Chapter 27
Chapter 27: Flowers
“K-kahit ganito ang itsura ko, pakakasalan mo pa rin ako?”
“I don't see any problem about it. Para sa akin, perpekto ka pa rin. Sa paningin ko, walang kulang sa'yo. Walang may mali sa'yo.”
Kinapa ko ang ulo ko at bahagyang natawa kasabay ang pagbagsak ng luha.
“N-nahihiya ako, Lance…”
Pinunas niya ang luha ko at marahan akong hinarap sa kaniya.
“Hush…nandon ako. Walang sino man ang maaaring mang-judge sa'yo. I will sue them.”
Lumuluha ako habang gumuguhit ang ngiti. “Bisita pa rin natin sila…”
“Hindi natin kailangan ng panghusgang bisita,” aniya.
“Oo na nga…m-magpapakasal na,” natawang sabi ko.
“You're so cute. I love you.”
Nagulat din ang mga bata nang makita ang ulo ko. Nabawasan ang bigat sa dibdib ko dahil imbes na maawa sila ay pinaglaruan pa nila ang ulo ko.
Tinutupi ko ang damit ng mga bata nang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Lance.
“Hindi mo ba sasamahan maligo sa pool ang mga bata?” saad ko.
Umupo siya sa likuran ko at kinabig ako. “Sisters time nila ‘yun,” aniya.
Nilingon ko siya sa tabi. “Tayo?”
“Tayo…ay magkasamang tatanda.”
Napabungisngis ako. Bumalik ako sa ginagawa. “Kanina pa ba ‘yun sila? Paahunin mo na. Baa sipunin na mga batang ‘yon.”
Hinalikan niya ang ilalim ng tainga ko saka tumayo. “Okay, madame. I'll get their towel.”
Lumapit siya sa kabinet at kumuha roon ng dalawang towel. Tumayo na rin ako at binuhat ang patong-patong na tinuping damit ng mga bata. Hindi siya umalis sa tabi ng kabinet. Hinayaan niya iyong nakabukas para sa akin.
“Anyway, baby, naimbitahan mo na ba ‘yung mga gusto mong imbitahan? Nabigay ko na ‘yung wedding invitations kina Rey and Denz,” aniya.
Bahid ang saya sa tinig niya. Mas excited pa siya sa akin.
“Oo na. Pero hindi ko alam kung nasaan si Ken at Mariposa…”
Hindi ko naiwasang malungkot. Ilang buwan na rin akong nakabalik, pero Ang kahit isa sa kanila ay hindi ko pa nakikita.
“Don't worry, ako na ang magpapadala sa kanila. Sisiguraduhin kong makaka-attend sila.”
“Talaga, Lance?! Thank you.”
“Sana kiss na lang,” mahinang bulong pa niya. “Paahunin ko na ang mga bata. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka, okay?”
Malawak akong nakangiti na tumango.
Tinapos ko ang paglalagay ng mga damit ng kambal sa kabinet. Pagkatapos ko ay lumabas ako ng kwarto at dumiretsong terrace. Pinanood ko ang paglangoy langoy ng mga bata. Lumabas si Lance. Tinawag niya ang mga bata at pinaahon.
May kung anong sinabi ang kambal sa ama nila. Umiwas ng tingin si Lance habang nakapikit, nakabuka ang isang towel na hawak niya. Saka umahon isa-isa ang dalawang bata nang naka-krus ang mga braso sa dibdib nila.
Mahina akong natawa.
Pagkatapos ibalot ni Lance ang twalya sa dalawa, nang hindi tumitingin, ay saka siya nagmulat. Sabay-sabay silang naglakad papasok habang nakahawak ang kambal sa kamay ng tatay.
Sobrang ganda nilang pagmasdan. Para akong nakatingin sa magandang kulay ng kalangitan. Masaya ako na malapit na ang loob ng mga bata sa ama nila. Hindi na magmumukmok si Lance sa akin dahil pinagsusungitan siya ng mga anak niya.
Umalis ako sa terrace at sa master's bedroom na dumiretso. Mga gamit naman namin ni Lance ang aasikasuhin ko.
“Mama, sabi ni Papa, sa pool side daw po tayo magdi-dinner mamaya!” bungad ni Alexa sa akin nang pumasok ako sa kwarto nila.
Tumingin ako kay Lance. He was smiling habang tinutuyo ng twalya ang buhok ng anak.
“I said that?”
“Yes, po. Right, ate Celine?”
“Opo, Mama. Sinabi ‘yun ni Daddy kanina,” ani Celine.
Mga nakabihis na sila ng pang bahay. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ng kama. Hiningi ko kay Celine ang suklay at ako ang nagsuklay sa kaniya.
“Guys, do you want to go with me?” tanong ko.
“Saan po, Mama?”
“Pupunta ako sa Lolo at Lola niyo–,”
“Mama?!”
“Wife?”
Gulat at hindi nila makapaniwalang usal. Halos sabay-sabay pa silang napabaling sa akin.
“Wife, make it clear,” ani Lance.
Saka ko lang napagtanto na mali ang pagkakasabi ko. Nahihiya akong ngumiti.
“Ibig kong sabihin, dadalawin ko ang Lolo at Lola niyo sa puntod nila,” paglilinaw ko.
“Kailan po?”
“Bukas.”
Sabay na nagreklamo ang dalawa.
“Mama, can we move it to another day? May pasok po kami bukas, eh.”
“Saturday, Mama?”
Napaangat ako ng tingin kay Lance. Nakatingin lang siya sa akin, naghihintay rin ng sagot.
Tumungo ako. “Sure…w-wala namang problema.”
“Yey! I'm so excited to meet them, Mama, Papa. Marami po akong ikukwento sa kanila,” nasasabik na saad ni Alexa.
“Alexa, what do you mean you're excited to meet them? Gusto mo na silang makasama?” tanong ng ate.
“No. I mean…n-no. Ugh, ate Celine naman, eh! Pinahihirapan mo ako.”
Sa poolside kami naghanda ng mga pagkain panghapunan. Nilabas namin ang mahabang lamesang panglabas, at nilatagan ng malinis na mantle. Habang abala kami ng mga kasambahay sa paghahanda ng pagkain ay nag-ihaw naman sila Lance ng sariwang tuna, at marinated pork barbecue.
Pagsapit ng Sabado. Pasikat pa lang ang araw ay gising na ako. Nauna akong bumangon. Pagkatapos kong maghilamos ay naghanap ako ng isusuot namin ni Lance at hinanda iyon.
“What are you doing?” si Lance nang maalimpungatan.
“May hinahanda lang. Matulog ka pa.”
“Come here. It's still early…”
Malalim na malalim ang boses niya. Ang sarap pakinggan at nakakahipnotismo, pero hindi dapat ako magpadala dahil gusto ko silang paglutuan ng almusal.
“6:37 a.m na. Matulog ka lang diyan. Aasikasuhin ko lang susuotin ng mga bata mamaya,” sabi ko.
Hindi na siya sumagot, umungol lang. Akala ko ay bumalik na siya sa pagtulog. Muntik nang takasan ng kaluluwa ko ang katawan ko nang umupo siya.
“Wait me. I'll help you,” aniya at tumayo.
Naglakad siya papunta sa banyo.
“Hindi na naman kailangan. Kaya ko na ‘yon.”
Umungol lang siya at hindi nagsalita. Paglabas niya ng bathroom ay nakabihis na siya ng lose t-shirt niya, na hinubad niya kagabi pagtulog.
“Dapat natulog kana lang ulit. Kaya ko na namang gawin ‘yun,” sabi ko.
“I want to learn. Para kapag nagka-baby tayo ulit, alam ko na mga gagawin ko if ever you're busy and need to rest.”
Lumabas ng kwarto nang nakaakbay siya sa akin. Tiningala ko siya sa gulat.
“May balak ka pang mag-baby ulit?”
“Why not?” nakangising aniya.
Imposible na ‘yon. Hindi pa man nakokomperma ng doktor, pero mukhang hindi na ako p'wedeng magbuntis ulit. Noon pa lang na ipinagbubuntis ko ang kambal ay nagka-depirensya na ang puso ko.
“I know what you're thinking,” usal niya.
“Sana maintindihan mo…”
“Just in case lang naman. Don't worry.”
Pinatahimik ko na siya nang pumasok na kami ng kwarto sa kambal. Tulog na tulog ang dalawa habang nakayakap sa tig-isa nilang sandalan na ‘sing haba nila.
“They're cute…” bulong ng isa sa tabi ko. “I think I just want to stare at them.”
“‘Wag mo na akong tulungan. Just don't wake them up,” bulong ko pabalik.
Aliw na aliw siyang pagmasdan na natutulog ang dalawa. Umupo pa siya sa ng kama sa paanan ng kambal.
“Wife, nai-imagine ko sila na natutulog no'ng baby pa sila. They're so adorable,” aniya pa.
Hinanda ko na lang ang isusuot ng kambal mamaya. Talagang hindi na ako tinulungan ng lalaki, pero ayos lang kasi mas napadali ang trabaho ko.
“Good morning, Mama!”
Napabangon ang ulo ni Lance mula sa pagkakahiga sa balikat ko nang marinig ang boses ng anak. Bahagyang lumuwag din ang pagyakap niya sa akin.
Simula nang bumaba kami rito kanina para magluto ng almusal ay nakadikit na siya sa akin. Nakaidlip na nga.
“Hmm, ang bango!”
Tuluyang bumitaw sa akin si Lance nang lingunin ko ang kambal. Pinatay ko ang stove.
“Maupo na kayo. Tapos na rin ako rito,” sabi ko.
Kaming apat lang ang nandito sa mansion. Tuwing Sabado at linggo ay pinagre-rest day ko mga kasambahay at ang driver. Hindi rin nagta-trabaho si Lance ng Sabado at linggo, kaya kapag weekdays ay abala siya nang sobra sa trabaho.
“Ako na ang magtitimpla ng milk niyo,” sabi ng ama.
“Thank you, Papa.”
“Thanks, dad.”
Hindi mapawi ang ngiti sa labi ko habang kumakain. Masaya ako dahil nakikita kong masaya ang mag-aama ko. Kahit sa maliit na bagay, natutunan nilang magpahalaga. Ang ngiti sa labi nila, at ang kislap sa mga mata…ay nagpapahiwatig ng pagpapahalaga sa mga sandaling ito.
“Mamayang alas sais ay narito na rin po kami,” sabi ko sa security guard na naka-duty ngayon.
“Ingat kayo, ma'am, sir.”
Sunod akong pumasok sa sasakyan matapos makasakay ng mga bata. Paalis na kami ngayon, magbibisita.
“Mama, nasa'n po ang flowers natin kila Lolo?”
“We will buy at nearby flower shops,” ani Lance.
“Okay po!”
Dahil liblib ang kinatatayuan ng mansion, medyo mahaba haba ang naging byahe namin bago makadaan sa isang flower shop. Hindi na gano'n katagal ang byahe mula sa flower shop papuntang private cemetery kaya nakarating din kami.
Si Lance ang may alam kung saan ang puntod ni Daddy kaya sa kaniya kaming nakasunod na tatlo.
“Akala ko makakarating sa'yo ang balita. I expected you to show up. No'ng hindi ka nagpakita, I assume na hindi nakarating sa'yo ang balita,” saad ni Lance.
“Hindi ko alam…” And I feel bad about it.
Wala man lang ako sa tabi ng Daddy ko no'ng naghirap siya. Umaasa ako na susunod siya sa akin sa Isla. Kaya pala hindi na siya sumunod, ‘yon pala ay may masama nang nangyari sa kaniya.
“I'm sorry. Nabigo akong mahanap ka kaagad.”
Hindi na ako nagsalita. Kasalanan ko naman lahat.
Inayos namin ang dalang pagkain pagkasindi ng kandila. Hindi ko alam, na nandito rin ang puntod ni Mommy, sa tabi ni Daddy.
“Paano mo ito nalaman? Ako na anak, hindi alam na rito nilibing ang mommy ko,” sabi ko.
“Hinanap ko. Para kapag nangyari itong pagkakataon na ito, sabay mo silang madadalaw,” aniya.
Tiningala ko ang lalaki. Nakaupo siya sa tabi ko, habang ang kambal ay nasa kabilang tabi ko, abala sa dala nilang booklet na habang may sinusulat doon ay nagkukwento sila sa puntod ng Lolo’t Lola nila.
“Thank you…”
“Anything for you.”
“Gusto ko ring dalawin natin ang parents mo,” sabi ko.
Natigilan siya doon at napatitig sa akin. Nangunot naman ang noo ko sa pagtataka.
“Bakit?”
“That's first time. You haven't mention that.”
“Kaya nga gusto kong dumalaw din tayo sa kanila, e. Ipakilala mo sila sa akin, sa amin ng mga anak mo,” saad ko, may ngiti sa labi.
Maliit na ngiti ang gumuhit sa labi niya. Lumapit ako sa kaniya. Pinatakan ko ng halik ang panga niya.
“And day live happy…ever after!” nangibabaw na boses ni Alexa.
Nilingon namin ang dalawa.
“Alexa, for sure nagustuhan nila Lolo at Lola ang kwentong sinulat mo,” sabi ni Celine.
“Talaga, ate?!”
“Yes. Kahit ako no'ng unang kinukwento mo ‘yan sa'kin ay nagustuhan ko na.”
“Thank you, ate! I love you!”
“I love you, Alexa.”
Ilang oras kaming nanatili. Nakatulog pa ang dalawa sa malaking tela na nilatag namin. Nakaunan silang dalawa sa tiyan ko habang ako ay nakaunan sa hita ni Lance.
Pinalipas namin ang ilang oras doon. At kahit papaano ay napawi ang lungkot ko. Kahit papaano ay naramdaman ko na nandyan lang ang magulang ko, kapag kailangan ko ng takbuhan, hindi ko man sila makapiling.
“Please, Lolo at Lola, kung maririnig niyo man po ako…sana po, tulungan niyong alisin ang sakit ni Mama namin. Kailangan pa po namin siya sa tabi namin. Gusto pa po naming makasama si Mama hanggang sa paglaki po namin ni ate, at sa pagtanda ni Papa.”
Nagkatinginan kami ni Lance nang biglang sabihin iyon ni Alexa. Naging marahan ang pagligpit namin sa mga gamit.
“Yes please, Lolo, Lola. Please, grant my sister's wish at pati na rin ang sa akin. Ilayo niyo po kami sa kapahamakan at panatilihin ang kalusugan namin. I hope God hear us.”
Sabay silang naghagikhikan na dalawa nang matapos.
“Oh, tara na. Baka hilingin niyo rin na ma-hug niyo ang Lolo at Lola niyo ha. Sige kayo,” sabi ko at natawa pagkatapos.
Agad nagtayuan ang dalawa ay tumakbo sa ama. “Okay lang po kahit hindi niyo kami i-hug, Lolo, Lola.”
“Mahal na mahal pa rin po naman namin kayo kahit hindi niyo kami i-hug.”
Taimtim ko na lang na ipinagdasal si Daddy at si Mommy. Hindi ko kayang sabihin iyon sa harap ng mga bata. Lalo lang akong magiging emosyonal.
Pinaalam ko sa mga anak na may dadalawin pa kami.
“Sa Mommy at Daddy ni Papa?”
“Yes.”
“Sa tingin mo ba, ate Celine, magugustuhan din nila ang kwento na sinulat ko?”
“Yes, of course, Alexa.”
“What story is that? I want to hear it, too,” ani Lance.
Narinig ko ang pagsinghapan ng dalawa.
“N-nahihiya po ako…”
Mahina natawa si Lance. Sumulyap pa siya sa akin habang nagda-drive. Alam ko ang ibig sabihin ng sulyap niyang iyon. Sinasabi niya na parang ako ang bunso niyang anak.
Siguro nga, pinagtagpo kaming dalawa ng may kapal dahil kami lang ang makakaintindi sa isa't isa. Kami ang gustong karamay ng isa't isa. We both lost our beloved parents. Pero mas sinubok siya ng panahon.
Wala na akong masabi pa sa parents niya kundi pasasalamat. Pasalamat ako sa pagdala nila kay Lance sa mundong ito. Nagkaroon ako ng matapat, mapag-alaga, at mapagmahal na asawa, at ama ng mga anak ko.
Magdidilim na nang bumyahe kami pauwi. Bumaba pa si Lance sa nadaanang flower shop.
“Mama, may iba pa po ba tayong dadalawin?” kuryosong tanong ng dalawang bata.
“Ang alam ko ay uuwi na tayo,” sabi ko.
“Bakit po bumibili pa si Papa ng flowery?”
Nakita ko ang pagkuha ni Lance sa bulaklak at pag-abot ng bayad mula sa salamin ng shop. Nilingon ko ang mga bata.
“Hindi ko rin alam mga anak.”
Bumukas ang pinto at sumakay na si Lance, dala-dala ang isang malaking bouquet na may iba't ibang klase ng bulaklak, at dalawang maliit na may isang sunflower at dalawang tulips.
“Wow, Daddy, that's cute.”
“Para kanino po ‘yan, Papa?”
Nababakasan ko sa dalawa ang labis na kuryosidad.
“These are for you, to ate Celine, and for your mother.”
Binigay niya isa-isa sa amin ang mga bulaklak. Labis ang saya ng dalawang bata sa likod. Kilig na kilig.
“Papa, these flowers were so beautiful. Thank you.”
“Yey! This is my first flower I have received. Thank you, Papa. I love you po.”
“I love you.”
Habang nasa byahe pauwi ay nakatulog na ang dalawa sa likod, yakap-yakap ang bulaklak na bigay ng tatay nila.
“Ako muna ang magbibigay ng bulaklak sa kanila. Saka ko sila hahayaang magkaroon ng manliligaw kapag nasa tamang edad na,” usal ni Lance.
Mahina akong natawa. “Ang strict mo naman…”
“Well, ayaw ko lang silang mapunta sa basta-bastang lalaki.”
“Hindi mangyayari ‘yan. Ikaw ang standard nila…” saad ko.
“I'm not the standard.”
“You are. That's why I love you more than what you imagine.”
Pinisil niya ang kamay kong hawak ng isang kamay niya. Dinala niya ‘yon sa labi niya at pinatakpatakan ng maliliit na halik.
“I will hold you like this forever…”
“Willing ako,” sabi ko. “Hanggang sa kabilang buhay.”
I'm willing to spend my life with him. Lubos kong ipagpapasalamat sa may kapal kung sakaling bigyan niya pa ako ng mahabang buhay, na makasama ang mag-aama ko. At willing din akong ibigay sa kaniya ang buhay ko kapag oras na ng paniningil niya.
Gusto ko pang makitang lumaki ang mga anak ko.
“Magpapakasal tayo, ulit, ah. Kahit anong mangyari. Wala ng atrasan ‘to,” sabi pa niya na para bang magbabago pa ang isipan ko.
Natawa ako.
I will marry him. Kahit ilang beses pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro