Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4: Pamilya

Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Patungo na kami sa bahay namin, wala man lang akong ka-ide-idea sa lahat.

Reybien was quite while driving. Hindi ako makapagtanong dahil tila may malalim siyang iniisip. Malalim ang kunot sa kaniyang noo. Hindi ko na rin napigilang titigan siya.

"What? Stop staring," wika niya, bahid ang inis. Pero sexy 'yon sa pandinig ko.

I averted my eyes on him and bit my lips hard. Ngunit kahit anong pagpipigil ang gawin ko ay talagang hinahatak ng sharp jaw niya ang tingin ko.

Nakaigting ang panga niya, ang paggalaw ng adam's apple niya ay sexy! Siya ba talaga ang asawa ko? Bakit sobrang guwapo?

"I said stop staring," mariin niya nang sinabi. Nilingon niya pa ako gamit ang matatalim na tingin.

I looked down at my hand. I haven't even stared at him for a long time, eh! Hindi pa nga nagsasawa sa kaniya ang mga mata ko!

I just calmed down and focused my gaze out the window, I even opened it to breathe the cold air.

Pumasok kami sa isang village. When the car stopped my chest began to throb. Darn, am I really in front of our house? Makakaharap ko na ba talaga ang pamilya ko?

Sumunod akong baba sa sasakyan. Biglang nanuyo ang lalamunan ko, gano'n din ang pagpawis ng kamay ko. Bakit ganito? Parang mas lamang sa excitement ko ang kaba?

"Let's go," ani Reybien at naunang naglakad.

Isang katulong ang nagbuksa ng gate.

"Magandang hapon ho, sir, ma'am." Nang magtama ang tingin namin ay nginitian ko siya.

"Thank you." Her eyes widened.

Parang nakakita ng multo dahil sa reaksyon niya. Hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Nilampasan namin siya.

May isang katulong ulit ang nagbukas ng pinto. Bigla akong napakapit sa braso ni Reybien. Napatingin siya sa akin. Imbes na bumitaw ay hinigpitan ko pa ang pagkakakapit.

Napatingin kami sa bumababa sa staircase. Tatlong elegante ang ayos.

Napaayos ako ng tayo.

Tumigil sila ilang dipa sa amin. Nagsimulang manlambot ang binti ko. I stared at their emotionless faces, looking at me.

Napalunok ako.

Tiningala ko si Reybien upang tanungin kung sila na ba ang mga magulang ko, pero marahan na siyang tumango. Wala rin siyang emosyon habang nakatingin sa akin.

Biglang uminit ang gilid ng mata ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Reybien at naglakad nang marahan palapit sa pamilya ko. Ang mga mata ko ay nanlalabo na dahil sa mga luha.

Ang buhok ng daddy ko ay may halo ng kulay abo. Sa katabi nila ay may mukhang mas bata sa akin na babae. She rolled her eyes at me.

Bumuhos ang luha ko. Sila na nga ang pamilya ko. Kaharap ko na ang totoo kong pamilya na itinago sa akin.

"D-dad." Nanginig ang boses ko.

Yayakap na sana ako sa kaniya, ngunit napaatras ako sa palad na lumipad sa pisngi ko. Nabaling ang tingin ko sa sahig. Hinaplos ko ang namanhid kong pisngi, marahang ibinalik sa kaniya ang tingin.

"Jimelle," matigas niyang pagbanggit sa pangalan ko.

Ang kaninang walang emosyon niyang mata ay nagsisiklab na sa galit ngayon.

Ganito ba sila mag-welcome?

"D-da–" Muling dumapo ang likod ng kamay niya sa kabila kong pisngi. Napaupo ako sa sahig.

Anong nangyayari?

"Mabuti naisipan mong bumalik dito!" Sinakop ng galit niyang sigaw ang bahay.

"I-I'm sorry, d-dad..."

Sobrang init ng mga mata ko. Ang pisngi ko ay parang tinutuasok ng pinong karayom.

"May lakas ka pang bumalik matapos ang ginawa mo sa'min?! Wala ka na talagang ginawang tama!"

Napatakip lang ako sa bibig. Nahihirapan akong huminga gawa ng pigil na paghikbi.

Nilingon ko ang kaninang kinatatayuan ko upang humingi sana ng tulong kay Reybien, ngunit hindi ko na siya nakita sa pwestong iyon.

Sumikip ang dibdib ko nang nakita siyang prenteng nakaupo sa sofa.

"Tsaa niyo ho, sir." Alok ng isang kasambahay kay Reybien.

Isa pang tanong… Asawa ko ba talaga siya?

Para lang siyang nanonood sa walang kwentang palabas. He was just watching me.

Kahit nanghihina ang tuhod ay pinilit kong tumayo. Hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa pamamanhid. Kumikirot.

Binigyan pa muna ako ni Dad ng matalim na tingin bago ako tinalikuran. Naglakad siya patungo sa nakaupong si Reybien na may sinisimsim na ngayong tsaa. Wala talaga siyang ginawa, pinanonood lang ako.

Narinig ko pa ang marahas na pagsinghal ni Mommy bago sumunod kay Daddy, kasunod ang kapatid ko. Pare-pareho nila akong binaliwala.

Nilunok ko ang nakabara sa lalamunan ko. Sumunod ako sa kanila. Uupo pa lang ako sa tabi ni Reybien nang agad akong pigilan ni Mommy.

"Manang, take her to her room," utos niya sa na ginang.

Sumama ako sa ginang na nakangiti sa akin. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kawartong pinasukan. Nagsimulang magkwento ang ginang habang nag-aayos sa silid. Ngiti lang naman ang kaya kong isukli.

Nagpadala siya ng pagkain sa isang kasambahay. Sinabi ko naman agad na hindi ako makakakain dahil sa pananakit ng panga ko.

"Gano'n ba? Pasensyahan mo na sila, Jimelle, ah." Puno ng pag-aalalang ani manang. Tumango lang ako at tipid siyang nginitian.

Sopas ang pagkaing dala ng kasambahay. Nakain ko naman 'yon dahil malambot. Nasarapan din ako. Kahit hindi ko naaalala si manang, ramdam ko ang pagiging sinsero niya sa mga sinasabi niya. Ang gaan din ng loob ko sa kaniya.

"Magpahinga ka na muna." Umiling ako.

"G-gusto ko lang na malaman kung gano'n ba talaga sila sa akin, Manang."

Malungkot siyang nagbuntong-hininga. Tumango nang marahan. Napayuko ako. Kung gano'n… Anong nagawa ko?

"Mas lumala lang siguro gawa nang nangyari noon." Muli akong napaangat ng tingin sa kaniya. "Nang dahil sa nangyari noon, kamuntikan nang ma-bankrupt ang business niyo at kamuntikan na ring mawala ang bahay ninyong ito. Kung hindi lang tinulungan ng asawa mo."

"B-bakit ho, ano bang nangyari?"

Mabigat ang pinakawalan niyang buntong-hininga. "Nang hindi ka sumipot sa kasal nagalit ang ibang investors, pati na rin ang business partner ng parents mo."

"H-hindi ako sumipot sa… kasal?"

Gulong-gulo ako. Bakit may singsing na akong suot? Bakit nakalagay sa marriage certificate na nakasal na kami?

"W-wala ka ba talagang naaalala?" Sunod-sunod akong tumango. "Diyos ko…"

"Hindi ko alam ang mga nangyari, Manang…"

Dahil sa mga nalaman kong ito, mas gagawin ko ang lahat para bumalik ang ala-ala ko, upang malaman ko ang puno't dulo.

Hinaplos niya ang namamanhid kong pisngi.

"Naniniwala ako sa'yo," nakangiti siyang tumango. "Magpahinga ka, Jimelle. Marami ka ng hirap na pinagdaanan simula pa lang. Bigyan mo ng kapayapaan ang puso mo."

Sana ganito rin si Mommy.

"At alam mo ba," pagpapabitin ni Manang.

Malungkot siyang ngumiti.

"Hindi lang ang muntik nang pagkawala ng company niyo ang kamuntikan nang mawala sa pamilya mo."

"A-ano po ang ibig ninyong sabihin?"

"Dahil sa nangyari,  ang mommy mo–"

Naputol ang sasabihin ni manang nang may kumatok sa pinto. Sabay kaming napatingin doon ni Manang. Bumukas iyon.

Pumasok si Mommy. "Manang, p'wede bang iwan mo muna kami."

Nilingon ako ni Manang at nginitian. "Maiwan ko muna kayo," nakangiting ani Manang at tumayo.

Lumapit si Mommy sa akin nang mawala si Manang. Tumayo ako. Wala pa rin akong nababakasan na kahit anong emosyon sa kaniya.

"Mommy." Napatingin ako sa kamay niya, binabantayan kung aangat sa pagsampal sa akin.

Nang gumalaw ang kamay ni Mommy ay agad akong napapikit para ihanda ang pisngi sa paglapat ng palad niya. Imbes na sampal ang matanggap ko, isang malambot at marahang haplos ang aking naramdaman.

Nagdilat ako at diretsong napatingin sa kaniya. Nakangiti siya sa akin.

"Masakit ba ang pisngi mo?" marahang tanong niya.

Nakagat ko ang labi ko. Marahan akong umiling kasabay ng pagtulo ng isang butil na luha sa kaliwa kong mata.

She loved me.

She wiped my tears away. "Shh... Hindi dapat umiiyak ang magandang 'tulad mo," aniya.

Kagat labi akong ngumiti. Tumango ako. Nanatili lang ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko. Nang tumigil ang paghaplos niya ay napansin ko ang pagbago ng malalamlam niyang mata.

Tinubuan ako ng pangamba sa pagdilim ng tingin niya.

"M-mommy–" Before I could finish what I'm gonna say, lumipad na sa pisngi ko ang likod ng palad niya.

Napaupo ako sa kama. Hindi agad nagpaawat ang mga luha ko, agad silang nagbagsakan kasabay ang isang patak ng dugo na nagmula sa nasugat kong pisngi gawa ng singsing na suot ni Mommy.

May dugo rin akong nalasahan sa tabi ng bibig ko. Pigil ko ang pag-iyak ko gamit ang pagkagat ng labi.

"Ang sama mo," parang wala sa sariling sinabi ni Mom.

Inaayos niya ang suot niyang black fitted dress nang angatan ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin, nakangiti na ulit. Sa nanlalabong paningin ay kitang-kita ko kung paano niya pa ako kinindatan.

"Mauna na ako, bye." Mabilis siyang lumapit sa akin.

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako ng may tunog sa pisngi bago kumaway at kikimbot-kimbot na lumabas ng kwarto.

Napatanga ako sa kawalan. Matagal akong nakatulala hanggang sa maalalang kasama ko si Reybien.

Mabilis akong naligo at nagbihis ng panibagong damit. Hindi ko pa naiwasang maluha kanina habang hinahaplos ang pisngi kong niliparan ng palad at likod ng palad.

Lumabas ako sa banyo nang natapos mag-ayos. Gano'n na lang ang gulat ko nang naabutan si Reybien na nakaupo sa tabi ng kama ko. Hinahaplos ng hintuturo niya ang blood stain ko roon.

"Kanina ka pa ba?" Kahit masakit sa panga ang pagbuka ng bibig ay pinilit kong magsalita.

Mahabang buntong-hininga lang ang sinagot niya saka ako tiningnan. Sa maliit na sugat sa pisngi ko dumapo ang tingin niya. Gumalaw ang panga niya.

"Are you done?" kalmadong tanong niya.

Hindi ko nagawa ang sumagot agad. Nang inangat niya sa akin ang tingin niya ay natigalgal ako sa kinatatayuan ko.

Please, calm down. Baka tuluyan nang lumipat sa noo mo ang pisngi mo.

"Yes. U-uuwi na ba tayo?"

"Gusto mo na ba?"

"U-umuwi na tayo…" Maliit lang siyang tumango at tumayo.

Sumunod na ako sa paglabas niya.

Nagpaalam ako sa pamilya ko sa kabila ng ginawa nilang pag-welcome sa akin.

Habang nasa sasakyan ay hindi ko mapigilan ang mag-isip. Tahimik kaming pareho ni Reybien.

Agad bumaba si Reybien nang makarating kami. Dali-dali kong tinanggal ang seatbelt ko at agad bumaba. Malapit na siyang makapasok sa bahay kaya tinakbo ko na ang distansya namin.

I just want to clarify something! At alam kong sa kaniya ko lang maiintindihan ang lahat.

"Reybien!" Nabigla ang panga ko.

Nasa sala ang ibang kasambahay. Hindi ko na pinansin ang nagtatakang tingin ni Rosie sa akin, dahil sa pagtatakbo ko.

Hindi ako nililingon ni Reybien. Gustong-gusto niya talagang habulin siya, 'no!

Nakarating na kami sa second floor. Bago niya hawakan ang seradura ng pinto ay hinarang ko ang katawan ko.

Nagsalubong ang kilay niya dahil sa ginawa ko.

"May itatanong lang ako." Nanginig ang boses ko.

Nakakapanginig talaga ng kalamnan ang mga titig niya. Salubong ang kilay na parang iniinis siya.

"Hindi na ba makapaghihintay 'yang katanungan mo na 'yan?"

Napaawang ang bibig ko. Kahit na gulo-gulo ang buhok ay hindi siya kayang tapunan ng salitang 'ang pangit'.

"Akala ko may sasabihin ka?" He sighed impatiently.

"Itatanong ko lang," muling bumuhos ang ala-alang nangyari kanina.

Napayuko ako at huminga nang malalim upang pigilan ang pagbabara ng lalamunan.

Tiningala ko siya ulit. How could you be this heartless, Reybien.

Wala siyang ginawa sa akin kanina habang inaapi ako. Hindi niya ako pinatanggol sa pamilya ko.

Pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko. "I'm sorry… I really don't remember anything. Gusto ko lang na tulungan mo ako. Kahit sagutin lang ang mga katanungan ko.

Nilunok ko ang bumara sa lalamunan ko.

"S-sabihin mo nga… sila ba talaga ang pamilya ko?"

"Yes," matipid niyang sagot.

"Then, why do they treat me like that?

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin.

"Kung gusto mo talagang malaman, makakaya mong alamin 'yon ng sarili mo lang," aniya.

Kung sila nga ang pamilya ko, bakit sila gano'n sa akin? Sila ang pamilyang inililigtas ko sa lalaking may hawak ng buhay nila…

"Isa pang tanong. Anong kamalian ang ginawa ko sa kanila? May masama ba akong nagawa?"

"Ano sa tingin mo?" he coldly said.

"Wala. Sa tingin ko naman wala, Reybien. Wala akong ginawang masama na pwede nilang gawing dahilan para ganituhin ako."

"Wala nga ba?"

Pigil na paghikbi ang nasagot ko.

Hinawi niya ako patabi. Nanghihina na ako kaya hindi ko na nagawang manlaban. Binuksan niya ang pinto pero hindi agad pumasok.

"Mali ka. Dahil kahit saan mo tingnan, malaki ang dinulot ng ginawa mo. Hindi lang sa pamilya mo, kun 'di pati na rin sa'kin," matiim niyang sinabi bago pumasok at binalibag ang pinto.

Napadaosdos ako sa pader, sapo-sapo ang mukha. Bakit ba 'to nangyayari sa akin? Bakit ganito ang buhay na ibinigay sa akin? Gusto ko lang naman ng simpleng buhay…

"Ma'am!" Boses ni China.

Tumatakbo siya palapit sa akin. Inabot niya ang kamay ko at hinila patayo.

"Ma'am, kinurot ho ba kayo ni sir?" Niyakap niya ako at hinagod ang likod ko.

"Okay lang ako, Chi."

"Ma'am, hindi iyak ang ginagawa ng magaganda kapag okay sila. Nagpa-party ho sila."

Natawa ako. Kumalas ako sa yakap.

"Para makabawi kayo kay sir, Ma'am. Suggestion ko ho na kurutin niyo talong niya habang natutulog siya."

"China!" nabiglang usal ko.

"Cute ho 'yon tingnan kapag namaga. Parang kaktos."

Oh my gosh, Chi...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro