"So paano na 'yan? Makakapag-move on ka ba within 3 days?" natanong bigla ni Lianne sa akin habang kami'y naka-upo sa may fish pond. Ang gago ng tanong na 'yan! Ano sa tingin niya sa akin?! Ulol!
"Aray!" binatukan ko nga siya.
"Ano sa tingin mo sa'kin? FAIRY GODMOTHER para isang shing lang, naka-move on na ako sa kanya?!" sabi ko sa kanya habang hawak-hawak niya ang kanyang parte ng ulo na kung saan ko siya binatukan.
"At kailangan talagang mang-batok?!" hinihimas niya pa rin yung parte ng ulo niyang binatukan ko habang palihim na tinatawanan siya ni Kate at Tin sa may likod niya, "Ano ba! Malapit na kaya ang graduation! Hindi naman valentines day ito para heart broken kang rarampa sa entablado!"
"Lianne talaga! Problema na ni Kim 'yan kung patuloy siyang magpapakatanga kay Seph," nasabi naman ni Kate na halata mong nagpipigil talaga ng tawa, "Tsaka, noon valentines na 'yun? Anong tawag natin dun? Worst Valentines or Happiest Valentines?"
[FLASHBACK]
WAAAAAH! NASAAN N 'YUNG KWINTAS NA 'YUN?! NASAAN NA SIYA?! AY oo nga pala, gaga! Na kay Seph pala ! Sabi niyang siya daw mismo magsusuot sa akin sa kwintas na 'yun pero nasaan na ba ang asungot na 'yun?!
[CALLING SEPH]
"HOY! ASAN KA NA BA?!" napasigaw tuloy ako ng di oras sa kanya.
"Aray! Masakit sa tainga, Bebe!" sagot niya naman sa kabilang linya, "Tsaka, sorry pala Bebe. Di kita masusundo ngayon, biglang tumawag kasi si Xianne. Alam mo naman, nililigawan ko yung tao kaya hindi ko na lang siya basta-bastang itataboy. Pinapunta ko si Neil dyan. Kayo na lang dalawa pupunta sa Prom ngayon," pagkatapos niyang sabihin iyon, agad niyang binaba ang tawag. Wow, so ako na ngayon ang binabalewala?! Sige, Seph, babalewalahin din kita! Hmpft!
[BEEP! BEEP! BEEP!]
Agad akong bumaba sa hagdanan. Si Neil na nga yung nasa harapan ng gate namin na nakasakay sa itim niyang kotse. Lumabas na ako at binuksan niya ang pintuan sa front seat para sa'kin.
Buti pa si Neil, may oras pa para gawin ang mga ito sa akin. Haaays -____-
"Sorry kung naghintay ka," bati ko kay Neil sabay pasok sa front seat at sinara nito. Naglakad naman siyang papunta dito sa Driver's seat. Ayos lang yung suot niya. Nakablack tuxedo siya. Kahit na madilim yung damit niya, gwapo pa rin siya tapos suot-suot niya yung ear piercings niya sa kaliwang tainga niya. Hangkyooot niya >.<
Si Seph kaya? Anong hitsura niya ngayon? Paniguradong gwapo pa rin siya. Hihihi.
"Ang ganda mo Kim," bumalik ako sa realidad nang sabihin 'yan ni Neil. SHOCKED. Hindi ko kasi inaasahang ang isang Neil Hillton ay magsasabi ng ganyan sa akin. Hahaha. Halata na ba? Di kam close ng isang 'toh eh kaya awkward xD.
"S-Salamat naman, Parey!" nasabi ko na lang sa kanya para mabawasan ang awkwardness sa pagitan namin.
"Bagay 'yang suot mo. Hehe," GAS! HANGKYOOOT NIYA! Oy! Namumula siya PRAMIS!
"Naks, Neil! Alam mo na palang mamula ngayon sa harapan ng babae ah? Oooy! Binata na siya," pangangantyaw ko sa kanya. Gusto kong kilitihin siya sa may tagiliran niya kaso nagmamaneho siya baka mapano kami, ako pa ang may kasalanan.
"H-hoy hindi ah," pagdedeny niya pa eh halatang-halata naman na, "Sa totoo lang, mas bagay naman kayo ni Seph pero ewan ko ba sa kanya kung bakit si Xianne pa yung nililigawan eh kung pwede namang totohanin niyo 'yang fake relationship niyo?" di ko alam na madaldal pala siya ng ganito?
"Hahaha! Neil, vibes talaga kita! Sabihin mo nga 'yan sa kanya para matauhan!" may pabirong boses ako pero seryoso ako sa sinabi ko. Di ko lang gusto na mahalata niyang gusto ko si Seph.
"Mahal mo siya, anoh?" natigilan ako sa sinabi niya. Naging seryoso yung atmospera, although, seryoso naman siya kanina pa pero bigla akong natahimik na siyang nakapagbigay sa kanya ng senyas na Gusto ko talaga si Seph, "Sabi na nga ba. Manhid talaga ang gagong 'yun!"
"Neil, wag mong sasabihin sa kanya, Okay? Di pa ako handa sa magiging reaction niya tsaka masaya na siya sa iba. Alam ko na kung saan talaga ako lulugar sa buhay niya kaya manahimik lang tayo," seryosong sabi ko sa kanya na halos maluluha na, "T-Teka! Prom night ngayon dba?! Dapat wag heart broken!" at binigyan ko si Neil ng isang pekeng malawak na ngiti nang di ko namalayan, pinaparada na niya ang kotse niya. Napansin din namin ang pagdating ng isang itim na kotse din.
"Sige. Hayaan mo munang alisin ko si Seph dyan sa isip mo, Kim," mainit na sinabi sa akin ni Neil and for the first time, he held my hands. He's so warm and gentle. Kasabay ng pagbaba namin ay ang pagbaba din nina Seph at Xianne sa kotse ni Seph na pumarada din sa tabi namin. Napahinto ako kasi yung mukha ni Seph ang agad na bumungad sa akin. Hindi ako makagalaw na parang napako ang dalawang paa ko sa kinatatayuan ko. Di ko maiwasang masaktan sa nakikita ko pero natauhan ako bigla nang hawakan ni Neil ang kamay ko.
"N-Neil," nanginginig na sambit ko sa pangalan niya sabay napatingin sa kanya.
"Wag mong ipahalata na nasasaktan ka. Ngumiti ka para sa'kin," pabulong niyang sinabi sa akin habang nakayuko siya malapit sa aking tainga. Pagkasabi niya 'yun napangiti agad ako para di makahalata sina Seph at Xianne. Naglakad sila palapit sa amin.
"Hi, Neil!" masayang bati ni Xianne kay Neil. Ang ganda niya pramis! Simple lang yung damit niya pero bagay na bagay sa kanya. Bagay silang dalawa eh. Gwapo yung kapares niya kaya maganda din siya, "Siya ba yung sinasabi mong syota mo, Neil?"
-___- Di ah.
"Dude, wag mo namang hawakan ng mahigpit 'yang kamay ni Bebe ko oh," parang batang sinabi ni Seph habang nakatingin sa kamay namin ni Neil. Oo nga pala, magkahawak kamay kami ni Neil ngayon which is AWKWARD!
"Sows! Dude, kunwari ka pa. Total, magiging kayo naman na ni Xianne blang araw, aangkinin ko na lang si Kim. Wag madamot," pagkatapos na sinabi ni Neil iyon, agad niyang hinatak ako papasok sa Hotel na siyang gaganapin ng Prom namin. Grabeeeh! KINABAHAN AKO SA SINABI NI NEIL! PARANG SERYOSO SIYA pero, hehe. Joke lang yun. Naupo kami ni Neil sa isang round table na kung saan nakaupo din sina Kate, Tin, at Lianne. Nakiupo na din sa amin sina Seph at Xianne na buong prom eh, naging PDA sila. Alam namin ang sweet sweet niyo kahit hindi pa kayo. Geeeez -______-
Kailangan ko talagang mag-move on. Sa mga nakikita ko pa lang ngayon, malaki yung posibilidad na magiging sila balang araw. Masakit na nga 'tong mga nakikita ko na ito, paano na kaya kung yung naging sila talaga? Haaays.
"Sayaw tayo," nilahad na lang ni Neil ang kanyang palad. Napatingin ako kina Seph at Xianne. Oo, may ibang babae ng humahawak sa mga kamay niya. May ibang babae ng sinasayaw siya. Kailangan ko talagang mag-move on at ilugar mabuti ang sarili ko. Bago ko tuluyang kalimutan mga dam-damin ko, aaminin ko muna mga damdamin ko sa kanya.
[FLASHBACK ENDS]
"Huwag kayong mag-alala," nagulat naman ang tatlo kaya napatigil sila sa mga bangayan nila at napatingin ng seryoso sa akin. Binigyan ko naman sila ng isang determinadong mukha, "Mag-MOMOVE ON AKO SA KANYA," nasabi ko nang makita kong papasok sina Seph kaya sa kanya natutuk ang tingin ko. Balang araw, mahaharap kita na wala ng damdaming natitira. **********************
THANKS FOR READING THIS CHAPTER! :D
PLEASE LEAVE A COMMENT AND VOTE ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro