CHAPTER 10
Chapter Ten
Marriage Contract
Hindi ako napakali habang nasa bahay. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa samo't saring emosyon. Wala sa sariling napasabunot ako sa aking buhok. Patuloy na nagmura ang utak ko kahit nang bumalik ako sa pagkakahiga. Hindi ako napakali, ilang minuto lang ay tumayo na ulit ako para sundan ang kapatid ko pero sa aking pagbukas ay natigil ako nang makita si Janina sa labas ng aming pintuan.
"MVP!" nahihiya siyang napilitang ngumiti ng maluwag. Mukhang kanina pa ito nasa labas at naghihintay na magkaro'n ng lakas na katukin ako.
Bumaba ang mga mata ko sa hawak niyang dalawang tupperware.
"M-may dala akong pagkain. Marami kasing niluto si mama kaya naisipan kong magdala baka hindi ka pa kumakain?"
Kahit paano ay kumalma ang buo kong pagkatao sa presensiya niya. Niluwagan ko ang pintuan at pinapasok siya.
"Bakit ang gulo rito?" aniya't nagmamadaling inilapag sa lababo ang dalang pagkain at agad na pinulot ang mga gamit na nalaglag sa pag-aaway namin kanina ni Arcus.
"Ako na."
Parehas kaming natigil nang mahawakan ko ang kanyang kamay nang sabay naming pulutin ang sandok na nahulog sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang sunod na pumasok sa utak ko at imbes na pakawalan ang siya ay walang sabi ko siyang hinila at sinibasib ng halik sa mga labi!
Wala akong naramdamang pagtutol kay Janina. Imbes nga na 'yon ay sinagot niya pa ng mas malalim ang mga halik ko.
Marami ang nagkakandarapang mga babae sa akin sa Bayagbayag kahit sa labas ng lugar at hindi exempted doon si Janina. Noon pa man ay alam ko nang gusto ako nito. May pagkakataon na muntik ko na rin siyang ligawan pero dahil wala akong panahon at baka lalo akong ma-bad shot kay Aling Narda ay hindi ko na inisip. Kapag nasaktan ko rin kasi ang anak niya ay mawawawalan din kami ni Arcus ng mga libreng pagkain at pautang dito pero ngayon... sa estado ng utak ko ay hindi ko na nagawang mag-isip pa.
Mabilis ko siyang nabuhat at nadala sa kwarto namin. Mabilis ang bawat galaw ko at kahit ramdam ko ang kabiglaan niya lalo na nang hubarin ko ang kanyang suot na bestida ay wala siyang nagawa.
"M-MVP... g-gagawin ba natin talaga ngayon?" Nahihiya niyang tanong habang ang mga labi ko ay panay ay halik sa kanyang leeg.
Parehas kaming hinihingal. Imbes na sumagot ay mas ibinaba ko lang ang mga labi sa kanyang dibdib. Hinila ko pababa ang suot niyang bra at walang sabing dinede ang tuktok no'n.
"Ahhh..." ungol niya sabay sabunot sa aking buhok.
Kahit na may pag-aalala ay dama kong gustong-gusto niya rin ang ginagawa ko sa kanyang katawan. Nang bumaba nga ang kamay ko sa kanyang panty at ipinasok 'yon ay basang-basa na siya. Nagpatuloy ang pag-ungol niya nang simulan nang laruin ng gitnang daliri ko ang pinakasensitibong parte no'n.
"M-MVP... natatakot ako, baka masakit..."
"Akong bahala. Titigil ako kapag hindi mo kaya."
Kinagat niya ang labi niya't tumango pagkatapos ay hinayaan na akong umangat at pumwesto sa kanyang ibabaw. Pinanuod niya akong maghubad. Nang maibaba ko na ang pantalon ko at brief ay ginalaw ko ang pagkalalaki. Ilang beses siyang napalunok. Kahit paano ay maswerte pa rin ako kay Janina. Hindi gaya ng mga natira ko nitong nakaraan, ang isang ito ay matino at talagang may ibubuga rin. Mas bata nga lang kay Laurel pero sa paraan ng pagsagot ng halik sa akin kanina ay palaban at halatang matagal din itong hinintay.
"Ibuka mo pa." Utos ko nang bumaba ang mga mata ko sa kanyang pagkababaeng nangingintab dahil naglalawa na.
Hindi ko naiwasang mapalunok dahil wala masyadong buhok 'yon at talagang mukhang wala pang nakagagalaw. Matagal na panahon na rin akong hindi nakagalaw ng virgin. Mas lalo akong nanggigil.
Wala na akong inaksayang panahon. Matapos kong hayaang bumaba ang laway sa bibig ko pababa sa kanyang pagkababae ay walang sabi ko nang idinikit ang pagkalalaki't ipinasok iyon sa kanyang loob.
"Ohhh!"
Hinalikan ko ang bibig niya sabay ulos pa hanggang sa mapunit na nang tuluyan ang kanyang hymen. Napakapit siya nang mahigpit sa akin dahil imbes na bigyan siya ng pagkakataong makapag-adjust ay itinuloy-tuloy ko na ang pag-ulos sa kanyang pagkababae. Hindi ko tinigilan ang paghalik sa kanyang mga labi. Doon ko hinayaang malunod ang mga ungol niya dahil kung hindi ay mabubulabog namin ang buong Bayagbayag sa kanyang ingay.
Kay Janina ko ibinuhos ang lahat ng galit at sama ng loob ko sa kapatid ko't sa mundo. May pagkakataong bumabaon ang mga kuko niya sa aking likod dahil sa pagiging marahas ko pero wala akong naririnig. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa. Wala na akong naririnig at gusto ko na lang mapalitan ng sensasyon ang lahat ng galit ko hanggang sa maramdaman ko nang lalabasan ako. Mabilis kong hinugot ang sarili sa kanyang loob at sa hita ni Janina ibinuhos ang lahat ng likidong galing sa aking pagkalalaki.
Nanginginig ang katawan niya't kagat ang kamay habang nakabukaka pa rin sa aking harapan. Nanghihina akong napapikit ng mariin habang patuloy na itinataas baba ang kamay sa kahabaan, hinahabol pa rin ang orgasmong narating. Ibinalik ko ang kamay sa pagkababae ni Janina at ipinasok ang dalawang daliri para hindi siya mabitin. Ilang sandali lang at muli na itong napaungol nang malakas habang nilalabasan na rin.
Pagod akong bumagsak sa kanyang tabi pagkatapos. Sapo ko ang ulo pero wala akong naramdamang pagsisisi. Akala ko mawawala na ang pag-iisip ko kay Arcus pero mas lalo lang iyong tumindi.
Hinayaan kong yakapin ako ni Janina. Ang presensiya niya ay nakatulong para kumalma akong muli.
"Sorry, nasaktan yata kita."
"Okay lang... gusto ko ang nangyari, MVP," nakanigiti niyang sambit. "Masaya ako. Ikaw ba? N-napasaya ba kita?"
Marahan akong tumango pagkatapos ay hinaplos ang kanyang pisngi at tahimik siyang niyakap. Ayaw ko na sanang umalis sa gano'ng posisyon dahil kahit paano ay talagang kumakalma ako pero parehas kaming nagulantang nang marahas na bumukas ang pintuan at bumungad doon ang kapatid ko!
"Alam mo?" Simpleng tanong lang 'yon pero nang matitigan ko ang galit na galit niyang ay para akong sinabuyan ng nagyeyelong tubig.
Agad akong tumayo at umalis sa babaeng katabi. Nagmamadali kong itinaas ang aking pantalon para harapin siya. Kahit na hindi pa niya sinasabi ay may idea na ako kung ano ang tinutukoy niya.
"Ang ano? Tangina, Arcus hindi ka ba marunong kumatok?" Matigas ko ring sagot para pantayan ang galit niya.
"Na mayaman tayo. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Pinigilan kong mapamura dahil doon. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa lababo, isa lang pumasok sa isip.
Putang inang mga Rozovsky talaga 'yon! Hindi na nakuntento sa panggugulo sa buhay ko, ngayon pati si Marcus ay ginugulo na rin! Mga putang ina talaga!
"Wala akong dapat sabihin sa 'yo. Hindi totoo kung ano man ang narinig mo."
"Hindi rin totoo ito?"
Nalaglag ang panga ko nang walang sabi niyang ibato sa akin ang mga papel. Nasalo iyon ng kaliwang kamay ko.
Marriage contract.
Iyon ang nasa kamay ko. Ito rin ang hawak ng mga lalaking tauhan ng Vladimir, Dominov at Fedor na 'yon ng minsang kulitin nila ako. Sabi nila ay pinsan sila ng totoo kong tatay. Pilit nilang sinasabing Rozovsky kami ng kapatid ko at gusto nila kaming kunin pero mga putang ina nila.
Kung akala nila mababawi ng pera ang galit ko sa buong angkan nila ay nagkakamali sila. Namatay si Mama dahil sa lahi nila at wala akong pakialam kung ano ang kaya nilang ibigay sa akin at kay Marcus! Kaya kong buhayin ang kapatid ko at hinding-hindi ko kailangan ng pera nila! Hindi namin kailangan ng yaman nila!
"Mga putang ina talaga. Ayaw pa tayong tigilan. Sinabi ko nang hindi natin tatanggapin ang kung ano mang ibibigay nila."
Nalaglag ang panga ni Marcus at bahagyang napaatras. "Totoo nga? Totoo nga ang sinasabi ng lalaking iyon? Rozovsky tayo? Mayaman tayo?"
"Arcus," sinubukan kong lumapit pero nagmamadali siyang umatras palayo sa akin.
"Hindi natin kailangan ang mga taong 'yon. Hindi natin kailangang magpalit ng pagkatao. Hindi natin kailangan ang yaman nila. Nabuhay tayo ng tayo lang sa loob ng mahabang panahon. Tandaan mo, iniwan tayo ng walang hiyang lalaking 'yon. Nakita natin kung paano naghirap si mama! Kung paano namatay si mama dahil sa kanya—"
"Pero maayos na buhay ang ibinibigay nila sa atin. Hindi natin kailangang mabulok sa putang inang lugar na 'to at laitin ng mga tao!"
Nagsagutan kami ni Marcus. Marami pa siyang sinabi pero isa lang ang napagtanto ko. Kahit anong sabihin ko ay hindi ko na mababago ang nasa utak niya. Hindi ko na siya mapipigilan sa kagustohang yumaman. At mali ako sa desisyon kong itago sa kanya ang bagay na 'yon dahil ngayon, kahit anong paliwanag ko ay mas lalo lang nadadagdagan ang galit niya para sa akin.
"Marcus! Putang ina mo Marcus huwag na Huwag kang sumakay diyan!" Malakas kong sigaw matapos ko siyang habulin palabas.
Ang mga kapitbahay namin ay nagulantang rin sa kaguluhan at sigawan naming dalawa lalo na't naroon sa labas ng bahay ang dalawang magagarang itim na kotse. Ito rin ang unang beses na nag-away kaming magkapatid.
"Memphis, let your brother decide for himself. If he wanted a good life for him, let him be." Sabi ng may-edad na lalaki.
"Putang ina mo! Pati ang kapatid ko bini-brainwash n'yo. Hindi namin kailangan ang yaman n'yo! Marcus! Pumasok ka sa bahay at mag-usap tayo! Putang ina bumaba ka sabi diyan!"
Umiiyak ang kapatid ko at ni hindi na ako kaya pang titigan. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko rin ang pag-iinit ng aking mga mata dahil sa mga nagbabadyang luha.
Ni minsan ay hindi ako umiyak dahil gusto kong maging matatag para sa kapatid ko pero ngayong iiwan niya ako at ipagpapalit din sa mga taong pumatay kay mama? Nasasaktan ako. Parang hindi ko kayang tanggapin.
"Memphis, you can come with us." untag ulit ng lalaki. "Embrace who you really are."
"Marcus!" Sigaw ko ulit sa kapatid ko, walang pakialam sa mga pinagsasasabi ng lalaki. "Marcus, kapag hindi ka bumaba diyan, kalimutan mo ng may kapatid ka! Kalimutan mo na ako!"
Hindi siya natinag. Nanatili siyang matigas at buo na ang loob kahit pa kapalit no'n ay ako.
"Putang ina mo, Marcus Aurelius! Putang ina mong sasama ka sa mga pumatay sa nanay mo! Putang ina mo kang bobo ka magkalimutan na tayo! Huwag na huwag ka nang babalik dito! Simula ngayon wala ka ng kapatid!"
Mas lalo akong nasaktan sa pagbaling niya sa kabilang banda para tuluyan na akong hindi makita.
"Sige! Putang ina ka umalis ka! Lumayas ka na rito at sumama sa kanila! Wala kang utang na loob! Putang ina mo huwag na huwag ka nang babalik!"
Bumaling ako sa matandang naroon at sa mga tauhan niyang nakapaligid sa kanya.
"Huwag na huwag na kayong babalik sa balawarte ko! Isang beses ko pang makita ang mga pagmumukha n'yo ay papatayin ko kayo! Mga putang ina n'yo papatayin ko kayo!" gumaralgal ang malakas kong boses sa magkahalong galit, sakit, at lungkot.
Kusa nang tumulo ang mga luha ko sa pag-alis ng sasakyan dala ang kapatid ko. Nanginginig ang buo kong katawan sa magkakahalong emosyon at galit na nagpatong-patong na.
Akala ko ay wala nang isasakit pa ang puso ko pero nang bumalik ako sa bahay at makita ang mga gamit niya ay tuluyan na akong muling naiyak. Iyong iyak na mas malala pa sa pag-iyak ko noong namatay si mama dahil sa pagkakataong ito ay wala ng dahilan para magpakatatag pa ako... dahil iniwan na ako ng taong dahilan sa lahat ng paglaban ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro