"Kayo ang aming pakpak sa pag-abot ng pangarap.
Kayo ang aming gabay sa daang matuwing.
Ginawa ninyo ang lahat para sa aming hinaharap
Ngayo'y angdito kami, nakatindig at umaawit ng
PASASALAMAT."
"Maraming, maraming salamat."
At tinapos na ni Sir ang kanyang beat.
Anong ginagawa namin ngayon? Practice for our graduation song lang naman.
Oo, tama kayo. Graduating student na ako. Hahaha. Ang labo ano? Ang isang
tulad kong istudyante na nakalagay sa pinakababang section ay gragraduate
na din! BONGGA!
Ako nga pala si Kim Iyanna Castro, isang graduating student ng Lepanto
Academy.Kung tatanungin niyo kung sino ako, aba'y isa lang naman akong
magandang dalaga na isang BF! Alam niyo 'yun? Isa akong Bad Influence!
Pero wag kayo, mabait akong anak. Haha. Ako yung tipo ng babaeng may
sayad sa utak pero kung magmahal wagas! Kaso, yung lalakeng gusto ko, may
girlpren na. Ang sama eh, anoh? Eh kasi simula noong 1st year or 2nd year
ako naging crush na crush ko yung lalakeng iyon kaso nga lang iba na man yung
tipo eh. Hehe. Isa lang akong istudyante sa pinakababang section dito sa mga
4th yrs. pero siya, isa siya sa mga kinikilalang istudyante dito. Bakit kamo?
Eh kasi gwapo siya, matangkad, may dimples pa, at may utak din siya! Edi
siya na! Haha. Mabait siya eh, kaso may pagkamanhid. Naalala ko pa bago
magsimula ang graduation practices namin umamin ako sa kanya.
[FLASHBACK]
"H-hi!" bati ko sa kanya sa may hallway papuntang canteen namin. As usual,
ang gwapo niya. Kasakasama niya ang kanyang best pren.
"Oh, nakabili ka na ng merienda mo?" tanong niya sa akin habang may ngiting
nakakalaglag panty. Yung dimples niya, ang lalim!
"Oo, tapos na," sagot ko sa kanya, "M-May sasabihin p-pala ako sa'yo
mamaya, pwede?" gosh! Mauutal kayo talagang kausapin ang isang 'toh! Eh
pano kasi panay ngiti sayo!
"Oo ba, saan?" sabi niya naman.
"Sa may likod ng science building," at pinilit na ngumiti sa kanya, "S-Sige,
pagkatapos ng klase ah."
"Okay, BabooosH!" napasigaw tuloy siya. Tumakbo na kasi akong palayo sa
kanya, ang lakas lakas kasi ng pintig ng puso ko! Damang-dama mo talaga at
rinig na rinig pa! Pagkapasok ko sa aming klasrum, naupo ako sa Proper seat
ko nang tumabi sa'kin si Tin, Kate, at Lianne, mga barkada kong baliw ang
mga 'yan. Uber baliw, to the max!
"Hoy, bruhang bakla," tawag sa akin ni Kate sabay kagat ng burger na binili,
"Ano? Nakapag-confess ka na ba sa love of your life na di ka mapansin-pansin?"
"Kate naman eh! Nakakahiya ka!" sabay kagat din ng burger ko.
"Hay nakoow 'tong baklang toow!" oh ayan naman si Lianna, ganyan talaga
magsalita 'yan, "Wag kang kabahan ay! Di maganda 'yan pag ika'y umamin!"
"At tsaka, BE CONFIDENT, Bakla! Maganda ka!" si Tin 'yan. Kahit papano eh
may kaibigan akong matino. Maya-maya'y nag-time na at natapos ang recess.
Papasok na ang Physics teacher namin, which is yung substitute ni Sir. Ra.
Pagkatapos ng klase namin, agad akong tumakbo sa likod ng Science Building
na din man lang nagpaalam sa tatlong bruhlida na mga 'yun. Kinakabahan ako
na nakikilig na excited din. Kinakabahan ako sa magiging sagot at reaction niya.
Matagal ko na kasi siyang kilala, lahat ng clubs na clubs niya sinasalihan ko.
Naging CAT Officer din ako nang dahil sa kanya. Kung pwede lang nga pati sa
Boy's Scout sasalihan ko kung pwede. Hahaha.
Nakarating ako sa may Likod ng Science Building at naupo muna sa may Garden
na may bench. Wala pa siya o baka maaga lang talaga akong pumunta dito.
Kung may confessions na nagaganap, dito kadalasan makikita ang pangyayari.
Bakit? Kasi may storyang may nagmamahalan daw na nagkatuluyan dahil sa
Garden dito. Anong konek? Di ko rin alam pero habang tumatagal ang panahon,
naipapasa kada henerasyon ang pangyayaring mga ito kaya malaki ang tiwala
ko na magiging kami ng crush ko.
"Oy, Kim!" narinig kong sigaw niya at pababa siya sa may hagdanan. Napatayo
bigla ako sa pagdating niya at nginitian siya. Masaya kasi ako dahil dumating
talaga siya.
"D-dumating ka," sabi ko nang hinahabol niya ang kanyang hininga. Pawis na
pawis ito, "Anong nangyari?"
"Ah-Wala, tumakbo akong papunta dito. Nag-alala kasi ako na baka naghihintay ka eh di ako mahilig magpahintay sa mga babae," tsaka naupo
siya. Oh dbah? Ang sweet niya. Sino bang di mahuhulog sa ganyang lalake.
"Ang labo talaga neto," at naupo din ako sa hinaharap niyang bench kaya harap
harapan kami ngayon at isang wooden table lang ang pagitan namin, "Tubig," at
inabot sa kanya ang baon kong tubig. Agad niya namang kinuha ito pero bago
niya buksan ang cap ng tubig, tinanong na niya.
"Ano palang sasabihin mo sa'kin?" tanong niya nang buksan niya ang cap ng
water container ko. Doon na ako kinabahan.
"G-gus-gus," ano ba 'yan, di lumalabas sa bibig ko. Nilunok niya ang tubig at
napatingin sa akin.
"Gus? Gus ng sasakyan?" tanong nito at uminom na naman.
"GUSTO KITA!" ayun! lumabas na pero nakayuko ako dahil nahihiya akong tignan
siya. Malamang pulang-pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan. At sa sobrang
gulat niya, biglang naibuga ang tubig mula sa bibig niya at inubo pa siya.
Tinigna niya ako ng mga ilang segundo.
"BWAHAHAHAHA!" biglang tawa niya na siyang ikinagulat ko, "ANG LAKAS
NAMAN NG TRIP NETO!" at nagpatuloy pa rin siyang tumawa. Hiyang-hiya
ako, grabeh! Di ko akakalainh trip lang ang tingin niya dito sa pinaggagawa ko!
Ang sama, "Kim naman oh! Pinapunta mo lang ako dito para tawanan ang biro
mo! Hahaha," sige tawa pa! "Alam mo na ngang problemado ako sa gf ko tapos
papapuntahin mo lang ako dito para tumawa! Hahaha," G-GF?! SINONG GF?!
"G-Gf?" nasabi ko bigla.
"Oo, pero ayos din naman, at least nakalimutan ko ang gf ko ng mga ilang
segundo! Yun lang ba sasabihin mo? Oh sige, alis na ako! Salamat sa tubig!"
kinuha na niya ang bag niya at nagmadaling umalis.
OUCH.
Masakit siya. Yung tipong binuo mo lahat ng lakas mo para lang makapag-amin
sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Ang mas masakit pa, umamin akong di
nalalamang may syota na pala siya
</3
[FLASHBACKS END]
****************************
PLEASE LEAVE A COOMENT AND VOTE :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro