Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19 - (Comeback?)

“Alam kong narinig mo ang sinabi ko Lancer. Mag hiwalay na tayo.” masakit man pero kailangan na siguro namin itong gawin.  Patuloy lang akong masasaktan kapag nanatili pa ako sa tabi niya. Mahal ko siya pero hindi ko na kaya eh.

“No, please Kathlea listen to me.” pag mamakaawa niya pero hindi ko siya pinakinggan at nilampasan ko siya para mag impake ng mga gamit ko. Nabigla ako ng higitin niya ang kamay ko at mahigpit niya akong niyakap.

“Please Kathlea, don't leave me. I know it's my fault but baby let me explain. Babawi ako sayo promise, please don't leave me.” pagmamakaawa niya sa akin habang ako naman ay nag pupumiglas sa pagkakayakap niya.

“I'm willing to do anything Kathlea. Kahit lumuhod pa ako sa harapan mo gagawin ko, huwag mo lang ako iwan.” hindi ko alam kung maaawa ako sa kaniya o mas lalong maiinis.

“Pakawalan mo na ako Lancer.” pinipilit kong makawala sa pagkakayakap niya pero masyado siyang malakas kaya hindi ako maka wala.

“If you really love me Lancer, let me go.” aniya ko dahilan para mapatigil siya.

“Bakit gusto mo nang umalis Kathlea? Hindi mo na ba ako mahal? Hindi ko naman sinasadyang kalimutan ang birthday mo, please don't leave Kathlea.”nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko.

“Ano ba yang ginagawa mo Lancer? Tumayo ka nga!” inis na sigaw ko sa kaniya.

“No! Hindi ako tatayo hanggang sa mapatawad mo ako.” pag mamatigas niya. Kung aalis ako ngayon, kailangan kong kuhanin yung mga gamit ko pero mahihirapan akong makatakas kung gagawin ko iyon.

“I'm sorry Lancer pero pagod na ako.” malungkot na saad ko bago ko siya tinalikuran at naglakad na ako papalayo.

“Hindi ko na ba talaga mababago ang desisyon mo Kathlea?” lumuluhang tanong niya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

“Hindi na Lancer. Ngayong wala na ako, maari ka nang makipag balikan sa babaeng tunay mong minamahal.” saad ko at akmang maglalakad na ulit ako ng muli siyang mag salita.

“Paano kung malaman mong ikaw ang tunay na minamahal ko?” mahinang saad niya pero narinig ko ito. Kung sana totoo lang yan hindi kita iiwan. Alam ko namang sinasabi mo lang yan para hindi qko masaktan at umalis.

“Hindi mo na kailangan mag sinungaling Lancer.”

“Hindi ako nag sisinungaling Kathlea. Kung hindi ko na mababago ang desisyon mo, pwede bang sabihin mo sa akin na mahal mo pa rin ako, kahit sa huling pagkakataon Kathlea.” kita ko sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya.

“Mahal na mahal kita Lancer.” lumuluhang saad ko baho ako tuluyang naglakad papalabas ng mansion niya. Walang halong pag sisinungaling ang sinabi ko sa kaniya. Mahal na mahal kita Lancer.

_

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung umalis ako sa mansion ni Lancer. Naiwanan ko yung mga gamit ko doon at kasalukuyan akong nakatira sa condo ni Marjorie. Gabi gabi akong umiiyak tuwing naalala ko siya. Tama ba ang naging desisyon ko? Tama bang iniwan ko siya? Paano kung makahanap na agad siya ng ipapalit sa akin?

I miss him so much. Gusto ko na siyang yakapin, halikan, at makasama. Pero mukang imposible na iyon dahil nakipag hiwalay na ako sa kaniya. Napapa isip tuloy ako. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Masaya kaya siya ngayon?

“Malungkot ka nanaman Kathlea. Sabi ko naman kase sayo kausapin mo muna si Lancer pero nakipag hiwalay ka agad. Dapat pinakinggan mo muna yung side niya. Alam kong mahal mo pa rin siya Kathlea, hindi pa huli para makipag usap ka sa kaniya.” biglang saad ni Marjorie nang makapasok siya dito sa kwarto.

“Palagi ka na lang nagmumukmok dito. Ayusin niyo ni Lancer yung relasyon niyo. Malay mo hindi naman siya katulad ni Leon na niloko ako. Malay mo seryoso talaga siya sayo. Give him a chance to explain his side Kathlea.”

“Birthday niya rin ngayon, batiin mo siya. Kung sakali mang hindi mo magustuhan ang sasabihin niya baka yun na ang sign na hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. Sa totoo lang, hindi ko binigyan ng pagkakataon makapag salita si Leon noon kaya ako ang nag sisisi ngayon.” mahinang saad niya. Bakas sa boses niya na nag sisi siya noon.

Nang sabihin ni Marjorie iyon bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob para puntahan si Lancer. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa tapat ng mansion ni Lancer. Kinakabahan ako, itutuloy ko pa rin ba yung balak kong gawin ngayon.

Gulat yung mga gwardiya nang makita nila ako at agad nila akong pinapasok.

“Paano natin siya papalabasin ngayon Honey? Alam mo naman na hinihintay ng lahat ang muli niyang pag papakita. Maraming mga importanteng tao ang pupunta sa kaarawan niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas.” rinig ko na saad ni Tita Emily. Hindi lumalabas? Na curious ako sa pinag uusapan nila kaya hindi muna ako pumasok para makinig sa pinag uusapan nila.

“Lancer! For god sake lumabas ka na dyan sa kwarto mo. Kailangan mo pang mag handa para sa kaarawan mo mamaya. Maraming mga importanteng bisita ang nandoon kaya kailangan mong pumunta. Open the door Lancer!” sigaw ni Tito Lewis habang kinakalampag niya yung pinto ng kwarto namin ni Lancer.

“No! Leave me alone! I don't want to go to that stupid party! And how could i celebrate my birthday if she already left me? Stop bothering me and just leave!” pabalik na sigaw ni Lancer. Napahilot na lang sa sentido si Tito Lewis habang si Ma'am Leanna naman ay inis na inis na.

“We need Kathlea. Siya lang ang nakakapag pasunod kay Lancer.” nabigla ako ng banggitin ni Tita Emily ang pangalan ko. Pero sigurado ba sila na lalabas si Lancer kapag ako ang nag palabas sa kaniya?

“Pero papaano natin papuntahin si Kathlea dito kung ayaw na nga niyang makita si Lancer? Ngayon ko lang ulit nakitang nagka ganito si Lancer dahil lang sa babae.” nag aalalang saad ni Ma'am Leanna. Hindi ko alam kung anong nangyari pero napag pasyahan kong mag pakita na sa kanila.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at pumasok ako. Kita ko ang pagka gulat sa mga muka nila Tita Emily at Tito Lewis nang makita nila ako. Akmang tatawagin na ni Ma'am Leanna ang pangalan ko pero sinenyasan ko siyang huwag mag ingay. Agad akong lumapit sa kanila at kumatok sa pintuan ng kwarto ni Lancer.

“I already told you that I won't leave my room and go to that stupid party! Leave me alone and mind your own lif—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng tawagin ko ang pangalan niya.

“Lancer...” mahinang pag tawag ko sa kaniya pero alam kong narinig niya iyon.

“Open the door Lancer.” muling saad ko. Maya maya lang ay narinig na namin ang pag pihit ng doorknob at bumukas ang pinto ng kwarto niya.

Bumungad sa amin si Lancer na magulo ang buhok at namumugto ang mata. Mukang hindi pa siya natutulog at mag damag siyang umiyak. That's when i felt guilty dahil hindi ko siya pinakinggan nung gusto niya mag paliwanag.

“Kathlea.” lumuluhang saad niya nang mag tama ang mga mata namin. Napatahimik silang lahat habang nakatingin sila sa amin ni Lancer.

Mahigpit niya akong niyakap habang umiiyak pa rin siya. Agad ko siyang niyakap pabalik at pinakalma siya.

“Wow magic! Kahapon pa kami nag papakahirap na palabasin ka tapos isang tawag lang sayo ni Kathlea lumabas ka na agad? Ang galing naman!” biglaang singit ni Kuya Leon habang pumapalakpak. Agad akong bumitaw sa yakapan namin ni Lancer at pinunasan ko ang luha niya. Hindi ko mapigilang mapatingin sa napaka ganda niyang mga mata.

“You have to attend your birthday party Lancer.” aniya ko sa kaniya dahilan para mapahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“You won't leave me right? Kahit pagkatapos ng party na iyon hindi ka na aalis diba?” sunod sunod na tanong niya. Nag dadalawang isip pa ako kung ano ang isasagot ko, hindi ko na ba siya iiwan ulit?

“O—Oo hindi na ako aalis.” aniya ko na nag pangiti sa kaniya bago niya ako niyakap muli. Nabigla ako ng halikan niya ako sa labi. Ipinikit ko na lang ang aking mata habang sinasabayan ko ang pag galaw ng labi niya. Ayaw kong aminin pero na miss ko na ang mga halik niya.

“Eww b*ld! Pustahan tayo Leanna sa chugchugan yan mapupunta.” biglaang sigaw ni Kuya Leon dahilan para mapatigil kami ni Lancer sa ginagawa namin.

“Bakit mo naman inistorbo Leon?! Napicturan mo ba Leanna?” nabigla ako dahil sa tanong ni Tita Emily. Napicturan? Don't tell me pinicturan nila kami habang mag kahalikan kami ni Lancer?

“Lancer bakit parang mukang nabitin ka? Masarap ba yung labi ni Kathlea kaya ayaw mo nang pakawalan?” nang aasar na tanong ni Tito Lewis habang natatawa naman si Tita Emily. Akmang mag sasalita na ako ng may biglang nag bukas ng pinto.

“Good Morning Mr and Mrs Luxerouz. Good Morning Ma'am Leanna, Sir Leon and Sir Lancer. Nandito na po yung gown ni Ms Kathlea Azariah Rosales. Pasensya na po kung ngayon lang namin nadala dahil nahirapan po kami sa pag aayos nung mga design.” aniya nung babaeng nag sukat sa akin nung nakaraan. Kasunod niya ay may dalawang lalaki na buhat buhat ang isang maniquin na may taklob na tela.

Agad kaming pumunta sa kanila upang tingnan na yung susuotin kong gown para sa birthday ni Lancer.

Lahat kami ay nasa harapan na nila. Kalapit ko si Titq Emily at Tito Lewis habang si Lancer naman ay nakayakap sa akin mula sa likuran.

“Kagaya po nung gustong design ni Ma'am Leanna para kay Ms Kathlea, ito na po ang final result. Nilagyan po namin ng kulay itim na diamonds yung sa may waist part para mas mag muka itong elegant.”

“Also may inihanda akong mga alahas na pwedeng bumagay sa susuotin niyang gown. This is a black diamond necklace at ito naman ang bracelet at hikaw na kapartner nung necklace. Sigurado akong babagay iyan kay Ms Kathlea kapag sinuot na niya yan.” aniya nung babae habang ako naman ay nakatitig doon sa necklace. Kulay itim na diamond? Mayroon pala nun? Akala ko kulay puti at asul lang ang mayroon nun.

“That's perfect Honey. Maputi si Kathlea kaya sigurado akong babagay sa kaniya ang mga iyan.” masayang saad ni Tita Emily.

“How much is it?” biglaang tanong ni Lancer.

“As for the gown, it cost 2.5 Million Pesos.” aniya nung babae dahilan para masamid ako sa sarili kong laway at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Seryoso ba sila? Anong 2.5 Million? Bakit parang ang mahal naman ata nung gown na yun? Sa presyo pa lang nung gown ay pwede ka nang makabili ng bahay at lupa.

“Sa mga alahas naman ay 500,000 ang necklace, 210,000 ang bracelet at 290,000 ang singsing. Galing pa po itong America at isa ito sa mga limited edition doon.”pag papaliwanag nung babae. Tang*na! Alahas lang nag kakahalaga na ng isang milyon?

“Total of 3.5 Million Pesos.” muling saad nung babae pero ngumisi lang si Lancer.

“Okay, I'll buy it.” aniya ni Lancer bago niya inabot ang black card doon sa babae. Itinapat niya ito sa parang cellphone at nang tumunog ito ay nailipat na niya sa bangko niya yung 3.5 Million na pera ni Lancer.

“Thank you Sir. Sa uulitin sa amin na lang po ulit kayo mag pagawa.” pag papasalamat nung babae bago sila umalis.

“Seryoso ka ba Lancer? Tatlong milyon para lang sa mga iyan? Isang beses ko lang susuotin yan tapos gumastos ka ng ganun kalaki?” gulat na tanong ko sa kaniya.

“Kung para sayo naman hindi ako mag dadalawang isip na bilhin yan. Saka hindi naman malaking pera yung 3.5 Milion para sa amin.” aniya niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Hindi pala malaking pera iyon para sa kanila. Oo nga pala, bakit ko nga ba kinalimutan iyon? Anak siya ng Presidente at isa sila sa pinaka mayamang pamilya sa buong mundo.

“Mas malaki pa dyan ang ginagastos ni Lancer noon kapag bumibili siya ng kotse Kathlea. Saka kapag gumagawa siya ng gulo nag babayad kami ng 5-10 Million para patahimikin ang mga nakakita at hindi ito kumalat sa social media.” pagpapaliwanag ni Tita Emily dahilan para malula ako. Sampung milyon para patahimikin yung mga naka saksi? Grabe iba na talaga ang mayayaman.

“Mag aalas otso na Lancer, kailangan na naming bumalik sa Villa para maiayos na namin yung venue mamaya. 10 PM pa naman ang simula nun kaya pwede pa kayong mag pahinga. Mamayang alas sais dadating yung make up artist ni Kathlea dito at alas nwebe naman kayo susunduin at ihahatid sa Villa.” aniya ni Tita Emily habang nag titipa sa cellphone.

“That means pwede pa kaming matulog ni Kathlea Mom?” tanong ni Lancer sa ina bago niya ako niyakap.

“Yes son, alam naming wala ka pang tulog dahil mag damag kang nag wawala dyan sa kwarto mo.” aniya ni Tito Lewis dahilan para mapatingin ako kay Lancer. Kita kong namula siya sa hiya bago niya ibinaon ang ulo niya sa may leeg ko.

“Aalis na kami Leanna. Kayo na ang bahala kila Kathlea at Lancer mamaya. Ikaw Leon sasama ka ba sa amin?” tanong ni Tita Emily kay Kuya Leon pero umiling ito.

“May pupuntahan akong special person ngayon Mom. She lives in Macero Condo number 34.” aniya ni Kuya Leon dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Teka! Condo number ni Marjorie yun ah?!

“Anong balak mong gawin kay Marjorie? Condo number ni Marjorie yung binanggit mo ah.” taas kilay kong tanong sa kaniya pero nginisian niya lang ako.

“It's a secret Kathlea.” aniya nito bago umalis ng nakangisi.

“Who is Marjorie?” nag tatakang tanong ni Ma'am Leanna.

“Ex po ni Kuya Leon si Marjorie na bestfriend ko.” pag papaliwanag ko sa kanila. Kita ko sa muka nila Tita at Tito na nabigla sila.

“Nagka girlfriend na pala si Leon? Bakit hindi tayo updated doon?” tanong ni Tita Emily but Tito Lewis just shrugged his shoulders before they look at us.

“Aalis na kami ha, behave na Lancer nandyan na si Kathlea.” aniya ni Tita Emily bago sila umalis ni Tito Lewis.

“Kathlea.” pag tawag niya sa pangalan ko bago niya ako ihinarap sa kaniya.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya.

“Is it okay if you make me some food? I didn't eat anything since you left my mansion.” saad ni Lancer dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Seryoso na siya? Hindi pa siya nakain? Dalawang araw na ang nakalipas simula nung umalis ako dito, that means two days na siyang hindi nakain?

“Ano?! Bakit hindi ka pa nakain? Alam mo bang pwede ka magka ulcer kapag nalipasan ka ng gutom? Teka, halika sumama ka sa akin sa kusina ipagluluto kita.” hindi ako makapaniwalang hindi pa siya kumakain. Kaya agad ko siyang hinila papunta sa may kusina at nag mamadaling binuksan ang ref para makapag hanap ng madaling lutuin.

Sobrang daming laman ng ref kaya hindi ko alam kung ano ang lulutuin ko. Matagal lutuin ang adobo at sinigang, what if delata na lang. Nakuha ng atensyon ko ang spam at itlog. May sinaing naman kaya napagpasyahan kong mag luto ng scrambled eggs at pritong spam.

Agad akong nag lagay ng butter sa kawali at ininit ko lang ito bago ko ipinirito yung spam. Binuksan ko din yung kabilang kalan at nag painit ako ng tubig kawali. Balak kong mag luto ng noodles doon para may mahigop siyang mainit na sabaw. Habang nag luluto ako ay tahimik na naka upo si Lancer sa isang upuan.

Pagkatapos ng spam ang isinunod ko naman ay yung itlog. Nang maluto ko na ang mga pagkain ay agad ko itong inihain sa lamesa at ipinag handa ko na siya.

“Pasensya na iyan lang ang naluto ko, matagal kase kung manok o baboy pa ang lulutuin ko.” aniya ko bago ako naupo sa may harapan niya. Agad niyang tinikman yung pagkain na niluto ko at sa tingin ko ay nagustuhan niya naman ito.

Pinanood ko na lang siya habang kumakain dahil hindi naman ako nagugutom. Nang matapos na siyang kumain ay bumalik na kami sa sala para mag pahinga. Naiilang pa rin ako lalo na't magkasama kami ngayon at sobrang lapit niya sa akin. Hindi ko ba alam kung maayos na ba ulit kami o hindi pa.

“Are you still mad at me Kathlea?” biglaang tanong niya habang nanonood kami ng Tv. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi na ba ako galit sa kaniya?

“H—Hindi ko alam Lancer.” aniya ko dahilan para malungkot siya.

“It's okay, handa akong mag hintay.” aniya niya bago niya ako niyakap. Tahimik lang kaming dalawa habang magkayakap ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Sir Zach at Sir Karl.

“Happy Birthday Bro.” pag bati niya kay Lancer na ngayon ay nakayakap pa rin sa akin. Nandito na yung mga kaibigan niya diba? Bakit hindi pa rin siya bumibitaw?

“Bro nung huli ka naming nakita nag papanggap pa lang kayo ni Kathlea diba? Pero bakit parang ayaw mo na siyang bitawan ngayon?” nakangising saad ni Sir Karl habang si Sir Zach naman ay natatawa.

“So what? Bakit ba kayo nandito?” inis na tanong ni Lancer.

“Pasensya na bad mood ata siya.” pag hingi ko ng pasensya sa kanila.

“Don't worry Kathlea, sanay na kami kay Lancer. At ang dahilan kung bakit kami nandito ay dahil sa birthday mo. Aalis na din kami kaagad dahil kukuhanin pa namin sa Laguna yung regalo namin sayo.” aniya ni Sir Zach dahilan para mapatigil ako. Regalo? Tama! Wala pa nga pala akong nabibiling regalo para sa kaniya.

“Sige na bro, aalis na kami.” pag papaalam nila bago sila umalis. Ang bilis naman, parang nag pakita lang sila kay Lancer.

“The social media is getting crazy right now.” aniya ni Lancer kaya napatingin ako sa kaniya.

“Bakit naman?” tanong ko rito.

“Did you remember when i post about revealing my girlfriend in my birthday? They keep posting that they are excited to know who is it.” pag papaliwanag niya. Yun ang araw na hindi ko makakalimutan, may ginawa ba naman kaming kababalaghan sa sofa nun.

“Anong gusto mong regalo?” tanong ko sa kaniya. Bigla akong kinabahan dahil baka ang gusto niyang regalo ay mamahalin. May kaunti pa akong pera dito sana mag kasya sa gusto niyang regalo.

“Patawarin mo lang ako at bumalik na tayo sa dati masaya na ako. Hindi ako mapakali ng ganito Kathlea. Hindi ko kayang makita na galit ka pa rin sa akin. I want our relationship to be okay again.”

“Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ka galit sa akin pero hindi ko talaga kayang isipin na galit ka sa akin. Hindi ako makakain, makatulog at mapakali.”

“Hindi ko talaga sinadya na kalimutan ang birthday mo noon. Hindi inaasahang nagkaroon ako ng meeting sa makaka team kong Vice President sa susunod na election kaya mas lalo akong naging busy noong araw na iyon. Inabot ng limang oras ang meeting ko habang kausap namin ang mga Minor Family. I regret that i forgot your birthday. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa lahat ng pwede kong kalimutan ay kaarawan mo pa.”

“Akala ko nga hindi ka pupunta ngayon dito dahil sa nakipag hiwalay ka na sa akin. I'm so glad that you came Kathlea. Dahil kung hindi ka pumunta, hinding hindi talaga ako lalabas sa kwarto ko kahit ano oang gawing pilit sa akin nila Mom at Dad.”

“I understand that you're busy but you should inform me about that. I keep waiting for you that day dahil wala ka naman sinabing aabutin ka ng gabi doon.” aniya ko bago ko siya hinalikan sa labi.

“I'm sorry too for breaking up with you without letting you explain.” pag hingi ko ng tawad sa kaniya.

“It's okay Kathlea, saka ako naman ang may kasalanan kung bakit ka nagalit. T—Tayo na ba ulit?”  nahihiyang tanong niya sa akin.

“Gusto mo ba?” tanong ko sa kaniya dahilan para mapangiti siya. Agad naman itong tumango at mahigpit niya akong niyakap.

“I'm just curious Lancer, kailan ka nagka gusto sa akin at kailan?” biglaang tanong ko sa kaniya. Kita ko naman na parang nagulat siya sa tanong ko.

“Did you still remember when we first met? When you found c*ndoms in my bedsheets?” tanong niya kaya nabigla ako. Alam niyang may nakita akong c*ndom sa bedsheets niya?

“That's the day when i fall inlove with you. Nung una hindi ko ito pinapansin dahil mahal ko pa noon si Avery pero habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog sa iyo. I keep denying it but whenever i see you around boys, my mind just went black and the next thing i knew is we are making love.”

“Alam mo naman kapag nag seselos ako ay sa kama ang diretso. Hanggang sa hindi ko na kinaya at nag confess na ako sa iyo. Ikaw kase palagi mo akong pinag seselos.” nakangusong saad niya. Pinag seselos ko na pala siya nun?

“Nga pala, sino ang kasama mo nung umalis ka dito? Saan ka natulog?” sunod sunod na tanong niya.

“Sa condo ako ni Marjorie nag stay. Wala naman akong matitirahan at wala akong masyadong kilala dito.” aniya ko.

“Good, huwag kang lalapit sa ibang lalaki ha? Itatali kita sa kama kapag nakita kong may lumapit na lalaki sa iyo. ” aniya ni Lancer dahilan para matawa ako.

“Mamaya kapag nasa main Villa na tayo ng mga Luxerouz, ipapakilala kita kay Popzy at Momzy. Sigurado akong magugustuhan ka nila.” aniya niya kaya napa isip ako. Sino yun?

“In case you're wondering, they are my grandparents. Sila ang nakatira sa main Villa ng Luxerouz.” pag papaliwanag niya. “Minsan lang kami nakapunta doon, tuwing may meeting lang ang Main Family at Branch Family.”

“May Main at Branch Family pa kayo?” nag tatakang tanong ko sa kaniya.

“Yes love. My Grandfather has four son and two daughters. At dahil si Papa ang pinaka masipag at responsable sa lahat ng magkapatid, siya ang naging tagapag mana. Siya ang tinawag na Leader ng Main Family at yung ibang kapatid niya naman ang nasa Branch Family. Ako ang susunod na tagapagmana at ang susunod ay ang magiging anak ko.” pag papaliwanag niya. May ganun? Bakit sa pamilya namin wala?

“Mag pahinga na tayo Kathlea. Marami na tayong gagawin mamaya.” pag aaya niya kaya nahiga na kang kami dito sa may sofa at yumakap siya sa akin.

To Be Continue ❅•

Queen_Yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro