CHAPTER 4
Chapter Four
Limited
Inilagay ko ang lahat ng pera sa bangko at kumuha lang ng limang libo para sa panggastos namin ni Arcus. Tuwang-tuwa ito nang bigyan ko ng isang libo at kahit na gustong magtanong kung bakit hindi ako nakauwi kagabi ay hindi na lang nagsalita.
Pagkatapos sa bar at sa babaeng binili sa akin ni JK ay nagpatuloy ang inuman namin hanggang sumikat ang araw. Sa bahay na rin nila ako nakatulog kaya ngayon lang nakauwi. Itinulog ko ulit ang sakit ng ulo at gabi na nang muling magising.
"Aling Narda, may tocino kayo?" Tanong ko matapos magising at pumunta sa tindahan nito para bumili ng hapunan.
"Wala na MVP. Sa kabila ka na lang bumili." Masungit na sagot ng matanda.
"Gano'n ba. Eh, 'yang de lata magkano?"
"Nabili na 'yan. Babalikan na lang daw ni Tanying mamaya."
"Grabe ka naman Aling Narda. Ayaw mo ba akong pagbentahan?"
"Nabili na nga. Sa kabilang tindahan ka na lang bumili MVP at nag-iinit na naman ang dugo ko sa 'yo."
"Sayang magbabayad pa naman sana ako ng utang ngayon. Kakasahod ko lang kay Kapitan Jimin."
Natataranta siyang napatayo para lapitan ako nang iwagayway ko ang isang bagong libo.
"Dalawang kilong bigas, limang ligo, isang purefoods, dalawang kahang marlboro at sampung itlog ang utang mo. Akin na ang bayad."
Lumayo ako at umiling. "Sayang Aling Narda. Sinabi mo pa kasing sa kabilang tindahan bumili, masunurin pa naman ako."
"Aba't tarantado ka talaga, MVP! Magbayad ka na ng utang mo at humahaba na ang listahan! Hindi ka na talaga makakautang sa 'kin."
Natatawa akong napakamot sa ulo imbes na patulan ang matanda. Ang totoo, kabisado ko na itong maglambing at kahit na minsan ay napupuno na rin talaga sa mga kagaguhan ko, kapag alam niyang walang-wala talaga kami ni Arcus ay nagpapautang pa rin. Puro daldal lang talaga pero marupok pagdating sa aming magkapatid.
"Sungit mo talaga sa personal, Aling Narda. Nireregla ka pa ba?"
"Hinayupak ka talagang gunggong ka!" marahas niyang kinuha sa kamay ko ang isang libo at pagkatapos ay kinuwenta ulit ang mga nautang ko nitong nakaraan na karamihan ay nakuha ko sa kanyang dalagang anak na may gusto sa akin.
"Ilang tocino ba at mayroon pa pa lang natira rito."
"Huwag na Aling Narda baka sumakit pa tiyan ko sa sama ng loob mo, eh."
"Gunggong ka."
"Para ka naman kasing pabago-bago, nagbabayad naman ako ng utang. Delay lang talaga madalas pero at least nagbabayad."
"Nagbabayad para makapangutang ulit!"
"Aba syempre mindset din minsan! Para ka namang bobo niyan, Aling Narda."
Nailing na lang ito at natawa. "May ulam pa kaming natirang hayop ka. Huwag ka ng gumastos at kunin mo na lang."
Napangisi ako. "Luto ba ni Janina 'yan? Baka kapag ikaw may gayuma, eh. Duda pa naman ako palagi sa 'yo Aling Narda. Ngayon pa lang sinasabi ko nang ayaw kong pumalit sa namatay mong asawa, ha? Masyado ka namang swerte kung matitikman mo ako. Pero kay Janina, pwedeng-pwede."
"Siraulo ka talagang gunggong ka! Pumasok ka na nga lang at kung ano-ano pa ang sinasabi mo diyan baka magbago pa ang isip ko!"
Natawa na lang ako't sinunod siya. Nasa loob si Janina at nahinto sa pag-aaral dahil sa pagdating ko. Kahit na hindi naman dapat ay pinaghain ako nito at sinabing doon na lang din kumain. Hindi na ako tumanggi.
Ganito madalas ang siste sa mga dalagang narito sa amin kahit pa iyong may mga asawa na. Kahit na isang kahig isang tuka kami ni Marcus ay baliw na baliw pa rin naman ang halos na lahat ng babae sa amin dahil totoong magagandang lalaki kami at parang artista ng Sitio Bayagbayag. Kahit na marami akong pwedeng pagpilian sa kanila at marami na ring naikama ay wala ni isa ang nagpapirmi sa akin.
"Ayos ba 'yong nakuha natin noong nakaraan?" nakangising tanong ni Jung Kook nang magyaya na naman itong mag-inom kinagabihan.
Abala ang mga BTS boys sa malaking raket dahil tatlong mga sports car ang balak nakawin ng grupo ngayong linggo kaya wala munang ibang maliliit na raket.
"Pwede na."
"Napaka-choosy mo talagang halimaw ka! Sabi ni Trishie nakailang rounds daw kayo, ah! Bakit parang hindi ka naman nag-enjoy?"
"Sakto lang."
"Ano nga? Parang gago ayaw mag-share ng experience! Gusto ko lang malaman kung ayos ba para matikman ko rin pagbalik."
"Pwede na. Masarap gumiling, maganda ang katawan kaya magugustohan mo rin 'yon."
"'Yong sa 'kin ba ayaw mong tirahin din? Malupit 'yon sa helicopter tsaka ang galing sumubo! Makakailang pop ka do'n sa bunganga pa lang."
"Ayos lang ako. Pahinga muna."
Natawa si JK dahil talagang halatang wala akong interes sa mga sinasabi niya. Mabuti na lang at dumating sila Arjo kaya hindi na ako nito nakulit.
Maligalig ang ilaw sa bar. Maingay ang mga baklang nagsasalita sa harapan at masaya ang mga kasama ko pero hindi talaga ako makasabay. Nitong mga nakaraan ay ang lalim ng mga iniisip ko. Siguro ay dahil noong nakaraan ay ibinalita sa akin ng kapatid kong ikinasal na ang dalawa sa mga naging kaibigan namin noong grade six at ngayon ay maayos na ang buhay. Bilib na bilib kasi si Arcus sa mga gano'ng achievement ng ibang tao. Minsan ay naiirita ako dahil madalas doon napupunta ang usapan namin pero hinahayaan ko na lang. Nirerespeto kong matayog ang pangarap niya at kahit na imposible ay malaki ang paniniwala niyang mangyari iyon.
Nang hindi ko na makaya ang mga pag-iisip ay nagpaalam muna akong lalabas upang manigarilyo at manahimik sandali. Nakadalawang yosi ako baka bumalik sa loob pero imbes na dumiretso pabalik sa lamesa namin ay parang may kung anong humila sa mga mata ko patungo sa bar area kung saan nakaupo ang isang mestisang babae na halatang ngayon lang napadpad sa lugar na ito.
Oo at ang mga babae sa bar ay mga nakaayos at mga nakasuot ng halos kita na ang mga kaluluwa pero ang babaeng pinagtuonan ng mga mata ko ay halata mong hindi akma sa lugar. Kahit na ilang dipa ang layo ko sa kanya ay parang naaamoy ko ring ang kanyang mabangong katawan.
Hanggang bewang ang kulay brown niyang buhok. Maliit ang mukha, matangos ang ilong at napakaganda ng mga labi. Kahit nakaupo ay mukhang matangkad ito.
Wala sa sariling napalunok ako nang bumaba ang mga mata ko sa kanyang katawan. Kahit na hindi siya nakasuot ng sexy na damit ay kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. Mas sexy pa siya sa mga babaeng nasa paligid at mukhang mamahalin. Ang legs ay napakakinis rin.
Lutang akong naglakad palapit. Maraming magagandang babae na akong nakita sa tanang buhay ko pero ang isang ito ay parang daig pa ang artista o iyong mga nag-mo-model sa telebisyon. Mas lalo akong namangha sa kanyang kagandahan matapos maupo sa kanyang tabi. Kahit na wala sa utak ko ang gumastos ay napabili ako ng shot ng tequila para lang hindi maging halatang siya ang ipinunta ko rito.
Tahimik itong nanunuod sa stage. Tumatawa sa mga baklang nag-so-show. Sa kanyang mga ngiti ay para akong nakakita ng kayamanang ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Daig pa ang mga pera at alahas na nakukulimbat namin sa kada raket kasama ang BTS boys.
Putang ina, napakaganda ng babaeng 'to. Saang sulok ng langit siya nanggaling?
"Excuse me, are you okay?" pukaw niya sa utak kong napunta na sa kung saan, hindi ko na napansing nakatitig na siya sa akin ngayon.
Putang ina, englishera pa mukhang mapapasabak 'yung limited kong english.
"Okay lang ako. Sorry, madalas ako rito pero parang ngayon lang yata kita nakita?"
Nalukot ang kanyang noo. Tangina ulit, hindi ako naintindihan.
"I said, I'm a regular here... Ah... how about you?" gusto kong batukan ang sarili dahil hindi 'yon ang gusto kong sabihin pero hindi ko masabi dahil limited edition lang ang laman ng utak ko ngayon.
"My car had some trouble near this place and I just decided to come here instead of being frustrated. This place is nice."
"Ahh... okay, cool. Good for you. Hehe."
Lumawak ang ngiti niya. Natungga ko naman ang laman ng hawak kong shot glass dahil namomroblema akong hindi ko na alam ang mga susunod na sasabihin. Um-order ulit ako ng isa pang shot habang nagngingitian kami.
Tangina, tama ba 'tong ginagawa ko? Napagastos na ako na-realized ko pang bobo ako.
"I'm Chanteau Françoise by the way. Just call me Chanteau."
Parang nahilo ako sa pagbigkas niya ng pangalan niya.
Shantay French toast? Ano daw?
"Memphis Veron Pierce. You can call me MVP for short."
"Nice to meet you, MVP."
Muntik ko nang makagat ang labi ko nang ilahad niya ang kamay sa aking harapan. Hindi ko pa man nahahawakan ay alam ko nang napakalambot no'n! Hindi ako nagkamali. Parang marshmallow sa lambot ang palad niya at matagal bago ko iyon nabitiwan.
"Same to you."
Lord, what if ito na lang ang ibigay mo sa 'kin? Dudugo araw-araw 'yung ilong ko pero mukhang kaya ko namang igapang.
Tumagal ang titig niya sa akin. Hindi ko maiwasang maasiwa dahil sa pagtitig niya ay parang nanliliit ako. Nakahinga ako sandali matapos niyang bitiwan ang kamay ko.
"Are you here alone, too?" Tanong niya.
"No. I'm with my friends over there. You know they love to walwal."
Sa pagkunot ulit ng noo niya ay napakamot ako sa aking kilay.
"This is not meant to be, Miss. Sorry pero kailangan ko ng umalis at baka ito pa ang ikamatay ko. Hindi tayo magkaintindihan eh."
Tatayo na sana ako pero hindi ko nagawa nang pumihit siya ng mas maayos paharap sa akin.
"I just got here. I was born and raised in France, but I do understand tagalog. I'm just messing with you. Pilipina ang nanay ko at nagsasalita ako ng tagalog."
Muntik ko na siyang mamura dahil doon. Kahit paano ay lumuwag ang paghinga ko sa nalaman.
"Aalis na sana ako buti na lang sinabi mo."
Natawa siya. "Bakit? Your english is good naman ah!"
"But it's only limited. Baka magka-blood clot ako kapag pinagtripan mo."
"Baliw ka."
"Seryoso," napabuntong-hininga ako. "Pero bakit nga pala ang lakas ng loob mong pumunta rito? Hindi mo ba alam na delikado para sa 'yo ang mapadpad sa lugar na 'to? Mukha kang..." tangina ang ganda talaga. bulong ng utak ko matapos mag-pause at titigan ulit ang kabuuan niya.
"Mukhang ano?"
"Napakagandang mayaman. Hindi ka bagay sa pipitsuging bar na 'to. Maraming mga high end bar na malapit lang dito na swak na swak sa 'yo, pero rito? Baka mapaano ka pa."
"What do you mean by that?"
"Maraming mga masasamang loob dito kaya huwag kang basta-basta magtitiwala."
"So you're saying mali na kausapin kita? You're a stranger and I don't know you at all, too."
Kahit na hindi ko gusto ay tumango ako. "Tama. Kahit sa 'kin huwag kang magtiwala dahil hindi mo ako kilala."
Sa pagkakataong 'yon ay siya naman ang tumingin sa akin simula ulo hanggang paa. Simpleng puting t-shirt, itim na pantalon, at puting sneakers lang ang suot ko kaya hindi ko naiwasang manliit sa kanyang ginawa.
Sa unang pagkakataon ay gusto kong ma-conscious dahil napakaganda ni Chanteau. Mga branded ang mga suot na damit at bag at talagang mayamang-mayaman ang aura. Kahit na sabihing may hitsura pa rin ako, imposibleng ito ang ibibigay sa akin ni Lord dahil basahan pa rin ako kapag idinikit sa kanya.
Aalis na sana ako dahil sa mga naisip pero muling natigil nang maramdaman ang pagpigil niya't paghawak sa aking kamay.
"I don't have any friends here and even though I know I shouldn't trust you, I still want to give you a chance,"
May kinuha siya sa kanyang bag pagkatapos ay nanghingi ng tissue sa bartender at nagsulat.
Sa kanyang muling pagbaling sa akin ay agad niyang inilagay sa kamay ko ang tissue na sinulatan. Nalaglag ang mga mata ko doon.
"That's my number. I want to know more about you so call me, MVP." aniya pagkatapos ay binitiwan na ako't hinayaang makaalis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro