Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1: Pinsan

Unti-unti ay inangat ko ang ulo upang tingnan ang pinanggagalingan ng malamig na boses. Sa pagtama ng mga mata ko sa hazel brown na mga mata ay may kakaiba akong naramdaman. Ang tibok ng puso ko na kaninang mabilis dahil sa pagtago ko.... ngayon ay mas bumilis.... tila kilala nito ang nasa harapan ko ngayon.

Sa pagtakbo ko palayo sa panganib... ngayon ay tila nasa ligtas na ako.

Nahagip ng mata ko ang mga lalaking patuloy pa rin sa paghahanap. Nang sulyapan ang mga ito ay sinisimulan na nilang katukin ang bintana ng bawat sasakyan.

Patay na...

Mabilis akong umayos sa pagkakaupo, halos gumapang na palapit sa lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng backseat. Hindi rin nito inaalis ang malalamig na tingin sa akin. Wala akong mabasang emosyon.

Nakaluhod na ako ngayon sa harapan ng lalaki. Kung wala lang ako sa sitwasyong tinatakbuhan ko ngayon, baka... baka isa-isa kong napuri ang kagandahang lalaki nito. Ngunit wala ako sa panahon.

Pinanginginitan man ng pisngi ay hindi ko inalis ang tingin sa lalaki.

"K-kuya," nauutal kong nasambit dahil sa titig nito.

Tumaas ang isang kilay ng lalaki sa akin.

"P-puwede ba..." Para akong nauubusan ng hininga. Muli kong sinulyapan ang mga lalaking naghahabol sa akin, ilang kotse na lang ang kakatukin nila ay makikita na nila ako.

Kailangan kong makaalis kami rito agad.

Muli kong hinarap ang lalaki at mas lalo pang nilapit ang sarili.

"K-kuya... puwede bang... pakasalan mo ako?"

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Iba-iba na ang nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan.

"What?" Nagsalubong ang kilay ng lalaki.

Lalo akong nagsumiksik. Kailangang hindi niya ako paalisin. Kailangang mapakasalan niya ako.

"P-pakasalan mo ako, Kuya... please? Gagawin ko ang lahat bilang kabayaran. Ayaw ko pong ipakasal ako ng Mama ko sa matandang lalaking tanging yaman lang ang habol nila..." Umiling-iling ako.

Malamig lang na nakatingin sa akin ang lalaki. Kinakabahan na ako nang sobra!

"Kuya, please...."

"Hindi mo ba pagsisisihan ang kahilingan mong 'yan?"

Nakaramdam ako ng labis na kaba. Pero wala na akong magagawa.

Sa pag-iling ko ay siya ring biglang paghila sa akin ng lalaki. Halos malaglag ang puso ko sa pagkakabigla. Agad akong inupo ng lalaki sa hita niya, ang kaliwang braso ay mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. Hindi ako agad nakagalaw. Gulat sa mabilis na pangyayari.

Napatingin ako sa isang kamay ng lalaki nang may kung anong dinukot iyon sa bulsa ng kulay itim niyang kasuotan pambaba. Lumantad sa mata ko ang isang baril na kulay silver. Umawang ang labi ko.

Nanigas ako nang mabilis iyong itutok ng lalaki sa leeg ko. Nahigit ko ang hininga, hindi dahil sa takot na mabaril.... kun'di dahil sa lamig ng bagay.

"Pumapatay ako," pabulong na usal ng lalaki, malapit sa tenga ko. Ang init ng hininga nito ay pinapawi ang lamig na bumabalot sa akin.

Napalunok ako. Hindi ko maintindihan kung bakit... tila nasa kaligtasan pa rin ako gayong may baril nang nakatutok sa akin.

"P-pakasalan mo ako..." usal ko 'tapos ay mariing napapikit.

"Hindi ka ba matatakot?" mariin nang binulong nito.

"Hindi. K-kung nasa palad mo ang hangganan ng buhay ko... tatanggapin ko. Wala na akong pakialam kung Ikaw ang papatay sa'kin..." Unti-unti kong dinilat ang mata at pinagkatitigan ang lalaki, habang unti-unting rumaragasa ang mga luha. "Kung ang pagpatay mo sa'kin ang dahilan ng pagtatapos ng paghihirap ko... sige... hahayaan kitang patayin ako."

Umigting ang bagang ng lalaki. Nakatitig sa akin ang malalamig na mata. Sumunod iyon sa luha kong panibagong rumagasa.

"You look innocent..." usal ng lalaki.

"Walang problema sa akin kung mamamatay ako sa kamay mo," sabi ko. Pero natatakot ako. Bahala na.

"Are you not scared of me? I killed many bad people–"

"Hindi ako bad!"

"Marami na rin akong pinahirapang tao, lalaki at babae.... maging bata pa man," pagpapatuloy ng lalaki.

Sa huli niyang sinabi ay parang may mabigat na bato ang dumagan sa dibdib ko.

Napayuko ako at mariing pumikit, hinayaang maluha. Patawad... Patawarin niyo sana siya.... Kulang lang siya sa aruga.

Taimtim kong pinagdasal ang kasamaang nagawa ng lalaki. Sana'y pakasalan niya ako. Babaguhin ko siya. Sisikapin kong maialis siya sa kung saan siya ngayon. Ilalayo ko siya sa tahanan niyang empyerno.

"Masama akong magalit. Hindi ko napipigilan. Nananakit ako. Hindi ka magiging masaya sa'kin. Hindi ako marunong magmahal.... dahil wala akong puso."

"Pakasalan mo ako," pagpupursige ko.

May tunog na ngumisi ang lalaki at iniwas sa akin ang tingin. Ang tingin nito ay dumapo na ngayon sa mga lalaking humahabol sa akin. Ang katabi ng katabi ng sasakyang kinasasakyan ko ang kinakatok. May lumabas roon, mukhang kagigising lang dahil humihikab pa. May kung anong tinatanong ang mga lalaki, hindi ko marinig.

"Are you sure about what you're asking for?" seryosong tanong ng lalaki, nananatili pa ring nakatingin sa mga humahabol sa akin.

Binalik ko ang tingin sa lalaki at ito ang pinagtuonan ng mga mata ko.

Tumango ako nang walang pag-aalinlangan. "Oo... pakasalan mo ako."

Base rin sa mga sinabi niya. Mukhang wala naman siyang asawa. At sa mga sinabi niya... wala na akong pakialam. Tatanggapin ko na lang siya sa kung ano siya.

"Alam mo ba ang nangyayari pagkatapos ng kasal?"

"H-ha?" Saka na ako binalingan ng lalaki.

"Damn so innocent," mahinang usal pa nito.

Mabilis akong naialis ng lalaki sa binti niya. Nasa tabi na niya ako ngayon. Bahagya nitong nilapit sa akin ang mukha dahilan upang bahagya akong mapalayo.

"You're nervous," usal nito.

Hindi ko sinasadyang mapalunok. Ang lamig ng tingin niya... binibigyan ako ng labis na kaba at panghihina.

"Again... alam mo ba ang ginagawa kapag natapos na ang kasal? On wedding night... ano ang nangyayari?"

"A-ahm... n-nagbabato-bato pick?" Naitagilid ko pa ang ulo dahil sa 'di siguradong sagot. "Ahm.... magbubukas na ng regalo na niregalo sa bagong kasal?"

Umigting ang bagang ng lalaki na ikinatambol ng puso ko. Lagot, baka nagagalit ko na siya! Baka hindi niya ako pakasalan kapag nagalit ko siya!

"A-ahm..." Natutop ang labi ko sa hintuturo ng lalaking dumikit sa labi ko.

"Stop talking. May napapatayo ang inosente mong boses, alam mo ba 'yon?"

H-ha? Ano raw? Eh, wala naman akong nakikitang may tumatayo rito sa loob ng kotse. Maliban lang sa mga lalaking nasa labas.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang palapit na ang mga lalaki sa sasakyang kinasasakyan ko.

Pero bago ko pa sabihin iyon sa lalaking nasa harapan ko ay may sumakop na malambot... at mainit na labi... sa labi ko.

Nanlaki lalo ang mga mata ko. Ngunit hindi ko na nagawa pang makapagsalita dahil sa pagkakabigla ng nangyari. Matapos ko lang na maramdaman ang matitigas na braso ng lalaki na pumulupot sa likod ng baywang ko, at ang tila pagbuhat nito sa akin.... natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo na sa upuan na katabi ng driver's seat! Nang hindi nawawala ang malambot at maimbong na labi sa labi ko!

Ang bilis ng mga pangyayari! Hindi ko masabayan!

Saka ko lang napagtanto na hindi na pala ako humihinga, matapos na lumayo ng lalaki sa akin. Umupo na ito ngayon sa driver's seat na parang walang nangyari. Saktong kumatok ang nasa labas na tila ba hindi nakikita ang loob ng sasakyan.

Habol hininga ako habang nakatingin sa lalaking... humalik sa akin.

Walang kahit anong emosyon nitong nilingon ang kumakatok. Binaba niya ang bintana sa gilid niya na ikinakabog ng dibdib ko.

Bakit niya binuksan?! Siguradong makikita ako!

Napahawak ako sa dibdib dahil sa bilis ng pagkalabog ng puso, dahil sa sobrang kaba, at halong takot.

"Sir, may itatanong lang po sana–" naputol ang sasabihin ng humahabol sa akin nang masulyapan ako. Nanlaki ang mga mata nito at na-alerto.

"What?" Naroon ang pagka-inip sa boses ng lalaking nasa driver's seat.

Tila nabahiran ng kaba ang mga humahabol sa akin. "Sir, kilala niyo ba ang babaeng 'yan? Kailangan kasi namin siya. Puwede niyo bang pababain sa sasakyan ninyo?"

"For what?" malamig na tanong lang ng lalaki.

"Ah kasi, sir, kailangan siya ng amo namin. Kailangan na naming bumalik sa loob."

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ng lalaking nakaupo sa driver's seat.

"Bakit siya kailangan ng amo niyo?"

Nagkatinginan ang mga humahabol sa akin. Ang isa pang tinuhod ko sa mukha ay napasulyap pa sa akin.

"Siya kasi ang ipakakasal sa amo namin. Mamayang alas dyes din ay gaganapin ang kasal nila. Kailangan na po naming bumalik sa loob, kasama siya–"

"Sorry but the woman you're referring to will no longer be with you inside. Hindi na siya mapapakasalan ng boss mo. Why? Because she's already married to me," pagkatapos iyong sabihin ng lalaki sa seryosong boses ay may bagay itong hinulog sa labas ng bintana saka iyon sinara.

Sa bilis ng galaw ng lalaki ay naramdaman ko na lang na gumalaw ang seatbelt ko. At pagkatapos marinig ang pagtunog ng pagkabit ng seatbelt ay ang mabilis na pag-andar ng sinsakyan namin. Paglingon ko sa mga lalaking humahabol sa akin kanina ay binabalot na sila ngayon ng makapal na usok.

Naglalaki ang mga mata, awang ang labi... gulat sa nangyari... dahan-dahan akong napalingon sa lalaking seryoso nang nagda-drive ngayon.

A-ano... ang nangyari?

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa mata ng iba, mukhang mas delikado ako kung sasama sa lalaking ito kaysa maikasal sa kumpare ni tiyo Alonzo. Pero bakit tila nakahinga pa ako nang maluwag ngayon dahil nakalayo na ako sa lugar?

Lord, tama po ba ang desisyong ginawa kong ito?

Pasimple kong sinulyapan ang lalaki na seryosong nagmamaneho. Ligtas ba ako sa kaniya? Sabagay, sinabi ko na rin naman kanina na kung papatayin ako ng lalaking ito ay wala na akong pakialam. Ngayong sinama na niya ako, hawak na niya ang buhay ko.

Sa tagal ng paninitig sa lalaki ay hindi ko na napapansin ang dinadaanan namin. Idagdag pa na madilim na kaya mahirap nang kabisahin.

Hindi ko pinutol ang tingin sa lalaki. Ang bagang nito ay naka-igting. Dahil naka-side view siya ay kitang-kita ko ang ganda ng pagkakatilos ng ilong niya. Ang tangos at perpekto. Medyo nakasalubong ang kilay dahilan upang mas lalo itong magmukhang masungit... at pogi.

Naitagilid ko ang ulo dahil sa pagkakatutok ng tingin sa lalaki. Magagawa ba talaga akong pakasalan ng lalaking ito. Perfect na perfect siyang tingnan, hindi 'tulad ko na... wala lang kung ipamigay. Halata rin na maganda ang katayuan ng lalaki sa buhay, 'di 'tulad ko na... pinagkaitan ng maayos na buhay.

Napatingin na lang ako sa labas ng bintana at pinanood ang madilim na dinadaanan. Nagsimula na naman ako na kagat-kagatin ang kuko ng hintuturo dahil sa nararamdamang panliliit sa sarili.

"Don't eat that. Kung gutom ka na sabihin mo lang," malalim na boses na usal ng lalaki.

Nalingon ko siya nang hindi inaalis ang hintuturo sa bibig. Mabilis lang akong nilingon ng lalaki. Ngayon ay tila naiinis na.

"Ahm..." Ngayon ay nakaramdam na ako ng gutom. Simula pa pala kanina ay hindi pa ako kumakain. "N-nagugutom na ako... paglulutuan mo ba ako?"

Mahinang tumawa ang lalaki. "Damn, no. Sa tingin mo pagsisilbihan kita? Fuck, no."

Grabe naman ang bibig ng lalaking ito. Palong-palo sa pagmumura.

"I don't even know how to cook..." ang boses nito ay naging pahina nang pahina. At ang kaninang tumawang mukha ay unti-unti ring naglaho.

Natigil ako sa pagkagat-kagat sa kuko. Inalis ko ang daliri sa bibig. "Ang laki mo na hindi ka pa rin marunong mag-luto?"

Matapos ko iyong sabihin ay halos tumilapon ako sa dashboard dahil sa biglang pag-preno ng sasakyan. Akala ko ay may malaking truck kaming makakasalubong, ngunit nang tingnan ko ang harapan namin ay wala naman. At nasa malayo sa amin ang ibang sasakyan.

"B-bakit, may nasira ba sa sasakyan mo?" tanong ko nang nilingon ang lalaki.

"Baba," malamig na usal nito. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa unahan.

Kinabahan ako.

"H-ha?"

"Bumaba ka na," aniya. "Get the fuck out of my car," mariin nang sinabi niya.

Kinabahan ako lalo nang nakuha ang nais niya. Pagtingin ko sa labas ay ang halatang lumang waiting shed na may katabing basurahan lang ang naroon. Ang katabi ay malalaking puno. Wala rin gaanong tao. At ang mga sasakyang dumadaan ay bihira. Hindi ko alam ang lugar na ito.

"I said get out of my car!" bulyaw na ng lalaki na ikinatalon ko sa gulat.

Natakot ako. At sa takot ay agaran kong binuksan ang pinto sa tabi, nang nanginginig ang kamay. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa pagsigaw ng lalaki sa akin. Agad akong bumaba sa sasakyan at tumakbo sa nakakatakot na waiting shed nang walang lingon-lingon.

Nagsimula akong humikbing nang lampasan ng sasakyan ang waiting shed. Kay bilis pa ng patakbo kaya ilang minuto lang ang lilipas ay nakalayo na iyon sa akin.

Sinimulan akong papakin ng lamok. Patuloy sa paghihikbi ay tinanaw ko ang pinanggagalingan namin. Sobrang layo. Ang kaninang matataas na building na dinaanan namin ay 'di ko na halos makita ngayon.

Pinunasan ko ang mga luha sa mukha at hinaplos-haplos ang braso upang matigil ang mga lamok sa pagpapak sa akin. Ngunit bumabalik sila.

Hindi ko alam ang lugar na tinuluyan ng sasakyan kaya ang daang sinimulan kong tahakin ay ang daang pinanggalingan ko. Patigil-tigil nga lang ako dahil sa tuwing may madadaanang madilim na bahagi ay nag-iipon muna ako ng tapang bago iyon lampasan.

Nasa kalagitnaan ako ng dilim nang lumiwanag ang daan ko dahil sa sasakyang paparaan, mula sa likuran ko. Nang nilingon ko ang sasakyan ay nakatakip ako sa mukha. Sobra kasing nakakasilaw. Hindi ko tuloy makilala ang nasa loob.

Bahagya akong napaatras pagilid sa daan nang tumigil ang sasakyan sa tapat ko. Bumaba ang salamin ng driver's seat.

"Sakay," malamig na sinabi nito. Sa boses ay nakilala ko ito agad.

Sandali pa akong napatunganga sa lalaki, hanggang sa lingunin ako nito nang naiinis.

"Get the fuck here inside the car."

"A-ano?" Hindi pa rin kasi ako makabawi sa gulat dahil binalikan pa niya ako.

"What?" paggagaya pa nito sa akin ngunit may inis. "I said get inside the car. Mali-late na tayo sa kasal."

Dahil sa huli niyang sinabi ay saka lang ako natauhan. Oo nga pala!

Kahit hirap sa pagbuhat ng tela ng suot, dahil sa panghihina sa gutom, patakbo kong tinungo ang front seat. Pumasok ako agad nang nabuksan iyon.

"P-puwede bang magluto muna ako ng pagkain? N-nagugutom na kasi ako..." usal ko nang nakaalis na sa lugar.

"Lalo tayong matatagalan kapag nagluto ka pa. Magpapa-order na lang ako."

Hindi ko napigilan ang mapangiti lalo na nang may kung sinong tinawagan ang lalaki sa cellphone niya. Kahit ang cellphone nito ay halatang mamahalin.

"Anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano..."

"Walang kahit anong pagkain," masungit na sinabi nito.

"Ah, sorry. Ibig kong sabihin ay kahit na anong pagkain, kakainin ko naman."

"Tss."

Mas mabilis ang patakbo ng lalaki sa sasakyan, 'di katulad kanina. Kaya ilang sandali lang ay tumigil na kami sa isang kainan na nasa tabi ng daan. Bumaba ako nang bumaba na ang lalaki. Ang iilang kumakain ay napatingin sa amin. May iba pang bumabati. Congratulations daw sa aming bagong kasal. Eh, hindi pa nga kami kinakasal.

"Grabe 'tol, pinapak agad sa kotse, oh," dinig kong bulungan ng tatlong binata sa table na nilampasan namin ng lalaki.

"Oo nga. Namumula-mula pa," dagdag ng isa.

Bago tuloy ako umupo sa upuang nilahad sa akin ng lalaking kasama ko ay napatingin ako sa sarili ko. Dahil sa half shoulder ang style ng suot ko ay kitang-kita ang balat ko sa itaas ng dibdib. At dahil nasa maliwanag ako ngayon, pansin na pansin ko ang maliliit na pula-pula sa balat ko. Dahil ito sa mga lamok.

Nilingon ko ang mga binata na kaninang nagbubulungan. Sabay-sabay silang napaiwas ng tingin sa akin. Ako siguro ang pinag-uusapan nila.

"Where are you going?" tanong ng lalaking kasama ko nang tumayo ako sa kinauupuan.

"Ah... sandali lang. Ahm, wala pa naman ang pagkain."

"So where are you going?" Nakatingala ito sa akin.

"Good evening, sir. Tumawag ka po kanina. Hintay lang po kayo saglit dahil inihahanda na rin ang order niyo," sabi ng nakangiting dalaga. Tingin ko ay hindi nalalayo ang edad niya sa lalaki, na medyo matanda sa akin.

"Ok. Thanks," tipid na sagot ng lalaki nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Napansin iyon ng babae kaya napatingin sa akin.

"Sandali lang," sabi ko ulit at tinalikuran na sila.

May gusto lang akong linawin sa mga lalaki hehe.

Napatingin sa akin ang mga lalaking kaninang nagbubulungan nang tumigil ako sa table nila. Tila sila mga na-alerto. Agad naman akong nagsalita.

"Ah, 'wag kayong mag-alala. Hindi ko naman kayo aawayin," nakangiting sabi ko upang hindi nila ako iwasan. "Ahm... itong mga pula-pula ko sa katawan ba ang pinag-uusapan ninyo kanina?" may pag-aalinlangang tumango ang isa, nagkatinginan pa sila. "Ah, ang mga lamok ang may gawa nito. Habang naglalakad kasi ako sa dilim kanina sinusundan ako ng mga lamok."

"A-ah... gano'n ba, miss?" Sumulyap pa ang lalaki sa likuran ko. "Pasensya na, miss. Inakala lang namin na iyong malaking lamok na kasama niyo ang may gawa."

Malaking lamok?

Nangunot ang noo ko. Magsasalita pa sana upang itanong kung anong malaking lamok ang tinutukoy nila, ngunit hindi ko na nagawa nang may matigas na braso ang pumalupot sa baywang ko at hinatak pa ako.

"May problema ba kayo sa babaeng 'to?" malamig na tanong ng lalaking pakakasalan ako. "O siya ang may problema sa inyo?"

"Ah, wala po, sir!"

"Wala, po." Ang sabay-sabay pang sabi ng mga ito.

"Ah, wala 'yon..." Hindi ko alam ang itatawag sa lalaki, ni pangalan ay hindi ko alam. Ano kaya... ahm...  "Baby ko, wala 'yon. Inakala lang nila na gawa ng malaking lamok itong mga pula-pula," sabi ko at itinuro pa ang mga pula-pula sa balat.

Bumaba ang tingin ni... Baby ko, sa mga tinuro ko.

"Baby ko? Tss," ang sinabi lang nito saka ako hinatak paalis sa table ng mga lalaki, matapos niyang samaan ng tingin ang mga ito. Bahid na naman ang labis na inis sa pogi nitong mukha.

Pagkabalik ko sa kinauupuan ay may coat na pumatong sa balikat ko. Pagtingin ko ay ang coat ng lalaki. Walang kibong bumalik sa kinauupuan ang lalaki. Naka-white long sleeve na lang ito ngayon.

Hanggang sa dumating ang pagkain ay salubong ang kilay ng lalaki. Mukhang hindi niya nagustuhan ang tinawag ko kanina.

"Galit ka ba?" may pag-aalangang tanong ko nang makasakay kami ulit sa sasakyan.

"No."

Umalis kami sa kinainan nang tahimik. Tumahimik na lang ako at sinimulan ang pag-iisip kung ano ang maaring gawin ko para hindi na maging ganito kasungit ang lalaki. Ngunit nakuha ng dinadaanan namin ang atensyon ko.

Wala na ako halos makita sa labas kundi ang matatayog na puno. Walang ibang sasakyan ang dumadaan hindi katulad sa dinaanan namin kanina.

Nilingon ko ang lalaki. "Nasaan tayo?"

Ngunit wala akong natanggap na sagot.

"Hindi ka ba natatakot dumaan dito? Sobrang ahm..." Natigil na ako sa sasabihin pa nang lingunin ako ng lalaki. Inis na inis na naman siya.

"Ni minsan hindi ako nakararamdam ng ganito. Nasasaktan mo na ang ego ko, alam mo ba 'yon, ha, babae?"

Napaawang ang labi ko. Ano ang ibig sabihin ng ego?

Ganito talaga kapag hindi nakapag-aral. Kahit ang maliliit na salita ay hindi alam ang ibig sabihin. Nasa grade three pa lang kasi ako ng pahintuin ni Mama sa pag-aaral bilang parusa sa nagawa ko. Hindi ko naman sinasadya na magpakamatay ang anak ng principal namin noon dahil sinabi kong hindi ko siya gusto. Ang yabang kasi niya.

"What? Iniisip mo pa rin ang mga lalaking 'yon hanggang ngayon?" may inis ng wika ng lalaki sa matagal kong pananahimik.

"H-ha?"

"Ha?" Tila lalo itong nainis, mas bumilis ang patakbo sa sasakyan na kinailangan ko nang kumapit nang mahigpit sa seatbelt. "Kung sila pa rin ang nasa isip mo ngayon. Sana sila na lang inaya mong pakasalan ka."

Ano raw?

Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito. Hindi ko pa nga makuha ang ibig sabihin ng ego niyang nasasaktan.

Napababa ang tingin ko sa nasa gitna ng lalaki. Medyo madilim man ay nakikita ko ang bukol niyon. Ego? Baka egg? Ang egg kaya niya ang tinutukoy niya? Nasasaktan ko ang egg niya?

Naputol ang paninitig ko sa bukol na iyon nang may pumatong na kamay doon. Naramdaman ko na rin ang pagtigil ng sasakyan kaya napaangat na ang tingin ko sa lalaki. Inis ako nitong inismiran saka binuksan ang pinto sa tabi. Pagtingin ko sa labas ay bumungad sa akin ang malaking fountain, sa likod nito ay ang malaking bahay.

Oh my! May ganito pala talagang kalaki at kagandang bahay!

"Magandang gabi! Si Attorney–uy tang ina ang ganda!" ang lalaking kalalabas lang sa double door ng malaking bahay. Nanlalaki ngayon ang mga mata nito sa akin. "Pero bakit naman pinapak mo agad?"

"I have my gun in my pocket, Kangkong," ang walang 'sing lamig na sabi ng lalaki. Nilampasan lang nito ang lalaking bumati.

"Hi," bati sa akin ng lalaki nang sabayan ako sa paglalakad.

"Hi, ang guwapo mo po, Kuya Kangkong."

"Pfft–puta. Pasalamat ka, Pinsan, pinsan kita!" anito sa lalaking tuloy-tuloy lang ang lakad. "Hi, miss. Ang ganda mo. Ako si Ken, at ikaw si?"

"Axedria."

"Ang ganda ng pangalan mo."

"Stop landiing my girl, Kangkong," ang lalaking ngayon ay nakaupo na sa kulay kremang couch. Nagsasalin ito ng alak sa maliit na baso.

"Ano ang pangalan niya?" bulong ko kay Ken Kangkong.

"Hindi niya pa sinasabi sa'yo?" bulong din nito. Umiling ako. "Siya si... Korikong. Pareho kaming half Hongkong."

Napatango-tango ako. "Ang astig!" at tumawa ako. "Ang kakaiba naman ng pangalan ninyo."

"Sino mas guwapo sa amin?"

"Tang ina. Puwede bang pababain mo na lang dito si Attorney?" Ang naboboryong si Korikong.

"Uy, alak ko 'yan. Mahina ka naman–" natigil agad si Ken nang siya ang binalingan nito. "Oo na nga. Excited lang makasal sa crush, eh, 'no–heto na nga!" Mabilis na umalis si Ken nang makita ang baril ni Korikong.

Mamaya ko na lang siguro sasagutin ang tanong niya. Umupo na lang ako sa tabi ng lalaki.

Kaiinom pa lang sa kalahating baso ng alak ay sasalin na naman at agad iyong iniinom. Lalamunan ko ang sumasakit sa ginagawa niya, at parang ako pa ang nalalasing.

Lumapit pa ako lalo sa lalaki. "T-tama na 'yan, Korikong."

Ang kaiinom niya lang na na alak ay naibuga niya. Agad kong inabot ang nakitang tissue sa babasaging lamesa. Inabot ko 'yon sa lalaki, ngunit hindi niya iyon kinuha. Hinarap lang ako nito, seryoso, ang malalamig na mata ay mapupungay na.

"Hoy, ikaw..." aniya. Umawang ang labi ko, naamoy ko ang alak sa bibig niya. "Sa oras na pirmahan mo ang wedding certificate, asawa na kita. At kapag asawa na kita... bawal ka nang makipag-usap sa kahit kaninong lalaki."

Para naman akong batang tumango-tango. Kailangan kong magpakabait para hindi niya ako ibalik kay Mama.

"Kahit ba kay Kangkong?" nag-aalangang tanong ko.

Hindi agad sumagot ang lalaki, tila ito nag-iisip.

"Ang guwapo ni Ken, Korikong..." mahinang usal ko. Napangiti pa ako.

Naging malamig ang tingin sa akin ng lalaki. Tumiim ang bagang nito.

"Putang ina?" mahinang usal nito. "Now, yeah. Hindi pa tayo kinakasal.... nagseselos na'ko. Tang ina, 'di ba?" mukhang lasing na siya.

Nakarinig ako ng dalawang tinig ng taong palapit. Napatingin ako agad. Si Ken at ang sa tingin kong si Attorney.

"Uy, insan, sa'kin agad tumingin, oh!" sabi ni Ken, may malawak na ngisi.

"All right. You just ended your life now, bitchman..." mahinang bulong ng katabi kong lalaki.

Sunod ay narinig ko ang tunog ng pagkasa ng baril.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro