CHAPTER 2: FIRST LQ DAW?
"Weh? Hala, ganoon pala ang nangyari. Ba't di mo sinabi sa amin?" may nag-aalalang mukha si Tin ngayon matapos kung ikwento ang nangyari noong last week lang, yung confession thing ko kay Seph na pinagtawanan niya lang.
"Ay pota naman 'yan ah! Ba't ngayon mo lang sinabi sa amin?! Hindi namin tuloy alam gagawin namin!" si Kate naman 'yan, "Ang manhid niya naman."
"Hayaan niyo na. Siguro nagmamanhid-manhidan lang siya kasi may girlfriend na siya," nasabi ko na lang sa kanila.
"SIGE, PARA MATAPOS NA ANG KWENTO, TARA NA'T BUGBUGIN SI SEPH!" nasabi bigla ni Lianne at tinigil ang pagbabasa sa kanyang ebook.
"Hahaha, Lianne talaga, ayan ka na naman oh! Yan din ang sinabi mo noong nag-away sina Seph at Kim. Yung first LQ daw nila na nasa corridoor na sila?" natatawang ani ni Kate at Tin. Hay, naalala ko na naman yun.
[FLASHBACK]
"Waaah! Grabeh 'yung bf mo, Kim!" sigaw bigla ni Kate sa akin nang sila'y papasok sa klasrum namin. Halos dalawang linggo na din ang nakalipas since 1st day of classes at naging kaibigan ko na din ang mga bruhang mga 'toh.
"Huh? Bakit si Seph?" natanong ko na lang. Oh di ba? Feel na feel ko din ang pagiging instant gf ni Seph ngayon pero wag kayo, nagpaliwanag siya sa akin kung bakit niya sinasabing gf niya daw ako.
"Grabeh siya! 2 weeks lang ang nakalipas eh sobrang ang daming mga babaeng umaaligid sa kanya! Nakakahiya naman oh! Everyday, punong-puno yung school gate para lang sunduin siya o batiin siya sa pagpasok ng school natin! Anong klase 'yang bf mo? Hindi ka ba nagseselos sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya?" nasabi ni Tin sa akin. HAHA. Tin talaga oh, ba't naman ako mageselos eh hindi naman kami nung asungot na 'yun!
"Hindi ah! Anong dapat ipagselos dun eh ako naman ang mahal ni Seph," pagmamayabang na nasabi ko. Hahaha. Chos! Wag kayong angal, para totoo talagang kami ni Seph daw total siya naman 'yung nagsimula dito, sagad-sagarin na.
"Ay true bakla. Confident na confident si Kim na loyal na loyal si Seph sa kanya, paano kaya si Kim, loyal din kaya?" singit na bigla ni Kate sabay napatingin kami sa may pintuan ng klasrum namin na kung saan nakita naming nakatayo si Kuya Einstein, isang 4th year student sa Class-A. Gwapo din siya, matangkad, basketball player, CAT Colonel siya. Oy, habulin yan! At tsak
CRUSH NA CRUSH KO 'YAN! KYAAAAAH xD
"An dito ba si Kim?" biglang natanong ni Kuya Einstein habang nakatayo siya sa may gitna ng pintuan namin. Weh? Ako pala hanap nito. Okay, Kim. Kalma lang tayo, kalma para di mahalata na kinikilig kang bakla ka!
"Opo. Bakit po?" napatayo ako dyan at kunwaring seryoso na walang bakas sa mukha na kinkilig talaga. Sina Kate, Tin at Lianne naman eh sobrang kinikilig sa mga upuan nila. Hahaha, sige mainggit kayong mga bruha.
"Pwedeng makausap ka sandali?" pagkatapos niyang sabihin 'yan, umalis siya sa pagkaharang sa may pintuan ng klasrum namin. Naglakad naman ako papunta dun at narinig ko ang mga sigawan nina Kate at Tin na sobrang naiinggit sila.
"Bakit po Kuya Einstein?" natanong ko nung nasa labas na din ako ng klasrum namin. Sinara ko pa yung pintuhan namin para di maka-echos ang tatlong 'yun sa lovey-dovey namin ni Crush! Kyaaaah! Baka date na 'toh! Lord sana date na 'toh!
"F-Free ka ba m-mamaya?" nauutal niyang tanong sa akin habang nakayuko siya. Namumula ata! Kyaaaah >.< Hangkyooot niya! My Gas!
"Opo, bakit po?" sige, cool naman daw ako para di magmukhang kinikilig nga!
"Pw-Pwede-Pwede b-bang mai-maihatid ka at mai-maidate ka ngayong s-sabado?" KYAAAH! Niyaya niya nga ako! Gas! OH MY GAS! Wait-REWIND NGA! REWIND.
'Pwede bang maihatid ka at maidate ka ngayong sabado?'
'Pwede bang maihatid ka at maidate ka ngayong sabado?'
'Pwede bang maihatid ka at maidate ka ngayong sabado?'
Dahil sa kabubusy ko sa pag-uulit sa pagyaya niya sa akin, nakalimutan ko ng sagutin siya ng Oo kaya bago pa ako makasagot, ang boses ni Seph ang nakapag-balik sa akin sa realidad. Di ko na namalayan na andyan na pala siya.
"Tol, gf ko ata 'yang nilalandi mo ah," napatingin kamin bigla sa gilid namin na kung saan nakatayo si Seph na may tatlong babaeng naka-aligid sa kanya. Malamig 'yung boses niya na parang papatay na talaga siya ng tao, "Tsaka, may bf na siya kaya hind pwedeng maihatid-hatid at maidate-date siya."
"Napakaraming babaeng umaaligid sayo. May oras kang makipaglandian sa iba, tapos mismong gf mo ipagdadamot mo? Pinagdadamot ka niya ba?" nasabi naman ni Kuya Einstein at tsaka siya lumapit sa may tainga ko na may gustong ibulong sa akin, "Yung sagot mo, hihintayin ko sa may gate," at may inabot siyang isang red rose. Kanina pa niya siguro 'toh tinatago. Pagkatapos kong tinanggap ang rose ay agad siyang umalis na nakabulsa. ANG COOL! KYAAAH! WAG KANG MAG-ALALA KUYA EINSTEIN, PUPUNTA AKO! JOKE LANG NI SEPH YUNG KANINA!
"Hoy, tulo laway oh," yung malamig na boses na naman ang nakapagpa-balik sa akin sa realidad at nung tinignan ko na siya, wala na yung tatlong babaeng kasa-kasama niya, "Gusto mo 'yung lalakeng 'yun?"
"At kung Oo ang sagot ko, may magagawa ka?" mataray kung sinabi sa kanya. Hmpft! Hindi konaman siya pinipigilang makipaglandi eh, sana naman pati ako xD. Para di unfair di ba?
"Hoy, wag kang malandi. May bf ka na nga dba?" si Seph 'yan at napatingin sa isang rosas na binigay ni Kuya Einstein sa akin, "Tsaka, mas madaming rosas pa ang pwede kong ibigay sayo."
"Hoy, hindi ako ang malandi sa ating dalawa. Tsaka, ano bang kinagagalit mo dyan eh hindi naman tayo talaga, dbah?" mataray kong sinabi sa kanya nang naglakad siya palapit sa akin.
"Tayo man o hindi, seryoso pa rin ako sa pinaggagawa ko," napakalamig ang boses niya. Kalma naman ang tono niya pero natatakot ako dahil sa galit nitong pamamaraan ng pagsasalita. Ang ikinagalit ko ay nung bigla niyang hablutin ang rosas na binigay ni Kuya Einstein at bigla ba namang itapon sa trash can!
"Ba't mo tinapon?!" nataasan ko siya nang boses, "Eh hindi naman kita pinipigilan sa pakikipag-landi mo Seph! Ba't ka ganyan sa'kin?!" dahil siguro sa lakas ng boses ko, pati yung mga klasmate ko biglang napalabas. Wow! Ano 'toh, show time ng LQ?!
"HMPFT! HINDI KITA PAPANSININ!" nasabi ko bigla sa kanya eh kasi pinagtitinginan na kami, para matapos na ang kwento, dumiretso na ako sa klasrum namin at sinubsob ang mukha ko sa aking arm chair.
[FLASHBACK ENDS]
"Hahahaha! Oo nga! Nakakahiya talaga yung away nilang 'yun!" napahampas tuloy si Tin sa may balikat ni Kate ngayon, "GRABEH! TO THE MAX ANG KILEEEEG noong inamin ni Seph na nagselos siya kay Kuya Einstein!"
"Hahaha! Tapos kunwari pa 'tong si Kim eh halos tatlong linggong hindi sila nagpansinan. Namiss din naman pala!" pangangantyaw ni Kate sa akin sabay hawak sa kamay ni Tin para hindi na muli nito mahampashampas.
Haaaayst. Ang dalawang 'toh, pinapaalala na naman ang moment na yun eh xD.Pero kinilig din ako noong ipagdamot niya ako sa ibang lalake kahit di seryosohan ang relation namin. :D ********************************
SORRY FOR THE TYPOS PO ^___^ THANKS FOR READING THIS CHAPIE :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro