Chapter 9
WARNING: SPG
Chapter 9: Lingeries
"Ma'am, sigurado ba kayong kaya niyo 'yan? Kami na lang kaya niyan, Ma'am?" Puno si Rosie sa pag-aalala.
"Kaya ko na 'to. Kayo na lang ang bahala ni China sa loob."
"Sige, Ma'am, pero kapag may kailangan kayo, tawagin niyo na lang ako."
Pinagpatuloy ko ang paghuli sa dumi-duming lumulutang sa pool. Na-e-enjoy naman ako ng kunti sa ginagawa.
I looked up at the blue sky and took a deep breath. Ang sarap ng hangin, malamig at magaan sa pakiramdam. Pagkatapos ko sa pool ay dumiretso ako sa garden para magdilig.
Dinidiligan ko ang bulaklak nang may mga yapak na papalapit sa akin. Hindi ko na nilingon dahil lunod ako sa ganda ng bulaklak.
"Rosie, tingnan mo ang ganda ng pagkabuka nila. Ang perfect nilang tingnan." Bahid ang labis na tuwa sa labi ko.
Yumuko ako upang amoyin isa-isa ang bulaklak. Napapikit ako dahil sa bango nila. Pero napadilat ako agad nang marinig ang pagpitas niya sa bulaklak.
Nanlaki ang mga mata ko nang sunod-sunod na pinitas ng kamay niya ang kumpulan na bulaklak. Pito 'yon!
"Rosie!" iritang singhal ko.
Pag-ayos ko ng tayo at pagtingin ko rito ay nabigla ako nang si Reybien ang nakita ko.
Hindi pa ako nakakabawi sa gulat nang ibigay niya sa akin ang bulaklak.
"Gorgeous."
Napasinghap pa ako nang nagputol pa ulit siya ng isa pang bulaklak sa halaman na inalagaan ko!
Reybienito!
Sisinghalan ko na sana siya, ngunit hindi natuloy nang ilagay niya sa likod ng tainga ko ang bulaklak na pinitas niya.
Uminit ang mukha ko sa pagdampi ng kamay niya sa pisngi ko.
"Most beautiful…" Pagkatapos ay naglakad na siya paalis.
Laglag ang panga ko habang nakatanaw sa papalayong likod ni Reybien.
Ano na ba ang nangyayari sa lalaking 'yon? Ilang beses na niya akong iniiwang laglag ang panga. Bigla-bigla na lang siyang nagiging ganito sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Para kasi siyang sinapian.
Noong isang linggong hindi ko siya pinapansin, matapos ang argument namin, naging ganiyan na siya. Isang araw na umuwi siya, sa kwarto ko agad dumiretso. Humihingi ng kiss! Medyo lasing siya no'n.
Pero sa mga sumunod, hindi na naman na siya lasing, pero malakas ang tama.
"Wow, ang ganda, Ma'am !" si China nang masalubong ko papasok. "Ibibigay niyo ba 'yan kay sir? Sigurado akong magugustuhan 'yan ni sir! The best talaga kayong asawa." Humagikhik pa siya.
"Siya ang nagbigay nito sa akin, Chi." Hindi ko rin naman napigilang mapangiti.
"Weh? Hala, si Ma'am imagine."
Iiling-iling ko na lang siya na nilampasan.
Nilagay ko sa magandang flower vase ang bulaklak at dinala sa kwarto. Bumalik ako sa baba pagkatapos.
Naabutan kong nagpapalit si China ng bulaklak sa flower vase na nasa dinning table. Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso saka uminom. Parang natutuyo na ang kaloob-looban ko sa pinaggagawa ni Reybien.
Lumapit ako kay China para matulungan na siya.
"Matagal ka na bang nandito, China?" natanong ko.
Nahihiwagaan ako kung ilang taon na ba siya ritong naninilbihan. Si Rosie kasi kanina nang tinanong ko ay almost seven years na raw.
"Ma'am? Ahm... mga twenty minutes pa lang ho. Katatapos ko lang po kasing punasan 'yong paboritong flower vase ni sir."
Napailing-iling na lang ako.
"Rosie."
Sabay kaming napalingon ni China sa hagdan nang marinig si Reybien.
Simple lang ang kasuotan niya. Mukhang wala siyang lakad mgayon.
"Ayie, nandyan na si sir." Napatingin ako kay China. Hawak niya ang magkabilang pisngi habang nakatingin sa akin.
Pumasok si Reybien sa dinning, kasunod si Rosie.
"Sir!" si China at tinulak ako. "Sir, ang sweet ni Ma'am! Bibigyan ka raw niya ng bulaklak."
Nanlaki ang mata ko. Nilingon ko si China na kilig na kilig.
"Oh? Nasaan na po 'yong mga bulaklak na pinitas niyo kanina?" si China sa akin.
Hindi ko nasagot si China dahil 'di ko alam ang sinasabi niya. Hanggang sa dali-dali niyang inabot sa akin ang isang bulaklak na galing sa inaayos namin, at tinulak ako palapit pa lalo kay Reybien.
"Ayiee! Sige na, Ma'am! Ibigay niyo na, 'wag na kayong mahiya. Hindi dapat kayo mahiyang bigyan ng bulaklak ang boyfriend o asawa niyo. Deserve rin ng mga lalaki ng bulaklak."
Sa panginginit ng mukha ay tinapal ko sa dibdib ni Reybien ang bulaklak. Agad niyang hinawakan 'yon bago pa mahulog.
"Ayie!"
Nairapan ko lang si Reybien. Lalampasan na sana subalit naabot niya ang kamay ko. Binalik niya ako sa harapan niya.
"Thank you…" May maliit na ngiting nabuo sa labi niya.
Sumiklab ang mukha ko sa init nang hinalikan niya ang likod ng palad ko.
"Congratulations, Ma'am Jimelle! Magiging mommy ka na! Yehey!"
Sinabuyan pa kami ni China ng bulaklak. Kung hindi pa sinaway ni Rosie ay hindi titigil.
Buong tanghali akong nanatili sa kwarto. Umalis si Reybien na tinanaw ko lang sa balkonahe. Kung noon ay gustong-gusto kong malaman kung saan siya pupunta, ngayon ay parang wala na sa akin. Parang… bahala na siya kung saan siya pupunta, basta sa akin parin siya uuwi.
Kung pinaglalaruan niya man ako ngayon, bahala na rin, basta sa huli siya ang maghahabol sa'kin.
Nakaidlip ako, paggising ko ay madilim na sa labas. Bumaba ako para tumulong na sa paghanda ng hapunan.
"Lagot ka niyan kay sir, ate Rosie, sinira mo heater niya. Dahil ba single since birth ka?" Naabutan ko ang dalawa sa kusina.
"Tigilan mo nga 'ko, Chi. Pinagsasabi mo walang konek."
Natigil ang dalawa nang nakita ako. Naamoy ko ang nakasalang na ulam. Nilapitan ko iyon at tiningnan, bago binalingan ang dalawa.
"Pasensya na nakatulog ako."
"Naku, Ma'am, walang problema 'yon. 'Tsaka mabait na si sir," saad ni Rosie.
"Mabait naman talaga si sir, ah."
"Doon ka na nga sa lababo, Chi-chi. Hugasan mo ang hugasan doon."
Sumunod si China, pero mahina pa itong nagbubulong-bulong. "Mabait naman talaga si sir. Medyo may pagkabaliw nga lang kasi niyayakap niya minsan 'yong picture nila ni Ma'am Jimelle."
"'Wag niyong pansinin 'yang si China, Ma'am, baliw talaga 'yan," ani Rosie saka humagikhik, pati ako ay natawa.
Alas syete na nang ihanda namin ang pagkain sa lamesa.
"Uuwi ba si Reybien? May nasabi ba siya sa inyo?"
"Kararating lang ni sir, Ma'am," sabi ng kapapasok lang na isang kasambahay.
Hindi nagtagal ay pumasok na si Reybien. Aakyat na sana sa hagdan nang makita ako. Naglakad siya patungo rito sa kusina, hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko na tinagalan ang tingin sa kaniya, dahil habang tumatagal dahan-dahan akong nahuhulog. Baka hindi ako makaahon kapag nagkataon.
Tumigil siya sa tabi ko.
"Kumain na kayo, sir." si Rosie.
Saka ko lang tiningala si Reybien. Nagkatinginan kami. "Kumain ka na."
Aalis na sana ako nang pigilan niya ako. "Where are you going?"
"Aakyat na muna."
"Hindi ka kakain?" Salubong na ang kilay niya nang tingnan ko.
"Sasabay na lang ako kina Rosie–"
"Sasabay sila sa'kin kaya sumabay ka na rin."
Nakarinig ako ng singhapan at pigil na tili ni China.
"Oh, o-okay…"
Binitawan niya ako at naunang umupo sa upuan niya. Hindi ko napigilang makaramdam ng saya. Napangiti ako habang umuupo.
"The best ka talaga, Ma'am!" tuwang-tuwang bulong ni China nang naupo sa tabi ko. "The best ka rin, sir! Guwapo pa."
"Chi-chi," saway ni Rosie.
Hindi naging awkward ang hapag dahil sa kadaldalan ni China. Nakikitawa lang ako, si Reybien naman ay tahimik lang.
Umakyat na ako sa taas pagkatapos kumain, si Reybien ay lumabas para sagutin ang tumawag. Dumiretso ako sa banyo para mag-half bath. Nabungaran ko si Reybien sa kama paglabas ko.
"Bakit, may kailangan ka ba?" tanong ko.
Naka-satin pajama na, at mabango. May kalungkalong siyang unan.
"Dito ako matutulog," aniya na ikinalaki ng mata ko. "What? We're married couple naman." Pagkatapos ay nahiga siya.
"Reybien…"
Pinagpag niya ang espasyo sa tabi niya. "Napagod ako, gusto ko nang magpahinga. Now lay down here beside me."
Seriously?! Ano bang nangyayari sa kaniya?
"Sa sofa na lang ako," sabi ko.
Pero bumangon siya at hinuli ang pulusahan ko. "Don't worry because I won't do anything bad to you."
Napabuntong-hininga ako. Binitawan niya ako at dumasig upang bigyan ako ng malawak na espasyo. Nilagay ko ang ilang pillows sa pagitan namin, na ikinamaang niya.
"May reklamo ka? Kung meron bumalik ka na lang sa kwarto mo." Umiling lang ang lalaki at umayos na ng higa, at pumikit.
Humiga na rin ako at pina-dim ang ilaw. Matagal akong nakatulala sa ceiling, samantalang tulog na tulog na ang katabi ko.
Sinilip ko si Reybien na mapayapa nang natutulog. Ngayon ko lang siya napagmasdan nang ganito. Napakaamo ng mukha niya ngayon. Halos perpekto na ang pagkakagawa sa kaniya ng Diyos.
Napaka-guwapo mo, Mr. Fuertez.
Nagising ako kinaumagahan na katabi pa rin si Reybien, tulog na tulog pa rin siya. Nagtaka lang ako nang makita ang mga unan na nilagay ko sa pagitan namin kagabi, na nakakalat na ngayon sa lapag. Si Reybien ay nakasiksik na sa akin.
Gumalaw ako para makita ang mukha niya. Napakaamo pa rin. Ganiyan na lang sana siya palagi.
Tumagal na naman ang pagtitig ko sa mukha ng lalaki, hanggang sa masira nito ang pader na nagpipigil sa damdamin ko.
Mag-asawa kami. Wala man kami sa maayos na kondisyon, mag-asawa pa rin kami. At ako bilang asawa ni Reybien, may karapatan ako sa kaniya.
Totoo man ang pinapakita ngayon ni Reybien, o hindi, wala ng mababago sa naramdaman ko. Mahal ko na siya… at wala na akong pakialam kung masaktan ako sa huli.
"Good morning…"
Napawi ang bigat sa dibdib ko nang marinig 'yon mula kay Reybien. Gumalaw siya, dahan-dahang dumilat. Mapupungay ang mata niya.
"Morning."
Bumangon siya. "Maingay ba 'kong matulog para maaga kang nagising?"
Pinamulahan ako. "A-ah, hindi naman." Bumangon na rin ako. "Reybien, ahm… bakit mo pala naisipang matulog dito."
"Didn't you feel comfortable with me last night? Sabihin mo lang para hindi ko na ulitin."
So may balak pa rin siyang matulog dito sa kwarto ko?!
"Bakit nga ba hindi na lang sa master's bedroom ka natulog?"
"Dahil wala ka?" Humikab siya at bumaba sa kama. "I'm starving. Make me some cookies again, please?"
God!
Ano ba! Bakit nagkakaganiyan ka, Reybienito!
But I can't refuse his cuteness! Hindi lang pala siya hot at pogi pagi, cute rin siya. Umaatake rin pala ang kakulitan niya.
Bumaba ako sa kusina matapos maghilamos. Sila Rosie ay mga naglilinis na sa labas. Si Reybien ay nagtungo sa master's bedroom, at doon ko raw dalhin ang cookies at kape niya.
Since nagiging maayos na kami, tama na siguro ang simulan ko na rin siyang pagsilbihan.
"Ma'am, pinge ako ng isa." si China.
Binigyan ko ito ng tatlo. "Tatlo na 'yan."
"I love you too, Ma'am!" Saka siya lumabas.
Iiling-iling kong binuhat ang tray. Tinungo ko ang master's bedroom. Kumatok ako nang nasa tapat na ng pinto, walang sumagot kaya binuksan ko. Wala si Reybien. Lumabas ako at tinungo ang office ni Reybien sa mansyong ito.
Kumatok ako.
"Come in."
Pumasok ako. "Heto na ang kape mo."
Nanatili siyang nakatayo sa harap ng table niya, may mga envelope na tinitingan.
"Just put that in the table and leave," malamig na aniya.
What?! Gosh nagbago na naman ang mood niya. Bumalik na naman!
"Mas masarap 'tong kainin habang mainit-init pa."
"Just leave it here."
Binitang ko ang dala sa table pero hindi agad umalis. Sinilip ko ang nasa table niya, mga picture 'yon.
Nagbuntong-hininga ako. Lumapit ako upang tingnan ang nasa envelope, subalit agad pinulot 'yon ni Reybien. Tinago niya 'yon sa ilalim ng lamesa.
"Didn't you hear me? I said–" Tumigil siya nang paglingon sa akin ay sinalubong ko ang tingin niya.
"What is it all about, Rey?"
"Hindi mo kailangang idamay ang sarili mo sa ginagawa ko, Jimelle." Naglakad siya patungo sa dala ko.
"Damay na 'ko sa ginagawa mo kasi asawa mo 'ko. Bakit hindi mo sabihin sa'kin? Totoo bang kasapi ka ng isang organisasyon?"
"Hmm, taste good. Thank you for making me these." Tumayo siya, dala-dala ang tray saka lumabas.
Hapon nang umalis si Reybien. Wala na naman akong ideya kung saan siya pupunta. Wala ring binanggit kina Rosie.
Hindi ko alam kung uuwi rin siya, pero naghintay ako. Nanatili ako sa sala ng hanggang mag-alas diyes. Aakyat na sana ako para sa master's bedroom na lang siya hintayin, pero bago ako makaakya ay may narinig akong kaluskos sa pinto.
Kumabog ang dibdib ko.
Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, para akong pinapako. Nakita kong gumalaw-galaw ang seradura, pilit binubuksan.
Para na akong hinahabol ng toro. Namuo ang pawis sa noo ko. Lumakas ang tambol ng dibdib ko nang tumigil ang paggalaw ng hawakan ng pinto.
"Ah!" tili ko sa gulat ng biglang pagbangga ng kung sino sa pinto.
Dumilim ang buong paligid. Nataranta ako kung saan tatakbo dahil sa walang makita. Bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ay may humapit sa akin. Napigilan ng palad ang pagsigaw ko sa gulat.
"Shh… it's me."
"R-reybien?" Sa pabango niya ay nakilala ko siya.
"Keep quiet, wife. Stay here and don't move. Kahit anong marinig mo."
Sunod-sunod akong tumango. Ang tumatambol kong dibdib ay bahagyang kumalma. Pero hindi ako tuluyang napakalma nang mawala si Reybien, kasabay ng pagbukas ng pinto.
Mahigpit ang kapit ko sa hagdan habang nakasiksik. May mga naririnig akong lagabog ay pigil na daing, sa harapan ko mismo. Hindi ko makita dahil sa dilim, pero ramdam kong nasa harapan ko lang sila.
Hindi nagtagal ay narinig ko ulit ang pagsara ng pinto. Tumahimik ang paligid. Kinapa-kapa ko ang paligid.
"R-rey…" bulong ko.
Wala akong narinig na ingay. Sa pagtayo ko ay nagliwanag ang paligid.
"Reybien!" Bumaba ako sa ilang hakbang ng hagdan nang makita ito. "Anong nangyari?"
"Nagka-problema lang sa fuse. Inayos ko na," aniya.
Ha? Eh, ano 'yong mga nasaksihan ko kanina?
"Eh, ano 'yong–"
"Why are you still awake? Come on, let's go to sleep." Kalmadong kalmdo ang galaw niya.
Gulong-gulo lang akong nakasunod ng tingin kay Reybien. Nasira lang ba talaga ang fuse?
Dumiretso si Reybien sa master's bedroom. Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok na sa kwarto.
Tinanong ko sila Rosie kinaumagahan. Pare-pareho sila ng sagot. Wala naman daw silang narinig na kung ano kagabi. Nawerduhan pa sa'kin.
Hindi na lang ako nagpumilit. Pilit ko na lang isinawalang bahala ang kaganapan kagabi.
"Ma'am, may bisita kayo," si Rosie nang pumasok sa dinning area.
Nilapag ko ang kape sa harap ni Reybien at nilingon si Rosie.
"Ang kapatid ko ba?"
"Hindi po, eh. Kaibigan niyo raw."
Napatingin ako kay Reybien. Parang wala lang naman sa kaniya na may dayong dumating.
Agd akong lumabas upang tingnan kung sino ang tinutukoy ni Rosie. Nanlaki ang mata ko nang nakilala ang babae, kausap ni Roberto.
"Thea!" sigaw ko.
Napalingon siya. Tinakbo ko siya. Sinalubong niya ako. Nagyakap kami agad.
"Oh my, Venus! Kumusta ka na?" naiiyak na aniya at muli akong niyakap.
"O-okay lang ako, Thea. Ikaw, kumusta kana?"
Ngumuso siya matapos akong samaan ng tingin. "Eh, bakit parang hindi ka okay? May nangyari ba?"
"Mahabang kwento, Thea. But to make it short… I'm married."
Nanlaki ang mata niya. "Ipakikala mo naman sa'kin ang asawa mo! Don't worry, 'di ko naman siya aagawin."
Hinila niya ako papasok sa mansion. Pagkapasok namin ay nasa sala na si Reybien, nanonood. Nasa likuran ko si Thea nang lapitan ko si Reybien.
"Ah… Reybien, kaibigan ko, si Thea." Tiningnan niya lang si Thea at binalik na ang tingin sa pinanonood.
Hays! Pinahihiya niya naman ako, eh!
"So…"
Tumikhim si Thea at naglakad sa harap ni Reybien. He extended her hand for handshake.
"I'm Thea."
Umangat ang kamay ni Reybien para kamayan si Thea. Nakatingin lang ako sa kamay nila. Matagal bago sila nagbitaw.
"Permission to take your wife out, Mr. Fuertez?"
"Just take care of her." Hindi ko alam kung may kakaiba lang sa pandinig ko, o talagang may kahulugan ang sinabing 'yon ni Reybien.
"Don't worry, she's my best friend." Gano'n din si Thea.
Hinila na niya ako palabas. Nasalubong pa namin si China sa labas. At dahil excited na excited si Thea, inakala ni China na dinudukot ako ni Thea. Muntik nang hampasin ni China ng dustpan si Thea.
"Kaibigan ko siya, China."
"Gano'n ho? Pasensya na. Pero saan ho ba kayo pupunta?"
"Sa Mars." si Thea.
"Sa mall lang, Chi," sabi ko.
"Totoo ho? Pasalubong ko, Ma'am, ah!"
Hinila na ako ni Thea paalis kahit tuloy-tuloy pa si China sa pagbanggit ng pasalubong niya.
"Kahit ano lang ho, chocolates, sweet corn, pop corn, 'tsaka unicorn! 'Wag ho kayong uuwi hangga't walang pasalubong sa'kin, ah–"
Mabilis na pinaandar ni Thea ang sasakyan. Iiling-iling na lang ako habang natatawa.
Pareho kaming nagsuot ng cap at mask ni Thea bago pumasok ng mall. Kapapasok pa lang namin nang makita ang incoming movies namin, sa malaking screen.
Nangunot ang noo ko nang again niya ako sa boutique ng lingerie. Nakangisi niyang nililibot ang tingin sa lingeries. Tinaas-babaan niya pa ako ng kilay niya nang nilingon ako.
Napangisi ako. "May date ka mamaya, 'no?"
Natawa lang siya, hindi ako sinagot. Agad siyang namili. Lumabas kami sa boutique nang si Thea lang ang dalang pinamili. Hindi ako bumili dahil unang-una, wala pa akong lakas ng loob para isuot 'yon sa harap ni Reybien.
Umalis din kami ni Thea sa mall. Sa isang hindi crowded na restaurant kami kumain.
"Kumusta na si Lola?" tanong ko matapos sumimsim sa wine.
"She's perfectly fine naman no'ng daanan ko. Nami-miss ka na niya agad."
Nalungkot ako. Nami-miss ko na rin si Lola. Kung may pagkakataon lang, binalikan ko siya roon. At saka ako babalik dito kapag maayos na kami.
Gabi na nang umalis kami sa restaurant. Wala kaming madaanan na sweet corn kaya bumaba na lang muna kami saglit ni Thea sa chocolates shop. Dinagdagan ko na para bigyan na rin ang ibang kasambahay.
"Thea–"
"Oh, bakit? Nakapag-isip isip ka na ba kung anong posisyon ang una niyong gagawin mamaya ng asawa mo?"
Sinamaan ko agad ng tingin. "Wala na bang ibibilis 'tong sasakyan mo? Lalo tayong gagabihin nito kapag ganito kabagal ang paandar mo," sabi ko.
Para pa kasi niyang pinapasyal ang sasakyan.
"Oh, sorry. I forgot na masungit ang asawa mo," aniya.
Nahalata niya pala agad, unang kita palang nila.
Sa labas na lang ako tumingin. Madilim ang unang gubat na dinaraanan namin. Bangin na ang susunod na lalampasan namin, kaya na-tantsa ko na malapit na kami.
Habang nakatingin ako dulo ng gubat ay biglang may tila bubyog na bumubulong-bulong sa tainga ko. Ipinilig ko ang ulo ko, pero mas lalong lumakas 'yon sa pandinig ko, hanggang sa iba't-ibang nakakarinding ingay na ang naririnig ko.
Pinilig ko ang ulo ko, at sa ginawang 'yon ay may malinaw na boses ang sunod na naririnig ko. Hindi ko kilala ang mga boses na naghahalo sa putok ng baril. Humihina at biglang lalakas.
"V-venus, okay ka lang ba?!"
Naglahong parang bula ang magulong ingay. Sobrang bumilis ang tibok ng dibdib ko. Saka ko lang din napagtanto na huminto ang sasakyan.
"Anong nangyayari sa'yo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Thea. "Okay ka lang?"
"Ha? Oo! O-okay lang ako. Tara na."
Hindi napawi ang pag-aalala sa mukha niya. Binuhay niyang muli ang sasakyan at pinatakbo ng mabilis.
"Okay ka lang ba talaga?" ani Thea nang tumigil kami sa tapat ng gate.
Kumalma na ang dibdib ko. Sunod-sunod akong tumango. "Salamat, Thea. Babawi ako next time."
Niyakap niya ako at hinagod ang likod ko. "Basta palagi ka lang sumunod sa asawa mo, ligtas ka."
Inabot niya sa akin ang paper bag na may lamang lingerie. "A-ano 'to?"
"Regalo ko 'yan sa'yo, kasi nga kinasal kana. So ayan. Sige na, baba na. May lakad pa ako."
Binuksan niya pa ang pinto sa tabi ko at halos itulak na ako palabas.
"T-thea, sandali–"
"Go. Enjoy!"
Pinaharorot niya agad ang sasakyan paalis.
Sinalubong ako ni China pagpasok. Binigay ko ang paper bag na naglalaman ng chocolates at umakyat na rin. Parang nanghina ang katawan ko sa nangyari sa'kin kanina.
Dumiretso ako sa kwarto ko at agad humiga. Nabawasan ang pagkirot ng ulo ko. Napatingin ako sa pinto nang marinig 'yong bumukas. Pumasok si Reybien. Napabangon ako, hindi ininda ang biglang kirot ng ulo.
Bumaba ang tingin niya sa paper bag na hawak-hawak ko pa pala. Binalot ng init ang mukha ko matapos makita ang sexyng katawan ng babae sa labas ng paper bag.
Itinago ko agad sa likod ang paper bag. Hindi ako makatingin kay Reybien.
"A-anong kailangan mo?"
"How's your shopping?" Hindi ako agad naksagot. "Well, I guess nag-enjoy ka."
Umangat ang tingin ko sa lalaki. Nakatingin siya sa tinatago ko, may maliit na ngisi. Nag-umpisang tumibok nang mabilis ang puso ko nang humakbang siya palapit ng kama. Napaatras ako.
Gumalaw ang Adam's apple ni Reybien.
"A-ano… hindi ako ang bumili nito." giit ko.
"Hmm? Bakit nasa sa'yo?"
"K-kasi… ano." Wala akong masagot.
Natameme na lang ako hanggang sa umupo siya sa tabi ng kama.
"Tell me, Mrs. Fuertez. Are you going to start seducing me? Well, I'm excited…" paos niyang sinabi habang dahan-dahang yumuyuko sa'kin.
Nagtayuan ang balahibo ko at mas sumiklab sa init ang mukha. I put my palm to his hard chest. Halos wala akong lakas na itulak siya palayo.
"A-ano bang kailangan mo? Bakit ka pumunta rito?" My voice became week.
Dama ko ang init ng hininga niyang tumatama sa leeg ko.
"I'm here to get you to the master's bedroom. Because from now on, we'll sleep together as a married couple."
Wala ng lakas ang katawan ko, at mas nanghina pa sa mga sinabi niya. Parang unti-unti na akong tinutunaw ng mga sinasabi niya, at init ng katawan niya.
"But…"
Pati salita ay wala na ring lakas na lumabas sa bibig ko.
"The master's bedroom is waiting for us. Let's go."
Agad akong napahawak sa malapad niyang balikat nang binuhat niya ako.
"You have to calm down yourself, Jimelle. It's a sign. You're just starting to get your memories back," aniya.
Hindi na ako nakaimik pa dahil tuluyan nang bumigat ang katawan ko. Unti-unti na namang bumabalik ang kirot ng ulo ko, dahilan ng pagkahilo ko. Kaya sinandal ko na lang ang ulo sa balikat ni Reybien at hinayaan na dalhin niya ako sa master's degree.
Nakapikit na ako pagpasok namin sa master's bedroom pero gising pa ang diwa ko.
Hiniga ako ni Reybien sa malambot na kama. Mas masarap sa pakiramdam ang mahiga rito.
I felt his soft lips touched my cheek. "Now rest. You still need more energy for tomorrow."
With that, I fell asleep.
________________________________________
Luh uto-uto HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro