Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2 - (First Meet)

"Pag sinungitan ka o sinabihan ng hindi maganda, suntukin mo. Para naman matauhan na yung lalaking yun. He can be a jerk sometimes but hes a good guy. Marami lang siyang problema ngayon." aniya niya kaya tumango naman ako. Medyo inaantok pa kase ako..

"Kung inaantok ka pwede namang matulog ka muna. Gigisingin nalang kita kapag nandoon na tayo." nakangiting pag aalok niya. Mayroon palang taong katulad niya, maganda na mabait pa.

"Pwede po?" maikling tanong ko sa kanya but she just chuckled.

"Oo naman Azariah. Feel free to sleep." she said and smiled at me. Kaagad ko namang pinikit yung mga mata ko at nagsimula nang matulog. Sana makasundo ko yung magiging amo ko.


-------------------------

Nagising ako ng maramdaman kong tinatapik ako ni Ma'am Leanna. Agad naman akong umayos ng pagkakaupo at inayos ang sarili.

"We're here na Azariah." saad niya bago bumaba sa kotse. Agad naman akong sumunod sa kaniya. Habang naglalakad kami sa hallway nung bahay ng kapatid ni Ma'am Leanna may nadaanan kaming Apat na Porsche. Black, maroon, gray at white ang kulay ng mga ito. Bukod sa apat na Porsche mayroon pang tatlong sports car, isang BMW, isang Lamborghini at ang pinakahuli ay Gray na Tesla. Sobrang namangha ako nung pumasok kami sa napakalaking Mansion. Napansin ko ding walang ka tao tao dito. Wala bang ibang maid na kasama yung kapatid ni Ma'am Leanna dito??.

"Sumunod ka sa akin Azariah." aniya niya habang binubuksan yung malaking pintuan. Nang makapasok naman kami dun sa unang kwarto, nakita kong may lalaking natutulog na nakahubad. Sobrang kalat ng buong kwarto niya, hindi siguro marunong maglinis ng kwarto tong lalaking toh. Siya na ba yung magiging amo ko. Kagaya nga nang sabi nila Mrs Aquino parang greek god nga yung katawan niya. Hindi ko naman makita yung muka niya dahil natatakluban ito ng unan.


"LANCER ACE LUXEROUZ GUMISING KANA ANONG ORAS NA !!!!!" malakas na sigaw ni Ma'am Leanna habang tinatanggal yung unan na nakatakip dun sa lalaki. Nang maagaw naman ni Ma'am Leanna yung unan nakapikit parin siya.



Oh My...

Gwapo nga siya...


"Not now ate ang aga aga pa. Kailangan kopang matulog." he said in a cold voice bago agawin yung unan at natulog.

"Shut up Lancer. Its already 8:30 AM." sigaw ni Ma'am Leanna pero patuloy parin siyang natulog.

"Hindi ka talaga babangon jan ha!!!." sigaw ulit ni Ma'am Leanna bago siya pumunta dun sa kama at pinagsusuntok yung kapatid niya. Kung si Kevin toh kanina kopa yan sinapak. Hindi pe-pede sa akin yung tatamad tamad. Haysss buti nalang napalaki ko ng maayos yung kapatid ko.

"Ouch!!!."

"Ate tama na!!!"

"Eto tatayo na ako." aniya niya bago tanggalin yung unan . Agad namang nagtama ang tingin namin sa isa't isa. Totoo nga yung sabi nila, he has a Dark Red Eyes. Masama niya naman akong tiningnan.

"So who is this girl" he asked while putting a shirt.

"She's Kathlea Azariah Rosales. She will be your knew Personal Maid Lancer. Be nice to her or I'll trash your new Tesla Car." Tesla Car???. Yun bang nadaanan namin kanina ni Ma'am Leanna??. So sa kapatid pala ni Ma'am Leanna yun??. Abay malamang Kathlea, siya yung nakatira sa Mansion diba??.


"Don't you dare Ate Lean. And i already told you i don't need a personal maid. I can take care of my self." malamig na saad nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Grabe naman siya makatingin. Sobrang sungit niya at hindi niya nirerespeto si Ma'am Leanna.

"You can take care of yourself????. Tingnan mo nga yang kwarto mo parang kwarto ng 5 years old na bata!!" she said while shouting at him. Kung ako tatanungin sasang ayon ako kay Ma'am Leanna. Daig pa niya ang 5 years old sa sobrang kalat ng kwarto niya.

"What are you looking at???. Go cook us some breakfast maid!!" naiinis na saad niya. Grabe naman makapag utos tong lalaking toh wagas. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob??.

"And after you did that, go clean my room." maawtoridad na utos niya. Naku wag na wag mo akong sasaktan makakatikim ka sa akin ng suntok.

"Azariah lutuin mo ulit yung Kare-Kare ha. Nasa loob nung ref yung mga ingredients na gagamitin mo. Si Lancer naman ay ipagluto monalang ng steak." ani ni Ma'am Leanna kaya tumango nalang ako at nagtungo sa Kitchen. Kung anong bait ng Ate niya siya namang sama ng ugali niya.

Namangha ako nung makita ko yung Ref. Mayroon ditong Apat na Ref, para sa meat, para sa Vegetables para sa sweets at yung huli ay para sa ALAK???. Magiinom siguro yung kapatid ni Ma'am Leanna.

Kumuha na ako ng baka at mga gulay na kakailanganin ko sa Kare-Kare. Habang pinapakuluan ko yung baka ng Kare-Kare nagsasaing naman ako dun sa kabilang kalan. Habang dun sa kabilang kawali naman ay nagpiprito ako ng steak. Sanay na akong magluto ng sabay sabay dahil ganito din naman yung ginagawa ko sa Restaurant ni Ma'am Leanna.

Nang matapos na akong magluto ng umagahan nila agad na akong naghanda ng mga pinggan, baso, kutsara, tinidor at yung mga pagkain nilang dalawa. Naabutan kong parehas silang nasa living room. Agad naman akong lunapit sa kanila.

"Ma'am Leanna, Sir Lancer luto napo yung breakfast niyo" nakangiting saad ko. Agad niya naman akong masamang tiningnan na parang naiistorbo ko siya sa ginagawa niya.

"Tskkk." maikling saad ni Sir Lancer bago ako lampasan at magtungo sa Dining Area. Agad namang sumunod si Ma'am Leanna sa kapatid at nagsimula nang kumain. Inexcuse ko muna yung sarili ko dahil lilinisin kopa yung kwarto nung masungit na kapatid ni Ma'am Leanna. Nang makarating ako sa kwarto niya sobrang kalat talaga. Parang binagyo yung buong kwarto niya ehh. Sinimulan konang pulutin yung mga librong nagkalat, mga damit, mga unan at yung kumot niya.

Nang matanggal kona lahat ng gamit na nakakalat, nagsimula na akong magwalis at mag vacuum ng sahig. Pinunasan ko naman yung mga frame sa ibabaw ng lamesa. Pati narin yung mga libro na nagkalat ay ibinalik kona dun sa book shelf. Sabi ni Sir Lancer na paltan ko daw yung cover ng mga unan niya at nung kama nadin. Habang nagtatanggal ako ng cover nung kama niya nagulat nalang ako ng biglang may nahulog mula sa loob nung bedcover.



C-CONDOM?????????

Bakit may condom sa loob ng bedcover ni Sir????

Hindi lang isa yung condom kundi walong pirasong gamit na...

Juskoooo. Sa susunod naman Sir kapag gagamit ka ng condom itatapon mo sa basurahan.

Hindi na siguro virgin si Sir.....

Abay malamang. May lalaki bang gumamit ng walong condom na virgin pa......

Hay naku Kathlea!!!!


Agad kong inilagay yun sa plastic na pinaglalagyan ko ng basura. Nakakadiri man pero kailangan kong itapon toh. Nag alcohol agad ako nang maitapon ko yung bagay nayun. After nun sinimulan konang ilagay yung bagong bedsheet at mga punda ng unan pati narin yung bagong kumot. Inilagay ko sa lalagyan ng mga labahin yung mga damit na nagkalat kanina at yung mga gamit na bedsheets para malabhan na.

Nang makalabas na ako sa kwarto niya napansin kong mag isa nalang siyang nandoon. Umalis na si Ma'am Leanna???.

"After kumain ni Ate Lean. Umalis na siya agad. Don't stare at me and just do your job." masungit na aniya niya habang nagbabasa ng libro.

"Okay po Sir." maikling sagot ko sa kanya bago pumunta sa laundry room. Inilagay ko na sa loob nung washing machine yung mga damit at bedsheets niya. Nang matapos konang labhan yun ay sinampay kona rin agad. Nang makarating na ako sa living room napansin ko namang bihis na bihis si Sir Lancer. May pupuntahan siya??

"Put your stuff in the maids quarter. Doon kadin matutulog. And also make sure to cook dinner before 7:30 PM." he said coldly before going out of the house.

Pumunta naman ako dun sa Maids Quarter para mailagay na yung gamit ko at para makapag pahinga narin. Hihiga na sana ako ng biglang tumawag si Kevin.

_

_

{*On Call*}

[Ate nakarating kana ba jan sa pagtatrabahuhan mo??"]- Kevin.

"Oo nandito na ako. Ikaw ba nakarating kana ba sa dorm mo??" tanong ko sa kaniya habang inilalagay kona yung mga damit ko sa durabox.

[Kakarating kolang Ate. Sobrang haba ng biyahe namin ngayon bago makarating dito sa dorm.]- Kevin.

"Mabuti naman at nakarating ka jan ng ligtas. Kumain kana ba???"

[Bago ko palang kakainin yung niluto mo kanina. Ikaw ba Ate??]- Kevin.

"Hindi pa ehh. Maya maya siguro, kakatapos kolang kase maglaba eh nagpapahinga pa ako ngayon."

[Ganun ba osige. Magpahinga kana muna Ate mamaya nalang ulit ako tatawag]- Kevin.

"Okay sige magpahinga kana din muna." pamamaalam ko sa kaniya bago patayin yung tawag. Nag alarm naman ako ng mga 6:00 PM para makapag luto ako ng dinner ni Sir Lancer mamaya. Agad akong humiga at nagsimula nang matulog.

To Be Continue ❅•













Queen_Yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro