CHAPTER 2
Chapter Two
Pag-ibig
Tahimik ang lahat habang hinihintay si Kapitan Jimin. Nasa opisina na niya ang lahat ng mga BTS boys o Bayagbayag Tirador Squad na siyang opisyal niyang mga tauhan sa mga pagnanakaw, hold-up, car napping, at maging kidnap for ransom. Kadalasan ay mga anak ng mayayamang negosyante ang hina-hunting sa ng grupo sa kidnapping pero ibang mga tauhan ni Kapitan Jimin ang gumagawa no'n.
Kinse pa lang ako simula nang mapasama ako sa grupo. Matagal ng mayroong BTS sa balawarte namin at ayaw ko sanang sumali dahil kaya ko pa namang buhayin si Arcus sa pagiging snatcher at pambuburaot sa mga kakilala pero nang magka-dengue ang kapatid ko at muntik nang mamatay at napilitan akong sumanib sa kanila. At ngayon, pitong taon ang nakalipas ay bihasa na ako't isa na rin sa mga pinagkakatiwalaan ni kapitan sa mga transaksiyon lalo na sa mga malakihang pagnanakaw.
Nagsitayuan ang lahat sa pagpasok ni kapitan kasama ang anak na si Jung Kook Hinila ko ang upuan niya matapos siyang batiin ng lahat. Nag-handshake kami ni JK, ang nag-iisang anak ni Kapitan. Hindi na ito umalis sa tabi ko.
Sinindihan ni Bakal ang sigarilyo ni kapitan habang si Pating naman ay inilapag sa lamesa ang blueprint ng pawnshop na sunod naming titirahin ngayong Sabado.
"Kap, iisa lang ang bantay niyan tuwing gabi. Tingin namin ngayong Sabado ay baka nasa isang milyon ang makukuha natin diyan kasama ang mga alahas at pera." panimula ni kuya Pating.
"Kailangan namin ng limang tao. Dito sa bahay na 'to tayo dadaan at sa bubong nating titirahin ang pawnshop," si kuya Cardo naman na siyang matibay sa aming lahat pagdating sa paghawak ng baril. May itinuro siya sa papel na nasa harapan.
"Gagawa tayo ng daanan dito. Mga mahihinang materyales lang ang ginamit diyan ay kayang-kayang butasan sakto para makapasok tayo sa loob. Kami ni Bakal ang mauuna para mapatay ang mga CCTV at pati na rin ang guwardiya kung papalag. Dalawang tao ang magbubukas ng vault at kukuha ng mga pera at alahas. Dito naman sa eskinitang 'to maghihintay ang sasakyan paalis."
Itinuro ni Kuya Cardo ang mga daraanan namin para makaalis at hindi mahuli kung sakaling may rerespondeng pulis. Kahit naman na mayroon, hindi naman kami mahuhuli ng mga 'yon dahil bata ni Kap ang mga Pulis sa lugar namin at may lagay ang mga ito. Minsan nga ay mas malaki pa ang hati ng mga hinayupak kaysa sa amin kahit na wala namang ambag kung hindi magpalaki ng mga bayag ang mga de puta.
"Gusto mo ba 'tong raket MVP?" untag ni Kapitan sa akin.
"Magkano ang hatian, Kap?"
"Ibang klase ka talaga, MVP. Talagang asintado ka kaagad sa kita." Natatawang sabi ni Kuya Pating.
"Singkwenta mil ang hatian sa inyo. Wala naman kayong gagawin kung hindi ang kunin ang pera. Kami ni Pating ang bahala kapag pumalag ang guwardiya. Kaming bahala sa seguridad n'yo. Trenta sa driver. Tig-isang daan kami ni Pating. Dalawang daan sa mga parak. Hindi pa sigurado kung magkano ang makukuha nating pera pero kapag sobra sa isang milyon ay madadagdagan pa 'yan. Kailangan pa nating ibenta ang mga alahas. May kakilala na akong bibili. Ang nag-refer ay hahatian din at ang natira ay pondo para sa BTS at sa mga susunod pa nating raket."
Kahit na gusto kong umalma sa baba ng hati kumpara sa mga ibang hahatian ng perang nanakawin namin ay itinikom ko na lang ang bibig. Kailangan ko 'yon at hindi na rin biro ang singkwenta mil.
"Ako ang sasama kay MVP."
Napatitig ang lahat kay JK. Nalaglag ang panga ng ama niya pero sa pagkakataong iyon ay hindi na niya mapipigilan ang anak. Gusto na rin talagang matuto nito at sumama lalo na sa mga malakihang transaksiyon ng BTS kaya sa unang pagkakataon ay pumayag na si Kapitan.
Gabi na nang matapos ang pagtitipon. Pagkatapos maplantsa ang plano ay dumiretso kami sa bar para mag-inom. Ganito palagi ang siste bago ang bawat raket at libre iyon palagi ni JK dahil aniya ay ang bawat papasukin naming trabaho ay walang kasiguruhan. Pwedeng huling araw na namin iyon kaya kailangang mag-celebrate para advance despedida na rin kung sakaling doon kami abutan ni kamatayan.
Masaya ang lahat sa buong durasyon ng pag-iinom namin sa bar. Wala si Marcus at ayos na rin na hindi siya narito dahil kahit na alam kong alam na niya ang lahat ng mga ginagawa ko kasama ang grupo ay ayaw ko pa ring mag-alala siya para sa akin. Trabaho kong buhayin kaming dalawa at kahit na mahirap ay gagawin ko huwag lang mangyari iyong nakaraan na muntik na siyang mawala sa akin. Hangga't maaari ay gusto kong may ipon ako para kung sakaling may emergency at malagay ang buhay namin sa peligro ay may dudukutin kaming pera.
"Ikaw ba, MVP? Wala ka talagang balak mag-asawa? Aba't baka maunahan ka pa ng kapatid mo. Mukhang matinik 'yon sa chicks at pinopormahan daw iyong kapitbahay nating si Laurel. Mukhang seryoso at gusto na agad mag-asawa. Ulol na ulol na sa anak ni Aling Lagring!"
Hinipat ko ang hawak na yosi at umiling lang kay Arjo.
"Tigilan n'yo si MVP. Kantot kantot lang ang gusto niyan. Tsaka kung mauna man si Arcus, eh 'di mabuti. Ibig sabihin kapag nagpamilya siya ay kaya na niya ang buhay niya at hindi na aasa kay MVP. Baka kapag nagpamilya na si Arcus maisipan na rin nitong mag-asawa." si JK habang tinatapik ang balikat ko.
"Bakit ba love life ko ang pinag-uusapan n'yo? Palibhasa mga nagpatali na kayo sa mga babae kaya ako ang pinagdidiskitahan n'yo ngayon."
Natawa ang lahat dahil do'n. "Gago masarap din naman kasing may uuwian ka gabi-gabi at magpapainit ng gabi mo."
"Pwede naman 'yon kahit walang asawa."
"Sus! Iba pa rin 'yung talagang sa 'yo lang at hindi nagagalaw ng iba hindi gaya ng mga pokpok ditong mga laspag at gamit na gamit na."
"Gago maliit lang talaga 'yang titi mo kaya feeling mo maluwag!" sagot ni JK kay kuya Bakal kaya natawa ang lahat.
Imbes na magalit ay natawa na lang rin ang gago. Nagpatuloy ang usapan pero hindi nalayo sa akin ang topic nila. Kung sabagay, ni minsan naman ay hindi pa talaga ako nagkaro'n ng seryosong karelasyon.
Maraming nagkakagusto sa akin sa sitio Bayagbayag. Ang totoo ay para kaming mga artista ng kapatid ko dito palibhasa totoong sa lahat ng mga narito ay kami lang talaga ang naiba ng hilatsa ng mukha. Kahit na basahan ang mga damit ay mas may dating pa rin kami kaysa sa mga nakasuot ng mga maayos na damit kaya naman ang mga babae dito ay halos ialay ang mga sarili sa amin. Halos linggo-linggo ay may gustong magpabuntis kaya madalas ay nakukutusan ko si Marcus dahil pilyo rin ito at mahilig sa babae.
Ang paalala ko palagi sa kanya ay ayos lang na gumalaw siya basta't huwag na huwag niya lang bubuntisin. Bukod doon ay kailangan niya ring mag-ingat dahil baka makakuha siya ng sakit lalo na sa mga pokpok na palaging sabik kaya lagi akong may bugdet sa condom. Hindi iyon nawawala. Minsan ay mas inuuna ko pa kaysa sa pagkain namin maging maingat lang.
Kahit naman parehas kaming gago ng kapatid ko ay alam ko sa sarili kong nag-iingat din talaga ito at sinusunod ang mga payo ko.
Tungkol naman sa pagkakaro'n ng seryosong girlfriend, wala pa 'yon sa utak ko kahit na marami naman na akong naging ex. Hindi dahil totoo ang mga sinasabi nilang nakatuon ako sa obligasyon ko bilang kapatid ni Marcus kung hindi dahil totoong wala pa sa utak ko ang pagpapatali sa iisang babae. Parang hindi ko pa nakikita ang sarili kong mabaliw sa pag-ibig. Wala pa akong nakikitang babaeng gusto ko talagang makasama habang buhay. Naiisip ko pa lang na may pagtutuonan ako ng oras at pansin ay parang napapagod na ako.
"Kuya huwag mo akong inaalala. Mag jowa ka rin para lagi kang may dilig at masaya." si Marcus kinabukasan.
Nang-aasar dahil mainit ang ulo ko sa hangover. Halos tanghali na kaming natapos mag-inuman. Putang ina feeling ko sa alak ako mamamatay at hindi sa pagnanakaw.
"Gago, timplahan mo ako ng kape. Huwag mong pinakikialaman 'yong sex life ko. Sa pagkakatanda ko sagana pa rin naman 'to kahit wala akong jowa."
"Paanong sagana? Kailan ang huli, sige nga? Sabi sa 'kin ni Kuya Cardo dahil daw sa 'kin kaya hindi ka makapag-girlfriend, eh. Baka dahil sa akin hindi ka magkapamilya niyan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo na wala sa akin ang matres na kailangan mo para mag-multiply kaya huwag mo akong intindihin. Balang araw yayaman ako kaya huwag mo akong inaalala. Intindihin mo rin 'yang sarili mo minsan lalo na 'yang dilig mo."
Inilingan ko siya't agad na kinuha ang kapeng hawak niya. Natawa lang ito.
"Saan ka galing kagabi at bakit nag-text kang hindi ka uuwi? Parang palagi ka nang ginagabi, ah? Anong pinagkakaabalahan mo bukod sa pag-stalk at pagpapapansin kay Laurel?"
Nangisi siya nang malawak sa tanong ko.
"Relax ka lang. Sinusunod ko naman lahat ng bilin mo. Tsaka, para sa future hipag mo 'to kuya kaya secret muna."
"Gago ka baka habulin ka na ng itak ni Aling Lagring kakabuntot mo diyan sa anak niya."
"Gustong-gusto ko talaga si Laurel kuya. Kahit buldozer pa ipanghabol ni Aling Lagring hindi ko tatantanan 'yon. Feeling ko kasi siya na talaga 'yung para sa 'kin. Busy lang siguro si Lord kaya hindi pa maitama 'yung mga landas namin pero ramdam ko na ngayon pa lang na akin 'yon."
Nabatukan ko siya para magising sa kahibangan. Napakamot ito sa ulo.
"Ubusin mo na lang 'yang kape mo para mahimasmasan ka. Parang ikaw ay may hangover, eh."
Natawa ito ulit. "Napaka-bitter mo talaga! Kaya wala kang jowa kasi napaka-nega mong tao at sungit! Kung naging babae ako hindi rin kita papansinin, eh. Napakatumal mong ka-table, Memphis."
Pinatunog ko ang dila ko para manahimik siya. Kahit na gustong-gusto pa rin akong guligulin ay tinigilan na ako lalo na nang makita niyang talagang masakit ang ulo ko. Napatulala ako nang umalis na siya't magpaalam na raraket na ulit.
Hindi ko naiwasang mapaisip. Kahit paano ay natutuwa akong may nagugustuhan si Arcus. Tanda iyon na may matino pa ring mag-isip sa aming dalawa. Ako kasi ay ni minsan hindi nagawa o kahit naramdaman 'yon. Nagkaro'n man ako ng mga girlfriend noon pero hindi dahil sa pagmamahal kung hindi dahil lang sa libog at pera. User at gago ako inaamin ko pero anong magagawa ko kung hanggang doon lang ang kaya kong ibigay?
Minsan ay napapaisip din ako kung ano ang pakiramdam ng may nagugustohan pero sa tuwing gusto ko nang subukan ay mas nauuna sa utak ko ang mga kailangan kong gawin na mas importante para maging maayos kami ni Marcus.
Naalala kong sabi ni mama, ang pag-ibig daw ay hindi naman kailangang pilitin dahil biyaya raw iyon ng Diyos na kusang ibinibigay at basta mo na lang mararamdaman kapag handa ka na at natagpuan mo na ang tamang tao na para sa 'yo.
Kung totoo ngang may Diyos, alam kong ipapakita niya rin sa akin ang taong para sa akin at kusa niya na lang ipadadama ang mga hindi ko pa naramdaman noon. At kapag dumating ang araw na 'yon ay pipilitin kong maging handa. Susubukan kong maging matino at bahala na kung ano ang sunod na mangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro