PROLOGUE
Prologue
Memphis Veron Pierce Zapanta Rozovsky
"Alam mo?" Simpleng tanong lang 'yon pero nang makita ang galit na galit na mukha ng kapatid ko ay para akong sinabuyan ng nagyeyelong tubig.
Agad akong tumayo at umalis sa babaeng katabi ko. Nagmamadali kong itinaas ang aking pantalon para harapin siya. Kahit na hindi pa niya sinasabi ay may idea na ako kung ano ang tinutukoy niya.
"Ang ano? Tangina, Arcus hindi ka ba marunong kumatok?" Matigas ko ring sagot para pantayan ang galit niya.
"Na mayaman tayo. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Pinigilan kong mapamura dahil doon. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa lababo.
Putang inang mga Rozovsky talaga 'yon! Hindi na nakuntento sa panggugulo sa buhay ko, ngayon pati si Marcus ay ginugulo na rin! Mga putang ina talaga!
"Wala akong dapat sabihin sa 'yo. Hindi totoo kung ano man ang narinig mo."
"Hindi rin totoo ito?"
Nalaglag ang panga ko nang walang sabi niyang ibato sa akin ang mga papel. Nasalo iyon ng kaliwang kamay ko. Marriage contract. Iyon ang nasa kamay ko. Ito rin ang hawak ng mga lalaking tauhan ng Vladimir, Dominov, at Fedor na 'yon. Sabi nila ay pinsan sila ng totoo kong tatay. Pilit nilang sinasabing Rozovsky kami ng kapatid ko at gusto nila kaming kunin pero mga putang ina nila.
Kung akala nila mababawi ng pera ang galit ko sa buong angkan nila ay nagkakamali sila. Namatay si Mama dahil sa lahi nila at wala akong pakialam kung ano ang kaya nilang ibigay sa akin at kay Marcus! Kaya kong buhayin ang kapatid ko at hinding-hindi ko kailangan ng pera nila! Hindi namin kailangan ng yaman nila!
"Mga putang ina talaga. Ayaw pa tayong tigilan. Sinabi ko nang hindi natin tatanggapin ang kung ano mang ibibigay nila."
Nalaglag ang panga ni Marcus at bahagyang napaatras. "Totoo nga? Totoo nga ang sinasabi ng lalaking iyon? Rozovsky tayo? Mayaman tayo?"
"Arcus," sinubukan kong lumapit pero nagmamadali siyang umatras palayo sa akin.
"Hindi natin kailangan ang mga taong 'yon. Hindi natin kailangang magpalit ng pagkatao. Hindi natin kailangan ang yaman nila. Nabuhay tayo ng tayo lang sa loob ng mahabang panahon. Tandaan mo, iniwan tayo ng walang hiyang lalaking 'yon. Nakita natin kung paano naghirap si mama! Kung paano namatay si mama dahil sa kanya—"
"Pero maayos na buhay ang ibinibigay nila sa atin. Hindi natin kailangang mabulok sa putang inang lugar na 'to at laitin ng mga tao!"
Nagsagutan kami ni Marcus. Marami pa siyang sinabi pero isa lang ang napagtanto ko. Kahit anong sabihin ko ay hindi ko na mababago ang nasa utak niya. Hindi ko na siya mapipigilan sa kagustohang yumaman. At mali ako sa desisyon kong itago sa kanya ang bagay na 'yon dahil ngayon, kahit anong paliwanag ko ay mas lalo lang nadadagdagan ang galit niya para sa akin.
"Marcus! Putang ina mo Marcus huwag na Huwag kang sumakay diyan!" Malakas kong sigaw matapos ko siyang habulin palabas.
Ang mga kapitbahay namin ay nagulantang rin sa kaguluhan at sigawan naming dalawa lalo na't naroon sa labas ng bahay ang dalawang magagarang itim na kotse. Ito rin ang unang beses na nag-away kaming magkapatid.
"Memphis, let your brother decide for himself. If he wanted a good life for him, let him be." Sabi ng may-edad na lalaki.
"Putang ina mo! Pati ang kapatid ko bini-brainwash n'yo. Hindi namin kailangan ang yaman n'yo! Marcus! Pumasok ka sa bahay at mag-usap tayo! Putang ina bumaba ka sabi diyan!"
Umiiyak ang kapatid ko at ni hindi na ako kaya pang titigan. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko rin ang pag-iinit ng aking mga mata dahil sa mga nagbabadyang luha.
Ni minsan ay hindi ako umiyak dahil gusto kong maging matatag para sa kapatid ko pero ngayong iiwan niya ako at ipagpapalit din sa mga taong pumatay kay mama? Nasasaktan ako. Parang hindi ko kayang tanggapin.
"Memphis, you can come with us." untag ulit ng lalaki. "Embrace who you really are."
"Marcus!" Sigaw ko ulit sa kapatid ko, walang pakialam sa mga pinagsasasabi ng lalaki. "Marcus, kapag hindi ka bumaba diyan, kalimutan mo ng may kapatid ka! Kalimutan mo na ako!"
Hindi siya natinag. Nanatili siyang matigas at buo na ang loob kahit pa kapalit no'n ay ako.
"Putang ina mo, Marcus Aurelius! Putang ina mong sasama ka sa mga pumatay sa nanay mo! Putang ina mo kang bobo ka magkalimutan na tayo! Huwag na huwag ka nang babalik dito! Simula ngayon wala ka ng kapatid!"
Mas lalo akong nasaktan sa pagbaling niya sa kabilang banda para tuluyan na akong hindi makita.
"Sige! Putang ina ka umalis ka! Lumayas ka na rito at sumama sa kanila! Wala kang utang na loob! Putang ina mo huwag na huwag ka nang babalik!"
Bumaling ako sa matandang naroon at sa mga tauhan niyang nakapaligid sa kanya.
"Huwag na huwag na kayong babalik sa balawarte ko! Isang beses ko pang makita ang mga pagmumukha n'yo ay papatayin ko kayo! Mga putang ina n'yo papatayin ko kayo!" gumaralgal ang malakas kong boses sa magkahalong galit, sakit, at lungkot.
Kusa nang tumulo ang mga luha ko sa pag-alis ng sasakyan dala ang kapatid ko. Nanginginig ang buo kong katawan sa magkakahalong emosyon.
Akala ko ay wala nang isasakit pa ang puso ko pero nang bumalik ako sa bahay at makita ang mga gamit niya ay tuluyan na akong naiyak. Iyong iyak na mas malala pa sa pag-iyak ko noong namatay si mama dahil sa pagkakataong ito ay wala ng dahilan para magpakatatag pa ako... dahil iniwan na ako ng taong dahilan ng lahat ng paglaban ko.
Nang gabing 'yon ay ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi na ako iiyak. Hinding-hindi na ako magmamahal ulit. Hinding-hindi na ako magbibigay ng atensiyon sa kahit na sino pero kung kailan galit at pagod na ako sa mundo ay saka dumating si Chanteau sa buhay ko... at ang lahat ng mga pangako ko ng gabing 'yon sa sarili ko ay tuluyan na ring nagbago.
~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro