Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5: LETTING YOU GO :D

"Tatanda at lilipas din ako.

Ngunit mayroong awiting 

Iiwanan sa inyong ala-ala (ala-ala)

Dahil, minsan tayo'y nagkasama ..."

Dear classmates, batchmates, friends, and families. This our day, the day we graduated from our high school and may we reach our goals in life with the Lord's guidance :D

"Parang kailan lang 

Halos ako ay magpalimos sa lansangan

Dahil sa inyo, ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman

Nais ko kayong pasalamatan 

Kahit man lang isang awitin..."

Haaayst! Malapit ng magtapos ang pang-unang awit namin! Nakakakaba. Maraming nanonood ngayon. Hehehe. Napatingin ako kay Seph, siya yung drummer ng awitin namin ngayon. Ang cool niya. Alam mo bang isa ka sa mga dahilan kung bakit ako nakapag-graduate ngayon? Ikaw ang nagsilbing inspirasyon sa akin. Hindi lang ikaw, kasama na doon ang mga matatalik kong kaibigan, ang mga mapag-suportang magulang at mga kapatid ko. Kung hindi dahil sa mga payong binigay niyo sa akin, hindi ko mararating ang graduation na ito ngayon. Sa mga teachers kong naging strikto ngunit mapag-suporta, maraming salamat din sa  inyo. Sa lahat ng mga pagkakamali ko, sana'y mapatawad niyo ako. 

Seph, naalala mo yung sinabi mo kagabi sa akin? Sana- totoo ang lahat.

[FLASHBACKS]

"KIM!" narinig kong may sumigaw sa may labas n bahay namin at kasunod ng sigaw na 'yun ay isang bato na maliit na tumama sa may bintana ko kaya napadungaw ako kung sino 'yun. 

"KIM! PSSST!" ayun! Nakita ko siya na nakatayo sa may ibabaw ng puno. 

"SEPH?! BA'T KA ANDITO?!" napabulong pero malakas na tanong ko sa kanya. Gabi na kaya. Mga 11:00 na. Anong ginagawa ng asungot na 'toh dito?! Baka makita pa o magising pa sina Mama nang dahil sa kanya eh! Patay na pag ganoon! Agad akong bumaba sa kwarto ko at tumakbong pumunta sa kanya, "ANO KA BA! GUSTO MO BANG PATAYIN NA NILA AKO?!" at hinampas ko siya sa kamay niya. 

"Oy, cool ka lang! Di bale, di magigising mga magulang mo," aniya habang nakabulsa. Mukhang namamaga ang mga mata niya? Parang galing iyak lang siya? Anyare ba sa kanya?

"Graduation na kaya bukas, Seph. Ba't namamaga yang mga mata mo?" diretsong tanong ko sa kanya. 

"Halika," bigla niya aking hinatak at pinaupo sa may ibabaw ng puno na may mga bermuda grass, "Masaya ako."

"Huh? Masaya ka? Ah, so tears of joy yang mga 'yan?" naupo din naman siya sa tabi ko at pareho kaming tumingala sa langit na may napakaraming bitwin. 

"Pinakilala ako ni Xianne sa angkan niya ngayon kaya masayang-masaya ako ngayon.," may mahinang boses at kalmang boses siya ngayon pero halatang-halata mo yung saya na kalaho sa boses niya. Di ko talaga maiwasang masaktan kaya napaiyak ako, "H-Hoy, Ba't-Ba't ka umiiyak?" tanong niya sabay nataranta sa pagpunas ng aking mga luha. 

"W-Wala, m-masaya lang ako p-para sayo," pagsisinugaling ko sa kanya at binigyan siya ng isang ngiti, "M-Masayang-Masaya talaga ako para s-sayo Seph."

"Kim, sa totoo lang, noong una, naguguluhan ako," pagpapatuloy niya sa sinabi niya kanina. Nagpupunas pa rin ako ng luha, "Aminin mo sa akin, Kim, gusto mo ako anoh?" naptigil ang mundo ko sa tanong na 'yan. Ano ba ang dapat kong isagot? Tinatanong ako ng crush ko ngayon kung gusto ko siya, "Kim, gusto din kita pero mananatiling hanggang kaibigan lang iyon. Kahit gaano ako kagago sa'yo, hindi naman ako ganoon kamanhid para di mapansin 'yang mga damdamin mo para sa'kin."

"S-Seph, h-hindi ko naman sinasadyang m-mahulog..." di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin. Yinakap niya ako, isang mahigpit na yakap ang binibigay niya sakin ngayon. 

"Pasensya na kung patuloy kitang sinasaktan," mahinang nasambit niya. PAUSE! 

PAUSE MUNA! MASYADO NA SIYANG O.A, OKAY? KAYA TIGIL NA! 

"Ulol! Wag ka ngang ganyan!" umalis ako sa pagkayakap niya at hinampas siya, "Huwag kang mag-alala, Seph. Naka-move on na ako sa'yo! Hindi lang ikaw ang lalakin dito sa mundo! Kaya huwag kang magpasensya sa akin!" at hinampas ko ulit siya tapos tumawa ng napakalakas. Di ko talaga maiwasang hindi maging awkward sa kanya eh. Gusto ko siya pero hanggang doon na lang yung. 

"Makakapag-move on ako sayo, Seph," nasabi ko sa ulit sa kanya at binigyan siya ng isang determinadong ngiti. 

[FLASHBACK ENDS]

"HAPPY GRADUATION BATCHMATES!" napasigaw naming lahat na mga seniors. Maraming umiyak noong umaawit kami at patuloy na umiiyak hanggang ngayon :D

HEARTBREAKS ARE MADE FOR US TO FIND SOMEONE BETTER FOR US.

LOVE DOES NOT CHOOSE. IT'S WETHER YOUR A GIRL, A BOY, A MAN, 

A WOMAN, A GAY, A LESBI LOVE DOES NOT CHOOSE. ^____^V 

***********************

THANKS FOR READING! ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: