PROLOGUE
PROLOGUE: Hidden Wife
"Tama na, Luis.... p-parang awa mo na..." I cried pleadingly.
Ngunit sa kabila ng paghihirap ko sa pananakit nito, ngising pang-sira ulo lang ang kaniyang isinukli.
Mas humigpit ang kamay niya sa panga ko, dahilan upang pati ngipin ko ay sumakit na rin. Napapikit ako sa labis na sakit.
"Hindi ba't ito ang hinihiling mong ibigay sa'yo? Ang masaktan dahil sa pagpupumilit mo na mapansin kita? Pwes… ibibigay ko na." Tumindig ang balahibo ko sa pagbabago ng boses niya. Naging mapanganib. Para bang sinapian siya ng demonyo.
Napadaing ako sa sakit nang ibalibag niya ako sa closet na nasa likuran ko. Pumilipit ako dahil sa sakit ngunit hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya. Sanay na sanay na rin naman ako sa sakit na pinapadama niya sa akin.
"Wala kang kasing sama," nasambit ko nang makatayo, ang kamay ay nakaalalay sa pader na nasa likuran ko. "Sana hindi na lang kita pinakasalan, hayop ka! Sana hinayaan ko na lang na mamulubi ang Nanay mo! Hanggang sa tuluyang mamatay!" gigil na gigil kong sinigaw.
Ang ngising nakakaloko niya ay dahan-dahang nawala. Nagbago ang kaniyang hitsura. Dumilim ang mata. Ang bagang ay humigpit ang pagkakaigting. Mas naging mapanganib. Tila demonyong naubusan ng pasensya.
Bigla akong kinabahan at sinakluban ng abot langit na takot. Mabilis akong umiling-iling nang magsimula siyang humakbang nang mararahan palapit sa akin, ang mga mata ay nanlilisik.
"L-luis.... h-hindi 'yon ang ibig kong sabihin....." nanginginig sa takot kong sinabi, pati ang kalamnan ko ay nanginginig na rin. "P-please.... calm d-down...."
Napahakbang ako paatras, hanggang sa maramdaman ang lamig ng pader sa likuran ko. Ilang sandali lang, kapag hindi ko napakalma ang demonyong ito ay matutulad ako sa pader na nasa likod ko, maputla't nanlalamig.
"Talagang inuubos mo ang pasensya ko, 'no?" Sabay kasa niya sa baril na binunot niya mula sa likod ng suot niyang pantalon. "Tutal nasagad na 'ko, wala ka na ring kwenta," walang emosyong sinabi nito at itinapat sa akin ang baril.
Kumalabog ang dibdib ko at tila hinigop ng kinatatayuan ko ang lahat ng dugo ko sa katawan. Habang nakatingin ako sa daliri niyang nasa trigger ay walang tigil ako sa pagtatawag ng mga santo.
"P-please… Luis, 'wag–ah!" Kasabay ng bigla kong pag-upo ay siyang malakas na pagtunog ng putok ng baril.
"CUT!" sigaw ni direk, hudyat na pinuputol ang scene na 'yon.
Luis quickly approached me to help me to stand up. I fixed my hair that was strewn across my face.
I didn't even pay attention to what direk said when some other staff and the make up artist joined me to prepare for the new scene.
Ginalaw-galaw ko ang panga ko nang lubayan nila ako. I immediately drank the water in my tumbler after Danrick handed it to me, the heartless Luis in the series we're working on today.
"Masakit ba?" Kahit na bahagya itong tumawa ay bahid pa rin ang pag-aalala sa mukha.
Natawa ako at tinapik ang kamay niyang marahang hinahaplos ang panga ko. Tumalikod ako at itinuro ang likuran ko.
"May foam, don't worry," ani ko rito. Ngumuso naman ito at sumunod sa akin nang tawagin kami ulit ni direk para sa panibagong scene.
"Good luck," tapik ni Danrick sa likod ko. I just smiled at him and nodded before lying down on the floor where I was standing before.
Walang araw na uuwi akong hindi pagod. Kasi, maliban sa pagiging artista ko, isa rin akong caregiver. Pero sa lola ko lang. Oo artista ako't may limpak-limpak na pera, pero hindi naging dahilan 'yon para hindi ako mamroblema sa araw-araw. Bakit?
"Lola, may pangpa-opera tayo. Sige na ho, pumayag na kayo na ma-operahan. Unti-unti nang nabubulok ang mattress niyo, 'La..." nagsusumamong sinabi ko kay Lola.
Itinaas niya lang ang isang kamay bilang senyales na tumahimik ako. Ang tigas talaga ng ulo.
Napabuntong hininga ako't naglakad na lang papasok sa kwarto ko. Wala na talaga akong magagawa sa katigasan ng ulo niya. Haist, mga matatanda talaga.
Matapos naming i-shot ang last episode ng serye ay may isang buwan kaming pahinga. Tinanggihan ng manager ko ang ibang alok ng iba kasi kailangan ko na raw ng pahinga. Bilang isang magaling at kilalang artist, endorser at ambassador, walang oras na mamamahinga ako, dahil sa dami ng schedule ko. Kaya lubos ang pasasalamat ko dahil sa wakas, pinagpahinga ako ng manager ko.
There are only three of us here in the house I bought. Me, Grandma, and the nurse who took care of her whenever I was away. I don't want to neglect her because she is the only family I have. I don’t know who else my families are, basta ang sabi ni Lola ay kaming dalawa na lang ang naiwan sa pamilya namin.
Habang tumatagal rin, tila ba gulong-gulo ako sa lahat ng nangyayari sa akin. I don’t know why everytime I look back on my memories of my youth and my teenage years, I have nothing to remember. Blangko siya palagi. Ang sabi naman ni Lola ay puro bad memories lang daw 'yon kaya raw hindi ko na maalala. Hindi ako tanga para maniwala, pero hinayaan ko na lang.
Pero may isang bagay talagang nagpapagulo sa akin… The ring I saw on my finger at the time I woke up from the accident. Aksidenteng hindi ko mabalikan ang naging dahilan.
Sinigurado kong naka-lock ang pinto ng kwarto ko bago lumapit sa closet ko upang kunin ang tinago kong maliit na box, kung nasaan nakalagay ang singsing.
Strict ang Lola ko, may pagka-masungit pero mabait naman. I don't know, but I have this urge na 'wag ipaalam sa kaniya ang singsing na ito.
"Walang araw talaga na hindi mo ako napapangiti, 'no?" nakangiting nasabi ko sa singsing. Kinuha ko 'yon at pinagkatitigan.
Sa sobrang kintab nito ay nagmumukha itong tubig na sobrang linaw na may halong silver glitters. Hindi ko siya ma-describe nang maayos dahil sa ganda nito ay mapapahanga na lang ako.
"Venus, kakain na," tinig mula sa labas.
Nabitawan ko ang singsing dahil sa gulat after hearing Grandma's strict voice.
"O-opo, Lola!" nautal pa ako dahil sa kaba. Damnit! Muntik na!
"Bilisan mo, masamang pinaghihintay ang pagkain."
"Opo, susunod na." Nakahinga ako nang maluwag matapos marinig ang mga yapak palayo.
Tumungo ako upang tingnan ang nahulog na singsing, na sa tingin ko ay gumulong patungo sa ilalim ng kama. And there, I saw the ring. Kuminang pa ito sa paningin ko kaya hindi ko napigilan ang mapangiti.
"Hindi porke't maganda ka, pwede mo na akong pahirapan," sambit ko habang pilit inaabot ang singing.
Umayos ako ng pwesto, halos nakadapa na para maabot ang bagay. Naaabot na siya ng middle finger ko, ngunit sadyang maarte ang singsing dahil lumalayo ito lalo.
"Venus!"
"Ah!" gulat kong nasigaw nang muling marinig ang sigaw ni Lola. Nagmumula na 'yon sa baba, pero ang lakas at makapanindig balahibo pa rin.
Agad akong umayos ng tayo at pinagpagan ang harap ng over size t-shirt ko, gano'n din sa dolphin shorts ko bago lumabas ng kwarto.
Mamaya ko na lang kukunin ang singsing na 'yon kapag tulog na si Lola.
Matapos ng dinner namin ay nanatili muna ako sa sala upang panoorin ang palabas na sinusubaybayan ko. Sila Lola naman ay na-unang umakyat dahil magpapahinga na.
Sa pinapanood ko ay ang celebrity best friend ko ang bida. Idol ko siya dahil sa galing niyang artista, mapa-drama man o action. Siya rin ang unang babaeng nakikilala ko nang mapunta ako sa lugar na ito.
"I watched it! You really did not failed to amazed me!" natutuwang bungad ko sa kaniya nang tawagan ako. I congratulate her again, at hindi ako magsasawa kahit na araw-araw.
"Parang ano, e.... nahihiya ako, Venus!" parang baliw niyang sinabi.
Naibato ko ang throw pillows na yakap ko dahil sa sinabi niya.
"Baliw ka, Thea! Ako lang 'to! Ang pinakamaganda sa balat ng lupa," ani ko at napahalakhak. Ewan ko ba, basta kapag kausap ko ang babae na 'to ganadong-ganado akong dumaldal.
"Well, ako rin! Venus, susunod na 'yong palabas mo, at sobra akong naiinis kay Luis! Naiiyak din ako kapag nakikita kitang umiiyak! Kaya kapag ikaw nagka-boyfriend tapos paiiyakin ka? Huh! Makakatikim siya sa akin ng isang malakas at malagapak na sampal! Magkasunod, hmp!" Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.
Hindi ko naman napigilang mapahagikhik.
"Ewan ko sa'yo, Thea! Goodnight na nga," sabi ko at nagpipigil na ngiting pinatay ang tawag. Nakatanggap pa ako ng text mula sa kaniya na mas lalong ikinatawa ko.
Thea baliw:
Nag-text si Danrick at inaaya akong mag-date! Ulol! Siya si Luis sa 'The Heartless' na nagpapaiyak sa'yo. Betlog niya!
Ako:
Baliw ka talaga, sa palabas lang 'yon hahahahaha.
Thea:
Kahit na! Pinaiiyak ka pa rin niya! Betlog niya latlat!
Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa kawalang preno ng bibig ng babae. Pero hindi ko maipagkakaila na ang saya niyang kausap at kasama.
Bago ako naghanda sa pagtulog ay muli kong sinilip ang ilalim ng kama ko para kunin ang singsing. Ngunit, laking gulat ko nang hindi ko na ito makita roon. Gumamit pa ako ng flashlight kahit na maliwanag naman, pero hindi ko pa rin talaga makita. Siguro kong simpleng gamit ko lang 'yon, hahayaan ko na lang, pero hindi.
Nanlumo kong binagsak ang katawan ko sa kama. Tsk, pa'no na? Saan ko na makikita ang singsing na 'yon? Sa tuwing nakikita ko pa naman 'yon ay gumagaan ang pakiramdam ko. That ring seem like a huge thing to me even though I don't really know where it came from, and why I have it.
Napalingon ako sa side table ko nang tumunog ang cellphone ko. I got up and reached for my cellphone to see who was calling.
Nangunot ang noo ko nang unknown number ang nakalagay doon. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin.
I press the answer button and slowly put the phone on my ear.
"Hello?" I talked.
"Hi, Jimelle. How are you, darling?" isang makapanindig balahibo ang sumagot. Lalaki.
"Ahm.... I'm sorry, sir, hindi po ako si Jimelle. Wrong call po ka–" Nainis ako nang hindi niya ako patapusin.
"No, you are.... don't tell me, nakalimot ka dahil sa ginawa sa'yo ng asa–" Sa pagkairita ko sa boses niya ay agad kong pinatay ang tawag at mabilis na blinock ang number upang hindi na ako matawagan.
Duh, I have some enough money. I don't need sugar daddy, ew.
Pero hindi ko maitatanggi na kinabahan ako sa sinabi niya. Kumalabog rin ang dibdib ko matapos marinig ang boses na 'yon na nagsisigaw ng empyerno. Damn, should I tell Lola about the call? No, I shouldn't dahil baka matakot din si Lola.
Iwinaksi ko na lamang ang nangyaring 'yon para makatulog na. Marami pa akong balak gawin bukas, at gusto kong gawin 'yon nang mapayapa.
I woke up early para makapag-jogging habang hindi masyadong crowded sa park na malapit dito sa subdivision.
Black leggings, white sports bra, and black sneakers ang suot ko. Nag-baon rin ako ng hoodie jacket, black cap, towel, tumbler, at syempre hindi maiiwan ang earphones at cellphone ko. Ngayon lang ulit ako makakapag-jogging sa labas. Palagi kasi akong sa bahay nag-gi-gym.
"Mapilit kaya pumayag ako!" Umikot pa ang mata niya matapos sabihin 'yon.
Natawa naman ako at lumapit sa kaniya upang bumulong. Pagkatapos kong mag-jogging kanina ay agad rin akong umuwi para sa gala namin ngayon ni Thea. At heto siya, hindi natatakot na maaring makilala kami.
"Babaan mo boses mo," mariing bulong ko rito.
Nag-flip hair lang siya at muling umirap.
"Tsk! May mga guard tayong nakamasid-masid lang diyan, 'no. Kaya don't ya worry."
"Sandali, Thea," tawag ko rito nang makalayo na kami sa counter matapos magbayad ng pinamili.
Tumigil siya't hinarap ako. "Oh, ano? Naiihi ka na naman? Alam ko na 'yan, ganiyan ka naman palagi kapag nasa mall tayo."
Natawa na na lang ako, lalo na nang marahas niyang hinila sa akin ang paper bags ko, bago naglakad palapit sa bench na malapit sa entrance ng ladies room.
Matapos kong umihi ay lumapit ako sa salamin at naghugas ng kamay. Inalis ko ang suot kong face mask at cap upang mag-retouch. Sinigurado ko namang walang ibang taong nandito dahil chineck ko muna ang bawat cubicles kanina.
Nagpupunas ako ng pawis nang biglang bumukas ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Ang alam ko ay ni-lock ko ang pinto! Kaya bakit may nakapasok?
Mula sa repleksyon ng salamin ay isang nakangising lalaki ang nakikita ko. Nakabalot ng itim na tila ang mukha nito, tanging ilong, bibig, at mata lang ang makikita.
Napaharap ako rito at naisiksik ang sarili sa kanto ng sink nang humakbang palapit sa akin.
"S-sino ka? Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko magawang magtapang-tapangan.
"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" Nakakaloko siyang ngumisi. Nangunot ang noo ko.
Nang makilala ko ang kaniyang boses ay nanlaki ang mata ko. Lumawak naman ang ngisi niya dahil sa reaksyon ko. Kumalabog ang dibdib ko, sa bilis ay nahihirapan na akong huminga. Masyadong sumiksikip ang dibdib ko dahil lang sa presensya niya, na para bang kinatatakutan ko na talaga siya noon pa.
"A-anong kailangan mo? U-umalis ka na bago pa man ako sumigaw dito!" sabi ko at agad na inabot ang sling bag ko. "Hindi kita isusumbong sa police. Basta lubaya mo 'ko."
Tumawa lang siya.
"Sinong tinakot mo? Sa asawa mo ngang hari sa empyerno hindi ako natatakot, sa'yo pa kaya?"
"P'wede ba? Wala akong naiintindihan sa sinasabi mo! Umalis ka na lang!" Biglang uminit ang ulo ko dahil sa nakakainis niyang sinabi. Wala nga akong boyfriend, asawa pa kaya?
"Isa kang asawa ng walang pusong nilalang, hindi mo talaga alam?"
"Baka nagkakamali ka lang ng pinuntahan, kaya please.... h-hayaan mo na akong makaalis dito, at tigilan mo na rin ako," sabi ko.
Umiling siya kaya napahigpit ang hawak ko sa sling bag ko.
"Hindi p'wedeng hindi mo maalala. Kung gano'n ipaaalala ko sa'yo." Napamaang ako't hindi agad nakagalaw.
Kaya nang humakbang ang lalaki palapit sa akin ay hindi ako agad nakalayo.
Napadaing ako nang hampasin niya ng Ng kung anong bagay ang ulo ko. Nanlabo ang paningin ko't nandilim.
Isang madilim na kwartong walang ibang laman kun 'di ang kamang kinahihigaan ko lang, ang bumungad sa akin. Ang amoy ay pinaghalong alak, sigarilyo, gasolina at kung anu-ano pa.
Napabangon ako dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar. Napahawak ako agad sa ulo ko dahil sa sobrang pag-kirot. Saka ko lang naalala ang nangyari kanina.
"Shit...." Bumalik ang takot sa dibdib ko. Sa klase ng lugar na ito, posible kayang ang lalaking 'yon ang nagdala sa akin dito?
Bumaba ako ng kama. Tanging sa maliit na bintana ng kwarto nanggagaling ang liwanag. Napahinga ako nang maluwag nang makitang dati pa rin ang suot kong damit.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likuran ko kaya't napaharap ako roon. Isang lalaking naka-itim na t-shirt ang pumasok. May dala itong kung anong nasa envelope na brown. Pag-angat niya ng tingin sa akin ay ngumisi ito. Ang lalaki kanina...
"Gising ka na. Halika't ipakikilala kita sa sarili mo, kung sino ka bang talaga." Umupo siya sa kama.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kahit na nagsimula na siyang magsalita ng kung ano-ano, wala naman akong maintindihan. May mga tao rin siyang binabanggit na hindi ko man lang nakilala, ni hindi ko rin maintindihan ang sinasabi niyang isang organization daw na kinabibilangan ng asawa ko raw.
I'm just 28, at hindi ko alam ang pinagsasabi niyang kinasal daw ako noong 26 years old ako. Baliw na nga siguro siya dahil ang araw na 'yon ay ang araw nang nakahiga lang ako sa kwarto ko dahil sa pananakit ng buo kong katawan.
"Tingnan mo." Tinapon niya sa akin ang mga picture na kinuha niya sa loob ng envelope. "Tingnan na lang natin kung hindi ka pa rin maniwala sa sinasabi ko."
Ayaw ko mang sundin ang gusto niya ay wala akong nagawa. Baka sa pagsunod kong ito sa kaniya ay pauwiin niya na ako.
Binuklat ko ang mga naka-taob na pictures. Matapos kong pulutin 'yon lahat ay tumayo na ako't sinimulang tingnan ito isa-isa.
Sa bawat pagbuklat ko ay mukha ko ang tumatambad na naging pamilyar sa akin. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa labis na pagtataka. Mayroong nakaitim na toga ako, na hindi ko naman matandaan na naisuot ko. Dahil hindi naman na talaga ako nag-aral, sumabak na agad ako sa pag-aartista nang makilala ko si Thea.
"B-baka...." Hindi ko matuloy-tuloy ang mga tanong na gustong kumawala sa bibig ko.
"Alam mo kung ano ang magandang gawin para malaman mo ang mga tungkol diyan?" aniya at tumayo. "Simple lang, bumalik ka sa lugar kung saan ka nag-mula. Dahil hindi mo malalaman kung nasa puder ka ng Lola mong masekreto."
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Tumaas ang isa niyang kilay at tumango-tango na para bang sinasabi niyang totoo ang kaniyang mga sinabi.
"A-ano ang...." Hindi ko na naman naituloy ang nais na sabihin nang inguso niya ang hawak. Muling napababa sa hawak ko ang aking tingin.
Nanlaki ang mata ko, kasabay nang paglaglag ng aking panga matapos makita ang nakasulat sa isang certificate. Napahigpit ang hawak ko rito nang simulang basahin ang nakasulat. Nabingi ako sa mga nabasa, pero may ilang nakasulat na nagsasabing kasal na nga ako.
Mr. & Mrs. Fuertez.
Nakalagay sa baba ay ang tunay kong pangalan na nakita ko sa likod ng picture ko kanina, at sa baba naman ng aking pangalan ay ang signature ko, na siyang ginagamit ko rin ngayon kapag mag-o-authograph.
"Ngayong alam mo na, pumunta ka agad sa location na ibibigay ko, dahil kung hindi..... malalagay sa panganib ang tunay mong pamilya," pagbabanta pa niya bago lumabas sa pinto , at iniwan 'yong nakabukas.
Lahat ng mga katanungan ko kay Lola ay nasagot sa paraan ng pananahimik niya.
"Nagsinungaling kayo sa akin, Lola!" sigaw ko.
Masakit, sobrang sakit. Halo-halo ang emosyon ko sa mga nalaman. Hindi ko ito inaasahan.
"Bakit niyo ito tinago sa akin? Pamilya ba talaga kita?" Nanghihina akong napa-upo habang sapo-sapo ang mukha, patuloy na umiiyak.
"Venus, apo...."
Napailing-iling na lang ako. "Hindi Venus ang totoo kong pangalan. Jimelle. Jimelle Reign Soria ang totoo kong pangalan na itinago niyo rin sa akin!" Basag na basag ang boses ko sa sakit at galit.
"Apo, kasi.... k-kailangan, hindi mo maiintindihan. Pakiusap, huminahon ka…"
"Aalis ako," sinabi ko na ikinatigil ni Lola. "Babalik ako sa lugar kung saan dapat ako. Itinago niyo ako," akusa ko. "You hide the f*cking billionaire's wife! Akala ko sa mga pelikula lang ako matatawag na hidden wife, sa reality rin pala." Muli kong nasapo ang mukha.
"Pero, apo, mapapahamak ka lang, masasaktan.... hindi lang ikaw, p-pati na rin, ang a-asawa mo." Napailing-iling niyang sambit, sinusubukang hawakan ako.
Kung gano'n totoo nga? Totoo ngang may asawa na ko't kasal na?!
"Aalis ako, Lola. That's my final decision. Hindi niyo po ako mapigilan. Basta aalis ako, iiwan ko lahat ng meron ako ngayon tutal hindi naman talaga 'yon para sa'kin. Kung hindi niyo lang sana ako itinago rito."
"Apo, wala siyang puso, masasaktan ka lang...." Ngunit tila naging hangin na lang si Lola sa akin.
"Sa ngayon, 'La, hindi na muna ako maniniwala sa mga sasabihin ninyo."
Inayos ko ang gamit na dadalhin ko. Sinabi ko na rin sa manager ko ang tungkol sa pag-alis ko't walang kasiguraduhan kung kailan babalik.
@angpangitngnagbabasa
Siguro kaya 'yan aalis ng walang sinasabing dahilan kasi buntis. 'Tulad ng ibang artista, magbabakasyon daw sa ibang bansa, 'tapos pag-uwi may anak na
#venusbuntis
Nabasa ko agad na maraming retweet na post sa Twitter. Trending na trending pa talaga ang hashtag na ginamit. Kilala si Thea bilang madaldal na artista, kaya hindi na ako nagtaka pa ng iretweet niya ang post na 'yon
@tyamalakasmanampaltanggalpatibagang
mainggit pangit.
Pinagsabi ko na sa kaniya ang tungkol sa pag-alis ko, basta raw babalik ako.
Ni-off ko ang cellphone ko bago sumakay sa private plane na gagamitin ko, na ang manager ko pa ang nag-asikaso. Hindi kami gaanong nagpapansinan ni Lola kaya 'di na rin ako nakapagpaalam nang maayos.
Sa tatlong taon palang pagkawalay ko sa tunay kong pamilya, ay ang mga taong wala akong maalala. Sa wakas, muli ko na silang makakasama.
Sana lang tama itong desisyong ginawa ko. Desisyong nagpuputol sa pagiging hidden wife ko.
____________________________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro