Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7: Birthday

Nanatili akong nakayuko, kagat-kagat ang labi. Ramdam na ramdam ko ang talim ng tingin ni Reybien sa akin. 

"Don't be stubborn. You're not a kid anymore," he said full of authority. "Now, go out and stop messing up with my house."

Bagsak ang balikat ko nang talikuran siya. Mag-iisang buwan na akong hindi nakakalabas. Hindi ko tuloy makumusta si Mommy. Muli pa akong inaya ni Michelle na lumabas ngunit hindi na pumayag si Reybien. Nagalit pa siya. Inaway ako. 

Oo, inaway ako. Uminit ang ulo sa'kin kinagabihan. Nainis nga ako kase hinaharap niya lang ako kapag iritable siya.

"Hindi pa ba sapat 'yong isang buwan?" saad ko nang nasa pinto na.

"Magmatigas ka pa para mas lalong hindi kana makalabas," aniya.

"Kahit cellphone na lang para ma-kumusta ko si Mommy?" Nilingon ko ang lalaki. Sinalubong ako ng madilim niyang tingin.

"It's dangerous," sabi niya at tinalikuran na ako. Ibig sabihin niyon ay tinatapos na niya ang pinag-uusapan namin.

Lumabas ako ng office niya at sinara ang pinto. Malalim akong napabuntong-hininga. Gusto ko sanang makipagkita kay Brandon tungkol sa babae. May ibabalita rin ako sa kaniya. Minsan ko kasing nahuhili si Reybien na may kinakausap sa cellphone, seryoso ang pinag-uusapan.

Pakiramdam ko ay panganib ang dala ng mga sinasabi ni Reybien. Bakit ba sa taong mesteryoso pa ako kinasal.

Tinungo ko ang halamanan upang tumulong kay Rosie. Habang dinidligan ang magagandang bulaklak ay pinupuno ako ng inggit sa katawan. 

Gano'n na ba ka-special kay Reybien ang Veanzee na 'yon para palagyan niya ng magagandang bulaklak na binibigay niya sa babae, itong garden?

"Sino si Veanzee, Rosie?" natanong ko.

"Ho?" Bakas sa mukha ni Rosie ang pagkalito. Kung sasagutin niya ba ang tanong ko, o magsisinungaling siya.

Umiling na lang ako. "Wala, Rosie, kalimutan mo na." Tinigil ko ang pagdilig.

Sa pagtayo ko ay natanaw ko si Reybien na lumabas ng mansion, kasunod si Roberto. Saan na naman siya pupunta?

Umalis ako sa garden. Hindi ko na naabutan si Reybien dahil umalis siya agad pagkasakay sa sasakyan.

Lumapit si Roberto sa akin. "May kailangan ba kayo?"

"Saan siya pupunta?" tanong ko, inalis na ang tingin sa dinaanan ni Reybien.

"Wala pong binanggit si sir, Ma'am."

"Sige… Wala akong kailangan, Roberto." Tumango siya at umalis na.

Hindi kaya kay Veanzee na naman?

Kay Brandon ko lang malalaman ang sagot. Kailangan ko na talaga siyang makaharap. 

Abala ako sa pagnguya ng grapes nang makarinig ng katok sa pinto. Naputol ang panonood ko sa mga punong sinasayaw ng hangin.

"Ma'am, marunong ho ba kayong mag-bake ng cake at gumawa ng cookies?" 

"Oo, Rosie. Bakit?" Umalis ako sa balkonahe.

"Gawan natin si sir, Ma'am. Mahilig ho kasi sir doon."

"Talaga?!" Sunod-sunod siyang tumango.

This is it, Jimelle! Ipaggawa natin ng cookies ang masungit mong asawa. Baka na lang payagan ka na ulit lumabas!

Dahil sa naisip ay agad ko nang hinila si Rosie pababa. Iniwan ko ang kinakain na ubas, ang iba ay naglaglagan pa sa sahig dahil sa biglang kilos ko.

"Masarap ang cookies kapag mainit init pa," ani ko sa kanila habang gumagawa kami.

"Pa'no ho kapag malamig na? Hindi ka na mahal?"

"Tsk, China!" asik ni Rosie. Natawa ako nang ngumuso si China.

Habang hinihintay namin maluto ang huling salang, dine-design-nan na namin ang vanilla cake na ni-bake ko.

"Sigurado ba kayong favorite flavor 'to ni Reybien?" paniniguro ko. Iyon kasi ang sinabi nila kanina.

"Oo naman, Ma'am. Ganiyan ho ang dinadalang cake ni Miss Veanzee kay sir." 

"Mika," si Rosie sa kasambahay na nagsalita. "Pasensya na kayo, Ma'am…"

Nginitian ko si Rosie, hindi pinahalatang pilit ang ngiti. "Okay lang, Rosie."

Iniwan ko muna sila sa lamesa para tingnan ang cookies. Okay na. 

Habang inaayos ang cookies sa lagayan ay hindi ko naiwasang mapa-isip. Bakit pa niya ako pinakasalan kung may minamahal siyang iba? Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko.

Kayang-kaya niyang tumanggi sa Mommy ko. Bakit hindi na lang ang Veanzee na 'yon ang pinakasalan niya. Alam ko na ba ang relasyon nila noong hindi pa ako nawawalan ng ala-ala? 

Kung oo, siguro labis akong nasasaktan noon. Kasi ang totoo, hindi mahirap mahalin si Reybien. Kahit na gano'n siya kapanganib, hindi mapipiigilang hindi siya mahalin. Pero ang sakit lang kasi… ako 'yong pinakasalan, pero may iba pala siyang minamahal. 

Matapos kong ayusin ang cookies ay iniwan ko na sila Rosie sa kusina para makapag-ayos. 

Narinig ko ang pagbusina ng sasakyan ni Reybien kaya dinali-dali ko ang pagbaba. Pero bago ko pa marating ang huling baitang ay nadulas ako. Gumulong ako pababa.

Kumikirot ang katawan ko nang narating ang ibaba.

"Hala, Ma'am, ang niyo! Para kayong assassin na nagpagulong-gulong!" si China na labis ang pagkamangha. Imbes na daluhan ako. 

Saka lang siya lumapit nang makatayo ako. Naalalayan niya ako agad bago pa ulit matumba dahil sa pagkirot ng paa.

Tumayo ako ng tuwid nang bumukas ang pinto. Pumasok si Reybien at agad nagtama ang mata namin.

"Sir! Si Ma'am ho–" Agad kong tinakpan ang bibig ni China. 

"China, secret lang natin 'yon," bulong ko sa kaniya na ikinatango niya.

Tumigil si Reybien, ilang dipang distansya sa amin.

"Kape, Chi."

"Yes, sir!" Agad umalis si China. Muntik na akong matumba.

Umayos ako sa pagkakatayo. Nangunot ang noo ni Reybien, bumaba sa paa ko ang tingin.

"What are you standing there? I don't want to see your face," malamig niyang sinabi saka ako nilampasan.

Parang binato ang puso ko. Mas nangibabaw ang sakit, sa kirot ng buong katawan. 

Sa kumikirot na paa ay sinikap kong bumalik sa taas. Hindi ko na siya nilingon, baka mas malumpo ako kapag nakita niya pa ang mukha ko. Gano'n na ba niya ako kaayaw?  

Pumasok ako sa kwarto ko at binalik ang panonood sa mga puno. I tried to forget what he said earlie that cause my heart ache.

Gusto ko lang naman malaman ang nangyari sa akin. Pero bakit nakararanas pa ako ng ganito. 

Dahil ba sa pagbabalik ko, nahahadlangan ko na ulit ang pagmamahalan nila ni Veanzee? 

Sana all, Veanzee. 

"Eh, kasi ho sir nahulog si ma'am!" Agad kong sinamaan nang tingin si Rosie dahil sa pagsabi niya. Ramdam ko ang takot sa boses niya. 

May kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Pumasok ka," sabi ko, lunod pa rin sa panonood sa mga puno.

I heard the door opened. But I refuse to look who get in.

"May masakit ba sa'yo?"

Meron, ang puso–

Napalingon ako sa pumasok nang makilala ang boses nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Hindi maintindihan ang bigla kong naramdaman nang makita si Reybien.

May dala siyang cold compress.

"Who are you asking? An stranger? Malamang, this is my house," aniya.

Naglakad siya palapit. Natikop ko ang bibig nang lumuhod siya sa harap ko. Binalot ng mainit niyang palad ang paa kong namamaga na. Parang binalot ng init ng pagmamahal niya ang puso ko.

Wrong, Jimelle, hindi ka si Veanzee para balutin niya ng pagmamahal.

Dinampi-dampian niya ng cold compress ang paa ko.

"Bakit mo sa'kin ginagawa 'to…" mahinang usal ko.

"I checked my room, and I saw may scattered grapes," usal niya. Tumigil siya at tiningala ako.

Tumahimik ako. Ako ang may gawa no'n, at alam kong pagbabayaran ko 'yon ngayon. 

"I asked the maids. Wala sa kanila ang may gawa. So it's you?" Tumayo na siya.

"Lilinisin ko–"

"Talagang lilinisin mo 'yon."

"Pero–"

"No buts. Now get up, go to my room and clean your mess. Right now." 

"Pero, Reybien, nakikita mo naman 'tong paa ko!" Tumaas ang boses ko. 

"Kasalanan ko?" Hindi ako nakaimik. My eyes watered. 

Napayuko ako. "I can't walk…" 

"That's not a problem." 

Sa pag-angat ko sa kaniya ay siya namang pagyuko niya sa akin.

He lifted me up from the bed. "I have to f*cking do this just to get you in my room. Ayaw ko ng kalat sa kwarto ko. At dahil sa kalat mong 'yon nagkaroon ng fruit flies."

"I-I'm sorry. P-put me down… kakayanin kong maglakad." Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa pag-iinit ng mukha ko. At sigurado akong para ng kamatis ang mukha ko ngayon. 

Hindi niya ako binaba. Palabas na kami sakwarto.

"And not just fruit flies. Meron ding palaka."

Wait… Palaka? Frog?

Bumilis ang tibok ng puso ko. Inabot ko ang seradura ng pinto ng kwarto ko. 

"What the!" Napatigil si Reybien.

"J-just this once… please let the maid clean it," nanginginig na sabi ko. Hinigpitan ko ang paghawak sa seradura. 

"Bitaw."

Umiling-iling ako. Namataan ko si China na nagpupunas ng vase sa flower base na nasa tabi ng hagdan. 

"Bumitaw ka, Jimelle." No!

"Takot ako sa palaka. Ang pangit nila. Please? Let the–ah!" hiyaw ko nang hilahin ako ni Reybien.

Nabitawan ko ang kinakapitan. Humapdi ang palad ko.

"China, help me!" nasigaw ko. Napamura si Reybien ngunit nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad.

Guwapo nga, wala namang gentleness!

May gentleness siya, hindi ka lang talaga si Veanzee.

Mabilis na napalingon si China. Nanlaki ang mata niya at napatakip sa bibig. My hand asking her help. Napalingon-lingon siya sa paligid, bago dinampot ang tsinelas niya at mabilis kaming tinakbo.

Nanlaki ang mata ko. Oh no… mali 'ata ang pumasok sa isip niya…

"Chi–" Naputol ang sasabihin ko nang binato ni China kay Reybien ang tsinelas.

Nanigas ang katawan ni Reybien, tumigil sa paglakad.

Umikot si Reybien paharap sa nagbato, tiim ang bagang. Nakita ko ang pagdaan ng takot sa mukha ni China. Dinampot niya ang tsinelas, and to my surprise again, binato niya 'yon kay Reybien. Dumaplis 'yon sa balikat ni Reybien. 

"T-tinutulungan ko lang si Ma'am! G-guwapo kayo at maraming pera, p-pero mali ang ginagawa n-ninyo!" Sabay hanampas niya ang isa pang tsinelas sa mukha ni Reybien. 

Napatili ako nang gumalaw ang braso ni Reybien. Habol ang hininga ko. Akala ko bibitawan na niya ako! Inayos lang pala.

Hinila ni China ang braso ko sa pagkakapulupot sa leeg ni Reybien.

"Ma'am, tara na ho! Tutulungan ko kayong makaalis. H-hindi ko sasabihin kay sir na itatakas kita," nagmamadaling aniya, natataranta kung pa'no ako kukunin kay Reybien.

Namumula na ang mukha ni Reybien. Magakdugtong na ang kilay, umiigting ang paa habang matalim ang matang nakatingin kay China.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko.

Yumuko si Reybien at pumikit. Tila pinakakalma ang sarili, pinipigilang mapigtas ang pasensya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. 

"You're f*cking fired. Ipatatapon kita sa China…" pigil na sigaw ni Reybien. 

Nanigas si China at lumapit sa tabi ko. 

"S-sir, asawa niyo si Ma'am. Hindi niyo siya basta-basta mapapatapon sa China! 'Tsaka ano pong alam ni Ma'am na wika roon? Kamsamnida."

Utak ko biglang humahalakhak. Ako ang natatakot para kay China. Pero hindi ko mapigilang hindi matuwa.

Marahas na nagpakawala na bumuntong-hininga si Reybien saka inangat ang tingin kay China. 

"Sandali," singit ko na bago pa magbunuan ang dalawa.

Binaba niya ako, hindi agad binitiwan. Inalalayan niya akong makatayo ng maayos, hindi inaalis ang tingin kay China.

"Ma-una kana, susunod ako," sabi ko. Saka niya lang ako tiningnan. "Lilinisin ko ang kalat ko, promise."

"Iuutos mo lang sa iba." Hindi talaga siya agad-agad napapaniwala. 

Umiling ako. "Promise."

"Nandon pa rin 'yong palaka." Kalmado na siya ngayon.

"I-I don't care…" Itinago ko ang pandidiri. "Kauusapin ko lang si China. Mukhang na-misunderstood lang siya kanina."

"Okay." Binigyan niya pa si China ng pagbabantang tingin, bago umalis.

Agad akong hinarap ni China. Punong-puno pa rin siya ng pag-aalala. 

"Kamuntikan na kayong mapaalis, ma'am..." alalang sabi niya.

"Oo nga, Chi. Salamat sa pagligtas mo sa'kin, ha." Nginitian ko siya nang malawak.

"Walang ano man, po." 

"Sige na, bumalik kana sa ginagawa mo. Kauusapin ko lang ang sir mo–na 'wag akong ipatapon sa China."

Bumalik na siya sa ginagawa. Hindi nakaligtas sa akin ang pagkausap niya sa tsinelas.

"Nakita mo 'yon? Nang dahil sa'yo mapapatapon si Ma'am sa China." Dinuro-duro pa niya 'yon.

Walang Reybien akong naabutan sa master's bedroom. Ang kumalat kaninang ubas ay ipon-ipon na sa sahig. Hindi na ako nahirapang mamulot. Hinanap ko ang fruit flies na sinasabi ni Reybien, wala naman akong nakita, kahit ang palakang pinagsasabi niya. 

Niloloko ba ako ng lalaking 'yon!

Narinig ko ang pagbukas ng shower sa bathroom. Palagay ko'y si Reybien 'yon. Kaya umalis na ako roon, dala ang ubas na pinulot. Naabutan ko pa si China kaya sa kaniya ko na pinasuyong itapon ang grapes.

"Sa China ko ba 'to itatapon, Ma'am?" tanong pa niya. 

Pagod na ako kalalakad at gusto na talagang humiga, kaya; "Kung kaya mong languyin, sige, doon mo itapon," na lang ang sinabi ko sa kaniya, at pumasok sa kwarto.

Mabigat ang katawan ko nang mahiga. Madilim na sa labas nang magising ako. Nakasara na ang makapal na kurtina sa balkonahe, at naka-dim na ang ilaw. Nawala na ang kaninang kumikirot-kirot sa katawan ko.

Ang paa ko ay lumiit na sa pamamaga at hindi na gaanong kumikirot, 'di 'tulad kanina. Nahiwagaan ako.

Wala akong naabutang gising nang bumaba ako upang kumain. Malalim na rin kasi ang gabi.

Nabungaran ko ang cake na ni-bake ko pagbukas ko ng refrigerator, wala itong kabawas-bawas. 

Hindi man lang niya tinikman…

Hindi ko na ni-check ang cookies. Baka tuluyan akong mawalan ng gana kapag nakitang hindi niya rin 'yon ginalaw.

Hanggang sa lumipas ang mga araw, hindi ko na 'yon pinansin. Kaininin na lang nila Rosie 'yon kapag napansin nilang hindi nagagalaw, kaysa masira.

Lumapit ako sa gawi Rosie, dala-dala ang paso na nilagyan ko ng halaman. Tinabi ko ang halaman sa isa pang halaman.

"Ikaw ho, Ma'am, ano ang regalo niyo kay sir?" tanong bigla ni Rosie. 

Nalingon ko sila. Nangunot ang noo ko at hindi agad nakasagot. Eh, hindi ko pa nga nabibigay sa lalaking 'yon ang relo.

"Birthday ni sir, Ma'am!" ang isang kasambahay. 

"Ngayon?" Parang may nabuhay sa kaloob-looban ko. 

"Opo! Maghahanda kami mamaya. Kayo na po ang bahala sa cake and cookies, para sweet."

"Ha? Hindi ba niya aayawan 'yon?"

"Bakit naman, po!" 'Di makapaniwala ng isa, nagkatinginan pa sila. "Gustong-gusto ni sir ng vanilla cake at cookies. Naubos niya nga po ng isang araw 'yong ginawa ninyo noon."

Doon ako nagulat. "K-kinain niya?"

"Opo, pinadala niya sa office niya."

Hala… totoo ba 'yon? 

Sa pagsapit ng hapon ay naging abala kami sa kusina, sa paghahanda. Wala si Reybien, kahapon pa.

"Umuuwi 'yon sa araw ng kaarawan niya, Ma'am," ani Roberto.

Madilim na sa labas nang marinig namin ang paparating na sasakyan ni Reybien. Na-excite ako na kinakabahan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, iba-iba. 

Nakahanda kaming lahat sa likod ng pinto. Ako ang may hawak ng cake.

"Saka na natin babatiin si sir kapag nakapagbati na si ma'am, ah." si Rosie sa mga kasambahay.

"Oo," na-unang sagot ni China, sobrang excited.

Pagpasok ni Reybien ay nagsilabasan kami. May naamoy akong alak sa kaniya. Mapupungay ang mata niya, nakainom nga. Natameme ako. Tumuwid si Reybien nang makita ako. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong cake.

Ibubuka ko pa lang ang bibig para bumati ay may nauna na. "Happy birthday, Sir!" si China.

"Happy birthday…" Saka sila nagbigay ng pagbati.

Humakbang siya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Sa bawat hakbang niya, tila tinatapakan ang puso ko.

Bumaba ulit sa cake ang tingin niya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagngiwi niya. May gumuhit na pait sa mata niya. Bakit ganito… Bakit hindi siya masaya? Hindi ba niya nagustuhan 'tong ginawa namin?

Hindi kasi ako si Veanzee, eh. 

Binaba ko ang tingin ko sa cake nang uminit ang gilid ng mata ko.

"Iwan na muna natin sila, mukhang gusto ni sir na ma-solo ang asawa niya," mahinang saad ni Rosie.

Nag-alisan sila. Kami na lang ni Reybien ang naiwan. Parang wala naman siyang pakialam.

"Happy birthday," pagbati ko ulit. He's just looking at me. 

"I hate vanilla cake." 

Nanigas ako nang lumapit pa siya. Amoy na amoy ko ang tapang ng ininom niya. 

"Masarap 'to…" sabi ko. "I made this for you."

Umayos siya ng tayo, hindi inaalis ang tingin sa akin. May ngising namuo sa labi niya. Ibang-iba siya sa Reybien na kilala ko, dahil sa ngising 'yon. 

Nagulat na lang ako nang tabigin niya ang cake na kamay ko. Nasira iyon sa sahig. Naiiyak ako habang nakatingin sa pinaghirapan ko.

"I said… I hate vanilla cake. I'd rather eat the crying poop than that."

Tumulo ang butil ng luha sa mata ko. I gritted my teeth. Inangat ko ang tingin kay Reybien. His expression changed when he saw my tears.

Bago pa ako makapagsalita na sigurado kong pagsisihan ko pagkatapos, tinalikuran ko na siya't umakyat sa hagdan, lumuluha. 

Ilang luha pa ba ang iluluha ko para bumalik ang ala-ala ko? Ilang sakit pa ba ang kailangan kong tiisin para mahalin ako? Bakit pa ba ako pinahihirapan nang ganito!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro