Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24: For sale

Dinala ko ang dalawa sa sala pagkatapos kumain. Hinayaan ko na si Tanggol na lang ang umasikaso sa mga naiwang linisin sa kusina.

“Mga anak, ahm…may importanteng sasabihan si Mama, ah. I want your full attention and understanding,” saad ko sa dalawa.

“Whatever it is, Mama, papakinggan ka po namin,” ani Celine.

Napangiti naman ako at hinaplos sila sa buhok nila.

“Sasama kayong dalawa kay Tatay. Maiiwan si Mama rito para ayusin itong bahay at iyong pinagkakakitaan natin. Susunod din si Mama,” marahang sabi ko.

Nangunot ang noo ng dalawa. Hinanda ko na lang ang sarili sa maaaring komento nila.

“Saan po kami pupunta? Hindi na po ba tayo babalik dito?” sunod-sunod agad na tanong ni Alexa.

“Ahm…gagawin ni Mama ang lahat para kung sakaling gusto ninyong bumisita rito ay may babalikan tayong bahay.”

“Pero bakit po tayo aalis ng matagal, Mama? Paano po ang pag-aaral namin ni Alexa rito? And how about our tricycle?”

“Si Tatay ang bahala sa tricycle,” sabi ko.

“But why, Mama?”

Sabi ko na nga ba at mahihirapan ako. Hayst paano ba ito?

Malalim akong bumuntong-hininga. “I want you to meet my family…”

“You mean…si Lola and our titos and titas?”

Nawala ang kunot noo ng dalawa at nabahiran ng excitement. Tumango ako, kahit hindi ko pa naman talaga sigurado na sila agad ang mapupuntahan nila roon.

Napapaisip ako na hindi talaga gano'n kadali ang lahat kung sa totoong tatay nila ko sila agad dadalhin. Baka masaktan lang sila kung sakaling pag-isipan sila ni Lance na mapagpanggap. Lalo na kung may bago na siyang pamilya.

Ang totoo…hindi na naman talaga ako susunod kapag pumunta sila. Iiwasan ko ang maging pabigat sa kanila kaya ko ginagawa ito. Ayaw kong madamay sila sa paghihirap ko. Mas mapapadali ang kilos at galaw ko kapag nasa mabuting kalagayan sila. Hindi ako mag-iisip nang kung ano-ano kapag nasa maayos na paligid sila.

“Dadalhin kayo ni tatay roon. Sasamahan niya kayo.”

“Pero…bakit po hindi na lang kayo? Bakit hindi ka na lang namin hintayin na tapusin mga aayusin niyo rito para po sabay-sabay tayong umalis?”

“Kasi ahm…matatagalan pa ‘yon.”

“Eh ano naman po? It's okay, Mama. Basta po magkakasama tayong umalis.”

“No, that's not okay,” sabi ko agad. “I mean, hindi niyo kailangang ma-missed ang special events na paparating. Kung hihintayin niyo pa ako, hindi niyo iyon maaabutan.”

“What kind of event is that, po?”

Hayst!

“Napakarami niyong tanong.” Gigil ko kunwaring kinurot ang pisngi nila na pareho nilang ikinabusangon.

Tumayo na ako at dinala ang dalawa sa kwarto nila para maligo na. Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na magtanong tanong dahil sa pagpapadali dali ko sa kilos nila.

“Okay na ba? Kumusta?” ani Tanggol sa sala nang dalhin ko ang maleta ng dalawa.

“Ikaw na ang bahala sa dalawa, ah. Huling favor ko sa'yo, Tanggol…ipakilala mo sila sa daddy ko, sa mga kaibigan ko, at lalo na sa tatay nila. ‘Wag mo silang pag-alalahin. Magiging maayos ako rito.”

“Gagawin ko ‘yan, Ma'am. Basta tuparin niyo ang pangako niyo na susunod kayo.”

Tumango ako.

“Sige na, Tanggol. Ikaw na ang bahala sa kanila,” pagkasabi ko ay tinalikuran na siya.

Bumalik ako sa kwarto para ihanda ang isusuot ng dalawa at asikasuhin sila.

“Ipapasyal kayo agad ng tatay niyo pagdating niyo roon,” saad ko sa dalawa habang inaayos ang buhok nila.

“Si tatay Tanggol po sana,” ani Alexa.

Nagtagpo ang tingin namin ni Celine. Sa mga mata niya ay nakikita kong pareho ang nasa isipan namin.

“Oo naman. Si tatay Tanggol niyo ang papasyal sa inyo,” sabi ko.

Alexa sighed in relief.

“Hindi naman tayo sasaktan ni tatay kaya for sure na hindi niya hahayaan na magtagpo tayo ng tunay nating tatay,” ani Celine.

Ngumiti na lang ako.

Maayos nang nakaayos si Tanggol paglabas namin sa sala. Nasa ibabaw na rin ng lamesa ang bag na dadalhin niya.

“Sige na, mga anak. Mas maganda na makaabot kayo sa papaalis na bangka ngayong hapon, para hindi na kayo maghintay pa sa susunod na byahe,” sabi ko sa kambal.

Lumapit sila kay Tanggol.

“Hindi ka po ba talaga sasabay sa amin, Mama?”

“Susunod si Mama. Si tatay ang bahala sa inyo,” nakangiting sabi ko.

“Promise ‘yan, Mama, ah.”

Tumango lang ako. Nginitian ko sila. Si Celine ay tahimik lang na nakatingin sa akin.

“Bantayan mo si Alexa, Celine, ah. ‘Wag kayong masyadong magkukulit kay tatay Tanggol niyo habang wala ako,” bilin ko.

“Yes, Mama.”

“Tara na. Tama ang Nanay niyo, mas magandang maabutan natin ang papaalis na bangka ngayong hapon,” ani Tanggol.

“Okay po, tatay. Babye, Mama! Hihintayin ka po namin!”

Ginantihan ko ang huling yakap ng kambal sa akin. Pigil na pigil ako sa emosyon ko. Labis ang pagpipigil ko na ‘wag lumuha.

“S-sige na, mga anak. Mag-ingat kayo, ha.”

Sumunod ako sa tatlo nang tumalikod para umalis na. Hanggang pinto ko lang sila hinatid. Habang papalayo sila ay walang tigil sila sa pagkaway na ginagantihan ko naman.

Mahal na mahal kayo ni Mama…

Nasabi ko na lang sa isip. Dahil paniguradong, kapag isinatinig ko iyon ay sunod-sunod na babagsak ang luha ko. Hindi dapat iyon makita ng kambal.

Hanggang sa makalayo ang tricycle na sinakyan nila ay nananatili ako sa pinto, nakataw pa rin sa kanila. Nang lumipas ang ilang minuto ko sa pananatiling nakatayo sa pinto, na halos ikatigas na ng tuhod ko ay saka lang ako umayos. Sinara ko ang pinto at doon na lang napasandal at napahagulhol.

Masaya at simpleng pamilya lang naman ang gusto ko…bakit binigyan pa ako ng sakit? Ano ba ang nagawa kong pagkakamali para gawan ako ng ganito? Gusto ko pang makasama ng matagal ang mga mahal ko sa buhay…

Halos namugto ang mga mata ko sa matagal na pag-iyak. Hanggang dito na lang ba talaga ako? Makikita ko pa kaya ulit ang pamilya ko?

Hindi na ako naghapunan. Pumunta ako ng simbahan kahit walang misa. Kadalasan ay linggo linggo kaming nagsisimba, magkakasama. Pero ngayon ay mag-isa na lang ako.

“Saan pupunta ang mag-aama mo? Mukhang mahaba haba ang bakasyon nila, ah,” sabi ng isa sa mga nakilala kong kapitbahay.

“Bakasyon na nila, e. Kaya ayon po, hinayaan ko muna na ipasyal sila ni Tanggol.”

Nagkasabay kaming dalawa sa pagpauwi dahil galing siya sa palengke, na nasa kabilang kalsada lang ng simbahan.

“Dapat ay sumama ka. Tingnan mo, oh, mukhang stress na stress ka. Dapat ay naga-unwind ka rin, Axedria.”

Napangiti na lang ako.

“Sige, Axedria. Dito na ako. Ingat.”

“Salamat.”

Napabuntong-hininga ako at binilisan na ang lakad. Tanaw ko na ang bahay. Malayo pa man ay dama ko na agad ang lungkot. Nami-miss ko na agad ang kambal. Sigurado naman akong hindi sila pababayaan ni Tanggol. Malaki ang tiwala ko sa kanila.

Tumigil ako nang nasa harap na ng pinto ng nakasaradong bahay. Malalim akong bumuntong-hininga bago sinusian iyon at binuksan. Bumungad sa akin ang madilim na loob. Hinayaan ko iyon. Dumiretso ako sa kwarto ko nang hindi binubuksan ang ilaw.

Bukas na bukas ay maghahanap na ako ng bibili nitong bahay, at ng tricycle. Kailangan ko ng pera sa pagpapagamot ko. Hangga't hindi ako gumagaling…hindi ako magpapakita sa mga anak ko. Masakit man…pero alam kong malalampasan ko rin ito.

“Ka-fiestahan ngayon. Kaya pala hindi ka natuloy ay dahil ipagbibili mo na ang bahay niyo?”

“Opo. Kailangan, e,” sabi ko.

Ang plano ko sana na magbenta ng souvenirs ay hindi ko natuloy dahil sa nangyari.

“Eh kung…subukan mong ialok ‘yan sa mga torista? Gawin nilang…resthouse nila kapag pupunta rito,” suggest ni manong Kadring, ang Lolo ni Maya.

“Iyon din nga po ang balak ko, e.”

Nilingon ko ang bahay. May karatula na akong ginawa roon na ‘for sale’ na ang bahay ko, at sa ibaba ay ang cellphone number ko. Isasama ko na rin ang ibang gamit na hindi ko na masyadong kakailanganin.

Pagkapatos kong mag-almusal ay tinungo ko ang mga resorts. Inuna ko ang mga malalapit.

“Oh, Axedria! Wala ka ngayon, ah. Kumusta ka?” si aling Myrna, ang isa sa mga malalapit kong mahilig din gumawa ng souvenirs.

“May inaasikaso po ako, e.”

“Ah. Nabalitaan ko pala na binebenta mo na bahay niyo, ah. Iyon ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon?”

“Opo.”

“Mukhang malaki ang pangangailangan mo ngayon, ah. Diyan sa mga torista, ialok mo. Sa ganda ba naman nitong isla, imposibleng walang papansin sa iaalok mo.”

Sana nga.

“Sige po, mauna na ako.”

Sinimulan ko ngang ialok ang pinagbibili kong bahay. Hindi na ako gumawa ng fliers dahil baka magkalat lang. Mahirap na, sa dami pa naman ng torists ngayon. Isang copy ng fliers lang ang ginawa ko, na naglalaman ng full details.

“My house was built five years ago. Ilang bagyo na po ang dumaan dito. Sa sobrang tibay ng mga ginamit kong materyales ay nananatili po iyong matatag.”

Napatango tango ang mag-asawa. May dalawa silang anak, babae at lalaki, parehong naglalaro ng buhangin. Tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa kambal ko.

“Thank you, but we'll think about it,” ani ng babae na tinanguan ng asawa niya.

“Here's my email po. You can contact me here once na nakapag-decide na kayo. I'll send you the full details po again.”

Kahit sinabi ko na sa kanila at pinaliwanag. Pero mabuti na iyong isend ko sa kanila kung sakali man.

Hindi ko nagawang puntahan ang lahat ng malalapit na resorts. May iilang interested sa inalok ko, hoping na e-email nila ako. Bahala na, basta hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakahanap ng sure buyer.

Bago ulit pinagpatuloy ang pag-aalok ng bahay ko ay dumaan muna ako sa doctor. Binili ko ang mga gamot na niresita niya, gamit ang ipon ko na pinagkakasya ko. Ang kalahati kasi ay pinadala ko kay Tanggol para sa pangangailangan nila.

“What's your name again, misis?” tanong ng isa kong nilapitan na torista matapos kong idiscuss sa kaniya ng full details ng inaalok ko.

“Axedria Montillano, sir,” sabi ko sa kaniya.

“Okay. Tumigil na po kayo sa paghahanap ng buyer. Umuwi na po kayo at magpahinga.”

Nangunot ang noo ko. Naging wala sa ayos ang ngiti ko dahil sa pagtataka sa sinabi niya. Binalik ko ang matamis kong ngiti.

“Ahm, baka po hindi pa kayo sure. Kaya hindi pa po ako uuwi para ialok sa iba–,”

“No, Misis. I will call you at 7:00 p.m. tonight.”

“Talaga po, sir?”

Sure na ba ito?

Napairap siya. I knew it! Hindi siya lalaki na katulad ng inaakala ko. But he looks professional.

“Kung gusto mo, ibibigay ko ang 50% ng advance payment ngayon na mismo?”

“A-ah, hindi naman po, pero–,”

“Then tomorrow morning is ‘yung 50% ulit.”

Sure na talaga siya!

“Ang usapan po ay sa mismong araw ng pagbili ng bahay ang full payment. So…tomorrow na lang po.”

Napangiti ang…lalaki.

“Okay. Tatawagan na lang po kita mamaya.”

Tumango tango ako. “Salamat po! Enjoy your stay!” sabi ko pa bago umalis.

Kada hakbang ko ay nililngon ko ang lalaki. Mukhang hindi naman siya…akyat bahay, lalong hindi naman siya mukhang masamang tao. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Habang binabaybay ang tabing dagat ay napasulyap ako sa nadaanang cottages. Pinupuno iyon ng bawat grupo. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako nang makita ang pigura ng isang pamilyar na lalaki. Nakatagilid siya, nasa tabi ng punong niyog, may kausap sa cellphone.

Inalis ko na lang ang tingin sa kaniya at tinuon ang tingin sa daan. Nagsimulang maglaban laban ang isipan ko; kung magpapatuloy pa ba ako sa paghahanap ng buyer ng bahay o hindi na.

Pero nasunod pa rin ang sinabi ng sure buyer ng for sale kong bahay. Hindi na ako nagpatuloy pa sa paghahanap ng buyer. Mas nanaig ang instinct ko na totoo ang lalaki sa sinabi niya.

“Ahm, excuse me po.”

Binalingan ako ni tatay na nagtatali ng bangka niya sa kahoy sa tabi ng pantalan.

“Ano ‘yon, ineng?”

Minsan ko ng nakikita ang matandang ito na nakakausap ni Tanggol. Kaya hindi naman siguro malabong kilala niya si Tanggol.

“Matanong lang po. Napansin niyo po ba ang bangkang sinakyan ni Tanggol no'ng nakaraang araw, kasama ang dalawang bata?” magalang na tanong ko.

“Ah…si Tanggol, oo may dalawang bata siya na kasama no'ng nakaraan. Dito nga sila sumakay sa bangka ko. Sino ka ba, ineng?”

“Ah, ako po ang Nanay ng dalawang bata. Itatanong ko lang po sana kung maayos po ba silang nakarating sa kabila?”

“Ay, oo naman, ineng. Umiyak nga ‘yong dalawang bata sa takot sa dagat. Pero maayos ko naman silang naihatid.”

Kinagat ko ang labi upang pigilan ang emosyon. Umiyak ang mga anak ko? Sa takot ba talaga sa dagat?

Nagpasalamat ako sa matanda at pumunta na sa tabi. Hindi agad ako umalis sa tabing dagat. Pinanood ko munang lumubog ang araw habang nakatanaw sa kabila.

“I'm sorry, mga anak, kung hindi ko matutupad ang pangako kong susunod ako. P-pero…magpapagaling si Mama para sa inyo,” saad ko sa hangin.

Pinahid ko ang kumawalang luha at malalim na bumuntong-hininga. Tumayo na ako at pinagpag ang buhangin na dumikit sa balat at suot na purple summer dress.

Umuwi ako at kumain ng maagang hapunan. Inantay ko ang oras ng pagtawag ng lalaki. Dasal ako nang dasal habang naghihintay, na sana ay tumawag talaga ang lalaki.

Napatalon ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nakalimutan kong hinaan ang volume.

“Ayan na!” nasaad ko at agad inabot ang cellphone.

Kinalma ko muna ang kumakabog kong dibdib bago sinagot ang tawag.

“Hello good evening, this is Axedria Montillano.”

“Valdez,” mahina at sobrang lalim na boses ang bumungad.

“Hello, sino po ito?” paniniguro ko.

Baka kasi hindi pa pala siya ang lalaking nakausap ko kanina. Kasi…malayo naman ang boses ng sumagot, sa boses ng nakausap ko kanina. Lalaking lalaki ang boses ng sumagot ngayon.

Narinig ko ang mahinang pagtikhim sa kabilang linya. Papatayin ko na sana ang tawag, kasi baka hindi naman talaga siya ang nakausap kong lalaki kanina na nagsabing tatawag siya, tapos tumawag iyong nakausap ko kanina–hindi ko masasagot kasi ang sasabihin ay may iba akong kausap–ngunit nagsalita agad ang lalaki.

“Hello, Misis?”

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa screen ng cellphone. Kaboses na niya iyong lalaking nakausap ko kanina.

“Hello, sir?”

“Malinaw mo ba akong naririnig, misis–misis Montillano?”

“Yes po, opo!” agad na sagot ko.

“Okay. Just send me your address so we can check your house tomorrow morning.”

“Po? S-sige po. Isesend ko,” sabi ko.

Nabibigla ako. Parang sure na sure na talaga sila kasi hindi na sila ulit nagtanong about sa detalyeng sinabi ko kanina, ‘yung para malinawan sila. Pero bakit pa ba ako magrereklamo?

Pagkapatay ng tawag ay kaagaran kong sinend ang address ng bahay. Sinend ko na rin ang full details, just in case.

Tumayo na rin ako pagkatapos at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Time to take my medicine. Bumalik ako sa sala pagkainom para kunin ang laptop na ginamit ko. Papunta na ako sa kwarto ko nang mapatigil ako. Napabaling ako sa nakasaradong pinto ng kwarto ng mga anak ko.

Kumislot ang sakit sa dibdib ko. Miss na miss ko na sila. Sobrang laki ng espasyo ng bahay ngayong hindi ko sila kasama. Ang lungkot…ramdam na ramdam ko ang pag-iisa.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at sinilip ang loob. Malinis naman at walang kahit anong kalat. Bukas na bukas ay kukunin ko ang mga gamit nila, at ibebenta ang mga hindi na namin kakailanganin. Sinara ko ulit ang pinto. Napasulyap naman ako sa pinto ng kwarto ni Tanggol. Ni isang beses ay hindi ko pa napapasok ang kwarto niya.

Natagpuan ko ang sarili na nasa tapat na ng pinto ng kwarto ni Tanggol. Gusto ko lang silipin, baka sakaling may kalat, bilang pambawi ay lilinisin ko na rin ang kwarto niya.

“Hindi ba niya inaayos ang kama niya pagkagising?” mahinang saad ko nang mabungaran ang comforter ng kama niya, gusot-gusot. Ang kumot ay hindi nakaayos.

Pinatong ko muna ang laptop ko sa lamesa sa tabi ng bintana ng kwarto.

“Pasensya na kung gagalawin ko ‘tong kama mo, ah,” usal ko.

Sinimulan kong alisin isa-isa ang unan. Sa huling inalis na unan ay may nalaglag na papel sa paanan ko. Isang dyaryo. Dyaryo? Kaya pala palaging updated si Tanggol sa mga nangyayari sa bansa.

Itatabi ko na sana ang dyaryo ngunit nahagip ng mata ko ang malalaking letra na bumubuo ng pangalan.

Tila hinigop nang sahig ang dugo ko sa katawan nang mabasa ang pangalan at nakasulat sa ibaba ng larawan. Luma man ang dyaryo ay makikilala pa rin ang nasa larawan.

Lance Reniel Valdez, 30 years old who had an accident last Saturday night, today May 14, 2019, he passed away.

Hindi ko namalayan ang pag-alpasan ng luha ko. 2024 na ngayon. Ilang taon na.

Parang sunod-sunod na nakatanggap ng malalaking suntok ang puso ko. Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo na lang ako sa tabi ng kama.

“H-hindi…kailangan siya ng mga a-anak namin…” pigil na hagulhol kong usal.

Sobrang sikip ng dibdib. Paano ito nangyari? Bakit… bakit siya pa?

“B-bakit…” tinakpan ko ang bibig upang pigilan ang sunod-sunod na pagkawala ng hikbi ko.

Kailan pa ito alam no Tanggol? Bakit hindi niya sinabi?

Lumabas ako sa kwartong iyon nang hinang hina ang tuhod. Nagawa ko ng kumuha ng lakas sa pader para alalayan ang sarili na makarating sa sariling kwarto.

Akala ko ay wala na siya sa sistema ko? Bakit…sobra pa akong nasasaktan ngayon? Bakit parang tinalo ko pa ang totoo niyang asawa sa paghihinagpis ko? Bakit? Nasasaktan ba ako ng ganito para sa mga mararamdaman ng anak ko kapag nalaman nila? Dahil ba talaga sa mararamdaman ng mga anak ko…o talagang nagdurugo ang puso ko ngayon?

Hindi ako pinatulog nang maayos ng balitang iyon. Hindi matanggap ng sistema ko. Parang ang unfair.

Nagising ang diwa ko at sa pagdilat ko ay bumungad na ang sikat ang liwanag. Pinapasok na ng sikat ng araw ang kwarto ko. Dumapo ang tingin ko sa orasan at mabilis na napabalingkwas nang makitang alas otso y media na.

Sabi nga pala ng magbibili ng bahay ay umaga sila pupunta rito! Lagot, lagot, lagot!

Dali-dali akong lumabas ng kwarto habang sinusuklay ang buhok. Kinapa ko rin ang mukha ko, baka may natuyo akong laway sa pisngi ay morning glory. Binuksan ko agad ang pinto. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang wala namang bumungad na ibang tao. Pero may papadating na tricycle kaya lumabas ako. Baka ang bibili na ‘yon.

Hinanda ko ang sarili ko. Sasalubongin ko na sana ng ngiti ang nakasakay sa tricycle, ngunit agad napawi iyon nang si Tanggol ang lumabas doon, sumunod ang kambal.

“M-mama…”

“Mommy…” ang umiiyak na tawag sa akin ng kambal.

Parang sinasaksak ang puso ko sa itsura nila ngayon. Anong nangyari? Bakit narito sila?

Hindi ako nakatiis ay tinakbo ko sila. Lumuhod ako sa harap nila at niyakap silang dalawa, hindi napigilang maiyak na rin.

“Diyos ko…” ang nasabi ko na lang.

Bumitaw ako at pinahid ang mga luha sa mata nila. May isang sasakyan na dumigil ‘di kalayuan, pero mas nakatuon ang atensiyon ko sa mga anak kaya hindi ko iyon nabalingan.

“Anong nangyari?”

Hindi sila makasagot dahil sa pag-iyak.

“Sandali, kakausapin ko lang tatay niyo ah.”

Tumayo ako at hinarap si Tanggol. Nakayuko ito at bahid ang pagkabigo.

“Anong nangyari? Kumusta?” marahang tanong ko.

“Pasensya na, ma'am. Wala po kasi kaming naabutan. Nagmamakaawa na ang dalawa na umuwi kaya…”

Nangunang ang noo ko. “Paanong walang naabutan, Tanggol? Anong ibig mong sabihin?”

Hirap na hirap na agad akong magsalita, hindi pa man siya sumagot.

“S-si Lance lang ang nawala, Tanggol.”

Mabilis siyang napaangat ng tingin sa akin matapos kong sabihin iyon.

“Pasensya na kung ginalaw ko ang mga gamit mo kagabi. Alam ko na ang nangyari, years ago. Tinago mo sa akin, pero hindi mo iyon kasalanan. Ngayon, Tanggol…naguguluhan ako, sabihin mo sa akin kung bakit wala kayong naabutan doon? Ang mga kaibigan? Si Daddy?”

“Ang mga kaibigan mo, Ma'am, pumunta na raw ibang bansa. Wala akong makuha na contact nila.”

“How about si D-daddy?”

“M-ma’am…five years ago, nagkasakit ng lukemya ang Daddy niyo, a-at hindi na rin po tumagal.”

Tuluyang gumuho ang lakas kong pilit pinatatatag. Durog na durog na ang puso ko.

“M-mama…can I and Alexa ask something?”

Nilunok ko ang bumara sa lalamunan ko at nilingon ang kambal. Pareho na silang nakahawak sa laylayan ng suot kong damit.

“A-ano ‘yon, mga anak?”

Sa kabila ng panghihina ng tuhod, nanatili akong nakatayo.

“S-sino po ang totoong tatay namin? P'wede po ba naming malaman kahit ang pangalan niya?” ani Alexa.

“Tatay Tanggol, told us about your condition. G-gusto po namin kayong tulungan…kahit ang paghahanap sa kaniya,” si Celine, na hindi makatingin ng diretso sa mata ko.

Nagbagsakan ang mga luha ko at hindi na nakayanan, napaluhod ako.

“I hate him…but we need him.”

Niyakap ko ng mahigpit ang dalawa. Sa kanila na lang ako kumukuha ng lakas ngayon.

“L-lance…Valdez. Lance Valdez ang pangalan ng tatay niyo. P-patawarin niyo ako, mga anak…nahuli si Mama.”

“W-what do you mean po? Mama, hindi pa po huli ang lahat.”

Lalo akong nakaramdam ng pagsisisi sa sinabing iyon ni Celine.

“Patawarin niyo ako. M-matagal ng patay ang Daddy niyo…”

Napasubsob ako sa balikat ng dalawa sa sobrang sakit.

“I'm alive,” sabi ng may malalim na boses.

Natigilan ako at dahan-dahang inangat ang tingin sa pinagmulan ng pamilyar na boses. Umawang ang labi ko.

“I am very much alive…”

Panibagong mainit na luha ang kumawala sa mata ko. Muli kong naramdaman ang pagkabuhay ng nanghihina ko ng puso. Ngunit nang mapatingin ako sa mga kasama niya…tila naman nalaglag ang puso ko.

He was standing in front of me, sa likuran niya ay si Niezhel at isang…batang lalaki, na hindi nalalayo sa edad ng kambal ko.

Natuod ako sa pwesto ko. M-may…ibang pamilya na siya.

Mas lalong nadurog ang puso ko sa nakikita. They look like a happy family.

“And I'm here to buy your house, for my family.”

***********************
Salamat po sa pananatili at walang sawa na paghihintay!

Bili na po kayo ng hiding from fuertez book hehe, p'wede po installment:))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro