Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21 - (Sweet Moments)

IT'S BEEN a month since he proposed to me, pero napapangiti pa rin talaga ako tuwing naiisip ko ang mga pangyayari nung gabing 'yon. Lakas loob niya akong pinakilala sa buong mundo kaya naman masasabi kong ako na ang pinaka masayang babae sa mundo. Nabalitaan nga rin pala ni Kevin ang tungkol sa engagement namin at tuwang tuwa siya para sa aming dalawa ni Lancer.

Kasalukuyan akong nakaupo habang nanonood ng movie. Pagkatapos nga pala ng birthday ni Lancer ay kumuha na siya ng maids namin dito sa mansion niya dahil ayaw niya raw na mahirapan ako. Sobrang ganda ng singsing na ibinigay niya sa akin. Minsan nga ay umaabot na sa punto na ayaw ko na itong suotin kapag naalis ako dahil baka manakaw lang. Saka muntik na akong himatayin noon nung nalaman ko 'yong presyo ng singsing na ito.

"Still admiring it?" tanong ni Lancer bago niya hinalikan ang kamay ko.

"Siyempre naman. Sobrang ganda kase." nakangiting aniya bago ko hinawakan ang pisnge niya at hinalikan ito.

"Maraming Salamat Lancer." pagpapasalamat ko sa kaniya.

"Para saan mahal?" nagtatakang tanong niya.

"Para sa pagmamahal mo at dito sa napakagandang singsing." saad ko dahilan para mapangiti siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ako sa gwapong lalaking 'to. Parang noon lang ay inis na inis pa ako sa kaniya dahil sa sobrang sungit niya, pero ngayon ay magiging asawa ko na siya.

"Always welcome mahal." nakangiting saad niya bago niya ako mahigpit na niyakap at hinalikan sa noo.

"Handa akong iparamdam sa'yo na espesyal ka araw araw. Mahal na mahal kita." aniya dahilan para kiligin naman ako. Grabe naman itong fiance ko. Grabe na magpakilig.

"Mahal rin kita Lancer." pabalik na saad ko naman. Nabigla ako ng halikan niya ako sa labi bago niya ibinalik ang tingin sa pinapanood namin.

_

MALAPIT na mag ala una ng madaling pero wala pa rin si Lancer. Kinailangan niyang mag over time ngayon dahil sa dami ng meetings niya. Naiintindihan ko naman ito pero nanatili talaga akong gising dahil gusto ko siyang salubungin pag uwi niya dito sa mansion.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang hinihimas ko si Lavery. Nanganak na nga pala ang pusang ito at ang gaganda ng kuting niya. Gusto ipamigay ni Lancer ang mga kuting na ito pero hindi ako pumayag dahil kawawa naman sila kapag nawalay sila sa Mama cat nila. Saka sigurado akong malulungkot si Lavery kapag nawala ang mga anak niya.

Habang nakaupo ako dito ay bigla kong narinig na may busina. Kaagad ko namang inilapag sa sofa si Lavery para buksan ang pinto at salubungin si Lancer.

Nang buksan ko ang pinto ay nabigla na lang ako ng yakapin niya kaagad ako. He look very tired kaya naman niyakap ko rin siya pabalik.

"B-Bakit Lancer? May problema ba?" tanong ko pero umiling lang siya habang nakayakap pa rin sa akin. We stayed in that position for almost 5 minutes bago siya bumitaw sa may yakapan namin at hinalikan niya ako sa labi.

"I'm so tired baby." aniya bago siya muling yumakap sa akin.

"Kinain mo ba 'yong dinala kong pagkain mo kaninang lunch?" tanong ko bago isinarado 'yong pinto habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Yes baby. Naiwan ko sa office 'yong baunan pero naubos ko 'yon. Iba nga 'yong tingin ni Zach doon sa pagkain ko kanina, balak pa ata akong agawan." nakangusong saad niya. Ay talaga naman itong lalaking 'to, hindi namimigay.

"May food pa ba tayo ngayon dyan? I'm so hungry baby. Hindi ako nagkaroon ng oras para kumain ng dinner dahil dire-diretso ang meeting ko from 12:30 PM to 11:30 PM." aniya dahilan para mag alala ako. Lagpas sampung oras na kase siyang hindi kumakain, baka magkaroon siya ng ulcer kapag hindi pa siya nakakain ngayon. Kaya kaagad ko siyang hinila papasok ng kusina at pinaupo sa may upuan.

"Wait ka lang po ng ilang minuto mahal. Iiinit ko lang 'yong ulam dito sa oven para makakain ka na." saad ko at nginitian niya naman ako. Ipinaghanda ko na siya ng kanin habang nasa oven pa 'yong ulam. Ikinuha ko na rin siya ng juice at tubig bago ko binalikan 'yong ulam at isinalin sa bagong silyaw.

"Adobo at caldereta 'yan mahal. Ako nagluto niyan, sana magustuhan mo." nakangiting saad ko at kaagad niya namang tinikman 'yon.

"Wow, ang sarap mo talaga magluto mahal." puri niya sa akin dahilan para maging masaya ako. Mabuti naman at nagustuhan niya ito. Pinatikim ko rin ito sa mga maids kanina at nasarapan rin sila sa luto ko. Habang kumakain siya ay biglang ngumiyaw si Lavery.

"Meow"

"Bakit Lavery? Gusto mo rin bang kumain?" tanong ko bago kumuha ng cat food doon sa isang cabinet at nilagyan ito sa pakainan niya.

"Mahal?" pagtawag ni Lancer sa akin.

"Bakit mahal?" tanong ko naman bago umupo sa may tapat niya.

"Today is February 5 right?" tanong niya at tumango naman ako bilang pagresponde.

"Tapos malapit ng mag February 14 which is Valentine's Day. Okay lang ba kung pumunta tayo sa Maldives sa araw na 'yon? Doon tayo mag da-date at mag s-stay ng 3 days." Maldives? Hindi pa ako nakakapunta doon pero marami ang nagsasabi na maganda raw doon. Maraming pwedeng pag pictur-an at ang ganda rin daw ng view doon.

"Oo naman mahal, basta ikaw ang kasama ko. Pero tanong lang, mahal ba do'n?" tanong ko sa kaniya. Siyempre date namin 'yon kaya gusto ko hati ang bayad. Ayaw ko naman na siya lang ang gagastos dahil ang unfair no'n. Saka ang dami na niyang ibinigay sa akin na ang mamahal. Mayroon pa naman akong pera na natitira dito.

"Hindi naman masyado mahal. Alam ko 'yang iniisip mo Kathlea, hindi mo na kailangan pang makipaghati sa gagastusin. Sumama ka lang sa akin ay masaya na ako." aniya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong hindi siya magpapatalo.

"Mahal? Kung halimbawang magkakaroon tayo ng anak, ilan ang gusto mo?" biglaang tanong niya dahilan para masamid ako sa sariling laway ko.

"Kahit ilan mahal basta marami. Gusto ko marami kase mas lalong magiging masaya ang mga anak natin kapag marami silang magkakapatid." nakangiting saad ko. Noon talaga ay gusto ko maraming kapatid. Sadly kami lang ni Kevin ang magkapatid dahil hindi na nakapag anak ang mga magulang namin noon. Pero masaya naman ako kahit na dalawa lang kami ni Kevin. Sana makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kaniya ng sobra sobra.

"Ibig sabihin ba niyan mahal, pwede kitang anakan ng isang dosena?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. S-Seryoso ba siya? Grabe naman 'yong isang dosena mahal. Baka taon taon na akong buntis niyan.

"Isang dosena talaga mahal? Baka hindi natin kayanin 'yan." natatawang saad ko pero mukang seryoso siya.

"Kaya natin 'yan mahal." pag e-encourage niya sa akin. Grabe talaga itong lalaking 'to. Ang lakas ng tama niya.

"Magastos mahal kapag maraming anak." saad ko. Sabi ko lang naman gusto ko maraming anak tapos ginawa na niyang isang dosena.

"Hindi problema ang pera sa magiging asawa mo Kathlea. Marami akong pera at hindi ako mauubusan no'n kahit gaano pa kadami ang gastusin natin." saad niya. Oo nga pala, bakit ko nga ba nakalimutan na mayaman nga pala ang lalaking mapapangasawa ko.

"Basta bahala na kung ilan ang magiging anak natin. Sa ngayon ay isipin muna natin ang kasal natin. Sa simbahan ko gustong ikasal.” saad ko dahilan para mapangiti siya.

“Sa simbahan talaga tayo ikakasal mahal. Saka gusto ko sobrang ganda ng kasal natin. Deserve mong maranasan ang ganiyang kasal.” aniya bago niya ako hinalikan.

“Mahal na mahal kita Kathlea.” nakangiting saad niya dahilan naman para kiligin ako.

“Mahal na mahal rin kita Lancer.” saad ko bago niya ako niyakap.

_

KASALUKUYANG nakaupo si Lancer sa may sofa habang ako naman ay nakatayo dahil sinusukatan na ako nung mga designer para sa wedding gown ko. Tatlo silang nag susukat sa akin habang 'yong isa naman ay pakita ng pakita ng mga alahas na maari kong suotin. Ang gaganda naman nung mga alahas pero nalulula talaga ako doon sa presyo.

“Nakapili ka na ba ng gagamitin mong mga jewelries mahal?” tanong niya bago siya tumayo at lumapit sa akin.

“Hindi pa mahal.” sagot ko. Ang hirap dahil ang gaganda ng mga design nung alahas.

“Wala ka bang nagustuhan dyan mahal? Gusto mo ba magpa- customize tayo ng design ng mga alahas? 'Yong siguradong mas magugustuhan mo.” aniya pero hindi ako pumayag. Customize? Ibig sabihin gagawin pa lang. Kung eto ngang gawa na ay nakakahilo na ang presyo, 'yon pa kayang customize.

“Hindi na kailangan magpa-customize mahal. Parang gusto ko itong medyo simple lang.” aniya bago ko ipinakita sa kaniya 'yong picture ng isang napaka simple ngunit napaka eleganteng kwintas na may ka ternong hikaw.

“Are you sure mahal? 'Yan na 'yong gusto mo? Wala ka na bang gustong iba?” tanong niya bago nag labas ng cheke.

“Ikaw lang ang gusto ko Lancer.” nakangising saad ko dahilan para mapatigil siya at mapangiti. Natawa naman ako dahil namumula ang muka niya nang sabihin ko 'yon.

“Pinakikilig mo naman ako ng sobra mahal. Here's the payment.” aniya bago inabot doon sa isang babae.

“Wow Sir, 1.5 Million. Full payment kaagad.” masayang saad nung babae.

“Excuse me Sir. Natapos na namin i-sketch 'yong gown. Okay lang po ba kung tingnan niyo, para malaman po namin kung may babaguhin.” saad nung wedding gown designer ko. Nang makita ko ang sketch niya ay natuwa ako dahil kahawig na kahawig 'yon ng wedding gown ko.

“This will be beautiful. Nagustuhan ko 'yong sketch.” nakangiting saad ko habang pinagmamasdan ko 'yong sketch..

“Glad you like it po Ma'am Kathlea. Final na po ba na 'yan ang gagawin namin?” muling tanong niya.

“Yes final na.” Nang dahil sa mga wedding preparation ay mas lalo akong na-e-excite na ikasal sa kaniya.

“I'm glad that you're happy with our wedding preparations mahal. I'm so excited to finally be your husband. Excited na rin ako dahil gusto na kitang tawaging ‘wife’ at gusto ko rin na magkaroon na tayo ng pamilya.” Kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya.

“Sobrang saya ko mahal. Ibig sabihin, kapag kasal na tayo pwede na kitang tawaging hubby 'no?” tanong ko dahilan para matawa siya.

“Oo naman mahal. Ikaw ang unang babae na inisip kong ikakasal sa akin. Gusto ko rin na hanggang dulo ay ikaw na ang para sa akin. Well, sa akin ka na talaga dahil hindi na kita hahayaang makuha ng iba.” nakangusong saad niya bago niya ako hinalikan sa labi. Kaagad ko naman siyang hinalikan pabalik pero naudlot ito nang may biglang pumalakpak.

Doon namin napagtanto na nandito pa nga pala 'yong mga designer at nakita nila kaming maghalikan ni Lancer.

“Grabe po Ma'am and Sir. Nakakakilig po kayong dalawa. Wish you all the best po and be happy forever.” kinikilig na saad nung babae dahilan para mapatawa kami ni Lancer.

“Thank you.” pagpapasalamat ko sa kaniya.

“Tapos na po kami Mr and soon to be Mrs Luxerouz. Mauuna na po kami.” pag papaalam nila bago sila umalis. Naiwan na kaming dalawa ni Lancer dito.

“Sana maging successful at masaya ang kasal natin Mahal. Imagine kapag ikinasal na tayo magiging Mrs Luxerouz na ako. Hindi ko pa rin talaga mapigilang kiligin.” saad ko dahilan para matawa si Lancer.

“Oo tapos tatawagin kitang Misis ko.” malambing na aniya pero bigla akong napatigil at napaisip. May pagka overthink-er rin kase ako kaya kahit wala namang kasiguraduhan ay naiisip kong mangyayari ito. Kaagad akong tumayo at nagtungo sa may bintana malapit sa sofa.

“May problema ba mahal?” tanong ni Lancer bago siya sumunod sa akin at niyakap niya ako mula sa may likuran.

“May iniisip lang ako mahal.” saad ko bago ako tumingin sa may labas.

“Ano bang iniisip mo?” tanong niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap.

“Paano kung bigla tayong magkaroon ng problema? 'Yong problema na halos araw araw na tayong nag aaway. Mamahalin mo pa rin ba ako? Iiwan mo ba ako kapag nag sawa ka na sa ugali ko?” malungkot na saad ko sa kaniya.

“Kahit ano pang problema 'yan ay malalampasan natin 'yan basta mahal natin ang isa't isa. Hinding hindi kita iiwan dahil ikaw lang ang babaeng mahal ko.” malambing na aniya bago niya ako hinalikan.

“Tama na kaka-overthink mahal. Kumain na lang tayo at magpahinga.” aniya bago siya tumayo at tinawagan niya 'yong mga staff para dalhan kami ng pagkain dito sa kwarto namin.

_

“ANO SA TINGIN MO ANG MAGANDA?” tanong ko habang ipinapakita ko sa kaniya ang mga dress na dala ko. Regalo ito sa akin ni Ate Leanna at balak kong ito ang suotin ko dahil mag gagala kami ni Lancer dito sa Maldives.

“Bagay sa'yo lahat mahal, hindi ako makapili.” aniya dahilan para mamula ako. Ang bolero talaga ng lalaking 'to.

“Mahal nung papunta pa lang tayo dito may nakita akong mukang masarap na bilihan ng mga desserts. Pwede ba tayong pumunta doon mamaya?” tanong ko bago isinuot 'yong kulay purple na dress.

“Sure, whatever my future wife wants. But I want you to be my dessert later after our dinner.” nakangising aniya dahilan para mas lalo akong mamula. Nako naman! Minamanyak nanaman ako ng lalaking ito.

“Oo na lang basta dapat makakalakad pa ako bukas dahil gusto ko pa maglibot libot dito.” saad ko na nagpatawa sa kaniya. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na kiligin tuwing nakikita ko siyang nakangiti. Ang gwapo niya talaga, walang halong biro.

“Mahal baka tumulo ang laway mo, ako lang 'to.” aniya dahilan para mabalik ako sa wisyo. Puro nanaman siya kabukayuan. Pero kahit gano'n si Lancer ay mahal na mahal ko pa rin siya.

Nang matapos na kaming magbihis ay kaagad na kaming lumabas ng hotel room namin. Magkahawak kamay kaming lumabas at sumakay sa kotse na maghahatid sa amin sa mga pwedeng pasyalan dito. Ang bait ng tour guide namin at dinala niya kami sa mga magagandang lugar. Ang una naming pinuntahan ay mga food park at kumain kami doon. Dito ako nag request kumain dahil masyadong pricey ang mga pagkain sa mamahaling restaurant. Sabi ni Lancer hindi naman daw problema ang pera pero pinilit ko siyang sa food park na lang kumain.

“Ang saya dito mahal. Ang daming mga food stall at mga bagay na magaganda dito. Bago tayo umuwi ng Pilipinas, bumili tayo ng mga souvenirs para kila Tito at Tita.” masayang saad ko bago ko hinigit si Lancer papunta doon sa mga stall kung saan maraming mga tindang key chain. May mga mug din doon at perfect ito pang souvenir.

“Piliin mo na lang ang mga gusto mo at bibilhin natin.” aniya kaya naman nagsimula na akong pumili ng mga souvenirs para sa mga kaibigan namin patina rin sa pamilya ni Lancer.

_

SOMEONE'S POV:


“CONFIRM Ms Silvenia, nasa Maldives po si Sir Lancer kasama ang bago niyang girlfriend or should I say, fiance.” saad ng kaibigan ko dahilan para mainis ako. Bwisit! Umalis lang ako may umepal na naman.

“Bakit nakabusangot ka anteh? Baka nakakalimutan mo na ikaw ang nag cheat sa kaniya? Na pinagpalit mo siya sa pinsan niya dahil naging busy siya sa trabaho. Grabe gurl, hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa mo 'yan.” natatawang saad ni Stella dahilan para mainis ako. Wala na nga siyang silbi dada pa siya ng dada.

“Shut up Stella. It's not my fault that he's always busy. Gusto ko lang naman ng attention.” saad ko bago ko siya inirapan.

“Na hindi mo masyadong nakuha sa kaniya kaya nilandi mo 'yong pinsan niya? Gosh beh, may pagka attention seeker ka rin pala.” pagbibiro niya dahilan para magalit ako.

“Itatahimik mo 'yang bunganga mo o sasakalin kita?” inis na tanong ko bago ko siya inirapan. Natahimik naman siya at hindi na umimik.

“Sino ba 'yang babaeng 'yan? Paepal naman masyado para umeksena.” saad ko bago umupo sa may sofa. Akala ko pa naman ako pa rin ang mahal niya pagkabalik ko. Balak ko pa naman makipag balikan sa kaniya.

“She's Kathlea Azariah Rosales. Dati siyang vendor sa palengke bago siya naging personal maid Lancer. Tapos ayon na inlove sila sa isa't isa.” pagku-kwento ni Stella. What? Parang imposible naman 'yon.

“Nagtitinda sa palengke? Parang imposible naman na mainlove si Lancer sa ganiyang klase ng babae. Feeling ko ginayuma niya si Lancer. There's no way he will fall inlove with that kind of girl.” hindi makapaniwalang saad ko. Hindi naman kase talaga kapani-paniwala.

“So anong plano? Mahal mo pa si Lancer di'ba?  Ano nang gagawin mo?” tanong naman ni Stella dahilan para mapaisip ako. Ano nga ba ang gagawin ko? Obviously hindi ko hahayaang sila ang maging endgame. Hangga't nabubuhay ako, hindi sila magiging masaya.

“Madali lang naman 'yan Stella. Let's just say, sisirain ko ang relasyon nilang dalawa. Alam mo naman siguro na dyan ako magaling di'ba?” nakangising saad ko. Breaking relationship is one of my talents. I will never let anyone take him away from me. He's mine and only mine.

“Iba na talaga ang pagkabaliw mo kay Lancer anteh. Pero ang tanga mo naman kase, bakit mo pa pinakawalan eh jackpot ka na nga doon. Gwapo na mayaman pa tapos future president pa siya. Kapag nagtagumpay ka sa plano mo girl baka maging first lady ka soon.” aniya kaya naman napangisi ako. Talagang kailangan kong magtagumpay. Wala akong pakielam sa bago niya. Akin lang si Lancer at handa akong makipag patayan para sa kaniya.

“Ang magiging problema mo lang ay ang pamilya niya. Sa ginawa mo noon kay Lancer, sigurado akong galit na galit sila sa'yo. Balita ko muntik na daw magpakamatay noon si Lancer nang piliin mo ang pinsan niya.” dagdag pa niya kaya naman napaisip ako.

“Madali na 'yan. Kapag naman nakuha ko na ulit ang loob ni Lancer wala na silang magagawa eh. Ako ang first love ni Lancer at sigurado akong mahal niya pa rin ako. First love never dies kaya sigurado akong p*tay na p*tay pa rin siya sa akin ngayon.” I said confidently before opening my phone.

“Confident na confident ah? Eh paano kung mahal niya na 'yong bago niya? Paano kung ipagtabuyan ka na niya? Kawawa ka naman.” saad niya dahilan para uminit ang ulo. Ang dami namang satsat ng babaeng 'to. Hindi baga manahimik na lang.

“Itikom mo 'yang bibig mo babae. Daldal ka ng daldal.” inis na saad ko. Antayin niya na lang ang gagawin ko at sigurado akong magtatagumpay ako. Soon you'll be mine again Lancer.

To Be Continue ❅•

Queen_Yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro