Chapter 4
Chapter 4: Pangangaso
"Woah. Anong ginagawa mo sa ganitong klaseng bahay?" sambit ni Mariposa, puno ng pamamangha.
"Ahm... Mariposa," tawag ko rito, napabaling siya sa akin. "'Wag mo sanang sasabihin kay Mama ang tungkol dito."
"Aba, oo naman 'no! Mamatay siya sa kahahanap sa'yo."
"Sa tingin ko kailangan mo nang pumasok, Axe," singit ni Ken.
Sabay kaming napabaling ni Mariposa sa kaniya at parehong napatingin sa tinitingnan nito. Muling bumangon ang kaba ko. Mula sa bungad ng pinto ay tuwad na nakatayo si Lance, habang ang kamay ay naka-krus sa dibdib niya.
"Ah, oo nga. Salamat sa paglabas sa akin, Ken," nakangiti pang sinabi ko.
"Sayang at hindi man lang tayo nagtagal. 'Di bale na. Sa susunod ipapaalam na kita para mas makapag-bonding pa tayo."
Tumango-tango ako. "Sige. Marami pa naman sana akong gustong sabihin kay Mariposa," sabi ko at sinulyapan si Mariposa.
"Susubukan kong dalawin ka rito!" aniya.
Pagkatapos magpaalam sa dalawa ay tumalikod na rin ako. Si Lance ay naroon pa rin sa bukana ng pinto. Diretso ang pagkakatindig at wala man lang pinagbago sa ekspresyon ng mukha. Mukha pa rin siyang naiinis.
Sa pagpasok ko sa gate ay narinig ko na rin ang pag-andar paalis ng sasakyan nila Ken. Dinoble ko ang bilis ng lakad. Pakiramdam ko kasi ay kay bagal-bagal ng hakbang ko.
Sa mga titig ni Lance sa akin ay pakiramdam ko unti-unting natutunaw ang tuhod ko. Naiilang ako sa klase ng titig niya. Para bang may nagawa akong malaking kasalanan na sobrang ikinainis niya. Siguro iyon ay dahil sa hindi ko pagpapaalam.
Wala naman kasi siya, eh.
Parang nahigit ko ang hininga nang bumaba ang tingin niya sa leeg ko kung saan nakatakip pa rin ang tela. Bahagya ko iyong inayos. Baka kasi nakikita na ang mga namumulang marka.
Kanina nga napansin nila Ken ang pamumula sa labi ko. Sinabi ko namang nasubsob lang ako sa kanto ng lamesa kaya nagka-gano'n. Hindi naman ako nahirapan na paniwalain sila.
"Ah... w-wala ka kasi kanina kaya hindi na ako nakapagpaalam. 'Tsaka-"
"Get inside," malamig niyang sabi. "Bilis."
Sumunod ako agad. Sumunod din siya at sinara ang pinto. Ang malaking chandelier sa sala ay nakasindi kaya sobrang liwanag ng loob ng bahay.
"Cook for me," sabi niya saka naunang tumungo sa sala. "Nagugutom ako..."
"Gusto mo ipagluto kita?" tanong ko. Tila naginhawaan ako dahil hindi naman pala siya gano'n ka-galit. At baka ang paglutuan siya ay pwede nang kabayaran sa pag-alis ko ng walang paalam. "Sige. Ipagluluto na lang kita!"
Hindi ko naiwasang mapangiti.
Kaya naman dumiretso na ako sa kusina at hindi na gaanong pinansin ang napansing pagiging gwapo niya sa simpleng itim na t-shirt at jeans. Hindi ko alam kung saan ba siya nanggaling. Pero ang mahalaga ngayon hindi na siya galit. Hindi na mauulit ang ginawa niya sa akin kagabi.
Iyon ba ang parusa niya sa tuwing gagawa ako ng hindi niya gusto?
Sa tagal ng pag-iisip ay saka lang ako natigil nang may hapding naramdaman sa isa kong daliri. Agad ko itong sinubo sa bibig upang matigil ang pagdugo.
Natapos tuloy ako sa pagluluto nang may nakadikit na band aid sa nahiwang darili. Aminado naman akong maayos ang lasa ng mga niluto ko. Sa pagpapanatili kasi ni Mama sa akin sa bahay ay ang pagluluto ang naging libangan ko.
Wala si Lance sa sala nang tingnan ko upang tawagin na para kumain, kaya sa taas ako dumiretso.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. "Tapos na kitang ipagluto," pahayag ko.
Mabilis na bumukas ang pinto na ikinagulat ko pa.
Mabilis lang akong sinulyapan ni Lance saka na ako nilampasan. Sumunod ako agad. Malalaki at mabibilis ang hakbang ng mahahabang binti ni Lance. Ginagawa ko naman ang makakaya ko na pantayan siya sa paglalakad.
"Ah... niluto ko 'yan lahat para sa'yo," sabi ko agad nang makapasok kami sa dining at sinalubong ng mga nakahandang pagkain.
Hindi siya nagsalita. Nakita ko lang ang pagtaas ng isa niyang kilay, dirediretso lang ang hakbang.
Inihanda ko agad ang plato sa tapat niya nang umupo siya sa center table. Inabot ko na ang beef steak na ginawa, at ang bandihado ng kanin.
"Bakit sa'kin lang? Nasaan ang sa'yo?" tiningnan pa ako nito, kunot ang noo.
"Ah, okay lang. Busog pa kasi ako," sabi ko.
Lumalim ang kunot ng noo niya. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Pagkabitang ko sa bandihado ay saka lang siya nagsalita.
"Go get your plate. Sabayan mo'ko sa pagkain," malamig niyang sabi saka binaba ang tingin sa pagkaing nasa harapan niya.
"Ha? E-eh-"
"Sobra ka bang binusog ng lalaking 'yon? Ano, sasabayan mo 'ko o bubusugin kita ng siyam na buwan?"
"Sasabayan na!" agad kong sagot at tinalikuran na siya para kumuha ng plato ko.
Umupo ako agad sa upuang nasa kanan niya matapos makakuha ng plato at kubyertos. Nagsandok ako agad, hindi na napansin pa ang kanina pang panonood ni Lance sa kilos ko.
Dahil vegetarian ako, ang paborito kong chopsuey ang kinuha kong ulam. Saka adobo...
Madami palang klase ng ulam ang naluto ko. Ibig sabihin ay sobra akong natagalan. Sa pagka-aliw kasi sa pagluluto ay nalilibang na ako. Para bang hindi ako okay sa isang klase ng ulam lang ang lulutuin.
Natigil ako sa pagsubo at pag-nguya nang napansing hindi pa rin ginagalaw ni Lance ang pagkain niya.
"H-hindi mo ba nagustuhan?" tanong ko kahit punong-puno ang bibig.
"May sinabi ba ako?" sabi nito, agad na ring pinutol ang sasabihin ko pa sana. "Stop talking. Your mouth is full. Kumain ka na lang nang kumain."
Nang mawala sa akin ang tingin niya ay pinagpatuloy ko ang pagkain. Busog pa talaga ako, pero kumain na lang ako nang kumain. Ayo'kong maulit pa ang nangyari kagabi. Hindi ko na gustong magka-marka marka pa ulit.
Pero... bakit niya kaya iyon ginawa? Parusa na ba talaga 'yon?
Kung itanong ko kaya?
Napasulyap ako kay Lance. Kain lang siya nang kain. Hindi ko alam kung gutom na gutom ba siya o normal lang iyon sa kaniya.
Napailing iling ako sa loob ko. 'Wag ko na lang itanong. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay titigil siya sa pagkain kapag inabala ko pa siya.
Bahagya akong tumayo upang salinan ng tubig ang baso niya. Inabot ko 'yon sa kaniya.
"Ahm... ayos lang ba ang lasa?" tanong ko.
Hinintay kong matapos siya sa pag-inom. Sa baso lang din ako tumingin dahil hindi ko malabanan ang tingin niya. Itinulak ko palapit sa kaniya ang tissue. Kumuha naman siya roon at pinahid sa bibig, bago uli dinampot ang kubyertos.
"Hindi masarap," sabi niya saka sumubo ng dalawang sunod-sunod.
Hindi ko pinahalata ang kakaibang naramdaman sa sinabi niya. Kung gano'n ay pasasarapin ko pa sa uulitin.
"Kapag may gusto kang ipalutong ulam, sabihin mo sa akin. Ahm... ano ba ang favorite mong ulam?"
"Wala..."
Ha? Seryoso ba siya? Kung gano'n ay kakainin niya ang kahit anong lutuin kong ulam sa kaniya.
"Hmm... ano naman ang pagkaing bawal sa'yo?" tanong ko.
"Don't talk to me when I'm eating. Alamin mo na lang," aniya.
Pagkatapos ni Lance kumain ay umalis na siya. Tapos na rin naman ako kaya inumpisahan ko na ring linisin ang lamesa. Madilim na sa labas nang sulyapan ko ang malaking babasaging bintana.
Pagkatapos kong hugasan ang mga hugasin ay pinatuyo ko ang kamay sa towel na nakasabit sa tabi. Nasasanay na akong gumalaw ng malaya rito. Tila ba pag-aari ko na rin ang bahay at ang mga gamit dito. Kahit na sa totoo ay ang tunay namang may ari nito ay.... si Niezhel.
Sa paglabas ko sa sala ay naabutan ko si Lance. Nakaupo siya sa couch, nakaharap sa malaking flat screen, nakatalikod sa gawi ko. Minamasa-masahe ng kaliwa niyang kamay, ang kanang balikat.
Lumapit ako sa likuran ni Lance nang hindi gumagawa ng ano mang ingay.
Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Lance nang ipatong ko sa balikat niya ang kamay ko. Hindi siya lumingon. Nang napabuntong-hininga siya ng malalim ay saka ko na sinimulan ang pagmamasahe sa balikat niya.
Naalala ko si Papa ko noon. Maliban sa paglutuan siya noon, minamasahe ko rin siya. Iyon ang silbi ko noon sa bahay simula nang patigilin ako ni Mama sa pag-aaral. Higit isang buwan lang din ang lumipas noon nang nagka-sakit si Papa. Ako lang ang nag-aalaga noon sa kaniya, hanggang sa hindi na siya magtagal pa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nalilimutan. Lalo na ang bilin niya bago niya ako iniwan.
"Kapag dumating ang araw na makilala mo ang sarili mo.... 'wag mong kalilimutang maging matatag, ah? Magpakatatag ka. At 'wag ka ring tutulad kay Marites... Mahalin mo ang lalaking magmamahal sa'yo na higit pa sa pagmamahal niya sa sarili niya, anak. Gagabayan ka pa rin ni Papa."
Sa batang edad ko noon ay hindi ko napipigilan ang emosyon. Kaya noong ihatid namin si Papa sa huling hantungan ay iyak ako nang iyak at sinabing sasama na lang.
Sandali akong napatigil sa pagmamasahe kay Lance. Pero agad ko ring pinagpatuloy bago pa niya mapansin kung bakit ako natigilan. Inihinga ko nang malalim ang biglang bumara sa lalamunan ko dahil sa pagbabalik tanaw sa nangyari.
Pinagbutihan ko ang ginagawa lalo na nang napansin ang pagginhawa ng paghinga ni Lance. Pati ang sentido niya ay hinilot-hilot ko. Sa pagka-aliw sa ginagawa ay hindi ko na napansin ang ngiti sa labi ko. Pinagmasdan ko ang mukha ni Lance na ngayon ay nakaharap sa akin dahil sa pagsandal niya ng batok sa sandalan. Nakapikit siya at mahinahon ang paghinga.
Hindi ko maiwasang mapa-isip. Ano kayang nangyari sa kanila ni Niezhel, bakit sila hindi magkasama ngayon. At... bakit niya pa kaya ako pinagbigyan na pakasalan siya, kung may asawa na pala siya.
Nalilito ako. 'Wag ko na lang sigurong alamin muna sa ngayon. Darating naman ang araw na maiintindihan ko. Hihintayin ko na lang ang araw na 'yon kaysa mag-aksaya ngayon, na alam ko namang wala akong makukuhang sagot.
Sa lalim ng pag-iisip ay hindi ko na napansin na nakadilat na ang mga mata ni Lance, at titig na titig ang mga iyon sa akin. Bahagya akong natigil sa ginagawa at napakurap-kurap.
"Ipagpatuloy mo," usal niya at dinampian pa ng kamay niya ang kamay ko.
Ang hininga niya ay mabango rin. Sumusobra na ang pagpapala sa kaniya. Kung hindi lang siya gumagawa ng malalaking kasalanan... luluhuran ko talaga ang lalaking ito.
Muling pumikit si Lance. Pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa mapansing tulog na ang lalaki. Ang buhok niya ngayon ang napaglaruan ko dahil sa dulas at lambot. Ang bango pa.
Kumuha ako ng kumot at unan sa taas. Pagbalik ko ay gano'n pa rin ang ayos ni Lance. Tulog na tulog na talaga.
Maingat kong inilagay sa likod ng batok niya ang unan para hindi siya mangalay. Halos nakasubsob na sa dibdib ko ang mukha niya dahil sa ginagawa. Ramdam ko na nga ang ilong niya sa gitna ng dibdib ko. Maingat kong binalik ang pagkakasandal ng ulo niya sa unan. Lumayo ako nang bahagya at tiningnan siya kung okay lang ba ang ayos niya. Sinunod kong ikumot kay Lance ang kumot.
"Ayan..." mahinang wika ko nang maayos nang makumutan ang lalaki.
Tingin ko naman ay hindi siya magigising agad. Halata ang lalim ng tulog niya at magaan ang paghinga.
"Wala naman sigurong lamok dito..." usal ko at napatingin tingin sa paligid. Napabalik ako ng tingin kay Lance nang gumalaw ito.
Pigil ko ang hininga habang nakatingin sa lalaki. Nanatiling nakapikit ang kamay niya matapos umayos sa pagkakahiga. Ang isang kamay ay kumakamot sa tabi ng leeg niya kaya ang kumot ay nagulo.
Nang matigil si Lance at bumalik sa pagkakatulog ay inayos ko ulit ang kumot. Ang leeg na kinakamot niya kanina ay may namula na. Tingin ko ay kagat ng lamok. Tsk.
Bumalik ako sa taas upang kumuha ng panibagong unan at kumot. Tatabihan ko na lang siya para mabantayan ko ang lamok na kakagat sa kaniya. Hindi ko man maintindihan kung bakit ginaganito ko pa siya. Siguro ay dahil sa mag-asawa kami kaya dapat aalagaan namin ang isa't isa.
"Hindi naman ako malikot matulog," mahinang usal ko sa sarili habang umaayos ng upo sa tabi ni Lance. Naka-dim light na ngayon ang sala. Ang liwanang ng ilaw sa labas na lang ang nakikita kong maliwanag. Kaya ang paligid ay nakikita kita ko pa. Gano'n din ang mga malalaking puno sa 'di kalayuan. Pinatay ko na rin ang palabas bago sumampa rito sa couch.
Dumasig ako ng konti kay Lance hanggang sa maramdaman ko na ang init ng katawan niya sa katawan ko. Naghatid iyon ng ginhawa at sayang pakiramdam sa akin.
Tinaas ko ang dalawang paa. Nakaharap na ako ngayon sa tagiliran ni Lance. Ang unan na kinuha ay nayakap ko na lang dahil hindi na kasiya. Sa balikat na lang ni Lance ako umunan.
Inayos ko ang pagkakasaklob ng kumot sa amin. Hindi naman talaga ako malikot. Inaayos ko lang.
"'Yan..." mahinang usal ko nang maayos na ang pwesto ko. Mahina pa akong napahagikhik, parang batang natutuwa.
Tiningala ko si Lance. Nakapikit pa rin naman siya at tulog na tulog. Umayos ako sa pagkakasandal saka na pinikit ang mata.
Hindi ko mapigilang maisip. Natulog na rin ba si Lance nang ganito at si Niezhel ang nasa posisyon ko? Natulog na ba sila ng ganito nang magkatabi, at... masaya pa munang nagkukwentuhan? Masaya ba sila sa isa't isa?
Napamulat ako nang maramdaman ang paggalaw ni Lance. Umayos siya at bahagyang humarap sa akin. Muli ay pigil ko ang paghinga. Pikit na pikit pa rin siya. Ang kaliwang braso ay naramdaman kong gumapang sa likod ng baywang ko at hinigit ako palapit sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi ako gumawa ng ingay o gumalaw man lang. Hanggang sa maging okay na ulit si Lance. Magaan na ulit ang paghinga. Magkaharap na ngayon ang mukha namin. Saka lang ang nakahinga nang maayos nang masigurong tulog na ulit ang lalaki.
Sa pagdampi ng hininga niya ay tila hinihili ako. Naghahatid ng bigat sa talukap ng mata ko ang init ng hininga niya. Pakiramdam ko ay binabalot ako ng kaligtasan.
Ang pag-iisip tungkol sa kanila ni Niezhel ay nanlabo na sa isipan ko. Tila tinakpan ng yakap ni Lance sa akin ngayon.
Ngunit... iyon pala ay isa lang na akala, at sabi-sabi ng isipan ko. Dahil bago ako nilamon ng antok at dilim ay narinig ko pa ang lumabas sa labi ni Lance, bago ang paghigpit pa ng yakap sa akin.
"Zhel..."
Napabalingkwas ako ng bangon. Napalinga-linga ako nang mapagtanto na ako na lang ang mag-isa rito sa couch. Papasikat pa lang ang araw.
Bumaba ako sa couch at agad dumiretso sa kusina para tingnan kung naroon si Lance, ngunit wala.
Lagot... Nauna kaya siyang nagising saka umalis?!
Dali-dali akong tumakbo sa taas para tingnan kung naroroon siya sa kwarto niya. Habang papalapit ay dinadalangin ko na sana naroon pa siya at natutulog. Nang sa gano'n ay maipagluluto ko pa siya ng almusal niya. Iyon pa naman ang sinabi noya noong nakaraan!
Hindi naka-lock ang pinto ng kwarto ni Lance nang pihitin ko. Marahan ko iyong binuksan upang hindi makagawa ng ingay. Habang marahang tinutulak pabukas ay nakapikit ako.
Dahan-dahan kong dinilat ang mata nang makapasok anf ulo ko.
Sobrang linig ng kwarto. Ang comforter sa kama ay nakaayos. Ni gusot ay wala 'yon.
"Hala... Umalis ba siya nang hindi kumakain ng almusal?" mahinang usal ko.
Bakit hindi niya ako ginising?
Pinakikiramdaman ko ang kwarto. Wala akong presensyang nararamdaman. Kahit sa banyo ay wala. Napabuntong-hininga ako saka na sinara ang pinto.
Sa pagkatalikod ko sa kwarto, at pagharap sa kwarto ko ay siya ring pagbangga ko sa matigas na hubad ng dibdib. Napatalon ako at napatili dahil sa gulat. Ang puso ko ay tila tinakbuhan ako dahil sa gulat.
Napahakbang ako ng isa paatras.
Nahigit ko ang hininga nang tingalain ang nagmamay-ari ng hubad na katawan, nanlalaki ang mata.
"L-lance?"
Tumaas lang ang isang kilay sa akin ng lalaking nagpupunas ng towel sa tumutulo nitong noo mula sa buhok, saka ako nilampasan para lapitan ang kwarto niya.
Saan siya galing?!
Dahan-dahan kong nilingon ang lalaki ngunit agad ding umiwas nang makita ang maumbok niyang puwit.
Patalikod akong naglakad palapit sa pinto ng kwarto ng lalaki para isara iyon. Naglikha iyon ng malakas na kalabog dahil sa bigla kong paghila.
Mariin kong pinikit ang mata saka kumurap-kurap. Iniling-iling ang ulo upang maalis sa ulo ang imahe ng matambok niyang-hayst.
Nagmartsa na lang ako pabalik sa baba. Bumalik din ako sa taas para ibalik ang mga ginamit na kumot at unan. Pero sa kwarto ko iyon dinala. Baka kasi nakahubad pa rin si Lance sa loob at hindi pa tapos magbihis.
Nabatid kong dito siya naligo sa banyo ng kwarto ko nang makita ang iilang patak ng tubig sa tiles.
Pagkasalay ko sa mga unan at kumot ay bumalik na rin ako sa baba para magluto ng almusal. Corned beef na may patatas, sunny side up egg, bacon, at hotdog na lang ang niluto ko para mabilis matapos. Mukhang may pasok kasi si Lance.
Hinahanda ko ang pagkain sa mesa nang pumasok si Lance sa dining. Naka-dark gray itong long sleeve habang bitbit ang itim na coat. Hilig pala niya sa dark color.
"Coffee..."
Agad naman akong tumalima matapos 'yong sabihin ni Lance. Umupo siya sa center table, habang ako ay tinitimpla ang kape na hinihingi niya.
"Magtatrabaho ka?"
"Hindi. Mangangaso."
"Wow," natatawang nasabi ko, may pagmamangha, habang nilalapag sa tabi ng plato niya ang kape.
Ang astig niya sigurong mangaso. Ang ganda niya pala mag-ayos kapag mangangaso. Nakapang-business attire, katulad ni Ken.
Naging ngiwi ang ngiti ko nang tingnan ako ng lalaki. "Alam kong nakakabighani akong pagmasdan. Pero hindi mo naman kailangang iawang ang bibig mo."
Agad kong naitikom ang bibig.
Tinaasan ako ng isang kilay ng lalaki. "Hindi ka pa ba kakain?"
"Ay hehehe..." Napakamot ako sa ulo saka na umupo sa inuupuan ko.
"'Wag mo na ulit uulitin ang pagsama kay Ken nang hindi nagpapaalam sa akin," seryoso nang saad nito habang tinutusok ang bacon. "Marami ka nang nagiging atraso. 'Wag mong hintayin na gawin ko ulit sa'yo ang ginawa ko sa'yo noong nakaraang gabi." Sinulyapan niya pa ako saka binalingan ang kinakain.
Ayo'ko nang maulit pa ang pagiging marahas sa akin ni Lance.
Sunod-sunod ko siyang tinanguan. "Hindi ko na uulitin. Magpapaalam ako. Kahit na ayain niya akong magtanan kami, ipaaalam ko sa'yo," disendidong sabi ko at walang halong biro.
Pinukol ako ng masamang tingin ng lalaki.
"Joke lang!" sabi ko agad. Alam ko naman ang ibig sabihin ng tanan na 'yon.
"That's not funny," seryosong saad niya.
Naging tahimik ang mesa. Ako ay parang biglang nailang. Pigil na pigil ko ang makagawa ng tunog kaya marahan talaga ang pagkain ko.
Gusto kong magsalita, pero parang ayaw kumawala sa bibig ko. Gusto kong humingi ng tawad sa sinabi ko, na ikinatahimik niya, ngunit nakakakagat ko na lang ang dila ko.
Tumayo na rin ako agad nang tumayo si Lance. Napalingon siya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa pinagkainan ko, napababa rin ang tingin ko roon. Hindi pa ako tapos kaya may pagkain pa 'yon.
"Where are you going?"
Simpleng ingles 'yon at natandaan ko naman 'yon noong pag-aralan namin. Kaya naiintindihan ko si Lance.
"A-ah.... Pasensya na sa sinabi ko kanina." Napayuko ako matapos iyong sabihin. "H-hindi ko 'yon gagawin. Hindi naman ako itatanan ni Ken. Hindi mangyayari 'yon...."
Pag-angat ko ng tingin sa lalaki ay seryoso lang itong nakatingin sa akin. Nilabanan ko ang mga tingin niya.
"I will never let that happen anyway. I will never let you go somewhere without me by your side. Because-" Tinigil niya ang sasabihin. Pinagkatitigan ako saka bumuntong-hininga. "Ipagpatuloy mo na 'yang pagkain mo. Alis na'ko."
Nakasunod lang ang tingin ko sa mabibilis na lakad ni Lance palabas ng dining. Ang tunog ng yapak ng sapatos niya ay dinig sa bawat kanto ng mansiyon.
Napaupo ako nang makalabas na siya sa pinto sa harapan at isara niya 'yon.
Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit nawala na ang gana ko. Pinilit ko na lang ubusin dahil baka mainis pa sa akin si Lance kapag nalaman niyang hindi ko inubos ang almusal ko.
Habang umiinom ng tubig ay napasulyap ako sa pinagkainan niya. Ang linis niyang kumain. Walang momo na nagkalat sa lamesa.
Habang naglilinis sa labas ay lumilipad ang isip ko. Saan kaya si Lance mangangaso ngayon? Anong oras siya matatapos sa panganagaso? Uuwi rin ba siya rito sa bahay mamaya?
Bigla akong nakaramdam ng excitement.
Sana ay dala-dala niya ang nangaso niya. Gusto kong makita kung ano kayang mabangis na hayop ang mahuhuli niya?
Gaano kaya kagaling si Lance sa pangangaso?
Ikukwento ko kay Mariposa kung gaano si Lance kagaling mangaso, kapag nagkita kami ulit. Sana dalhin siya rito ni Ken. At sana saktong narito si Lance para ipakikilala ko na rin sila sa isa't isa.
Natigil ako sa pagpupulot ng nalaglag na dahon mula sa parang puno ng niyog na nakalinya sa tabi ng gate, nang makarinig ako ng lagasgas ng dahon. Nilagay ko ang mga napulot na dahon sa basurahan saka naglakad palapit sa gate.
Malinis ang daan. Walang tao o sasakyan akong nakikita.
Napabaling ako sa kaliwa, kung saan may nagtataasan na puno nang mula roon ay marinig ko ang muling paglagaslagas ng mga tuyong dahon.
Sinipat ko ang nakikitang bulto ng isang lalaki na tumatakbo patungo sa looban ng gubat. Tila ito may hinahabol. Hindi ko ito makita ang mukha dahil sa kulay itim nitong kasuotan na balot na balot sa katawan. Pati ang ulo, kaya hindi ko talaga makilala.
Pero masisiguro ko naman na kilala ko ito dahil wala namang ibang nagsabi na mangangaso ngayon, kundi si Lance lang. Kaya si Lance iyon.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko napigilan ang mapahiyaw.
"Go, Lance! Galingan mo sa pangangaso!" sigaw ko.
Siguro may nakita na siyang mabangis na hayop. Naging mabagal ang pagtakbo ng lalaki. Pinanood ko ito hanggang sa tumigil. Kumabog ang dibdib ko nang lingunin ako ng lalaki. Malayo ako kaya hindi ko makita nang malinaw ang mukha ni Lance. Idagdag pa na medyo malimlim ang gubat dahil sa matatayog na puno.
Tumango ang lalaki sa akin. Natuwa ako kaya agad kong binuksan ang gate. Siguro ay ipapakita niya sa akin ang hayop, bago niya ito huhulihin.
Kaya naman, hindi ako gumawa ng ingay habang tumatakbo palapit sa lalaki. Hindi nawawala ang ngiti ko habang palapit sa lalaki. Hindi ko nilulubayan ang tingin nito kahit may maliliit na sanga na akong naaapakan. Ang sukal ng gubat, puno ng tuyong dahon.
Nasa isang dipa na lang siguro ako sa lalaki nang makita ko nang maayos ang mukha nito. Unti-unting napawi ang ngiti ko nang mapagtantong iba ang hitsura nito. Ang kulay ng balat nito ay dark brown at may pagkakulubot-kulubot na. Ang tindig nito ay malayo sa tindig ni Lance. Lalong lalo na ang tikas ng katawan ni Lance.
Napahinto ako sa pagtakbo at napasulyap sa unahan ng lalaki. Wala akong kahit na isang hayop na nakikita.
Kumabog ng husto ang dibdib. Ang mga binti ko ay biglang nanginig, lalo na nang humakbang ang lalaki palapit sa akin.
"Tara, sumama ka sa'kin." Lalo akong tinubuan ng kaba. Iba ang boses niya sa boses ni Lance!
Umiling-iling ako at napahakbang paatras. Humakbang na rin ang lalaki paabante. Hanggang sa bumilis ang paghakbang niya palapit sa akin. Bumigat ang paghinga ko dahil sa mabibilis na pagtibok ng puso.
Sa pagpihit ko upang makatakbo na pabalik, ay siya namang pagsalpok ko sa isang matigas na dibdib. Pagtingala ko ay katulad ng suot nito amg suot ng lalaking nasa likuran ko. Parehong balot na balot. Lalampasan ko na sana ito upang makatakas, ngunit hindi ko nagawa dahil agad akong nahablot sa braso ng isa sa kanila.
"B-bitiwan niyo ako!" malakas na sigaw ko at pilit kumakawala sa higpit ng hawak ng isa.
Hindi nila ako pinakinggan. Mas hinigpitan lang ang hawak sa braso ko. Halos buhatin na dahil sa pagpupumiglas ko.
"B-bitiwan niyo na po ako, Kuya!"
'"Wag kang maingay!" mariing singhal sa akin ng isang lalaki saka tinakpan ang bibig ko.
Hinahatak na nila ako sa kung saang direksiyon.
Kinagat ko ang palad na mapait na nakatakip sa bibig ko. Napahiyaw ang nagmamay-ari niyon. Kinuha ko 'yong pagkakataon para humingi ng saklolo.
"Lance! Tulong!"
Isang maalat na palar ulit ang tumakip sa bibig ko. Napaluha ako dahil sa halo-halong emosyon.
May marahas na sasakyan ang tumigil sa harap namin. Agad ding lumabas ang nagmamaneho niyon. Nakulong sa palad na nakatakip sa bibig ko ang malakas kong sigaw dahil sa pag-aakalang ang dumating ay tutulungan ako. Iyon pala ang mga lalaki ang tutulungan niya.
Nagpumiglas ako nang pilit nila akong pinapasok sa sasakyan. Kinagat ko ang balat na lumalapat sa bibig ko.
"Ang tigas mo, ah!"
"Ahh!" Malakas na daing ko matapos akong suntukin ng isa sa sikmura.
Nanghina ang mga tuhod ko. Nanlabo ang mata ko. Pakiramdam ko ay hinihigop ng kung ano ang lakas ng katawan ko. Para akong biglang nagiging lantang gulay.
Nang maipasok ako ay sumunod ang isa. Ang isa naman ay sa kabila ko sumakay.
"Bilisan mo. Baka tayo maabutan," saad ng isang lalaki sa lalaking pumasok sa driver's seat.
Napahandusay na lang ako sa sandalan habang napapadaing sa sakit ng sikmura. Nawalan ako ng pag-asang makatakas nang mabilis nang umandar ang sasakyan.
Bumigat ang talukap ng mata ko. Nanlabo ang nasa harapan ko kaya hindi ko na alam kung saan na kami dumadaan. Unti-unting pumipikit ang mata ko habang ramdam ang tila pag-iikot ng paligid ko.
Sa pagsakop ng kadiliman sa paligid ko ay naramdaman ko ang marahas na pag-alog ng kinasasakyan ko, kasabay ang malakas na lagabog nito.
"Sinasabi ko na sa'yong bilisan mo pa kasi may sa speedboat ang lalaking 'yan!" dinig ko pang galit na sigaw ng lalaki sa tabi ko.
Ilang sunod-sunod na pagputok pa ng baril ang narinig ko bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro