Chapter 17 - (His Brother)
"Lancer." pag tawag ko sa pangalan niya. Kanina pa kase nangangalay yung hita ko. Mag dadalawang oras na siya nakahiga sa hita ko at mukang wala pa rin siyang balak umalis doon.
"No." maikling saad niya habang pinipisil pisil yung hita ko. Kanina ko pa siya pinapaalis pero nag mamatigas itong lalaking toh. Ayaw niya ako bitawan.
"Bitawan mo na ako, hindi ka ba nangangalay?" inis na tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya bago niya ako niyakap muli. Hanggang anong oras tayong naka ganitong pwesto Lancer? Sinabi ko na naman sa kaniya na hindi ako galit pero parang ayaw niya maniwala. Well, medyo galit pa rin ako sa kaniya dahil sa ginawa niya.
"Tumayo kana jan, mamaya lang ay dadating na si Tita at Tito." aniya ko at akmang tatayo na ako ng pigilan niya ako.
"Ayoko, galit ka pa rin Kathlea. I can feel it." aniya niya dahilan para mas lalo akong mainis.
"Hindi ba't sinabi ko na hindi na ako galit? Hindi ka ba makaintindi?" inis na saad ko. Kita ko ang pagkagulat sa muka niya nang sigawan ko siya. Hindi ako galit pero pinipilit niyang galit ako kahit hindi naman. Akmang mag sasalita na sana siya nang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.
"Kathlea, Lancer nandito na kami. Lumabas na kayo at naka handa na ang dinner." aniya ni Tita Emily kaya agad akong tumayo at iniwan ko siya doon.
"Nasaan si Lancer ija?" tanong ni Tita Emily nang makarating ako sa dining room.
"Nasa kwarto pa po Tita. Baka sumunod na lang po siya mamaya." aniya ko bago naupo sa upuan. Kaharap ko si Ma'am Leanna at magka tapat si Tita at Tito. Habang isa isa nang inilalapag nung mga maid yung pagkain ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang lalaki at may mga dala itong bagahe. Sino siya?
Gwapo din siya, matangos ang ilong, mapulang labi at nakakapag taka ay magka parehas sila ng kulay ng mata ni Lancer. Ang lakas ng dating niya dahil bumagay sa kaniya yung mullet haircut at may tatto siya sa leeg. Gwapo siya pero mas gwapo si Lancer.
"Leon." masayang sigaw ni Tita Emily bago siya tumayo at niyakap yung lalaki.
"It's been 2 years Mom, kamusta kayo dito?" tanong niya kay Tita Emily habang pino-proseso ko sa utak ko kung sino ba siya. Mom? May isa pang kapatid si Lancer?
"Okay naman kami anak, how's the business in Thailand?" tanong ni Tita sa anak bago lumapit ang mga maid sa kaniya at binati siya.
"Welcome home Master Leon." pag bati nila bago kinuha yung mga gamit nito. Agad niya naman itong binati pabalik bago nginitian.
"Oh i didn't see Lancer here, where is he? Is he still inlove with her ex girlfriend?" tanong niya.
"Nasa kwarto pa siya ngayon. Saka may bago na siyang girlfriend. Meet Kathlea, Lancer's girlfriend." pag papakilala ni Tita sa akin kay Leon.
"Nice to meet you Kathlea." nakangiting aniya niya bago ako nakipag shake hands sa kaniya.
"Tita pupuntahan ko na po si Lancer sa kwarto." pag papaalam ko bago tumayo at nag tungo sa kwarto niya. Kanina pa kase siya dapat lumabas, ano naman kayang ginagawa nung lalaking iyon?
Naabutan ko siyang naka higa sa kama.
"Lancer pinapalabas ka na nila Tita at najan na yung Kuya mo." aniya ko dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Kuya? You mean si Kuya Leon?" tanong niya at agad naman akong tumango. His expression suddenly change. Kanina naman ay medyo maamo pa ang ekspresyon ng muka niya pero bigla itong napalitan ng galit.
"Why is he here?" tanong niya bago nag mamadaling tumayo mula sa hinihigaan niya at nag lakad papalabas ng kwarto niya. Base sa tono ng boses niya ay galit siya kaya agad ko siyang sinundan papalabas ng kwarto niya. Hindi ko na siya naabutan dahil sa bilis ng paglalakad niya. Nang makarating ako sa dining are ay naabutan kong pinipigilan ni Tito Lewis si Lancer at mukang galit na galit ito.
"Wow ha! Buti naman bumalik ka pa! Ang kapal ng muka mong mag pakita sa akin matapos mo akong traydorin." galit na sigaw ni Lancer habang nag pupumiglas siya.
"Anak, matagal na naming hindi nakita ang Kuya mo kaya pinapunta namin siya ng Dad mo. Anak huwag mo naman sanang guluhin ang pasko natin ngayon." pag kakalma ni Tita Emily kay Lancer pero hindi ito gumagana. Mas lalo lang umintig ang panga niya bago siya muling sumigaw.
"Guluhin? Mom hindi ako ang gugulo ng pasko natin. Buti naman nasikmura mo pang bumalik matapos mong tulungan si Kyler na agawin si Avery noon sa akin. Alam mo kung gaano ko siya kamahal pero dahil sa may galit ka sa akin dahil ako ang susunod na tagapagmana ng mga Luxerouz." galit na sigaw niya sa kapatid. Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko. Galit na galit siya sa Kuya niya dahil ito ang naging dahilan ng pag hihiwalay nila? Ibig sabihin kaya hanggang ngayon galit pa rin siya dahil mahal niya pa rin si Avery?
"That was year's ago Lancer saka may bago ka ng girlfriend. Hindi mo ba nararamdaman na nasasaktan na siya dahil hanggang ngayon si Avery pa rin ang iniisip mo?" aniya niya dahilan para mapatingin sa akin si Lancer. Parang nabasa nung Kuya niya ang nasa isip ko. Masakit dahil hindi niya makalimutan si Avery.
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan ang sarili ko sa pag iyak bago ako nakipag titigan kay Lancer. Kita ko ang pag aalala sa mga mata niya, ngayon niya lang siguro napansin na nandito na ako. Akmang mag sasalita na sana siya ng inunahan siya ni Kuya Leon na lumapit sa akin at nabigla ako dahil sa ginawa niya. Muntik na akong mapa sigaw ng buhatin niya ako bago ipinasan sa balikat niya bago tumakbo papalabas ng mansion.
"Hindi ka niya deserve Lancer, masyadong mabait at maganda itong girlfriend mo para mag tiis sa ugali mo kaya aagawin ko na lang siya muna sayo." sigaw niya habang tumatakbo siya at mahigpit na naka hawak sa akin. Para bang hindi niya ako hahayaang mahulog.
"Kung gusto mo siyang makasama ngayon, agawin mo siya sa akin dahil bukas ko pa siya isasauli sayo." sigaw ni Kuya Leon. Anong bukas isasauli? Saan niya ako dadalhin? Teka dahan dahan lang naman sa pag takbo baka mahulog ako huhu!
"You mother f*cker! Give her back to me you jerk!" rinig kong sigaw ni Lancer habang hinahabol niya kami pero mas mabilis yung Kuya niya tumakbo.
"Tang*na mo ibalik mo sa akin si Kathlea!" galit na sigaw niya pero hindi siya pinakinggan ni Kuya Leon na patuloy pa rin sa pag takbo. Dahan dahan niya akong binaba nang makarating na kami sa tapat ng sasakyan niya at nag mamadaling pinapasok sa loob ng kotse niya.
"B-Bakit mo ako dinala dito? Ibalik mo na lang ako kay Lancer." kinakabahang saad ko pero ngumisi lang siya.
"Ibabalik din kita sa kaniya bukas. Kailangan lang kitang maka usap ngayon."aniya niya bago nag simulang mag maneho.
Habang nag mamaneho siya ay nabigla ako ng tumawa siya.
"Sinusundan na niya tayo. Fasten your seatbelt Kathlea." aniya niya habang nakatingin sa may side mirror kaya agad ko naman siyang sinunod. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil parang balak niyang bilisan ang pag mamaneho. Paano kung mabangga kami? Saka bakit kailangan niya akong maka usap? Hindi niya ba ako pwedeng kausapin na kasama sila Lancer?
"Huwag kang kabahan Kathlea, parehas kaming member ng Illegal Car Racing sa buong mundo ni Lancer. Alam kong hindi papatalo yan kaya mag handa ka na." he said while smirking bago niya mas binilisan ang pag mamaneho.
"Baka maaaksidente tayo o si Lancer. Itigil mo na yung sasakyan at hayaan mo na akong bumalik kay Lancer." pamimilit ko sa kaniya. Baka kase maaaksidente na kami sa bilis ng pag papatakbo ng kotse nung dalawa. Sa sobrang bilis ng pag mamaneho nila kulang na lang tumilapon na kami.
"Hindi yan mangyayari Kathlea trust me, trust your future brother in law." nakangising aniya niya habang ako naman ay naiwang nakatungaga sa kawalan. Brother in law?
Napahawak na lang ako sa seatbelt ko ng mas lalo niya pang bilisan ang pag mamaneho hanggang sa makatakas na kami sa paningin ni Lancer.
_
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng kapatid ni Lancer. Kung ano anong pasikot sikot ang dinaanan namin hanggang sa makarating kami sa bahay na ito. Para din siyang mansion pero hindi kasing laki ng mansion ni Lancer. Kasalukuyan akong naka upo dito sa may damuhan habang nakatingin sa buwan at mga bituin. Iniisip ko si Lancer ngayon. Hinahanap pa ba niya ako?
Hindi ko siya gustong iwanan doon pero nasaktan ako dahil hanggang ngayon si Avery pa rin ang nasa isip niya. Paulit ulit kong iniisip kung totoo ba yung pinapakita at pinararamdam niyang pag mamahal sa akin? Sa totoo lang, ang dami kong katanungan sa aking isip.
Nabigla ako ng may mag lagay ng jacket sa may balikat ko. Umupo si Kuya Leon sa tabi ko bago niya inabot sa akin ang isang tasa ng kape.
"Hindi ko ine-expect na magkakaroon si Lancer ng girlfriend na katulad mo. Palagi kang ikinukwento ni Mom sa akin kapag magka video calm kami. I'm surprised when Mom says that you can calm Lancer down. Kahit sino kase sa amin ay walang makapag pakalma sa kaniya. Kapag nagagalit siya, wala kaming nagagawa kung hindi tanggapin ang galit niya."pag kwekwento niya sa akin bago niya ako tinitigan sa mata.
"I always have been jealous of Lancer. Ako ang pinaka panganay sa aming tatlo. Nung kami pa lang dalawa ni Leanna ako na talaga ang nakatakdang maging tagapagmana ng pamilya namin. Pero hindi inaasahang nabuntis pa si Mom at ang ipinag bubuntis niya ay si Lancer. Namuo ang inggit at selos ko ng ipanganak siya dahil nakuha niya lahat ng atensyon ng pamilya ko."
"Mas lalong lumaki ang galit ko sa kaniya nang malaman kong siya na ang nakatakdang maging Heir ng Luxerouz. Nag wala ako noon dahil matagal ko nang pinag hadaan ang pagiging tagapagmana tapos aagawin niya lang. Simula noon mas lalong lumalaki ang galit ko sa kaniya."
"Naiinis ako dahil bakit ba lahat ng gusto ko ay siya ang nakaka kuha. My families attention, relatives attention, being the heir at siya rin ang lapitin ng mga babae. Kaya nung nalaman kong nagkaroon siya ng girlfriend, pinagplanuhan kong sirain ang relasyon nila. Ipinakilala ko si Avery kay Kyler at hindi inaasahang naging close sila sa isa't isa. Hanggang sa hiwalayan na ni Avery si Lancer dahil nahulog na ang loob niya kay Kyler."
"Naaalala ko pa noon sobrang saya ko dahil for the first time i felt like i beat him. Pero hindi ko inaasahang magiging dahilan pala ito ng pagkasira ng relasyon naming magkapatid. Nalaman niyang ako ang naging dahilan ng pagkakakilala ni Kyler at Avery. Natatandaan ko pa noon na sa mall kami nag away. Nag suntukan kami hanggang sa may mga gwardiyang umawat sa amin. Kinailangan pang mag bayad ni Dad ng malaking halaga sa may ari ng mall at mga taong nakakita sa amin para hindi ito lumabas sa publiko."
"Noong araw na iyon kami nag away ni Dad sa bahay nang malaman niya ang ginawa ko. Umiiyak si Leanna at Mom habang kami naman ni Dad ay nag aaway. Siyempre mahal na mahal nila si Lancer kaya sa side ni Lancer sila kakampi. Gusto kong i-explain yung side ko pero wala akong magawa."
"Mas lalong naging malala ang relasyon ko sa pamilya namin ng mag tangkang magpaka m*tay ni Lancer. Iyak sila ng iyak dahil nag laslas si Lancer dahil sa akin. Tinaggap ko lahat ng masasakit na salitang ibinigay nila sa akin pero, hindi ko na kinaya. Kinuha ko lahat ng gamit ko at lumayas na ako."
"Gusto ko mang ipaliwanag sa kanila noon na pinag hiwalay ko si Lancer at Avery dahil may dahilan ito. Ayaw kong sa huli mag sisi si Lancer. Nung una pinag planuhan ko ito para masaktan siya pero nag bago ito ng malaman ko ang tunay na pagkatao ni Avery."
"Her father was our dad's rival when he run for the position of President here in our country. Narinig ko sa usapan ni Avery at Kyler na balak niyang hiwalayan si Lancer bilang pag ganti sa pagkatalo ng tatay niya noon. Ginamit niya lang si Lancer para makapag higanti." pag papaliwanag niya. Hindi ako makapaniwalang natiis niya lahat ng masasakit na salita na ibinigay sa kaniya ng mga kamag anak nila. Ginawa niya lang pala ang bagay na iyon para protektahan si Lancer at para hindi siya masaktan.
"Pero bakit hindi mo sinabi sa kanila ang dahilan kung bakit mo ginawa iyon?" tanong ko sa kaniya.
"Kahit naman sabihin ko sa kanila hindi sila maniniwala. Nawala na ang tiwala nila sa akin at kasalanan ko iyon." napangiti na lang siya ng mapait habang inaalala niya ang mga pang yayaring iyon.
"Tatanungin kita Kathlea, please answer my question honestly."aniya ni Kuya Leon at agad naman akong tumango bilang pag responde.
"Do you love my brother? Mahal mo ba siya dahil ito ang nararamdaman mo sa kaniya o kaya mo lang siya minamahal ngayon ay dahil sa pera niya?" tanong niya sa akin. "Hindi man kami nag uusap at mukang imposibleng magkabati kami pero gusto ko na tamang babae ang minamahal niya ngayon."
"Oo, mahal na mahal ko siya. Noong unang beses kaming nagkita ni Lancer, tumibok kaagad ang puso ko. Kaso nga lang ay kailangan kong baliwalain yun dahil mahal niya pa rin si Avery. May nangyari na sa amin noon pero hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi. Habang nag se-s*x kami noon ay pangalan ni Avery ang inuung*l niya. Nasaktan ako kaya idinistansya ko ang sarili ko sa kaniya."
"Pinilit kong hindi siya puntahan sa kwarto niya, pinilit ko ang sarili kong hindi siya kausapin. Sobrang hirap nun pero parang wala lang sa kaniya. Doon ako tuluyang nawalan ng pag asa. Pero may kakaibang nangyari sa kaniya."
"Tuwing nakikita niya akong may kasamang ibang lalaki palagi na lang siya naiinis o nagagalit. Tuwing nagagalit siya ay hindi inaasahang may mangyayari sa amin. Paulit ulit nangyari ang ganung senaryo hanggang sa umamin na siya sa akin na gusto niya ako."
Naaalala ko pa nung umamin siya sa akin, sobrang saya ko noon.
"Sana huwag mong saktan ang kapatid ko. Alam kong naging masama akong kapatid sa kaniya noon pero ang gusto ko lang ay maging ligtas at maayos siya. Baka hindi ako makapunta sa birthday niya dahil halos lahat ng kamag anak namin ay nandoon. Kung ano ano nanaman ang sasabihin nila." nakakalungkot lang isipin na madaming nagagalit sa kaniya kahit tama naman ang ginawa niya.
"Kakauwi ko lang kahapon mula Bangkok at babalik ako doon bukas ng umaga pagkatapos kitang ihatid sa mansion. Umuwi lang talaga ako para makita sila dahil magiging busy na ako sa mga susunod na buwan. Magkakaroon kase ng bagong project ang kumpanya ko sa Thailand." saad niya bago humigop ng kape at tumingin sa relo niya.
"Mag aalas tres na pala ng madaling araw. Mag pahinga ka na Kathlea saka malamig na dito baka magkasakit ka."aniya niya bago tumayo at pumasok sa loob. Sumunod na din ako kaagad sa kaniya at pumasok na ako sa kwarto na ipinahiram niya sa akin.
Sobrang dami ng nangyari ngayong araw. Nag away si Lancer at Kyler tapos nakaaway din ni Lancer si Kuya Leon. Saka sinundo pa namin kanina si Kevi-Teka yung kapatid ko nga pala naiwan ko sa mansion nila Tita at Tito!
Bakit ngayon ko lang ito naalala? Kasama nga pala namin ni Lancer kanina si Kevin at nakalimutan ko siya. Jusko sa dami ng pwede kong kalimutan yung kapatid ko pa? Huminga ako ng malalim bago ako pumukit. Bukas ko na lang siya babalikan doon.
_
Maaga akong gumising dahil ihahatid pa ako ni Kuya Leon sa mansion nila Tita Emily. Pasko na ngayon pero malungkot pa rin ako dahil sa mga nangyari.
Nakasakay ako sa sasakyan ni Kuya Leon habang nag mamaneho siya papunta sa mansion ng mga magulang niya. Iniisip ko kung magagalit ba si Lancer dahil umalis ako kagabi. Baka tanggalin na niya ako sa trabaho. Pinapasok kami nung mga gwardiya at bumaba sa kotse.
"Mag papaalam na na ako ngayon kila Mom at Leanna. Kailangan ko na din kaagad bumalik dahil may business meeting pa ako mamayang alas otso ng gabi." aniya niya habang nag lalakad kami papalapit sa pinto ng bigla kaming makarinig ng malakas na pag bagsak ng babasaging bagay habang may sumisigaw mula sa loob.
"Pwede bang itigil mo na yan Lancer? Paskong pasko nag wawala ka nanaman! For Pete's sake kagabi ka pa nag wawala baka gusto mo nang tumigil" sigaw ni Ma'am Leanna mula sa loob kaya agad naming binilisan ang paglalakad para malaman kung ano ang nangyayari sa loob.
"No! I won't stop hanggang hindi niya ibinabalik si Kathlea sa akin. Tell your stupid f*cking brother to return her to me! Ibalik niyo sa akin si Kathlea!" muling sigaw ni Lancer bago niya ibinato ang isang mamahaling flower vase at nabasag ito.
Nabigla ako ng marinig ko ang mga sinigaw niya. Kaya ba siya nag wawala ay dahil sa akin?
"Anak hindi ko matawagan si Leon. Tumigil ka na ibabalik naman niya mamaya si Kathlea dito." pag papakalma ni Tita Emily sa kaniya pero hindi niya pinansin yung nanay niya at patuloy pa rin sa pag sisira ng gamit.
"O-oh mukang maling desisyon na inagaw kita kagabi kay Lancer" nakangising aniya ni Kuya Leon.
"For god's sake Lancer pasko ngayon! Pwede bang sa ibang araw ka na lang mag wala! Ibabalik niya mamaya si Kathlea kaya itigil mo na yan!" galit na sigaw ni Tito Lewis pero hindi nakinig si Lancer at binasag niya yung Tv, salamin at mga flower vase na nasa lamesa.
"Pumasok ka na Kathlea, stress na stress na sila Mom, Leanna at Dad." aniya ni Kuya Leon kaya agad kong binuksan yung pinto. Napatigil silang lahat sa pag sigaw.
Biglang nawala ang galit sa mga mata ni Lancer nang mag tama ang tingin naming dalawa. Agad niyang nabitawan ang hawak niyang bubog at agad siyang tumakbo papalapit sa akin.
"Kathlea." mahinang saad niya nang tumigil siya sa may harapan ko. Napansin kong dumudugo ang mga kamay niya dahil may isang flower siyang binasag gamit lang ang kamay niya. Nagkaroon siya ng mga hiwa dahil sa sinuntok niya yung tv at nahiwa siya doon.
"Kathlea!" sigaw niya bago niya ako mahigpit na niyakap.
"Thank god your back." umiiyak na saad niya bago niya hinawakan ang pisnge ko.
"Okay ka lang ba? May ginawa bang masama sayo si Kuya?" aniya niya bago tinitingnan kung may sugat ba ako. Hindi ako makapag salita dahil sa gulat.
"Alam mong hindi ko gagawin yang nasa isip mo Lancer. Mahal ko pa ang sarili ko ata ayaw ko pang mamat*y." natatawang aniya niya bago siya lumapit kila Tita Emily.
"Bakit ganun? Parang ang unfair Lancer!" biglaang sigaw ni Ma'am Leanna habang nakatingin siya sa aming dalawa.
"Anong unfair Leanna?"tanong ni Kuya Leon habang nakatingin pa rin sila sa amin.
"Tatlo kaming nag papakalma kay Lancer mag damag tapos si dumating lang si Kathlea tumigil na agad siya." aniya ni Ma'am Leanna.
"May super powers ka ba Kathlea? Prayer reveal naman para kapag nag wala si Lancer mapapakalma namin siya kapag wala ka." aniya ni Ma'am Leanna dahilan para matawa kaming lahat.
"Teka Lancer nasaan nga pala yung kapatid ko?" tanong ko at akmang hihiwalay na ako sa pagkakayakap niya sa akin ng pigilan niya ako.
"Natutulog pa si Kevin." aniya niya habang naka yakap pa rin siya sa akin.
"Nangangalay na ako Lancer, pwede mo na ba akong bitawan?" tanong ko sa kaniya.
"No. Tara doon na lang tao sa kwarto natin." aniya niya bago niya ako binuhat ng pa bridal style.
"Teka lilinisin ko pa yung sugat mo." aniya ko kaya nakanguso niya akong ibinaba sa sofa at inutusan ni Tita Emily yung isa sa mga maid na kumuha ng first aid.
"Kathlea." pag tawag niya sa pangalan ko habang nililinis ko yung sugat niya.
"Bakit?" tanong ko habang naka focus pa rin ako sa sugat niya.
"Mahal kita. Hindi ako nagagalit kay Kuya kagabi dahil kay Avery. Masaya na ako sayo kaya huwag mo akong iiwan. Mahal na mahal kita." malambing na saad niya dahilan para mag tinginan sa amin ang mga maid at sila Tita at Tito pati na rin sila Ma'am.
"Mahal na mahal din kita." nakangiting saad ko sa kaniya bago niya ako hinalikan sa labi.
To Be Continue ❅•
Queen_Yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro