Chapter 16 - (Jealousy 2.0)
"Bakit bigla kayong natahimik" taas kilay kong tanong sa kanila. Nung dumating kase ako ay bigla silang nanahimik eh. Ano kayang pinag uusapan nila?
"W-wala noh, diba Kevin?" pagpapalusot nito. Agad namang tumango tango si Kevin kaya hindi na ako nagtanong pa. Pinapasabi kase ni Tita na isama na daw namin si Kevin sa mansion nila.
"Lancer, sabi ni Tita Emily isama na daw natin si Kevin." aniya ko kaya napatingin naman sa akin si Kevin.
"Isasama niyo ako? Saan naman?" nagtatakang tanong niya. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya na anak si Lancer at Ma'am Leanna ng Presidente.
"Sa mansion nila Mom. Christmas na mamaya at doon tayo mag ce-celebrate." ani ni Lancer. Napansin kong magkaka sundo silang dalawa. Agad naman pumayag si Kevin dahil wala naman siyang makakasama dito.
"Let's go na baby." pag tawag ni Lancer sa akin kaya napatingin sa amin si Kevin. Ngumisi ito bago pumasok sa likuran at doon naupo. Sinamaan ko naman ng tingin si Lancer, nandito pa yung kapatid ko tapos baby yung tawag niya sa akin?
Pinagbuksan niya ako ng pinto at sinuotan ng seatbelt. He kissed me on the lips before closing the door. Talaga tong lalaking to! Maya't maya niya ako ninanakawan ng halik. Porket hindi siya kita ni Kevin?
Tahimik lang ako sa biyahe at si Kevin naman ay nakatulog. Pagod siguro siya. Wala kase siyang ibang ginagawa kundi mag aral. Desidido talaga siyang makapag tapos ng pag aaral para sa kinabukasan namin. Ilang oras na din kami sa biyahe pero hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin. Ganon ba kalayo ang mansion nila Tita Emily? Ipipikit ko na sana ang mata ko nang maramdaman kong may mainit na palad ang humaplos sa aking hita. Pagmulat ko ng aking mata at nakita kong hawak hawak na ni Lancer yung hita ko. Hinihimas himas niya ito habang pinipisil. Hindi ako makatulog dahil sa giangawa niya kaya inilayo ko yung hita ko sa kaniya.
Nagulat ako ng higitin niya ito muli at mahigpit na ngayon ang pagkakahawak niya. Hindi ko na lang siya sinaway muli. Maya maya lang ay tumigil na kami sa harapan ng napakalaking gate. Binuksan nung mga gwardiya yung gate at pumasok na yung kotse sa loob. Naunang bumaba si Lancer at pinagbuksan niya ako ng pinto. Ginising ko na si Kevin at bumaba na din siya kaagad.
"Finally, nakarating na din kayo sa wakas." masayang wika ni Tita Emily bago yakapin si Lancer. Bumitaw na din kaagad si Tita Emily sa yakapan nila at lumapit sa akin.
"Namiss kita Kathlea. Naging pasaway ba si Lancer nung wala kami ni Lewis?"tanong ni Tita Emily na nagpatawa sa aming lahat.
"Hindi naman po, ang bait niya nga po diba Lancer?" tanong ko kay Lancer. Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Talaga naman tong lalaking toh! Nasa harapan kami ng magulang niya puro kalandian pa rin siya!
"Ang sweet niyo talagang dalawa. Siya ba ang kapatid mo?" tanong ni Tita Emily kaya naman ipinakilala ko si Kevin sa kanila.
"Inaantok ka pa ba iho? Kung gusto mo matulog ka muna sa guest room. Mamayang 11 pa naman ang simula ng ating kasiyahan. Pahinga na muna kayo." Napaka bait talaga ni Tita Emily. Hindi siya katulad nung ibang asawa ng mga politician na maarte.
"Nica pakidala yung gamit ni Kevin sa may guest room. Kayong dalawa saan kayo matutulog?" tanong ni Tita Emily. Siguro sa kwarto na lang ako ni Kevin matutulog. Nakakahiya naman kung lalapit ako kay Lancer sa bahay ng mga magulang niya. Akmang magsasalita na ako ng unahan niya ako.
"Me and Kathlea will sleep in my room." nakangising aniya ni Lancer. Seryoso ba siya? Nasa bahay kami ng magulang niya tapos gusto niya magkalapit kami? Siguraduhin niya lang na wala siyang binabalak na kalokohan kundi masasapak ko talaga siya.
"Sige magpahinga na kayo. Maaga pa naman at mamimili pa ako ng regalong ibibigay ko sa inyo. Pero yung regalo ko para kay Kathlea nabili ko na. Sigurado akong magugustuhan mo yun." masayang saad ni Tita Emily. Nakakatuwa dahil parang pamilya na din ang turing nila sa akin.
"Pahinga na muna kami Mom, medyo pagod pa kase si Kathlea eh." pang aasar niya sa akin. Napansin ko namang tumawa si Tita Emily at sigurado akong nagets niya yung sinasabi ni Lancer. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kwarto ni Lancer. Habang naglalakad kami ay naramdaman kong may nakatingin sa akin. Napansin kong masama ang tingin sa akin nung isa sa mga maid. Problema nun? Napatigil ako sa pag iisip ng buksan na ni Lancer yung pinto at pumasok na kami sa loob.
"What's wrong baby? You looked bothered? Is there something wrong?"nag aalalang tanong ni Lancer. Hindi pa din mawala sa isip ko yung galit na titig sa akin nung babae. Para bang ayaw niya sa akin at gusto na niya akong palayasin.
"Wala naman Lancer. Okay lang ako sadyang kinakabahan lang ako dahil ito ang unang beses na nakapunta ako sa bahay ng Presidente natin." aniya ko na nagpangiti sa kaniya. I can't help but blush because he's so handsome. Sh*ta nagmumuka tuloy akong baliw sa kaniya.
"Blushing again baby? I know I'm handsome but I'm only yours." nakangising aniya niya dahilan para mas lalo akong mamula dahil sa sinabi niya. Ito talagang lalaking toh!
"T-Tumigil ka nga jan. Puro ka kalokohan!" nahihiyang saad ko bago ako naupo sa kama niya.
"It's been 4 years since i last slept here. I miss this place but i have to leave because this place have a lot of memories with her." aniya niya habang naglalakad siya papunta sa banyo. Hindi ko alam pero medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Ang tinutukoy niya ba ay si Ma'am Avery? Hindi kaya bumalik siya dito para alalahanin yung ex niya? Akala ko ba hindi na pag papanggap ang ginagawa namin? Arggh! Nag ooverthink nanaman ako.
Napabuntong hininga ako bago ko inilagay yung bag ko sa may lamesa. Wala naman akong magagawa kung mahal niya pa si Ma'am Avery. Kumuha ako ng pang bahay na damit at sinimulan ko nang mag hubad. Baka may ginagawa si Lancer sa cr kaya matagal siya bago lumabas.
Ang una kong tinanggal ay yung Offshoulder ko bago yung palda. May binigay sa akin si Ma'am Leanna na ternong damit na pangbahay at sobrang ganda nito. Binili niya daw ito sa France kaya hindi ko na tiningnan yung presyo. Baka kase biglang sumakit ang tiyan ko kapag nalaman ko kung gaano kamahal yun.
Nang matanggal ko na yung dalawa ay nabigla ako ng may humawak sa aking bewang. Mahigpit niya akong niyakap mula sa likuran at hinalikan sa leeg.
"Kakatapos ko lang gumamit ng banyo pero mukang kailangan ko nanamang bumalik. You always make me hard Kathlea, damn buti na lang napipigilan ko pa ang sarili ko. I always remind myself that your tired so I'm taking care of it myself." he said in a deep voice. Nabigla ako dahil sa sinabi niya. He's hard again? Kanina lang ay may ginawa na kaming kababalaghan ah? Malalim ang pag hinga niya dahil nararamdaman ko ito sa aking batok.
"Sorry, nag bibihis kase ako." pag hingi ko ng paumanhin. Bakit ba kase tinitigasan siya kapag nakikita niya yung katawan ko? Yung kalib*gan ng lalaking ito ay wagas.
"Don't be sorry baby. Mag pahinga ka na at susunod na ako mamaya." aniya niya bago siya muling pumasok sa loob ng banyo.
Nang makapasok na siya sa banyo saka lang ako nakahinga ng maluwag. Kinakabahan kase ako kanina dahil baka may mangyari nanaman sa amin.
Nag suot na ako ng damit bago ko binuksan yung cellphone ko. Habang nag i-iscroll ako sa Facebook ay biglang tumunog yung cellphone niya. Alam ko ang password niya kaya agad ko itong binuksan. Nabigla ako nang makita ko yung mga message sa kaniya. Natutuwa ako dun sa message ng iba dahil kino-congrastulate nila si Lancer tungkol dun sa ipinost niya pero may ibang message na pumukaw sa akin.
[Ipinagpalit mo na ako Darling? Akala ko ba babalikan mo pa ulit ako dito sa Nelva Bar.] -Jessica
[Swerte naman nung babae, pero sigurado akong mas magaling ako sa kaniya. I know I'm better in bed than her. Call me if you want me to pleasure you again my love]- Charlyn.
[Who's that girl Lancer? I thought ako lang gusto mo?]- Daisy.
[Kaya pala hindi ka na bumabalik dito sa coffee shop. Basta kapag nag sawa ka na sa kaniya, I'm always here]- Geli.
[Bro sigurado ka na ba jan sa bago mong girlfriend? Akala ko ba gagamitin mo lang yan para maka move on ka dun sa pinsan ko?]- Jules.
[Oww new girlfriend? Pang isang linggo lang ba ulit yan?]- Anderson.
[Another chiks ba yan bro? Tanda mo pa si Cristina? Yung naka one night stand mo sa bar? Gusto ka niya ulit makita.]- Benjamin.
[Bro hinahanap ka ni Kayla, baka daw gusto mo ulit siyang tikman]- Harold.
Hindi ako makapaniwalang ganito ang mga message niyang natatanggap. Marami pala siyang kilalang ibang mga babae? At marami na din siyang naka s*x? Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nasaktan ako dahil marami na pala siyang kilalang babae at nakakachat niya pa ang mga ito. Ang malala ay may nangyari din pala sa kanila. Hindi ko napigilan ang sarili kong lumuha dahil sa aking mga nabasa.
Kahit naman naging boyfriend ko siya ibig sabihin nun mag babago na siya. He's still the his past self, a playboy. Bakit pa ba ako nag taka. He's perfect, too perfect for me. I don't deserve him.
Pinupunasan ko ang aking mga luha nang buksan niya yung pinto ng banyo. Naabutan niya akong binabasa yung mga messages sa cellphone niya. Agad ko itong ibinalik kung saan ito nakalagay at nag punas muli ako ng luha. Kita ko na parang wala lang sa kaniya na nabasa ko yung messages sa cellphone niya kaya hindi ko siya kinibo. Agad kong binuksan yung pinto at lumabas mula sa kwarto niya. Akala ko pa naman hahabulin niya ako para mag paliwanag pero mali pala ako. Hinayaan niya lang akong maka alis. Bakit ganun? Ang sakit.
Nag tanong ako sa isa sa mga maid kung may iba pa bang guest room at dinala nila ako sa kwarto malapit sa kwarto ni Kevin. Halos mag kalapit lang ito kaya okay na. Napapa isip tuloy ako, bakit niya pa inireveal na may girlfriend siya kung hindi pa naman siya sigurado sa akin. Agad kong inalis sa aking isip si Lancer at ipinikit ko na ang aking mga mata. Siguro mag papanggap na lang muli kami mamaya. Ayaw kong malaman nila Tito Lewis, Tita Emily at Kevin na mag ka away nanaman kami.
_
Nagising ako nang tumunog yung cellphone ko. Nang buksan ko ito ay nag uusap pala si Czarina at Hailey. Sa gc pa talaga sila nag usap?! Tunog tuloy ng tunog yung cellphone ko. Online si Lancer, siguro ka chat na niya yung mga babae niya. Dahil sa inis ay pinatay ko na lang muna yung cellphone ko para walang istorbo.
Pinilit kong maka tulog muli pero hindi na ako dinadalaw ng antok. Kaya ang ending ay naglalakad ako ngayon pababa sa hagdan dahil nagugutom na ako. Napansin kong puro maid lang ang nandito sa baba. Wala pa si Kevin siguro tulog pa yun. Mag aalas sais pa lang ng gabi kaya siguro wala pa sila Tita Emily.
"Ma'am may gusto po ba kayong kainin?" tanong nung maid na nakasalubong ko. Agad ko siyang nginitian bago sumagot.
"Opo medyo nagugutom na ako, may pwede na po bang kainin ngayon?" tanong ko rito. Napaka bait naman ng mga maid dito.
"Opo Ma'am, bago pa lang po niluluto yung mga ulam pero nag luto po ako ng carbonara at fried chicken kase akala ko po mag memeryenda si Sir Lancer pero umalis po siya. Mainit pa po yun, sumama po kayo sa akin sa kusina." aniya nito. Umalis si Lancer? Pero gabi na diba? Hindi kaya pupunta nanaman siya dun sa mga babae niya?
Sinundan ko na lang yung maid dahil nagugutom na ako, disperas ng pasko ngayon pero umalis siya. Ipinaghain ako nung isa sa mga maid at ikinuha niya ako ng juice. Tinikman ko ito at nabigla dahil sobrang sarap. Kumain na lang ako ng kumain hanggang sa naramdaman kong may tao sa likuran ko. Nang mapatingin ako dito ay napansin kong ito yung babaeng masamang nakatitig sa akin kanina. Anong ginagawa niya dito? May galit ba siya sa akin?
"Pasensya na sa masamang pagtitig ko sayo kanina. Nagseselos lang kase ako nung nakita ko yung picture mo sa cellphone ni Zachary. Akala ko babae ka niya yun pala girlfriend ka ni Sir Lancer." Seryoso ba siya?
"Si Sir Zach po ba yung tinutukoy niyo? Wala po kaming relasyon, minsan pumupunta siya sa bahay ni Lancer kaya nakikita ko siya." aniya ko. Yun pala ang dahilan kung bakit siya mukang galit sa akin kanina. Akala ko nga nung una may gusto din siya kay Lancer, yun pala jowa ni Sir Zach.
"Pasensya na ulit, selosa kase ako kaya hindi ko napigilan. Kanina pa niya ako tinatawagan para mag paliwag."saad niya. Hindi ako makapaniwalang may girlfriend na pala si Sir Zach. Kapag kase nandoon sila sa mansion ni Lancer ay puro babae ang pinag uusapan nila.
"Okay lang, parehas lang naman tayo." i said before smiling at her. Nang pag masdan ko ito napansin kong maganda pala siya. Ang swerte naman ni Sir Zach dahil loyal sa kaniya itong babaeng ito.
"Alam mo nakaka believe ka. Si Sir Lancer kase kaya siya umalis dito noon ay dahil araw araw siyang pinapagalitan ni Mr President dahil araw araw siya nag uuwi ng babae. Tuwang tuwa si Manang Janeth nang makita niyang matino na ulit si Sir. Paano mo napa amo si Sir?" tanong niya na nagpatawa sa akin. Napa amo? Para namang hayop si Lancer nun.
"Hindi ko siya napa amo, saka hindi pa ako sigurado kung seryoso ba siya sa akin. Malay mo ginagamit niya lang ako para makalimutan si Ma'am Avery." i said before looking away.
"Yung babaeng yun nanaman? Akala ko pa naman naka move on na si Sir, hindi pa pala." saad niya bago niya ako niyakap. Surprisingly mabait pala siya.
"Sige na babalik na ako sa trabaho, mamaya maya lang ay uuwi na sila Mr President kaya kailangan naka ayos na lahat." pag papaalam niya bago ito umalis sa kusina.
Susubo na sana ako muli nung kinakain ko nang may nang may magsalita mula sa likuran ko.
"Oh, who's the pretty girl here." aniya niya. Nang mapatingin ako sa kaniya ay naka pamewang ito habang nakatitig sa akin. Sino yun? Parang ngayon ko lang siya nakita.
"F*ck hindi pala bagay sa akin ang pang lalaking boses, yuck!" he said in a girly voice?! Nabigal ako dahil pang lalaki yung boses niya kanina. Tang*na sayang pagka gwapo niya kung bading siya.
"Bakit ganiyan ka makatitig? Don't tell me naiinlove ka na sa akin? Yuck girl hindi tayo talo noh!" maarteng saad nito. Tama nga ang hinala ko, bading itong lalaking ito. Pero tanong lang, sino siya?!
"Sino ka?" tanong ko rito pero inirapan niya lang ako.
"I'm Stefan Delvero but i prefer if you call me Stefanie. Kapatid ni Mommy si Auntie Emily so basically I'm Lancer's and Ate Leanna's beautiful cousin." Ha? Anak ng kapatid ni Tita Emily?
"O-Okay." yun lang ang aking naisagot dahil sa gulat.
"So who are you? And what are you doing here?" tanong nito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sasabihin ko bang girlfriend ako ni Lancer o personal maid lang.
"Personal maid niya lang ako. Isinama niya ako ngayon dito sa mansion nila Mr President." aniya ko pero he just looked at me suspiciously.
"Okay so single ka pa?" tanong niya. Single pa nga ba ako?
"O-Oo single pa ako, bakit mo naman naitanong?" tanong ko sa kaniya na nagpalawak ng ngiti niya. Ano naman kayang iniisip nitong baklang ito?
"Sakto! Yung Kuya ko kase single at nag hahanap ng girlfriend. Maganda ka at gwapo siya kaya bagay kayo. Halika ipapakilala kita kay Kuya, sigurado akong magugustuhan ka niya." aniya niya bago ako hinila papalabas sa kusina. Kuya? Sino naman kaya yung tinutukoy niya?
Nang makalabas kami sa kusina ay naabutan naming may isang lalaki at isang babae ang naka upo sa sofa. Busy yung babae sa pag ce-cellphone habang yung lalaki naman ay masama lang kami tinitigan. Yun ba yung tinutukoy niyang kapatid niya?
"Kuya diba nag hahanap ka ng girlfriend? Bagay na bagay siya sayo, maganda, makinis at sexy" masayang aniya niya dun sa kapatid. Habang ako naman ay hindi makapaniwalang napatingin sa kanila. Napaka straight forward naman nitong baklang ito!
"Hmm.... she's beautiful, what's your name?" nakangising tanong niya sa akin.
"K-Kathlea Azariah Rosales." nauutal na saad ko. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa akin. Nabigla ako ng hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito.
"Anong ginag-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may sumuntok sa kaniya dahilan para tumumba siya. Nabigla ako nang makita ko si Lancer na masama ang hilatsa ng muka at halatang nakita niya yung ginawa nung lalaki sa kamay ko.
"Lahat na lang ba aagawin mo sa akin Kyler? Kinuha mo na si Avery diba? Don't tell me you have your eyes now in my girlfriend?" he said angrily whiel clenching his jaw. Nakayukom ang kaniyang kamao habang tumatayo si Kyler mula sa pagka tumba niya.
"Kaya pala familiar siya sa akin Kuya, i already saw her, she's Kuya Lancer's girlfriend." aniya nung babae habang nakatutok pa rin sa cellphone.
"Why didn't you tell me earlier?!" galit na aniya ni Stefan sa kapatid.
"If you want to stay in this house you all better behave. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyo pang pumunta dito matapos niyo akong galitin!"
"Is it about Avery? We already broke up man, saka hindi ko naman kasalanan kung bakit mas gusto ako ni Avery kesa sayo." he said smirking. Akmang susuntukin ulit siya ni Lancer nang pigilan ko ito.
"Lancer tama na, pumasok ka na sa kwarto mo." aniya ko pero masama niya lang akong tinitigan. Nagulat ako ng marahas niya akong hinigit papasok sa kwarto niya at itinulak niya ako. Medyo napasama ang pag bagsak ko at napadali sa gilid ng kama niya yung braso ko.
"Aray!" sigaw ko nang bumagsak ako sa sahig. Pero imbis na tulungan niya ako ay marahas niya ako uling hinila at ihiniga sa kama. Anong gagawin ko?
Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa ginagawa niya. Nagiging violente nanaman siya. Ano nang gagawin ko? Nasasaktan na ako sa ginagawa niya.
Napatigil siya nang makita niyang umiiyak ako at dumudugo yung siko ko. Biglang naging maamo muli ang muka niya at nag aalala siyang lumapit sa akin pero itinulak ko siya.
"Huwag mo akong lapitan!" sigaw ko sa kaniya. Nag aalala siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.
"I'm sorry Kathlea, hindi ko sinasadya. Hinalikan niya yung kamay mo kaya hindi ko na nakontrol yung sarili ko." pag hingi niya ng tawad. Bakit niya nagawa sa akin yun?
"I'm so sorry baby, please forgive me." aniya niya bago niya ako hinalikan sa pisnge. Hindi ko siya inimik dahil galit pa din ako.
"F*ck what did i do? Nagkaroon ka ng sugat." nag sisising aniya niya habang nakatingin dun sa sugat ko. Nagulat ako nang magsimula siyang umiyak at yumakap sa akin. Ano naman kayang nakakaiyak at bigla na siyang humagulgol?
"Huwag ka umiyak." mahinang saad ko pero patuloy pa din siya sa pag luha.
"Sorry na huwag ka nang magalit." umiiyak na saad niya. Nararamdaman kong lumalambot ang puso ko dahil sa ginagawa niya.
"Hindi ako galit, gamutin mo na lang yung sugat ko." aniya ko bago nag punas ng luha. Gustuhin ko mang magalit ng matagal sa kaniya pero hindi ko kaya. Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi.
"I'm sorry again baby, sandali lang kukuhanin ko yung First Aid Kit para magamot ko na yung sugat mo" he said before kissing me again bago siya tumayo.
To Be Continue ❅•
Queen_Yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro