Chapter 6
Chapter 6: Pangatlo
Kinuha ko ang pansapin sa kamay matapos kong maghugas ng kamay. Sa higit isang oras ay natapos din ako sa pagluluto. Mabuti na lang hindi lang iisa ang lutuan ni Lance. Dahil kung iisa ay mas lalo akong matatagalan.
"Okay na..." sambit ko saka binuhat ang babasaging malaking mangkok na kinalalagyan ng niluto kong bulalo, mula sa tabi ng lutuan.
Sa pagpasok ko sa dinning room kung saan ko nilalagay ang mga niluto ay natigilan ako. Laglag ang panga ko habang nakatingin sa lalaking nagbubungkal sa mga niluto ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa ayos nito.
Napansin niya siguro ang presensya ko kaya napatigil ito sa ginagawa at tumayo ng tuwid, paharap sa akin.
Nawala ang boses ko at mas lalong namilog ang mga mata nang mapansin ang nakabukol sa bahaging natatakpan lang ng tela.
"M-mama..." habol hiningang nausal ko.
Kung hindi ko pa naramdaman ang hapdi ng kamay dahil sa init ng dala-dala ay hindi pa ako matatauhan. Agad akong lumapit sa mesa upang maibitang na ang dala-dala.
Hinihipan ko nang hinihipan ang kamay kong namamanhid sa tagal ng pagkakahawak sa mainit.
Sa inis ay binalingan ko ang lalaki. Iniwasan ko ang hubad nitong katawakan na tanging tela lang sa baba niya ang nakatakip.
"Ano ba! Ba't ka nakaganiyan lang?"
"Ewan ko sa'yo." Nagkibit pa ito ng balikat.
Bumukol ang muscles ng lalaki matapos nitong ipag-krus ang mga braso sa malapad niyang dibdib.
"Bakit sa'kin?" Pakiramdam ko ay gumapang ang dugo ko sa mukha dahil sa ayos ng lalaki.
"Eh, sino bang nagsabi na pagkatapos kong maligo, bumaba na?" Tila tinatapon nito sa akin ang sisi. "Look. I'm done na."
Hindi na lang ako nakaimik. Inismiran pa ako ng lalaki bago binalingan ang bulalong binitang ko. Napaatras ako upang hindi kami lalong magkadikit ng lalaki. Lalo't... tsk.
"Hmm... mukhang masarap," saad ng lalaki.
Tinalikuran ko na lang ito upang lumapit sa kitchen cabinet para kumuha ng plato at kubyertos.
"It makes me wonder.... Is the person who made this also delicious?"
Bumalik ako sa lamesa dala-dala ang mga kinuha. Magdidilim na sa labas. Hindi ko pa alam kung nakabalik na ba ang kasambahay.
Tinapik ko agad ang kamay ng lalaki sa pagtangka nitong kumuha ng kutsara sa dala ko. Salubong ang kilay ni Lance nang nilingon ako.
"Hindi ka makakatikim kung hindi ka magbibihis!" asik ko. Lumalabas ang tapang ko dahil sa pagkainis sa lalaki.
Ngumisi ang lalaki, nawala ang kaninang naaasar.
"So may plano ka na magpatikim sa akin? You want me to tikim you?"
Binalot ng empyerno ang mukha ko. Ano ba ang sinasabi niya?!
"Sira ulo ka ba?" Wala na akong mahanap na sasabihin kaya iyan na lang.
"Napaisip lang ako kung masarap din ba ang nagluto ng mga ito." Tinuro niya ang mga nakahain sa lamesa. "At sinabi mong hindi ako makakatikim kung hindi ako magbibihis. Ngayon, Mrs. Valdez... sabihin mong mali ang pagkakaintindi ko–at titikman talaga kita."
Nakikita ko na ang mukha ko na parang isang takure na umuusok na dahil sa init at pagkulo.
"Hindi tama ang pagkakaintindi mo–hindi ko sinabing mali! Ang sinabi ko hindi tama!" agad kong bawi dahil humakbang palapit sa akin ang lalaki matapos kong sabihin ang una.
"Are you playing with me?"
Hindi ko na masabayan ang bilis ng tibok ng puso ko. Yumuko pa ang lalaki dahilan upang lumiit ang espasyo sa pagitan ng mukha namin.
Napahawak ako sa upuan para kumuha ng lakas. "M-mabuti pang magbihis ka na... p-para makakain na tayo."
Binaling ko sa mga niluto ang tingin upang maiwasan ang mga mata ni Lance. Habang tumatagal kasi ang pagtitig ko sa mga mata niya ay tila hinihigop na ang lakas ko.
Gusto kong itulak ang lalaki pero hindi ko magawa dahil maisip ko lang na lalapat ang palad ko sa hubad niyang dibdib, isang kasalanan ko na sa totoo niya talagang asawa.
"Tell me what are you thinking? Anong nasa isip mo?"
"Ang asawa mong si Niezhel...." mahinang sambit ko.
Agad na napalayo si Lance sa akin. Hindi ko man siya angatan ng tingin ay alam ko nang malamig na siya ngayong nakatingin sa akin, dahil ramdam ko. Ang kaninang mapaglaro niyang kaluluwa ay nilubayan na siya. Bumalik na ang kaluluwa ng Lance na nakilala ko.
"Tigilan mo ang pag-iisip sa kaniya... since I think about her a lot."
Pagkatapos iyong sabihin ni Lance ay wala na siyang lingon-lingon na lumabas ng dinning. Nabalot ng lamig ang paligid. Muli kong naramdaman ang tila matitibay na pader sa pagitan naming dalawa ni Lance.
Tama. Hindi ko na dapat iniisip ang una niyang asawa. Labas na ako sa kanilang dalawa. Pero hindi ko naman kasi minsan mapigilan, dahil bali-baliktarin man itong mundo.... damay ako sa naging relasyon nilang dalawa.
Hindi ako habang buhay na mananatili rito. Hindi panghabang buhay ang kasal na naganap sa amin ni Lance. Kaya habang maaga pa, ihahanda ko na lang ang sarili ko. Susubukan ko rin na tanggapin na wala na talaga akong ibang mapupuntahan kun'di sa kumpare ni tiyo Alonzo.
Pagiging makasarili ang ginagawa kong ito. Ang sarili ko lang ang iniisip ko sa ginagawa kong ito. Pinilit kong pakasalan ako ng lalaking hindi pa nakakalimot sa unang asawa niya, para lang iligtas ko ang sarili ko.
Ang sarili ko lang.
Nakabihis na si Lance nang pumasok sa dinning room. Saktong katatapos ko lang sa pagtimpla ng juice. Ang kasambahay naman ay hindi ko pa napapansin. Madilim-dilim na sa labas at mukhang uulan dahil sa kapal ng ulap.
Walang nag-iimikan habang kumakain. Ang tunog lang ng plato ang naririnig.
"Salamat pala kahapon..." sambit ko bago pa man matapos si Lance.
"I'm done," ang sinabi niya lang.
Tumayo na si Lance matapos nitong uminom ng juice. Napasulyap siya sa labas kaya napasulyap din ako. Umuulan na.
"Nakita kong ikaw ang nagkusang lumabas ng gate," malamig nitong sinabi. "Bakit?"
Bumaling sa akin ang malamig at natural na walang emosyong tingin ni Lance.
"Akala ko kasi ikaw 'yong nasa gubat. 'Di ba sabi mo mangangaso ka?"
Napabuntong-hininga ng pagkabigat-bigat ang lalaki. Bumaba ang tingin niya sa kinakain ko. "Go finish your foods."
"Hay naku! Muntik na akong abutan ng malakas na ulan!" ang kararating lang na kasambahay. Madami itong bitbit na binili.
"Gloria,"
Mabilis na napaangat sa gawi namin ang tingin ng babae. Nanlaki ang mga mata nito at napatigil sa pagpapagpag sa sarili.
"O-oh, sir!" Bumaba ang tingin niya sa mga niluto ko.
"Ikaw na ang bahala rito pagkatapos niyang kumain." Saka ako nito binalingan. "Magpahinga kana pagkatapos. Kailangan mo pang magpagaling."
Pareho kami ng kasambahay na walang imik na pinapanood ang papalayong likod ng lalaki. Binalingan ako ng kasambahay nang makalayo-layo na si Lance.
"Ginayuma mo na naman si sir, 'no?"
Nawalan na rin ako ng gana kaya tumayo na rin ako. "Mabuti hindi ka inabot ng malakas na ulan."
"Tsk! Kuwari ka pa. Siguro kanina hiniling mo na sana umulan ng malakas kasi nasa labas ako, 'no?" pambibintang nito.
Umiling lang ako saka umalis sa kinauupuan upang lapitan ang babae para tulungan na sa mga dala nito. Ngunit iniwas sa akin ng babae ang mga dala-dala niya nang tangkain kong kunin.
"Tutulungan na kita sa pag-aayos," sabi ko.
Hindi nabago ang masungit na mukha ng babae. "Hindi na, kaya ko na 'to. At tutal naman wala ka nang gagawin, kunin mo na lang sa labas ng gate 'yong mga iniwan ko."
Sunod-sunod akong tumango. "Sige."
Ngumisi ng pagkalawak-lawak ang kasambahay saka ako nilampasan. "Sige na. 'Wag mo nang hintayin pa na tumila ang ulan. Baka bukas pa 'yan tumigil. Baka mapano ang mga pinamili ko sa labas."
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos masulyapan ang lakas ng ulan sa labas. Maliligo na lang ako pagkatapos.
Dumaan ako sa sala. Wala akong Lance na nadaanan kaya sigurado akong nasa taas siya.
"Hay. Mabuti na lang walang masyadong hangin," nausal ko nang makalabas na sa pinto. Mas lumakas na sa pandinig ko ang malakas na buhos ng ulan.
Sinulong ko ang malakas na ulan. Nang una ay binalot ako ng napakalamig na buhos ng ulan, pero di nagtagal ay nasanay na ako. Na-miss ko rin ang pagligo sa ulan.
Buong pwersa kong hinatak ang gate. Basang-basa na ang nasa tatlong plastic bag na pinamili ni Gloria. Mga delata at noodles ang mga iyon. Nilapitan ko na ito agad at isa-isa nang binuhat.
"Ayan..." nanginginig na usal ko nang maayos nang mahawakan ang may kabigatan na mga plastic bag.
Pagkasara ko sa gate gamit ang pagsipa ay agad na akong tumakbo patungo sa mansion. Bahagya lang akong natigilan nang makita ko nang nakatayo si Lance sa pinto, habang nasa tabi ang kasambahay na may kung anong sinasabi kay Lance.
Nakaigting ang bagang ni Lance habang salubong ang kilay, matalim na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano na naman ang nagawa kong kasalanan kung bakit tila nagagalit ko na naman siya.
Binilisan ko na lang ang pagtakbo.
"P-pinigilan ko naman siya, sir Lance. A-ang sabi ko po ako na lang ang kukuha dahil malakas ang ulan. Pero hindi po siya nagpapigil."
Nangunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Gloria nang makalapit na ako sa kanila.
Mas lalo akong nilamig dahil sa aircon na nagmumula sa loob. Dahil nakabukas ang pinto ay sumisingaw iyon.
"Kunin mo ang mga dala niya." Agad tumalima si Gloria upang kunin na sa akin ang mga kinuha ko. "Ikaw na may matigas na ulo, sumunod ka sa'kin," malamig na sinabi ni Lance, malamig pa sa lamig na bumabalot sa akin.
Tumalikod na ang lalaki at lumakad na paalis, patungo sa taas.
"Lagot ka..." nakangising sabi ni Gloria saka na ako tinalikuran.
Yakap-yakap ko ang sarili nang sumunod kay Lance. Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa sobrang lamig. Naunang makaakyat si Lance dahil sa malalaki nitong hakbang.
Saktong pagkaapak ko sa second floor ay siya ring paglabas ni Lance mula sa kwarto ko. Nagtama ang tingin namin.
"Get inside. Magbanlaw kana agad," saad lang nito saka dumiretso sa kwarto niya.
Hindi ko na lang pinansin kung bakit siya galing sa kwarto ko. Tutal ay pag-aari na naman niya 'yon.
Nagpipili ako ng maisusuot pantulog nang sunod-sunod akong bumahing. Naligo na ako agad, binabad pa ng kunti ang katawan sa maligamgam na bathtub.
Naluluha ang mata ko at wala nang tigil sa kababahing. Pakiramdam ko ay may pasan-pasan akong sako ng semento.
"Hindi ako pwedeng magkasakit..." may pangambang saad ko. "Ayaw ko nang makita pang muli ang mga pangyayaring hindi ko naman maintindihan." Sumasakit kasi ang ulo ko, at kapag nagigising ay hinang-hina ako.
Uminom ako ng gamot sa nakitang medicine kit sa bedside table.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko. Dahil tila may bumabara sa lalamunan ay binuksan ko na lang ang pinto upang hindi na sumigaw pa.
"Give me my pillow and blanket. Wala akong gagamitin pagtulog," si Lance.
Tumango lang ako at kinuha na ang kumot at unan niya. Naalala kong dito ko nga pala ito dinala lahat. Ibig sabihin ay hindi niya kinuha kagabi.
Nakatingin lang sa galaw ko ang lalaki. Iniwasan kong tingnan ang mga mata nito.
"Ano bang pumasok sa kokote mo't nagpumilit kang sumulong sa ulan?" bahid na ng inis ang panenermon nito.
Umiling lang ako at inabot sa kaniya ang hinihingi.
"Ngayon, mukha kang magkakasakit. Bahala ka sa buhay mo. Ginusto mo 'yan."
Napayuko na lang ako. Pagkatapos pa akong tingnan sandali ay hinila na niya pasara ang pinto.
Mas bumigat ang pakiramdam ko. Bigla kong naalala ang pag-aalaga ni Papa kapag nagkakasakit ako. At si Mama, na kahit inaagsikan ako ay binibilhan ako ng biscuit na pasalubong para kumain lang.
"Pinili mo 'to, Axedria." Napailing iling ako sa sarili. "Kailangan mong magtiis, at 'wag umasa na may tao rito na bibigyan ka ng paki. At aalagaan ka."
Bumaloktot ako sa pagkakahiga. Mabuti na lang pala kahit papa'no ay kumain ako kanina. Hindi ko na kailangang bumaba para kumain.
Nakatulog ako sa panonood ng ulan sa labas. Hindi ko na nga napigilang tamaan ng sakit. Muli akong nalunod sa madilim at magulong tubig. Wala akong maintindihan at tila sinasakal ako.
"Adri!" tawag ng batang babae sa batang lalaki na nakabisiklita.
Napatalon-talon ang batang babae sa excitement. Ngunit nakasimangot ito matapos may humarang na isa pang bulto ng lalaki sa harapan niya, hinaharangan siya sa batang lalaki na nakabisiklita.
"Ano ba, Kuya, inaasar mo na naman si Axe, eh." Ang sabi ng batang nakabisiklita. Tumigil ito sa tapat ng dalawa.
"Iniiwasan ko lang na makakita siya ng pangit na nilalang." Lalong napasimangot ang batang babae.
"Mas pangit ka pa sa nasirang araw ko dahil nakita na naman kita!" inis na saad ng babae.
Nilingon siya ng lalaking nasa harapan niya. "Tss. Crush mo lang ako, eh."
"Yuck! Asa! Magpapalipat nga ako kay Mommy ng school para hindi na kita nakikita. Nasasawa na ako sa mukha mo, e!"
"Nasasawa sa ka-pogian ko ba?"
"Ew!" napairap ang babae saka pinag-krus sa dibdib nitong walang laman ang maiiksing braso.
Tumawa ang tinawag nitong Adri saka pumagitna sa kanilang dalawa.
"Tara na. Umuwi na tayo."
"Isasakay mo ba ako sa bisiklita mo, Adri?" Bumalik ang sigla sa mukha ng batang babae.
"Hindi. Baka mapahamak ka pakapag kasama 'yan. Isasabay na lang kita sa akin–"
"Ayo'ko sa'yo!" Agad na hinigit ng batang babae ang braso nito mula sa pagkakahawak ng lalaki.
"Adrian," asik ng batang lalaki sa batang may bisikleta.
"Sige na, Axedria. Sa kaniya ka na sumabay."
"Pero gusto ko kasama ka!"
"Edi sasakay na rin ako–"
"No!" agad na tutol ng isang batang lalaki.
Tinitigan lang ng dalawa ang lalaki. Walang nagawa ang batang lalaki. Nagpakawala ito ng buntong-hininga.
"Ok, fine!"
Biglang parang naging sirang television ang mga nakikita ko sa panaginip. Hanggang sa muli kong nakikita ang hindi maintindihang pangyayari. Unti-unti akong nahihirapang huminga habang naghahalo-halo sa pandinig ko ang iyak ng babae sa sakit at ang tunog ng pagputok ng baril. Wala akong makita dahil sa panlalabo ng mata, habang binabalot ng kadiliman.
Para akong hinabol ng sampong mababangis at nakakatakot na hayop. Habol ang hininga habang nanghihina ang katawan.
Napabalingkwas ako ng bangon. Habol ang hininga ko. Para akong tinatakasan ng hangin sa katawan. Hindi nagtagal ay bigla akong napapikit nang mariin matapos kumirot ang ulo. Hindi napigilan ang mapadaing sa sobrang sakit. Napabalik ako sa pagkakahiga gawa ng sakit ng ulo at panghihina.
Unti-unting nanlabo ang paningin ko at muli na namang binabalot ng kadiliman. Pero hindi na ulit nakatulog ang diwa ko. Gising na gising ang diwa ko pero nakapikit ang mga mata ko.
"I heard her," dinig kong wika ng lalaking kapapasok lang.
"I think she's having a nightmare," sabi naman ng lalaking pamilyar sa'kin ang boses.
"Mas mabuti kung icheck mo siya." Isa ring pamilyar na boses ng lalaki.
Naramdaman ko ang pagluhob ng kama sa tabi ko. At isang presensya sa kabilang tabi.
"She's sick," si Denzel matapos lumapat ang palad sa noo at leeg ko.
Nagtayuan ang balahibo ko nang tumama ang hininga ng lalaking bumuntong-hining sa tabi ko. "Shall we take her to the hospital?" Boses ni Lance.
"No need. Baka kapag nagkamalay na siya bukas, magaling na rin siya. Bantayan mo na lang na magising para mapakain."
"Pa'no kung hindi siya magising?"
"Gusto mo ba?" si Reybein.
Walang salita akong narinig. Nawala si Lance sa tabi ko.
"Tingnan mo 'to tinalikuran kami," si Denzel.
"Sasabihan ko lang si Gloria na magluto ng makakain ng asawa ko."
"Sinong asawa–"
"Shut up, Denzel."
Mahinang pagtawa lang ang narinig ko kay Denzel bago nawala sa tabi ko ang presensya nito. Sinubukan kong idilat ang mata ngunit nahihirapan ako.
Sa paglabas ng mga lalaki ay binalot ako ng katahimikan. Hindi nagtagal ay tuluyan na ring binalot ng dilim ang diwa ko.
Nagising ako sa tunog ng kubyertos. Nasilayaw ako sa ilaw kaya muli akong napapikit. Sa muling pagdilat ay nilingon ko ang bintana. Madilim na sa labas.
"Gising ka na."
Napabaling ako sa pinanggalingan ng boses. Si Lance, nakaharap sa pagkaing nasa tray, sa bedside table.
Hindi gaanong mabigat ang pakiramdam ko. Ang ulo ko ay hindi na masyadong masakit 'di 'tulad kanina.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, halos pabulong na ang boses dahil sa pamamaos. "Bahala na nga ako sa buhay ko, 'di ba?"
"Nagluto ako ng kakainin mo." Imbes ay 'yan ang sinabi niya.
Pinilit kong maupo. Hindi na inalintana ang pagkahilo ng konti. Naalala ko ang narinig kanina bago ako makatulog.
"Ikaw marunong magluto?"
Napaangat ang tingin sa akin ng lalaki. "Are you insulting me again? Noong una pa lang puro na pang-iinsulto ang natatanggap ko sa'yo."
Saka ako nito inismiran.
Nilagay niya sa harapan ko ang tray na may paa. Nasa ibabaw nito ang umuusok pang sinigang na baboy, kanin, at mga hinilis na apple.
"Ininit mo lang ang niluto kong sinigang kahapon," sambit ko.
"Paniwalaan mo na ang gusto mong paniwalaan," baliwalang sinabi nito. "Ubusin mo 'yan. Kailangan magaling ka na bukas dahil aalis ako. Kailangan na ako sa company. Pinauwi ko na muna si Gloria kanina kasi nagka-sakit din. Kaya mag-isa ka rito bukas."
"Sige," tanging sagot ko.
Nagsimula na akong kumain nang hindi pinapansin ang lalaki. Kumakalam na ang sikmura ko. Mabuti na lang masarap ngayon ang luto ni Gloria. Siguro ay sinadya niyang alatan ang pagkain ko noong una dahil ayaw niya sa akin para sa amo niya.
"Hayaan mo, hindi na naman na ako tatagal dito," saad ko nang makahalatian ang kinakain. "Hindi ka na mag-a-absent sa trabaho mo para lang alagaan ako."
"Hindi naman kita inaalagaan," walang emosyong sinabi nito na ikinatigil ko nang bahagya. "Hindi lang ako pwedeng magkasakit kaya kailangang mawala agad ang sakit mo. Bago pa ako mahawa."
Umayos ng tayo si Lance mula sa pagakaksandal sa bedside table.
"K-kaya nga... 'Wag ka na ring mag-alala. Pagnakaalis na ako, wala ng magkakasakit dito. Wala ng makakahawa sa'yo," usal ko nang nasa kinakain ang tingin. Nagsubo agad ako para magilan na ang pagsasalita ng kung ano-ano.
"And do you think I'll let you get out of here? I'm sorry to say this, but... you can't just get out of here. Nakakulong ka na rito. At walang sino man ang makakatulong para makaalis ka rito. Hindi ako makapapayag, unless your body is lifeless," mahabang sabi ni Lance, puno ng panganib.
Sandaling hindi ko nakilala si Lance sa pagbabago ng boses niya. Puno 'yon ng pagbabanta. Hindi ko man naintindihan ang ibang sinabi niya... ramdam kong isa 'yong pagbabanta.
"I will make you suffer. I will torture you like some men did to your mother, and like your father did to my parents," malamig na sinabi pa ni Lance bago lumabas ng kuwarto.
Napasabunot ako sa buhok nang kumirot ng pagkasakit sakit ang ulo ko. Nang mawala ay pinagpatuloy ko na ang pagkain. Ininom ko na rin ang gamot na nakahanda.
Nakatulog ako sa kasisisi sa sarili. Kung bakit ko pa sinabi 'yon kay Lance. Na naging dahilan ng pagkagalit niya sa akin. Sana nga bukas pagkagising ko ay maayos na ako. Nadala lang siguro ako sa sama ng pakiramdam kaya nasabi ko pa 'yon kay Lance. Tuloy ay hindi na naman kami magkaayos.
Tahimik ang buong mansion nang magising ako kinaumagahan. Malakas-lakas na ako. Kaya ko nang kumilos ulit.
Tinawagan ko ang numerong nakasulat sa papel na nasa tabi ng telepono. Ang numero ng kompanya ni Lance.
"Hello, this is the CEO's secretary. How may I help you?"
"Ahm, hello Miss Secretary. Itatanong ko lang sana kung nariyan na po ba si Mr. Valdez?"
"Yes, miss. Nasa meeting siya ngayon."
"Ah, okay. Pwede ko bang mahingi ang address ng kompanya niya? Dadalhan ko lang sana siya ng lunch–"
"Oh, I see. Sure. I'll send it right away?"
"Who's there?" dinig kong isang tinig ng babaeng 'di ko kilalala, mula sa kabilang linya.
"I think bagong kasambahay ni Mr. Valdez."
Nakagat ko ang daliri sa narinig. Hindi ko na lang pinaglaban pa na asawa ako ni Lance. Sinulat ko na lang sa papel ang address na sinasabi ng sekretarya ni Lance.
"Thank you."
Sinarapan ko ang lunch na ihahatid kay Lance bilang pambawi. Dinagdagan ko pa ng lasa, 'yong manonuot sa kalamnan niya. Baka sa gano'n ay mawala ang galit niya sa akin kagabi dahil sa sinabi ko. At maging mabait na sa akin.
Natanong ko na rin sa secretary ni Lance kanina ang oras ng pagkain ni Lance. Sinasagot naman ako nito. Twelve o'clock si Lance nagla-lunch, pero madalas daw itong nagpapalipas ng gutom. Madalas ding hindi na kumakain.
Higit alas dose na ako nang nakatapos sa paghahanda. Nailagay ko na sa baonan ang lunch ni Lance. Nailagay ko na rin sa paper bag.
"Hello?"
"Hello, miss. How can I help you?"
"Ahm, kumain na ba si Mr. Valdez?" Kung oo ay dadalhin ko pa rin ang niluto, meryenda niya.
"Ah..." Bahid na ang pagkalito sa tinig ng babae. "Hindi pa, miss. Pero umalis siya para umuwi."
"Ha?" Nangunot ang noo ko at napasulyap sa labas.
"Yes, miss. Nasabi ko kasi na tumawag ang kasambahay niya at dadalhan mo siya ng lunch."
Pagkatapos iyong sabihin ng babae ay may natanaw akong sasakyan na paparating. Nagpaalam na ako kaagad sa sekretarya upang salubungin na ang sasakyang paparating.
Malapit na ang sasakyan sa gate nang umikot din ito agad, bago pinatay ang makina. Pagkalapit ko sa gate ay sinilip kung si Lance ba 'yon, ngunit hindi ko makita.
Parang may bumulong sa tenga ko na lumabas, kaya binuksan ko na ang gate at lumabas. Ewan ko ba, hindi naman ako nakakaramdam ng panganib habang nilalapitan ang sasakyan.
Bumaba ang salamin sa driver's seat dahilan upang makita ko ang lalaking nasa loob, kahit hindi pa ako masyadong nakakalapit.
"Lance?" tawag ko.
"Get inside," banayad na usal nito, hindi man lang ito lumingon.
Pero nang makita sa rearview mirror ang masungit at nanlilisik na mga mata katulad ng kay Lance, dali-dali na akong umikot patungo sa katabi nitong upuan.
Hindi ko nakikita ang buong mukha ng lalaki dahil naka-face mask ito at naka-cap na itim. Pero nakapang-business attire ito kaya hindi na ako nag-atubiling sumunod.
Kasasara ko pa lang sa pinto sa tabi ko nang nag-lock ito agad.
"Bakit ka pa bumalik, Lance?" tanong ko, nasa seatbelt nakatingin.
Isusuot ko ba ito? Wala na akong pagpipilian. Isusuot ko na lang dahil baka isasama niya ako sa kompanya niya kaya niya ako pinasakay.
Wala akong narinig na sagot sa lalaking hanggang sa matapos ako sa pagkakabit ng seatbelt.
"Dadalhan na sana kita ng lunch, eh," saad ko at inangat ang paper bag na hawak-hawak.
Napalingon ako sa lalaki nang wala pa rin itong imik. Nagsimulang magmaneho ang lalaki. Habang diretsong nakatingin sa daan at mabibilis ang patakbo sa sasakyan, inalis nito ang suot na itim na cap. Kumawala ang medyo umikli nitong buhok.
Nagpagupit ba ng konti si Lance?
Sunod na inalis ng lalaki ay ang suot na facemask. Saka ko lang napagtanto na hindi si Lance ang lalaking kasama ko. Pareho lang sila ng mata na masungit at nanlilisik.
Nanlaki ang mga mata ko at nanigas sa kinauupuan.
"H-hindi ka si Lance?" Kumabog nang husto ang dibdib ko.
"Hindi mo ako nakikilala? Hindi mo ba ako natatandaan?"
Ramdam man ang takot at pangamba sa lalaki, umiling-iling ako.
"Pero kilala kita, Axedria. Tandang-tanda kita at hinding-hindi kita makakalimutan... Mahal ko."
Lalo akong nanigas sa kinauupuan. Nagsimulang umiyak ang kalooban ko habang paulit-ulit na tinatawag si Lance sa isipan.
Sa pangatlong pagkakataon... maililigtas niya pa ba ako?
Lance....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro