Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Warning: R-18

Chapter 8: Sapa

Nagising ang diwa ko pero ang mga mata ko ay nanatiling nakapikit. Nararamdaman ko ang marahang pagdampi dampi ng kung ano sa noo ko, maya-maya ay lumipat sa leeg.

Napadaing ako nang sumakit bigla ang ulo ko. Napapikit ako nang mariin. Anong nangyayari sa akin?

Matapos ang malabong pangyayari na nakikita ko ay sunod kong nakita ay ang kamay na may hawak na baril.

"Lance, 'wag!" sigaw ko at agad napamulat.

Nanlabo ang mata ko sa paglabasan Ng mga luha. Kumirot nang kumirot ang ulo ko.

"Shh… Baby, hindi ko gagawin ang ayaw mo," pag-aalo ni Lance.

"Lance, 'w-wag mong iputok ang baril…"

"Hindi ko ipuputok. Shh, calm down."

Kumalma ako nang dampian niya ako ng halika sa noo. Napalinga linga ako sa paligid nang kumalma. Pinilit kong umayos ng upo kahit parang minamartilyo ang ulo ko sa sakit.

"A-anong nangyari?"

"You passed out," ani Lance.

Napatitig ako sa kaniya. Doon ko unti-unting naalala ang nangyari. Ang dalawang lalaki…na kilala ako, pero hindi ko naman kilala ang kahit isa sa kanila. At ang kamay na may hawak na baril na kaninang nakikita ko sa isip ay pagmamay-ari ni Lance.

Napalayo ako sa kaniya ng bahagya. Tumiim ang bagang niya sa ginawa ko. Hindi niya sinubukan na dumikit ulit sa akin.

"M-may baril ka…" halos pabulong kong sambit. "H-humahawak ka ng baril. Lance…"

Hindi ko maituloy tuloy ang gustong sabihin. Talaga ngang hindi ko kilala ang lalaking pinilit kong pakasalan ako.

"Noon pa lang sinabi ko na sa'yo. May baril ako at humahawak ako ng baril. Pero palagi mong tatandaan, hinding hindi ko kayang itutok 'yon sa'yo o kahit iputok man lang."

Para akong hinihipnotismo ng boses niya. Ang baba, ang kalmado, ang gaan. Parang kapag binago niya ang paraan ng pakikipag-usap ng boses niya sa akin ay aayawan ko siya. Hindi niya alam na sa boses na ginagamit niya sa akin…para akong hinihila palapit pa sa kaniya.

Napailing iling ako sa isipan.

"Nasaan na tayo?" Muli kong ginala ang tingin sa kwartong hindi pamilyar sa akin.

"We're at the master's bedroom. Our new room. You are safe now."

Gumaan ang pakiramdam ko. "Thank you for saving me," mahinang sambit ko at hindi siya matingnan sa mata.

"What do you want to eat? Hindi ka pa kumakain."

Parang may kusa ang tiyan ko dahil matapos iyong itanong ni Lance ay kumalam nang kumalam ang tiyan ko.

"Ahm…carbonara. Gusto ko ng carbonara."

"Anything else?"

"Kahit ano na lang. Ikaw na ang bahala."

"Okay. Wait me here."

Pinanood ko ang likod ni Lance habang paglabas. Binalot ako ng katahimikan kaya bumalik sa mga nangyari ang isip ko.

Sino kaya ang dalawang lalaki na 'yon? Totoo ba ang sinabi nila sa akin? Hindi ba sila nagpapanggap lang na tauhan ng lalaking gustong ipakasal sa akin ng parents ko? Wait! What if nagpapanggap lang talaga sila? Kailangan ko ng mag-ingat. Baka balikat nila ako at tuluyang kunin.

Kung pakikiramdaman ko ay mas gugustuhin kong manatili rito kay Lance, kaysa ang mapunta sa kanila o mabalik sa parents ko. Pero…deserve ko rin naman ng kalayaan after all. Hindi ganitong tumatakbo ako at tumatago.

Sa lalim ng mga iniisip ay nakatulog ulit ako. Nagising ako sa marahang boses na gumigising sa akin at ng gutom.

"Wake up…you have to eat na."

Kumalam lalo ang sikmura ko nang maamoy ang masarap na amoy ng carbonara.

I love carbonara! Kahit ang weird niya sa panlasa.

Umupo ako at dahil medyo nahihilo ay nasa tabi ko si Lance para alalayan ako. Sinimulan ko agad na lantakan ang carbonara. Unang subo ko ay parang nagpaputok ng stars ang mata ko. Parang mas masarap ang carbonara na kinakain ko ngayon kaysa sa mga nakain ko noon. Ang creamy!

"Ang sarap nito, Lance."

Mas masarap pang magluto itong lalaki na ito kaysa sa katulong na dinala niya rito noon. Wagas pa kung pagaungitan ako. Guminhawa ang pakiramdam ko nang isang araw itanong ko kay Lance ang kasambahay na iyon. Ang sabi niya ay binalik niya sa bahay ng grandparents niya.

Kaya rin pala kilala ng kasambahay na iyon si Niezhel ay dahil siya ang kasambahay ng dalawa dati.

Pinawi ko ang dalawang babae sa isipan at pinukos ang atensiyon sa pagkain. Hindi ko na napapansin ang ginagawa ko dahil sarap na sarap sa kinakain. Napangiti na rin ako nang ngitian ako ni Lance.

"Ako ang nagluto niyan," proud niyang sinabi.

Wait…did he just smile?! Sobra ba akong nagutom dahil nakita ko siyang ngumit? I mean…ang genuine ng ngiti niya.

Tumikhim si Lance at naging seryoso ulit ang mukha. Napansin ko rin na hindi na pala ako ngumunguya dahil sa katittitig sa kaniya.

"Finish your food. May aasikasuhin lang ako," seryoso niyang sinabi at tumayo.

Tinabi niya sa inumin ko ang gamot na kinuha niya sa drawer ng bedside table.

"Drink it after you eat. Iwan mo na lang ang pinagkainan mo pagkatapos mo. Ipakukuha ko na lang."

Wala na siyang naging imik at umalis na. Naiwan ulit akong mag-isa sa kwarto at muling binalot ng katahimikan. Nagpahinga ako pagkatapos inumin ang gamot. Pagkagising ko ay madilim na sa labas. Gumaan gaan na rin ang pakiramdam ko.

"Axedria! Gising kana!" ang sigaw na bumungad sa akin nang makababa ako ng sala.

"K-kangkong–Ken," tawag ko rito pabalik. "Si Mariposa? Kasama mo ba?"

Nagpalinga linga ako dahil baka naggagala lang ang babae. Ngunit hindi ko ito nahagilap.

"Wala, eh. May pinagkakaabalahan siya ngayon. Sabi niya ay sa susunod na lang."

Napanguso ako. "Sayang naman."

"Sandali, kumusta ang pakiramdam mo?"

Nilapitan niya ako. Kakapain pa sana ang noo ko pero agad niyang pinigilan ang sarili.

"Ay! Muntik na maputol kamay ko," natatawang aniya saka nilayo ang kamay sa akin.

"Ano ang ginagawa mo rito, Ken?" tanong ko.

"Ay bawal na ba ako ritong nagpunta? Pinagbabawalan mo na rin ako? Pinagbabawalan na nga ako ng asawa mong…Korikong," binulong niya ang huling sinabi saka tatawa tawang tumalikod.

"Hindi naman, natanong ko lang," sabi ko. "Asan nga pala si Kurikong–ah si Lance?"

"Wala ako rito kung nandito siya. Umalis siya, sana nga 'wag na muna bumalik," aniya.

Nilapitan ko ang lalaki na nakaupo na ngayon sa sofa. "Takot ka ba sa pinsan mo, Ken?" kuryosong tanong ko.

"Ano ka ba, Axedria. Hindi naman…basta nasa good mood siya."

Sabagay, ako rin kasi minsan natatakot sa lalaking iyon. Napaka-mesteryoso.

"Pero takot ka nga?" pagpipilit ko.

"Ano ba, Axe…"

"Oh ba't hindi ka makasagot? So totoo nga?"

Nabakasan na ng halong inis at hiya ang itsura niya. Ayaw niya pang aminin, halata na naman sa itsura niya.

Umupo ako sa tabi ni Ken na ikinadasig niya naman palayo sa akin. Natutuwa ako sa nagiging reaksyon niya. Para siyang bata na ang saya asarin.

"Ano, hindi mo maamin? Na natatakot ka nga?"

"Axedria, sabi. Lumayo ka sa'kin, baka–"

"Nagdadahilan ka pa. So bakit ka takot kay Lance ha?"

"Axe!" singhal niya na ikinatawa ko lang.

"Aha! Takot ka nga kay Lance–"

"Ano bang pinagsasabi mo–"

"Bakit ka nga takot ha? Bakit ka takot?" pang-aasar ko hanggang sa kinalikot ko ang ang baywang niya. Namilog ang mata ko at napahalaklak dahil biglang parang naging bata si Ken. Sumigaw siya ng tulong nang hindi napipigilan ang pagtawa sa kiliti.

"Need my help?"

Pareho kaming nanlamig at napatigil nang marinig ang malamig at mariing boses na iyon.

Agad na napatayo si Ken. Nasalubong ko ang madilim na mata ni Lance nang nilingon ko. Nakatayo siya sa may kabilang sofa.

"A-ahm uuwi na pala ako," usal ni Ken na nasa likuran na ng sofa na inuupuan ko.

Paglingon ko kay Ken ay halos lakad takbo na ang ginagawa niya papuntang pinto. Tila pinipigilan din ang mga paa na makagawa ng ingay.

"Bumalik ka, Ken! Isama mo si Mariposa!" sigaw ko nang makalabas na ang lalaki. Humarap siya sa akin at tumango tango saka dali-dali nang umalis.

Natawa ako. Pero napatigil din nang pagbaling ko kay Lance ay seryoso itong nakatingin sa akin.

"Ahm…nandito ka na pala?" Tumaas lang ang isang kilay niya sa akin. "S-sige…akyat na rin ako sa kwarto."

Wala akong narinig na salita mula sa kaniya nang talikuran ko. Pigil na pigil ko ang sarili na lingunin siya pabalik kasi parang ang bigat sa pakiramdam na talikuran ko na lang siya.

Tumigil ako sa paghakbang at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan. Umikot ako para harapan ulit siya.

"Saan ka galing?" mahinang tanong ko. "M-mukha kang pagod…"

Saka lang ako nagkalakas ng loob na angatan siya ng tingin at salubongin ang mga mata niya. Naging malambot ang tingin niya sa akin. Binabasa ko pa ang pinararating ng mga mata niya subalit agad na siyang nag-iwas ng tingin.

"It's nothing. How are you feeling?"

"Okay na ako… Ikaw ba?"

Hindi na siya nag-angat ng tingin sa akin. Pinanood ko na lang siya ng lagpasan ako.

"Lance,"

Hindi ko maintindihan kung bakit nagiging ganito na ako ka-concern sa kaniya. Dapat nga ay matakot na ako sa kaniya matapos kong malaman na humahawak siya ng baril at kayang kaya niya iyong iputok.

Tumigil siya pero hindi ako nilingon. Nanatili siyang nakatalikod sa akin.

"Uulitin ko… Salamat dahil niligtas mo ako. Utang ko sa'yo ang buhay ko. Kung hindi dahil sa'yo, baka napatay na nila ako."

Hindi ako nakarinig ng kahit anong salita sa kaniya. Pero nagpatuloy ako.

"Kahit anong gusto mong gawin ko…gagawin ko," usal ko at napayuko. Kinurot kurot ko ang daliri ko.

"Will you promise me?"

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakatalikod pa rin siya, pero ngayon ay nakatingala na.

"Hindi mo 'ko iiwan kapag nalaman mo na ang totoo?" Naroon ang labis na pagbabakasakali sa boses niya.

Sandali akong napaisip. He saved my life…twice. Nilayo niya ako sa mga taong nakakasama sa akin.

Sunod-sunod akong tumango kahit hindi siya sa akin nakatingin.

"Kung ikinakatakot mo na lalayuan kita sa oras na makilala ko ang katauhan mo…nagkakamali ka. Kahit sino ka pa, Lance…tatanggapin kita. Tanggap kita."

Tumango lang siya at dumiretso na sa pag-akyat.

Napahawak ako sa dibdib ko nang mawala na siya sa paningin ko. Pinakalma ko ang dibdib na mabilis pa rin ang kalabog. Gumaan na rin ang pakiramdam ko. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain.

Puno ng laman ang refrigerator. Ang natira kong pasta at ibang kinain kanina ang luto.

Okay na naman na ako. Hindi ko na kinain ang pagkain na nasa ref. Nagluto na lang ako, sakto rin naman na maghahapunan na. Hanggang sa matapos ako sa pagluluto ay hindi ko na nakita si Lance na bumaba ulit.

Ano kayang nangyari sa lalaking iyon?

Kumatok ako sa pinto ng master's bedroom.

"Lance?"

Bumukas ang pinto. Napaatras ako dahil sa pagkakabigla, hindi ko naman kasi inasahan na bubukas agad ang pinto.

"Ah nagluto ako for dinner. Are you busy?" Medyo nag-aalangan pa akong itanong iyon.

"Kagagaling mo lang sa sakit, Axedria. Nagpahinga ka na lang sana," aniya at tinalikuran ako.

Akala ko tuluyan na niya akong tatalikuran. Kinuha niya ang cellphone sa sofa at bumalik din.

"Let's go."

Nakasunod lang ako sa likuran niya hanggang sa makababa sa sala. Tumigil siya at hinarap ako.

"Mauna ka na sa kusina. May tatawagan lang ako saglit."

Nakangiti ko siyang tinanguan saka siya sinunod. Inayos ko na lamang ang mga kubyertos habang abala pa siya sa kausap.

Sino kayang kausap niya? Iyon pa rin bang tungkol sa utangan? Ilang buwan na rin 'yon ah.

Hindi naman nagtagal ay pumasok na si Lance sa dining. Saktong katatapos ko lang din timplahin ang juice.

"Hindi ka ba naboboryo rito? May gusto ka bang puntahan?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain.

"Ha? Marami akong gustong puntahan…pero baka–"

"Don't worry. You are safe with me."

Nakagat ko ang labi ko. "Nandito na nga ako sa bahay mo, pero…"

Hindi ko maituloy tuloy ang gustong sabihin. Nag-aalala na baka hindi niya magustuhan at ma-offend ko pa siya.

"Axe…nangyari iyon nang wala ako. This time, I promise you. Ligtas ka sa tuwing kasama mo ako. I put something around this place. Kaya wala ng kahit sino ang basta-basta na lang makakapasok dito. 'Yong may mga access lang."

Sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. Ang kaligtasan na nadarama ko sa tuwing kasama ko siya ay dumoble pa.

Hindi na ako sumagot.

Tinulungan niya akong magligpit ng pinagkainan. Mukhang wala siyang lakad ngayong gabi.

"Korikong…ah Lance. Wala ka bang lakad ngayon?" tanong ko.

Napawi ang pagkunot ng noo niya kanina sa tinawag ko. "I have no business tonight. I'll be doing a husband duty."

Kinuha niya sa akin ang napunasan ko ng platito at nilagay sa kitchen cabinet. Huli na iyon kaya binalik ko na ang ginamit na pangpunas sa kinalalagyan.

"May gagawin pa ba?" tanong niya.

"W-wala. Matulog na tayo…"

Napataas ang balikat ko nang patungan ng braso niya. Ang lamig na nadarama ay nabalit ng imbong ng katawan ni Lance.

"Yup. Matulog na tayo."

Ang saya ng boses niya kaya hindi ko siya napagilang tingalain habang naglalakad na kami paalis ng dining. Tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay nang balingan.

"Sa daan ang tingin, Axedria my wife."

Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ko napigilang mapangiti sa kakaibang hatid sa akin ng tinawag niya.

"M-magtatabi ba tayo?" tanong ko nang makarating sa master's bedroom.

Nilingon niya ako, hawak-hawak ang unan na inaayos niya. He nodded.

"Pero kung hindi ka komportable, makakatulog naman ako sa sofa," aniya.

Nakaramdam ako ng hiya. Mahaba siya at feeling ko ay hindi siya makakatulog nang maayos kung sa sofa siya.

Umiling ako. "Hindi naman."

Lumapit na rin ako sa kama para ayusin ang unan. Malawak ang kama at mas malambot kaysa sa kama ko sa kwarto.

Pareho kaming tahimik na nakatingala sa kisame. Ako ay parang nababasa ang mga katanungan sa kisame.

"Go on. Ask me."

Napabaling ako kay Lance sa sinabi niyang iyon.

"I will answer your two questions. Go on, Axedria."

Sandali akong napaisip kung talaga bang itatanong ko ang naisip sa kaniya. Wala akong nagawa nang pumihit siya paharap sa akin. Napapihit na rin ako paharap sa kaniya. For the first time, I have the chance to stare at his eyes sa ganito kalapit.

"Lance…sino si Gab?"

"Ikaw," walang ano-anong sagot niya.

"Pa'nong naging ako?" tanong ko.

"Kailangan ko bang sagutin 'yan? Pagkatapos niyan wala ka ng p'wedeng itanong ulit," aniya.

Natutop ko ang bibig at umiling iling na dahilan ng ikinatawa niya.

"Ahm…bakit ka pumayag na pakasalan ako?"

Hindi siya agad nakasagot. Nakatitig lang siya sa akin na parang hinhalukay ang kaloob looban ko para makakuha ang sagot.

"Can I answer that in the other day? I have question for you too," aniya.

Nagdadalawang isip man ay tumango tango ako. "Sige."

"So where do you want to go? Let's go to the places you wanted to go. Gagawin ko ang trabaho ko bilang asawa mo."

Hindi ko napigilan ang mangiti nang malawak.

"Talaga?! Seryoso ka talaga?"

Mahina siyang natawa. "Yes. I'll do everything for my wife."

Muli akong napangiti. "Gusto kong puntahan ang magagandang lugar dito sa kagubatan!" excited kong sinabi na ikinanganga niya, na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Ayaw kong ipahamak si Lance. Siya na lang ang meron ako. Nakakaramdam ako ng takot kapag naiisip kong siya ang mapahamak nang dahil sa akin.

Natatakot ako na siya ang punteryahin nila tiyo Alonzo.

"Okay…pumunta tayo ng sapa," aniya.

______________________________

Joke lang, wala pa! Pero sa pupuntahan kaya nila...meron na? Hshshshhaha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro