Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Chapter Five

Bad And Illegal

Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari ang lahat ng 'yon kagabi. Hindi ako makapaniwalang sa unang pagkakataon ay may babaeng pumukaw sa atensiyon ko at makakapagpabighani sa akin ng todo.

Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatitig sa tissue na ibinigay sa akin ni Chanteau. Parang buong gabi at umaga ko na iyong tinititigan pero wala pa rin akong lakas ng loob na tawagan siya o kahit i-text man lang.

Hawak ko iyon sa kanan kong kamay habang sa kaliwa naman ay ang telepono ko pero ni isang numero ay hindi ko mailagay. Nagpa-load na nga ako kanina pero talagang wala akong lakas ng loob. Kahit na positibo ang mga nangyari sa pagitan namin ay hindi pa rin maiwasan ng utak kong balansehin ang mga pangyayari at ang realidad.

Napakaganda ni Chanteau at sigurado ako do'n kahit na wala ni isang patak ng alak sa sistema ko. Siya na nga yata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa tanang buhay ko. Mukhang inosente, ang kilos, hitsura, at  pananalita ay talagang halatang laki sa yaman. Hanggang ngayon nga naiisip ko kung totoo bang pinansin ako no'n at kinausap. Kahit na aware akong magandang lalaki ako, ang mga gano'ng klase ng babae ay hindi pa rin basta-basta nakikipag-usap sa tulad kong mahirap.

"Huy! Ayos ka lang? Anong petsa na tulala ka pa rin? Tinawagan mo na ba 'yong chiks? Anong balita? Magiging scorer na ba ako mamaya?!"

Mabilis kong naitago ang mga hawak nang bumungad sa pintuan namin si JK na ang ngisi ay abot hanggang mars.

"Ay puta, huwag mong sabihing hindi mo pa tinatawagan?"

Naupo ako sa mahabang kahoy naming upuan para bigyan siya ng espasyong makaupo sa tabi ko.

"Anong nangyari? Lasing lang ba kaya hindi nagre-reply? Pero mukhang morning person naman 'yon. O baka talagang hindi mo pa natatawagan?"

"Psh. Bakit ka ba nandito? Mamaya pa ang usapan nating magkikita. Ang aga-aga pa."

Mas lalo siyang nangisi. "Bakit mo binabago ang usapan? Hindi nga? 'Di mo pa tinext si Miss French fries, 'no?"

"Hindi french fries ang bigkas no'n! Bobo mo talaga!"

"Sinong i-te-text?" Natigil kami't napabaling kay Arcus na kakamot-kamot pa sa ulo matapos lumabas sa kwarto namin, mukhang naalimpungatan sa bunganga ko at ni JK.

Dumiretso siya sa lababo at nag-init ng tubig para sa kape. Awtomatikong pinaghanda niya na rin kami.

"Ito kasing kapatid mo mukhang na love at first fight kagabi do'n sa magandang French girl na nakilala sa bar! Binigay 'yong number pero mukhang natotorpe 'tong kapatid mo."

"Weh? Si kuya may na-trip-an na chiks? Parang imposible 'yan. Hindi nagkakagusto 'yan lalo na sa mga pokpok."

"Gago hindi pokpok 'yon! Totoo ang sinasabi ko, Arcus! Napadpad lang eh, pero basta sobrang ganda talaga no'n baka maglaway ka kapag nakita mo! Naunahan lang ako ni MVP pero mukhang natamaan talaga 'to kaya pinaubaya ko na."

Lumipat ang tingin sa akin ng nakakunot noo kong kapatid, nanatiling tikom ang bibig ko.

"Gaano ba kaganda Jung Kook? Mas maganda ba sa Laurel ko? Doon lang ako naglalaway, eh."

"Sobrang ganda. Tisay, matangkad, pang-model 'yung katawan tsaka halatang high class, mayaman at palaging mukhang mabango."

"Hindi tipo ni kuya ang mga mayayaman."

"Parang tipo eh! Ang tagal nilang nag-usap kahit nga raw kabado kasi englishera itinodo pa rin! Natamaan nga 'to, sinasabi ko sa 'yo!"

"Nagpapaniwala ka dito kay JK. Lasing lang 'to."

"Talaga ba MVP? Ako pa ang pinagmumukha mong sinungaling? Akin na nga 'yang tissue at ako na ang tatawag—"

Nagmamadali akong tumayo nang akmang kukunin siya sa bulsa ko ang tissue na may number ni Chanteau. Napahalakhak ito dahil sa naging reaksiyon ko. Tinulungan ko na lang si Arcus para manahimik sandali si JK. Mabuti na lang at nagbukas ng topic ang kapatid ko tungkol sa liga kaya doon umikot ang usapan hanggang sa makaalis ang lalaki.

"Pero 'di nga? Totoo ba?"

Inilabas ko ang tissue at ipinakita sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Arcus do'n, halata ang tuwa para sa akin.

"Totoong sobrang ganda?"

"Sobra-sobra." Mayabang kong sagot habang tinatapos ang kape.

Tinapik niya ang balikat ko. "Oh, eh bakit ayaw mo pang tawagan? Mukhang okay naman, ah? Hindi ka bibigyan ng number no'n kung hindi ka rin trip kuya kaya tawagan mo na!"

"Mayaman 'yon. Kahit magustohan ko, hindi pwede."

"Sus! Ayan ka na naman! Hindi naman sa yaman nasusukat ang lahat ng bagay. Malay mo siya na 'yung para sa 'yo kaya huwag mo nang palagpasin! Sign na nga na ngayon ka lang nagkagusto eh! Tawagan mo na para makapag-asawa ka na't magkaanak kaagad ng lima!"

Muntik ko na siyang mabatukan dahil do'n pero sa huli ay hindi ko pa rin nagawa.

Ilang araw ang lumipas ay nakalimutan ko na ang tungkol kay Chanteau. Naging matimbang ang insecurities ko kaya pilit ko na lang kinalimutan kahit na 'yon ang inuutos ng puso ko.

Ang totoo, hindi naman ako galit sa mga mayayaman. Ang ayaw ko lang ay 'yong pakiramdam na nanliliit. At kahit na tama si Arcus na hindi lang sa kayamanan nasusukat ang lahat ng bagay, ayaw ko pa ring sumubok lalo na't nasaksihan ko kung paano no'n nasira si mama.

Kung hindi siguro mayaman ang ama ko ay baka buhay pa ito at masaya kami. Mahirap pa rin siguro pero mas mabuti na 'yon kasya ang wala si mama. Iyon nga lang, kahit na anong gawin ko ay hindi na maibabalik pa ang buhay niya. At ang mga mayayamang 'yon ang pumatay sa kanya kaya hindi ako magpapadalos-dalos lalo na sa ganito. Ayaw kong maranasan ang lahat ng hirap na dinanas niya dahil lang sa pagmamahal ng taong malayo ang agwat sa kanyang mundo.

Totoong langit at lupa sila at mahirap ang gano'ng siste. Kahit na sabihin nating aayon ang tadhana na mahuhulog ang loob ko sa isang mayaman, hindi pa rin sapat ang pagmamahal para tumibay iyon dahil mahirap ang magmahal ng taong wala kayong pagkakaparehas lalo na sa estado ng buhay. Sa club pa nga lang hindi na siya bagay, sa lugar pa kayang ito? Hindi. At gano'n din ako.

Kahit na mahirap ay pipiliin ko pa rin ang lugar na 'to kaysa sa mundong wala akong alam at palagi akong magiging maliit. Mas mabuti pang manahimik na lang ako rito. Hindi lang naman siya ang babae sa mundo at sigurado akong darating pa rin sa akin ang para talaga sa akin at hindi 'yon Chanteau.

Pero kung kailan naman handa na akong kalimutan siya at hindi ko na naiisip ay saka naman kami mas lalong pinaglalapit ng tadhana.

"Hello? Sino ulit 'to?" Pag-uulit ko pagkatapos sagutin ang tawag ng unknown number isang hapon.

"It's Chanteau. Chanteau Françoise, the girl you met at the club? This is MVP, right? Memphis Veron Pierce?"

Saglit akong natulala pero nang makita ang ngisi ni JK at Marcus ay may naintindihan ako. Ang mga gago ay alam kong nag-usap para sa pagkakataong ito. Sila ang dahilan.

"I'm sorry, aren't you expecting my call? Your friend told me to call you since I didn't hear a thing from you."

"Ahh. Sorry, medyo na-busy lang talaga kaya nakalimutan ko."

Tumalikod ako dahil kahit na naiirita ako sa dalawang nakangising aso ay may parte pa rin sa akin ang sobrang natutuwa narinig pa lang ulit ang boses niya.

Tangina, boses pa lang napakaganda na.

"It's okay! I was at the same place yesterday and I bumped into your friend, busy ka nga raw. So, anong pinagkaka-busy-han mo?"

Shit. Dapat ko bang sagutin? Ano naman ang isasagot ko? Busy sa pagnanakaw at pagiging halang ang kaluluwa? Tangina, bakit feeling ko kailangan kong magpa-impress?

"Wala naman. Ikaw ba? Parang bored na bored ka at talagang tinawagan mo ako."

Naglakad na ako palayo sa dalawang tsismosong kumag dahil alam kong hindi ako tatantanan ng mga ito at baka may masabi pa akong masama sa kausap ko.

"I told you I have no friends here and I don't think I can be friends with anyone anymore after you told me not to trust strangers."

"Huwag mong intindihin 'yong sinabi ko. Ayos lang 'yan basta mga kauri mo ang kakaibiganin mo."

"What do you mean by that?"

Napabuntong-hininga ako. Hindi ako sanay na magsinungaling at naiirita ako sa sarili ko dahil buong buhay ko totoo akong tao pero ngayon parang gusto ko ng himala para mabago ang landas ko para kay Chanteau.

"I mean makipagkaibigan ka sa mga tulad mong mayayaman. Safe ka do'n. Huwag sa mga katulad kong mahirap."

"Is that how you view people with wealth? Na dapat kapag mayaman sa mayaman lang nakikipagkaibigan? And sorry, but I have to disagree because I don't think there's wrong with being friends with poor people unless you're doing bad and illegal."

"Exactly. Dapat hindi ako ang kinakausap mo dahil hindi mo ako kilala. Paano kung masama talaga akong tao at gumagawa ako ng ilegal?"

Hindi ko naiwasang malungkot sa pananahimik niya sa kabilang linya.

"Sige na, Chanteau. Pasensiya ka na pero hindi ko kayang makipagkaibigan sa 'yo. Masyado kang mataas at wala tayong pagkakaparehas—"

"And now you're being rude. Bakit parang sa tingin mo masama kaming mayayaman? Bakit masyado kang nanghuhusga."

"I'm just telling the truth. Kahit anong sabihin mo hindi rin bagay sa 'yo ang makipagkaibigan sa tulad kong hampaslupa."

"Now you're being an asshole."

"I am and I'm sorry to disappoint you. Ibababa ko na ang tawag. It was really nice meeting you pero sana ito na ang huli nating pag-uusap. Goodbye, Chanteau."

Kahit na nagpaalam na ako't agad na tinapos ang sarili kong mga ilusyon ay may parte pa rin sa puso ko ang umasang magmamatigas siya para makahingi ako ng tawad at makapag-umpisa ulit kami pero hindi iyon ang nangyari. Imbes na sumagot pa ay tunog na lang sa kanyang linya ang narinig ko hudyat na tapos na ang tawag dahilan para bumagsak ang magkabila kong balikat at magsisi sa mga sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro