Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3: The PAIN starts if you fall in love

"OKAY! LET'S TAKE A BREAK!" anunsyo ni Ma'am Rino sa harapan namin habang kami'y natapos sa kaaawit ng 'Impossible dream'. Sobra! Daming out of tune na parte pag yan ang inawit namin. Nagsibaba kaming lahat sa entablado at diresto sa labas yung mga iba. 

"Kim!" narinig kong pagtawag ni Seph sa akin kaya napatingin ako sa dulo ng pinaka-gitnang upuan sa theatre na kung saan nakita ko sina Tin, Kate at Lianne na kasama niya. Ako naman ay kinukuha ko yung bag ko sa aking upuan na katabi lang ni Jhay. 

"Jhay, sama ka sa'min?" tanong ko sa kanya na ngayon ay busy ata sa pagbabasa ng isang manga book. Mahilig 'yan sa anime kaya kung may mga translations na gusto mong ipa-translate sa japanese, sa kanya ka tatakbo.

"Sige, kayo na lang. Malapit na akong matapos eh," sagot niya sa'kin habang nakatutuk ang mata niya sa binabasa niya. Haaayst! Sana man lang tignan mo ako habang sumasagot ka xD. 

"Sige," at naglakad na akong papunta kina Seph. Palakas na palakas na naman ang pintig ng puso ko habang papalapit ng papalapit ako sa kanya. Naramdaman ko ang biglang pagnginig ng binti ko nang makita kong kasama niya pala ang gf niya kaya napatigil ako sa paglalakad.

Kim naman eh, makakahalata siya kung ganyan ka. Kailangan mong tiisin at masanay ka na rin na magkasama sila. Pero, imbes na magpatuloy akong maglakad patungong kinaroroonan nila, binaling ko ang aking paa at naglakad sa ibang direksyon na siyang ikinagulat nila. Naalala ko na naman nung una niyang kinuwento sa akin ang gf niya. Doon ko na lang namalayan na in love na pala ako sa kanya.

[FLASHBACK]

"Hoy Bebe!" sigaw sa'kin ni Seph habang ako'y naglalakad palabas ng academy namin. Dismisal na kasi kaya pauwi na ako. Mag-isa lang ako ngayon kasi si Tin may math club, si Kate naman may inasikaso sa kanyang sports, si Lianne malapit lang bahay nila dito sa school at ako maglalakad pa. 

"Oh? Seph, akala ko ba may practice kayo ng basketball?" napatigil ako sa paglalakad dahil hinihingal na siya. Tinakbo niya siguro ang gym hanggang dito para lang maabutan ako. 

"Wala si Coach eh kaya skip muna ako sa practice namin ngayon. Sasamahan ko na lang ang gf ko sa pag-uwi," nakangiting ani niya sabay hawak ng aking kaliwang palad at nagsimulang naglakad. Ito na naman yung kakaibang damdamin ko. Yung biglang kukutob ang puso mo ng napakalakas tapos ang bilis ng pintig niya? Yung parang may kuryenteng dumadaloy sa kamay niya at kinukuryente ang lahat ng system ko. Di ko alam pero, I've been feeling this things lately. Namumula na lang ako bigla-bigla.

"Seph, w-wala ka bang nararamdamang kuryente tuwing hinahawakan mo ang kamay ko?" natanong ko bigla. Curiousity kills nga di ba? Tsaka, nasanay na rin ako sa paghawak niya ng kamay ko ng biglaan. 

"Huh? Wala naman ah, bakit?" sagot niya sa akin, "Pero, alam mo naramdaman ko na din 'yang sinasabi mo," pagpapatuloy niya. Di ko magets?

"Yung alin Seph?" kaya nagtanong ako para maklaro.

"Yang pagkuryenteng sinasabi mo," sagot niya, "Naramdaman ko na siya pero hindi sayo, sa ibang babae ko naramdaman," hindi ko alam pero masakit yung sinabi niyang iyon. Dati-rati ayos lang naman sa akin pero bakit ngayon iba yung dating niya sa akin kaya biglang napatigil ako sa pagahawak sa kamay niya. Kinuha ko ang kamay ko sa mismong pagkahawak niya.

"At sino naman iyon?" t-teka, iba yung tono ng boses ko! As if I was a jealous girlfriend! Yikes.

"Kilala mo si Xianne (Chi-yan) Manalo?" natanong niya. Wait, wag mong sabihin siya yung tinutukoy mong babae, Seph? Oo kilala ko siya. Sino bang hindi makakakilala eh sikat siya sa school namin. Magaling kasi siya. Magaling na singer, dancer, maganda pa siya. 

"Siya ba ang tinutukoy mo?" malamig talaga yung boses ko. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong sabihin sa kanya na sana ako lang yung pagtoonan niya ng pansin. Sana ako lang sana. Ako lang dapat pero di ko masabi sa kanya kasi nga di naman kami totoong mag-syota.

"Siya nga, Kim," napatigil kaming dalawa sa may bus stop nang biglang umambon siya, "Tuwing nakikita ko siya o nakakasalubong, bigla na lang bumibilis pintig ng puso ko. Malakas ang kutob niya at ang hirap makahinga. Nakaramdam din ako ng biglang pagkuryente galing sa kanya nung Dancing program natin," pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa dalawang palad niya. Lahat ng sinabi niya, naramdaman ko di pero sa kanya. Siya, naramdaman niya pero sa ibang babae. 

"Seph, ibig sabihin niyan, gusto mo si Yanna. Gusto mo siya," nasabi ko na lang. Hindi ko alam sa sarili ko kung gusto ko din siya pero kung gusto ko nga si Seph ngayon, kailangang wag pang lumalim kasi sa ngayon pa lang, may gusto na siyang iba at masakit na sa akin. 

"H-Huh?" nakatingin lang siya sa akin with a confused expression. Di niya alam.

"Sige Seph, alis na ako," napatayo ako sa may upuan nang dumating na ang bus kaya naglakad akong papasok sa bus na'toh at iniwan si Seph na may nalilitong mukha.

Hindi na ako pumasok sa klase sa sumunod na araw. Di ko alam kung bakit di ko kayang harapin ngayon si Seph. Kailangan ko munang iayos ang nararamdaman ko para sa kanya bago ko siya harapin. Haaaayst! Lord, wag naman sana! Ayokong magkagusto sa kanya. 

[KNOCK! KNOCK! KNOCK!]

"Pasok po! Nakabukas ang pintuan," nakataklob ako ngayon sa kumot ko habang nakahiga at nag-iisip kung ano bang gagawin ko kay Seph, kung paano ko mapipigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. 

"Hoy Bebe! Gising na, andito na si Bebe Seph mo oh!" biglang napabangon ako nang marinig ang boses ni Seph na nagpapa-kyoot. GRRRRR! BAKIT ANDITO ANG ASUNGOT NA 'TOH! KAYA NGA AKO NAG-ABSENT PARA DI KO SIYA MAKITA NGAYON!

"BA'T KA ANDITO?!" natanong ko sa kanya habang nakatingin ng masama sa kanya. Siya naman ay nakaupo sa may gilid ng kama ko at may hawak-hawak na minions, yung maliit lang samahan mo na ng ice cream, yung selecta! 

"Oh eto!" inabot ang Ice cream, "Ayan na ba ang pagbati mo sa Bebe mo? Ang sama nito" nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ang noo ko, "Wala ka naman atang sakita ah. Ba't ka nag-absent?" dahil sa'yo, ASUNGOT! 

"Ah-Eh, m-masakit yung ulo ko kanina," pagsisinungaling ko na lang sa kanya. 

"Nag-alala tuloy mga kaibigan mo sayo," sabay subo niya sa isang kutsara ng ice cream na may flavor na choco with mallows. Favorite naming dalawa 'yan. 

"Salamat sa pagdalo. Papasok na ako bukas. May importanteng quiz bang ginawa niyo kanina?" tanong ko sa kanya at ako naman ang nagsubo ng isang kutsara ng ice cream. 

"Wala eh. Walng teachers ngayon. Discussions lang at pangongopya," sagot niya, "May aaminin ako sayo," napaseryoso ang boses niya kaya napatigil ako sa pangunguya ng ice cream, "Yung sabi mo kahapon, Oo, gusto ko talaga siya at liligawan ko siya."

'Yung sabi mo kahapon, Oo, gusto ko talaga siya at liligawan ko siya.'

'Yung sabi mo kahapon, Oo, gusto ko talaga siya at liligawan ko siya.'

'Yung sabi mo kahapon, Oo, gusto ko talaga siya at liligawan ko siya.'

Ang mga salitang yan ang biglang nakapag-guho ng aking mundo. Yung tipong di na ako naka-galaw at di na rin nakapag-imik. Napipi ako bigla kaya isang maskit na pekeng ngiti ang binigay ko sakanya. Dito ko na lang nalaman, Mahal ko na pala siya.

[FLASHBACK ENDS]

"Hayst! Bakla ka talaga! Kailangan na nating itali siyang patiwarik! Tignan mo nga ang ginawa sayo!" si Lianne 'yan habang kami'y nasa theater na. Hinihintay na lang naming magsimula na naman ang practices namin. 

"Lianne, walang magandang idudulot ng pag-gagalit mo," nasabi ko sa kanya habang nakatingin kina Seph at Xianne na masayang naglalambingan habang nasa upuan sila ni Xianne. Nakaupo pa si Xianne sa kandungan ni Seph.

"EH ANONG GUSTONG GAWIN NAMIN?! PANOORIN KANG NASASAKTAN?!" hindi na talaga natigilan ni Kate ang bunganga niya. Hindi ko na talaga matigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan eh kaya biglang napayakap ako kay Tin at mahinhin na iniyak sa kanyang balikat ang sakit na nararamdaman ko. 

*************************

PLEASE LEAVE A COMMENT AND VOTE ^_^

THANK YOU!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: