Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1: Ms. No one and Mr. Famous

"Kim! Tara break muna tayo! Bili tayo sa may LWA!" sigaw sa akin ni Tin habang kumakaway na nasa likod. Kasama niya sina Kate, Lianne at Jhay. Katatapos lang kasi ang practice namin at may 1 hour break lang kami. Nakaka-paos kaya sa boses yung awit ng awit. Try niyo. Tumayo ako sa aking upuan at tumakbong papunta sa kinaroroonan nila nang sa malapitan na, doon ko na napansin na kasama pala nila yung crush ko at ang kaibigan niya. Nasaan na kaya si Gf?

Dug, Dug, Dug, Dug, Dug ...

Hay! Ayan na naman si Ms. Heart. Palagi na lang pag malapit siya, ang lakas ng pintig niya. Hay, sana wag nila mahalata. 

"Oy! Sasama ka din pala?" sabi sa'kin ni Crush. Ay teka, di niyo pa pala siya kilala anoh? Haha. Ang pangalan niya ay Seph Aivan Nillo (Nilyo), 16 yrs. old din. 

"Ay hindi, hindi. Magpapaiwan siya," sarkastikong ani ni Neil, ang kaibigan niyang gwapo din, matangkad, kaso problema sa kanya, yung ngipin lang ata maputi sa kanya. Haha, Jk. Pero gwapoat habuling din siya tulad ni Seph. 

"Ulol! Malay ko ba kung magpapabili lang pala," sagot naman ni Seph at nagtawanan kami. 

"Ang bilis ng araw noh? Akalain niyo, graduating na tayo," si Kate 'yan, habang naka-akbay kay Lianne na may kinakalkal sa kanyang bag, "Parang kailan lang yung mga araw na nagkakilala tayo."

"Oo nga," nasabi naman namin nang palabas na kami sa may Theatre. Oo nga anoh? Parang kahapon lang noong makilala ko si Seph. Kahapon lang noong makilala ko sina Kate, Tin, Lianne, at Jhay. Ang dali talaga ng panahon. Naalala ko pa noong una naming pagkakakilala ni Seph. 

[FLASHBACK]

WAAAAAAAH! BAKIT BA KASI NA-LATE AKO SA FIRST DAY NG SCHOOL NAMIN!SABI KASING WAG PALITAN YUNG ALARM CLOCK KO EH! SI MAMA TALAGA! >.< GEEEZ! Sabi pa nilang strikto daw yung adviser namin at ayaw na ayaw niya sa mga nahuhuli lalong-lalo na sa klase niya! Haaaayst! Sige! TAKBO!

Patakbo pa rin ako kahit nakapasok na ako sa school gate namin. Ako nga pala si Kim Iyanna Castro, Class-A 2nd year student ng Lepanto Academy. Grabeee! First day na first day, latena late talaga pati yung flag ceremony namin hindi ko na naabutan. Heeeesh! 

[BOOOGSH!]

"ARAY!" napaupo pa ako sa may semento.

"Ay sorry po," at inabot niya ang kanyang kamay. Napatingin naman ako sa kamay niya at di ko talaga inabot. Hmpf! Nagmamadali na nga yung tao, kailangan pa talagang banggahin ako? Ang lawak-lawak kaya tong daanan oh. Sino ba 'toh? 

"Okay ka lang?" tanong niya sa'kin nang ako'y tumayong mag-isa. 

"Sa tingin mo? Ang lawak naman 'tong daanan ah?" mataray kong nasabi sa kanya at pinukpok ang palda ko para mawala yung dumi niya, "Sino ka ba?"

"Sorry po talaga. Di sinasadya," ows? Di talaga? "Bago akong istudyante dito sa Lepanto Academy at di ko alam kung saan ako pupunta kaya napatakbo ako kasi isang 4th yr. classroom ang napasukan ko. Di ko naman alam na susulpot ka pala dyan," pagpapaliwanag niya habang kami'y nasa harapan ng principal's office. Astig eh no?

"Seph Aivan Nillo pala," inabot niya naman ang kamay niya pero tinitigan ko lang siya. I wasexamining his face. Hmmm, I can't really deny pero gwapo siya! Gwapo talaga niya. :D

"Kim Iyanna Castro po. Anong year at section ka?" nakalahad pa rin ang kanyang kamay. Hinhintay pa rin niyang abutin ko ito pero duh, di ako americano ano para nakikipag-hand shake.

"Ah, Class-A 2," sabay kamot niya sa ulo niya. Ayun, di na niya nilalahad ang kamay niya para isang handshake. Hehe. 

"Oh? Classmate ka pala namin. Ikaw pala yung sinasabi nilang transfer student. Sige, sabay na tayo. Nagmamadali din naman ako eh," hinawakan ko ang kanyang kamay para di niya sabihing nan didiri ako sa kanya, "Tara!" nakangiting tumakbo ako habang hawak-hawak ang kanyang kamay para mas madali kaming makapunta sa classroom namin. 

Mga 5 minutes din ang nakalipas bago namin narating ang klasrum namin. Nakatayo ako habang nakayuko sa harapan ng pintuan ng klasrum namin at hinihingal-hingal. Ganoon din siya, pareho kaming pagod. Nang makapag-pahinga na kaming husto, binuksan ko ang pintuan. NOTE: 

MALAKAS YUNG PAGKA-BUKAS NIYA! Kaya naman napatingin lahat ang mga kaklase ko ngayon na which is I think pinapakilala ng mga kaklase ko yung mga sarili nila. 

"Oh, Ms.?" ang teacher namin na nakaupo sa harapan, sa may table niya. 

"Ms. Castro, Ma'am. Sorry we're late," nasabi ko habang papasok sa klasrum namin. Lahat sila'y nakatingin sa amin. May narinig naman akong bulungan ng mga klasmate ko. 

'Wow! Holding hands sila ni Transfere natin!'

'Gosh! Ang hot at wafu niya!'

'Oh my siomai! Fafable naman pala eh'

'Sila na kaya?'

Napatingin bigla ako sa kamay naming dalawa at doon ko na talaga napansin na nakahawak pa pala ako sa kamay niya kaya namumula kong tinanggal ito pero biglang siya naman yung humawak sa kamay ko. Nagulat akong napatingin sa kanya at naka-bungisngis siya ng nakakapang-inis!

"Ms. Castro and Mr. TransfEre, please introduce yourselves," nasabi ng adviser namin na di ko pa kilala pero maganda siya, medyo mahaba ang buhok na naka-slacks, naka-high heels din siya. Di naman gaano ma-strikto yung hitsura niya. 

"Kim Iyanna Castro po," pagpapakilala ko sa mga bagong klasmate ko at tumingin kay Ma'am Adviser, "Saan po ako uupo?" napatingin ako sa may bakanteng upuan na malapit sa bintana. Hindi ko na pinagsagot si Ma'am at naglakad na ako papunta doon. 

"Seph Aivan Nillo po. Nice to meet you all," nakangiting pagpapakilala ni Seph sa kanyang sarili nang maupo ako sa aking upuan. Andoon pa rin siya sa harapan. 

"So, Mr. Nillo, why did you transfer here in Lepanto Academy?" tanong ni Ma'am Adviser. 

"Family reasons, Ma'am," sagot ni Seph, "Can I take my seat, Ma'am?" si Seph 'yan. Pansin ko naman sa lahat ng mga klasmate kong babae, lahat sila'y naka-concentrate sa kanya. Oo nga, gwapo talaga at habulin ang isang 'toh. Nagulat naman ako nang bigla siyang naglakad papunta sa'kin kaya napatingin ako sa may bintana para di niya sasabihing pati ako eh nanghuhumaling sa kagwapuhan niya. 

"So that ends our intorduction. I'm Ms. Jev, your english teacher and adviser for the whole school year. Any problems regarding my way in ruling you, guys, would be directed to me. Is that understood?"

"Yes Ma'am," sagot naming lahat. 

"Okay then, we'll start the class," at ayun nga nagsimula na ang klase. Habang nagsasalita si Ma'am sa harapan, hindi naman ako makapag-concentrate. Kaw ba naman titigan ng lalakeng katabi mo magdamag. Nakakalunok kaya 'yun. Pinipilit kong mag-concentrte eh wala talaga. Haaaayst! Pwede ba! Seph! Wag ka namang tumitig sa'kin ng ganyan, nakaka-concious eh!

'RIIIIIING!'

OH, that's the bell. Dali-dali akong tumayo at tumakbong palabas kahit hindi pa nag-didismis si Ma'am. WAAAAAH! Kailangan ko talaga ng hangin! Nakaka-suffocate na pagtignan ka ng ganoon the whole class! GOSH! Napatakbo tuloy ako dito sa C.R para lang huminga! 

"Oy, si Kim oh!" narinig kong nasabi ng isang babaeng medyo may pagkatomboy ang hitsura. Mahaba naman ang buhok niya kaso parang lalakeng tumindig siya at maganda siya. Maganda talaga.

"Ay! Oo, yung gf daw ni Seph!" sabi naman ng babaeng kasama niyang cute. Babaeng-babae talaga ito. Cute ang boses niya kasi parang anghel kung magsalita. 

"Anong gf ni Seph? Hindi ah," sabi ko naman sa kanila. Baka kasi namisinterpret nila yung holding hands daw namin ni Seph kanina. 

"Ay ganoon? Yun naman ang sabi niya kanina doon sa klasrum. Gf ka daw niya kaya kayo magka-holding hands at magka-sabay kaninag pumasok sa klasrum eh," paliwanag ni Cute ang voice. Waah! Hindi pa nga nanliligaw, gf na agad? Instant ah!

"Ako nga pala si Kate," pakilala ni Tomboy na maganda sa sarili niya, "Siya naman si Tin. Klasmates tayo kaya kaibigan na tayo! Bagay kayo ni Seph, promise!"

"Oo nga eh! Deny ka pa!" si Tin 'yan habang papasok sila sa cubicle. Kailan pa ako nagkaroon ng instant Bf? Ano bang kalokohan pinaggagawa ng transfer student na 'yun?! Haaaayst! Bahala nga siya! Basta ako, deny lang-deny!

[FLASHBACK ENDS]

"Hoooy! Ang lalim ng iniisip natin ah," biglang suway sa akin ni Kate habang tinuturo ang cake na kakainin ko sana pero dahil sa kaiisip, di ko na nakain. 

"Kanina ka pa, Kim. Anong problema?" si Tin naman 'yan na katatapos lang sa kakakin ng chiffon cake niya, "Lovelife ba 'yan?" Ngeee! Wag mo naman ipaalala, Tin!

"Weh? May bf na pala si Kim. Sino siya?" natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni Seph na 'yan. Walang umimik sa amin, kahit ako. Nagtitinginan sina Kate, Tin at Lianne sa akin na yung nagtatanong na tingin. 'UMAMIN-KA-BA?' Look meron silang tatlo sa akin. Tumango namaN ako sa kanila tapos binigyan ulit ako ng 'BAKIT-DI-NIYA-ALAM?' look. 

"Wow. So sa tinginan na pala ang conversation natin ngayon?" biglang sabad ni Seph kaya di na ako nakapagsagot kina Kate. Napatayo bigla ako. Hindi ko pa kasi kayang kasama si Seph dahil naaalala ko lang ang pagtawa niya sa aking pag-aamin. 

"Mauna na ako," malamig kong ani sa kanila at dali-daling umalis. That ends the day.

************************************

THANK YOU FOR READING THIS FIRST CHAPTER! :D

PLEASE LEAVE A COMMENT AND VOTE FOR IT! 

I'LL POST THE NEXT CHAPTER IF YOU, GUYS, WILL LEAVE A COMMENT AND I RECEIVE A 5 VOTES :D THANK YOU VERY MUCH. ^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: