Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19: Bestman

Nagdilat ako nang maramdaman na bumangon siya. Nanatili akong nakahiga habang siya ay nakaupo, nakatuon ang isang kamay sa tabi ko.

"Stop crying…" marahang sabi niya.

Ginamit niya ang kumot pamunas sa luha ko.

"H-hindi ka ba magagalit sa akin?"

"That's hard."

Hindi siya nababakasan ng galit para sa akin ngunit ang pagiging marahan niya ay tila pinahihiwatig na nasasaktan siya.

"P-pero tinago ko sa'yo ang totoo–"

"Hindi mo tinago, okay? Ikaw na rin ang nagsabi sa akin…kaya hindi mo tinago. You just wait the right time to tell it to me. Hinanda mo lang ang sarili mo," aniya.

"Pero–"

"I'll make dinner. Dito ka na lang."

Pagkasabi niya niyon ay bumaba siya ng kama at pinulot ang t-shirt niya sa sahig. Lumabas siya habang sinusuot iyon.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, halo halo. Gumaan ang dibdib ko nang sabihin ko na sa kaniya ang tinagong nalaman, pero parang mabigat pa rin sa dibdib dahil alam kong dadating ang araw na magkikita silang dalawa…at baka pa bumalik ang nararamdaman ni Lance kay Niezhel.

Pero katulad nga ng sabi ko…ako mismo ang lalayo sa kanilang dalawa kapag pinaramdam nila sa akin na wala na akong kwenta sa buhay nila.

Kung matagpuan na nila ang isa't isa at bumalik ang nararamdaman nila sa isa't isa…kakayanin kong magpaubaya.

Bumalik si Lance na may dala-dala ng tray, laman ang mga niluto niya. Habang papalapit siya ay hindi ko siya nilulubayan ng tingin. Dama ko…na may mali. Hindi niya ako matingnan. Parang bumalik siya sa dating Lance na kilala ko…malamig.

"Let's eat."

Bumaba ako sa kama para sumunod na sa kaniya sa sofa. Umupo na ako nang umupo siya. Napatingin pa ako sa maliit na space sa pagitan namin, mukhang wala lang naman iyon sa kaniya. Itinago ko ang kirot na naramdaman at tahimik na lang din na kumuha ng pagkain.

"About hiring Heroace as your driver," maya-maya na wika niya.

Napatingin ako sa kaniya.

"I hired him because I'd be gone for weeks," natigil ako sa pagkain. "Kung may gusto kang puntahan, tawagan mo lang siya. Your safe with him while I'm away."

"M-masyado ka bang magiging abala sa business mo?" tanong ko.

Hindi niya pa rin ako tinitingnan, na labis ikinakirot ng puso ko.

"It's not about the business. It's about the organization…"

Tuluyan na akong natigilan. Hindi na rin siya umimik at tinapos na ang pagkain niya.

"Leave it here if you're done. Ako na ang magdadala sa baba. I'll just take a shower."

Naiwan sa hangin ang sasabihin ko nang tumayo na siya at dirediretsong pumasok sa bathroom. Naiwan akong nakatunganga sa pagkain. Nawalan ako ng gana kaya hindi ko na naubos ang kinakain.

Ilang araw naging gano'n si Lance, parang lumalayo na siya sa akin ng paunti unti. Hinahanda ko na ang sarili sa mga mangyayari ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit.

Kagabi niya ako sinabihan na ngayong araw siya aalis at ilang linggong mawawala. Kaya nagipon talaga ako ng lakas ng loob na kausapin siya. Ayaw kong umalis siya na ganitong sobrang bigat ng dibdib ko.

Pinihit ko ang seradura ng pinto at tinulak iyon. Pumasok ako. Nakatalikod si Lance sa pinto, nakatayo habang nakaharap sa laptop niyang nasa ibabaw ng lamesa.

"Ahm…tapos ko ng ihanda 'yong mga kakailanganin mong gamit sa maletang dadalhin mo."

Parang tapos na siya sa ginagawa sa laptop niya dahil sinara niya na 'yon at hinarap ako. Naglakad siya nang nasa relo ang tingin. Bihis na bihis na rin siya ngayon.

Inaasahan ko na titigil siya kapag nasa harap ko na, ngunit gano'n na lang ang pagkabiyak ng puso ko nang lampasan niya ako. Mabilis ko siyang hinarap ngunit nakalabas na siya kaya sumunod agad akong lumabas.

"Ano, Lance? Ganito na ba talaga ang gusto mo?" Tumigil siya. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa'kin na umalis na lang ako sa bahay na 'to dahil buhay naman ang totoo mong asawa?"

Nilunok ko ang bumara saa lalamunan at huminga nang malalim dahil sa paninikip ng dibdib.

Humarap siya sa akin. Hindi siya nagsalita kaya lalong nanikip ang dibdib ko.

"Gano'n ba ang naparamdam ko sa'yo nitong mga nakaraang araw?" kalmadong sabi niya.

"Sabihin mo na lang sa'kin na galit ka sa'kin dahil sa ginawa ko. Kaya ko siyang iharap sa'yo kung gugustuhin mo, Lance. Kesa 'yong ganito. Ano, hahayaan mo ako, hindi mo na ako papansinin?"

Nangunot ang noo niya. Humakbang siya palapit sa akin. "Kaya ko siyang kitain kahit hindi mo siya iharap sa'kin. Pero ayoko. And I can't see her without your permission. You are my wife now. Malaman ko lang na nasa maayos na siya ngayon, wala na akong kailangan sa kaniya. Kung siya ang may kailangan sa'kin, hihintayin ko siya rito. Pero hindi ibig sabihin niyon ay magbabalikan na kami. Hindi ibig sabihin niyon ay iiwan na kita."

Napayuko ako. Sinsero naman siya, pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin niyon napaaalis ang pagkabagabag ko. Siguro saka lang ako makakahinga ng maayos kung magkikita na sila at aaminin na wala na talaga silang nararamdaman sa isa't isa. Hindi ako nakakampante.

Dumampi ang labi niya sa toktok ng ulo ko habang ang kamay ay dumaosdos mula sa panga pababa sa baba. Inangat niya ang mukha ko.

"I'm sorry if I make you feel that way. Promise, hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa'yo. Hindi kita pinababayaan, iniisip ko lang ang maaaring mga mangyayari sa'yo rito habang wala ako."

"I'm sorry rin…a-akala ko hindi mo na ako mahal..." Namasa ang mata ko.

"I will always love you."

Napapikit ako nang dampian niya ako ng halik sa mata.

"Iniwan ko ang card sa table sa kwarto. Bilhin mo lahat ng mga gusto mong bilhin. Puntahan mo mga gusto mong puntahan. Kung gusto mo muna roon sa daddy mo then go, just don't f*cking try to run away again."

Natawa ako ng bigla siyang mabahiran ng inis sa pagmumura niyang iyon.

Tuluyan na ngang gumaan ang pakiramdam ko. Nakampante ako. Sumama ako pahatid sa kaniya sa gate.

"Mag-iingat ka sa mga pupuntahan at gagawin mo, Lance. Hihintayin kita."

Gumuhit ang makalaglag panty niyang ngiti. Malaki ang hakbang na ginawa niya pabalik sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Pinaka-priceless na pabaon…"

Napangiti ako at mas niyakap din siya. "Bumalik ka ng walang sugat. Dapat kung ano ka ngayon ay ay gano'n ka rin sa pagbalik mo."

"I will take care myself now for you."

Tinapik tapik ko na ang balikat niya. "Sige na, baka ma-late ka."

Mahina siyang natawa. "No contact in two more weeks, okay lang sa'yo?"

Napanguso ako pero napatango rin. Napasimangot siya.

"That's hard…"

"May magagawa ka ba?"

"Tss. Basta pagbalik ko dapat nandito ka."

Natawa ako. "Bakit naman ako mawawala?"

"And I promise you, dito ako uuwi…sa'yo lang."

"Dapat lang!" Mahina siyang natawa. "Sige na. 'Wag mong kakalimutan na sabihan si Tanggol, ah. 8:00 a.m.," paalala ko pa.

Habang bumababa kasi kami kanina ay napagdesisyunan kong lumabas bukas, kaya sinabi ko na rin agad. Hiningi ko ang number ni Tanggol ngunit ayaw niyang ibigay, siya na raw ang tatawag.

"I will. Bye. I will miss you. Mag-iingat dito."

"Bye!"

Kumaway ako nang umandar na ang sasakyan paalis. Pinanood ko iyon hanggang sa hindi ko na halos matanaw, saka lang pumasok sa loob.

Biglang naramdaman ko ang emptiness sa malaking bahay na ito. Nami-miss ko agad si Lance.

Nilista ko sa papel ang mga bibilhin bukas. Dinagdag ko na rin ang mga paso. Aayusin ko ang garden at mas pagagandahin, para may magawa naman ako rito sa bahay.

"English dictionary at…"

Nag-isip isip ako kung meron pa ba akong hindi nalilista. Tapos na ako sa books, priorities ko ay 'yong mga motivational books at makakatulong sa mental health ko.

"Ahm brief niya!"

Naalala ko na kunti na nga lang pala ang natira niyang brief sa closet niya dahil sa pagpirapiraso ko no'ng nakaraan.

Napahagikhik ako nang maalala 'yong mga panty ko sa maleta niya. Imbes kasi na iyong mga brief niya ang ilagay ko ay iyong mga panty ko na lang.

"Pupunta pa kaya ako ng France?" isip-isip ko.

Kinuha ko ang cellphone at sinearch kung paano makapunta sa France. Nanlaki ang mata ko. Hindi pala 'yon gano'n kadali! Lulubog kami ni Tanggol pati ang sasakyan ni Lance kapag pumunta pa kami sa France.

Hmm…tutal hindi namin kakayaning bumili ng brief ni Lance sa France…maraming panty na lang ang bibilhin ko. Hati na lang kami!

"Panty." Para sa amin ni Lance!

Maaga akong gumising kinaumagahan. Nagbihis agad ako. Saktong alas otso ay dumating na rin si Tanggol.

"Good morning, ma'am. May cake pa kayo?" salubong niya pagpasok.

"Ubos na. Bumili na lang tayo," sabi ko.

"Talaga, ma'am? Hindi ba ibabawas ni boss sa sweldo ko?"

"Hindi! Ako ang maglilibre sa'yo."

"P'wede ba, ma'am, na ilibre mo na rin ako ng ganito kalaking bahay para sa amin ng crush ko?"

"Abuso ka!"

"Hindi naman, ma'am. Tara na po, baka maubusan tayo ng cake."

Natatawa akong sumunod sa kaniya. Umalis kami ng mansion sa oras na iyon. Medyo mahaba haba ang byahe. Kumain muna kami ni Tanggol bago nagsimula sa pamimili.

"Ma'am, bili niyo 'ko nito." Pinakita niya sa 'kin ang coloring book.

Pagkapasok namin ng bookstore ay iyon agad ang hinawakan niya.

"Hindi ka na naman na bata, Tanggol," natatawang sabi ko. "Ayaw mo nitong english-tagalog dictionary? Baka kakailanganin din ito ng crush mo."

Umiling siya. "Baby pa ako, ma'am…baby ng crush ko. Hindi na niya kailangan niyan, ma'am. Magaling na 'yon mag-ingles, naririnig ko."

"Hay naku, Tanggol. Baka naman kapag may masasamang tao ang lumapit sa crush mo ay hindi mo maipagtanggol?"

"Hala hindi, ma'am! Kaya nga Tanggol ang palayaw ko e. Dudurugin ko sila."

Natatawa na lang ako na naiiling iling. Nilibre ko na lang siya ng coloring book na sinasabi niya.

"Salamat, ma'am! Ang bait niyo talaga, kabaliktaran ni sir," aniya pagkalabas namin ng bookstore. "Ayos…may birthday gift na ako sa kapatid ko."

Tumigil ako sa paglalakad matapos marinig ang huling sinabing iyon ni Tanggol. Hinarap ko siya, malaki ang ngiti nito.

"Bakit, ma'am? May nakalimutan pa ba kayong bilhin?"

"Anong sabi mo? Birthday gift? Birthday ng kapatid mo? Kelan?" sunod-sunod na tanong ko.

Ang sarap sigurong magkaroon ng kapatid. Kahit siguro ako matutulad kay Tanggol ngayon kapag may mabibigay na akong regalo sa kapatid.

Napakamot siya sa ulo. "Oo, ma'am. Ngayon ang birthday niya. Kaya pagkahatid ko sa inyo pauwi ay didiretso ako ng hospital," aniya.

"Hospital?" Hindi man niya sagutin ay alam ko na agad kung bakit.

"Nagpapagaling po siya sa stage 2 niyang cancer."

Parang may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko. Nahagip ng mata ko ang isang store na may stuff toys. Miniso. Sumunod si Tanggol nang lakarin ko iyon.

"May kapatid din kayo, ma'am?" tanong ni Tanggol.

"Kung may gusto kang ibigay sa kapatid mo na ganiyan, alin ang ibibigay mo?"

"Po?" Naguguluhan man ay tinuro niya ang kulay puting tupa na may hawak na tulip. "Favorite animal 'yan ng katapatid ko, ma'am, kahit narito naman ako."

Tumawa pa siya. Kinuha ko iyon at binayaran agad.

"Birthday gift mo na rin ito sa kapatid mo, Tanggol," nakangiting sabi ko nang iabot sa kaniya ang paper bag.

"Po? Seryoso ba kayo?"

Nakangiti akong tumango.

"Hala si ma'am! Faithful po ako sa crush ko!" Lalo akong natawa. "Pero salamat dito, ma'am. Hindi sana ito ibawas ni boss sa sweldo ko."

Sunod naming pinuntahan ay ang bilihan ng huling nasa listahan ko.

"Good morning ma'am and sir!"

"Good morning po."

Kumuha agad ako ng ilang set na underwears. Gusto ko na rin na matapos ang pamimili ko para mapuntahan naagaf ni Tanggol ang kapatid niya sa hospital.

Nakita ko ang pagkabigla ng mga babaeng nasa counter, nagpasimple pa silang nagtinginan.

"Grabe, ma'am. Kayo ang first customer namin today. Dahil po sa dami ng pinamili niyo ay may 50% discount kayo," sabi ng isa.

Napangiti na lang ako kahit wala akong alam sa discount-discount nila na 'yan.

"Maraming salamat, Ma'am and sir!"

Kinuha ni Tanggol ang inabot na paper bags. Binalik naman ng isang babae ang card ni Lance.

"Grabe ilang set na undies iyong binili nila."

"Baka kasi pinupunit ni sir kapag nagroromansa sila."

"Sino? 'Yong kasama niyang cute na lalaki? Pero parang mukha lang silang magkapatid."

"Ewan, 'di natin knows."

Dinig ko pang mahihinang bulongan nila habang palabas kami ni Tanggol sa shop na iyon.

Mas malapit ang bahay namin kaysa sa mansion. Para makauwi agad si Tanggol sa kapatid niya ay kay Daddy ako nagpahatid. Habang nasa byahe ay nag-text ako kay Niezhel na pupunta ako kila Daddy at kung free siya ay roon kami magkita.

"Bukas ng umaga mo ako balikan dito, Tanggol," sabi ko nang ihatid niya ang mga pinamili namin sa loob ng bahay.

"Sige, ma'am. Maraming salamat po ulit." Yumuko siya sa aming dalawa ni Daddy bago na tuluyang umalis.

Mahigpit akong niyakap ni Daddy nang maiwan kaming dalawa. Habang ang mga pinamili ko ay dinadala ng kasambahay sa kwarto ko.

"Napanatag ako nang malamang nasa maayos ka. Masaya ako dahil malakas ulit kita."

"'Wag kayong mag-alala, Dy. Nasa maayos na akong kalagayan. Hindi na ako sasaktan ni Lance."

Napalingon kami ni Daddy sa kotseng bumusina na kararating lang. Akala namin ay bumalik si Tanggol pero nang bumaba ang sakay niyon ay malaking ngiti agad ang gumuhit sa mga labi namin.

"Axedria!"

"Niezhel! Adri!"

Sinalubong ko ang dalawa. "It's good to see you here again, Axedria."

"Ako rin, Adri. Tara sa loob. Ang taas na ng araw." Pare-pareho kaming natawa at pumasok na ng bahay kung saan naghihintay si Daddy.

Pansin ko ang kakaiba sa mga kilos ngayon ni Daddy. Pero parang ako lang naman ang nakakahalata. Kaya nang pinauna ko si Adri at Niezhel sa pang-upo sa sofa ay mahina kong tinanong si Daddy kung ayos lang.

"Okay lang ba kayo, Dy?"

Nilingon niya ako. "Oo naman, anak. Medyo naiinitan lang ako sa panahon," aniya.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Napabaling ako sa dalawang bisita nang magsalita si Adri.

"Tuloy ang celebration, Tito. 'Wag kayong mawawala ni Axedria, ah. Debut ko 'yon," ani Adri na ikinatawa namin.

Kami ang hindi nagkakalayo ng edad na dalawa. Habang si Keiven ay 29 na.

"I'll send the full details through email na lang, Tito, once maayos ang preparations."

Tumango tango kami ni Daddy.

Dito na rin namin pinananghalian ang dalawa. Habang nasa hapag ay tungkol pa rin sa kaarawan ni Adri ang pinag-uusapan. Habang nag-uusap ang dalawang lalaki tungkol sa mga kilala nilang businesswoman ay may sarili naman kaming pinag-uusapan ni Niezhel.

"Hanggang kailan ka rito? Masasamahan mo pa ba ako sa pagpili ng bibilhing regalo para sa kaniya?" Binulong pa ni Niezhel ang huling sinabi.

"Oo naman!" sabi ko.

Bukas din ang plano kong uwi sana sa mansion, pero mukhang babalik ako rito sa bahay para balikan ang mga pinamili kanina, bago umuwi.

"Okay lang ba kung bukas na umaga?" tanong ko.

Nakangiting tumango si Niezhel. "Sige, tutal wala akong gagawin bukas maghapon."

Napatango tango rin ako. Pareho kaming napabaling sa dalawang lalaki nang sitahin kami.

"Anong pinag-uusapan ninyong dalawa? Mind to share it with us?" natatawang ani Daddy.

"Secret po!" sabay pa naming sinabi ni Niezhel kaya natawa kami.

Ako na lang ang naghatid sa dalawa sa labas nang mag-aya na silang umuwi. Medyo napahaba pa ang pananatili nila rito. Si Daddy ay may importanteng meeting na ina-attend-an kaya umakyat na rin siya.

"Mag-iingat kayo, ah."

"I will text you na lang, Axedria!"

"Bye, Axedria. See you again."

Tinanguan ko ang dalawa. Pinanood ko ang pagsakay nila at hinintay na makaalis. Kumaway ako sa kanila, saka iyon humarorot paalis.

Pagbalik ko sa loob ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Kailangan ko pang ayusin ang mga pinamili ko para bukas ay maayos ko ng iuuwi. Nadaanan ko ang library room ni Daddy, may ka-meeting pa rin siya.

Habang chinecheck ang mga pinamili ay hindi ko naiiwasang alalahanin si Lance. Kumusta kaya siya ngayon? Nakakakain ba siya ng maayos?

May kasama kaya silang babae?

Babae?!

Parang nag-init ang ulo ko sa isiping may nakapaligid sa kaniya na babae! Tsk!

Tumunog ang cellphone ko kaya nalipat doon ang atensiyon ko. Nag-text si Niezhel. Kinuha ko agad ang cellphone at binuksan ang mensahe.

Niezhel:
Excited na ako para bukas. May mga bagong detalye akong nakuha. I can't wait to share it to you. See you tomorrow!

Napangiti ako at nagtipa ng irereply.

Ako:
Hindi na ako makapaghintay na malaman ang bagong detalye na nakuha mo. See you :))

Sa gabing 'yon ay nag-isip kami ni Daddy sa maaari naming ibigay bilang present kay Adri. Sinabi pa niya na hindi mawawala ang magulang ni Adri kaya pinaghanda ako ni Daddy.

"Hindi pa namin naaayos ang napag-usapan noon. Pero pangako, anak, ipaglalaban ko sa kanila ang kagustuhan mo. Hindi kita pipilitin na pakasalan si Keivin. Hindi na kita ipagdadamot kay Valdez kahit medyo hindi pa rin ako napapanatag na nasa kaniya ka."

Napangiti ako sa sinabing iyon ni Daddy.

"Basta, nandito lang ako kapag sinaktan ka ng Valdez na 'yon. Ako mismo ang maglalayo sa'yo mula sa kaniya kapag nangyari iyon."

"Salamat sa pagmamahal mo sa akin, Dy. 'Wag kayong mag-alala, hindi ako sasaktan ni Lance."

"Mabuti naman kung gano'n." Malalim pa siyang nagbuntong-hininga.

Sakto ang pagdating ni Tanggol kinaumagahan. Katatapos ko lang din maghanda. Si Daddy ay naunang umalis ng bahay para sa trabaho. Sinend na rin ni Niezhel ang pagkikitaan namin kaya umalis din kami ni Tanggol.

"Magandang umaga, ma'am!"

"Good morning, Tanggol." Pinaandar niya agad ang sasakyan.

Mabilis lang ang byahe, dahil na rin sa maluwag na daan. Dumating kami ni Tanggol sa isang coffee shop kung saan naghihintay na si Niezhel.

"Mamaya dumaan muna tayo sa bahay nila Daddy bago mo 'ko ihatid sa bahay ng boss mo, ah," sabi ko kay Tanggol.

"Opo."

Bumaba na ako at pumasok na sa coffee shop. Namataan ko agad si Niezhel sa dulo, nag-iisa sa isang table na nasa kanto.

Malawak ang ngiti ng babae habang pinanood akong umupo.

"Pasensya na, Axedria, ah. Medyo…takot kasi akong pumasok sa mga malls. May mga shop naman na malapit dito na magaganda ang quality kaya may mabibilhan tayo mamaya."

"Naku, okay lang. Gusto ko rin naman dito." Ginala ko ang paningin. "Hindi masyadong matao. 'Tsaka tingin ko rin ay makakapag-usap tayo rito ng maayos," sabi ko.

Napangiti naman siya. "Um-order na rin ako. Kumain muna tayo bago maglibot libot."

Tumango ako. Ang gaan ng pakiramdam ko kay Niezhel. Medyo hindi lang ako komportable dahil alam kong may nililihim ako sa kaniya.

"So ano? Baka sa bagong detalye na 'yan ay matulungan na talaga kita," sabi ko.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang inaantay ko siyang magsalita.

"Ahm, Axedria…maraming puno. Para siyang gubat pero walang mababangis na hayop," panimula niya.

Sa sinabi niya pa lang na 'yon alam ko na agad kung saan ang lugar na 'yon.

"Iyon ang bago kong nakita…at may isa pa. Tingin ko ay hindi magtatagal malalaman ko na kung sino siya."

Napalunok ako. "A-ano 'yong isa mo pang nakita?"

"'Yong bestman niya noong kinasal kami…ay ang pinsan niyang lalaki, Ken ang pangalan. Pinsan niya ang asawa ko, Axedria."

Si Ken…ay may alam sa unang asawa ni Lance?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro