Epilogue
Note: Finally! This is the last part of the story. Salamat sa mga nagsubaybay at naghintay talaga. I love you a lot! It's time to say goodbye to our Landria couple. Thank youuu ;))
Epilogue
While looking up at the sky, I couldn't help myself but smile. I don't see anything but her beautiful face. Her beauty is like the sky. The way she giggles while smiling at me. Nai-imagine ko na naman ang babaeng mahal ko sa langit. I don't want to ask for more but to feel her warmth...again. I can't wait to see her beautiful eyes again, her eyes as beautiful as sky.
I closed my eyes as I reminiscing those sweetest times with her. Mga sandaling narito pa siya sa tabi ko...
"Hangga't hindi ka nakakapag-move on kay Niezhel hindi mo masisimulan ang paghihiganti," wika ni Ken sa tabi ko.
Nakatago kami sa likod ng puno, pinanood ang dalagitang pinagagalitan ng ginang habang walang pusong sinasaktan ito.
Nagtagis ang bagang ko. Galit ang nararamdaman ko, pero hindi ko maintindihan ang kakaiba pang nararamdaman habang nakikita kung paano nasasaktan ang babae sa pananakit ng ginang. Dapat ay maging masaya ako dahil kung makikita ito ni Montillano ay siguradong magdudusa siya, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ganito...parang naaawa ako, at mas lalong nagagalit sa pananakit ng ginang.
"Kung dudukutin ko siya, mahihirapan akong kunin ang tiwala niya," sabi ko.
"Kung gano'n? Kailan ka magsisimula?"
Hindi ko na siya sinagot.
Ilang taon ang ginugol ko para pag-aralan kung papaano maging malakas. Sumali ako sa organisasyon kung saan mas mati-train ako. Wala akong ibang karamay sa buhay. Simula nang patayin ng Montillano na 'yon ang mga magulang ko, naging mag-isa na lang ako.
And I will not f*cking forget that! Over my dead body.
Naghihintay ako ng tiyempo na mapasakin ang anak ng Montillano na 'yon noong may isang ginang na nagmakaawa sa'kin na pakasalan ang ampon niyang anak na babae-para makapagbayad ng utang. Hindi ko sana 'yon papatulan, pero nang makilala ko ang babae ay parang nanlumo ako.
Niezhel Aguilar.
Ang babaeng walang araw na hindi nakakatanggap ng bully noong college student pa lang kami. She's quite...naive. She's known as the poorest student in our University. Even my friends says that she's quite pretty, at iyon ang dahilan kaya pinag-iinitan siya ng mga babae.
May mga oras na nagkakalapit kami, pero pansin ko ang pagdidistansya niya sa akin. Hindi siya komportable sa akin, o sabihin na nating sa lahat ng tao.
"Ikaw lang ang lalaking may pakialam sa kaniya. Palagi ko siyang nahuhuli na tinititigan ang larawan mo't minsan pa ay kinakausap niya. Hijo, parang awa mo na? Hindi na rin ako magtatagal kaya ang tanging hiling ko lang ay maiwan ko siya sa mabuting tao."
Puno ng luha ang matanda. Hindi ko alam kung paano...pero napatango na lang ako.
Mabilis ang mga naging pangyayari. Sa loob lamang ng isang linggo ay kinasal kami nang kami lang ang nakakaalam. Silang dalawa ni Niezhel, si Reybien at si Denzel. Ilang araw lang din, matapos makapagbayad ng utang ang matanda ay sumakabilang buhay na rin ito.
I don't know how to comfort Niezhel lalo't hindi kami gano'n ka lapit sa isa't isa. Pero nang tumagal ay naging komportable kami sa isa't isa, pero hindi sa punto na bumuo kami ng pamilya. Unang una, may mga pangarap siyang gustong tuparin. Pangalawa, hindi gano'n kalalim ang nararamdaman namin sa isa't isa. At ang pangatlo ay hindi kami komportable na gawin ang mga bagay na hindi pa namin nagagawa bilang mag-asawa.
"Aaminin ko, mahal na kita, Lance...pero may kulang talaga, eh. Siguro kailangan ko munang harapin ang mga problema ko at ayusin ang lahat. Siguro, baka sa muli nating pagtatagpo...saka natin masasabing tayo na talaga ang itinakdang magsama habang buhay."
Nagustuhan ko sa kaniya ang pagiging understanding at hindi paggawa ng mga bagay nang hindi niya pinagiisipan. Matalino siya pagdating sa mga bagay at pagkilos.
Hindi ko masabing mahal ko na rin siya talaga. May parte sa akin na naghahanap pa, na parang may kulang pa. May mga bagay pa na kulang sa kaniya kaya hindi ko masabi kung mahal ko na rin siya. Pero sa paraan ng pag-iisip niya ang hindi ko maipagkakaila na isa sa nagustuhan ko sa kaniya. I love...the way she thinks.
"I understand. Just tell me if you need anything."
Dahil sa oras na 'yan, aalis na siya papuntang ibang bansa para ipursue ang pagmo-modeling niya. I'm proud of her, always.
Ngunit bago siya umalis humiling siya na lumabas, may gusto raw siyang bilhin na pabaon.
"Wait, I'll just answer this call," sabi ko nang bumaba kami sa sasakyan, para pumasok na sa mall.
Lumayo ako nang kunti bago sinagot ang tawag ni Denzel.
"Lance, where are you?"
Napansin ko ang kakaiba sa boses ni Denzel, he sounds like something is wrong.
"I'm at the mall-"
"Sh*t! Lance, go! Leave that place!"
"Wait what?" Nalilitong tanong ko.
Nilingon ko ang kinatatayuan ni Niezhel kanina bago ko iwan. Wala na siya ngayon doon kaya ginala ko ang tingin para hanapin siya.
"Just leave that place! Hurry!"
Nakita ko si Niezhel na naglalakad na papasok sa mall. Pagkapatay ko ng tawag ay tatakbuhin na sana si Niezhel ngunit nahuli na ako dahil bigla ng sumabog ang ibabang bahagi ng mall. Napayuko ako sa malakas na tunog at sa pag-angat ko ng tingin ay hindi ko na makita si Niezhel habang ang mga tao sa loob ay dali-daling nagtakbuhan palabas.
May ilang nasawi at ang halos lahat sa kanila ay sunog ang katawan na halos hindi na makilala. I assume na isa roon si Niezhel dahil sa sapatos na suot ng isa.
I spend month to recover. I felt guilty. Humingi ako ng tawad sa ginang. Pero tingin ko ay wala na ring magagawa.
Doon ko nasimulan ang plano. Dahil sa pag-iintindi sa kapakanan ni Niezhel, nawala sa paghihiganti ang atensyon ko, pero ngayong wala na akong ibang iintindihin...tuloy ang paghihiganti.
"Ang kaharap niya ngayon ay ang matandang ipakakasal sa kaniya, sir," balita ng personal assistant ko na kasalukuyang nasa loob.
Pinanatili ko ang walang emosyong mukha. Nagtagis ang bagang ko. Sinasabi ng utak ko na hindi p'wede dahil kailangan ko ang babae. Sinasabi rin ng puso ko na hindi maaari-ngunit iba ang dahilan kung bakit. Iyon ay hindi ko maintindihan.
"Tumakbo po siya palabas, tumatakas siya."
Napaayos ako ng upo sa driver's seat. Pinatay ko ang tawag saka in-unlock ang sasakyan.
Nandilim ang tingin ko sa babaeng tumakbo palabas. Napalingon lingon siya sa mga sasakyan.
Come on baby girl...come to Daddy.
Parang demonyong bulong-bulong ko sa isip nang hindi inaalis ang tingin sa babae. She looks terrified. Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib niya. At habang nakikita siya sa gano'ng sitwasyon-na parang alipin na nahihirapan at gustong makawala sa mapang-abusong kamay...parang sumisikip ang dibdib ko.
She's innocent.
Napahigpit ang pagkuyom ng kamay ko sa manibela. No...she's the daughter of that devil who killed my parents with that fucking false accusations!
Mala-demenyo akong napangisi habang pinagmamasdan ang babae sa side mirror. Maingat ang pagtago nito. Nang mapunta sa ibang atensyon ang mga humahabol sa kaniya ay mabilis siyang pumasok sa sasakyan ko na ikinalawak ng ngisi ko.
Gotcha!
"Wanna ride with me?" I said coldly.
Pero p*tang ina...nabaliktad. Ang nangyari, ako ang tila sumakay sa kaniya...and she drives me crazy.
She'd f*cking drives me crazy!
Now, I'm the one who's f*cking afraid of losing her.
Na parang...kung saan niya gusto-roon din dapat ako! Kapag sa ganito-ganiyan ang gusto niya...susunod at susunod dapat ako. Nakaplano na, eh! Maghihiganti ako, pero nakaka-p*tang ina...'yong bato kong puso nagiging mamon pagdating sa kaniya.
"Gago, Lance! Bakit mo pinakasalan?" hindi makapaniwalang tanong ni Ken.
Inirapan ko siya. Inis na inis na nga ako, dumagdag pa siya. That girl just called me Korikong-what?! Tss! Pagkatapos ito...bakit ko nga ba pinakasalan?
I can have my revenge even if I don't marry her! So why? Why?
Why do I have to fucking marry her?!
Napapailing iling na lang sa akin ang pinsan ko. "Just shut up your mouth, Ken. Ako ang bahala," sabi ko.
Nagkibit balikat naman siya, parang walang tiwala sa akin. "Ikaw bahala, ikaw rin ang kawawa sa huli."
Lumapit ako sa kaniya. "Basta, tulungan mo akong Kunin ang loob niya para mas mapadali ang paghihigante," sabi ko.
"Para saan pa, Lance? Kaya mong makipaghigante nang hindi nakukuha ang loob niya."
Sabi niya na ikinatiim ng bagang ko. Bakit ba! Parang pinamumukha niya tuloy sa akin na ang b*bo ko sa mga plano. But he has a point!
"Kung papatayin mo lang din naman siya, bakit mo pa kukunin ang loob niya? P'wede mo naman siyang saktan na lang bilang panakot sa tatay niya, kung talagang ang paghihigante mo ay buhay niya ang kabayaran," sabi pa niya.
I wasn't sure. Kung ang mga ginagawa ko pa ba ay para sa paghihigante? Gulong-gulo ang isipan ko habang tumatagal siya sa pamamahay ko. Nag-aalala ako sa sarili ko na baka...baka hindi ko makamit ang hustisyang gusto ko. At nag-aalala ako na baka...dumating ang araw na makita ko ang sarili ko na nagmamakaawa na 'wag iwan. Iyon ang kailanman ay hinding hindi ko magagawa.
Tinungga ko ang alak na isinalin sa baso. Tss! I still can't accept it! Ako ang nagligtas sa kaniya pagkatapos 'yung si Ken ang pinaglutuan niya.
Hindi niya man lang ako pinatikim kahit kunti. Hindi niya ba alam na hindi ako gaanong kumakain kasi gusto ko ay 'yung niluto niya? Malamang hindi niya talaga alam dahil wala siyang pakiramdam. Tss!
Napatingin ako sa cellphone ko nang umilaw iyon. Tumatawag si Ken. Lalong nag-init ang ulo ko. Sinagot ko iyon agad
"F*ck you! Don't you ever call me again!" sabi ko at agad na pinatay ang tawag.
Ulol siya. Hinding hindi ko makakalimutan 'yung pang-aasar niya sa akin kanina. Magkalimutan ng mag-pinsan kami!
Lumiwanag ulit ang screen ng cellphone ko. Lumitaw doon ang mensahe mula kay Ken. Hindi ko na sana iyon babasahin ngunit nakuha ang atensiyon ko sa una niyang sinabi.
Kangkong:
Hindi ko alam kung alam mo na 'to, pero nalaman ko na hindi si Montillano ang nagpapatay sa parents mo.
Alam ko... Alam ko na ang lahat. Kaya heto ako, litong lito kung anong gagawin. Mali na ikulong ko rito ang anak ni Montillano para paghigantehan, pero hindi ko na siya kaya pang pakawalan. I don't know what to do. Lalo na nang nalaman ko na ipinagkasundo siyang ikasal sa anak ng kaibigan ni Montillano, ang tunay na nagpapatay sa mga magulang ko.
Magdusa silang lahat. Hinding hindi ko na pakakawalan ang babaeng bumibihag na ngayon sa puso ko. Hindi ko sila hahayaan na makuha sa akin si Axedria, hindi ako makapapayag na ikasal pa siya sa iba.
Pinagmamasdan ko ang babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko. This is wrong...tumitibok ng kakaiba ang puso ko sa kaniya, na hindi tumibok sa ibang babae...kahit kay Niezhel. Hindi ko maintindihan pero gusto ko ang pakiramdam na narito siya sa mga bisig ko. Kapag umaalis ako para sa trabaho, lumipas lang ang ilang oras ay uwing-uwi na agad ako. Hindi man ako sigurado kung may nararamdaman din ba siya sa akin, basta ang alam ko...sigurado na 'tong nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko na siya bibitawan...magkamatayan man.
Pero sino ba ako para pilitin siyang dito lang sa akin...kung nais niya ng kumawala.
"These days, napapansin ko na may kakaiba na talaga," seryosong saad ni Ken.
Pinanatili ko ang mata sa ginagawa sa laptop. Nasa opisina kami ngayon.
"Bakit hindi ka na lang umamin sa kaniya, Lance? Mukhang may gusto na rin naman siya sa'yo."
Agad na napaangat ang tingin ko kay Ken pagkatapos sabihin iyon. Ngumisi siya at napailing iling.
"Masayang kasama si Axedria. Inosente siya kaya siguro naman dapat ligtas siya sa paghihigante mo. Wala siyang alam sa nangyari noon," aniya pa.
Hindi ako makapagsalita. Alam kong dapat ko ng pigilan itong nararamdaman ko, pero paano pa kung totoo itong sinasabi ni Ken, na...may gusto na rin siya sa akin.
Tumayo si Ken at nagpamulsa, aalis na. "Basta ang maipapayo ko lang... Iparamdam mo na sa kaniya 'yang nararamdaman mo, o kung may sapat ka ng tapang ay umamin ka na. Tingnan mo ako, umamin agad kay Mariposa," natawa pa siya. "Basta, simulan mo na bago pa mahuli ang lahat. Tsk. Ang tapang-tapang mong makipagbakbakan tapos pagdating sa babae mahina ka." Tinawanan pa ako bago tuluyang lumabas sa opisina ko.
Ilang araw akong wala wisyo dahil sa mga sinabing iyon ng pinsan. Bakit ko pa nga pipigilan 'tong nararamdaman ko kung alam ko na namang wala na rin akong kawala?
No'ng kinuha ko sa kaniya 'yung cake na nilantakan niya ay nagsisi na ako agad matapos makita ang reaksyon niya. Iiyak na kasi siya. Kaya kinagabihan din no'n ay nagpa-deliver ulit ako. Gustohin ko mang ako ang gumawa ng cake ay hindi ko kaya dahil hindi ako marunong. Baka ako pa ang umiyak kapag hindi niya 'yon kinain kasi hindi niya nagustuhan. Edi lalo akong babagabagin ng ng itsura niya.
"Do I have to f*cking do this?" inis na bulong ko sa sarili habang sinusulat ang paghingi ko ng tawad.
Sa mga sandaling ito ay nakikipagbakbakan ako sa pride ko.
"Yes, I have to f*cking do this!"
Pagkatapos ay wala na akong maihaharap na mukha sa babae. Kaya kumatok na lang ako sa pinto niya at maliit na binuksan iyon para ipasok ang cake. Umalis na rin ako agad.
I hope she likes it.
Hindi ko maitago ang ngiti ko habang puno naman ng pag-aalala si Axedria na kinakapa ang katawan ko. May bahid pa siya ng luha sa magaganda niyang mata. Pa'no ako hindi mahuhulog sa kaniya nang ganito kung sa mga mata niya pa lang ay nanghihina na ako. Sobrang ganda.
"A-akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo."
Natawa ako. Na-train lang kami noon kung paano tumagal sa ilalim ng tubig. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko kanina dahil naisipan kong manatili sa ilalim ng tubig nang gano'n katagal. Ang sarap lang sa pakiramdam na makita siyang ganito mag-alala, ibig sabihin...mahal niya na rin ako!
Halos isang linggo ang ginugol ko para magawa ang treehouse sa may magandang view ng sunset. Alam ko ang birthday niya dahil noon pa man ay inalam ko na ang lahat tungkol sa kaniya.
I love to see her smile, hears her giggles. I want to make her happy. Kaya kahit hindi ko talaga gawain ay pinag-aaralan kong gawin, para sa makita ko siyang masaya.
Hindi ko gawaing magdasal...pero hindi lang dasal ang nagawa ko para maibalik ang babaeng tinitibok ng puso ko. Pati sa Padre ay napadasal ako, at nagmakaawa.
"Patatawarin ka pa rin ng Diyos sa iyong gagawin," ani Padre sa akin.
"Salamat, Father..."
Tumango ang Padre at tinapik tapik ang ulo ko. "Basta patuloy mo lang na kilalanin ang Diyos, tutulungan ka niya sa mga hiling mo."
Nagpanggap ako bilang Padre na magkakasal kay Axedria at sa hapon. Humingi na rin ako ng tawad sa May Kapal sa gagawin ko pagkatapos ko. Dahil sisiguraduhin kong malalagot ang taong may kagagawan nito sa asawa ko.
"Bagay sa'yo, Insan. Bakit hindi ka na lang mag-pare?"
Sinamaan ko ng tingin si Ken na ikinatawa.
"Oh, bakit? Hindi ba nagalit sa'yo si Axedria dahil nalaman niya na ang totoo? Kaya nga siya ikakasal ngayon, eh. Paano kung ayaw niya na talagang bumalik sa'yo?"
I gritted my teeth. "Mahal niya ako," sabi ko.
Natatawa na umiiling iling na lang si Ken at naunang tumungo sa altar.
Gagawin ko ang lahat para ibalik siya sa akin. I will prove to her that I really love her, na hindi na ang paghihigante ang pakay ko sa kaniya. Kung kailangan kong maging alipin para maniwala siyang mahal ko na talaga siya, gagawin ko.
Napakulong ko ang lalaking kasamahan ng babaeng nagpanggap na ina ni Axedria. Nakatakas ang babae, pero hindi ko rin siya palalampasin. Ilang araw lang ay nahuli rin siya. Hindi ko na pinaalam sa asawa ko. Gusto kong makalimutan niya n rin ang mga taong iyon na nanakit sa kaniya. Kung ako ang masusunod, pinatay ko sana ang dalawang iyon, pero hindi ko na pinilit dahil gusto ko na rin na iwasan ang gawaing iyon. Ayaw ko na mabakasan pa ng dugo ng kasamaan ang kamay kong hawak-hawak ang asawa ko. Kaya kahit mahirap, pinigilan ko ang sarili.
Bumalik ako sa simbahan para muling humingi ng tawad sa ginawa ko. Humingi rin ako ng tawad sa mga magulang ko dahil hindi ko na magagawa pa ang ipaghigante sila, kahit na alam kong ayaw rin nilang gawin ko iyon.
Mahal na mahal ko na nga talaga si Axedria Gabrielle Montillano, dahil ang mga dating masasamang gawain ko...ay naitigil ko-para naman maging deserve ko ang anghel na katulad niya. Gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay, malayo sa kaguluhan.
"Sir, good evening, sir," si Heroace.
Hindi dapat, pero gumawa ako ng paraan para makatanggap ng update kay Heroace na ginawa kong bantay sa asawa ko. Tatawag pa lang ako nang maunahan niya ako.
"How is she?"
"Sir! May lalaki na sumundo rito kay ma'am Axedria. Matikas ang pangangatawan sir at gwapo! Nakita ko pang napangiti si ma'am Axedria no'ng sinabi ng lalaki na sa sasakyan na niya isasakay si Ma'am."
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Sino ang pangahas na lalaking iyon?!
"Kung papogian ay may laban iyon sa inyo, sir," sabi pa niya.
"Don't tell her that I'm coming home," mariing sabi ko.
"Sige ho, sir. Ay naku, ang ganda-ganda rin ng sasakyan ng lalaking iyon."
Mariin akong napapikit saka pinatay ang tawag.
"Oh? Grabeng selos 'yan," nang-aasar pang tumawa si Denzel.
"Hindi naman narinig ang sinabi ng kausap mo. Pero halatang halata sa itsura mo," naiilang na sabi naman ni Reybien.
"Ang bilis niyo namang magselos. Tsk, tsk, tsk, ako hindi ko gawain 'yan," bato pa ng pang-aasar ni Denzel sa amin ni Reybien.
Binulsa ko ang phone ko at hinablot ang susi ng sasakyan ko sa ibabaw ng lamesa.
"Just call me if something happens," sabi ko at lumakad na palabas ng office.
"Ingat sa pagmamaneho," pahabol na pang-aasar pa ni Denzel.
Nagulat ako sa pagtawag sa pangalan ko ng pamilyar na boses ng babae pagkarating ko sa bahay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Niezhel na biglang pumasok sa opisina ko rito sa mansion.
Hindi ako nakagalaw. Basang basa ang mukha niya sa luha. Nanigas ako sa kinatatayuan nang patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Lance, k-kumusta ka na? Pasensya na kung ngayon lang kita naalala."
Naalala?
"Nawalan ako ng ala-ala matapos ang pagsabog na iyon. Nagising na lang ako sa hindi pamilya na kwarto at nakilala ko roon ang isang lalaki."
Bumitaw siya sa yakap at pinahid ang luha niya sa mukha. Tiningnan niya ako ng diretso sa mukha. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ako makapaniwala na buhay siya.
"A-alam ko na ang lahat..." aniya. "Alam ko na rin na h-hindi ako ang nasa puso mo."
Napayuko ako. "I'm sorry, Niezhel. But I'm happy to see you okay..."
Napatango tango siya. "L-lance, matagal ko ng hinihintay na bumalik ang ala-ala ko. M-matagal ko ng gustong sabihin ito sa'yo, Lance..."
Huminga siya nang malalapit at humakbang pa ng isa palapit sa akin nang hindi inaalis ang tingin.
"M-mahal kita, Lance... M-minahal kita."
Napalunok ako sa bumara sa lalamunan ko. I'm so happy to see her really. Kapatid na rin ang turing ko sa kaniya.
"Mahal din kita, Niezhel. Minamahal pa rin kita...pero bilang kaibigan."
Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Wala akong sakit na nabasa sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba iyon o hindi. Kasi baka sa sinabi kong iyon ay magtanim siya ng galit sa akin. But I was wrong.
Tumango tango siya. "Ako rin. Dahil may mahal na rin akong iba. Si Adrian...m-mahal na mahal ko na siya, Lance. Hindi ko na kaya na malayo pa kay Adrian. P-pero may nais lang akong malaman..."
Tumango lang ako at hinintay ang katanungan niya na walang halong kasinungalingan kong sasagutin.
"M-mahal na kita, Lance...alam mo 'yon."
"Alam kong alam mo na mahal din kita, Niezhel..."
"K-kung gano'n...bakit kayo kasal ni Axedria?"
Hinuli ko ang mga braso sa kaniya. Gusto kong ikwento sa kaniya kung paano, hanggang sa kung paano ako unti-unting nahulog kay Axedria. Dahil alam kong si Niezhel lang ang makakaintindi ng nararamdaman ko.
"Paano kayo nakasal?"
At dahil sa tanong niyang iyon ay inumpisahan ko ang mahabang pagkuwento sa kaniya. Habang sinasabi sa kaniya ang mga dahilan, sobrang gaan ng pakiramdam ko. Damang dama ko na...in love na in love talaga ako kay Axedria.
"Alam kong nahirapan si Axedria kung pa'no niya sasabihin sa akin ang tungkol sa'yo. Kaya tara, samahan mo akong humingi ng pasensya sa kaniya. Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko kanina. Hindi ko rin kasi alam kung pa'no haharapin ng maayos si Adri no'ng naalala kita, kaya rito ako agad nagpunta. Mahal ko si Adri, at gusto kong malaman niya 'yon."
Sabay kaming tumungo sa birthday party na dadaluhan pala dapat niya. Gusto ko na rin makita si Axedria, hindi na ako makapaghintay. Pero sa pagdating namin doon ay wala ang babaeng hinahanap ko. Wala rin ang halos lahat ng bisita na ipinagtaka namin.
"A-anong nangyari?" tanong ni Niezhel.
Matalim na nakatingin sa akin ang ungas na si Kieven. "Sumunod sa'yo si Axedria kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik."
"Ano?! Saan siya nagpunta?"
Para akong natauhan sa mga narinig. Sumunod si Axedria kay Niezhel? Hindi kaya...narinig niya ang pag-uusap namin kanina? Pero saan siya nagpunta?
"Tandaan mo, Valdez. Oras na matagpuan ko si Axedria, itatago ko siya sa'yo at kailanman ay hindi mo na siya makikita!"
Kumuyom ang kamao ko. Sa labis na galit ay nasuntok ko siya. Nagkagulo sila at inawat kami. Hindi ako nagpatinag.
"Ako ang asawa...kaya marunong kang lumugar," galit na galit na sabi ko at isa-isang tiningnan ang magulang niya. "Pinalampas ko ang ginawa niyo sa magulang ko, pero sa oras na mangialam kayo sa aming mag-asawa...hinding hindi ko kayo titigilan!"
"Lance!"
Agad akong sumampa sa sasakyan ko. Ilang beses kong tinawagan si Heroace pero hindi siya sumasagot. Bumalik ako sa mansion at hinalungkat ang bawat kwarto. Napaluhod na lang ako nang hindi ko na natagpuan pa ang asawa ko.
Iniwan...niya na ako?
Kinaumagahan ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko na kaninang madaling araw ay umuwi na rin dahil naging successful ang operation. Pinuntahan ko ang bahay ni Montillano at hinalughog iyon, pati siya ay hindi alam kung nasaan ang anak niya. Naghinala na ako, may alam siya.
"Tumigil ka na, Valdez! Hayaan mo na ang anak ko! Napagod na siya sa'yo dahil sa ilang beses mong panlilinlang sa kaniya. Hayaan mo na si Axedria...sumama na siya sa ibang lalaki!"
Namumula na ako sa labis na galit. Hindi ko na rin napigilan ang pagkawala ng luha ko sa labis na pag-aalala.
"Sabihin mo sa akin kung nasaan siya! 'Wag mo siyang siraan sa akin!"
Pero hindi talaga siya umamin. Umiyak lang siya nang umiyak na katulad ko...nahihirapan.
Lumipas ang mga araw hanggang sa umabot ng ilang taon na umaasang babalik pa siya sa akin. Nagbaka-sakali ako na sumulpot siya nang mamatay ang Daddy niya sa sakit sa puso...pero hindi siya sumulpot. Nagkunwari na akong patay, nagbaka-sakali rin na lumabas na siya...pero wala talaga. Subalit hindi ako nawalan ng pag-asa hangga't nararamdaman kong buhay pa siya.
Ilang taon ang nagdaan nang muli akong namubayan sa balitang natanggap ko.
"Sir Valdez, nakompirma kong siya na nga ang hinahanap niyong asawa na si Ma'am Axedria Gabrielle. Narito lang din siya sa Isla at kasukuyang naghahanap ng bibili sa bahay niya," sabi ng assistant ko nang tumawag.
Bumangon ako mula sa pagkakasandal sa niyog. Nilibot ko ang paningin sa paligid.
"Where is she?"
"Pinauwi ko na po, sir, no'ng sinabi kong ako na ang bibili sa bahay niya."
Napatango naman ako. "Nalaman mo ba kung bakit niya pinagbibili?"
"Hindi sir, eh. Pero mukhang may paggagamitan siyang importante dahil mababa ang pabenta niya sa bahay," aniya.
"Okay. Ibigay mo sa akin ang address as soon as possible. Pupunta ako bukas na bukas."
Hindi na ako nakatulog sa gabing iyon. Nakatitig lang ako sa address. Finally...
Kahit si Niezhel ay hindi ako mapakalma sa sasakyan habang tinutungo ang address. Ang puso kong muling nabuhayan nang malaman ang kinaroroonan ni Axedria...ay muling nawasak nang madatnan ko ang sitwasyon nila. Para akong ulit-ulit na sinasaksak habang pinagmamasdan silang magmayakap.
"L-Lance...Valdez. Lance Valdez ang pangalan ng tatay niyo. P-patawarin niyo ako mga anak... M-matagal ng patay ang tatay niyo."
Pigil na pigil ko ang pag-iyak. Nilunok ko ang bumabara sa lalamunan ko, at kahit nahihirapan...nagsalita ako.
"I'm very much alive. And I'm here to buy your house...for my family." For you, my love...and to our two princess.
Lalong nawawasak ang puso ko nang malaman ang mga nangyari. Kung hindi ko na siya agad natagpuan kahapon, ano na kayang mangyayari sa kanila? Bumalik si Heroace kasama ang kambal para humingi ng tulong, at iyon ang inakala nila...patay na ako.
Dahil sa kapabayaan ko, nagkasakit ang asawa ko! Hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kaniya.
"I'm sorry, Mr. Valdez, but we have nothing to with it anymore. Napabayaan ang sakit ni Mrs. Valdez dahilan ng pagpala nito. Kung sana ay naagapan natin ito kahit sana last year, may magagawa pa tayo."
Tulala na lang ako habang nakikinig sa sinasabi ng doktor. Binalingan ko si Axedria na nakahiga na lang. Sobra akong nangamba no'ng hindi siya magising habang dumudugo ang ilong.
"W-wala na ba talagang ibang paraan, doc?" nanghihinang saad ko.
Unti-unting bumukas ang mga mata ni Axedria kaya agad ko siyang nilapitan. I can't lose her. I can't...
"Siguro magtiwala na lang tayo sa himala...kung mayroon man. 'Wag pa rin tayong maubusan ng pag-asa. God is good."
Walang araw na hindi ako dumadaan sa simbahan bago umuwi. Hindi ko inasahan na dadating ang punto kung saan ako araw-araw na luluhod sa simbahan. Pero para sa asawa at pamilya ko, gagawin ko...Hindi ako susuko.
Kahit durog na durog na ako...kinaya ko pa rin ang lahat. Ayaw kong mawalan ng pag-asa kahit hinihintay na lang ni Axedria na sumuko na rin ako. Pinatatatag ko ang kalooban niya at ng mga anak namin. Ayokong tanggapin. Hindi ko kakayanin na mawala agad ang asawa ko sa piling namin.
Pero kahit ano talagang gawin ko...nakatadhana ng iiwan niya na agad ako.
Hinang hina na ako at halos mamanhid na ang buong katawan sa panghihina, pero kinakaya ko pa rin na buhatin ang asawa ko.
"Mommy...Please, Daddy...w-wake her up."
Lalo akong nanghihina sa iyak ng mga anak ko. Kinakaya ko na lang na maging malakas sa harap nila kahit sa kalooban ko ay durog na durog na ako.
Hindi na gano'n kalakas ang ulan pagkalabas ko sa simbahan. Dinig na dinig ko na rin ang paparating na ambulansya.
"I love y-you...Axedria." Ang tangi ko na lang na nasasambit.
Pagod na ang mga mata ko pero pinapanatili kong dilat upang masilayan ang magandang mukha ng asawa ko.
"P-please open your eyes. I w-want to see your...b-beautiful eyes again."
Hindi ko maawat ang mga luha ko. Nasa malapit na ako sa kalsada, buhat-buhat si Axedria nang tuluyang manghina ang mga tuhod ko.
Hindi ko na kaya...
Hindi ko na inalintana kung makita nilang hinang hina na ako. Katulad nila, tao rin ako...nasasaktan din ako.
"Axe..." Mas masakit ang magmakaawa ng ganito sa kaniya na bumalik na siya sa akin. Dahil kahit anong gawin ko...hindi na siya babalik.
Sumasabay sa pagpatak ng ulan sa mukha ni Axedria ang mga luha ko. Parang ulan na hindi ko mapatahan.
Tumigil ang ambulansya sa harap namin. Sinubukan ko ulit na tumayo at maingat ko siyang binuhat ulit. Manhid na ang mga braso ko sa bigat niya. Lumuhod ang isa sa akin para tulungan ako.
Nanlaki ang mata niya matapos icheck ang pulsuhan ni Axedria. "Sir, tumitibok pa ang pulso niya!"
Binaba ko ang tingin kay Axedria. Mula sa pamumutla at panlalamig niya kanina, ngayon ay unti-unti ng bumabalik sa dati ang kulay niya...at ang init ng katawan niya ay nararamdaman ko na.
"Axe..."
"Kailangan natin siyang madala agad sa hospital, sir."
Kanina lang ay hinang hina ang buong katawan ko, pero ngayon ay tila bigla kong nahigop sa kung saan ang lakas ko. Mabilis akong tumayo at hiniga agad si Axedria sa hospital bed na may gulong.
"Heroace, ikaw na ang bahala sa mga bata."
"Sige, sir. Susunod po kami."
Agad akong sumakay sa ambulansya. Hindi ko napigilan ang muling pagpatak ng mga luha ko nang maramdaman ko na ulit ang pagpintig ng puso ni Axedria.
"T-thank you for coming back to me..." Mariin kong hinalikan ang kamay niyang hindi ko mabitaw bitawan.
Thank you God for bringing my wife back to me. I owe my life to you.
Halos isang linggo kaming nanatili sa hospital ng mga anak ko. Bumalik na ang tibok ng puso ni Axedria ngunit mahina. Hindi pa rin siya nagigising, pero ang sabi ng doctor ay may possibility na magiging si Axedria at bumalik sa normal.
Lumipas pa ang higit isang araw nang magising si Axedria. Agad siyang inobserbahan ng mga doktor at nurses.
"The patient's heart is weak. Kinakailangan nating operahan ang pasensya. Magkakaroon tayo ng heart transplant, Mr.," sabi ng doktor.
"Doc...magiging maayos na po ng tuluyan ang asawa ko after ng operation?" I asked, nervous.
"I'll assure you, Mr. Valdez. Kailangan lang natin na siyang maoperahan sa lalong madaling panahon."
Pinauwi ko na muna ang kambal. Kasama nila ang mga kasambahay at ang tita Mariposa nila. Hindi pa kami nagkakausap nang maayos dahil abala ako sa paghahanap ng heart donor. Sa hospital ko na rin ginagawa ang mga importante kong trabaho. Ayaw kong iwan ang misis ko, hindi ko rin dapat mapabayaan ang trabaho ko. Ang pamilya ko at ang trabaho ko, walang kahit alin sa kanila ang p'wede kong pabayaan.
Hinaplos ko ang kamay ni Axedria at pinatakan siya ng halik sa noo. Malakas ang pakiramdam ko na gagaling na siya, at hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon.
"Everything will be alright..." mahinang saad ko bago lumayo.
Alas dose na ng gabi. Katatapos ko lang na tawagan ang kambal sa mansion. Umupo sa upuan sa tabi ng kama ni Axedria at pinagmasdan siya. Mas pipiliin kong pagmasdan siya buong gabi kaysa matulog. Mas napapahinga ko ang katawan ko kapag nakikita siya. Natatakot din ako na baka sa paggising ko ay may hindi na magandang nangyayari sa kaniya.
Napalingon ako sa pinto nang may mahinang kumatok doon. Bumukas iyon ay sumilip si Heroace. Napatayo ako at naglakad palapit sa kaniya. Napansin ko ang pamumugto ng mga mata niya.
"Heroace... Ngayon ka lang napadalaw," saad ko.
Lumapit ako sa heather para ipagtimpla siya ng kape. Hanggang ngayon ay labi pa rin ang pasasalamat ko sa kaniya. Hinding hindi ko makakalimutan ang sakripisyong ginawa niya sa mag-iina ko.
"Sir, kumusta na si ma'am? May nahanap na ba kayo ng heart donor?"
Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon. "Bukas ko pa lang kakausapin 'yung isa sa mga pasyente ni Denzel," sabi ko.
"Nasiguro niyo na po ba na healthy ang pusong iyon?"
Hindi ko alam pero napapansin ko na may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi agad. Lumapit ako sa kaniya, dala ang kape.
"Hindi pa naman sure. Maghahanap pa lang kami bukas-,"
"'Wag na kayong humanap, sir," aniya saka natawa. Pinahid niya ang luha sa mata niya.
Nangunot ang noo ko. Nakatingin siya ngayon kay Axedria.
"Marami kayong nagmamahal kay ma'am Axedria, sir. Kailangan niyo siya at lalong kailangan siya ng mga anak niyo. 'Wag na kayong humanap sa iba, sir...sa akin na lang."
Binalingan niya ako at tipid na nginitian. "What are you talking about?"
Hindi siya sumagot at napapunas lang sa mata niyang muli na namang lumuha.
"Heroace. Tell me. Is there's something wrong? 'Wag kang magdadalawang isip na humingi ng tulong sa akin."
Pero umiling lang siya.
"Hindi na ako makapaghintay na makasama kong muli ang pamilya ko, sir. Lalong lalo na ang babaeng tinitibok ng puso ko na si China...na ilang buwan na palang sumakabilang buhay."
Gulong-gulo ang isipan ko. Hindi na nagpakita pa si Heroace pagkatapos ng gabing iyon. Isang araw lang din ang lumipas nang may mag-donate ng puso kay Axedria mula sa isang doktor na mula sa kabilang hospital. Tiningnan naman iyon at nalamang wala namang problema.
"Saan 'yon galing?" pabulong na tanong ko kay Denzel.
"Hindi rin sinasabi sa akin ni doc. Pero malaki naman ang tiwala ko sa kaniya dahil doktor ko rin siya sa hospital ko," ani Denzel. "Ang sinabi niya lang ay nakiusap sa kaniya ang may ari ng puso na iyon, na idonate sa asawa mo. Pumayag din ang kapatid nito."
Lalo akong naguluhan. Pinahagilap ko si Tanggol pero kahit ang kapatid nito ay hindi ko na mahanap.
Pagkatapos ng operasyon ay higit tatlong linggo rin nanatili si Axedria sa hospital hanggang sa tuluyan na itong gumaling.
Kung sino man ang nagmamay-ari ng pusong iyon...buong buhay kong tatanawin sa kaniya ang utang na loob ko.
Sa pagbabalik ni Axedria ay dumoble ang saya ng pamilya namin. After four years...pinagkalooban pa kami ng langit ng isang anak. Lalaki. Umaapaw ang saya ko at wala ng mahihiling pa kundi ang kalusugan at kaligtasan ng mag-iina ko.
"Mahal na mahal kita, Lance. Kung sino man ang mauna satin sa kabila...maghihintayan tayo, ah?"
Natawa ako at tumango. Hinalikan ko ang kamay ni Axedria nang hindi naaalis ang ngiti sa labi.
"Maghihintayan tayo..."
Malaki na ang mga anak namin at may kaniya-kaniya ng bahay. Ang bunsong lalaki naman ang naiwan naming anak sa mansion na kasalukuyan ng nasa kolehiyo. Pagkapatos naman sumapit ang fourthy nine years ni Axedria, ay namaalam na rin siya. Kaya ngayon...ako na lang ulit ang naiwang mag-isa sa aming dalawa.
Ngayon, seventy years na ako, hanggang dito na lang ang buhay ko dahil sa aking sakit. Siguro naman...tama na ang sampong taon na paghihintay ko na makapiling muli ang asawa ko. Ayaw ko na rin na paghintayin pa siya ng matagal doon.
Pinahid ko ang luha na kumawala sa mata ng mga anak ko at isa-isang tiningnan ang mga asawa nila.
"K-kayo na ang bahala sa mga anak ko, ah..."
"Daddy!"
Yumakap sa akin ang tatlo kong anak habang ang mga asawa nila ay kaniya-kaniya na ring nagpupunas ng mga luha.
Nakangiti kong hinaplos ang mga anak ko. Narito kami ngayon sa tabi ng puntod ng mommy nila. Nakaupo ako habang sila ay nakayakap sa akin. Natatawa kong tinapik tapik ang balikat nila.
"'Wag na kayong malungkot, mga anak. Hindi na rin ako makapaghintay na makasama ulit ang Mommy niyo."
"We love you, Daddy...please, stay with us."
Natawa naman ako. "Hindi na kaya ni Daddy, eh... Hayaan niyo, at ikukwento ko sa mommy niyo na nakapag-graduate na ang mga panganay niyong anak."
Unti-unting pumatak ang ulan. Nilayo ko sila isa-isa sa akin at sinenyasan ang mga asawa nila na ilayo na sa'kin ang mga anak ko at ako'y hindi na makapaghintay na makasama ang mommy nila.
"Mahal na mahal ka namin, Papa!"
"Pakisabi po kay Mommy na mahal na mahal din namin siya at miss na miss na rin po namin siya."
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila na yakap-yakap ng mga asawa nila habang pinatatahan. Masaya akong masilayan sila ng ganito sa huling sandali ko. Muli akong tumingala sa langit at napangiti.
Dahan-dahan akong humiga sa tabi ng puntod ni Axedria. Katulad ng pinangako ko sa kaniya...na sa aking huling hininga ay rito na ako hihiga sa tabi niya.
Sa pagbuhos ng ulan ay unti-unti na ring sumisikip ang dibdib ko. Pumikit na ako at dinama ang malamig na paligid...na ilang sandali lang ay magiging 'sing lamig ko na rin.
Paalam sa mga ala-ala ko. Gusto ko ng mayakap ang babaeng pinakamamahal ko.
"M-mahal ko kayo, mga anak..." bulong ko pa.
"Daddy!"
Sa pagblangko ng paningin ko ay siya ring pagblangko ng isipan ko.
Finally...makakasama ko na ulit si Axedria Gabrielle Montillano-Valdez, kung saan naman talaga ako dapat...sa kaniya.
The End.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro