Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20 - (He Propose)

“Lancer?” pag tawag ko sa pangalan niya habang nakahiga kami ngayon dito sa sofa. Kasalukuyan siyang nakayakap sa akin ngayon.

“Hmm?” aniya habang hinihimas ko ang buhok niya. Hindi na kami natulog dahil ilang oras na lang naman ay kailangan na naming mag handa. Kaya nakahiga na lang kami ngayon dito para mag pahinga.

“H—Hindi mo ba talaga sinadya na kalimutan ang kaarawan ko?” hindi ko alam pero hindi mawala sa isip ko ang pangyayaring iyon. Natatakot ako na baka malaman ko na ang dahilan kaya niya nakalimutan ang birthday ko ay dahil sa may kasama siyang ibang babae.

“Of course not. Why would I forgot your birthday on purpose? Sobrang tambak na tambak ako ng gawain nung araw na iyon kaya nakalimutan ko yon. Kung alam mo lang paiyak na ako nung araw na iyon dahil gusto ko nang bumalik sa mansion natin para mayakap ka.” aniya bago niya ako niyakap ng mahigpit dahilan para mapangiti ako. Hindi niya nga siguro sinadya iyon.

“Another question. Kung hindi ba ako dumating ngayon dito hindi ka talaga lalabas sa kwarto mo?” tanong ko.

“Hindi talaga. Hindi ko talaga kayang mag celebrate nang wala ka. I was devastated nang makipag hiwalay ka sa akin. I felt like my world is going to shattered. The thought of loosing you is making my mind go crazy.” he said sincerely before kissing my cheeks.

“I love you so much Kathlea. Ikaw ang unang babae na minahal ko ng ganito. Hindi ako nabaliw kay Avery ng ganito, sayo lang.” aniya dahilan para matawa ako.

“Don't laugh. I'm serious Kathlea, you made me go crazy about you. Diba nag 22 years old ka na kahapon?” biglaang tanong niya.

“Oo Lancer, bakit mo naitanong?” tanong ko sa kaniya.

“Mag pakasal na tayo sa May. Alam kong limang buwan na lang bago mag May pero gusto na talaga kitang pakasalan. I love you too much na hindi ko na hahayaang makuha ka ng iba sa akin. Sigurado na ako na ikaw ang gusto kong pakasalan at makasama habang buhay.” saad niya dahilan para mapatahimik ako. S—Seryoso? Gusto na niya akong pakasalan? Hindi ba parang masyadong mabilis naman ata iyon?

“S—Sigurado ka ba Lancer?” nauutal na tanong ko sa kaniya bago niya ako nginitian at tumango ito.

“Diba nung tinanong tayo ni Tita Emily sabi mo ayaw mo pang mag pakasal. Bakit parang nag bago ang isip mo?” dagdag ko pa.

“Seryoso ako Kathlea. Pero kung ayaw mo pa, naiintindihan ko naman. Hindi kita pipilitin at handa akong hintayin ang magiging desisyon mo.” nakangiting saad niya bago niya ibinaon ang ulo niya sa aking dibdib. Hindi ko makalimutan ang sinabi niya. Ganon niya ba talaga ako kamahal para pakasalan agad? Dapat bang pumayag na ako? Mahal ko siya pero gusto ko pang i-enjoy ang pag sasama namin bilang magkasintahan.

Ilang minuto pa ang nakalipas habang pinag iisipan ko ang tungkol sa sinabi niya. Oo gusto ko siyang pakasalan dahil siya ang lalaking minamahal ko. Pero baka soon pa dahil marami pa siyang dapat gawin bilang tagapagmana ng pamilya nila. Napaka laki ng responsibilidad niya ngayon lalo na't malapit na siyang maging head ng buong Luxerouz Family.

Napatigil ako sa pag iisip nang marinig kong humihilik na siya. Mukang nakatulog na din siya ngayon sa wakas. Sigurado akong puyat na puyat siya dahil wala daw itong tulog sabi ni Tita Emily. Mag tatanghali pa lang naman ngayon at mamayang 6 ng gabi pa kami mag aayos kaya hinayaan ko na lang siya munang mag pahinga.

Hindi ako makapaniwalang mamahalin ako ng lalaking ito. Napapangiti na lang ako nang maalala ko yung mga nangyari noon sa amin ni Lancer. Palagi pa akong sinusungitan ng lalaking ito noon. Palagi niya rin akong pinag seselos kapag nagdadala siya ng babae noon dito. Pero heto siya ngayon, mahimbing na natutulog habang nakayakap sa akin at gusto niya pa akong pakasalan dahil baka maagaw pa daw ako ng iba.

Kayang kaya nga talaga mag bago ng tao para sa minamahal niya. Simula nung minahal ko si Lancer, marami akong natutunan na aral. Marami ding mga pangyayari na hindi ko malilimutan lalo na't siya ang kasama ko sa mga pangyayaring iyon.

Alam ko naman na mararamdaman niya kapag umalis ako dito sa tabi niya kaya napagpasyahan kong matulog na lang din para makapag pahinga din ako. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata bago ako tuluyang nilamon ng dilim.

_

Namumulang nag lakad papalapit sa akin si Lancer habang suot suot na niya ngayon yung damit na susuotin niya. Ang gwapo niya talaga. Halos lahat ng kulay ng coat ay bumabagay sa kaniya.

“Okay lang ba?” tanong niya habang inaayos na nung hair stylist yung buhok ko. Tapos na akong make up-an at kasalukuyan na lang inaayos ang buhok ko bago ako mag bihis.

“Ang gwapo mo naman Mahal. Bagay na bagay sayo ang suot mo ngayon.” nakangiting saad ko sa kaniya. Well kahit anong kulay naman ng damit ay bagay talaga sa kaniya. Masyado atang perpekto itong lalaking ito dahil lahat talaga ay bagay sa kaniya.

Mag aalas nwebe na ng gabi ngayon at kinakabahan na din ako. Maraming mga importanteng mga tao ang siguradong nandoon. Natatakot ako dahil baka husgahan nila ako dahil pangkaraniwang tao lang ako at mayaman si Lancer. Baka hindi rin ako matanggap ng iba niyang kamag anak. Ano nang gagawin ko?

“Is there something wrong Mahal?” tanong niya habang nakatingin siya sa akin ngayon. Napansin niya siguro na bigla akong natahimik. Masisisi niyo ba ako? Sa totoo lang ang mundo namin ni Lancer ay magkaibang magkaiba. Natatakot ako na baka sabihin nila na hindi ako karapatdapat para kay Lancer dahil mahirap lang ako.

“W—Wala po Mahal.” pag sisinungaling ko bago ko pinilit ngumiti sa kaniya.

“You're lying Mahal. Ano bang iniisip mo? Pwedeng mong sabihin sa akin yan. May problema ka ba?” tanong niya dahilan para mapatingin ako sa ibaba ko.

“Lancer, papaano kung hindi ako magustuhan ng iba mong mga kamag anak? Baka isipin nila na masyado kang perpekto para sa isang katulad ko?” hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasabi ko na kay Lancer lahat ng nasa isip ko.

“Bakit mo naman iniisip yan Mahal? Wala akong pakielam kung ano pang sabihin nila. Basta ang alam ko ay mahal kita at ikaw ang papakasalan ko. Saka wala naman silang magagawa doon, unless gusto nila akong kalabanin na future head ng pamilya namin.” aniya bago niya ako hinalikan sa noo.

“Huwag ka nang mag overthink Mahal. Kapag inaway ka nila, ako ang makakalaban nila.” saad niya dahilan para mapangiti ako. I really love it when he made me smile. It makes me feel like I was the lucky girl in the world.

Nawala ang pag aalala at doubt sa utak ko noon at nag focus na lang ako sa pag aayos. Nang matapos nang ayusin ang buhok ko ay tinulungan na nila akong isuot yung gown na susuotin ko. Hindi naman ito mahirap suotin dahil tamang tama yung sukat ng gown.

“Ang ganda mo talaga Kathlea. Hindi ka nakakasawang tingnan. Para bang kahit abutin tayo ng isang buong araw dito ay masaya pa rin akong tititigan ka.” aniya dahilan para mapangiti ako. The way he said that, it makes me feel special.

“Ano ka ba pinakikilig mo naman ako.” namumulang saad ko dahilan para matawa ang mga taong nag susuot sa akin ng gown.

“Ang sweet niyo naman po sa girlfriend niyo Sir Lancer.” saad ni Dennise habang inaayos niya yung zipper sa likod.

“Hindi ko lang siya girlfriend Dennise, magiging future wife ko yan soon.” aniya bago niya ako kinindatan dahilan para mag sigawan yung mga kasama namin dito dahil sa kilig. Ang dami mo namang alam Lancer!

“Sabagay Sir , perfect wife material na si Ma'am Kathlea. Bukod doon ay sobrang ganda at bait niya pa, hindi ka na makakahanap ng ibang ganon Sir.” biglaang saad ni Dennise at agad namang sumang ayon yung iba. Kayo ha! Ang bolera niyo!

“Kayo ha! Binobola niyo lang ako eh.” saad ko.

“Hindi po Ma'am. Totoo po yung sinasabi namin, diba guys?” tanong niya sa mga kasama niya at agad naman silang tumango.

“You're right Dennise. Wala nang ibang katulad si Kathlea. She's one of a kind kaya hindi ko na siya papakawalan pa.” nakangising aniya ni Lancer dahilan para kiligin ako. Maya maya lang ay natapos na nila akong bihisan at agad akong pumunta sa harapan ng salamin para pag masdan ang sarili. Ang ganda nung gown. Kagaya nga ng sabi ni Ma'am Leanna ay bagay sa akin itong damit na ito.

“Mahal ngiti ka, kukuhanan kita ng picture.” saad niya bago inilabas ang cellphone. Agad naman akong sumunod at ngumiti ako. Kinukuhanan pa ako ng litrato ni Lancer nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Sir Karl at Zach.

“Time check, mag aalas siyete na Lancer. Kailangan niyo nang umalis at pumunta doon. Isang oras din ang biyahe papunta doon kaya kailangan maaga kayo umalis.” pag papaliwanag niya at agad namang hinawakan ni Lancer ang kamay ko para gabayan ako sa pag lalakad.

“Bababa tayo ng hagdan kaya tulungan niyo si Kathlea na iangat yung laylayan ng gown.” pag uutos ni Lancer sa kanila at tinulungan nila akong bumaba ng hagdan. Hindi ko alam pero parang feeling ko tuloy ay mag de-debut ako dahil sa laki at ganda ng suot kong gown ngayon. Para bang ako yung may birthday dahil mas engrande pa yung suot ko kaysa sa may birthday.

Nang makalabas kami ay mayroon nang red carpet ang dadaanan namin at mayroon ding limousine sa dulo ng carpet. Doon kami sasakay?

“Let's go na Mahal.” pag aaya ni Lancer bago niya inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya at nag simula na kaming mag lakad hanggang sa makarating kami sa may tapat ng limousine at pinagbuksan nila ako ng pinto. Tinulungan din nila akong makapasok sa loob.

“I love you.” saad ni Lancer nang makapasok siya dito.

“Ang random naman niyan Mahal. Nagugulat na lang ako dahil bigla bigla kang nag sasabi ng I love you.” natatawang saad ko bago niya hinalikan ang kamay ko.

“I just can't help saying it to you many times. Ganoon kita kamahal Kathlea.” Bakit ba kailangan mo akong pakiligin ng ganito Lancer? Bakit parang ang green flag mo na sa mata ko ngayon? Parang noon naman ay red flag ka diba?

“I love you too Lancer Ace Luxerouz.” I said before smiling at him.

“Tama yan Mahal. Ako lang ang dapat mong mahalin dahil baka mawala

nanaman ako sa sarili kapag nalaman kong may mahal ka nang iba.” aniya dahilan para matawa ako.

“Oo naman Lancer, ikaw lang talaga.” saad ko bago ako nag bukas ng cellphone. Mahaba bang biyahe ito kaya mag ce-cellphone na lang muna ako.

_

Halos isang oras din ang naging biyahe hanggang sa makarating kami sa Main Mansion ng Luxerouz. Sa labas pa lang ng mansion ay tumpok na tumpok na ang mga tao at halos lahat ng nandoon ay mga reporters at media.

“Number 76, pakidala lahat ng ng bodyguard dito sa labas. Nandito na ang tagapagmana ng Luxerouz kasama ang girlfriend niya. Kailangan nating maging handa dahil baka may mag tangka sa buhay nila.” nagulat ako nang mag salita yung isa sa mga bodyguard na kasama namin.

“Sobrang dami ng tao Mahal. Nahihiya ako.” nahihiyang saad ko dahilan para matawa siya.

“Don't worry Mahal. You have to faced them as the girlfriend of Lancer Ace Luxerouz.” aniya bago niya hinawakan ang kamay ko. Maya maya lang ay nag datingan na yung mga bodyguard at pinalibutan nila yung limousine. Tinulungan nila kaming makalabas sa limousine at pinalibutan nila kami habang nag lalakad dahil maraming mga reporter ang gusto lumapit sa amin.

Maayos naman kaming nakapasok sa loob ng mansion. Nasa hallway pa lang kami ngayon ni Lancer. Naka abang na yung mga taga bukas ng malaking pintuan kaya nag lakad na kami ni Lancer.

“Don't be nervous Kathlea. I'm here with you.” nakangiting aniya bago kami pinagbuksan ng pinto nung mga gwardiya. Napaka raming tao ang bumungad sa amin at agad silang nag palakpakan nang makapasok kami ni Lancer sa loob.

“Let's welcome our birthday boy and his girlfriend.” saad nung mc. Halos lahat ng tao dito ay halatang mayayaman talaga. Sa mga suot lang nila na ay halata na na mga milyonaryo at bilyonaryo sila.

Doon na nag simulang tumugtog ang musika at lahat ng mga tao ay pumunta sa may gilid. Agad akong humarap kay Lancer at hinawakan niya ang bewang ko. Noong hindi pa kami nag aaway ni Lancer ay itinuro niya sa akin ang sayaw na ito dahil kailangan talaga itong sayawin sa mismong kaarawan niya.

Nag simula na kaming sumayaw dalawa at lahat ng tao ay pinapanood kami. Medyo naiilang ako pero nawala ang lahat ng iyon nang ngitian ako ni Lancer. Hindi ko na pinansin ang mga titig ng mga taong nakatingin sa amin at sinayaw ko na lang ang pinag aralan namin ni Lancer. Medyo nag dadahan dahan ako dahil baka madapa ako dahil sa haba ng suot kong gown.

Patuloy ang pag sayaw namin hanggang sa matapos ang tugtog at agad kaming nag bow. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at pumunta kami sa lamesa na sobrang laki na sigurado akong may halos 20 katao ang naka upo. Mayroong dalawang matanda doon at yung iba naman ay hindi katandaan.

“Good Evening.” pag bati ni Lancer sa mga taong nandoon. Nabigla ako nang tumayo silang lahat at binati nila si Lancer pabalik.

“Now that you're already turning 25 later, I think It's time. I Lewis Arian Luxerouz, passing the title to my son Lancer Ace Luxerouz to be the new Head Of Luxerouz Family. I relinquish my position of being the Head Of Luxerouz Clan and named Lancer the new Head Of The Family.” saad ni Tito Lewis bago niya inabot kay Lancer ang isang box. Agad naman itong kinuha ni Lancer at niyakap niya ang ama. Agad namang nag palakpakan ang lahat ng mga taong nandoon.

“Congratulations Lancer.” saad nang mga kamag anak ni Lancer bago sila nakipag kamay kay Lancer.

“As the new Head Of Luxerouz, I want you all to meet my girlfriend or should I say, future wife.” aniya dahilan para mag taka ako. Nabigla ako nang agad siyang lumuhod sa aking harapan at doon na namatay ang ibang ilaw at sa amin nag focus yung spotlight.

“I never thought I'll fall in love again. Hindi ko inaakalang magugustuhan kita at mamahalin. But when you came into my life, you change me. I've been leaving like a jerk in my whole life but when I met you, I started to change myself. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kailangan kong mag bago para maging karapatdapat ako sayo.” nakangiting saad niya bago niya inilabas ang kahon ba ibinigay sa kaniya kanina ni Tito Lewis. Nagulat ako nang buksan niya iyon at ang laman noon ay isang napaka gandang singsing na may diamond at red lines sa gilid nung singsing.

“Mahal na mahal kita Kathlea. Ikaw ang gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. Will you marry me?” tanong niya dahilan para mapatakip ako sa bibig dahil sa sobrang gulat. Lahat sila ay nakatingin sa akin habang hinihintay nila ang sagot ko.

“Yes Lancer. Ikaw ang lalaking gusto ko pakasalan at makasama habang buhay.” naiiyak na saad ko dahilan para mapangiti siya at agad niyang sinuot sa daliri ko ang singsing bago siya tumayo at mahigpit akong niyakap.

“Maraming Salamat Mahal. Mahal na mahal kita.” aniya bago niya ako hinalikan sa labi sa harap ng sobrang daming tao. Nabigla ako dahil ang daming tao at nakakahiya. Pero hindi ko na lang sila pinansin at hinalikan ko pabalik si Lancer.

“Mahal na mahal din kita Lancer.” nakangiting saad ko bago ko siya niyakap.

Doon na nag palakpakan muli ang mga tao at nag lakad na kami papunta sa isang table. Tinulungan akong maka upo ni Lancer at agad lumapit sa amin sila Sir Navier.

“Congratulations bro. Finally ikakasal ka na.” pag bati ni Sir Navier. Kasama niya si Czarina na agad lumapit sa akin.

“Congratulations girl! Deserve mo maging future wife ng tagapagmana.” aniya dahilan para matawa ako.

“Congratulations Bro. Gumawa na din kayo kaagad ni Kathlea ng baby pagkatapos niyong ikasal.” aniya dahilan para matawa kaming lahat. Grabe naman yun Sir Xzavian, baby kaagad?

“Congrats Kathlea. By the way you look so beautiful.” masayang saad ni Hailey bago niya ako niyakap.

“Congratulations Lancer. Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan si Kathlea ha. Kung hindi ititiwarik kita.” saad ni Ma'am Leanna.

“Maraming Salamat pi Ma'am Leanna.” pag papasalamat ko sa kaniya.

“Still calling me Ma'am Leanna. Call me Ate Leanna instead Kathlea. Magiging kapamilya ka na namin soon.” she said excitedly. Pagkatapos naman ni Ate Leanna bumati ay agad lumapit sa amin si Kuya Leon. Nabigla ako nang makita ko si Marjorie sa may likuran niya.

“Congrats Bro. Next time ako na ang mag po-propose diba Babe?” aniya bago siya tumingin kay Marjorie at ngumiti naman ito.

“Wait, nag balikan na kayo?” gulat na saad ko at tumawa lang si Kuya Leon.

“Siyempre naman. Misunderstanding lang naman ang naging away namin eh. Kaya nag come back na kami ngayon. Saka akin lang naman talaga si Marjorie eh. May paepal kaseng babae na inaagaw ako kay Marjorie kaya ayun hiniwalayan niya ako.” nakangusong saad ni Kuya Leon bago siya tumingin kay Marjorie na ngayon ay nakangiti sa kaniya.

“Congrats beh. Magkakaroon ka na ng pamilya at magkakaroon ka na ng asawa. Lancer alagaan mo yang bestfriend ko ha. Mahal na mahal ko yan.” saad ni Marjorie kaya napangiti ako. Napaka sweet talaga ng babaeng ito. Napaka swerte ko at naging kaibigan ko siya.

Patuloy ang pag lapit sa amin ng mga bisita at binabati nila kami. Napaka saya ko ngayon dahil hindi ko inaakalang ikakasal na ako sa lalaking minamahal ko. Kahit ilang beses ko pa sabihin ang salitang mahal kita Lancer, hindi nun matutumbasan kung gaano kita kamahal.

To Be Continue ❅•

Queen_Yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro