Chapter 25
Chapter 25: Poop
“A-ah…”
“The one you were talking to yesterday, is my secretary,” malamig na sabi ni Lance.
Seryosong seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
“Mama, bakit niyo po pinagbibili ang bahay? Saan na po tayo ngayon titira?” naiiyak na saad ni Alexa.
“It's okay, Alexa, magagawan natin ‘yan ng paraan. Mama needs more money for her treatment,” seryosong sabi ni Celine.
Hindi ko sila magawang awatin sa talim ng tingin nila sa lalaking bagong dating.
Ako, gulong-gulo. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Ang bahay ba, o ang nararamdaman ng mga anak ko sa nasisilayan nila ngayon.
“Mga anak, doon muna tayo sa tabi ng dagat?” singit ni Tanggol.
Nakatulong ang pag-aya niyang iyon sa akin.
“Sige na, Alexa, Celine. Sumama na muna kayo kay tatay.”
Walang nagawa ang dalawa kundi sumunod. Pagbaling ko sa magbibili ng bahay ay nakasunod na ang tingin nito sa tatlong papuntang tabi ng dagat, umiigting ang bagang habang sumisigaw ang naghahalo halong emosyon sa mga mata niya.
“S-sumunod kayo sa'kin,” sambit ko at naunang tumalikod.
“Lance, ikaw na ang bahala. Mukhang maganda ang tabing dagat, maglalakad lakad lang kami ni Nash,” dinig kong sinabi ni Niezhel.
“Just call me if you need anything.”
Walang pinagbago, malamig pa rin ang boses niya.
Hinarap ko ang lalaki nang nasa pintuan na. “Sir, magsisimula muna po tayo sa loob. Kung may katanungan kayo, sabihin niyo lang.”
Hindi ko siya matingnan sa mga mata. Sobrang sakit…
“Is that true?”
“Y-yes po, hali na kayo para makapagsimula na tayo sa kusina.”
Hindi ko na siya nilingon at nauna ng pumasok. Pero natigil din nang marinig ko ang pagsara ng pinto. Nilingon ko si Lance.
“S-sir, hindi niyo naman po kailangang isara ‘yang pinto.”
“Answer me…”
Tila nagtitimpi na ang boses niya ngayon.
“Sasagutin ko po ang mga katanungan niyo–tungkol lang sa bahay na ito.”
Nakaramdam ako ng takot nang humakbang siya ng mabibilis palapit sa akin. Napaatras ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko.
“Is it true? I'm their father? Answer me, Axedria.”
Inagaw ko pabalik ang kamay ko. “Eh, ano ngayon? May pamilya ka na naman, ‘di ba? Nakalimutan mo? Kaya mo nga bibilhin itong bahay na ito para sa kanila, ‘di ba?”
“You're right. I have, and I will buy this house for them.”
“Kung gano'n, simulan na natin.”
I was about to turn my back at him when he stopped me. “I want to know the truth, Axedria.”
“Para saan pa, Lance? Hindi pa ba sapat sa'yo na–,”
“I have the right to know, Axedria.”
“Alam ko. Pero p'wede ba? Ang pag-usapan natin ay ‘yung pinunta mo rito at tayo? Hindi kami ng mga anak ko?”
His jew clenched.
“P'wede ba, Lance? Sinasayang mo lang oras ko. Kung itong bahay ang pinag-uusapan natin ngayon, malapit na sana tayong matapos. Alam mo, mabuti pang umalis kana. Maghahanap na lang ako ng ibang buyer.”
“Iniwan mo ‘ko noon, ngayon naman pinagtatabuyan mo ‘ko.”
Hindi ako agad nakaimik.
“‘W-wag na nating balikan ‘yon, please? Sabihin mo na lang kung bibilhin mo pa ba ‘tong bahay. Kung hindi, makakaalis ka na. Samahan mo na lang ang asawa at anak mo sa tabing dagat.”
“Nandito ang asawa ko,” marahang saad niya.
“Matagal na ‘yun, Lance…p'wede ba?”
“Tell me everything, please? I will tell you everything, too.”
“Nandito ka para bilhin ang bahay, Lance, hindi para balikan ang nakaraan.”
Tinanaw ko sa bintana ang mga anak ko. Magkaharap ngayon si Tanggol at Niezhel na tila may pinag-uusapan ng masinsinan, habang ang mga bata ay nakatingin sa kanila.
“Okay. Name your price.”
Nabalik ang tingin ko sa lalaki. “Hindi mo pa nga nakikita nang maayos itong bahay–,”
“Para matapos na.”
Ngayon naman ay nagmamadali siya.
“One.”
“Million?”
“One hundred million.”
“Okay, then.”
Nanlaki ang mata ko nang dumukot siya ng cheke at nilagay roon ang one hundred million.
“Here.”
“S-sandali…”
Kinuha pa niya ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang cheke. Hindi na niya binitawan ang kamay ko.
“Ngayon, why did you left me?”
Umawang ang labi ko.
“Anong ginawa ko para iwan mo ako? Axedria, why?”
“L-lance…”
“Umuwi ako kahit hindi pa tapos ‘yung trabaho ko, kasi may nakapagsabi sa'kin na may sumundong lalaki sa'yo? Naghintay ako…pero hindi ka na bumalik?”
“B-bumalik ako, Lance, pero dahil sobrang sakit ng naabutan ko…at hindi ko kakayaning marinig mula sa'yo na mahal mo pa rin si Niezhel, u-umalis ako.”
Nangunot ang noo niya, tila gulong-gulo.
“You were there?”
Kumuyom ang kamao ko. “Nawalan ako ng malay pagkaalis ko roon. Pagkagising ko, galit na galit ka sa'kin. Sa sobrang takot na masaktan mo ang pinagbubuntis ko, p-pumayag ako na itakas ako ni Daddy. At isa pa, bumalik na ang tunay mong asawa kaya ano pang gagawin ko roon?”
“You left without hearing my explanation? You're so unfair…”
Umiwas ako ng tingin. “P'wede ba, tigilan na natin ‘to?”
Lalampasan ko na siya para sana lumabas na subalit pinigilan na naman niya ako.
“We're not done yet.”
“Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan?” tapang tapangan na sabi ko.
Kahit sobrang sakit na. Bakit sa ganitong sitwasyon pa kami nagkaharap.
“About the twins.”
“Pati ba naman sila? Maraming salamat sa pagbili mo ng bahay. Ibabalik ko ang sobra ng binigay mo,” sabi ko at nilampasan na siya.
“Saan kayo pupunta? Lalayo na naman kayo?”
“‘Yon ang gagawin namin kaya ko ipinagbili ang bahay na ‘to,” sabi ko nang hindi siya nililingon.
Binuksan ko ang pinto, pero hindi ko naituloy ang paglabas nang matigilan sa sinabi niya.
“Kaya ko binili ang bahay na ‘to para sa inyo.”
Pinaglalaruan niya ba ako? Damang dama niya ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon kaya nakuha pa niya akong paglaruan nang ganito?
“I still can't forget you after what you did to me. You left me hanging. You left me without telling me that you are bearing my child? It's so unfair, right? Pero kahit gano'n, hinanap pa rin kita.”
Naramdaman ko ang paglapit ng presensya niya sa likuran ko.
“Now tell me the truth. Linawin mo sa'kin ang lahat…”
“P-para saan pa, Lance? May pamilya ka na.”
Natuod ako sa kinatatayuan nang maramdaman ang pagyapos ng braso niya sa baywang ko. Parang kinalabit niya ang emosyong pinipigilan ko dahil sa ginawa niyang iyon. Nanlambot ang tuhod ko. Damang dama ko ang paghahanap sa presensya niya.
“You know, from the start my heart only belongs to you. I miss you…”
My tears streaming down my cheeks. “I’m s-sorry. Natakot ako na baka saktan mo ako, kami ng mga anak ko. Galit na galit ka noon at pinaghahanap ako. Sa tingin mo, a-anong iisipin ko? Sobrang laki ng ginawa ni Daddy sa inyo. Paghihigantehan mo na ako sa pagkakataong ‘yon.”
Bumaon ang mukha niya sa balikat ko.
“I'm mad, and yes I was looking for you. Kasi hindi ka umuwi. I thought someone kidnapped you. N-nalaman ko pang sinugod ka sa hospital. Please right now…I'd like us to start over again.”
Agaran ko siyang hinarap sa sinabi niyang iyon. “Pero, Lance…how about Niezhel and your son? Nababaliw ka na ba?”
“What about them?”
What about them?! At mukhang naguguluhan pa siya sa sinasabi ko.
Pinahid ko ang luha sa mata. “Of course they're your family.”
“Ikaw lang ang pamilya ko…”
Umawang ang labi ko.
“Stop it, Lance. Stop hurting me! Siya naman talaga ang nauna, ‘di ba? Hindi ko naman hihingin pa na magpaka-ama ka sa mga anak ko dahil nariyan si Tanggol. H-hindi ko kayang makisawsaw sa pamilyang binuo mo no'ng umalis ako,” iiling iling na sabi ko.
“What? Axe…naiwan akong mag-isa noon, pero hindi ako bumuo ng pamilya sa iba,” marahan niyang sinabi, na tila pinaiintindi sa akin nang mahinahon.
“Anong tingin mo kay Niezhel at sa batang kasama niya?”
“Axedria, they're not mine.”
“‘Wag mo na ngang itanggi!”
“Wala akong itatanggi. Hindi ako ang asawa niya, lalong hindi ako ang ama ng bata. Mag-ina sila ni Adri…”
“H-ha…”
Parang nag-loading ang utak ko. Si Adri? Ang kababata ko?
“You're lying to my face,” bintang ko.
Nakarinig ako ng mahinang hagikhik sa likuran ko kaya nilingon ko ito.
“Ehem,” tikhim ni Niezhel. “I'm sorry to interrupt you guys, medyo sumasakit na kasi sa balat ang init sa labas kaya sumilong na kami.
Dumating din si Tanggol kasama ang kambal.
“And no, Axedria. Lance is telling the truth. Asawa ako ni Adri, at itong si Nash,” dinala niya sa harap ang batang lalaki. “He's our son.”
“Hello po, I'm Nash! Mommy and daddy told me that you're their friend.”
Sa pagkapahiya ay tinanguan ko lang ang bata at nilapitan ang kambal.
Kung iyon man ang totoo, hindi pa rin ibig sabihin niyon ay kailangan na naming magkabalikan. Lalo’t may ganito akong kondisyon.
“Mama, aalis na po ba tayo?”
Hinaplos ko ang pisngi ng dalawa. Bahid sa kanila ang matagal na pag-iyak. Namumula pa rin ang gilid ng mata nila at namumugto.
“Walang aalis.”
“Lance, lower your voice. Tinatakot mo sila.”
Pinagkatitigan ko ang mga anak ko.
“Hindi kayo pababayaan ni tatay Tanggol niyo. Magpapagamot lang si Mama, babalikan ko kayo.”
“Mama…”
Nagsimula na namang mag-agusan ang mga luha nila.
“Sasamahan po namin kayo, Mama.”
“Pero, mga anak, hindi rin kayo maasikaso ni Mama–,”
“Kaya na naman po naming asikasuhin sarili namin, e. Aalagaan din po namin kayo ni ate Celine. Hindi namin kayo papabayaan. Hindi kami magpapasaway, isama niyo lang kami. Ayaw ko pong maiwan sa kaniya…ayaw ko po sa kaniya, Mama.”
Nilingon ko ang inaangatan ng tingin ni Alexa habang binibigkas ang huli niyang sinabi. Nakatingin lang din sa kaniya ang ama habang puno ng sakit ang mata. Ako ang nasasaktan para sa kaniya. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi ko lang siguro pinairal ang pagmamahal.
“W-what do you want me to do…”
Parang pinipiga ang puso ko nang lumuhod si Lance sa harap ng kambal. Namula ang mata niya sa pag-agos ng luha.
“I know, I made a mistake. I scared your mother. Sana may magawa pa akong paraan para maayos ‘to. Kahit gawin ko ‘yung nakaluhod, gagawin ko. J-just…forgive me and come back to me.”
Parang dinudurog ang puso ko. Sobrang sakit na makitang nasasaktan ang mga mahal ko. I can't take it anymore.
“Your father did nothing wrong. Ako, kasalanan ko. Ginawa ko ‘yon para protektahan kayo. Nagkamali si Mama, mga anak. A-ako…ang dapat humihingi sa inyo ng tawad.”
“But why didn't he even look for us?” humihikbing tanong ni Celine.
“I did. I looked for your mother. Namuhay ako ng ilang taon sa paghahanap sa mama niyo. Just so I could find your Mama again, I had to pretend to be dead. I was hoping your mother would show up. I failed, but I still didn't stop looking for your mother. Hindi ako tumigil…”
Hinilamos niya ang palad sa mukha at napayuko, hinang hina sa sakit.
“At ngayong natagpuan ko na siya, na meron palang kayo…hindi na ako makakapayag pa na mawala ulit siya sa paningin ko.”
“I-is that true?”
“I never lied to your mother. I love her so much…”
“Will we have a complete and happy family now?”
“Ahm…C-celine.” Look, hindi pa rin okay sa akin ang lahat.
“Yes. Didn't your tatay Tanggol make you feel that way?” naging seryosong tanong ni Lance at nilingon si Tanggol na nakatayo lang sa tabi.
“A-ah, sir! Grabe naman, sir, hindi naman po!”
“Why him? Dapat ikaw,” masungit ng saad ni Alexa.
Bahagya nang gumaan ang dibdib ko. Nawala na ang bigat na matagal ng nakadagan sa dibdib ko.
“I will…”
Nilingon niya ako.
“C-can I h-hug them? Can I hug my b-babies now?”
Maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ko. Just seeing how genuine his excitement and enthusiasm was, I nodded.
Hindi naman umiwas ang dalawa nang yakapin sila ng ama nila. Nakita ko rin ang pagningning ng mga mata nila na nagsusumigaw ng saya at sabik sa yakap ng ama nila, na simula ng ipanganak sila ay hindi nila naranasan ang mayakap ng ama nila.
Tumayo ako ng maayos binalingan si Niezhel. May pinupunas itong luha sa tabi ng mata niya habang nakatingin sa tatlo. Umayos ako ng tayo paharap sa kaniya.
“Lance has been waiting for this to happen. Hindi lang namin in-expect na may dalawang bata pa pala kaming makikilala,” saad niya.
Tinapik niya ng marahan ang balikat ng anak.
“Nash baby, iwan ka muna ni Mommy rito, ha. Just wait for me here. Mag-uusap lang kami ni Tita Axedria mo saglit.”
“No problem po, Mommy.”
Iniwan ko ang mag-aama. Sumunod ako kay Niezhel na naunang naglakad patungo sa nakahigang coconut tree sa gilid ng dagat.
Umupo ako sa tabi ni Niezhel na may maliit na distansya.
“I'm sorry, Axedria. Nang dahil sa akin ay napalayo kayo kay Lance.”
“No, Niezhel. Alam naman nating lahat na ako ang may kasalanan. Kaya, I'm sorry. H-hindi ko sa'yo sinabi agad na ang lalaking hinahanap mo ay si Lance, na…pinilit kong pakasalan ako para maligtas ako. Naging makasarili ako. Pinili ko na kayong dalawa mismo ang makagawa ng dahilan para makita ninyo ulit ang isa't isa. Sana sinabi ko na lang agad.”
Magaang ngiti ang nakaukit sa labi ni Niezhel.
“Naiintindihan ko, Axedria. Matagal ng nangyari ‘yon kaya kalimutan na lang natin. May gusto rin akong linawin sa'yo. Noong gabing iyon, sinabi ko kay Lance ang nangyari sa akin. And I was already in love with Adri, sinabi ko rin ‘yon sa kaniya. That's the important thing I'm telling you that I have to tell him.”
So…nagkamali ako.
“I told him that I love him…but I love Adri more. He told me that he already has a new wife and it's you. Akala ko okay na ang lahat, not until nawala ka at hindi na nagpakita ka. That's why I'm here…for forgiveness. Patawarin mo ako, Axedria, kung sinabi ko lang sa'yo iyon ng maaga…hindi na sana tayo umabot sa ganito.”
Mali ang nadatnan ko nang gabing iyon. Siguro rin, kaya ako winawasak ng sandaling iyon dahil buntis na ako…mabilis bumangon ang emosyon.
Niyakap ko ang babae.
“Lance really loves you. He really does. Wala siyang halos ibang ginawa kundi ang hanapin ka. Ngayon lang siya nagkabuhay-buhay nang nalaman na niya kung nasaan ka,” aniya.
Tumibok ang puso ko roon, na tila ba sumasang-ayon din sa sinabi ng babae. Pagbitaw ng yakap ay pinunas ko ang pisngi na nabasa ng luha. I breathe the air in.
“And one more thing, Axe.”
Hinarap niya ako nang maayos.
“Ano ‘yon?”
Her face became serious. Gumala iyon sa kabuoan ko. Hinawakan pa niya ang mga kamay ko ay marahang pinisil pisil.
“W-what happened to you? Imposibleng sa katandaan ito kaya ka nangangayat. Axe, you look pale, thin, and…stressed. Sana may maitulong ako…”
Nginitian ko ang babae. “Gagawin ko ang lahat para ibalik sa dati ang pangangatawan ko. Salamat, Niezhel.”
Nasa loob na ng bahay ang mga iniwan namin sa labas kanina. Nadatnan namin silang nasa kusina. Naalala kong hindi pa pala kami nakakapag-almusal! Ang mga anak ko, at nakakahiya sa bisita!
Mukhang may initan pa ang nagaganap nang puntahan namin sila sa kusina.
“Sir, s-sunny side up egg po with butter sa ibabaw ang gusto ni Celine, at si Alexa naman–,”
Natigil si Tanggol nang balingan siya ng amo, matatalim ang tingin.
“Ako ang ama nila. P'wede bang sabihin mo ng maayos sa akin ang gusto nila nang hindi nagyayabang?”
“Ah, sir! Grabe, sir, hindi naman po, eh.” Kakamot kamot ni Tanggol sa ulo. “Sinasabi ko lang naman po, eh.”
“Tss.”
“I think someone is jealous,” mahinang usal ni Niezhel sa tabi ko.
“How about my other baby?” malambing na sinabi ni Lance, sa bunsong anak nakatingin.
“Sir, plain sunny side up lang po riyan kay Alexa. Lagyan mo lang po ng sobrang unting asukal sa kulay yellow,” ani Tanggol.
Muli siyang nakatanggap ng sobrang talim na tingin sa amo, na ikinatikom na ng bibig niya.
“Ikaw ba ang tinatanong ko? Anak ba kita?” asar na tanong ni Lance.
Sunod-sunod na umiling si Tanggol habang tikom na tikom ang bibig. Bahagya pa siyang umatras nang hindi agad lubayan ng matalim na tingin ng amo niya.
Mahinang natawa si Niezhel. Iiling ako at dumiretso na ng lakad palapit sa kanila.
“Mama, we're going to eat breakfast na po. Kaya lang masyadong mabagal magluto ang taga-luto,” ani Alexa at malalim pang bumuntong-hininga, na tila ba dismayang dismaya at sobrang naiinip na.
Si Celine ay wala lang kibo na pinagmamasdan ang kilos ng ama, nakakunot ang noo at nakasalubong na ang kilay. Mukhang pati ang isang ito ay inip na inip na.
“I’I’m sorry. I'll make this quick.”
Agad kang nagkilos si Lance. Halata pa sa galaw niya, na kahit kalmado, ay nag-iisip pa rin kung ano ang mga lulutuin niya.
“Sandali lang, mga anak, ha.”
Binalingan ko si Niezhel at ang anak.
“Pasensya na, ha. Mukhang gutom na rin siya.”
“It's okay.”
Nilapitan ko si Lance. “Ahm, ako na niyan…”
“No, I can do it,” aniya.
Mabibilis ang paghiwa niya sa mga sangkap sa kung anong lulutuin niya. Mabuti ay may natira pa kaming lutuin sa ref.
“Baka kailangan mo ng tulong,” saad ko pa.
Hindi naman siya mukhang nag-s-struggle. Para pa ngang matagal niya ng gawain ang pagluluto.
“Kaya ko na ‘to,” aniya, sa ginagawa nakatutok ang atensiyon. “Umupo ka na roon. Madali na lang ito.”
“Sige…” pagsuko ko.
Tatalikod na ako nang pigilan niya. “Sandali.”
Tumigil ako at nilingon siya. “Ano ‘yon–,”
Naputol iyon sa mabilis niyang ginawad na halik sa tabi ng labi ko. Tumilamsik ang puso ko. Umawang ang labi ko.
“Para mas sumarap ang niluluto,” aniya at binalingan na ang mga ginagawa.
Uminit ang buong mukha ko.
Agad akong bumaling sa lamesa kung nasaan ang mga naghihintay ng almusal. Nakahinga ako ng maluwag nang wala namang mga mata ng bata ang nakatingin sa akin ngayon. Lahat sila ay nakabaling kay Niezhel, nakikinig sa kung anong kinukwento sa kanila.
Nakagat ko ang ibabang labi at binalikan ng tingin si Lance. Sobrang abala na siya sa pagluluto.
“Uy si ma'am. Nakita ko po ‘yon!” si Tanggol, na hindi ko pala napansin kanina.
Nagsibalingan sa akin ang mga bata pati na si Niezhel. Binalot ng kuryosidad ang mukha nila.
“Ano po ‘yung nakita niyo, tatay?” nagtatakang tanong ni Alexa.
Pagbaling ko ulit pabalik kay Lance ay nakasandal na ito sa pader, magka-krus ang braso sa dibdib…sobrang talim ng tingin kay Tanggol.
“A-ah, wala…wala! Sige, ma'am, tingnan ko lang ‘yung tricycle sa labas.”
Agaran ding lumabas si Tanggol sa kusina. Para bang tinakot siya, na kung hindi makakaalis agad ay tatapusin ang buhay niya.
Lumapit na lang ako sa niluluto ni Lance at sinilip ang niluluto. Hindi ko magawang lumapit sa mga bata dahil paniguradong mapapansin nila ang pamumula ng pisngi ko na hanggang ngayon ay ramdam ko ang pag-iinit.
“Go sit with them. Gutom na rin ako, baka kainin na kita rito,” pabulong na sinabi ni Lance sa tabi ko.
Nagtayuan ang balahibo ko sa pagsabi niyang iyon malapit sa tainga ko. Kunti na lang ay yakapin niya ako.
Humakbang ako paatras, hindi na magawang umangat ng tingin sa kaniya. Lumapit ako sa lamesa at umupo na.
Pag-angat ko ng tingin kay Lance ay nasalubong ko ang mata niya. Sinundan niya pala ako ng tingin, habang may ngisi sa labi.
“You are cute with your poop pajamas,” he mouthed.
Muling uminit ang buong mukha ko nang na-realize ang itsura ko. Bumaba ang tingin ko sa ternuhang pantulog na ang naka-print ay cute na mga tae.
Tae.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro