Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8: Pinili

I stopped at a brisk walk and faced Rosie. Her face was full of concern.

"Kailan kayo babalik, Ma'am? Baka ho kasi itanong sa amin ni sir." At bakit naman niya itatanong?

"Hindi na–" naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsigaw ni China.

"Ma'am!" bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Pagpasensyahan niyo na si sir. Asawa niyo siya at ang asawa ay hindi iniiwan ang kaniyang asawa."

But he doesn't treat me as his wife.

"Aalis ako pero babalik ako. Hindi ako magtatagal."

"Ah, akala ko ho hindi na kayo babalik." Tumayo si China at tinuyo ang luha sa pisngi. 

"Mag-iingat kayo." si Rosie.

"Ma'am, nasa loob na ho ng sasakyan ang gamit niyo."

"Sige. Kayo na muna ang bahala sa sir ninyo."

Iniwasan ko si Reybien matapos ang nangyari noong birthday niya. Hindi ako lumalabas ng kwarto kapag nasa mansion siya. Isang beses lang kaming nagkaharap sa dumaang ilang linggo.

"You are no longer grounded. Pero kung aalis ka, sa bahay ng parents mo ka lang p'wedeng magpunta," aniya.

Agad akong pinagbuksan ng gate ng kasambahay, kasunod nito ay si Manang. Malawak ang ngiti ni Manang.

"Na-miss kita, Jimelle! Kumusta ka na?" Iginaya niya ako papasok ng bahay.

"Maayos naman, Manang. Kayo po ba, kumusta naman?"

"Heto, hindi pa rin bumabalik sa pagka-dalaga." Natawa kaming pareho.

Napalingon sa amin ni Manang ang mga nakaupo sa sofa, nang pumasok kami.

"Sige, Jimelle, maiwan na muna kita. Magluluto lang ako." Tinanguan ko nang nakangiti si Manang.

Naglakad ako patungo kay Dad at Mommy sa sofa. Tumayo si Papa, salubong ang kilay.

"Anong kailangan mo?" Bumaba pa ang tingin sa maleta ko. "Anong… bakit ka may maleta? Pagtataguan mo na naman

Imbes na salubongin ako ng yakap…

"Ahm, Dad, gusto ko muna sanang mag-stay rito." Maiingat ang bawat salita ko.

"Gusto mo rito, hija?" si Mommy, hindi na naman ako nakikilala.

"Nasaan ang asawa mo?" tanong ni Dad.

"Ako lang, Dad." Doon sumiklab ang galit ni Daddy.

"Umuwi ka sa inyo. May asawa ka na, Jimelle, hindi na p'wedeng kapag gusto mo, gagawin mo na."

"Dad…"

"Alam ba 'to ng Asawa mo?" Napayuko ako.

Ano ang gagawin niya kapag sinabi kong hindi?

Nagtiim ang bagang ni Dad nang hindi ako agad nakasagot.

Tumango ako. "A-alam niya, Dad. May lakad siya kaya hindi nakasama."

"Halika, hija!" singit ni Mommy. "'Huwag mong pansinin ang asawa ko na 'yan." Hinila na niya ako paakyat sa taas.

Nakasalubong namin si Michelle. Nginitian ko ito ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay. "Pinalayas ka ng asawa mo?"

"Let's go." Nilampasan namin si Michelle.

Inupo ako ni Mama sa sofa, dito sa sala sa second floor.

"Kumain kana ba? Anong gusto mong kainin?"

"Busog pa ako, Mommy." Napanguso si Mom.

"Sige na nga, hahayaan kitang tawagin akong Mommy. Kahit hindi naman kita kilala," aniya.

Malungkot akong napangiti. "Mommy…"

Ngumiti nang malawak si Mommy. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. "Sana bumalik na ang anak ko, para may kasama na akong mag-bake."

Nagbi-bake kami ni Mommy noon?

"Marunong po ako," saad ko.

"Talaga? Marunong kang mag-bake?" Tumango ako. "Kaunti na lang talaga iisipin ko na ikaw ang Jimelle ko."

Ako naman po talaga ito Mommy.

"Marunog ka rin bang gumawa ng cookies?"

Tumango ako. "Yes po, Mommy."

Biglang tumayo si Mommy, at dahil hinawakan niya ang kamay ko, napatayo na rin ako.

Pinadala ni Mommy ang maleta ko sa kasambahay, sa kwarto ko. Bago kami dumiretso sa kitchen.

Tanghali na nang matapos kami ni Mommy. Marami ang ginawa namin para dalhin sa orphanage, na pupuntahan daw namin today. Kaya pagkatapos naming mag-lunch ay umalis na rin kami, kasama si Michelle.

"Sige, mag-iingat kayo. Sana naman ay kahit kaunti ay may maalala ka sa orphanage na pupuntahan ninyo," sabi ni Manang nang nagpaalam ako.

Ilang oras din ang byahe bago kami nakarating. May Ilang staff ng orphanage ang sumalubong sa amin at tinulungan kami sa mga dala.

"Kayo na ang magdala nito, Michelle, Jimelle." Binigyan kami ni Mommy ng tig-isang kahon ni Michelle. Hindi naman ito gano'n kabigat.

Hindi ko maintindihan. Alam na naman ni Mommy ang pangalan ko, pero bakit ang tingin niya sa akin ay hindi ako ang anak niya?

Agad kaming sinalubong na sumalubong sa amin ang mga bata. Hindi ko napigilan ang mapangiti hanggang sa matawa dahil sa mga gulat nila matapos akong makita.

"Hello."

"Hello, po sa inyo! Ang ganda po ng mata ninyo at ng buhok," namamanghang sinabi ng isang batang lalaki. Sinang-ayunan 'yon ng iba.

Natatawa ako at marahang kinurot ang mga pisngi nila, ang iba naman ay ginulo ko ang buhok na ikinatawa nila. Hula ko ay nasa lima hanggang pitong taon na sila.

"Maraming salamat. Kayo rin, ang gaganda at ang gaguwapo niyo."

Kausap na ni Mommy ang mga Madre, katabi si Michelle na binabati rin ng iba.

"Ako na po ang magdadala niyan, Ma'am," ang lumapit sa akin na binatilyo.

"Naku, salamat." Binigay ko ang kahon.

"Tara po sa ilalim ng baliti, Ate!"

Hindi ko na napigilang matawa dahil pinagtulungan pa nila akong hilahin. Hindi ako pinatanggi.

"Kumusta naman kayo?" tanong ko sa kanila nang pinaupo nila ako sa bato, sa ilalim ng baliti.

Umupo ang iba sa maliliit na bato, ang iba ay naglaro sa lawn. Malilim ang parteng ito dahil sa laki ng sakop ng punong baliti.

"Okay lang po kami."

"Ayos na ayos, po. Heto po ako, lumalaking guwapo," ang isang batang lalaki.

Iiling-iling akong tumawa. 

"Lumalaking mahangin kamo," asik ng batang babae.

"Yie, crush mo lang ako, eh."

"Hmp!" Sinampal nito ang lalaki. "Ang kapal-kapal mo talaga, Mavi!"

Tuluyan na akong napatakip sa bibig at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa dalawa.

"Lagi po talagang magkaaway 'yang dalawa na 'yan," bulong sa akin ng isang batang babae. Napangiti ako.

"Kapag ako lumaki na, sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita!" demanda ni Mavi.

"Naku, mga bata kayo," singit ko na. "Mag-aral muna kayong mabuti. Pure love can wait."

"Kayo ba ate may boyfriend na?" tanong ng isang bata.

"Wala, eh," sagot ko. Hindi masabing may asawa na, baka hindi nila maintindihan.

"Totoo po?!" Natatawa akong tumango.

Nagkatinginan silang lima. Napataas ang isa kong kilay dahil sa tinginan nilang iyon. Sabay-sabay nila akong tiningnan pabalik.

"Meron po kaming kuya. Pogi po at mabait, 'tulad ninyo," ani Mavi.

"Bagay na bagay ho kayo," dagdag ng isang batang babae.

"Naku, mga bata–"

"Sigurado po kami na maggugustuhan ninyo ang isa't isa!"

Natatawa na lang ako sa kakulitan nilang dalawa. Nabigla kami sa pagtaypo ng isa at pagtakbo sa likuran ko.

"Kuyang pogi!"

Nagsitakbuhan din ang iba patungo sa kung sinong dumating.

"Kumusta kayo?"

Tumayo ako mula sa kinauupuan at sumilip sa tabi ng baliti. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaki.

Anong ginagawa niya rito?!

"Kuya, halika may ipapakilala kami sa inyo! Maganda po siya parang Diyosa."

Napaayos ako ng tayo at inabangan ang pagbalik nila.

"Ate, heto po si Kuya. Ang sinasabi namin sa inyo."

Nilingon ko sila. Ang singkit na mata ni Danrick ay nanlaki.

"Danrick…"

"What the… Venus? Ikaw ba talaga 'yan?"

Imbes na sagutin siya ay lumapit ako sa kaniya. Ginawaran ko siya ng friendly hug.

"Nice… ikaw nga." Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin pabalik.

Kumalas na ako sa yakap. "Kumusta kayo ni Thea?"

"We're good, I guess?" Natawa ito.

"Jimelle," si Michelle. "Hinahanap ka na ni Mommy."

"She's my sister," sabi ko kay Danrick.

"Hi." Napangisi ako nang irapan lang siya ni Michelle, tumalikod na paalis. "Ang sungit naman no'n."

"Maiwan ko na kayo." Hinarap ko ang mga bata. "Masaya akong nakilala kayo, mga bata. Hanggang sa muli."

Sinundan ko si Michelle. Napatingin sa akin ang mga madreng kaharap ni Mama. Lahat sila nababakasan ng naguumapaw na kagalakan.

Nabigla man ay ginantihan ko ang yakap sa akin ng isang may edad na Madre.

"Jimelle…"

"Magandang araw, po."

"Napakaganda mo na!"

"Kamukhang-kamukha siya ng anak ko, 'di ba?" ani Mommy.

Nalungkot ang ngiti ng Madre. "Sana sa pagbalik niyo rito maayos na ang lahat."

Nanatili pa kami sa bahay ampunan para sa miryenda. Gusto ko pa sanang makausap ang pinunong Madre, ngunit naging abala na siya sa mga bata.

Bago umalis ay muli kaming nagkatagpo ni Danrick. Mabait din sa kaniya ang mga Madre, kilalang-kilala rin siya. Kaya pala kilala siya ng mga bata.

Dumaan ang dalawang araw ng pananatili ko sa bahay. Si Mommy, pabago-bago pa rin ang ugali. Si Dad naman ay walang pagbabago, hindi niya ako nilulubayan ng mgakatanungan.

"Hanggang kailan ba wala ang asawa mo? Sinabihan mo ba na rito dumiretso pagbalik niya?"

Nasimulan kong sagutin si Dad ng kasinungalingan, kaya ang mga nasasagot ko sa bawat katanungan niya ay wala ng katutuhanan.

Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Danrick kinaumagahan. Inaaya niya akong lumabas. Tatanggihan ko sana, sa takot na malaman ni Daddy, pero pumayag ako. Magbabaka-sakali akong makita si Brandon.

Me:

See you, Dan :)

Wala sila Mommy sa bahay kaya kay Manang lang ako nakapagpaalam. Habang nasa daan patungo sa restaurant na sinabi ni Dan, paulit ulit kong hiniling na sana makita ko si Brandon.

Gusto kong malaman kung sa Veanzee na 'yon naglalagi si Reybien sa t'wing umaalis siya. Pero kahit na hindi ko pa nakakaharap si Brandon, malakas na ang kutob ko na gano'n nga.

Namataan ko si Danrick sa labas ng restaurant. Pagkatigil ng sasakyan ay bumaba ako agad. Sinalubong niya ako ng ngiti.

"Bakit nandito ka sa labas? Hindi ba't dilekado?" Natawa lang siya sa sinabi ko at iginaya ako papasok sa loob.

Nahiwagaan ako. Maganda ang restaurant at nakakahalina ang ambiance, may mahinang instrumental romantic song, at maaliwalas sa matang kulay. Katangki-tangkilik ang lugar ngunit ang tao ay madalang.

"I choose this restaurant to avoid paparazzi. Don't worry, we are safe here," ani Danrick.

Halata nga. Dahil ang ibang narito ay tila walang pakialam sa mga taong nasa paligid nila.

"Kumusta ang lugar?" tanong niya nang makaupo ako sa upuang hinila niya para sa akin.

"It's nice." Ang romantic at elegante.

Lumapit ang waiter sa table namin. Si Danrick ang pina-decide ko sa pagkain. Nalulunod kasi ako sa kamamsid-masid sa paligid. Nahahatak ako ng ambiance.

Sa kalilibot ko ng tingin, isang lalaki ang mas nakahatak ng atensyon ko, kaharap ang babaeng nakatalikod sa banda ko. Tila nalunod ang puso ko sa nakikita. Nakaramdam ako ng pagkabigo.

Si Reybien… may dini-date na ibang babae? Hindi kaya… si Veanzee ba ang babaeng 'yon?

Nagawa niyang dalhin ang ibang babae sa magandang restaurant na ito, kaysa dalhin ang asawa niya?

You're too heartless, Reybien!

"Comfort room lang ako, Dan."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Reybien, tumayo na ako agad. Ngunit sa paghakbang ko ay nabundol ako sa waiter na hindi ko napansin na dadaan..

Tumapon sa akin ang inuming dala-dala nito. "I'm sorry," paumanhin ko dahil sa biglaan kong galaw.

"Jimelle, are you alright," si Danrick, nakatayo na sa tabi ko.

Tumango-tango lang ako at tiningnan ang waiter na walang imik. Nanlaki ang mata ko nang makilala ito.

Si Brandon.

"I'm okay, Danrick. Comfort room lang ako," sabi ko ulit.

Bahagya lang na tumango si Brandon. Dumiretso ako sa pagpuntang comfort room, hindi na nasagot pa si Danrick nang kumustahin ulit ako.

Pagdating ko sa comfort room ay wala akong naabutan. Ni-check ko pa ang cubicles para masigurong walang tao. Ilang minuto lang ang lumipas nang pumasok si Brandon. Ni-lock niya ang pinto.

"Kumusta ang pinagagawa ko?" tanong ko agad.

"Ako dapat ang magtanong niyan," nakangisi niyang sinabi. "Kumusta kayo ng asawa mo?"

Huminga ako nang malalim. Inabot ko ang tissue upang tuyuin ang natapunan kong suot.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi ko rin masabi na narito si Reybien, may ka-date na ibang babae. Sinabi ko na lang sa kaniya ang mga napansin ko kay Reybien noong mga nakaraang araw. Ang palagi niyang pag-alis, ang madalas na may kausap sa cellphone. At ang pag-uwi niya na tila nanggaling sa kung saang digmaan.

"How about your husband's plan?"

"Hindi ba't sinabi ko na na umaalis nga siya. Baka sa pinupuntahan niyang 'yon doon siya nagpa-plano."

Bahid ng disappointed ang hitsura ni Brandon. "Hindi mo man lang inaalam. Kahit 'yon man lang mga ginagawa niya kapag nasa bahay. Kahit 'yong pinupuntahan niya."

"'Yon nga ang itatanong ko. Sa pag-alis niya, nagkikita ba sila ni Veanzee?"

Nangunot ang noo ko nang umiling siya. "Hindi ko pa natatagpuan ang Veanzee na tinutukoy mo. Pero may nakalap akong impormasyon sa kanilang dalawa ng asawa mo."

Nagsimulang kumalabog ang dibdib ko. Wala pa man ay kumikirot na ang puso ko.

"Your husband's girlfriend... ever since they were in first year high school."

High school? Nasa elementary pa ako no'n. Thirty one years old na ngayon si Reybien, at ako twenty eight. Ibig sabihin… gano'n na sila katagal?

Para akong nilunod ng impormasyong nakuha ni Brandon.

Hindi maalis-alis ang sinabing iyon ni Brandon sa akin. Wala ako sa sariling bumalik sa table. Pagtingin ko sa table nila Reybien kanina ay wala na sila roon.

Tuluyang nawala ang sigla ko kanina sa pagpasok ng restaurant.

Wala na 'te, nasa hotel na 'yon sila.

Iwinaksi ko ang namuong 'yon sa isipan ko. Sinasaktan ko lang lalo ang sarili ko.

"Hey, are you okay?" Nagising ako sa kaiisip sa boses na iyon ni Danrick.

"Gusto ko nang umuwi. Pasensya na, Danrick…"

"Yeah, actually I was just waiting for you." Tinanguan ko siya at nauna na.

Si Danrick na ang naghatid sa akin. Nang tumigil ang sasakyan ay saka ako na-guilty.

"Pasensya na talaga, Danrick." Pero kahit ako ay hindi sapat sa pasensya lang.

"It's okay, Jimelle. There's always next time." Ngumiti ako.

"Ang bait mo talagang kaibigan, Danny." Ngumiti lang siya, hindi na nagsalita pa. "Salamat sa paghatid."

Pagkaalis ng sasakyan ni Danrick ay saka ako pumasok ng gate. Nagbuntong-hininga muna bago dumiretso sa bahay. Ang bigat sa dibdib.

Walang Manang ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa bahay. Boses nila Dad ang sumalubong sa akin. Napatigil ako sa paglakad nang makita sila sa sofa, kaharap ang lalaking nakikita ko pa lang na may ka-date kanina.

Anong ginagawa niya rito?

Humina ang tawa ni Daddy nang nakita ako. "Oh, nakauwi na ang magaling mong asawa, Reybien."

Kumalabog ang dibdib ko sa tono ng boses ni Dad. Tuluyan akong napako sa kinatatayuan nang magtama ang mata namin ni Reybien.

"Ano, tatayo ka na lang diyan?" Saka ako dahan-dahang humakbang patungo sa kanila, matapos 'yong sabihin ni Daddy.

"What happened to your dress?" tanong ni Mommy. Siya ang lumapit sa akin.

Nabawasan ng konti ang takot sa dalawang lalaki.

"I-I'm okay, Mom."

"Hmm, mukhang galing ka sa date. May nanliligaw na ba sa'yo? Guwapo ba? Kung oo sigurado akong maganda at guwapo ang magiging anak ninyo."

"Jicelle," si Dad kay Mom.

Tumayo si Reybien. Hinapit niya ang braso ko palayo kay Mommy. Napatingin ako sa kamay niya sa braso ko.

"Let's go home," bulong niya.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. Pinagkatitigan ko siya, at habang tumatagal mas nasasaktan ako.

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Okay…"

Umakyat ako sa kwarto para kunin ang ibang gamit na dinala rito. Nagbihis lang ako ng short at simpleng t-shirt saka bumaba.

"Babalik po ako rito," sabi ko kay Mommy.

"Magbi-bake ulit tayo." Tumango-tango ako. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Thank you for let me stay here, Dad, kahit ilang araw lang. Mag-iingat po kayo palagi…" Nag-aalangan man ay mabilis kong hinalakin si Daddy sa pisnge.

Tahimik lang kaming pareho ni Reybien sa sasakyan. Siya ang nagmamaneho, ako rito nakaupo sa backseat. Ang loob ng sasakyan niya ay nahahaluan ng ibang pabango.

Pabango 'yan noong babaeng ka-date niya kanina. Si Veanzee.

Pagtigil ng sasakyan sa garahe ay bumaba na si Reybien. Dire-diretso siyang pumasok sa bahay.

Hindi ko naman inasahan na tutulungan niya akong bitbitin ang maleta ko. Pumasok na lang ako, hila-hila ang maleta. Naabutan ko pa si Reybien sa sala. Didiretso sana ako sa taas, pero hinatak niya ang braso ko paharap sa kaniya.

"Where have you been earlier?"

"Ikaw, nasaan ka?" tanong ko pabalik.

Sa kirot na dinulot niya sa akin ay bumangon naman ang inis ko sa kaniya. Hindi ko hahayaan na saktan niya pa ako sa mga salita niya. Tama na 'yong mga sakit na nadudulot sa'kin ng mga pinapakita niya.

"Ako ang unang nagtanong–"

"Sasabihin mo ba sa'kin kung sino 'yong babaeng kasama mo kanin, kapag nasagot ko 'yang tanong mo?"

Umiigting ang bagang niya. Bahagyang humigpit ang hawak niya sa braso ko kaya inalis ko 'yon.

"So it was really you…" So nakita niya rin ako. "You're dating an fake artist?"

Ako ang na-insulto sa sinabi niya. "'Wag mong dinadamay ang kaibigan ko."

"Kaibigan? Nakikipagkaibigan ka sa mga peke?"

"P'wede ba, Reybien!" galit na sigaw ko. "I don't want to talk about this. Pagod ako."

Ipagpapatuloy ko na ang lakad nang muling mapatigil sa sinabi niya.

"Pinagod ka ba niya? Nag-hotel kayo pagkatapos niyong mag-date?" puno ng panunuya niyang sinabi.

Uminit ang gilid ng mata ko. Nilingon ko siya, puno ng galit at pagkadismaya sa paratang niya.

"Gago!"

Hindi ako nakuntento sa sigaw lang. Binalikan ko siya at binalibag ang maleta sa paanan niya. Hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

"Napaka-gago mo! Hindi ako makapaniwala na hinayaan kong ikasal ako sa gagong 'tulad mo!"

"Ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na magsabi niyan?"

"T*ng ina, Reybien!" Umigting lang ang bagang niya at tumaas ang isang kilay.

Hindi ko naawat ang pagragasa ng luha.

"Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, ginawa ko na sana ang lahat para hindi maikasal sa'yo. Hindi sana ako nasasaktan nang ganito, sa inyong dalawa ng girlfriend mo ever since you were in first year high school."

I saw something in his eyes. The emotions I can't tell.

Pero may mga salita pa ring gustong lumabas sa bibig ko. Kahit na alam kong ikadudurog ko… mas pinili ko pa ring pakawalan ito.

"Sana hindi mo na lang ako pinakasalan… S-sana nagpakalayo-layo na lang kayong dalawa para hindi ko na kayo nahadlangan."

Tinalikuran ko siya at dumiretso sa pag-akyat. Nasa kalahatian na ako nang saka lang nagsalita si Reybien. At ang mga sinabi niyang 'yon ang nagpagulo pa lalo sa aking isipan.

"Pero mas pinili kitang pakasalan… kahit na gulong-gulo pa rin ako sa naramdaman ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro