Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

Chapter Eight

One Of Us


Kahit na ilang beses akong napamura matapos mahimasmasan at mabasa ang text ko kay Chanteau kagabi ay hindi ko naman iyon pinagsisihan. Tingin ko kasi kahit matino ako ay masasapak ko talaga ang kahit na sinong lalaking makikita kong kasama niya sa susunod na magtagpo ang mga landas namin. Sabihin ng gago ako dahil daig ko pang naging asawa niya pero hindi na bale. Wala akong pakialam dahil nakakagigil talaga. Mas okay pang huwag na siyang magpakita sa akin habang buhay kaysa naman makita ko siyang may kasamang iba.

"Saan ka pupunta?" kunot noo kong tanong kay Arcus nang sa unang pagkakataon ay mapansin ang mga magaganda niyang suot.

Alam kong may magandang trabaho na si Arcus bilang model at masaya ako para sa kanya pero hindi mawala sa akin ang pagdududa lalo na sa lalaking bukambibig niya ngayon na Si Jerwin. Iyong taga Bayagbayag ding tropa noon na maganda na ang buhay pero alam ng lahat kung paano nagbago ang buhay niya. Naging call boy ito at tumitira ng mga matatanda't mayayamang matronang tigang at hanggang ngayon ay doon niya binubuhay ang kanyang asawa't pamilya.

Wala naman akong pakialam dahil kanya-kanya namang hassle at swerte sa buhay pero hindi ko gustong mapalapit ang kapatid ko do'n. Kahit na ganito lang ang buhay namin ni Arcus ay ayaw ko namang ibenta niya ang sarili niya para lang sa pera. Wala man masyadong bigat ang pakikipagtalik sa kung sino-sino sa gaya naming mga lalaki, pero para sa akin ay mas mababa pa rin 'yon sa kung anong karahasang ginagawa ko ngayon.

"May pasok ako kuya. Nga pala, bumili ako ng isang sakong bigas. Ang bait no'ng boss ko, eh. Binigyan ako ng extra bawal daw kasi akong pumayat kaya nagbigay ng pang-grocery.
Madaling kausap."

Matagal kong sinipat ang kabuuan niya habang hinihigop ang kapeng hawak ko. Maganda na talaga ang pormahan ni Arcus. Ibang-iba na kumpara noong nakaraan at maging ang pabango niya ay amoy legit at mamahalin na. Pati ang aura niya ay parang laging masaya at ganado sa buhay.

"Mukhang marami kang pera, ah. Talagang ayos na ayos yata 'yang trabaho mo."

Lumawak lalo ang ngiti niya habang patuloy na inaayos ang buhok sa harap ng salaming may basag na sa magkabilang gilid.

"Sobrang ayos, kuya! Feeling ko ito na talaga magpapayaman sa 'tin."

Halos mabilaukan ako dahil sa narinig pero kinalma ko ang sarili. Sanay na akong ganito si Arcus at kadalasan binabalewala ko lang pero ngayong nakikita ko na ang posibilidad na matupad ang pangarap niyang maging mayaman ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Itinawa ko na lang ang lahat.

"Mukha ka na ngang mayaman diyan sa suot mo."

"Bagay ba? Ang sabi do'n sa divisoria class aaa daw 'to kaya binili ko na. Mukha bang legit?"

Tumango ako.

"Wala naman talagang hindi babagay sa gandang lalaki natin. Kahit fake nagiging branded kapag tayo na ang nagsuot."

Sinakyan ko na lang ang lahat ng mga sinabi ni Arcus dahil ayaw kong mag-away kami. Sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya kahit na masaya naman ako ay parang may kung ano pa ring palaging bumubulong sa akin na huwag siyang suportahan. Pakiramdam ko kasi ay napapalayo siya sa akin at mapapalayo pa kung sakaling magtuloy-tuloy.

Kapag nakuha na kasi ni Arcus ang lahat ng gusto niya't pangarap ay hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko. Kapag nasa kanya na ang lahat at alam niya nang buhayin ang sarili sa paraang gusto niya ay hindi na niya ako kailangan. Naiisip ko pa lang ay nasasaktan na ako.

Umalis na rin ako ng bahay sa pag-alis ni Arcus at niyaya na lang si JK sa club. Game na game naman ito palagi kaya hindi ako nawawalan ng kasama.

"Mukhang big time na si Arcus! Usap-usapan na sa Bayagbayag na naka-jackpot na sa trabaho. Mas lalo tuloy kinababaliwan ng mga babae ngayon kasi laging maayos ang porma mukhang hindi na raw taga-iskwater tapos lagi pa raw mabango."

Nagtangis ang bagang ko sa narinig pero imbes na iwasan iyon ay minabuti kong maglabas ng sama ng loob kay JK na alam kong tanging makakaintindi sa akin. Sinabi kong masaya ako at malungkot dahil sa nangyayari kay Arcus at nagpapasalamat akong naunawaan niya ang nararamdaman ko.

"Ayos lang 'yan, MVP! Hindi rin naman tamang habang buhay nakadepende sa 'yo si Arcus. Mas mabuti pa nga 'yang ganyang may sariling pagsusumikap para naman hindi maging pabigat sa 'yo habang buhay. Hindi gaya ng mga kamag-anak ng nanay kong umaasa lang palagi sa hingi at hindi magawang magbanat ng mga buto mga putang ina. Mga pabigat lagi palibhasa hindi matanggihan ni mama,"

"Huwag ka nang masyadong mag-alala kay Arcus. Kung yumaman nga siya eh 'di mabuti at magiging maayos ang buhay niya nang sa gano'n makapag-focus ka na rin sa sarili mo. Tumatanda ka na hindi ka pa nag-aasawa."

"Parang ikaw may asawa na kung magsalita ka."

Natawa si JK at nailing. "Madali lang mag-asawa pero ikaw iba ka eh! Mapili ka at hindi basta-basta bumibigay sa kahit kaninong butas! Kahit lasing namimili ka eh! Kailangan pang pilitin para matikman ng mga babae tapos 'yung mga trip mo may lahi tsaka mukhang limited edition na mahirap hanapin. Kailangan mo talaga ng oras para d'yan at hindi mo 'yan matututukan kapag palagi mong inaalala si Arcus. Malaki na 'yon at kayang-kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya. Suportahan mo na lang."

Kahit na hirap akong lunukin ang lahat ng mga sinabi ni JK ay kahit paano'y nahimasmasan ako. Naisip kong tama siya dahil kahit na iniwan sa akin ni mama si Arcus at ang responsibilidad bilang kuya nito ay hindi ko naman hawak ang buhay niya. Wala akong karapatang diktahan siya sa mga gusto niyang gawin at ang tanging dapat ko lang gawin ay gabayan siya sa kahit anong daang gusto niyang tahakin.

Nakatulong ang pag-uusap namin ni JK para maibsan ang mga alalahanin ko. Nang yayain niya ako sa VIP room ay tumanggi ako at sinabing hihintayin na lang siyang matapos kahit na libre raw niya ang kahit na sinong babaeng mapipili ko. Hindi naman ito nagpumilit.

Nagpatuloy ako sa pag-inom at panunuod sa mga babaeng sumasayaw ngayon. Kahit na imposibleng mapunta sa club na 'to si Chanteau dahil iba ito sa club kung saan kami unang nagkita ay parang baliw ang utak kong siya ang hinahanap at gustong makita. Naiiling na lang ako sa tuwing nakakakita ng mga may lahing pumapasok sa entrance ng club.

Tahimik kong naubos ang isang bucket ng beer at ilang stick ng yosi. Malalim pa rin ang isip ko't mga pag-aalala kay Arcus, sa sarili, at maging kay Chanteau kaya hindi ko namalayang napalibutan na pala ako ng mga lalaking hindi ko na alam kung saang parte ng club nanggaling.

Tumayo ako at inihanda ang sarili para lumaban o kahit tumakas pero nang humawi ang mga lalaki sa aking harapan at makita ang isang pamilyar na mukha ay natigilan ako. Awtomatiko kong naikuyom ang mga kamao nang muling matitigan si Vladimir Rozovsky.

Ilang beses na kaming nagkita ng lalaking ito. Naalala ko ilang araw matapos mamatay si mama ay dumalaw din siya pero ipinagtabuyan ko silang lahat. Kahit na wala pa akong kakayahang manakit no'n ay isinumpa ko silang lahat dahil sa galit ko. Ilang taon ang nakalipas, walang pinagbago ang nararamdaman ko para sa mga ito. Wala akong maramdaman kung hindi galit sa buong angkang kinabibilangan niya.

"Memphis Veron Pierce, I know you are tired of me but we're not here to argue."

Marahas kong nilunok ang bumara sa aking lalamunan nang lumabas pa ang isang lalaki sa likuran niya. Hindi gaya ng kanyang mga tauhan, ang isang ito ay ka-edad niya't maganda rin ang pustura. Ang tindig at pangangatawan ay matikas pa rin kahit na may mga edad na.

"This is Dominov, we're all your father's cousin—"

"Ganyan ba kayong mga Rozovsky? Hindi masabihan na isang beses at hindi makaintindi ng salitang wala akong pakialam sa inyo at tantanan n'yo ako?"

"MVP—"

"Huwag mo akong tawaging MVP dahil hindi kita kilala at ayaw kitang makilala!" Hiyaw ko sa pagmumukha ni Vladimir na kahit galit na galit na ako at handa nang sumabog ay kalmado pa rin sa aking harapan.

Nilingon ko ang mga lalaking kasama nila at alam kong mga armado ito. Akmang lalagpasan ko sila't iiwan pero hinarangan ako ng lalaking tinawag niyang Dominov. Mas lalong nagngitngit ang panga ko.

"Umalis ka sa daraanan ko dahil hindi ako magdadalawang-isip na saktan ka kahit na sino ka pa."

"We're not here to argue and fight with you, MVP. Gusto ka lang naming makausap dahil alam kong ito rin ang gusto ni Viktor—"

"Wala akong kilalang Viktor at wala akong pakialam kung sino ang putang inang 'yon."

Gumalaw ang kanilang mga tauhan, sa lahat ay parang ang mga ito ang nauubusan ng pasensiya sa akin. Nanatili akong matikas at taas noong nakatindig, handa sa kanilang lahat.

"There's no need to be this stubborn and mad. We all came here in peace," ani Dominov pagkatapos ay naupo sa couch na inuupuan ko.

"I know you hate us, but that will not change the fact that you're one of us. Sa ayaw mo at sa gusto ay iisang dugo lang ang nananalaytay sa atin. You can't escape and get rid of being a Rozovsky."

"Hindi ako Rozovsky at hindi ako kailanman magiging Rozovsky." Mariin ko pa ring tutol.

"And why is that? Talaga bang kuntento ka na sa ganitong buhay na kung tutuusin, pwede ka namang mamuhay gaya ng pangarap sa 'yo ng mga magulang mo? Ni Pilar?"

"Huwag mong idadamay ang nanay ko!" Susugurin ko na sana ito pero mabilis akong naharangan ng kanilang mga tauhan.

Hinawakan ni Vladimir ang balikat ko pero marahas kong hinawi ang kamay niya. Nalaglag na ang kanyang magkabilang balikat.

"I knew you'd still be the same. You still hate the thought of you being one of us because of what happened, but you are a Rozovsky, MVP. And you may try to outrun it, but you'd still end up being one. Hindi na namin maiaalis ang galit sa puso mo pero gusto naming maintindihan mong kaya kami narito dahil pamilya tayo. We all want the best for you and we couldn't just abandon you. That's against Viktor's will and he will never be in peace if you stay in place like this."

"He can burn in hell. Kahit magsama-sama kayong lahat sa impyerno, wala akong pakialam. Kahit anong gawin n'yo ay hinding-hindi n'yo mabibilog ang isip ko kaya huwag na kayong mag-aksaya pa ng oras na kumbinsihin ako dahil kahit kailan hinding-hindi ako magpapaulol sa mga taong pumatay sa nanay ko! Hindi ko kailangan ng kayamanan n'yo!"

Napatayo si Dominov sa talas ng mga salita ko mabuti na lang at agad naharangan ni Vladimir  kaya nahinto ito.

"We respect your decision, but know that you can always count on us."

Mas lalong tumalim ang titig ko sa kanya nang abutin niya ang basong laman ang alak ko kanina at walang sabi iyong tinungga bago magpatuloy.

"If one day you found yourself with nothing, come find us. Hinding-hindi ka namin tatanggihan dahil mananatili kang parte ng ating pamilya. Your father provided you with wealth that you needed in this lifetime and even generations to come. You are a Rozovsky, MVP. Kayong dalawa ni Marcus Aurelius at maghihintay sa inyo ang lahat ng iniwan ni Viktor." Aniya pagkatapos ay walang sabi nang tinanguan si Dominov at ang kanyang mga tauhan tanda na aalis na sila.

Kahit na gusto kong magwala ay hindi na ako nakagalaw lalo na dahil sa kanyang mga huling sinabi. Nanghihina akong napabalik sa upuan nang tuluyan na silang mawala sa aking paningin. Kahit na gusto ko silang sugurin at pagsasapakin ay wala na ring saysay.

Walang hinto kong tinunggan ang mga natitirang bote ng alak sa aking harapan. Ang galit sa aking buong pagkatao ay hindi na nawala.

Mga putang inang Rozovsky 'yon. Isa pang balik nila't pangungumbinsi sa aking sumama sa kanila ay hindi na talaga ako magdadalawang-isip na pumalag. Papatayin ko sila. Dapat noon ko pa ginawa para makaganti man lang kay mama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro