumayo ang iba at lumabas sa classroom na halatang walang pakialam sa mga nangyayari. 'Yong iba naman ay nagtsitsismisan habang masamang tinititigan pa rin ako.
"Ano pang hinihintay mo?" Napabalik ang atensyon ko sa katabi kong lalaki na mukhang tigre dahil sa nag-aabot niyang makapal na mga kilay na para bang handa nang lapain ako nang buhay.
I'd hate to admit that he was scaring the heck out of me. But I couldn't allow myself to give in to my fear just like that. Baka isipin ng lahat, easy lang akong apihin.
Umayos ako nang upo at humalukipkip. There was no way I would easily give this seat like it was nothing.
How would I know if he was telling the truth? He was probably just bullying me. Maybe he thought I'd bow down to him just because he was a freaking High School Royalty. I would never put up with his game—or anyone's!
"No. Kung totoo ngang sa iyo ang upuan na 'to, hindi ko na kasalanan kung umalis ka. Asahan mo na may ibang uupo rito dahil wala namang nakalagay na taken na ang upuan na 'to or reserved para sa 'yo."
Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil biglang naging marahas ang pagbago ng ekspresyon sa kaniyang mukha. Naging mas matalim ng mga titig niya at nagsimulang umigting ang kaniyang panga.
Hindi ako nagpatinag at nagpatuloy sa sasabihin. "It doesn't matter kung sino ang nauna. You left, so better expect that someone else would occupy it. What matters now ay kung sino ang kasalukuyang nakaupo rito. So don't ask or threaten me to move elsewhere because it's your job to find a new seat."
Hindi man halata pero sa totoo lang ay nangangatog na ang mga tuhod ko. Ang lakas din ng pintig ng puso ko. Sobrang nakakatakot na ng tingin niya, tila ito ay umaapoy. Idagdag mo pa ang masasamang titig ng ibang mga estudyante. Pakiramdam ko ay pinagtutulungan ako.
Bigla siyang tumayo na naging dahilan para mas dumoble at lumakas ang kabog ng aking puso sa kaba. Akala ko ay sasaktan niya ako o kung anong malala ang gagawin niya, pero kinuha niya lang ang bag niya at balik sa walang ekspresyon ang anyo ng kaniyang mukha.
"Dami mong sinasabi," tanging sagot niya bago biglang lumabas ng classroom at naiwan akong pinagtsitsismisan.
I gripped the hem of my checkered, pleated, brown skirt. I took a deep breath and slowly exhaled my anxieties away before covering my face with my hands.
"What's with her? Bakit masyadong big deal sa kaniya ang upuan na 'yan?"
"She literally just dug her own grave. How can she talk like that to First?"
"Halatang nagpapapansin lang siya kay First, eh."
Agad na napaangat ang ulo ko nang marinig ang bulong-bulungan nila. Ako, nagpapapansin? Do I look like I need attention? The least thing I wanted for my first day was to be noticed!
Uh! Ano ako, katulad niyo na mahilig magpapansin porket gwapo? Bakit parang kasalanan ko, e dito ako pinapaupo? Masama bang ipaglaban ang karapatan kong umupo rito?
I secretly grunted a low growl. How I wished I could shout those words at them. They must have enjoyed the show.
Natapos ang buong araw sa school na hindi na bumalik ang masungit na tigreng lalaking 'yon. I couldn't thank the heavens enough for sparing me. At least nabawasan ng isang bwisit ang araw na 'to. This had got to be my worst first day of school ever!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro