Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18 - (Break Up?)

Kasalukuyan akong naka upo dito sa sofa ngayon habang nilalaro ko si Lavery. Mas lalo nang lumalaki ang tiyan niya at halatang ilang araw na lang ay manganganak na ito. Nakakatuwa dahil habang tumatagal ay palagi na siyang lumalapit sa akin.

Kanina pang madaling araw umalis si Lancer dahil sa mga sunod sunod na business meeting niya. Tatlo ata ang business meeting niya ngayon bukod pa ang meeting niya kila Sir Navier at Sir Xzavian. Nalulungkot ako ngayon dahil hindi niya man lang ako hinintay magising bago siya umalis. Saka ngayon din ang birthday ko at gusto ko itong i-celebrate nang kasama siya.

Hindi naman siguro nakalimutan ni Lancer ang tungkol dito diba? Baka naman busy lang siya at mamayang gabi namin ice-celebrate ang birthday ko. Kelan ko lang naalala na dalawang araw lang pala ang pagitan ng birthday naming dalawa.

Habang nilalaro ko si Lavery ay biglang tumunog ang cellphone ko, may nag message ata. Excited ako ng kinuha ko ito dahil baka si Lancer yung nag text pero nabigla ako nang makita kong si Ate Leanna lang pala ito. Binati niya ako ng happy birthday at tinatanong niya rin kung kasama ko si Lancer. Agad ko naman itong nireplayan at sinabing ako lang mag isa ang nasa bahay at nasa meeting si Lancer. Akmang ibabalik ko na ang cellphone ko sa lamesa ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non sila Czarina at Hailey.

“Happy Birthday.” pag bati nila sa akin nang makapasok sila. Agad naman akong napangiti dahil naalala nila ang birthday ko? Hindi pa nag iisang taon simula nung naging kaibigan ko sila.

May hawak na cake si Hailey habang si Czarina naman ay may hawak na lobo. Agad silang lumapit sa akin at hinipan ko yung kandila.

“Beh 21 years old ka na. Pwede na kayong mag anak ni Lancer.” masayang saad ni Czarina dahilan para matawa ako. Grabe naman yung mag anak eh. 25 years old ko pa balak mag asawa noh. Magiging magkasintahan na lang muna kami ni Lancer dahil parehas kaming hindi pa handa.

May pinaghahandaan si Lancer na election dahil balak niyang tumakbo bilang presidente ng bansa. Handa akong suportahan siya sa gusto niyang gawin kaya sa ngayon hindi muna kami mag aanak. Saka hindi pa nga kami nag iisang taon na magka relasyon kaya hinay hinay muna.

“Wala pa eh, maybe soon. May mga gusto muna kaming gawin ni Lancer as a couple bago kami mag anak. Saka parang ang bilis naman kung mag aanak kami agad diba?” tanong ko at agad naman silang sumang ayon.

“Sabagay, three years din ang naging relasyon namin ni Navier bago dumating yung ex niya at nagkahiwalay kami.” aniya ni Czarina dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Nagkahiwalay pala sila ni Sir Navier?

“Nagka hiwalay pala kayo ng asawa mo?” tanong ko kay Czarina.

“Oo, bumalik kase siya noon sa ex niya kaya nag break kami. Buntis ako that time kaya tinaguan ko siya ng anak.” pag mamalaki niya. Ah.. yan pala yung tinutukoy ni Sir Navier nung nakaraan na baka taguan ulit siya ng anak ni Czarina.

“Grabe naman yung tinaguan eh. Ikaw Hailey ilang taon kayo naging mag kasintahan ni Sir Xzavian?” tanong ko rito.

“Mag a-apat na taon na din kami non kaso nagkaroon kami ng problema kaya nag hiwalay kami. At dahil magkaibigan kami ni Czarina, itinago ko din yung anak ni Xzavian.” aniya niya dahilan para matawa ako.

“Maayos na sana yung pag tatago ko kaso, ang hirap nilang kalabanin. Hindi pa nag iisang taon si Navien nahanap na agad ako ni Navier. Si Hailey naman ay tumakas pa nung nalaman ni Xzavian ang tungkol kay Xzavier.” natatawang ani niya bago naupo sa may tabi ko.

“Ang ganda naman ng love story niyo dun sa dalawa. Sana maging maayos din yung sa amin ni Lancer” wika ko bago ibinaba si Lavery sa sofa.

“Wait, speaking of Lancer. Nasaan nga pala siya? Birthday mo ngayon diba? Bakit wala siya dito?” sunod sunod na tanong ni Czarina.

“Nasa meeting pa eh. Sana nga maka uwi siya ng maaga mamayang gabi para makapag celebrate kami.” aniya ko. “Maraming Salamat nga pala dito sa dala niyong cake.” masayang saad ko bago tinikman yung icing at ang sarap nito.

“Masarap ba? Kami ni Hailey ang nag bake niyan.” masayang tanong ni Czarina at agad naman akong tumango.

“At dahil birthday mo ngayon at wala naman si Lancer, kami na lang muna ang makakasama mo. Tara pumunta na tayo sa restaurant na pina reserve ko para sa birthday mo Kathlea.” aniya ni Czarina bago siya tumayo at kinuha yung bag. Anong restaurant? Nagpa reserve na kaagad siya?

“T—Teka aalis na kaagad tayo? Okay lang ba kung mag palit muna ako ng damit. Naka over size t-shirt at dolphin short lang kase ako ngayon hehe.” aniya ko at agad naman silang pumayag. Wala na akong sinyang na oras at agad akong nag tungo sa aking kwarto para mag bihis. Simple lang ang susuotin ko ngayon. Puting pantalon at Offshoulder na top na binili ko sa online. Nag lagay din ako ng kaunting lipstick at blush on sa aking muka bago ako bumaba.

Naabutan ko silang naka upo sa may sofa nang makababa ako.

“Ako na mag da-drive, dun na lang kayo ni Kathlea sa likod.” aniya ni Hailey bago kami lumabas sa mansion at sumakay sa kotse niya.

“Thoughts niyo sa bago kong kotse? Binili sa akin ito ni Xzavian nung tinoyo ako nung nakaraang araw.” nakangising aniya nito bago niya binuksan ang makina at nag simula nang mag maneho.

“Ang ganda. Halatang umabot ng dalawang milyon.” aniya ni Czarina.

“Huy paaano mo nalaman? ” tanong ni Hailey.

“Nakita ko yan sa Instagram kahapon. Kaka-release pa lang niyan binili mo na agad?” tanong ni Czarina. “Ikaw Kathlea anong mamahalin na ang niregalo sa iyo ni Lancer?” dagdag nito.

Wala pa akong natatanggap na mga mamahaling regalo sa kaniya dahil hindi ako pumapayag. Kahit makasama ko lang siya palagi ay masaya na ako.

“Wala pa pero okay lang. Mas prefer ko yung palagi lang kami magkasama” aniya ko bago ko binuksan ang aking cellphone. Maya't maya ko tinitingnan yung messenger ko dahil umaasa akong nag chat si Lancer. 3 minutes ago since nung huli siyang nag online pero hindi niya man lang binasa yung message ko.

Nalungkot ako dahil bakit sa lahat ng araw ay ngayon pa siya naging busy. Gusto ko sana siya makasama buong araw ngayon kahit hindi na kami kumain sa labas.

Siguro naman hindi na siya busy mamayang gabi diba?

_

Kumain kami sa restaurant at nag libot sa mall. Ibinili ako ni Hailey ng dress at napaka gandang heels habang si Czarina naman ay binigyan ako ng pabango at chanel bag. Ayaw ko sanang tanggapin ito dahil mahal pero ayaw nila itong kuhanin kaya tinanggap ko na lang ito.

Nasa mansion na ulit ako ngayon at kanina pa naka uwi sila Czarina at Hailey. Habang naka upo ako ay biglang nag message si Kevin.

_

From: Kevin

Happy Birthday Ate. Pasensya na hindi ako makapunta dahil may project akong ginagawa ngayon.

Kailangan ko itong ipasa bukas kaya hindi ako makapunta. Bukas na lang kita pupuntahan jan sa mansion ni Kuya Lancer.

Yun lang, happy birthday ulit and love you Ate.

_

Napangiti ako dahil sa message ni Kevin. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi makakapunta si Kevin dahil marami talaga ang gawain ng mga first year collage. Agad naman akong nag thank you sa kaniya bago ko binuksan yung tv para manood ng k-drama. Mukang mag hapon lang akong walang gagawin dito. Sana maka uwi mamaya si Lancer.

Lumipas na ng lumipas ang oras hanggang sa mag aalas otso na ng gabi. Apat na oras na lang ay matatapos na ang aking kaarawan pero wala pa rin si Lancer. Dapat kanina pa siyang alas sais nandito pero wala eh.

Nag sisimula na akong mawalan ng pag asa na makakapag celebrate pa kami ng birthday ko ngayon. Nag message ako sa kaniya kanina, tinatanong ko kung anong oras siya uuwi pero si-neen niya lang ito at hindi siya nag reply. Nag online din siya kanina lang pero wala pa rin response.

Nalungkot ako at hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. Baka hindi niya nga siguro naalala at hindi na namin ito mai ce-celebrate.

Nag bukas ako ng isang kandila at inilagay ko ito sa ibabaw ng cupcake na binili ko kanina at kinantahan ko ang aking sarili.

“H—Happy Birthday to me.....” huling saad ko bago ko hinipan ang kandila. Nakita siguro ni Lavery na naiyak ako kaya agad siyang lumapit sa akin at naupo sa aking hita. Hinaplos ko ang kaniyang tiyan at ngumiyaw ito.

Hinihimas ko pa si Lavery nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot kahit Uknown Number ang nakalagay doon.

“Hello?”aniya ko habang patuloy pa din sa pag himas kay Lavery.

“Kathlea! Naalala mo pa ba ako? Gosh! Salamat kay Bampirang tuko nakuha ko ang number mo.” saad ng kung sino dahilan para mag taka ako. Teka sino itong tumawag? Bakit niya ako kilala? At saka sino si Bampirang tuko?

“Hehe, pwede ko bang maitanong kung sino ka? Pasensya na hindi ko kase maalala kung sino ka.” aniya ko at may narinig akong pag tawa mula sa kabilang linya.

“Beh ako ito. Ito naman parang hindi tayo naging mag bestfriend nung elementary.” aniya niya. Naoa isip pa ako ng matagal bago ko maalala kung sino siya.

“Marjorie ikaw ba iyan?” masayang tanong ko sa kaniya.

“Oo beh ako nga ito. Ilan taon na din since nung huli tayong nag kita. Grabe miss na miss na kita.” aniya nito dajilan para matawa ako. Sus gusto lang nito makipag inuman eh.

“Gusto mo lang mag inom eh. Pero teka, sino yung Bampirang tuko?” natatawang tanong ko sa kaniya.

“Halata pala na nag aaya akong mag inom. Si Leon nga pala yung Bampirang tuko.” aniya nito. Si Kuya Leon? Yung kapatid ni Lancer ba ang tinutukoy niya?

“Si Kuya Leonard Andrei Luxerouz ba yang tinutukoy mo?” tanong ko sa kaniya.

“Oo siya nga, teka paano mo siya nakilala?” tanong niya.

“Boyfriend ko yung kapatid niya beh.” masayang saad ko. Rinig ko mula sa kabilang linya ang pagka gulat niya.

“Talaga beh? Yun bang susunod na tagapagmana ng pamilya nila? Nako beh huwag mo nang pakawalan yan, ang swerte mo na jan sa boyfriend mo. Luxerouz Heir and future President saan ka pa?”

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Bakit parang kilalang kilala niya sila Lancer?

“Teka baka makalimutan ko pa kung bakit ako tumawag sayo. Tutal birthday mo ngayon, pumunta ka dito sa may condo ko at mag iinom tayo. Sakto kaka restock ko lang ng alak dito sa ref ko. Ano game ka ba?” tanong niya. Kahit kailan talaga mag iinom pa rin itong babaeng ito. Mas okay na siguro kung pupuntahan ko si Marjorie kaysa mag hintay kay Lancer dito.

“Sige puntahan kita. Send mo na lang sa akin yung adress ng condo mo.” aniya ko bago ko pinat*y yung tawag. Agad niya namang isinend sa akin yung adress kaya agad akong nag bihis para puntahan siya. Hindi na ako nag pahatid sa driver namin dito at sumakay na lang ako sa taxi.

Bago ako tuluyang dumiretso sa condo niya ay bumili muna ako ng mga pwede naming gawing pulutan.

Kasalukuyan akong nasa tapat na ng pintuan niya bago ako mag door bell. Binuksan niya kaagad yung pinto at niyakap ako. Agad ko siyang niyakap pabalik at ngumiti.

“Kathlea halika pumasok ka na .” pag aaya niya kaya agad akong pumasok sa condo niya. Kagaya ng dati, ang linis niya pa rin sa kwarto. Mag iinom itong babaitang ito pero napakalinis niya sa gamit.

“So ano ganap ngayong birthday mo? Nag date ba kayo ni Lancer para i-celebrate ang birthday mo?” tanong niya bago ako naupo sa may sofa niya.

“Hindi eh, busy kase siya sa mga meeting niya ngayon kaya hindi ko siya nakasama. Saka mukang nakalimutan niya naman eh.” mahinang saad ko bago ko inilabas yung mga binili kong pagkain at inilapag ito sa lamesa.

“Hays parang ang hirap naman mag jowa ng future President. Palaging busy at mukang wala nang time sa iyo. Pero wait, nakalimutan niya yung birthday mo?” gulat na tanong niya. Malungkot akong tumango bago siya umupo at niyakap ako.

“Okay lang yan Kathlea. Tara mag inom na lang tayo.” pag aaya niya bago siya pumunta sa may ref at kumuha ng dalawang bote ng alak.

“Hindi ko ito sinasabi para masaktan ka pero kung totoong mahal ka talaga ni Lancer hindi niya makakalimutan ang pinaka mahalagang araw ng buhay mo.” aniya niya dahilan para mag isip ako ng kung ano ano.

Paano kung may kasama siyang babae ngayon kaya nakalimutan niya yung birthday ko?

Paano kung may bago na siya?

“Marjorie..... sa tingin mo may babae kaya si Lancer? Hindi naman kase siya nung simula ng relasyon namin eh.” saad ko bago ko ininom yung alak.

“Kathlea shot ko yan eh. Hays, hindi ako sigurado pero kailangan mo yun alamin kaysa naman malaman mo pa sa iba. Base kase sa kwento ni Bampirang tuko, may ex daw si Lancer na mahal na mahal nito. Kaya nga nagulat si Leon nung malaman niyang may bagong girlfriend si Lancer.” aniya nito.

“Matanong ko lang, paano mo nakilala si Leon? ” tanong ko rito bago siya uminom ng alak.

“Nakakatawa man isipin pero ex ko si Leon. Naging boyfriend ko siya nung February tapos nag break kami nung September. Nambabae kase siya eh, hindi pa nakuntento sa akin.” kita ko sa mga mata ni Marjorie na minahal niya talaga si Leon. Kahit ngumingiti siya ay may nakikita akong lungkot doon.

“Nambabae si Kuya Leon?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Muka naman kaseng mabait si Kuya Leon. Infact mas muka pa siyang matino kaysa kay Lancer.

“Oo, we are about to celebrate our seventh monthsary when i caught him making out with another girl. Nasaktan ako dahil mahal na mahal ko siya tapos lolokohin niya lang ako. Masaya na ako sa kaniya eh, kaso niloko niya lang ako.”

“Akala ko siya na yung lalaking mamahalin at pakakasalan ko. After ilang months ay mukang naka move on na siya kaya inunfriend ko na siya sa lahat ng social media accounts ko. Binlock ko yung number niya at sinimulan ko na siyang kalimutan.”nabigla ako nang makitang tumutulo na ang luha sa kaniyang mga mata.

“Ang hirap dahil sa kaniya ako nag tatrabaho. Naging secretary niya ako noon kaya naging kami. Awkward dahil nagkakasama pa rin kami sa mga meeting niya noon. Nasasaktan ako kapag may kasama siyang babae kaya nag resign ako sa kumpanya niya. Nag hanap ako ng bagong pagta-trabahuhan at nakahanap na din ako. Nalaman ko din na pumunta siya sa Thailand nung umalis ako kaya simula noon hindi na kami nagkita pa.” pag kwekwento niya. That explains kung bakit kilala niya si Kuya Leon. Pero kung sinaktan siya ni Kuya Leon that means babaero at heartbreaker din siya?

Parehas lang pala sila ni Lancer.

“Sa totoo lang parehas sila ni Lancer. Parehas silang heartbreaker.” aniya ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

“Sinaktan ka na din ni Lancer?” tanong niya. Mapait akong napangiti bago tumawa.

“Oo ilang beses na. Simula nung may mangyari sa amin noon ay nagka gusto na ako sa kaniya. Alam kong alam niya ito at umaasa ako that time na baka sakaling gusto niya din ako. Pero nagkakamali pala ako. He always make me feel worthless, para bang pinaparamdam niya sa akin na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan. Nasasaktan ako tuwing nag uuwi siya ng babae at nakikipag halikan siya dito sa harapan ko. Palagi akong umiiyak gabi gabi lalo na't naririnig ko yung ung*l nila nung babae. ”

“Palagi akong nag papanggap na masaya kapag napunta si Ma'am Leanna sa mansion kahit deep inside ay gusto kong umiyak. Ayaw ko naman mag resign noon dahil nag aaral si Kevin at wala akong makukuhanan ng pera pang baon niya kaya tiniis ko na lang ito kahit nasasaktan na ako.”

“Hindi ko alam kung naaawa lang ba siya sa akin kaya niya ako minahal. Baka napilitan lang siya noon dahil gusto niyang makalimutan si Avery.”

“Wala naman akong magagawa kung mahal niya pa si Avery dahil siya yung first love niya.” malungkot na saad ko.

“What if, makipag hiwalay na ako kay Lancer?” tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin. Okay naman kami nung nakaraan pero parang nag iiba na siya eh.

“Anong sinasabi mo Kathlea? Makikipag hiwalay ka agad sa kaniya? Kausapin mo muna yung tao para malaman mo kung ano ang magiging reaksyon at sasabihin niya.” aniya ni Marjorie pero hindi ko siya pinakinggan. Mamaya kapag naka uwi na ako at nandoon na siya, makikipag hiwalay na ako sa kaniya. Masasaktan man ako pero mas mabuti na rin ito kaysa tumagal pa kaming ganito.

“Pag isipan mo yang gagawin mo Kathlea, mas mabuti kung kakausapin mo muna siya bago ka makipag hiwalay sa kaniya.” pag papaalalaniya sa akin bago ako uminom ng alak. Kakausapin pa? Huwag na baka matuwa pa siya kapag sinabi ko ito sa kaniya. Mas maganda kapag surprise, kapag nakita ko siya mamaya yun ang una kong sasabihin sa kaniya.

_

LANCER ACE LUXEROUZ'S POV:

F*ck! I'm exhausted. Sino ba naman hindi mapagod kung pitong meeting sunod sunod. Bakit kase ako pa ang kailangan na umatend sa mga business meeting ng pamilya namin. Si Dad dapat ang nandito pero nasa Spain kase siya ngayon kaya bilang tagapagmana, it's my responsibility to take his place kapag wala siya. Si Mom naman ay busy sa preparation ng birthday ko kaya hindi siya maka attend sa mga meeting na ito.

Puro project lang naman ang pinag uusapan nila at sobrang boring sa meeting. Kanina ko pa gustong umuwi kay Kathlea. Hindi ako makapag reply kqy Kathlea dahil kapag mag rereply na ako ay hindi na ako nagkakaroon ng oras dahil mag sisimula na ang susunod na meeting.

It's already 3 in the morning nang matapos ang mga meeting na iyon. Kasalukuyan akong naka sakay sa kotse ko ngayon at papauwi na ako. Halos isang araw ko na din siyang hindi nakikita at gustong gusto ko na siyang yakapin. Iniisip ko kung nakakain na ba siya at kung naging okay lang ba ang mag hapon niya habang wala ako.

Maya maya lang ay nakarating na ako sa mansion ko at agad akong pumasok dito. Madilim ang buong mansion nang makapasok ako. Natutulog na siguro siya. Agad kong binuksan yung ilaw at bumungad sa akin si Lavery na nasa ibabaw ng lamesa habang nakatingin sa cupcakes na nasa katabi nito.

Bigla kong naalala na kailangan ko nga pa lang ichat si Xzavian dahil dun sa ipinabibili kong promise ring para kay Kathlea. Hindi naman ito mahal pero mahal na mahal ko naman siya. Agad kong binuksan yung Instagram ko para i-chat si Xzavian nang makita kong may story siya. Agad ko itong binuksan at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

F*ck! Bakit sa lahat ng pwede kong kalimutan ito pa? She was holding a cupcake in her picture.

Birthday niya nga pala kahapon. Bakit ko ito nakalimutan. Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako china-chat kanina? I'm so sorry Kathlea, i forgot your birthday.

Agad akong tumakbo papaakyat sa kwarto namin at wala siya doon. I started panicking while calling her name. F*ck! It can't be!

While i was busy screaming her name someone open the door. Nawala ang kaba ko ng makita ko siya kaya agad akong tumakbo papalapit sa kaniya pero pinigilan niya ako.

“Kathlea I'm so sorry. I didn't mean to forgot your birthday. I'm just so busy please tell me that you're not mad at me.” pag hingi ko ng sorey at akmang yayakapin ko na sana siya ng itulak niya ako papalayo. Halata naman sa kilos niya na lasing siya.

“Huwag kang lumapit sa akin!” sigaw niya dahilan para matahimik ako. Mas lalo akong na-guilty nang makita kong tumutulo na ang mga luha niya.

“Kathlea please I'm so sorry.” patuloy na pag hingi ko ng tawad sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan.

“Lagi na lang sorry. Puro ganiyan na lang ba tayo Lancer?” tanong niya.

“No bab—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pigilan niya ako.

“Huwag ka na mag paliwanag Lancer. Wala ka ng time sa akin. Nasasaktan na ako Lancer.”

“Sabihin mo nga sa akin, mahal mo ba talaga ako? Importante ba ako sayo?”

“Of course baby.” pag sagot ko sa tanong niya.

“Eh bakit pati birthday ko kinalimutan mo? Hindi na ba ako importante sayo kaya kinakalimutan mo na lahat ng tungkol sa akin? Okay lang ganiyan ka naman.” it hurts me to see her crying. F*ck i didn't mean to hurt her.

“Listen baby, naging busy lang talaga ako kanina. Let me make it up yo you.” panunuyo ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako pinakinggan.

“Palagi ka namang busy eh. Alam mo para wala nang palaging humihingi sa atensyon mo at para wala nang iistorbo jan sa mga meeting mo, mag hiwalay na tayo Lancer.” saad niya dahilan para mabigla ako.

“Ano? Please tell me mali yung pagkakarinig ko Kathlea.” pag mamakaawa ko sa kaniya. Hindi pwede Kathlea, I won't let you leave me.

“Alam kong narinig mo ang sinabi ko Lancer. Mag hiwalay na tayo.” pag uulit niya sa sinabi niya kanina dahilan para sumikip ang dibdib ko. Hindi! Hindi ako papayag Kathlea! Hindi tayo mag hihiwalay! Walang mag hihiwalay. Hindi mo ako iiwan Kathlea, hindi mangyayari ang gusto mong mangyari.

To Be Continue ❅•

Queen_Yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro