Chapter 3: Class King and Queen
*Chester*
Sobrang excited akong pumasok sa school nyayong araw na to. Why? Kasi nyayon ang election ng class officers, ewan ko pero being the class president has always been my position since I was in grade one. I really excel in my leadership skill specially sa pag hahandle ng mga bagay bagay, yan ang gusting gusto kong ginagawa. Pero utang na loob sana naman, matalo ko si Yabang. Sigurado kasi akong nagpplano na ang mokong kung pano ako tatalunen eh. Na ungusan niya nga ako sa etrance exam pero nyayon hinding hindi ko siya papayagang maghariharian sa palasyo ko. Kasabay ko sila Allyson ang magandang new BFF ko, at si Cecilia na valedictorian din. Actually hindi naman lahat ng valedictorian matalinong matalino eh, pwedeng medyo matalino at
a. super sipag mag-aral
b. super bait, tipong teacher’s pet
c. super close ng nanay sa teacher
d. valedictorian ang lahat ng kapatid s iisang eskwelahan
e. or combination ng 2 or more items na nabangit ko
Si Allyson, kahit bago ko palang siya nakilala feeling ko good vibes kami. Maganda siya maganda rin ako, kaso medyo maykahinaan ang utak. Pero okay naman sa tingin ko, siguro isang reason din yun kung bakit grabe makakapit sakin, dahil alam niyang matalino ako, ohwell, importante may bagong barkada ako. Nahiwalay kasi sila Alice at Janice eh. Maganda din naman ang sense of fashion ni Allyson parang mga barkada ko lang din kaya ayos na to.
Si Cecilia naman, as I said valedictorian din, pero I compare mo siya samin ni yabang di hamak na mas halata sa kanya ang pagiging genius. Eh isang pulgada ba naman kasi ang kapal ng salamin. Ewan ko wala din namang sense of fashion, nyayon nga ang suot niyang palda, floral na lampas tuhod minatch pa niya sa blouse niyang nakakatakot ang itchura sa dami ng butterflies. Hiyang hiya nga ang garden ng school eh.
Pero kahit ganu, alam ko namang mababait sila, yun ang importante sakin nyayon. Basta may kasama akong lalaban sa groupo ni yabang ready to go naman! Habang papasok bigla namang sumulpot ang class mate kong bakla na si Angel, Angelo Cruz ang tunay niyang pangalan eh syempre bakla nga diba?
“hey girls!... good morning!” bati ni Angel
“hi,” me with a smile,
“musta naman?”
“ayus lang naman,” si Allyson ang sumagot
“ang cute naman ng fuchsia pink na polo mo,… bagay sayo!” sabi ko
“talaga? Wow! Salamat!” tuwang tuwang sagot niya
Actually may itchura naman talaga sana tong si Angel, kaso ganun na nga…. Bakla. Ewan ko ba kung bakla talaga o nag babakla baklaan lang eh. Well, wala naman akong pakialam sa kanya masyado pero sige, dahil ankikibarkada siya samin, isasali ko nalang din siya sa team Defense naming. Tuloy parin ang lakad naming hangang makarating na kami sa I-Rizal, sa classroom namin, first period naming ay homeroom, so probably dito ang botohan. Nakangiti akong pumasok at papunta ako sa locker ko para ilagay ang gamit ko ng bigla kong nakita sila Justine at ang bagong tropa niya na tumatambay sa may locker, grabe umagang umaga binabadtrip ako.
“good morning sungit” pang asar niyang bati
“kanina good ang morning ko, pero nyayon nakita na kita, anong good sa morning?”
“wag kang sumimangot Chester,” singit ng bagong kampon niya na si Jave. “isave mo na yan, para mamaya tuloy tuloy ang iyak mo pag natalo ka ng bro namin”
“hindi lang pala ikaw ang mayabang Justine, pati tong kakampon mo galling sa kadiliman na si Jave, tsssskkk, don’t be so sure, magdasal na kayo na sana manalo yang si Justine, dahil pag ako ang nanalo, sorry kayo,” sabay irap then walk out.
Nakakaasar talaga, ang yayabang. Basta ang tandaan nila, oras na manalo ako, gagawing kong impyerno ang year nila. (HAHAHA) joke lang :P! Basta ako ang mag rereyna!
*Justine*
Alam mo? Kahit feel na feel ko na ayaw sakin ni Chester at ang init ng dugo niya sakin, nacucutan parin ako sa kanya lalo na pag nagtataray siya. Pero wala narin akong minsan pakealam, ayus narin to masmasaya nga pag may alitan kami eh.
Ilang minute lang, dumating na si miss Claire, masaya niyang dala ang laptop niya at inayos ang power point, naka flash sa white screen ang mga words na,
Class Officers
President - ____________
Vice-president - ____________
Secretary - _____________
Treasurer - ______________
P.R.O - ______________
Sergeant at Arms
____________ ____________
Saglit lang, kinuha na ni miss Claire ang atensiyon ng lahat.
“ito ang list of positions ng Class Officers, ang buong klase ay dapat mapanuri sa mga pipiliin nila at iboboto dahil ang mga class officers dapat ay ang mga taong mag di-discipline sa buong klase, the class officers that must be elected are the students that showed their sense of responsibility and passion for their class in the first 3 weeks in class. Now I open the floor for the nominees for the class officer position of Sergeant at Arms, we need two,”…..
Nag patuloy, edi kami boto-boto, tapos dumating na ang pwesto na pinaka hinihintay ko.
“okay now, I open the floor for the nominees for the class officer position of President” pagkasabing pagkasabi palang ay sabay na tumayo si Jave at Allyson,
“okay, let’s see, ladies first Allyson sino ang iyong inonominee?”
“si Chester po” mahinhin niyang sinagot
Narinig kong madaming naghiyawan. Pero di ako affected. Sinunod naman si Jave.
“si Justine,” sabi ni Jave
“Okay, meron pa bang iba? …” wala nang tumatayo, “okay so we should close……..blah blah blah”
Akala ko itataas nalang ang kamay para malaman kung sinong binoboto, pero hindi. Gumawa pa ng pakulo tong si ma’am eh, pinalagay pa sa papel ang name ng iboboto namin, tapos pinafold then ihuhulog sa isang box na ewan. Para daw mas exciting. Kalokohan lang pero, sige kung saan mas masaya edi go! (LOL)
Ayun, 26 kami sa klase, syempre bumoto parin kami, ayun nung binibilang na, 25 na ang na basa, 12-13 in favor sakin, grabe nga eh, mahigpit labanan naming, ok lang sakin kung anong meron sa papel, dahil its either ako ang mananalo or tie kami. Pero alam ko si Chester kabadong kabado na yon.
“Chester “ nakahinga na ng malalim si Chester
“miss, pano yun? Tie po kami?” tanung niya
“Oo nga miss, ano to? Magkakaroon ng 2 presidents?” tanung ko na medyo paloko loko pa
“Justine, that’s a bright idea!” nakangiting sinabi ni miss
Sabay na sabay pakaming “ano?!”
“miss impossible, archenemy ko tong si yabang, di ko siya kayang katrabaho!”
“mas lalo na ako! Mas okay na sakin ipakain ako sa lion kesa maka hati sa posisyon tong si sungit” apila ko
“actually, may naisip akong idea, bagay naman kayong dalawa, maganda ka Chester and itong si Justine gwapo, pareho kayong matalino, talented and may leadership skills, pwede natin kayong gawing Class King ang Queen!”
Gulat na gulat kami ni Chester as in “WHAT?!” pero yung mga kaklase naming “ayieeee!” tuwang tuwa! May sumigaw pang “ LOVE TEAM!”
“miss okay lang kayo? Kung hindi ko nga kayang maging ka hati to eh maslalo hindi ko masisikmurang maging ka “love team” to!”
“Oo nga naman miss, imposible to! Riot ang aabutin ng buong klase nito eh” dagdag ko
“kung talagang magaling kayong istudyante kaya niyong mag adjust, for the sake of the grades, for the sake of the class and for the sake of peace in the whole school. Ayaw niyo yun? Kikilalanin kayong first ever Class King & Queen? That’s a great honor kung tutuusin” spagpapaliwanag ni miss
“tama naman si miss, isa pa, wala naman naman tayong magagawa eh” sabi ko okay Chester
“oo nga, pero eto ang sinasabi ko sayo, ang akin aken! Ang sayo, sayo!” sagot ni Chester
“teka, pero miss, sinong magiging president?” tanung k okay miss na takang-taka at gulong-gulo
“Si Christian… tatangalin natin ang vice president at papalitan ito ng King and Queen, kayong dalawa, ang tutulong kay Christian ayos ba?’
“yes miss Claire” sagot naming dalawa
Nung sinabi kong gusto kong maghari dito, hindi literally “king” tssskkkk, gumunaw ang pangarap ko, hay! Pero ayus lang, kampon ko naman tong si Christian eh, HAAHAHAAH! Talo parin si Chester!!!
*Chester*
Sinabi kong gusto kong may reyna! Pero ang ibig sabihin nun may “rule” hindi maging class queen! Nak nang’ tao naman eh! Sabagay ayus naman din talaga tong si Christian, gwapings din at mukang may leadership skills, nakita ko rin to nung isang araw sa court eh, naglalaro ng basketball. Hindi ko lang talaga trip maka partner si Justine! Nakakaasar naman talaga! Kaya ang class officer nyayon ay;
Class Officers
President
Christian Lopez
King and Queen
Justine Santos & Chester Antonio
Secretary
Cecilia Sta. Maria
Treasurer
Angelo Villanueva
P.R.O
Allyson Agustin
Sergeant at Arms
Jave & Kevin Sy
Talagang sobra sobra ang disappointment ko sa nangyari. Pero ayus narin siguro, nahati naman eh, si Cecilia, Allyson at Angel nakapasok din, so ang defense team ko pasok. Masaya narin ako dahil class officer parin, pero ang kapartner ko naman si Justine, sa lahat naman talaga ng ginawa ng Diyos na taong pwede, ito pa talaga si Justine. Hay nako! Pero isa din sa nakakatawang isipin na ang kambal pang gwapings at panira ng araw ang nagging sergeant at arms naming, grabe talaga nakakaloka!
*Christian*
Nakakatuwa naman ang nangyari, ang magkaaway pa talaga ang nagging magkapartner at ako pa, sa lahat ang sinwerte maging class president, ang galling talaga. Okay narin barkada ko naman si Justine eh, kaya ayus na yun, kung may kailangan naman akong tulong panigurado andyan yan. Sana magampanan ko ng maayos ang pagiging president ng klase naming.
*Chester*
Umuwi akong parang pinag bagsakan ng langit at lupa. Nagulat nga sila mommy at sabi nila na mas ok daw maging Class Queen mas feminine pakinggan. Sabagay, pero sana hindi nalang si Justine ang nakapartner ko. Pero ano pa bang magagawa ko eh tapus na nga, Masaya naman at proud na proud ang daddy ko ng nalaman niya na naging class queen ako at pinamalita niya na agad yun sa mga kamaganakan namin. Ayos din naman dahil feeling ko, ieencrease na naman nila ang allowance ko dahil sa nangyari! Yahoooo!!
*Justine*
Ayus naman ang naging araw ko after the election, nakakatuwa nga nung pag-uwi ko eh, masayang masaya akong sinalubong ng kababatang kapatid ko na si Selena.
“kuya kanina pa kita hinihintay eh!” sabi niya sakin
“bakit naman? Galing lang naman sa school si kuya eh” sagot ko na maykasamang panlalambing
“kasi… class president ako! “ masaya niyang sinabi sakin, buti pa siya, pero ayus lang, masaya rin naman sigurong maging Class King, and sooner or later, maging Campus King pa diba? HAHA! Asa!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro