Chapter 7
Chapter 7: Luha
Kinurap-kurap ko ang mabibigat kong talukap. Nasa isa akong hindi pamilyar na kwarto. Ang amoy ay malayo sa mabangong amoy ng kwarto ko sa mansion ni Lance.
Napahilot ako sa sentido nang kumirot ang ulo ko, at tila nahihilo. Habang humihilot-hilot ay pumasok sa isip ko ang mga nangyari. Ibig sabihin ay wala talaga ako sa bahay ni Lance.
Napatingin ako sa pinagmulan ng tunog ng pagbukas ng pinto.
"Gising ka na." Malawak ang ngisi ng lalaking pumasok, ang inakala kong si Lance. "May bisita ka! Na-miss ka rin niya. Ayaw ko na makita ka pa niya, pero baka sa kaniya ay maalala mo na rin ako."
May maliit na ngiti pang sinabi ng lalaki. Nakikita ko ang kaligayahan sa mga mata nito at ang kakaibang emosyon, habang nakatingin sa akin.
Nalipat ang tingin ko sa lalaking sumulpot sa likuran ng lalaking nagsasalita.
Bigla ay may kakaiba akong naramdaman. Habang nakatingin sa lalaki ay tila nasa sitwasyon akong naranasan ko na noon. Pero hindi nawawala sa isipan ko ang maaaring gawin ngayon ni Lance kapag nalaman na naman niyang nawala ako. Baka sumugod na naman siya ng mag-isa at makipagbarilan.
"Sino ba kayo?" Binalingan ko pa ang inakala kong si Lance, pero agad ding binalingan ang lalaking may kakaibang pakiramdam na hinahatid sa akin.
Naroon ang pagkalito, saya, at kaguluhan sa mukha ng pangalawang lalaki. "So you're right. Hindi niya tayo matandaan."
"I told you, Adri."
"Pero kailangan natin itong sabihin kay tito," ani ng tinawag na si Adri.
Mabilis siyang nilingon ng lalaki habang nakaigting ang panga. "Sinabi ko na rin sa'yo na hinding-hindi ko 'yon gagawin."
"Pero kailangan 'yon, Kuya–"
"I don't care!" bulyaw ng lalaki na ikinatalon ko sa gulat. "Umalis ka na lang! And if you tell about this to Tito, ilalayo ko siya... hanggang sa hindi mo na makita pa."
Walang nagawa ang lalaki. Nginitian lang ako nito ng tipid. Malalim itong nagbuntong-hininga bago lumapit palapit sa gawi ko.
"Teka, sino ba kayo?"
"Hindi mo kami maalala kaya hindi ka namin bibiglain," ani ng unang lalaki. "He's Adri, I'm your fiance."
Nanlaki ang mga mata ko. Simpleng ingles iyon kaya hindi ako nahirapang intindihin.
Binalingan siya ni Adri, puno ng pagtututol. Ngunit hindi rin naman ito nakaimik nang taasan ng isang kilay ng lalaki.
"Subukan mong kontrahin ang mga gagawin ko, hindi mo na talaga siya makikita. Alam mong tinutotoo ko ang sinasabi ko, Adri," pagbabanta pa ng lalaki.
Napabaling ako kay Adri na nakatayo sa tabi ko. Mas malalim ang pinakawang buntong-hininga nito kaysa kanina, saka ako binabaan ng tingin.
Ngumiti siya sa akin, at hindi na nilingon ang Kuyahin na lumabas ng kwarto. "I'm happy to see you again, Axe. Matagal kana naming hinahanap." Umupo siya sa tabi ng kama.
Bahagya naman akong lumayo. "Hindi ko kayo kilala. Anong pinagsasabi ninyo? Bakit parang kilala niyo na ako noon pa?"
Gulong-gulo na ako. Nakalimutan ko na si Lance dahil sa mga nangyayari.
"Katulad ng sinabi ni Kuya, ayaw ka naming biglain. Hahayaan namin na unti-unti mo kaming maalala, hanggang sa makilala mo na kami."
"Naguguluhan ako..." pag-amin ko. "Imposibleng mangyari ang sinasabi niyo. Pa'no ko kayo maaalala, eh, wala naman akong amnesia. Hindi ako nagkasakit o na-aksidente."
Marahang umiling-iling ang lalaki, titig na titig sa akin. "We are too young that time. Kaya hindi mo na matandaan."
Tumayo ang lalaki saka inabot sa akin ang isa niyang kamay.
"Tara sa baba. Kakain na tayo."
Napatingin lang ako sa kamay ng lalaki. Hindi ko 'yon inabot. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Bumaba na lang ako nang mag-isa.
"Siguro kapag tumagal-tagal ka rito na kasama si Kuya, pagsusungitan mo na naman siya."
Hindi na lang ako umimik at sumunod na lang ako sa lalaki nang lumabas ito. Wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Ang mga sinasabi nila ay parang si Lance kapag dirediretsong umi-ingles sa harap ko.
Napabuntong-hininga ako. Lagot na naman ako sa kaniya neto.
"Tulungan mo akong makaalis dito. Gusto ko nang umuwi sa a-asawa ko..." sambit ko nang makarating kami sa sala.
Hindi ko na mapuna ang lugar dahil wala akong ibang iniisip kundi ang umuwi na kay Lance.
Napatigil sa paglalakad ang lalaki saka ako nilingon. Puno ng pagkalito ang mukha nito.
"A-ano? Asawa?"
Tumango ako. "Oo. May asawa na ako."
"Sino?" Naging seryoso ang mukha ng lalaki, at nagsimulang umigting ang panga.
Sasabihin ko ba ang pangalan ni Lance? Pa'no kung anong gawin nila kay Lance? Pero... hindi ko sila mapapaniwala na kasal na ako kung hindi ko sasabihin ang pangalan ng asawa ko.
"Si Valdez–"
"Fuck..." malutong na sambit nito, sa kawalan na nakatingin.
Nilapitan ko ang lalaki at hinila-hila ang laylayan ng damit nito. "Parang awa mo na, Kuya.... Tulungan mo akong makaalis dito–"
"Lalong hindi na kita matutulungan..." Naging marahan ang boses nito. Ang mga mata ay litong-lito nang binalingan ako. "Mas hindi ka ligtas sa lalaking 'yon."
Napailing iling ako. Alam ko ang ibig niyang sabihin dahil sinabi na rin 'yon ni Lance. Pumapatay siya, at kaya sinasabi nitong ni Adri na mas hindi ako ligtas kay Lance ay dahil pumapatay ito. Nangangamba siya na baka magawa rin 'yon ni Lance sa akin. Pero pa'no niya nakilala si Lance?
"S-sige na–"
"What you two takes so long? The dinner is ready," ang Kuya ng lalaking kasama ko. Bigla na lang sumulpot mula sa isang pinto. Sa kainan.
"Let's go," malamig na usal ni Adri sa akin. Nanguna itong maglakad patungo sa lalaki.
Nilapitan naman ako ng isa. Pero bago pa man siya makalapit ay naglakad na rin ako. Nilagpasan ko ito. Hindi ko maintindihan, may kakaiba akong naramdaman sa lalaking ito. Para akong naiinis sa bawat galaw niya.
Hindi ko pinansin ang pagkatigil ng lalaki sa likuran ko. Bago ako makapasok sa dinning room ay nagkasabay na rin kami ng lalaki, pero hindi ko pa rin ito nililingon.
Kauupo ko lang sa tapat ni Adri ay agad akong pinagsilihan ng Kuya niya. Ito any nagsalin ng kanin sa plato ko. Si Adri ay nakatingin lang sa ginagawa ng kapatid. Marahas akong napabuntong-hininga, nagpipigil na singhalan ang lalaki.
Hindi ko talaga mainitindihan ba't inis na inis ako sa kaniya. "Tama na," saad ko nang patuloy pa rin ito sa pagsandok ng kanin sa plato ko.
"Okay. Let's eat!"
Tahimik lang akong kumakain habang ang dalawa ay may kung anong pinag-uusapan. Wala sa kanila ang buong atensyon ko, nasa pagkain. Baka kasi mamaya may kung anong hinalo rito. Kaya bago ko isubo ay pasimple kong inaamoy, at tumitikim lang.
"Hanggang kailan?"
Napukaw ang atensyon ko sa tinanong na 'yon ni Adri sa Kuyahin. Bahid na ang inis at pagtutol sa hitsura nito. Nang nalingon ako ay bahagyang kumalma. Napatingin naman ako lalaking nakaupo sa center table.
Mabilis lang din ako nitong nilingon bago binalingan ang kapatid. "Until we get married. Then we will go to the villa after the wedding." Binalingan ako ng lalaki. "Lilipat na kami sa ibang bansa. Doon na kami maninirahan ni Axedria."
Napuno ng pagtututol ang sistema ko. Ano bang pinag-uusapan nila't gano'n ang mga sinasabi ng lalaking ito.
"Pwede ba. Hindi ko kayo naiintindihan. Mas mabuti pang ibalik niyo na ako sa a–"
"Sa tingin ko, Kuya, hayaan na muna natin siyang makapagpahinga. Mahihirapan tayo lalo, mahihirapan ka kung magmamadali tayo. Mga ilang araw pa," ani Adri sa Kuyahin, mabilisan lang akong sinulyapan.
Malalim na bumuntong-hininga ang lalaki at nagkibit ng balikat. "I know, Adri. Sinasabi ko lang naman."
Kumain ako nang kumain. Kahit busog na ay hindi ako agad umayaw. Wala na ring pakielam sa tingin ng dalawa. Kailangan kong magpakabusog. Tatakas ako mamaya kapag umalis sila.
"Gusto ko mang tumagal pa, but I have to go." ang lalaking kumuha sa'kin. Binalingan ako nito.
Nilabanan ko ang titig nito. Nagawa ko pang taliman. Hindi ako natatakot sa masungit niyang mata, kung kay Lance pa oo.
"Hahayaan kitang gumala-gala rito sa mansion. But I won't let you to escape. Hindi kana babalik sa malaking bahay na 'yon, malaki rin naman itong bahay na ito."
Umigting ang bagang ko. "Hindi ako magtatagal dito. Gagawin ko ang lahat para makabalik sa a–"
"Kuya, ako na ang bahala kay Axedria. Kailangan mo nang umalis bago ka pa ma-late sa meeting mo. Hindi ba't may importanteng tao ang dadating?" Mabilis pa akong sinulyapan ni Adri.
Tumayo ang lalaki. "Okay, I have to go. Ikaw na ang bahala sa kaniya. And make sure you don't do anything I won't like, Adri." Naging pagbabanta ang boses nito sa panghuling sinabi.
Tumahimik ang hapag nang mawala ang lalaki.
"Sino siya?" tanong ko kay Adri.
"My brother Keiven Rico. Keiv."
Keiven Rico. Keiv....
Parang narinig ko na ang pangalang 'yon... pero hindi pamilyar. Nakakalito.
"Nandito lang ako kasi gusto kitang makita. And I miss you, Axedria..."
Nginitian pa ako ni Adri, ngunit bahid ang lungkot sa mga mata.
Hindi ako agad nakagalaw nang lumapit ito at niyakap ako. Napatunganga lang ako sa chandelier. Dahil matangkad ang lalaki ay bahagya na akong nakatingkayad.
"Matagal kana naming pinaghahanap... simula noong mawala ka noong mga bata pa lang tayo. Simula noong..."
"Sandali..." Tinapik-tapik ko ang balikat ng lalaki. Bumitaw ito sa yakap nang mapansing nahihirapan ako sa tangkad niya.
Pinakawalan ako ni Adri at bahagyang lumayo. "I'm sorry."
Nginitian ko ng tipid ang lalaki. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Siguro sabik na sabik na nga siya sa kaibigan nilang nawala noon, na ako ang pinagkamalan.
"Pasensya na, A-adri... Hindi ko talaga alam ang pinagsasabi ninyo. Pero isa lang ang alam ko... nagkakamali kayo."
Nangunot ang noo ng lalaki.
Malalim akong napabuntong-hininga saka hinarap nang maayos ang lalaki. "Nagkakamali kayo kasi noon pa man wala akong kaibigan. Strikta ang Nanay ko. At... wala akong ibang alam na lugar kundi 'yong pinagtatayuan ng bahay ng Papa ko. Ni hindi ko alam ang lugar na ito."
Napayuko ako. Napakahirap nilang paniwalain.
"Kaya pasensya na. Kung ibabalik niyo ako sa asawa ko, matutulungan ko pa kayo. Hihingi ako sa kaniya ng pabor na tulungan kayo ng Kuya mo sa paghahanap niyo sa... sa babaeng hinahanap niyo. Kasi hindi talaga kayo ang babaeng 'yon," mahabang sabi ko.
Tumalikod sa akin ang lalaki. "Kailangan mo pa ng panahon para maalala ang lahat. At pasensya na rin, Axedria, dahil hindi kita maibabalik sa asawa mo." Pumihit siya paharap sa akin, seryoso na ang mukha. "Mas ligtas kana rito kaysa roon."
"T-teka–" Hindi ko na naabot ang lalaki dahil sa mabibilis niyong hakbang patungo sa labas.
Mabilis lang akong nilingon ni Adri matapos may sabihin sa isang kasambahay na tinawag, bago tuluyang lumabas ng bahay.
"Umakyat na raw kayo sa taas, Miss, para makapagpahinga pa raw kayo," sabi ng kasambahay nang lumapit sa akin.
Nginitian ko ito at tinanguan. Pero hindi ako agad umalis sa kinatatayuan. Hinintay ko muna na bumalik ang kasambahay sa pagtatrabaho. Nang tuluyan iyong makapasok sa dinning are ay saka lang ako kumilos.
Hindi ako umakyat sa kwarto. Kun'di naghahanap ako ng telepono, o cellphone na magagamit ko.
Tumago ako sa kantong pader nang may papadaang dalawang kasambahay. Nasa tapat ko na ang isang mesa na may telepono.
"Sino kaya ang babaeng 'yon?"
"Narinig ko kanina, financee siya ni sir Keiven."
"Talaga?"
Unti-unting nawala sa pandinig ko ang usapan ng dalawang kasambahay. Hinintay ko munang makaakyat ang dalawa sa taas, bago dahan-dahang umalis sa kinatataguan. Wala na akong ibang kasambahay na namamataan kay tinakbo ko ang teleponong nakita.
"Zero... One... Two... Three... Four..." Pinindot ko ang numero hanggang siyam. Mabuti na lang hindi ko nakalimutan ang numero ng bahay.
Ilang ring ang hindi nasagot. Muli kong tinawagan ang numero, habang sumusulyap sulyap sa paligid. Baka kasi may sumulpot na kasambahay.
"H-hello? Lance?" Natakip ko ang binig upang pigilan ang boses. Sa tuwa kasi sa pagsagot ng tawag ay pakiramdam ko maliligtas na ako.
"Aba, si sir talaga ang hinanap?" ang masungit na kasambahay. "Lagot ka kay sir. Kagabi pa siya galit na galit sa'yo dahil kung saan ka na naman nagpunta."
Kinabahan ako. "A-ah... Pakisabi m-may kumuha–"
"Hayst! Diyan ka na nga. Bahala ka kung nasaan ka man. Hindi ko sasabihin kay sir na tumawag ka. Babush!"
Napasinghap ako nang naputol na ang tawag. Bumigat ang dibdib. Pero hindi ako tumigil hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses nang pinapatay ang tawag. Hindi ako sumuko.
Naluluha na ako. Nauubusan na ako ng pag-asang makabalik. Huminga ako nang malalim saka muling tinwagan ang numero.
Kari-ring pa lang ay may agad nang sumagot. Hindi na ako nagsayang pa ng segundo, agad akong nagsalita.
"Pakiusap sabihin mo–"
"Where the fuck are you?!"
Bahagya akong napatalon dahin sa gulat. Habol hininga akong nagsalita ulit.
"L-lance?"
"Who else? Now tell the fuck to me where the fucking fuck are you?"
"Lance, may kumuha–" Biglang nawala sa tenga ko ang telepono. "A-adri..."
Madilim man ang tingin nito ay nababahiran pa rin ang mga mata nito ng pag-aalala. "Sinabi ko na sa'yo na mas ligtas ka na rito. Hindi ako papayag na makakabalik ka pa sa Lance na 'yon."
"Kahit ano pang sabihin niyo, babalik pa rin ako sa asawa ko–"
"Kahit na katapusan na ng buhay mo oras na makatungtong ka ulit sa puder ng lalaking 'yon?"
Natigilan ako.
Humakbang palapit sa akin si Adri matapos ibalik ang telepono. "Kung hindi mo man maalala, Axedria. I'm Adri, your best best friend. Gusto ko mang ipaliwanag sa'yo lahat, pero alam kong maguguluhan ka lang. At mas mahihirapan..."
Sinsero ang bawat salitang binibitiwan nito. Gano'n din ang hitsura.
"Mas gugustuhin kong ikasal ka kay Kuya kaysa mapunta ulit sa lalaking 'yon. Axedria, hindi mo kilala ang lalaking 'yon."
"Ano bang pinagsasabi mo." Nabahiran na ng inis ang boses ko.
Hindi ako magpapakasal sa Kuya niya. Kahit na lumayo na ako kay Lance.
"Axe, I care for you. I don't want you to be like what happened to your mother. Axedria, please listen to me. Mas makabubuti sa'yo na manatili rito–hanggang sa malaman na ng Daddy–
"Stop it, Adri!"
Parehong kaming nagulat sa malakas na tinig na 'yon. Paglingon namin ni Adri ay ang matapang na hitsura ng Kuya niya ang tumambad.
"Kuya?"
Mabibilis ang hakbang na lumapit sa amin ang lalaki. Kinabahan ako dahil sa takot mula sa lalaki. Nanlilisik ang mga mata nito.
Napaatras ako nang pumagitna ang lalaki sa amin ni Adri. "Did you tell uncle?!"
Nabahiran ng pagkalito ang mukha ni Adri. "W-what? What are you saying, Kuya?"
"Godamnit! Talaga bang hindi mo sinabi?" Umiling-iling si Adri, gulong-gulo pa rin. "Pa'no niya nalaman!"
Hinarap ako ng lalaki. Muli akong napaatras. Hinablot nito ang pulsuhan ko at hinila ako paalis.
"Kuya, anong gagawin mo?"
Sinusubukan kong makawala sa hawak ng lalaki ngunit hindi ko magawa. Sumasabay na lang ako sa mabibilis na hakbang nito.
"Sa ibang bansa na lang kami magpapakasal. Nalaman niya na nasa sa'kin si Axedria. Kailangan ko na siyang ilayo."
"Ano?" Napatigil ako, ngunit napahakbang din dahil sa lalaki. "Bitiwan mo nga ako! Hindi ako sasama sa'yo!"
"Wether you like it or not, magkasama tayong aalis."
"Kuya–"
"I don't have time for us to stay here any longer, Adrian," ani ni Keiven, tumigil pa't binalingan ang kapatid. "Ilang sandali lang nandito na sila." Saka ito nagpatuloy.
Nakasunod lang si Adri sa amin. Nakatingin lang sa akin, tila wala na rin siyang magagawa.
Nagmatigas ako sa kinatatayuan nang hatakin na naman aki nu Keiven, matapos maimpake ang mga importante niya raw na kagamitan.
"What? Let's go..." Marahan ang boses. "You will be more confused about what is happening. But I promise, kapag nakaalis na tayo ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat."
Sinubukan niya ulit akong hatakin upang makalabas na sa kwarto, ngunit nagmatigas pa rin ako.
Hindi ko maiwasang tingnan ang lalaki ng masama. "Hindi nga ako sasama sa'yo, 'di ba? Mas mabuti pang ibalik mo na lang ako sa lugar na pinagkuhaan mo sa akin!"
Nagtagis ang bagang ni Keiven. "No. Hindi ko 'yan gagawin."
Sinubukan kong higitin ang braso sa lalaki pero hinigpitan niya lang lalo ang paghawak. Napadaing ako.
"Kuya, alam mo naman ang kalagayan niya. Asahan mo na mahirap siyang pakisamahan sa ngayon." si Adri, sinulyapan pa ako.
Lumuwag ang hawak sa akin ni Keiven, pero hindi ko pa rin magawang makatakas.
"I know..." Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Keiven. "I'm sorry, Axedria. But this is for... us. Para na rin sa ikabubuti natin itong gagawin natin."
Umiling-iling lang ako. Wala akong masabing salita dahil hindi ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin. Kailangan ba talaga naming ikasal para maintindihan ko ang mga pinagsasabi nila?
'Tsaka pa'no niya ako mapapakasalan kung kasal na ako?
Bago ko pa man sabihin 'yon kay Keiven ay nahila na ako nito palabas. Sinubukan kong kumawala ngunit nahihirapan ako.
"Hindi ako magpapakasal sa'yo!"
"Pero pakakasalan kita."
Nilingon ko si Adri para humingi ng tulong. Sa mga mata nito ay nakikita ko nang hindi niya ako matutulungan. Wala akong nagawa kun'di ang matahimik na lang.
"Trust me. Mas makabubuti 'to sa'yo," mahinang saad ni Adri nang tumigil kami sa sasakyan ni Keiven.
"Pa'no? Eh, kasal na nga ako." Hininaan ko ang boses upang hindi kami marinig ni Keiven na abala sa sasakyan.
"Magagawan 'yan ng paraan ni Kuya."
Pinagkatitigan ko na lang ang lalaki. Wala ng masabing salita.
"Hindi mo naman siguro mahal si Lance, 'di ba? Hindi pa naman siguro kayo nagsasama ng matagal."
Tuluyan akong natigilan sa mga sinabi niya. Mahal? Si Lance Mahal ko? Imposible 'yon dahil wala pang isang linggo ng makilala ko ang lalaking 'yon.
"Hindi kaya mas mabuting habang maaga pa, ilayo mo na ang sarili mo sa kaniya? Hindi ko man alam ang tunay na dahilan kung bakit ka napunta sa kaniya... Pero, Axedria... may namumuong ideya sa isipan ko."
"Pinakasalan ako ni Lance dahil ako ang humiling, Adri..." Nanlaki ang mga mata nito. "Para iligtas ang sarili ko."
"Kung gano'n... mas makabubuti nga sa'yong ipakasal kay Kuya, para iligtas muli ang sarili mo."
Nangunot ang noo ko. Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin dahil may kamay ng humawak sa akin.
"Let's go."
"Sige na, Axedria..."
Umiling-iling ako.
"Axedria, please..." si Adri. "Ang ginagawa naming 'to ang mas makabubuti sa'yo."
Makabubuti ba talaga sa akin?
Bigla kong naalala sila Mama. Pinaghahanap pa rin kaya nila ako? Pa'no kung hindi na? Pa'no ako makakabalik sa kanila kung sasama ako sa ibang bansa?
"Hindi ako sasama," sabi ko. "Hindi ko iiwan dito sila Mama ko. Hindi ako magpapakasal sa'yo." Matapang kong tiningnan si Keivan.
"Axedria–"
"Hindi nga ako ang Axedria na kilala niyo!" Hindi ko na napigilang taasan ang boses dahil sa inis. "Hindi ako ang Axedria na hinahanap niyo!"
Humakbang ako palayo sa dalawa. Sinubukan nilang humakbang palapit ngunit umaatras ako.
"Mas pinahihirapan niyo lang ako sa mga pinaggagagawa niyo sa akin. Kahit anong pilit niyo, hindi ko maiintindihan ang mga sinasabi niyo. Kaya parang awa ninyo na... ibalik niyo na ako sa a–"
"Oh dear God..."
Natigil ako sa panibagong boses. Halos magkasabay kaming tatlo sa paglingon sa pinanggalingan ng boses.
Isang lalaking may edad, nasa tabi ang iilang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo.
Nangunot ang noo ko. Nakatingin sa akin ang lalaking may edad. Halo-halong emosyon ang nasa mata nito. Naiiyak na hindi ko maintindihan.
"K-kilala niyo rin–"
"She's not," matigas na saad ni Keiven matapos humarang ang malapad na likod sa harapan ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Keiven!" Puno ng awtoridad ang boses ng mama.
Napaatras ako nang makitang kumalat ang mga lalaking kasama ng lalaki. Hinawakan ni Adri ang braso ko at bahagyang hinila palapit sa kaniya. Si Keiven ay nananatili ang tindig sa harapan ko.
"S-sino siya, Adri?"
"Siya si Mr. Alex Montillano. Ang a–
Napapikit ako nang mariing nang balutin ng malakas na nakakabinging tunog ang pandinig ko, matapos marinig ang pangalang sinambit ni Adri.
Nanghina ang tuhod ko. Wala akong marinig kun'di ang nakakabinging tunog. Tila ako nabibingi. Sumakit ang ulo ko, ang paningin ay unti-unting nanlalabo. Hanggang sa dumilim ang paligid. Pero bago pa ako baumagsak sa lupa ay may sumalo na sa akin.
Sinikap kong idilat ang mata, umasa na sa pagkakataong ito ay si Lance na ang makita ko.
Pero nawala ang pag-asa ko nang ang mukha ng may edad na lalaki ang nabungaran ko. Bumubuka ang bibig nito ngunit hindi ko marinig. Bago ulit ako lamunin ng kadiliman at malawan ng malay ay naramdaman ko pa ang pagkabog ng dibdib ko.
Nagising ako sa kilalang kwarto. Napabalingkwas ako. Mula sa babasaging bintana ay natatanaw ko ang labas. Madilim na sa labas. Gabi na.
Napabaling ako sa pinto nang bumukas iyon. "Gising ka na."
Lumapit sa akin si Keiven. Sinusundan ko lang ito ng tingin, hanggang sa umupo ito sa tabi ng kamang kinauupuan ko.
"Saka ko na sa'yo ipaliliwanag ang lahat. Ngayon, kailangan mo nang mag-ayos dahil aalis na tayo–"
"Sandali... Pa'nong narito ulit tayo?" naguguluhang tanong ko. "Hindi ba't maraming lalaki ang pumalibot sa atin kanina? Pa'nong... nakabalik tayo rito ng maayos?"
"Please. Saka ko na sasabihin sa'yo." Saka ito tumayo. "Let's go..."
Bumaba ako ng kama. Maayos akong nakakatayo. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay walang nangyari sa akin. Samantalang kanina ay mamatay ako sa panghihina.
"Nasaan na 'yong mga lalaki?"
"'Wag mo na silang isipin. Ang mahalaga nakaligtas tayo. At matutuloy tayo sa ibang bansa upang makapagpakasal–shit!"
Napaupo ako nang dumilim ang paligid, kasabay ng paglagabog ng pinto. Tila pa iyon nasira dahil sa lakas nf lagabog sa sahig.
"K-keiven?" Kinapa ko ang paligid ko ngunit wala akong makapa. Puro yapak at mahihinang daing lang ang naririnig ko.
"Let's go!" si Keiven saka ako hinila patayo nang makapa ang braso ko.
Halos masubsob ako sa pagtakbo dahil wala akong makita. Sobrang dilim ng bahay. Nang nasa hagdan na kami ay saka lang ako nakakita ng maliwanag, na nagmumula sa labas.
"Keiven, anong nangyayari?"
"May nakapasok," mariin at galit nitong usal, patuloy akong hila-hila sa pagtakbo.
Sa pagbaba namin sa huling palapag ay napahiyaw ako dahil sa katawan na dumamba sa likuran ni Keiven. Hindi ko sila makita nang maayos dahil sa dilim. Pareho pa silang nakasuot ng madilim.
Hindi ko alam ang gagawin ko habang nakatingin sa dalawang bulto ng lalaki na nagpapalitan ng suntok, habang nagpapagulong-gulong sa sahig.
Muli akong napahiyaw nang mapunta sa paanan ko ang dalawa. Sa pag-atras ko ay napaupo ako sa dahil impak ng katawan nila.
Sinubukan kong tumayo ngunig naiipit ng isa sa kanila ang paa ko. Sinipa ko ang nakadagan sa paa ko, wala ng pakialam kung sino man 'yon. Ang mahala ay makawala ako at makatakbo na paalis. Siguro ito na ang pagkakataong binigay sa akin upang makaalis dito.
Nang makatayo ako ay tumakbo ako palayo sa kanila kahit iika-ika. Malapit na akong makalabas sa pinto nang may humigpit sa braso ko at hilahin ako palabas. Sa liwanag ng mga ilaw na nasa labas ay nakilala ko ang lalaki.
"K-keiven..." habol hiningang sambit ko. "K-keiven, sandali..."
Kumirot nang sobra ang paa kong naipit kanina, dahil sa paghigit ni Keiven.
"Pasensya na, Axe, pero kailangan na nating makaalis agad–"
Napahiyaw ako matapos may humigit sa isa ko pang kamay. Napaupo ako sa semento na halos ikahiga ko dahil binitiwan din ako agad ng humila sa akin.
"What the fuck!" galit na sigaw ni Keiven sa lalaking nakatayo sa harapan ko, nakaharap sa lalaki. "Sino ka ba, ha?!"
"I'm her husband."
Nahigit ko ang hininga matapos 'yong sabihin ng lalaking nakatayo sa harapan ko. Sa lamig ng tinig nito ay hindi na ako magkakamaling kilala ko ang lalaki.
"Gago ka ba?"
"At ngayon tanggapin mo ang kaparusahang ibibigay ko sa kapangahasang ginawa mo."
Bago pa makapagsalita si Keiven ay tumumba na ang katawan nito sa kinatatayuan niya.
"Ah!" hiyaw ni Keiven sa sakit na natamo.
Nanginginig lang ang katawan ko. Natuod na sa kinauupuan dahil sa nangyayari. Ni hindi ko makuha ang lakas na makatayo.
"L-lance..." nanghihinang usal ko.
"For stealing my wife from me. Harapin mo ngayon ang kalapastanganang ginawa mo. You may now face the heaven asshole."
Nanlaki ang mata ko nang makita ang bagay na binunot ni Lance mula sa bulsa niya, at tinutok 'yon kay Keiven.
"Lance, 'wag!" buong lakas kong sinigaw.
Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga nag-alpasang luha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro